May ulo, walang tiyan; may leeg, walang baywang. Sagot: Bote
Koronang mapula ay Katulad nito, lagi ng Nakakabit sa ulo Sagot: Palong
Heto na ang magkakapatid nag uunahang pumanhik Sagot: Paa
Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
Tatlong bundok ang tinibag, bago narrating ang dagat
Sagot: Niyog
Kumpol-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin
Sagot: Duhat
Munting tampipi, puno ng salapi
Sagot: Sili
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari Sagot: Zipper
Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon Sagot: Kalendaryo
Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat