“Bata, Bata, Bakit Ka Iniwan?” (Isang Masusing Pagtalakay Sa Mga Karanasan ng Mga Batang Nakararanas ng Child Abandonment) Cagurungan, Marie June L., Quiambao, Raphael Louis D., Ramirez, Marie Danielle C., Samot, Eryll Jean D., Santos, Karissa M. Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing , Pangkat 1-2 ng Unang Taon SY 2008-2009
Sa Patnubay ni : Gng. Zendel Rosario Manaois- Taruc www. deviantart. com
Panimula Sinasabi na ang pangunahing yunit ng komunidad ay ang pamilya. Ito ay karaniwang pinaniniwalaan ng mga Pilipino, na may malaking pagpapahalaga sa aspeto ng isang buong pamilya. Sa kabila nito, marami pa ring mga magulang ang pinipiling iwanan ang kanilang mga anak sa kamay at pag-aaruga ng hindi nila kakilala. Ang walang kamalay-malay na batang iniwan ay lalaking hindi kilala ang kanyang tunay na mga magulang, mistulang ligaw sa dapat tahaking landas. Lagi niyang hahanap-hanapin ang kalinga ng isang magulang na hindi niya nadama kahit kailan, kaya’t sa iba’t-ibang paraan, lugar, o bagay niya pilit itong hahanapin habang kinikimkim ang katotohanang wala talaga siyang alam sa sinasabing “espesyal na kalinga” na ito. Kadalasan, ang ating atensyon ay laging nasa dahilan ng mga magulang upang iwanan nang ganoon lang ang kanilang anak na kung tutuusin ay sarili nilang dugo at laman. Hindi nila naiisip ang hinanakit ng inabandonang bata. Sa sitwasyong ito, ang bata ang laging biktima. Siya ang mas nahihirapan at nasasaktan. Ang pakiramdam na walang gumagabay at nag-aaruga ay lubhang masakit at hindi katanggap-tanggap. Hindi nila alam kung saan ba sila nabibilang sa komunidad kung saan ang pamilya ang isa sa mga pinakaimportanteng sangkap. Ang “child abandonment” ay ang pagpapabaya at pagsasawalang bahala ng mga magulang hindi lamang sa kanilang mga anak, pati na rin sa kanilang mga obligasyon at responsibilidad bilang tagapag-alaga. Ito ang nagsisilbing paraan ng karamihan upang matakbuhan ang kanilang kahirapan sa buhay at upang maisalba ang mga bata sa parehong kalagayan na kanilang posibleng kahihinatnan. Ito ay isa sa mga pinakaimportanteng isyu ng ating komunidad at ng kabataan lalong lalo na ngayong panahon kung saan ang turing sa isang batang inabandona ay isang rebelde o mga taong hindi tanggap ng isang pamayanan. Ang mga taong nakapaligid sa mga batang ito ay hindi naiisip na ang kanilang kalagayan ay hindi nila kasalanan. Kung mapagtatanto at lubos na iintindihin lamang ang kanilang kondisyon, ang tulong at pag-unawa ay madaling maibibigay ng ating mga puso. Kailangan natin silang tulungan upang maiwasan ang paglihis nila sa tamang landas sa buhay.
Ang mga batang inabandona ay karaniwang iniiwan ng kanilang mga magulang sa mga taong pinaniniwalaan nilang makapagbibigay kalinga at pagmamahal sa kanilang mga anak. Ito ay ayon sa teoryang “Kindness Of The Strangers” ni John Boswell noong 1988. Sinasabi sa teoryang ito na laganap ang child abandonment. Ang mga batang biktima dito ay kalimitang produkto ng ipinagbabawal na pag-ibig, may malubhang karamdaman, at minsan, pati na rin ang mga lihitimong anak. Sa kanyang pag-eestima, mga 20-40% ng mga bata ang inabandona noong unang tatlong siglo. Ngunit sinasabi rin niya na marami sa mga batang ito ay nasagip sa tulong ng mga estranghero. Ang mga iba ay naging mga alipin, ngunit ang iba naman ay nabigyan ng pagkakataong maging bahagi ng isang pamilya. Ang kanyang ideya ng child abandonment ay isang praktikal at pinakamabuting paraan ng pag-iwan sa mga batang hindi kayang tustusan o alagaan ng kanilang mga magulang. Ngunit nilinaw ni Boswell na ang kanyang teorya ay naiiba sa teoryang “Infanticide”. Ang teoryang “Infanticide” ay ang pagpatay sa mga batang may diperensya o mga batang inayawan ng kanilang mga magulang dahil sa iba’t-ibang rason. Batay sa pag-aaral ng mga mananalaysay at mga antropologo, ito ay isang importanteng salik ng pagbabantay o pagkontrol ng populasyon simula pa noon. Sa pag-aaral ni Boswell, naipakita niya ang kaibahan ng dalawang teorya na kung saan sa Infanticide, ang tanging naghihintay sa mga bata ay kamatayan, samantalang sa kanyang “Kindness Of The Strangers”, hindi laging humahantong ang child abandonment sa kamatayan. Maari rin itong magbigay daan sa pang-aalipin. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, ito ay kadalasang humahantong sa pagkakatagpo ng bagong pamilya.
Pag-regula ng populasyon
Bawal na pag-ibig
Kahirapan Malubhang karamdaman
CHILD ABANDONMENT
Kindness of Strangers
Pang-aalipin
Kamatayan
Bagong Pamilya
Infanticide
Kamatayan
www.deviantart.co m
Paghahambing sa Teoryang “Kindness of Strangers” at Teoryang “Infanticide” Layunin Sa katapusan ng pamanahong papel, layunin ng mga mananaliksik na: • Masuri ang mga karanasan ng mga batang dumaranas ng “child abandonment” partikular ng mga minor de edad sa Pilipinas. • Matuklasan at mailahad ang mga salik na napapaloob sa child abandonment. • Maibigay ang pagkakaiba sa mga pananaw ng mga batang inabandona sa bahay ampunan, sektor ng pamahalaan na nangangalinga sa mga batang inabandona, at mga batang iniwan sa kanilang mga kamag-anak. • Mailahad ang kwento ng iba’t-ibang sitwasyon ng mga batang inabandona sa Pilipinas.
I. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
www.photobucket.com, www. deviantart.com
“Child Abandonment” sa Kabuuan Ang pag-abandona sa bata ay isang gawain ng isang magulang na nagpapakita na hindi na niya balak pang masama sa buhay ng kanyang anak (Wolf, 2008). Ang pagpapabaya sa kabataan ay nag-uugat sa napakaraming dahilan. Ito ay mula sa ulat ni Justin Long (WP). Ang ilan sa mga ito ay ang kahirapan, paghihiwalay ng magulang, pagiging iresponsable ng mga magulang, maagang pagbubuntis, atbp. Ang lahat ng ito ay nararanasan ng bawat bansa sa mundo, mahirap man o mayaman, magmula pa noon hanggang ngayon. Ang problema ng pagiwan sa mga bata ay mabigat at patuloy pang lumalala. Karamihan sa mga batang biktima nito ay nasa ampunan o di naman kaya’y nasa lansangan, kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang mga pamilya. Sila ay kadalasang pinahihirapan, pinapatay, at binebenta habang patuloy pa rin silang dumarami. Isa itong problema na tayo lahat ay sangkot at tayong lahat din ang dapat magresolba. Mga Personal na dahilan ng mga magulang sa pag-iwan ng mga sanggol sa ospital Napakalaki ng epekto sa buhay ng mga sanggol ang pag-aabandona sa kanila ng kanilang mga magulang, ayon ito kay Shen Jiahong, isang propesor at psychologist sa Tsina. Ngayon, nagiging talamak na ang pag-iwan sa mga sanggol sa ospital. Pangunahing dahilan nito ang mahinang kalagayan o malubhang karamdaman ng mga bata, idagdag pa rito ang kawalan ng kapasidad ng mga magulang na tustusan ang gamutan ng kanilang mga supling (Hawke, 2005). Pinipili na lang ng mga magulang na iwanan ang kanilang anak dahil para sa kanila, ospital lamang ang makapagbibigay ng pinakamabuting pangangalaga sa mga sanggol pagdating sa kalusugan. Ito ay dahil din sa hindi nila kayang bayaran ang gastos sa panganganak. At panghuli, hindi matanggap ng pamilya ang hindi magandang kinahantungan ng bagong miyembro ng kanilang pamilya. Pero sa bawat kwento ng pag-aabandona, bawat isa at natatangi dahil na rin sa iba’t-ibang rason ng mga magulang sa pag-iwan sa kanilang mga anak. Sa paglaki ng mga sanggol na iniwan, nahihirapan sila makisalamuha sa ibang tao dahil walang magulang na gumagabay sa kanila. Napakahalaga ng ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa paggabay at pagpapalaki ng kanilang mga anak. Sila ang tumutulong sa mga bata sa paghubog ng kanilang magagandang ugali, ang kanilang sariling pagkatao sa kabuuan. Dahil na nga maagang iniwanan ng mga magulang ang bata, nagkakaroon ito ng malaking puwang sa kanyang paglaki at ang kanyang pangangailangang pangangalaga ay naisasantabi (UNICEF, 2005). Ang pag-aabandona sa mga bata ay isang napakalalim na sugat na hindi malilimutan kailanman ng isang bata (Stuy, 2007).
Kahirapan: Isa sa pinakamalaking dahilan ng child abandonment Ang pagsisi lagi sa magulang bilang pinaka may kasalanan sa pag-aabandona ng bata ay hindi laging tama. Ang mahirap na kondisyon ng buhay ng mga magulang ay siyang tumutulak sa kanila upang abandonahin ang kanilang anak kahit salungat ito sa kanilang mga saloobin. Sinasabi din na kailangan magabayan ang mga magulang partikular na ang mga nanay dahil malaki ang dulot sa kanila ng kahirapan. Sa kanilang pagsuko, ang kawawang bata ang dumaranas ng mapait na kahihinatnan (Wiegers, 2002). Ang isang maganda at maunlad na pamayanan ay may mas maliit na posibilidad ng “child abandonment” dahil sa kanilang maayos at magandang kondisyon sa buhay (WP). Tungkulin ng bagong pamilya sa batang inabandona Ayon kay Dana E. Johnson (2002) ng Elsevier Development, mayroong iba’t-ibang epekto ang pagpapaampon sa paglaki ng bata. Ang pagpapaampon ay kalimitang ginagawa pag wala nang natitirang ugnay sa isang bata sa kanyang tunay na magulang at kapag ito na lamang ang natitirang paraan para sa magandang kinabukasan ng bata (McKenzie, 1993). Ang batang napapaampon sa maayos na pamilya ay nahuhubog sa paraang tama ngunit kabaligtaran naman ang pangyayari sa mga napupunta sa pabayang pamilya. Responsibilidad ng mga sangay na umaasikaso sa pagpapaampon ang maayos na pagpili sa mga magulang na tanging makapagbibigay ng malinaw na edukasyon sa mga bata (Testa, 2004), kaya dapat isipin ng mga nag-aampon ang kapakanan ng bata dahil sa kanilang magiging desisyon ay magkakaroon ng malaking epekto sa personalidad at maging sa prinsipyo na dadalhin ng bata hanggang sa dulo ng kanyang paglaki. Child Abandonment Kaugnay ng Child Enslavement Ang isa sa mga epekto ng “child abandonment” ay ang “child enslavement”. Ayon kay Andrew Cockburn sa kanyang “21st Century Slaves”, may dalawampu’t-pitong milyong kababaihan at kalalakihan ang ginagawang alipin at kinukulong upang pilitin magtrabaho at magsilbi na kadalasang ginagamitan ng karahasan upang abusuhin ang kanilang karapatang pantao (Denee, 2004). Ang sapilitang pagtatrabaho ay isang gawain kung saan ang bata ay pinagtatrabaho na wala pa sa legal na edad at ng mga bagay na higit pa sa kanyang kapasidad (Fisehaassefa, 2008). Ang isa pang uri ng “child enslavement” ay ang malupit na pag-aabandona ng mga inosenteng sanggol. Ang solusyon na ginagawa ng karamihan ay ang pag-ayos sa epekto at hindi sa dahilan. Sila ay gumagawa ng mga paraan katulad ng pagtatayo ng mga lugar kung saan maaring iwan lamang ng mga magulang ang kanilang anak ng basta-basta ng walang bahid ng takot at konsensya na sila ay makukulong o mapapahamak. Hindi sinosolusyonan ng ating mga batas ang mas importanteng aspeto ng “child abandonment”: ang dahilan. Dapat mas bigyan ng importansya ang pag-unlad ng pamayanan at mismong katauhan at personalidad ng mga magulang upang hindi na humantong sa mga masidhing sitwasyon katulad ng “child abandonment” (Denee, 2004). Lansangan: Isang Pangunahing Katatagpuan ng mga batang iniwan Batang lansangan, yan ang karaniwang bansag sa mga batang nakikita sa lansangan. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, may dalawa itong kategorya, mga bata ng lansangan at mga bata sa lansangan. Ang una ay ang mga bata na nagtatrabaho lamang sa lansangan at ang ikalawa naman ay yaong mga naninirahan na dito (James at Kali). Mga batang nagtatrabaho at gumugugol ng malaking oras sa lansangan ay ang karaniwang imahe ng mga batang lansangan na pinalagay nating mga abandonadong bata (Panther-brick at Smith, 2000). Ang problema ay ang pagdami ng mga abandonadong bata sa mga syudad sa Pilipinas. Kahit mataas ang pag-unlad sa mga pook urban, at mababa naman sa
pook rural, malaki pa rin ang agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Dahil sa paglaki ng agwat na ito, lalong dumarami ang mga bata na inaabandona at pinagtatrabaho (WP). II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral a. Metodolohiya Kumalap ang mga mananaliksik ng mga datos upang magkaroon ng mas malalim na pananaw at pang-unawa sa paksang child abandonment. Upang mas mapagtibay ang mga nailahad na datos, kumalap din ang mga mananaliksik ng teoryang kaugnay ng napiling paksa. Naghanap ang mga mananaliksik ng iba’t-ibang sabdyek na makatutugon sa mga kondisyon na kanilang inilatag tulad ng bata sa: bahay ampunan, lansangan, pampublikong institusyon, at kamag-anakan. Sila ay sumailalim sa isang personal na panayam upang mahimay ng mabuti ang kanilang mga karanasan bilang batang inabandona. Naghanap din sila ng mga respondente para magkaroon ng iba pang pananaw ukol sa nasabing isyu. Sila ay gumamit ng mga iba’t-ibang instrumento tulad ng voice recorder, video camera, cellphone, telepono, at internet. Ang lahat ng mga datos ay inayos sa sistematikong paraan nang sa gayon ay mabigyan ng isang nararapat na pagtingin o pagtimbang ang konsepto ng child abandonment. b. Presentasyon, Interpretasyon, at Pagsusuri Sa panayam ng grupo sa batang iniwan sa kamag-anak, napag-alaman na ang pinaka-dahilan ng pag-aabandona ng kanilang mga magulang ay dahil sa kakulangan sa kapasidad na suportahan ang kanilang gastusin lalo na sa aspeto ng edukasyon. Ayon sa sabdyek na si Mhartin, “wala itong naidulot na masama dahil para sa akin, ang aking mga ginagawa at desisyon ang tanging magdedetermina ng kahihinatnan ng aking buhay.” Sa isang banda, iba naman ang kaso ng kanyang kapatid kung saan mas pinipili niyang magrebelde upang mailabas ang kanyang totoong nararamdaman at hinanakit sa sinapit. Sa naturang panayam, napag-alaman din ng grupo na ang pagiging ampon ng sabjek ay hindi naging dahilan upang siya ay mag rebelde. Ayon sa kanya, “bawat masama at mabuting nangyari, nangyayari, o mangyayari sa aking buhay ay humuhubog ng aking pagkatao, at ito ay parte ng buo kong sarili.” Walang kahit anumang bahid ng pagkahiya at pag-aalinlangan ang sabjek na sabihin ito sa kanyang mga kaibigan, at ito ay buong pusong tinanggap nila. May mga panahon na naghahanap pa rin ang sabjek ng isang kompletong pamilya ngunit para sa kanya siya ay masaya na sa mga nag-aruga sa kanya at sa mga kaibigang patuloy siyang sinusuportahan. Sa kabilang banda, sa panayam naman ng grupo sa respondente ng batang iniwan sa kamag-anak, napag-alaman na ang kakulangan sa pera ang nagtulak sa mga magulang ng sabjek upang iwanan na lang ang mga bata ng basta-basta sa pangangalaga nila. Ayon kay Tita Connie, “may mga pagkakataon sa kanilang paglaki, na hindi ko maintindihan ang kanilang mga tunay na saloobin at nararamdaman ukol sa pangyayari. May mga oras din na sila ay hindi sumusunod sa kanyang mga payo ngunit nakikita ko naman ang kanilang masidhing kagustuhan nila na matuto at mag-aral.” Pilit inuunawa ng respondente ang kanilang mga kilos dahil alam niya na sila rin ay nahihirapan sa sitwasyon. Tinuturing niya ang mga bata na may sarili ng paninindigan sa buhay at ayon sa kanya, ibibigay niya ang kapangyarihan na magdesisyon kung maharap sa sitwasyon kung saan sila ay binabawi na ng kanilang mga magulang. Para sa respondente, ang mga bata ay malaki na, bagkus may sarili ng pag-iisip at responsable na sa kani-kanilang mga buhay.
Sa panayam ng mga mananaliksik sa isang social worker ng DSWD na si Tita Beth, napag-alaman nila na sa mga istitusyong gaya nito, ang pangunahing dahilan ng mga kasong kanilang hinahawakan na ukol sa child abandonment at nag-ugat sa problem sa pamilya, partikular, ang mga magulang. Pumapangalawa lang dito ang kahirapan. Sa mga institusyong tulad nito napupunta ang mga bata na inabandona na ng kanilang mga magulang, at mga batang-kalye. Karamihan sa mga batang kanilang inaalagaan ay biktima ng sirang pamilya. Kapag nagasawa ng bago ang kanilang mga magulang, kadalasan naiiwan o naiityapwera ang bata. Sila ay napapabayaan at hindi nabibigyan ng pagmamahal. Para sa ibang mga magulang, ito ay isang problemang child abandonment lamang ang makakalutas. “Iiwan nila ang mga bata sa mga taong tingin nila na makapupuno sa kanilang pagkukulang, at ilan nga sa mga ito ang mga pampublikong institusyon.” Ayon din sa kanya, “malaki ang naidudulot ng child abandonment sa buhay ng isang bata. Maaari silang magrebelde, lumayas, magbisyo, o maghanap ng kalinga sa ibang tao.” Kaya pinipilit punan ng mga social workers ang mga pangangailangan ng bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, matitirahan, edukasyon, at suporta. Hindi maikakatwa ang lumalaking problema ng bansa sa child abandonment dahil sa isang shelter, nag-aalaga sila ng humigit-kumulang na 250 na mga bata at pumapatak sa 200 piso ang ginagastos nila sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat bata. Hindi rin biro ang mga problemang kinahaharap ng mga administrador sa isang pampublikong sektor tulad ng sa DSWD. Malaki ang kakulangan sa pondo para suportahan ang mga batang kanilang kinukupkop. Dahil dito, hindi nila mabigyan sa mga bata ang nararapat na pangangalagang kanilang matanggap. Ngunit ang pinakamabigat na problemang kanilang kinahaharap ay ang pagkalinga at pagmamahal ng isang tunay na magulang na hindi nila kayang tumbasan kailanman. Sa isang interbyung isinagawa rin ng mga mananaliksik sa dalawang batang lansangan na inabandona ng kanilang sariling pamilya, nadiskubre ang ilang mabuti at hindi mabuting karanasang masasabing humuhubog sa kanilang pagkatao. Dahil sa pagkakawalay ng mga respondente sa kanilang pamilya, sila ay lumalaking mag-isang kinakaharap ang mga pag-subok ng buhay. Ngunit minsan, may mga mabubuting-loob ding tumutulong din sa kanila. Kasama na rito ang mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas, na ayon sa kanila (ang mga bata), ay buong pusong nagbibigay ng kanilang maibabahaging tulong. Tumutuong din ang mga kaukulan, tulad ng Barangay Captain, atbp. Ani ni Jomar, isa sa mga bata, “Andyan din naman ang aming mga barkada na halos kasama namin araw-araw dito sa lasangan.” Ayon sa mga batang nakapanayam, nakakaranas sila ng matinding inggit sa mga batang may pamilya. Minsan ay nakikita nila ang kanilang sarili sa posisyon ng mga batang may pamilya. Kaya nga naiisip din nilang magpaampon sa ibang tao. Ngunit ayon kay Alfonso, “baka pangit ang itatrato sa amin dahil hindi naman kami tunay na anak kaya mas mabuti na dito na lang kami sa lansangan.“
Ayon pa rink ay Alfonso, siya ay nanggaling na sa iba’t-ibang institusyon, mapapampubliko o pribado man, na kumakalinga sa mga batang walang mauuwian. Isa na rito ang DSWD, na hawak ng gobyerno. Hindi naging maganda ang kanyang pamamalagi sa naturang sector dahil wala naman daw silang ibang ginagawa doon. Sabi niya, “ikinukulong” daw sila kasama ang ibang bata kaya’t nagpasya siya, kasama ang mga kaibigan, na tumakas. Napunta rin siya sa pangangalaga ng Boy’s Town sa Makati. Ito ay isang pribadong sector na ang layunin ay pangalagaan ang bata na inabandona o mga naliligaw ang landas. Hindi rin naging maganda ang naging karanasan niya sa Boy’s Town kaya’t tumakas ulit sila kasama ang barkada. Sa pagtakas nila at pag-layo sa mga tumutulong sa kanila ay napadpad sila sa lansangan. Nagsisisi man silang lumayas sa kanilang mga pamilya ay huli na ang lahat. Ayaw na rin nilang balikan ang masalimuot na buhay na naranasan nila dati kahit na nasasabik sila sa pagkalinga ng isang ama, ina, at kapatid. Ikinuwento naman din ni Alfonso na dinala siya ng kanyang ama dito sa Maynila mula sa Aklan upang makitira sa mga kamag-anak. Siya ay binubugbog ng nasabing ama-amahan, kaya’t galit na galit siya rito. Dahil dito, kahit na kunin pa man siya ng pamilya mula sa lansangan ay hindi na siya papayag. Sabi naman ni Jomar, “hindi ako sasama sa kanila (pamilya) kahit pa kunin pa nila ako dahil mahirap din naman ang buhay doon.” Sa halip ay sasama siya sa mga kabarkada. Ang mga batang ito ay madalas ring binibigyan ng hindi magandang imahe. Ayon sa mga sabdyek, hindi nila naiisip na mabuti silang tao, bagkus ay masama ang tingin nila sa kanilang sarili. “Hinuhusgahan kami dahil sa aming itsura at damit. Ang turing sa amin ay para bang kami ay mga magnanakaw dahil lamang sa aming maruming damit,” sabi ng isa. Dahil dito, Sila ay lubhang naaapektuhan at nasasaktan tuwing naririnig nila sa iba ang mga masasakit na salitang ito kaya minsan, naiisip na rin nila na siguro sila ay masasamang tao. Nakakatuwang isipin na kahit ganito ang kanilang sitwasyon ay may pangarap pa din silang nais makamit. Ang isa ay nais maging mekaniko, at ang isa nama’y piniling maging isang sundalo. “Mag-aaral ako ‘teh,” yan ang sagot nilang pareho ng tanungin kung pipiliin ba nilang mag-aral o magtrabaho. Sabi nila, ito ang susi para magbago ang buhay ng mga tulad nila. Makikita sa susunod na talahanayan ang mga importanteng resulta ng pag-aaral: Sabjek/ Responden te
Pangunahi ng Dahilang ng Child Abandonm ent
Batang naiwan sa: Kamag-anak Pamilya
Impact ng Child Abandonment
Dati vs. Bagong Buhay
Ito ang humubog sa Bagong kanyang pagkatao buhay DSWD Kahirapan Nag-iba ang Bagong pananaw sa buhay konsepto ng pamilya Lansangan Pamilya Masama ang naging Dating tingin sa sarili buhay Mga nangangalaga sa mga batang inabandona: Kamag-anak Pamilya Maagang Dating pagkamulat sa buhay responsibilidad ng bata DSWD Pamilya Identity Crisis Dating buhay
Pananaw ukol sa Child Abandonment
“Hindi malalaman ng bata ang importansya ng pamiya.” “Kawawa ang bata.” “Masama para sa bata.” “Napakalaki ng epekto sa pagkatao ng bata.” “Tanging maging magulang lang ang makapagbibigay ng
pinakamabuting pangangalaga at pagmamahal sa bata. III. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral a. Kongklusyon Ang child abandonment ay masasabing isa sa pinakamalalim at pinakamalalang isyu ng bansa pati na ng buong mundo. Ito ay napakaselan sapagkat tungkol ito sa kinabukasan at kahihinatnan ng kabataan na siyang pag-asa ng bayan. Nag-uugat ito sa desisyon ng mga magulang na tuluyang iwanan ang kanilang mga supling sa mga pinagkakatiwalaan nilang tao o institusyon. Ang kadalasang dahilan ng pag-abandona ay ang sirang pamilya at ang kahirapan. Ngunit ano pa man ang sanhi ay isa lamang ang siguradong epekto, daranas ng matindi at malaking pagbabago ang bata na kanyang dadalhin buong buhay. Magkakaroon ng biglaang pagbabago sa kanyang kapaligiran at klase ng pamumuhay kasama na rito ang pagbabago ng pananaw at ang paghubog sa buong katauhan ng bata. Sadyang mahirap para sa isang paslit na walang kamalay malay at walang pagpipilian ang ganitong proseso. Ang bata ang nagsisilbing puno’t dulo ng child abandonment at nanatiling nag-iisang biktima nito. Sadyang hindi madali ang pagtanggap at pag akma ng sa mga pagbabagong hatid ng child abandonment. Kaya’t tungkulin ng bawat isa na bigyang-halaga ang damdamin at kapakanan ng mga kabataang naabandona at maabandona. Higit sa lahat, hindi dapat kalimutan ang pagbibigay ng tunay na pagkalinga at pagmamahal sa mga bata upang mapunan ang kanilang pangungulila at kakulangan na nadarama. Walang ibang tugon kung hindi ang harapin ang problema imbis na gawing alternatibong solusyon ang pag-aabandona. Ang child abandonment ay hindi dapat pamarisan, bagkus ay iwasan.
b. Rekomendasyon Ang isyu ng child abandonment ay isang isyu na gaano man itatwa ay hindi talaga maiiwasan sa ating lipunan. Sa problemang ito, matinding disiplina ang kailangan. Responsibilidad ng mga magulang ng mga paslit na malaman ang kanilang mga limitasyon at kapasidad kung talagang kaya ba nilang suportahan ang paglaki ng mga bata. Disiplina rin ang kailangang pairalin ng mga sektor na nangangalaga sa kanila. Ito ay para mahusay nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Disiplina rin ang kailangan mula sa mga taong nakapaligid sa mga bata. Dapat nating matutunan na hindi dapat husgahan ang mga bata ayon sa kanilang panlabas na kaanyuan at dapat sila ang umunawa. Panghuli, ang mga batang abandonado ay dapat maging disiplinado, partikular na ang mga minor de edad. Sa sitwasyong ito, kung hindi nila tutulungan ang kanilang sarili, ang problemang ito ay imposibleng malunasan. Kung magsasagawa ng pag-aaral at may sapat na panahon at kagamitan, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: Pagsasagawa ng mas malalim na pagsusuri sa mga buhay ng mga bata. Pagkalap pa ng ibang mga salik na nakakaapekto sa Child abandonment. Pagkukumpara ng mga kalagayan ng bata sa iba’t-ibang institusyon na nangangalaga. Pagtingin ng epekto sa ugali at paniniwala ng batang biktima ng child abandonment sa kanyang paglaki. Imersyon sa buhay ng mga bata sa ampunan. IV. Talasanggunian
Nettleton, S. 2008. A Place for Orphaned & Vulnerable Children to Call Home in Tajikistan. Nakuha noong Nobyembre 28, 2008 sa www.unicef.org. Campbell, N. Abandoned Baby Laws. Nakuha noong Nobyembre 28, 2008 sa www.joesner.org. Parker, W. The Effects of Divorce on Children and How to Cope Why Children are Impacted by Divorce. Nakuha noong Nobyembre 28, 2008 sa www.about.com. Shan, E. 2006. Abandoned Children Helped With a New Life. Nakuha noong Nobyembre 28, 2008 sa China Youth Daily Newspaper (11/08/06). Long, J. D. Abandoned Children & Infants. Nakuha noong Nobyembre 28, 2008 sa www.worldnet.com. Denee, M. P. 2004. Our Children Used Part 2: Enslaved And Forgotten. Nakuha noong Nobyembre 28, 2008 sa http://www.realtruth.org/articles/227-ocu.html. 2006 nakuha noong march 01, 2009 sa http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://portal.unesco.org/education/en/files/14 98/1023987204street_children.gif/street_children.gif&imgrefurl=http://portal.unesco.org/e ducation/en/ev.phpURL_ID%3D1498%26URL_DO%3DDO_PRINTPAGE%26URL_SECTION%3D201.html&usg=__F gkdPd5dAsp8Hwnq1EoATyPbbZw=&h=375&w=350&sz=113&hl=tl&start=13&tbnid=oDe MJqnhdNrwKM:&tbnh=122&tbnw=114&prev=/images%3Fq%3Dstreet%2Bchildren%26gbv %3D2%26hl%3Dtl%26sa%3DG 2004 kinuha noong March 1, 2009 sa http://nextdaysite.net/sow2/web/images/ind_center_img.jpg Uckhet 2007. « neglect » nakuha noong march 01, 2009 sa http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://farm3.static.flickr.com/2095/15747301 98_e84455b175.jpg%3Fv%3D1193372121&imgrefurl=http://flickr.com/photos/uckhet/157 4730198&usg=__ufT6_gYtb76UuZ63mAZQJUxFmk=&h=375&w=500&sz=147&hl=tl&start=27&tbnid=mri5aeY4RU aBvM:&tbnh=98&tbnw=130&prev=/images%3Fq%3Dfilipino%2Bstreet%2Bchildren%26st art%3D20%26gbv%3D2%26ndsp%3D20%26hl%3Dtl%26sa%3DN Greenwell, K.F. (WP) Child welfare reform in Romania: Abandinment and disinstitutionalization 1987-2000. Nakuha noong February 21, 2009 sa http://pdf.dec.org/pdf_docs/Pnacn639.pdf Wolf, J.(WP) Effects of Abandonment in Children . nakuha noong February 21, 2009 sa www.about.com Poupard, P. 2005 Babies still abandoned in Romanian hospitals: pattern unchanged for 30 years, says UNICEF. nakuha noong january 19, 2009 sa http://www.unicef.org/media/media_24892.html Weiger, W. 2002. The framing of poverty as « child poverty » and its implications to women. nakuha noong Feb 21, 2009 sa http://dsp-psd.pwgsc.gc.ca/Collection/SW21-942002E.pdf