BUOD/ PAG-AANALISA NG CANAL DE LA REINA Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyoekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka†ng karamihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal. Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’t sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyang inapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan “Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawin sayoâ€, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na sila’y mga hampas lupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman o ganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito ay walang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang naghahari. Sa umpisa ng nobela ay ipinakilala agad ang mga pangunahing tauhan. Binanggit na rin agad ang mga pangalan nito at ang relasyon nila sa bawat isa. Malaking tulong ito upang maintindihan agad ang kwento. Sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga pangunahing tauhan ay masasabing may-kaya ang mga ito. Gumagamit sila ng taglish, pambansang antas ng wika o minsan ay purong Inggles. Sa pagdaloy ng kwento, mas binibigyang pansin na ang mga tauhang si Caridad at Nyora Tentay. Makikita ang katatagan ng loob ng mga ito sa kabila ng pagiging isang babae. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian upang lumaban sa buhay. Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya. Ang pamilyang de los Angeles at Marcial. Ang pamilyang de los Angeles ay kinabibilangan nina Salvador, Caridad, Leni, at Junior. Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. Dahil siguro sa magandang ugnayan at buhay-pamilya, naging mabubuting tao ang bawat isa sa kanila. Si Salvador ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas din siyang sumasangayon sa mga desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at para sa ikabubuti ng asawa. Si Caridad ay isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap. Si Leni naman ang panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam. Ang huling miyembro ay si Junior. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipagusap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang. Minsan nga lamang ay masyado itong nagiging mapusok at napag-aalala niya tuloy si Caridad at Salvador. Nalagay na kasi siya sa kapahamakan dahil sa sobrang niyang paguusisa. Sa kabilang dako, ang pamilyang Marcial naman ay binubuo nina Nyora Tentay, Victor, Gracia, at Gerry. Kung ang pamilyang de los Angeles ay puno ng pagmamahalan, ang pamilyang Marcial naman ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito. Kahit na naging masama si Nyora Tentay sa umpisa ng nobela ay nabago naman itong lahat pagdating sa katapusan. Tinanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at ito ay dapat hangaan ng lahat. Tunay nga namang mahirap gawin ang pagtanggap sa pagkakamali. Hindi lang tayo nagpapatawad at nagtatanggal ng sisi sa iba kundi nililinis din natin ang ating mga puso’t konsensiya. Si Victor ay ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.
Napilitan lamang siyang hiwalayan ang asawa dahil sa kagustuhan ng ina. Sa karakter ni Victor, makikitang masama ang epekto ng pagiging masyadong sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakatataas sayo. Sa paggawa ng desisyon sa buhay, dapat din nating isipin ang ating sariling kaligayan at kabutihan. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran at hindi dapat tayo nagpapa-apekto sa mga ginagawa sa atin ng iba. Sa kabila ng paghihiwalay nina Gracia at Victor, nagawa ni Graciang buhayin ang kanyang anak na si Gerry. Naging maunlad at marangya ang kanilang pamumuhay dulot na rin ng pagtitiyaga niya. Si Gerry ay katulad din ni Leni. Isang doctor na espesiyalista sa pangagamot ng mga bata. Iniwan man ng ama ay wala siyang kinikimkim na galit laban dito. Tanggap niya ang lahat at naiintindihan niya ito. Sa huli ay magkaka-ayos naman ang pamilyang Marcial ngunit sa umpisa ng nobela ay talagang magulo ito. Ganun din ang kanilang tinitirhan, ang Canal de la Reina. Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamayari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela. Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon ito ng solusyon nang isang araw ay may dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas. Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Maraming makiktang isyung-panlipunan sa nobela. Bukod sa kahirapan ay makikita rin ang tungkol sa kurapsyon. Sa pagnanais ni Nyora Tentay ba mapasakanya ang mga lupain sa Canal de la Reina, maging ang mga pulis at mismong mayor ay sinuhulan niya. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa. Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat ay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina.
CANAL DELA REINA ni Liwayway A. Arceo I. Tema Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung napapanahon. Sa patuloy na “pag-iisang kahig, isang tuka†ng karamihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal. Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kaya’t sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyang inapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan “Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawin sayoâ€, si
Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na sila’y mga hampas lupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman o ganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito ay walang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang naghahari. II. Simula A. Mga Tauhan Pamilyang de los Angeles Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. 1. Salvador- ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at para sa ikabubuti ng asawa. 2. Caridad- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agadagad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap. 3. Leni -panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam. 4. Junior.- huling miyembro ngpamilya. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang Pamilyang MarcialAng pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito. 5. Victor - ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. 6. Gracia-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng inang si Nyora Tentay 7. Gerry- anak ni Victor at Gracia B. Tagpuan Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela. C. Suliranin Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. III. Gitna A. Saglit na Kasiglahan Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal. B.
Tunggalian Nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. C. Kasukdulan. Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat ay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina. IV. Wakas A.Kakalasan Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw ay may dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas. B. Katapusan Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari. V. Mensahe Maraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.