Desiree

  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Desiree as PDF for free.

More details

  • Words: 501
  • Pages: 2
Mga Lihim #2: Desiree Nakakapagod. Kanina pa ako nakaupo at nakatayo dito, halos wala pang lumalapit sa paninda ko. nakakailang sticks na din ako ng yosi. Ano ba yan. Mukhang talo na ang paninda ko sa dami ng mga baguhang dumating. Pero hindi ko rin alam kung bakit din nila ginagawa yun. Sa hirap din kaya ng buhay o may iba pa? Nagsimula akong magtinda nung natanggal si itay sa pinapasukan niyang pabrika. Dahil tinutulan niya ang hindi pagdagdag sa sahod nila, ayun, nasesante na. Scholar pa ako noon. Hindi naman sinadya ni nanay na sumabay, nagkasakit sa baga kahit di naninigarilyo. Hindi na namin alam kung saan kami kukuha ng pantustos sa araw-araw naming pamumuhay. Baon na baon kami sa pagkakautang. Isang araw bago ako pumasok sa eskwela ay tumingin ako sa salamin. Lungkot at awa sa aking sarili ang naramdaman ko. bakit kailangan pang mangyari ito? Tapos biglang napansin ko ang aking katawan. May hugis din pala ito, pwedeng isali sa mga beauty contest. At doon ko na naisip na ipagbenta ito.. Unang customer ko ang guard sa eskwelahang pinapasukan ko. Hapon na noon pero nakaupo lang ako sa may gate. Nilapitan niya ako.”Wala ka pa bang balak umuwi o may hinihintay kang sundo?” “Wala po akong sundo. Nagiisip ako kung paano ako makakabili ng gamot ni inay.” Ngumiti siyang parang demonyo. “Kung gusto mo, bigyan kita basta magtrabaho ka sa akin...” At doon na nagsimula ang lahat. Masuwerte nga siya dahil siya ang nakauna sakin. Kaya kahit dalawang libo ang binayad niya, hindi naman siya naloko. Kahit papano, kahit masakit eh nakapag-uwi naman ako ng gamot at mga pagkain sa bahay. “Anak saan ka naman kumuha ng pinambili mo?”, tanong sa akin ni inay. “Nakapaghanap po ako sideline ‘nay. Ayun bumale na ako. Ibabawas na lang sa sahod ko ito.” Yun na lang ang naisip kong irason noon. Mula noon ay naka adjust naman na ako sa aking “negosyo”. At marami pa kong naging customer sa eskwelahan namin. Pati teacher ko sa PE sinubukan ako,, kung saan isa siya sa mga regular na umuupa sa akin. Yung gwardiya pinakilala ako sa isang barkada niya at dun nagsimula na magtrabaho sa labas ng eskwelahan. Natuto na rin akong manigarilyo at uminom. Minsan kahit ayaw ko, humihithit ako ng shabu, dahil sinsbi ng customer. Pag umiling ka eh bubugbugin ka naman nila saka iiwan nang walang bayad. Iniwan ko na din ang pag-aaral kahit tumutol sina itay. Hanggang ngayon ay wala silang kaalam-alam kung ano talaga ang totoo kong hanapbuhay. Kapag nalaman nila, malamang itatakwil ako at palalayasin sa amin. Gusto ko rin naman tumigil na at magbago, pero hangga’t walang trabaho si itay at may sakit si inay, siguro dito na ako hanggang wala nang magkagusto sa akin. Ayan, at may papalapit na matanda. “Pwede ka ba kahit limang beses lang?” “Tatang, pwede po. Ang tanong lang eh kung kaya nyo pa ba.” “Magkano ang rate mo?” “kayo ang bahala tatang, basta hindi bababa sa P1,500.” “Sige, halika na.”

Related Documents