Complacency

  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Complacency as PDF for free.

More details

  • Words: 471
  • Pages: 2
Intro: Kung minsan sa ating buhay Kristyano, nararamdaman nating hindi tayo lumalago. O kahit wala tayong nararamdaman, posibleng tayo ay papunta na sa pagtalikod sa pananampalataya. Ang posibleng dahilan nito ay ang pagwawalang-bahala. Kung maraming mananampalataya sa isang iglesya na nagwawalang-bahala sa kanilang kaugnayan sa Panginoon Jesus, ang iglesyang iyon ay may malaking problema. Pag-aaralan natin ngayon kung ano ang mga nagiging dahilan bakit nagwawalang-bahala ang mga Kristyano at kung paano natin ito malalampasan. Sa talatang ating pag-aaralan, ibinigay ni Moses ang kanyang huling panananalita sa mga Israelita bago siya mamatay. Bago natin pag-aralan ang mga talatang nasa biblia, pag-usapan muna natin ang mga symptoms o senyales ng pagwawalang-bahala. a. Nakakalimutan natin ang Diyos. b. Tayo ay sumusunod na sa takbo ng mundo, ang lifestyle natin nagiging worldly at hindi na sinusunod ang mga utos ng Diyos c. Maligamgam na sa mga bagay na ispiritwal. Wala na ang apoy sa puso na hanapin at paglingkuran ang Diyos d. Walang paglagong ispiritwal e. Ang ating panahon/lakas/attention ay nauubos halos sa career/pamilya/negosyo Now read the passage: Deuteronomy 8:11-20 A. v. 8-14a - signs and causes of complacency 1. Nagbabala rito si Moses sa kasalanang posibleng magawa ng mga Israelita: a. Paglimot sa Diyos (v. 11, 14) b. di pagsunod sa kanyang mga utos (v. 11) 2. Ano ang dahilan ng kanilang pagwawalang-bahala? a. natutugunan ang mga pangangailangan (v. 12) b. lahat ng bagay ay maayos, walang problema at nananagana (v. 13) B. vv. 14-20 Ang solusyon 1. Pinaalalahanan sila ni Moses a. na sila’y dating mga alipin sa Egipto (v. 14) b. na sila’y iniligtas niya mula sa Egipto (v. 14) c. na sila’y pinatnubayan niya sa malawak at nakatatakot na ilang (v. 15) d. na tinugon ng Diyos ang mga pangangailangan nila ng tubig at pagkain sa ilang (v. 15, 16) e. na ang mga pagsubok at pagpapala ay mula lahat sa Diyos (v. 16) f. ang lahat ng kanilang kayamanan at pananagana ay mula lamang sa biyaya ng Diyos at di dahil sa kanilang sariling kakayahan at kalakasan 2. Ang mga Israelita ay mariing binalaan ni Moses sa kasalanang pagwawalang-bahala APPLICATION: 1. Dapat nating palaging tandaan na tayo’y dating makasalanan na nakatali sa Dyablo, na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. 2. Na iniligtas tayo ng ating Panginoong Jesus mula sa pangwalang-hanggang kamatayan at binigyan tayo ng buhay na walang hanggan sa piling niya.

3. Ano ba ang ibang mga diyos-diyosan sa ating buhay? Business/positions/family, etc. na maaaring maging sentro n gating buhay sa halip na ang Panginoong Jesus. Conclusion: Dapat nating bantayan ang ating sarili sa pagwawalang-bahala na kung minsan ay di natin napapansin. Kapag ang lahat ay maayos, huwag kalilimutan ang Diyos. Palagi tayong magpasalamat at magpuri sa Kanya at palaging alalahanin kung paano niya tayo iniligtas, pinakain at pinagpala. Lahat ng kapurihan at karangalan ay sa Diyos lamang!

Related Documents