Sanicas Solano Tanyag Tejada
Casino
Sa paghagis ng dice, sa balasa ng baraha, ang kapalaran ng pitaka mo nakatadhana na. Sa mga larong bacarrat, slot machine, roulette, at craps, mga games of chance, ika nga, it’s anybody’s game. Kung sinuswerte ka ja-jackpot kang talaga. Kung hindi naman, sige lang ng sige hanggang ang crap mo, este Craps ay pumasok na sa ulo mo. Kung utakan naman ang hilig nandyan ang Poker at Blackjack, mga larong pangmayayaman sabi nila. Kalimutan yon, basta ba may perang susunugin, tiyak makakapasok ka sa casino. Kung takot naman sa tao may online casinong alternatibo. Sa
hirap
ng
buhay
ngayon,
hindi
na
kakatwang
marami
ang
nagbabakasakali sa swerte. Sa panig naman ng mayayaman, playground pa kung tutuusin ang sugalan. Ano ba nga naman kung matalo sila ng ilang libo—dolyar o piso, kasama naman nila ang mga kaibigan nilang kapwa maimpluwensya sa lipunan, baka may bago pang raket na mapasukan. Minsan, hindi naman masamang maghanap ng kasabikan ang tao—positibo man o negatibo. Kasabikan sa alak, laman, asawa, Diyos, pakikipagsapalaran, sugal at iba pa, mamili ka. Kung sugal lamang rin, doon ka na sa legal. Hindi naman mahirap hanapin ang mga casino, karaniwan silang nakapwesto sa loob ng o malapit sa hotel, restaurants, shopping centers, cruise ships, at iba pang puntahan ng turista. Ang panunugal ay sadyang nakagisnan na ng mga Pilipino. Naitala pa ito sa “”La Indolencia De Los Filipinos”, ang “Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Rizal. Kulturang hindi talaga ating pinasimulan kundi impluwensiyang dala ng mga dayuhan. Hanggang tuluyan sa kapangyarihan ng PD1067 na ginawa noong dekada ‘70 na naamyendahan noong ’83 sa PD 1869, nabuo ang PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation. Isang korporasyon, isandaang poryentong government-owned. Trabaho nito ay una, pamahalaanan ang lahat ng sugalan, partikular na ang mga casino; pangalawa, gumugol ng pondo para sa mga proyektong sosyo-sibiko maging nasyonal ng pamahalaan; at pangatlo, tulungang palakasin ang turismo ng bansa. Sosyal. Sa pagmomonopolyo ng PAGCOR nabigyan na ng katwiran ang kapritsong pagwawaldas ng pera,
nakatulong ka pa. Ngunit mahalagang ring pagtuunan ng pansin ang kabilang mukha nitong nag-iisang ahensya na pinahihintulutang mangasiwa ng lahat ng casino sa Pilipinas. Ayon kay Malou Mangahas at Patricia De Leon ng Philippine Center for Investigative Journalism, P26.83 bilyon ang kinita ng PAGCOR noong taong 2007 at tinatayang may 18% ang paglaki ng kita ng PAGCOR bawat taon. Ayon sa Presidente nitong si Rafael Francisco, 65% ng kita ng PAGCOR ay napupunta sa gobyerno, habang 35% naman ang naiiwan para sa operating expenses ng ahensya. Ngunit sa kabila ng malaking kitang ito, tila hindi akma ang sukat ang nakukuha ng pamahalaan mula sa kanila. Ang dahilan nila ay ang mga donasyong na binibigay nila alinsunod sa mga utos ng Opisina ng Presidente. Ngunit malaking usapin pa rin ang buwis dahil ang nagiging basehan daw ng franchise tax ay ang kabuuang napanalunan na mas maliit kumpara sa kabuuang kita. Ayon kay Senador Francis Escudero, noong taong 2007, ang kabuuang napanalunan ay P22 bilyon, kung kaya P1.1 bilyon lamang ang ibinayad ng PAGCOR bilang franchise tax nito, na dapat ay P1.34 bilyon kung ang pagbabasihan ay kabuuang kita,. Dagdag pa dito, sa kasalukuyan panahon ng panganib at di-kasiguraduhan, ayon sa mga balita may bagong modus operandi ang kapwa criminal at terorista. Their latest trend is to launder, move, and store fruits of their illicit activities. Pinabulaanan naman ito ng tagapagsalita ng PAGCOR. Aniya, ang PAGCOR at ang mga casinos sa Pilipinas ay hindi maaaring gamiting instrumento ng money laundering dahil pinatatakbo ang mga ito ng gobyerno; maaari, sa mga pribadong casino pa. Ang PAGCOR at ang mga casino na hawak nito ay mahigpit na tinututukan ng Department of Finance at sumasailalim sa AMLA o Anti-Money Laundering Act. Nasasaad ditong proprotektahan at iprepreserba ang integridad at katiwalaan sa mga transaksyon sa bangko, at titiyaking ang Pilipinas ay hindi gagamiting money laundering site ng kung ano pa mang iligal na transaksyon. Gayundin, alinsunod sa pandayuhang polisiya ng Pilipinas, pinapalawig ang kooperasyon ng estado sa transnasyonal na imbestigasyon at prosekyusyon ng mga taong nasasali sa money laundering activities saan man ito naganap. Dahil ang mga casino ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng kita ng
pamahalaan. Sa katunayan, pangatlo ang PAGCOR sa may pinakamalaking ambag sa pambansang badyet, gumagawa ng malalaking hakbang ang pamahalaan upang lalo pa itong palakihin. Kaya’t gayon na lamang ang hikayat ng pamahalaan sa mga forenger at burgis na karaniwang hitik sa mga hotel at mga lugar na pinupuntahan ng mga turista na pumunta sa mga casinong malapit sa kanila. Dito, nakikita natin ang casino bilang isang porma ng “hyperreality” dahil sa tinutulak ng institusyong ito ang mga tao na bumaba ang antas ng kamulatan nila hanggang umabot sa puntong umiikot na lamang ang mundo ng mga kaawaawang sugarol sa casino, sa pera, at sa swerte. Ang lugar na puno ng neon lights and craze, magarbong mga kagamitan, mga babaeng nagsasayawan, mga taong nag-aaliwan sa larong dinadasalan, lahat ng bagay sa loob ng casino ay nagbubukas ng isang mundong lutang at lalong naghihiwalay sa ugnayan ng mga tao nakaangat at naghihirap. Oo, kumikita ang gobyerno mula sa mga casino, mula sa mga luho ng iilang naghaharing uri at mga taong napaglalaruan ng kulturang pinapalaganap ng mga kapitalista, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang lalong palaganapin ang casino. Kung nais ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na badyet para sa serbisyong pang-kalusugan at pang-edukasyon, huwag na bayaran ang mga utang na hindi naman napakinabangan. Kung nais ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na kita,
dapat
nang
manasyonalisa
ang
mga
mapagsamantalang
dayuhang
korporasyon sa ating bansa. Ang kita mula sa mga casino ay hindi dapat maging batayan upang lalo pa itong palakihin at magpatayo ng “Tourism City”, isang kulturang casino, indibidwalista at ideyalista. Sa huli, sa paghagis ng dice, sa pagbalasa ng baraha, at sa pag-ikot ng roleta, sandaang porsyento mang nasa likod mo ang gobyerno, alalahanin din ang kwento sa likod ng casino.
Mga Sanggunian: Bangko Sentral ng Pilipinas. (2005). Anti-money laundering act of 2001 (RA 9160). Retrieved September 14, 2008. from http://www.bsp.gov.ph/regulations/laws_aml.asp
Brago, Pia. (2008). Pagcor casinos not money laundering outlets, says official. Retrieved September 14, 2008, from http://www.philstar.com/archives.php?&aid=20080502109&type=2& Manghas, Malou, at De Leon, Ponce. (2008). PCIJ. The Pagcor Money Machine: Who Spends What, and How?. Retrieved September 14, 2008 from http://www.pcij.org/stories/2008/tourism-city4.html PAGCOR. (2005). Philippine amusement and gaming corporation Retrieved September 14, 2008, from http://www.pagcor.ph/ Wikipedia. (2008). Casino. Retrieved September 14, 2008, from http://en.wikipedia.org/wiki/Casino ________. (n.d.). Philippines. Retrieved September 14, 2008, from http://online.casinocity.com/jurisdictions/jurisdiction.cfm?Id=25