Jackylin Tan 1NU06 Histo101
May 5, 2008 Mr. Pepa
Ang bansang Pilipinas ay nainpluwensiya ng Amerika, o kaya Estados Unidos, sa mundo ng pulitiko. Hindi pa tayo malaya kahit tayo ay isang demokratikang bansa. Hindi rin tayo maituturing na “democratic” dahil hindi pa tayo sadyang malaya kasi dinidikta tayo ng mga matataas na opsiyal. Alam na natin na nangagaling ang demokrasya sa bansang Estados Unidos. Ang bansang nito ay may pagkakurakot noong ika-dalawampu dekada. Ito ay maituturing na pinakakorupt sa mga kapangyarihan industriya. Ang mga “Blacks” at ang mga kababaihan ay ipinagbawal mag-boto sa eleksiyon. Gumagamit ang mga opisyal ng maruruming paraan gaya ng pangdadaraya sa eleksiyon, pangungurakot ng pera, at biolensiya – pagpatay ng kaaway - upang hindi sila mawala sa pwesto. Madumi na talaga ang paraan ng politika sa Estado Unidos tapos ganito din ang nangyayari sa bansa natin. Hindi nalang tayo magugulat na ang nagpapakilala ng demokrasya – bilang parte ng ating pulitiko – ay naging instrumentong nagpapasira ng fundasyon ng demokrasiya sa ating bansa. Sa bansa natin, hindi lahat ng mamamayan ay pwede bumoto. Hindi pwede bumoto ang taong wala pa sa edad ng labingwalo, ang nakatira sa Pinas wala pa sa anim na buwan, yung hindi marunong bumasa at sumulat at yung mga nasa bilanggo. Binababoy ng gobyerno ang systema ng pulitiko ng Pilipinas sa pangungurakot ng pera. Responsibilidad ng COMELEC na mapanatili maayos ant malinis ang eleksiyon. Subalit, hindi nila ginagawa ang tungkulin nila marahil dahil sa korupsiyon.