Philippine Normal University Taft Avenue, Manila
Ipinasa nina: Lyn Marie P. Anselmo IV-15 BSE History Mary Grace Quijano II-17 BSE History Marilou Zulueta II-18 BSE History
Ipinasa kay: Dr. Zenaida Q. Reyes
Panuruang Taon 2009-2010 I. I N T R O D U K S Y O N
Bata, bata, bakit ka gumagawa? Ang kahirapan ang kadalasang dahilan ng pang-aabuso lalo na sa mga taong walang kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang karapatan.
Sa
bansang kagaya ng Pilipinas ang pang-aabuso partikular na sa kabataan ay lubhang nakakabahala.
Ang pang-aabuso ay walang pinipiling edad. Dito sa Pilipinas ang bilang ng mga batang manggagawa ay tumataas kada taon, sa kabila ng mga kampanya para sugpuin ito (BWYW Journal, 2007). Sa bilang na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa taong 1999 may humigit kumulang 5 milyong kabataan ang ngayon ay nasa mga industriya.
Ang
malawakang kampanya laban sa pagtatrabaho ng kabataan ng lokal na pamahalaan ay may pagtangkilik mula sa mga pribadong sektor na naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng mga kabataan.
Ngunit anu nga ba ang batang manggagawa? Ang batang manggagawa ay ang mga bata na wala pa sa ligal na edad ay nagtatrabaho na, dahilan upang mapabayaan ang kanilang mga pangangailangang pangkalusugan, edukasyon, at mga bagay na kailangan upang maging balanse ang isang tao (ILO). 2
Mula sa pakahulugan ng batang manggagawa lumilitaw na ang maagang pagtatrabaho ng kabataan ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao. Upang mapangalagaan ang karapatan ng kabataan nagpasa ng maraming kautusan para dito.
Mula sa Batas Paggawa ng Pilipinas isinasaad dito na ang ligal na taon upang makapagtrabaho ay edad labing-walo (18). Samantala ang Presidential Decree No. 603 na mas kilala bilang “The Child and Youth Welfare Code” ay nagsasaad na maaaring mag-hanapbuhay ang bata sa kondisyon na hindi ito magdudulot ng negatibong epekto sa normal niyang paglaki. Noong taong 1992 pinanukala naman ang Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Taong 1995 sa ilalim ni Pangulong Fidel V. Ramos nabuo ang Executive Order No. 275 na naglalayong magbuo ng komite na magbibigay proteksyon sa mga kabataan laban sa pang-aabuso, karahasan at diskriminasyon. Marami pang mga batas at kautusan ang naipanukala na naglalayong masugpo ang suliranin sa lumalaking bilang ng mga batang manggagawa.
Sa dami ng mga batas na naisagawa nananatiling tanong ay kung bakit malaki pa rin ang porsyento ng mga batang manggagawa. Ito ba ay dahil lang ba sa kahirapan o mayroon pang mas malalim na dahilan ng patuloy na pagdami ng mga batang nalalagay sa peligro dahil sa maaga nilang pagtatrabaho.
3
BALANGKAS KONSEPTUAL
BATANG MANGGAGAWA
Kawalan ng Edukasyon
Magulang
Ipinapakita
na
ang
problema
Bata
sa
pagkakaroon
ng
mga
batang
manggagawa ay hindi lamang nag-ugat sa kahirapan kundi maging sa kawalan ng edukasyon ng magulang at ng bata hinggil sa kanilang mga karapatan at responsibilidad.
4
II. PRESENTASYON, PAG-AANALISA AT PAGPAPAKAHULUGAN Ayon kay Grootaert at Kanbur (1995) mahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa parte ng magulang at ng bata sa pagsugpo sa maagang pagtatrabaho ng kabataan. Kung magkakaroon ng kamalayan ang magulang sa masamang dulot ng maagang paghahanap-buhay sa kabataan mababawasan kundi man tuluyang mawala ang ganitong kasanayan.
Sa malalayong probinsiya kadalasan kumukuha ng mga batang maaaring isabak sa pagtatrabaho sa mga pabrika o pagawaan sa lungsod. Marami din sa mga bata sa mga probinsya na maaaga pa lamang ay mulat na sa paghahanapbuhay sa mga sakahan dahil ito ang kalimitang hanapbuhay ng kanilang mga magulang. At para sa mga magulang normal lang na maghanapbuhay ang bata lalu pa kung kinakailangan ng kanilang pamilya ang karagdagang kita upang maitawid ang pangangailangan ng iba pa nilang miyembro.
Region 1……………………………56,000 Region 2..………………………….56,000 Region 3..………………………….36,000 Region 4…...………………………104,000 Region 5…………………………....64,000 Region 6……………………………96,000 Region 7……………………………48,000 Region 8.…………………………...48,000 Region 9……..……………………..40,000 Region 10………..…………………48,000 Region 11……………..……………80,000 Region 12…………………..………40,000
5
NCR…………………………...…….24,000 CAR…………………………………24,000 TOTAL………………………..…….800,000 Ang talaan ay mula sa International Labor Organization (ILO) taong 2007 ay nagpapakita ng inestimang distribusyon ng bilang ng mga batang manggagawa sa iba’t-ibang panig ng bansa, aminado ang ILO na mas marami pa ang bilang ng mga batang manggagawa na hindi na nakabilang sa kanilang pagtataya. Kung susuriin ang mga datos, lumalabas na mas maraming bata na nagmumula sa mga probinsiya o rural areas ang kabilang sa lakas paggawa.
Mapapansin din na ang mga nasabing rehiyon ay mahirap at kadalasang salat sa mga impormasyon dahil sa kakulangan ng mga paaralan. Patunay dito ay ang patuloy na pagdayo ng mga nakaririwasang pamilya sa lungsod upang mag-aral at ang mga walang kakayahan ay humihinto na lang sa pag-aaral at maagang sumasabak sa paghahanap-buhay.
Sa mga bilang, lumilitaw ang pagiging pasibo ng marami ukol sa isyu ng batang manggagawa, partikular na ang mga magulang, dahil na rin marahil sa kawalan nila ng kamalayan hinggil sa ganitong gawain na lubhang nakaaapekto sa normal na paglaki ng kanilang mga anak.
May mga pag-aaral din sa kaso ng mga batang manggagawa sa buong mundo na nagpapakita na higit ang bilang ng mga bansang gaya ng India at sa Gitnang Aprika na nagsasagawa ng pag-eempleyo ng mga bata sa sektor ng
6
agrikultura at mga pagawaan. Mapapansin din na ang mga nasabing bansa ay may mga populasyon na may mababang antas ng edukasyon.
May mga pangyayari pa kadalasan sa mga probinsiya sa Pilipinas na kung saan ay may mga taong nagpupunta upang maghanap ng mga bata na maaaring gawing trabahador sa lungsod.
Kadalasan ang mga magulang ay
pumapayag na pasamahin ang kanilang mga anak sa lungsod kapalit ay maliit na halaga at pangakong maaalagaan ang kanilang mga anak sa papasukan nitong trabaho. Ngunit gaya ng mga kwento na kadalasan nating naririnig sa radyo at nakikita sa telebisyon ang mga bata na nagtatrabaho ay nakararanas ng pagmamalupit mula sa kanilang mga amo. Kadalasan ay hindi sila pinapasahod ng tama, mapanganib ang lugar ng gawaan, at walang maayos na sistema ng pagpapakain na nagreresulta sa pagkakaroon ng sakit ng mga bata.
Ang mga katotohanang ito ay lingid sa kabatiran ng maraming mga magulang lalu na iyong mga nagmumula sa mga rural o probinsiya.
Ang
kawalan ng kaalaman o edukasyon patungkol sa mga suliranin ng mga batang manggagawa ang dahilan sa patuloy na pagtangkilik sa ganitong uri ng gawain na nagpapahirap sa pagpapababa ng bilang ng mga batang biktima.
Sa kaso naman ng mga bata, malimit silang mabiktima dahil madali silang paniwalain ng mga huwad na pangako ng kaginhawaan para sa kanila at kanilang pamilya. Dahil sa kanilang mga musmos na kaisipan kalimitan silang
7
nalulugmok sa mga gawain na lubhang mapanganib.
Kadalasan ang mga
batang nasa iligal na hanapbuhay ay ikinukulong ng kanilang mga amo upang maiwasan na makapagsumbong sa kinauukulan hinggil sa tunay na kalagayan nila sa nasabing pagawaan. Pinipili rin ng mga employer ay ang mga batang manggagawa dahil kahit maliit lang ang ipasahod dito ay hindi na ito magrereklamo hindi gaya ng mga manggagawa na nasa hustong edad, na kaya nang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
8