Sa maikling oras lamang, ang lahat na ay pare-parehong hindi nakuntento at sumama ang loob sa desisyon ni General Izquierdo. Lahat sila ay wala nang balak suportahan ang gobyerno January 20, 1872 – nagkaroon ng pag-aaklas ang mga sundalo sa San Felipe fort - Pinatay dito ang mga namumunong opisyal na nakatalaga sa nasabing fort 40 marines at 22 artillerymen ang nakisali sa pag-aaklas sa pamumuno ni Sergeant La Madrid Ang mga sundalo ay naloko o nadaya dahil inakala nilang bibigyan sila ng suporta sa pag-atakeng ito ngunit hindi ito nangyari. Nang malaman ni General Izquierdo ang tungkol sap ag-aaklas, nagpadala siya ng isang heneral papuntang Cavite upang pigilan ang pag-aaklas. Si Sergeant La Madrid ay nabulag at nasunog nang dahil sa eksplosyon noong panahong iyon at ang mga nag-aklas ay nahuli at dinala sa Maynila. Ang pag-aaklas ay pinalaki ng mga pinunong Espanyol. Sinabi nilang ang naganap ay bahagi ng isang malaking plano laban sa pananakop ng mga Kastila. Ang pag-aaklas ding ito ay ginamit na dahilan ni Izquierdo upang maghasik ng takot sa bansa. Ginamit nya itong paraan upang hindi na balakin ng iba na gumawa ng anumang sumasalungat sa gobyerno.