SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY SA OTIS, INC. (SAMAKO)
__________________ Petsa ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ SUBJECT: KUMPIRMASYON SA PAGPAPATULOY SA PAGIGING AKTIBONG MIYEMBRO NG SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY SA OTIS, INC. (SAMAKO) Dear ________________________, Nais po namin tawagin ang inyong pansin kung nais pa po ninyong ipagpatuloy ang pagiging aktibong myembro ng asosasyong Samahang Magkakapitbahay sa Otis, Inc. (SAMAKO). Ayon sa naunang listahan at sa simula ng itatag ang SAMAKO, kabilang sa nakatala ang inyong pamilya. Dahil dito, nais po uli naming kunin ang inyong kumpirmasyon sa pamamagitan ng sulat na ito kung pananatilihin po uli ninyo ang pagiging aktibong myembro ng asosasyon. Ang pangunahing layuning ipinaglalaban ng ating asosasyon ay mapagtagumpayan ang expropriation sa lupain ng pamilyang Yabut at ng sa gayon ay magkaroon ng kaganapan ang ating inaasam asam na pamamahagi ng lupa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa mga myembro ng SAMAKO. Dahil dito, kung pananatilihin po ninyo ang pagiging aktibong myembro ng asosasyon ay sana po ay handa po tayong makiisa sa mga sumusunod: 1) Handang dumalo sa ipapatawag na pagtitipon na dadaluhan ng mga myembro upang talakayin ang mga istratehiyang pamamaraan tungkol sa ikatatagumpay ng layunin na ipinaglalaban ng asosasyon. 2) Handang magbigay ng indibidwal na kontribusyon na siyang salaping kakailanganin upang mapanatili ang pagpapatakbo ng operasyon ng asosasyon hanggang sa makamit ang layuning ipinaglalaban nito. 3) Handang dumalo sa eleksyon o halalan na gagawin upang pumili ng mga lider na mangangasiwa sa asosasyon. Hanggang dito na lang po at kung interesado po kayo sa pagpapanatili sa pagiging aktibong myembro. Inyong pong lagdaan ang nakasulat na CONFORME sa ibaba ng sulat. Nais po naming malaman ang inyong sagot bago sumapit ang April 7, 2019. Kung walang sagot bago ang isinasaad na nakatakdang petsa ay nangangahulugang hindi na po kayo interesado at hindi na po isasama ang inyong pangalan sa Reportorial report sa HLURB. Salamat po. Gumagalang, _____________________ Zenaida S. Miguel Acting President SAMAKO __________________ CONFORME