Corruption Perception Index – isang panukat na naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa Democracy Index – isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo Global Corruption Barometer – kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa Good Governance – proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law Participatory Governance - isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan Participatory Budgeting – proseso kung saan magkasamang babalangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang budget ng yunit ng pamahalaan Porto Alegre – lungsod sa Brazil na nagpasimula ng participatory governance CHR – o Commission on Human Rights; komisyong itinadhana ng Saligang Batas na maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat Estado – isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na teritoryo, may panloob at panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa mga mamamayan nito Karapatang pampolitika – ang mga karapatang pampulitika ay patungkol sa karapatan ng mga mamamayan na makilahok a pamamalakad ng pamahalaan Korapsyon – o katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes Saligang-batas – isang katipunan ng mga pangunahing simulain, pamantayan at doktrinang dapat sundin ng mga mamamayan. Ekspatrasiyon – kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan. Hindi maaaring gawin sa panahon ng digmaan Repatrasiyon – kusang loob na pagbabalik sa dating pagkamamamayan