Bugtong

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Bugtong as PDF for free.

More details

  • Words: 362
  • Pages: 14
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Sagot: langka Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya

Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.

Sagot: ilaw Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: zipper Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Sagot: palaka Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: paruparo Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: mga mata Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta 24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.

Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: posporo 32. Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.

Sagot: Atis

33. Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin.

Sagot: Mangga 34. Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis.

Sagot: Mais 35. Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso.

Sagot: Santol 36. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.

Sagot: Saging 37. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.

Sagot: Duhat 38. Isang magandang dalaga.‘Di mabilang ang mata.

Sagot: Pinya

Related Documents