Exerpts From Emilio Jacinto.docx

  • Uploaded by: roland james lacaba
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Exerpts From Emilio Jacinto.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 419
  • Pages: 1
Exerpts from Emilio Jacinto’s Kartilya ng Katipunan and Liwanag at Dilim Kartilya ng Katipunan: Sa May Nasang Makisanib Sa Katipunang Ito Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasuk sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huag silang magsisi at tuparing maluag sa kalooban ang kanilang mga tutungkulin. Ang kabagayang pinaguusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) sa pamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at Kaliwanagan. (*) Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos, ang tunay na pagibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa. Liwanag at Dilim

“Ang alinmang katipunan at pagkakaisa ay nangangai-langan ng isang pinakaulo, ng isang kapangyarihang una sa lahat na sukat makapagbigay ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang ninais, katulad ng sasakyang itinutugpa ng bihasang piloto, na kung ito’y mawala ay nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot na kamatayan sa laot ng dagat, na di makaaasang makaduduong sa pampang ng maligaya at payapang kabuhayang hinahanap. Ang pinakaulong ito ay siyang tinatawag ng pamahalaan.” “Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang kagalingan at kaginhawaan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng lahat nilang gawa at kautusan. Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa ma’t maghirap at maligaw ay kasalanan nila.” “Ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay at matwid ay sa Bayan lamang at sa kanyang mga tunay na Pinaka-katawan dapat na manggaling. Sa madaling salita, di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga Pinuno na mataas kaysa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Bayan, suma-katwid, ang kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat isa. Sa bagay na ito, ang sumusunod sa mga pinunong inilagay ng Bayan ay dito sumusunod, at sa paraang ito’y nakikipag-isa sa kalahatan.”

Questions 1. How does the Katipunan understand/make sense of the following? a. State and Government b. Leadership 2. How does the Katipunan understand/make sense of the Filipino nation? 3. What are your reflections on these writings about some important ideas of the Katipunan?

Related Documents

Exerpts From Othello
August 2019 8
Emilio
November 2019 26
Climategate Exerpts
June 2020 5

More Documents from "Mark Ambrose"