Sa modernisado nating panahon, sa kung saan nauuso sa social media platform ang paggawa ng memes at iba pang katawa-tawang mga salita o imahe na naglalarawan sa iba’t ibang aspeto tulad na lamang nang pagtuligsa ng mga mamamayan sa mga opinyon ng ating gobyerno sa mga paglutas ng problema ng bansa. Subalit noon pa ma’y nauso na rin ang mga ganitong bagay, sa kapanahunan ng mga prayle o kastila na pinupuntirya ang kanilang pagiging “banal”. Isa nga sa mga akdang sumasalamin sa pagkalugmok ng mga Pilipino sa panahong kastila ay ang akda ni Marcelo H. Del Pilar na “ Dasalan at Tocsohan” na naglalarawan sa kalagayang panlipunan.
Isa sa mga dasal na napasa sa akda ni Del Pilar ay ang “Ang Amain Namin” na nanggaling sa orihinal na akda na “Ama namin”. Ang dasal na para Diyos ay ginawa niyang parody na dasal para sa “Amaing Prayle”. Dito palang ay mahihinuha na ng mambabasa ang nais na mensaheng iparating ni Del Pilar, ang pagkamuhi nito sa mga prayleng labis kung gamitin ang relihiyon para sa kapangyarihan.
Noong panahon ng kastila ay takot ang mga Pilipino sa mga prayle dahil sa taglay na kapangyarihan ng mga ito di lamang sa simbahan kundi maging sa paaralan at gobyerno sila ay may koneksyon at malalakas sa mga opisyales kaya’t sila ay may boses kumbaga. Sila ay isa sa mga may pinakamataas na katungkulan noon kung kaya’t ganoon na lamang ang pagtingala at respeto ng mga Pilipino sa mga prayle.
Sa pamumuno ng mga kastila sa ating bansa, ang edukasyon noon na mayroon ang mga Pilipino ay limitado. Ang pagsasakamay ng mga prayle sa sistema ng pamamalakad ay naging isang malaking kadahilanan upang maisara ang isipan ng ating mga kababayan upang maging matagumpay na tao. Nasa kamay ng mga prayle ang sistema ng edukasyong ibibigay sa ating kapwa mamamayan. Ang pamamaraan ng pagtuturo, pagpapatupad ng mga batas at regulasyon ay kapangyarihan rin ng mga prayle upang maipatupad sa bawat eskwelahang kanilang hinahawakan. Ang mga prayle ay mas binigyang pansin ang pagtuturo ng relihiyong Katoliko. Makikita naman natin na naging isang malaking epekto ito para sa ating mga sarili. Kaya ganun nalang ang pagmamaliit at pag-aalispusta sa mga Pilipino na nasa pinakamababang antas ng pamumuhay dahil sa walang kaalaman sa akademiya dahil hindi silang marunong magbasa at sumulat.
Kaya’t sa akda na “Ang Amain Namin” ay labis na lamang ang pag uumapaw ng damdamin bawat salita. Sa unang taludturan nito:
Amain naming sumasaconvento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit.
Masasabi na lamang natin na ang galit sa puso ni Del Pilar na sumasalamin sa kung anong nais ipahiwatig ng bawat mamamayang Pilipino ay kanyang ipinakita sa unang taludturan palang. Sa mga amain na tumutukoy sa mga prayle na nasa kumbento ay kanyang isinusumpa at ninanais na ang kasakiman sa tirahan ng Diyos ay mawala na, ibig sabihin ay mawawala ang kasamaan kung mawawala ang mga masasamang namumuno saa loob nito. Sumunod doon ay ang ang paghiling na ang bawat leeg ng mga prayle ay makitilan ng hininga at tuluyan ng mawala para sa bansang Pilipinas ay di na sila mamuno at mamayani ang kapayapaan laban sa kadiliman na dala ng mga kastila.
Ikalawang taludturan:
Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyong inaraoarao
at patauanin mo kami sa iyong pagungal
para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan;
at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso
at iadya mo kami sa masama mong dila.
Dito inilalarawan ang kung anong kalagayan meron ang mga Pilipino noon. Sila’y pinagkakaitan ng bigas, sa akda ni Graciano Lopez Jaena na Fray Botod isinaad doon ang pag-uugali ng isang pari noong panahon kastila. Si Padre Botod na ubod ng kasamaan ay pilit na gigipitin ang mga magsasaka at maging ang mga mamamayan. Bibilhin niya ang mga palay sa murang- murang halaga at ipagbibili niya nang mahala kapag tag-araw na. At ang masahol pa sa mga prayleng iyan ang pagpasok nila ng pangalan ng Panginoon para lang mauto ang mga mamamayang Pilipino, na kesyo ganito para sa mahal na birhen.
Isa pa sa mga akda ni Marcelo H. Del Pilar ay “Ang Aba Guinoong Baria” na nagmula sa teksto na “Hail Mary” o “Aba Ginoong Maria”. Isa rin etong dasal na ginawa ni Del Pilar na parody. Sa pamagat palamang ng akda ay maihahambing eto sa pag yaman ng mga prayle nuong kapanahunan ng kastilla, tila ba ang mga baria na galing sa mamamayan ay napupunta lamang sa mga kamay nila.
Nuong panahon palamang ng kastila mahahalata na agad ang paghihirap ng kapwa nating mga Pilipino sa kamay ng mga prayle. Hirap na hirap na nilang itaguyod ang kanilang pamumuhay at sila pa ay pagnanakawan ng mga nasa taas ng hukhuman o ang may control sa kanila. Ginagamit ng mga prayle ang kapangyarihan na mayroon sila upang maalipusta ang mga perang naiaambag ng mga Pilipino para sa relihiyong katoliko.
Kaya’t sa akdang “Aba Guinoong Baria” ay labis na mararamdaman at mauunawaan ang poot at galit ng may akda. Eto ang unang talata
Aba ginoong Barya nakapupuno ka nang alkansya,
Ang Frailei’i sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat,
pinagpala naman ang kaban mong mapasok.
Mapapansin natin sa unang taludtod palamang ng akda na ang mga prayle noong kapanahunan nila ay mas ipinapa nalangin ang pag dami o ang pag hikayat sa mga Pilipino na bigyan ang simbahang katoliko ng baria ngunit eto lamang ay napapadpad sa mga kamay ng mga prayle at napupuno ang kanilang alkansya, hindi ang alkansya ng bayan.
Ikalawang Taludturan:
Santa Barya Ina nang deretsos,
Ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at kami ipapatay.
Siya naua...
Sa mababasa sa akdang ito ay prang hindi kumpleto ang naging pahayag, ngunit may dahilan kung bakit eto nasulat ng ganto. Unahin natin ang unang dalawang pangungusap, sinasamba ang “Baria” bilang ina ng mamamayan at ipinapanalangin neto na makapag bigay sila ngunit pag hindi ay sila ay ipapapatay, dito naman maipapasok ang huling pangungusap. Eto ay kulang at hindi nakumpleto, ang ibig sabihin neto ay habang sila ay nananalangin para sakanilang buhay dahil hindi sila nakapagambag ng kaunting baria para sa mga prayle. Dahil dito ay sila ay nakitilan ng buhay, at iyon ang nakita natin sa ikalawang taludtod, nakitilan ng buhay habang nananalangin eto.
Ang naging estilo ni Marcelo H. Del Pilar sa paglihka ng kaniyang akda ay kakaiba sa karinawan. Para kagiliwan at madaling mapansin ito sa mga Pilipino nuon, ginamit ni Marcelo H. Del Pilar ang mga dasal at paniniwala na itinuro ng mga prayle sa sarkastikong tema nga lang. Iniba niya ang mga salita sa paraan ng pagsasabing katapat nga ng masamang gawa ay ang mga matatalim na salita. Kung ihahambing ang estilo ng pagpoprotesta sa mga gawing di kaaya-aya noon at ngayon ay ang pagkakaiba lang mas malaya na ngayon ang mga Pilipino sa paglabas ng kanilang damdamin dahil na rin pagkakaroon natin ng karapatan at pagiging malaya nating bansa na kundi dahil sa ating mga ninuno ay di natin makakamit. Bonus na lang ang teknolohiya sa pagpapadali ng pagkalat ng balita.
Halos lahat ng tulang akda ni Marcelo H. del Pilar ay nagpapakita sa totoong kulay ng mga Prayle noon, at nagsisiwalat ng kanilang mga katiwalian at mga ginagawang kababalaghan sa likod ng kanilang banal na imahe. Ang pagdadasal direkta sa mga Prayle sa akdang ito ay maaaring isang sarkastikong paraan ng pagsasabing hindi Diyos and sinasamba nyo kundi ang mga Prayle lamang. Isa din sa tema na nangibabaw sa kabuuan ng akda ay ang barya, o pera. Ang mga sarkastikong pahayag patungkol sa pagsamba sa pera ay nagpapakita lamang ng pagiging ganid at sakim ng mga Prayle noong araw. Marahil isa sa mga magiging puna dito ay pambabastos sa mga dasal. Ngunit kung ating titignan at iintindihin, hindi ito tahasang pambabastos sa relihiyon at Diyos ang nasabing akda. Ang mga mapanirang salita ay pawang patama lamang sa mga mapagsamantalang prayle na ginamit ang relihiyon upang kumontrol ng isipan ng mga Pilipino. Nakakatawa itong basahin, kahit sa panahon natin ngayon, ngunit hindi parin natin masasabi na ang mga ito ay ginawa upang magpatawa lamang. Puno parin ang mga akdang ito ng damdamin at katotohanan, na nilapatan ng matatalim at kung minsay’ nakakatawang salita, upang makapukaw ng atensyon at maintindihang lubos ng mga Pilipinong mambabasa. Ang akdang ito ay ginawang instrumento, para imulat sa mga Pilipino mula sa mga "false gods" na ito. Hindi direktang sinasabi na akda na huwag yakapin ang relihiyon o
huwag magdasal, ngunit huwag din isasara ang mata at isipan sa mga hindi kaaya ayang katotohanang binabalutan lamang ng artipisyal na ningning ng kabanalan