Childhood

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Childhood as PDF for free.

More details

  • Words: 570
  • Pages: 2
Childhood Minsan, gustong maging bata ulit. Gusto kong bumalik sa aking kabataan, sa mga panahong simple lamang ang pananaw mo sa buhay – basta’t makakain, makapaglaro at makatulog ka ay ok na. Yung wala kang inintindi, hindi mo kailangang isipin ko ano ang dapat mong gawin. Walang pressure, hindi ka stress, walang problema, laging masaya at pwede akong matulog ng tanghali! Pero nakakapagtaka nga naman kasi noong bata pa ako, hindi ako makapaghintay na lumaki. Ngayon naman malaki na ako, gusto kong bumalik sa pagkabata. Nung bata pa ako, gusto kong lumaki kaagad. Sobra ko kasing kinaasaran yung pagtulog sa tanghali. Requirement kasi iyon bago ako makakalabas ng bahay para mangapitbahay o makipagpatintero sa mga kaibigan ko. Madalas, nagtutulug-tulugan ako kung kaya’t medyo naging expert na rin ako sa mga iba’t ibang estilo ng tulug-tulugan. Gusto ko ring lumaki kasi naiingit ako kay mama dahil nakakapagsuot siya ng high heel at nakakapagmake-up. Lagi ko siyang pinapanood sa tuwing mag-aayos siya bago pumasok ng trabaho, at pagkaalis niya, gagayahin ko ang nakita ko. Kaso, madalas akong mapatid kaka-suot ng high heels tapos yung mukha, napaka-dugyot, yung lipstick kasi, ginagawa kong blush-on kung kaya’t madalas akong mapagalitan ng katulong namin. Siguro, kung bata pa ako ngayon, hindi ko kailangang maglinis, magluto, gumawa ng assignment, gumawa ng papel at gumawa ng essay na ito. Wala akong paki kung sinuman ang manalo sa eleksyon o kung sino ang mananalo sa laban ni Pacquaio at Barrera. Wala rin akong paki kung matutuloy pa ba ang kontrata ng ZTE Broadband ng Pilipinas at isang Instik ng kumpanya. Sa madaling salita, “everything except me are in oblivion”. Hindi ko kailangang mataranta kung lukot ang damit ko o magulo ang buhok ko. Wala akong pakilalam kung iniwan ako ng isang kaibigan o kung wala akong ka-ibigan. Pero bakit natin nararamdaman ang ganitong kagustuhan? Siguro pagod at stresses na tayo sa paulit-ulit na siklo ng buhay. Yung “daily drudgery” ika nga ay nakakamatay. Pareho-parehong mukha ang nakikita mo sa tuwing papasok kang eskuwelahan; utang-uta ka na sa mga pagkaing binibenta sa CASAA dahil halos lahat natikman mo na. Kilala mo na ang mukha ng mga drayber ng mga dyip dahil halos lahat ay nasakyan mo na, pareho rin ang lugar na pinupuntahan mo, kung saan ka baba, doon ka rin naman sasakay. Defense mechanism na yata ito ng isang tao, yung magsisi o gustong bumalik sa nakaraan dahil nakikita nilang mas madali ang naging buhay nila ngayon. Ngunit kung bata pa ako ngayon, mayroon pa rin akong daang dapat tahakin. Hindi ko siguro mararanasan yung mga bagay na tanging pagtanda lamang ang makakapagbigay. Hindi ko mararanasan kung gaano kasakit iwan ng isang minamahal o traydurin ng isang minamahal. Hindi ko mararanasan na mawindang sa dami ng gagawin, at mabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa kabila ng pasanin sa buhay ay nagawa mong lampasan. Hindi ko makikita kung ang kagandahan ng pagkakaroon ng buhay at pagkatuto mula sa personal na karanasan.

Masarap man ang buhay bata, siguro mas masarap na rin ang pagtanda, masarap na mahirap. Nakakapagod man, kailangan harapin ang mga challenges sa ating buhay, mga trials at kabiguan. Depende na lang kasi kung paano mo napagdesisyunang mabuhay. Is it full of regrets and what ifs; still dwelling on the past or trying live life you have on that moment in the utmost way?

Namimiss ko man ang pagtulog sa tanghali, nakakasuot naman ako ng high heels 

Related Documents

Childhood
November 2019 31
Immortal Childhood
May 2020 16
Early Childhood
November 2019 29
Childhood Disorders
April 2020 19
American Childhood
August 2019 25
Childhood Headache
June 2020 4