Dimensyon_sa_pagbasa_iba_t_-_ibang_teory.docx

  • Uploaded by: James Tiengo
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Dimensyon_sa_pagbasa_iba_t_-_ibang_teory.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 758
  • Pages: 4
REPUBLIKA NG PILIPINAS KOMISYON NG LALONG MATAAS NA EDUKASYON Rehiyon V DARAGA COMMUNITY COLLEGE DARAGA, ALBAY 4501

Kurso: Fil 106 ( Pagtuturo at Pagtataya tungo sa Pagbasa at Pagsulat) Paksa: Dimensyon sa Pagbasa, Iba’t- ibang Teorya sa proseso ng Pagbasa Propesor: Gng. Evangeline N. Vasquez Tagapag- ulat: G. Reynard M. Ativo

I.

Panimula Sa pagbabasa ng guro sa kanyang mag-aaral ng mga babasahin, aklat, salaysay, kwento, dula o iba pang paglalahad. Marami siyang nilalayong malinang na mga kakayahan sa mga mag-aaral. Ang mga babasahin ay nakatutulong sa paghahandog sa mga mag-aaral ng mayayamang karanasang makatutulong sa paglinang ng mabuting: kaalaman, pag-uugali, kasanayan, kawilihan at saloobin at mga pagpapahalaga.

II.

Paglalahad ANG LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

1. Unang Dimensyon - Pang-unawang literal a. Pagpuna sa mga detalyeng nakalahad b. Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa teksto c. Pagsunod sa panutong nabanggit d. Pagbubuod o paglalagom ng binasang teksto e. Paggawa ng balangkas f. Pagkuha ng pangunahing diwa o kaisipan g. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungang inilahad h. Pagbibigay ng katotohanan(facts) upang mapatunayan ang isang nilalamang ipinahayag i. Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang konklusyong inilahad j. Pagkilala sa mga tauhang gaganap/ gumanap

2. Ikalawang Dimensyon – Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ng mga karagdagang kahulugan a. b. c. d. e. f. g. h. i.

Pagdama sa katangian ng tauhang gumanap Pag- unawa sa mga tayutay at patalinghagang salitang ginamit Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan Pagbibigay ng kuru- kuro at opinyon sa talataan Paghula sa kalalabasan ng nobela/ teksto Paghinuha sa mga sinundang pangyayari Pagbibigay ng solusyon o kalutasan Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa Pagbibigay ng pamagat

3. Ikatlong Dimensyon – Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad a. b. c. d. e. f.

Pagbibigay ng reaksyon sa teksto Pag- iisip ng masaklaw at malawak a talasalitaan Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pahayag Pagdama o pagkaalam sa pananaw ng awtor. Pag- unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap na nasasaad g. Pagkilala sa pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap sa isang talatang inilahad h. Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwentong binasa i. Pagpapasiya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasang seleksyon sa aklat j. Pagpapasiya tungkol sa kabisaan ng paglalahad na isinagawa 4. Ikaapat na Dimensyon – Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa a. Pagbibigay opinyon at reaksyon sa binasa b. Pag- uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari sa buhay ng mag-aaral. c. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnay na karanasan sa talakayan. d. Pag – alaala sa mga kaugnay na impormasyon ng pag- aral e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan

5. Ikalimang Dimensyon – Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon a. b. c. d. e. f.

Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain Pagbabago ng wakas ng teksto Pagbabago ng pamagat ng teksto Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhang gumanap Pagbabago ng mga pangyayari sa teksto Paglikha ng sariling kwento batay sa binasang teksto

Iba’t- ibang Teorya sa proseso ng Pagbasa 1. ANG TEORYANG BOTTOM- UP - Ang tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensya ng teoryang behaviorist na higit na binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa. - Ang teksto ang pokus para maunawaan ang babasahin. Ang proseso ng pag- unawa ayon sa teoryang ito ay nagsisimula sa teksto ( bottom) patungo sa tagabasa (up). Ang direksyon ng pagunawa ay isa lamang : mula sa ibaba pataas. 2. ANG TEORYANG TOP- DOWN - Nagagawang maunawaan ng isang taong nagbabasa ang balangkas ng isang kwento o nakapagbigay sya ng mga hinuhatungkol sa teksto kapag naiugnay niya ito sa kanyang dating kaalaman. - Ang pagbasa ay maituturing na isang pagtuklas ng mga impormasyon na maaring taglay na ng tagabasa at nakaimbak sa kanyang dating kaalaman ( prior knowledge). - Nagsisimula sa isip ng tagabasa (top) tungo sa teksto(down). 3. ANG TEORYANG ISKEMA - Ang ginagampanan ng dating kaalaman sa pag – unawa ang pangunahing batayan ng teoryang iskema ( Barlett, 1932; Rumelhart, 1980). Isa sa mga pangunahing simulain ng teoryang ito ay ang paniniwala na ang teksto , pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili. - Ang teoryang iskema ay paglilinaw sa organisasyon at pag- iimbak ng ating dating kaalama at mga karanasan.

More Documents from "James Tiengo"