Dlp9-ang-ikalawang-digmaang-pandaigdig.docx

  • Uploaded by: Nhoj Notle Tangpuz
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Dlp9-ang-ikalawang-digmaang-pandaigdig.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,238
  • Pages: 6
Banghay – Aralin sa Araling Panlipunan 8 – Kasaysayan ng Daigdig ( Ika - 9 na Araw ) I.

LAYUNIN Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaidig (AP8AKD-IVe-5) 5.1 Naiisa-isa ang dahilan sa pag-usbong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

II.

NILALAMAN A. Paksa

: Modyul IV: Ang Kontemporaryong Daigdig ( Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan) Aralin 2. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

B. Sanggunian: Blando, Rosemarie C. etal., Kasaysayan ng Daigdig, Modyul ng Mag-aaral pp. 470- 478 C. Kagamitan: Graphic organizer, PPT III.

PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain: 1. Drill: Gawain 1. Hula Hoop! LM p.470 Hand aka na bang simulant ang aralin? Kung handa ka na, tingnan natin kung kaya mong sagutin ang unang Gawain. Isulat mo sa maliliit na hula hoop ang letra ng iyong tamang sagot. Gawin ito sa kwaderno.

a. b. c. d. e.

League of Nations United Nations Hiroshima National Socialism Fascism

1. Isa ito sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States sa pamamagitan ng atomic bomb. 2. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 3. Ito ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

B. Pagganyak: GAWAIN 2. Right Angle Approach LM p.471 Matapos sagutan ang unang Gawain, subukan mo naming tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag ang fact (katotohanan) at view (opinion). Isulat ang tamang sagot sa patlang. Gawin ito sa kuwaderno.

1._______________

FACTS

2._______________ 3._______________

V I E W S 1.--------------2. -------------3.---------------

A. Ang pumasok na pamumuno ni Hitler sa Germany ay isa sa mga nagbunsod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. B. Fascism ang tawag sa ideolohiyang pinairal ni Benito Mussolini sa Italy. C. Nang salakayin ng Japan ang Pearl hardbor sa Hawaii, nagalit ang united States at nagdeklara ng digmaan laban sa Japan. D. Humiwalay ang Germany sa League of Nations. E. Idineklarang open city ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. F. Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng bansa sa daigdig.

B. Paglinang ng Aralin – Integrative Approach ( 4As) 1. Gawain: Panuto :Basahin ang Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa LM p 475-476. MGA SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng nagsimulang ambisyon ng mga kapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang

pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayaring naganap at nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang sumusunod: 1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Noong 1931, inagaw ng japan ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at sinabing mali ang ginawang paglusob.Kasunod ng pagkundena, itinawalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan. 2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Germany, ang pag-alis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler, an glider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon. Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang france ay nakipag-alyansa sa Russia laban sa Germany. Pinalilimitahan naman ng England ang bilang o laki ng puwersa ng Germany. Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin sa SONA ang Germany. 3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabaag ng Italy ang kasunduan sa Liga ( Covenant of the League ). 4. Digmaang Sibil sa Spain Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang pasistang Nationalist Front at ang Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng ibang bansa. 5. Pagsasanib ng Austria at Germany ( Anschluss ) Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers ( France, Great Britain, at United States ). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany na kinalabasan ng Rome-Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing union ng Austria at Germany ay nawalan ng bisa noong 1938.

6. Paglusob sa Czechoslovakia Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten ng pagsikapan na matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil ditto, hinikayat ng England si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta rin sa Germany. 7. Paglusob ng Germany sa Poland Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng Germany sa Poland noong 1939. Ang pagpasok na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia sa kapuwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan nang hindi pakikidigma. Ang pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari: a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia. b. Pagkainis ng Russia sa England nan gang ipinadalang negosyador ng England sa Kasunduan ng Pagtutulungan ( Mutual Assistance Pact ) ay hindi importanteng tao. 2. Pagsusuri : GAWAIN 6. Up the Stairs Timeline LM p.477 Upang matiyak ang iyong pag-unawa sa mahahalagang pangyayaring nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gawin ang Up the Stairs Timeline sa ibaba. Iguhit mo ito at pagkatapos ay isulat sa kahon ang mga pangyayaring nagging dahilan ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gawing gabay ang tekstong binasa. Gawin ito sa kuwaderno.

Up The Stairs Timeline

Gabay na Tanong

a. Ano-anong pangyayari ang nagging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? b. Sa mga binanggit na sanhi, ano sa palagay mo ang pinakamabigat na dahilan? Bakit?

3. Paghahalaw:

Ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay resulta ng iba’t ibang salik na muling nagpaigting ng hidwaan sa pagitan ng mga bansa, dala na rin ito ng ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang mga teritoryo.

4. Paglalapat Bilang isang mag-aaral, may pagkakahalintulad ba ang naging kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Sa paanong paraan maiiwasan ang panibagong pagsiklab ng digmaan sa kasalukuyang panahon?Ipakita sa pamamagitan ng Venn diagram, sa gitna ilagay ang mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang panibagong pagsiklab ng digmaan

unang digmaan

IV.

ikalawang digmaan

PAGTATAYA: Panuto: Basahin ang pangungusap sa ibaba at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. a. b. c. d. e.

Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Pagsasanib ng Austria at Germany Paglusob sa Czechoslovakia Paglusob ng Germany sa Poland

B 1. Ang Germany ay tumiwalag sa Liga noong 1933. D 2. Nasakop ni Hitler ang Sudeten at 1939 napunta sa Germany ang Czechoslovakia. A 3. Inagaw ng Japan gang lunsod ng Manchuria noong 1931. E 4. Huling pangyayari na nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. C 5. Noong 1936, ang Rome-Berlin Axis ang kinalabasan ng kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany. V.

KASUNDUAN Basahin muli ang mga naging dahilan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at maghanda para sa pangkatang Gawain. Magdala ng sumusunod : 1. Cartolina 2. Pentel pen 3. Colored paper 4. Crayons 5. Gunting 6. Pandikit CHERRY AMOR P. MAGTAAN Tanay NHS

More Documents from "Nhoj Notle Tangpuz"