Faith Healing

  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Faith Healing as PDF for free.

More details

  • Words: 3,232
  • Pages: 7
“M.D. : Manggagamot Daw” (Isang pag-aaral tungkol sa Faith Healing)

Rangel, Jana Marica T. , Maniacop, Kristine Isabel C. , Cruz, Christina Marie V. , Zipagan, Andrea, Fiesta, Pamela Marie 1-12 Sa Patnubay ni: Zendel Rosario Manaois-Taruc, M.Ed.

I.

Mga Kaugnay na Pag-aaal at Literatura Ang pag-aaral na ito ay may pangunahing layunin na madagdagan ang kaalaman ng madla ukol sa

konsepto ng Faith Healing. Ito rin ay naglalayong bigyang linaw ang ilang mga paniniwala at mga kwento ukol sa Faith Healing at mga albularyo. A. Ano ang Faith Healing? Ang faith healing ay “ang paggamit ng ispiritwal o relihiyosong pamamaraan gaya ng mga dasal upang mapaggaling o malunasan ang isang sakit.” (Wikipedia, 2008) “Ito ay isang uri ng magical thinking sa pagitan ng isang manggagamot at isang pasyente kung saan pareho sila ng paniniwala sa kakayahan ng pagpapagaling sa tulong ng power of spirits o mysterious healing. Minamanipula ng isang manggagamot ang pasyente tungo sa paniniwalang siya ay nagamot sa tulong ng dasal at pagpapagalaw ng mga parte ng katawan matapos magpaggamot.” (skepdic.com) B. Ang mga Albularyo sa Pilipinas Ang faith healing ay isa na sa mga tradisyon sa Pilipinas na sinasangguni ng iba’t ibang klase ng tao na may paniniwalang maaari itong makagamot ng kanilang sakit. Mayroong iba’t ibang katawagan sa mga faith healers dito sa Pilipinas, ang mga ito ay: spiritual healers, wonder healers, spirit doctors, super-doctors, miracle healers, spiritual therapists, occult healers at mga albularyo. Laganap ang faith healing sa Pilipinas at kahit sa malalapit na probinsiya dito sa Maynila tulad ng Pampanga at Tarlac, ngunit hindi lamang sa mga probinsiyang ito matatagpuan ang faith healers, kundi sa marami pang parte ng Pilipinas gaya ng Visayas Region (Licauco, 1981). Bagama’t

Licauco, 1981

walang tiyak na lunas ang hatid nito sa mga may sakit, tinatangkilik pa rin ito ng mga mamamayan

Sa Pilipinas, ang Faith Healing ay itinuturing na sukatan ng tibay ng pananampalataya at tatag ng pananalig sa tagapaglikha. Hindi mabilang ang dami ng mga Faith Healers sa bansa, subalit tinatayang mahigit kumulang 10,000 na ang kanilang populasyon at hindi pa kabilang diyan ang mga faith healers na naninirahan sa mga malalayong pook. Sinasabing karamihan sa kanila ay naninirahan sa mga isla at

probinsya sa katimugan kung saan naglipanan din ang iba’t ibang kwento tungkol sa mga di-maipaliwanag na pangayayari (Snow, 2007) Sa mga nakalipas na taon, hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang faith healing, kundi maging sa mga turista na malalapit at malalayo sa bansa. Naging sentro ito ng pansin ng mga taong naghahanap ng lunas sa iba’t ibang klase ng sakit, kung saan para sa kanila ay milagrosong gumagaling ang kanilang mga karamdaman. Iba-iba man ang paniniwala, marami pa ring umuusisa at nahuhumaling na subukan ang kakayahan sa panggagamot ng mga faith healers na dulot na rin ng kasikatan nito sa bansa maging sa publicity nito mula sa mga tourism promoters. Isang sikat na magasin ay naglimbag ng artikulo sa faith healing sa Pilipinas kung saan matatayang mayroong 48,000 katao ang taun-taon dumarayo sa

Awfulblogs.com

bansa para lamang magpagamot sa faith healers. Ayon pa rito, ang mga turistang ito ay tila naghahanap ng swerteng lunas sa kanilang sakit gaya ng kanser ( Palanca, 1975) C. Ang Kasaysayan ng mga Albularyo sa Pilipinas. Isang “spiritist group” na tinatawag na Union Espiritista Christiana de Filipinas ang nagtuturo ng art of healing ditto sa Plipinas. Itong relihiyosong pangkat na ito ay nagsimula pa noong 20th Century na inimpluwensyahan ng mga gawain ni Allan Kardec, ang sumulat ng Book of Mediums. Higit kumulang 10,000 miyembro ng samahang ito ang nagkalat sa Northern at Central Luzon, partikular sa Ilokos, Pangasinan, Baguio at Maynila. Iba’t ibang uri ng mediums tulad ng panghuhula (fortelling the future), pakikipag-usap sa mga ispiritu, pagpapaalis ng demonyo (exorcise evil spirits), at mga medium ng panggagamot. (Licauco, 1981) D. Kalikasan ng mga “Pinoy” na Albularyo. Ang mga Pilipino ay likas na ispiritwal, malakas ang paniniwala sa mga ispiritu na kung tawagin ay “anitos” at nature spirits o “encanto” na namumugad sa mga bundok, kweba, dagat at bato. Kung kaya’t napakadali para sa mga Pilipino ang makipag-usap o makipag-ugnayan sa ganitong uri ng lakas na nakatutulong sa kanilang panggagamot. Dahil ang mga Pilipino ay hindi dumidepende lamang sa limang uri ng pakiramdam (five senses), sila’y may kakayahang tumanggap ng konseptong di pangkaraniwan. Pinaniniwalaan rin na ang Pilipinas ay naging parte ng “psychic center of influence”, kung saan ang mga Pilipino ay mga tagasunod ng ancient Lemurians (those who have advanced psychic powers and perceptions), na nagpapaliwanag kung bakit maraming faith healers sa bansa. Ang mga Pilipino ay likas na palakaibigan at kalmado, dahil dito malakas ang kanilang pakiramdam at may kakayahang buksan ang isipan sa mas malawak na sakop kumpara sa ibang tao. Ito’y sadyang totoo sa mga Pilipinong taga baryo o probinsya. (Licauco, 1981) E. Mga Paraan ng Panggagamot ng mga Albularyo Maraming klase ang mga albularyo. Bagkus, may kanya-kanya silang istilo sa panggagamot. Ang mga Herb doctors o “herbolarios” ay ang mga karaniwang albularyong matatagpuan sa mga probinsya.

Gumagamit sila ng mga halamang nakatutulong sa pagpapagaling. Meron ding mga Bone-setters o “manghihilot” na katulad ng chiropractors o osteopaths

sa

mga

bansang

nasa

bahaging

kanluran ng mundo. Napadidiretso nila ang mga butu-buto at napaaayos ang mga nerves at ligaments. (Licauco, 1981). Ang pagsusuring

Licauco, 1981

kanilang isinasagawa ay hindi lamang sa pisikal na pamamaraan kundi sa emosyonal at ispiritwal

na antas. (Quisumbing, 1978) Ang mga Charismatic Healers ay mga albularyong gumagamit ng meditations at mga dasal. Nanggagamot sila kapag nasapian na sila ng isang ispiritu at iniaabot nila ang kanilang kamay sa ulo ng pasyente. Kadalasan, isang hawak lang ay bigla na lamang nahihimatay ang pasyente. Ang Psychic Healers naman sa Pilipinas ay karaniwang may distansya sa pasyente at gamit ang kanilang malalim na pagiisip ay nakapagpapagaling ng pasyente. Minsan gumagamit sila ng litrato upang makatulong sa pagpokus. Ang mga Magnetic Healers ay tumututok sa pagdarasal at naghihintay na dumating ang mga enerhiya na kailangan upang makapanggamot. Kapag naramdaman nilang paparating na ang lakas, sisimulan na nilang idaan ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng parte ng katawan na apektado ng sakit. Kaya din nilang tunawin ang mga cysts at tumors at magpagaling ng leukemia. May

iba

pang

mga

paraan

nang

panggagamot ang isang albularyo sa kanyang pasyente: pagkuskos

dasal

(prayers),

(rubbing),

pagdura

pagtapal

(spitting),

(plastering),

at

pagbulong (murmuring). Marami sa mga diyagnosis ng albularyo (tawas, luop) at mga lunas nito (tapal, kudlit, pangontra, bulong, orasyon) ay nakaapekto sa kanilang paniniwala sa mga kakaibang nilalang at sa mga karamdaman na dulot ng mga ito. Ang

Licauco, 1981

pagdarasal ay pagtawag at pagsusumamo sa Diyos o sa nakatataas. Ang pagdura naman ay iniuugnay sa pagnguya at pagkatapos ay idudura ito sa bahaging kailangang gumaling. Ang ginagawa sa isang tinuli ay nginunguya ng albularyo ang tabako na may kasamang dahon ng bayabas at ito ang itinatapal sa bagong gupit na balat sa may dulo ng ari ng lalaki. Ang laway ay mabisang gamot para sa mga usog o gaway. Ang pagkukuskos naman ay may kasamang pagmamasahe. Asian Journal. (Nobyembre 4, 2008). Kaya din ng mga albularyong magpaalis ng masasamang ispiritu sa tahanan sa pamamagitan ng mga ritwal ng pagtatawas at orasyon. Binibigyan nila ng mahiwagang papel na may sulat ng mga dasal ang may-ari ng bahay at ito ay nakalakip sa isang mahiwagang panyo. Sa pagtatawas nila nalalaman ang itsura at anyo ng ispiritu. Tinutunaw nila ang kandila sa tubig at ito’y nagiging kahugis mismo ng mga aninong nakikita ng mga residente. (Rose, 2007) F. Epekto ng Faith Healing Noong 1996, 79% ng 1000 na matatanda ay naniniwala sa Faith Healing. Bagama’t batid ng mga tagapangalaga ng kalusugan ang malaking epekto ng Faith Healing sa proseso ng panggagamot, marami parin ang manggagamot ang isinasawalang bahala ang katotohanang ito sapagkat walang paring pag-aaral

ang isinagawa upang tukuyin ang ugnayan sa pagitan ng spiritual na kakayahan at ang kayang gawin ng agham at medisina. (Barret, 2003) Ang Faith Healing ay hindi nakapagbibigay ng tiyak na lunas ngunit sa kabilang banda, wala rin naman itong masamang maidudulot sa katawan depende na rin sa pamamaraang gagamitin. Tanging pananampalataya lamang ang sandigan sa uri ng panggamot na ito. May ilang mga kwento na nagbibigay ng ebidensya sa kahusayan ng Faith Healing, ngunit ang ilan sa mga ito ay gawagawa lamang ng mga mapagsamantalang mamamayan.(Romero, 2002) May ilang mga pamamaraan ng panggagamot na minsan ay nakapagdudulot ng mas grabeng komplikasyon at kalimita’y humahantong sa pagkamatay. Ang lubos na paniniwala sa epekto ng Faith Healing at pagsasawalang bahala sa kakayahan ng agham at medisina ay maaaring makapag udlot ng karampatang lunas na nararapat sanang ibigay sa maysakit. Dahil dito, maraming mga maysakit na umaasa lamang sa Faith Healing ang pansamantalang gumagaling ngunit nagkakaroon ng pabalik-balik na sintomas ng karamdaman at kadalasay pinababayaan lamang hanggang sa umabot sa napakaraming komplikasyon. (Flamm, 2005)

silvahealing.com

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A.A.Metodo Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamaraang pakikipanayam at pananaliksik sa arkibya kabilang ang mga journals, internet at iba pang lathalain . Nagtungo kami sa Quintos Dapitan Street kung saan naroon ang albolaryong manggagamot na si G. Vicente Faduhilao Prado, matapos hingiin ang pahintulot na kami’y mag-oobserba at makipapanayam, aming sinimulan na idokumento ang paraan o proseso ng panggagamot ng albularyo, gamit ang instrumento naming video camera. Aming nirekord ang mga ritwal nito sa panggagamot at paraan ng paghilot. Matapos ang obserbasyon, kami’y binigyan ng oras upang makipanayam, sa pamamaraan na ito, aming ginamit ang video camera, upang mai dokumento ang talakayang naganap, ang taperecorder upang masiguro ang mga impormasyon at mabalikbalikan pa ito.

Gumamit din kami ng talatanungan, na

naglalaman ng mga tanong para sa aming kinapapanayaman, upang maging organisado at detalyado ang mga impormasyon na aming makukuha. Gumamit rin kami ng tseklist, at ito’y nagsilbing gabay sa amin sa pagtatanong, ito’y upang maiwasang makalimot ng mga importanteng katanungan at makatipid sa oras. Kasama ng obserbasyon, pakikipanayam, paggamit ng talatanungan at tseklist ang pagiging mausisi at matanong sa ganitong pag-aaral, at buhat dito ang mga produktibong impormasyon na aming nakuha na higit na nakatulong sa aming pag-aaral.

B. Panayam

Katuwang ang kanyang asawa, may dalawang anak si Mang Vicente - isang babae at isang lalaki. Naabutan namin siyang nanggagamot ng ilang pasyente sa kanya mismong tahanan na nagsilbing lugar ng pagamutan. Ito'y puno ng mga imahe ni Santo Nino at Birheng Maria, mga litrato ni Hesus, at isang malaking rebulto na katulad ng Poong Nazareno. Nakuha niya ang mga rebulto mula sa mga sinalihan niyang grupo na nakaisa niya sa panggagamot. Suot niya ang isang medalyon, ang "Sulo Mata", na may isang mata sa gitna na sumisimbolo sa Diyos na Ama. Sa kanyang tabi ay ang mga kasangkapang kanyang ginagamit - mga maliliit na baso na may tubig, langis ng niyog, bigas para sa pagtatawas at ilang mga rosaryo. “Ang aking panggagamot ay isang maituturing na tradisyon dahil marami sa aking mga kapamilya at mga kamag-anak ay mga albularyo. Nagsimula ang aking panggagamot nang ako’y sumali sa isang grupong tinatawag na "Nuestra Senora del Gumamela Sais". Gamit ang baston bilang gabay, nakahawak ako ng mga taong nasasapian. Ang pinakaunang pamamaraan na aking ginawa ay ang pagtatawas. Hindi ko kontrolado kung kailan ako pwedeng manggamot dahil kapag pinahintulutan na ako ng Diyos sa pamamagitan ng bulong o apparition, doon ko lang makukuha ang lakas para makapanggamot. Ang panggagamot kasi ay isang ispiritwal na kakayahang ipinagkaloob sa akin ng Diyos.” Nasaksihan namin ang kanyang panggagamot sa isang babaeng nakulam at mula pa sa Iloilo. Ang dalaga ay may mga butlig sa katawan na katulad ng sa mga may sakit na bulutong. Ang kanyang mga daliri ay hindi nagpantay-pantay nang ang kanyang palad ay pagdikitin. Nang aming tanungin ang naturang pasyente na ayaw magpakilala, kung bakit sa albularyo sumangguni, ang sagot niya’y “Ang alam ko nakulam ako, nang pumunta ako sa doktor sabi nila chicken pox raw, ngunit nagkaroon na’ko noon, kaya naisip ko magpatingin sa albularyo”. Ganun din ang sagot ng ibang pasyenteng aming nakapanayam, ayon sa kanila, dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng pera mas nais nalamang nilang magpa-“hilot” o magpagamot sa mga albularyo. Tinusok ni Mang Vicente isa-isa ang mga daliri nito at dinurahan. Tinapat niya ang kanyang baston sa tiyan ng pasyente at nagdasal. Pagkatapos ay nagbigay din siya ng ilang mga paalala. “Iha, kumain ka ng mga prutas tulad ng ubas maliban sa pinya at melon. Bawal din ang mga karneng baka at malalansa gaya ng isda. Bilhin mo itong pulseras na may mga batong rosaryo mula sa Palawan. Itatataboy nito ang mga masasamang ispiritu.” Ayon sa isa pang pasyenteng aming nakapanayam, matagal na siyang nagpapagamot kay Mang Vicente, mula pa1990, ngunit pabalik balik rin it dahil sa sakit ng binti, nang aming tanungin kung siya’y sumangguni na sa doktor ang sagot niya’y, “Oo. Pero isang beses lang, mahal kasi ang gamot at nakakaraos naman ako na dito lang nagpapagamot.” Matapos ang naturang pagpapagaling ni Mang Vicente, tinapalan naman ng kanyang asawa ang likod ng mga pasyente ng mga dahong panggamot. At bago sila umalis, aming na-obserbahan na namimigay sila ng donasyon sa Donation Box bilang pagtanaw ng utang na loob.

C. Interpretasyon Pagsusuri ng mga datos Si Mang Vicente ay hindi yung tipo ng albularyo na aming inaasahan. Siya ay napakarelihyoso at ang kanyang mga paniniwala sa panggagamot ay pinaghalong tradisyonal at moderno. Pinapayuhan din niya ang kanyang mga pasyente na magpatingin sa doktor dahil hindi niya kinokontra ang mga pamamaraan nito. Para sa kanya, ayos lang kahit na siya ang pangalawang lapitan ng mga may sakit dahil nais lang naman niyang makatulong sa kapwa at gampanan ang misyong ibinigay sa kanya. Ang kanyang panggagamot ay pumapangalawa lamang sa kanyang layunin; sapagkat ang kanyang pangunahing motibo ay maibalik ang mga tao sa panananampalataya sa Diyos gamit ang rosaryo. Kumpara sa mga Faith Healers sa ibang bansa, mas tutok ang panggagamot ng mga Pilipinong albularyo dahil one-on-one silang nanggagamot at hindi nila pinipili kung sino ang kanilang gagamutin. Sapagkat ang mga banyagang albularyo ay nagsasagawa ng mga assembly kung saan maraming dumarayo upang magpagamot; at may bumubulong sa kanilang boses na nagsasabi kung sino ang kanilang gagamutin. Kumbaga, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon ng magamot. Sa pilipinas kabilang sa faith healing ang panggagamot ng mga taong nasapian “exorcised”, mga taong nanuno o na-dwende,at mga

nakulam, ngunit kung ihahambing sa kultura at paniniwala ng mga banyagang manggagamot, sila’y hindi nagsasagawa ng ganitong pamamaraan ng panggagamot.

FAITH HEALERS SA PILIPINAS FAITH HEALERS SA IBANG BANSA Mga Pagkakaiba Mas tutok ang panggagamot ng mga Pilipinong Albularyo sapagkat one-on-one silang nanggagamot at hindi sila namimili ng gagamutin.

Ang mga banyagang albularyo ay nagsasagawa ng mga assembly kung saan maraming dumarayo upang magpagamot; dito may bumubulong sa kanilang boses na nagsasabi kung sino ang kanilang gagamutin.

Kabilang sa Faith Healing ang panggagamot ng mga taong nasasapian “exorcised” mga taong na-nuno o na-dwende at mga nakulam.

Sa kultura at paniniwala ng mga banyagang manggagamot, sila’y hindi nagsasagawa ng ganitong pamamaraan ng panggagamot.

Mga Pagkakatulad Gumagamit ang mga albularyo ng mga materyales tulad ng langis, mga halamang panggamot, baston, kandila, itlog, bigas, baso, anting-anting at iba pa.

Gumagamit din sila ng mga kasangkapang kahalintulad ng ginagamit ng mga albularyong pinoy tulad nga langis, baston, at medalyon.

Ang mga pilipinong albularyo o faith healers ay nag-oopera ng mga pasyente gamit lamang ang kanilang mga kamay, walang anesthesia o ano mang kagamitang medical.

Ang mga manggagamot sa ibang bansa tulad ng sa Ireland ay nagsasagawa rin ng ganitong klaseng operasyon.

May pinagmulan silang mga samahan, kanyakanyang grupo at kalikasan. Mga paniniwala sa kapangyarihan ng kalikasan at ng kanilang pinaghahanguan ng kakayahang manggamot.

Ang mga banyagang manggagamot ay napapabilang rin sa mga grupong may kanya-kanyang paniniwala ngunit isang layunin : ang manggamot.

III. Kongklusyon Mula sa aming nakalap na mga datos, ang aming grupo ay humantong sa sumusunod na mga kongklusyon: •Ang faith healing o ispiritwal na panggagamot ay isang bokasyon na hindi napag-aaralan ng lahat. Karaniwan ito’y nananalantay sa dugo ng mga pamilyang naninirahan sa malalayong pook. Bagama’t ang ganitong uri ng panggagamot ay kinikilala nadin sa mga siyudad at nakakasabay nadin sa usad ng sibilisasyon, sinasabing sa mga probinsya padin ang pinagugatan nito, at bagama’t ito’y hindi nakakasama, wala rin itong tiyak na kabutihang maidudulot. •Ang Faith Healing ay maituturing na bahagi ng kulturang Pilipino. Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na nababalot ng natatanging pananampalataya at napabubuklod ng paniniwala sa tagapaglikha, ang Faith Healing ay tila isa lamang normal na bahagi ng ating tradisyon. •Sa kasalukuyan ang pagdami ng populasyon ng mga faith healers sa bansa at sa mundo ay nakikisabay narin sa malawakang pag-unlad ng agham, medisina at teknolohiya. Kung susuriin mas malaki ang katiyakan ng pag-galing kung iaasa ito sa makabagong sistema ng medisina, ngunit mapapansin, hindi parin nababawasan ang dami ng taong nainiwala sa faith healing. Ilan sa mga rason na aming napupuna ay ang kadahilanan na may mga lugar parin sa ating bansa ang hindi pa inaabot ng serbisyong medikal , ang pag-mahal ng gamot at kawalan ng pera ay isa rin sa dahilan, may mga sakit na hindi ma-diagnose ng mga doktor at mga sakit na hindi parin nahahanapan ng lunas, na nagtutulak sa mga tao upang sumangguni o magpatingin sa mga albularyo. Maliban sa mga tv shows na nagdodokumento ng mga aktwal na pagsasagawa ng faith healing, may ilan ding mga tabloids na naglalathala ng mga hindi pangkaraniwang karanasan sa faith healing, ang mga ito ang nagdulot ng mas malawakang pagka mangha sa kung ano nga ba

ang faith healing, nakasalalay rin sa mga publikasyon na ito ang pag-usbong ng kuryosidad ng madla at ang pagtangkilik nila rito kahit na mayroon pang mas epektibong paraan na kayang isagawa ng agham at medisina. IV.

Rekomendasyon Ang Faith Healing ay nangangailangan bigyan pansin at pagtuunan ng atensyon lalo na ng mga tagapangalaga sa kalusugan sapagkat ang paglaganap nito ay maaring makaapekto sa proseso ng panggagamot gamit ang agham. Nararapat lamang na alamin ng parehong panig ang kani-kanilang limitasyon sa panggagamot at ang kanilang maaring maidulot sa mga nangangailangan ng lunas. Kinakailangan ng mas malaliman pang pag-aaral ukol sa mga salik at konsepto ng Faith Healing upang makapagbigay ng mahusay na pagsusuri at kaalaman sa publiko ukol sa katotohan sa likod ng Faith Healing.

V.

Bibliograpiya

Flamm BL. Faith healing by prayer: review of Cha, KY, Wirth DP, Lobo RA. Does prayer influence the success of in vitro fertilization-embryo transfer? Sci Rev Alt Med. 2002; 6(1):47-50. Licauco, J. (1981). The Truth behind Faith Healing In the Philippines. Metro Manila: National Bookstore. Licauco, J. (1981). The Magicians of God. Navotas: National Bookstore. Palanca (1975). Philippine faith-healing: Fact and Fanc. Manila: University of Santo Tomas Press Barret, S. (2003). Some thoughts about Faith Healing. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://www.quackwatch.org/01QuackeryRelatedTopics/faith.html Faith Healers. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://stuartxchange.com/FaithHealers.html Faith Healing. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://en.wikipedia.org/wiki/Albularyo Faith Healing. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://skepdic.com/faithhealing.html Quisumbing, E. (1978). Albularyo. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Albularyo Rose, E. (2007). Wala nang momo. Nakuha noong February 25, 2009 sa http://ellarose.wordpress.com/2007/10/03/walanang-momo/ Snow, K. (2007). The Origins of Alternative Medicine. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://www.filipinoherbshealingwonders.filipinovegetarianrecipe.com/alternative_medicine/origin_alternative_medicin e.htm Romero, J. Interview with Jose Luis "Pepe" Romero. Nakuha noongDisyembre 2, 2008 sa http://espsy.org/meet_jose_romero.htm The Albularyo. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://stuartxchange.org/Albularyo.html#Albularyo The Healers. Nakuha noong Disyembre 2, 2008 sa http://www.stuartxchange.org/Albularyo.html www.deviantart.com Nakuha noong Enero 25, 2009 www.silvahealing.com Nakuha noong Enero 25, 2009 www.awfulblogs.com Nakuha noong Enero 25, 2009

Related Documents

Faith Healing
April 2020 0
Healing
October 2019 47
Healing
May 2020 28
Healing
November 2019 41
Faith
May 2020 55