Deus- Lesson Planhandouts.docx

  • Uploaded by: Cristina Deus
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Deus- Lesson Planhandouts.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 752
  • Pages: 6
THE NATIONAL TEACHERS COLLEGE Quiapo, Manila SCHOOL OF ADVANCE STUDIES 2nd Semester, A.Y. 2018-2019 ANG PAGTUTURO NG FILIPINO Dalubguro: Dr. Victor Javeňa Guro: Maria Cristina P. Deus Paksa: ANG RUBRIKS Petsa: Pebrero 9, 2019 I. Layunin: Sa loob ng isang oras na pagtuturo, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Natutunan ang mga nakapaloob na konsepto sa RUBRIKS; B. Nakagagamit ng halimbawa rubriks sa pagtataya sa pagsulat ng akdang pampanitikan; at C. Natutukoy ang angkop na gagamiting RUBRIKS sa pagtataya sa klase II. Paksang Aralin A. Paksa: ANG RUBRIKS B. Kagamitan: Laptop, video presentation, makukulay na papel C. Sanggunian: www.slideshare.com www.google.com III. Pagtalakay ng Aralin: A. Pagganyak: Manonood ng bidyu klip ng PILIPINAS GOT TALENT AT ASIA’S GOT TALENT. B. Paglinang ng Talakayam: Matapos panoorin ang mga nasabing bidyu, sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang talento na ipinakita ni Gerphil Flores sa dalawang magkaibang patimpalak? 2. Sa iyong palagay, ano ang naging batayan ng mga hurado sa mga nasabing patimpalak? Ipaliwanag. 3. Ano ang nararapat na naging batayan ng mga hurado o naging paraan ng pagmamarka sa nasabing kalahok? C. Pagtalakay ng Aralin: Ang mga sumusunod ay tatalakayin ng guro: * Pagtatayang Pangklasrum * Mga Layunin ng Pagtataya sa Klasrum * Mga Iba’t Ibang Uri ng Pagtataya

* Ang Rubrics D. Gawain: A. Tukuyin ang mga sumusunod kung HOLISTIC o ANALYTIC ang mga nasabing rubriks

_________________________

_________________________

B. Pangkatang Gawain: Ang mga sumusunod ay iba’t ibang GAWAIN gawa ng mga mag-aaral. Markahan ito gamit ang mga sumusunod na RUBRIKS at iulat sa klase ang inyong naging pagtataya: UNANG PANGKAT- KWENTO IKALAWANG PANGKAT-KILOS-AWIT IKATLONG PANGKAT- ISLOGAN/POSTER IKAAPAT NA PANGKAT- KOMIK STRIP C. Isahang Gawain: Narito ang isang takdang aralin ng mag-aaral. Lagyan ito ng marka sa pamamagitan ng mga sumusunod na sitwasyon: 1. Nakapagpasa ang mag-aaral ng proyekto sa tamang oras at maganda ang nasabing proyekto.

2. Kulang ang mga nakasulat sa sulating pormal at ito ay hindi maayos na nakasulat

3. Naipasa sa oras ang takdang aralin ngunit walang pirma ng magulang.

4. Naisagawa ang pangkatang gawain ngunit hindi ito maayos na naisagawa at hindi nakiisa ang bawat miyembro

5. Hindi nagtataas ng kamay si Jun ngunit isisigaw niya sa klase ang tamang sagot.

E. Paglalagom: Dugtungan ang mga sumusunod ayon sa naging talakayan sa araw na ito: A. Batay sa aralin na ito, ang RUBRIKS ay ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ B. Mahalagang gamitin ang RUBRIKS upang ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ IV. Takdang Aralin: Narito ang isang tula. Suriin at markahan ito ayon sa rubriks na nakalaan:

Aking Ama Nang ang diwa ko'y magising sa Daigdig ng Himala, May narinig akong tanong na sa isip ko'y nabadha: "Ang tahanan daw bay ano? Ang tahana'y ano kaya? Ang tahanan kaya'y itong nagisnan kong munting dampa?" Ang tugon ng aking ina: "Sa tahanan ginagawa Ang pagsintang sa isipa'y napabinhi't napapunla." Ang pakli ng aking ama: "Sa tahanan nagmumula't Sa tahanan nagwawakas ang buhay ng Sangnilikha." Maligaya ako kapag nakakapiling Ang lahat ng aking kaisang-damdamin; Nalilimutan ko ang mga hilahil, Ang sumasa-puso'y banal na hangarin; Kaya't sa tuwa ko'y malimit sabihing Ang Diyos ay sadyang malapit sa akin. At nang ako ay lumaki, noon ko na napagtuos Na ang mundo'y isa palang Tahanan ng Sangkinupkop, Sa tahanan tinutuwid ang isip na pabaluktok, Sa tahanan pinapanday mga isipang marupok, At ang aking mutyang ama ang matibay na kalupkop, Na sa aming kahinaa'y nagbibigay ng panlusog, Kaya pala't ang tahana'y nang likhain na ng Diyos, Ang nilikhang unang tao'y isang amang maalindog. Ang tahanan, ang kawangki'y isang munti't abang lunday Na nabunsod nang di oras sa laot ng kapalaran, Sinisiklot ng habagat, hinihigop ng amihan, Binabalot ng daluyong sa gitna ng kalautan; Nguni't habang ang piloto'y nasa-huli't naninimbang, Darating din sa ibayo ang gitna ng kasawian, Ay pilotong umuugit sa lunday ng kabuhayan.

Sa tahanan naming dukha, kahit dampa't walat-walat, Kahit datnan at panawan ng sakuna't pananalat, Kaming mga tumitira'y naliligo rin sa galak, Pagka't kami kahit dukha'y payapa't di naghahanap, Isang munting bigkis kaming kaipala'y nalalansag, Kung ang bilang na panali ay masita at makalag: Kaya pala, pag may amang sa tahana'y lumiliyag Ang tahana'y sumisinop, umaayos, dimirilag.

Kung sa aming paminggalan ay dumalaw ang hinagpis, Sa palad ng aking ama'y nagpapalay ang tulyapis; Kung sa aming inumina'y magtagsalat pati tubig, Sa pawis ng aking ama'y may tubig na tatagistis; Kung makitang kami'y hubad at ni walang pananamit, Baging man sa kagubata'y nahihibla't nalalapnis; Kaya nga ba't pag ang ama ang lubusan nang umidlip, Nagdidilim ang tahanan, nagluluksa ang daigdig. Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved. Source: https://www.pinoyedition.com/mga-tula/aking-ama/

Related Documents

Deus
November 2019 28
Deus
November 2019 28
Deus
May 2020 12
Deus
June 2020 15
Deus
July 2020 13

More Documents from ""