Filipinoscript.docx

  • Uploaded by: Hydra Dragon
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipinoscript.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 323
  • Pages: 2
“Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng ligalig. Ito ay utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang butihing maybahay na si Reyna Veleriana.” ADAN: Ito ay tumutukoy sa Jerusalem, na pinamamalakaran ng Birheng Maria at ng Diyos na Ama ni Hesus. LLAVE: Ang lubos na kalungkutan ni Haring Fernando ay maihahalintulad sa Kalungkutan ni Hesus nang mamatay si Lazarus. REY: Ngunit ano ang maihahambing sa paglalakbay ni Don Pedro at Don Diego? Ang pagsasawalang-bahala nila sa ermitanyo ay maihahalintulad sa nangyayari sa kasalukuyan. Minsan, hindi natin binibigyang-pansin ang maliliit na bagay na ating kakailanganin sa ating ikinahaharap. Sa halip na tumutok sa pagiging kalmado at positibo, lumalaki pa ang suliranin sa kaguluhan ng isip. Bagkus, tayo ay nahihirapan at nabibigo, tulad ng nangyari kina Don Pedro at Don Diego. LLAVE: Ang Ibong Adarna naman ay maihahalintulad sa muling pagkabuhay ni Lazarus, na naging lunas sa kalungkutan ni Hesus at ni Haring Fernando. ADAN: Samantala, si Don Juan ay kusang tumulong sa ermitanyo at sa kaniyang mga kapatid kahit na may paboritismo sa pamilya. Hindi naging hadlang ang mga negatibong bagay sa kaniya sa pagpapatuloy ng kaniyang paglalakbay tulad ng mga OFW, at ni Hesus na isinakripisyo ang kaniyang sarili para maisalba ang mga mamamayan sa mga kasalanan nila. REY: Ipinapakita ng korido ang mabubuting katangian ng mga Pilipino, matulungin at magiliw tulad nang tumulong si Don Juan sa ermitanyo, may utang na loob, tulad nang pagtulong ni Don Juan sa kaniyang ama, at pagiging matiyaga sa bawat pagsubok sa buhay.

LLAVE: Ngunit may hindi kaakit-akit na mga katangian sa korido: ang paboritismo, katamaran, labis na pagprotekta, at pagsasawalang-bahala sa maliliit na bagay, na binigyang-halaga ng korido. Bagkus, isa sa mga aral ng korido ay ang pagpapahalaga. Kahit naghihirap tayo sa ating buhay, mayroong magbibigayhalaga sa bawat positibong gawa natin, maliit man o hindi.

More Documents from "Hydra Dragon"

Filipinoscript.docx
October 2019 7
Ponencia Deisy Jimenez
April 2020 8
Gnostic Crucifixion
May 2020 23
Liber Domini Satanae
May 2020 12
Monas Hieroglyphica
June 2020 12