DALIT KAY STO. NIŃO
Mapanghila sa sinto Mo Mapang-ibig na totoo Tulungin Mo magandang Niǹo Ang naasa sa awa Mo Sa pagkaloob sa siyudad Ay na sumpong ka sa kaban At sa iyo nasunduan Ang kaban ng kaawaan At sa pagkatotoo Mong Lunas sa hirap ng tao Tulungin … Bahay na kinakitaan Ninyo sa inyong liwayway Mga sundalo’y naglakbay At kanilang pinaronan Doon ay ang mga tao Tuwang lubos ay natamo Tulungin … Sa marami ang heneral Sa himalang napagmasdan Lumuhod na umuuwang Puri sa Iyo’t paggalang Sa katuwaang tinamo Iginalang Kang totoo Tulungin … Sa lagay na ito pala Sa malaking sinta nila Templo ay iginawa Ka Pinasarinlan Ka ng altar Marikit na yari ito Ay inihandog sa Iyo Tulungin …
Tamis ng Iyong luningning Ay tinamo ng salarin Mga sakit ay gumaling Kahirapan ay gayon din At sa paghingi sa Iyo Ng ulan ay binigyan Mo Tulungin … Kailanma’t magkulang Mga pag-amo ng ulan Sa Iyo Niǹo isasakdal At kukunin Ka sa kaban Itatanghal Ka sa tao Dadalangining totoo Tulungin … Kung sakali’t hindi kamtan Mga pag-amo ng ulan Sa dagat Ka ilalakbay At doon paliliguan At sa gawa naming ito Kapagdakay binigyan Mo Tulungin … Sa himala ngang ganito Ay nahikayat ang tao Sa paghahalal sa Iyo Pastol Ka naming totoo At ang mga Agustino Nanatili sa sinta Mo Tulungin … Kaya Niǹo an gaming daing Ang kami’y inyong ampunin Ang kailanga’y tambingin Saklolo Mo’y paratingin Kami’y naasahang totoo Sa pagkamaawain Mo Tulungin …
Mapanghila sa sinto Mo Mapang-ibig na totoo Tulungin Mo magandang Niǹo Ang naasa sa awa Mo
DALIT KAY SAN ROQUE
Aba matibay na moog Ng taong nangasasalot Ampunin Mo kami’t kupkop Roqueng kapalara’y puspos Araw ng ipanganak Ka Sa katawan Mo’y nakita Tandang nagpapakilala Buhay Mo’y banal na sadya Sa sikmura’y isa ang krus Na ikinintal ng Diyos Ampunin. . . Pagkawili Mong nataman Sa reyna ng kalangitan Tanang adhika Mong asal Ang siyang tinutularan Baka Ka pa’y naghahandog At nagpapakadayukdok Ampunin. . . Nang Ikaw ay maulla Bnahagi Mo pagdaka Yaman sa dukha’t lahat na Sa ama’t ina Mo’y mana Alam ng sinta sa Diyos Ang puso Mo’y nalilipos Ampunin. . .
Nagdamit Kang peregrine Agua Pendente ang tinungo Doon ay natagpuan Mo Nunok sa hirap ng tao Kusa Kang nakipanggamot Nag-alila sa may salot Ampunin. . . Ang salot sa Iyong harao Napapawi agad-agad Himalang ito’y natatap Sampung bagsik Nilang lahat Ang sa ngalan Mo’y tumuod Gumagaling na tibubos Ampunin. . . Ang ‘sang bayan ng Sicena Gayundin and taga-Roma Sa Iyo’y kinamtan nla Isang bayan ng pagsinta Paglipol doon ng salot Lubhang kakilakilabot Ampunin. . .
Lalaki, babae, bata Nagsisigaling ng pawa Ang krus kong Iyong itala Sa damit nila ay ilagda Anila’y anghel Kang lubos Nag-anyong taong busabos Ampunin. . . ibinuyo Ka ng sita mapasabayag Placencia pinagaling ang lahat na at doo’y nagkasakit Ka pinaalis Ka’t binukood dahil sa sakit Mong salot
Ngunit ang Diyos ay miit Pakanang balabalakid Pagtikim sa Iyong budhi Lakas ay ang di ugali Sa bilangguan ay bantog Namatay Kang isang santo Ampunin. . . Nakita sa isang paglaya Nalilimbag natatala Ngalan Mo’y pagsinambitla Sa salot natitimawa Nang di kami mga salot Ngalan Mo’y ibinabantog
Ampunin. . . Ampunin. . . At sa tahanan Mong dampa Diyos Ikaw kinalinga Gumagaling Kang alipala Himalang tantong mistula May aso na nagdudulot Kanin Mong ikabubusog
San Roque mahal na konte Pili naming pintakasi Ipag-adya Mo po kami Sa gutom, gera at peste Sa gutom, gera at salot parusang bigay ng Diyos
Ampunin. . . Ampunin. . . Katawan Mo’y natitigib Ng madlang pagal at sakit Binilanggo ka’t piniit Sa bintang at maling isip Limang taon Kang sinayog Hirap na kalunos-lunos Ampunin. . .
Aba matibay na moog Ng taong nangasasalot Ampunin Mo kami’t kupkop Roqueng kapalara’y puspos