Mana-mana lang Yan Alas nuebe na naman ng gabi, hindi na literal na oras ng pag-uwi ng isang estudyante na magmumula sa kanilang paaralan. Tiyak na para na namang plakang sira ang ina ni Fernando na paulit-ulit na naman sa sermon dahil gabi na naman siyang umuwi. “Fernan, saan ka nanaman nanggaling bata ka?,, siguro sumama ka nanaman diyan sa mga kaklase mo ano, saan nanaman kayo nanggaling ha?” Ani ni Aling Iska na nanay ni Fernando. “Nay naman, parang di na kayo nasanay, lagi naman akong napasok sa paaralan ha, bakit ba tinatanong mo pa kung saan ako napunta, tanga naman ng isang to!”, “Aba Fernan, bakit ganyan ka magsalita sa akin, baka nakalimutan mo, ako ang ina mo, tigilan mo yang kabastusan mong hayup ka, ginagawa ko ang lahat mapakain lang kayo, at ngayon eh ganyan pa ang mga sinasabi mo sa akin, at isa pa, parang hindi ko alam na hindi ka naman talaga napasok sa paaralan, at sa halip ay sa tindahan sa harap ng paaralan ka napasok, nandun kayo ng barkada mo, puros sigarilyo ang hinihit-hit niyo. Fernan itigil mo yan sisirain lang niyan ang buhay mo” ika ng kanyang ina, “Ah alam ko na, tulad ng nangyari sa inyo” sabi ni Fernan at hindi na lang naka kibo ang kanyang ina. Tunay na walang galang sa matatanda si Fernan. Maging ang kanyang ina ay hindi niya magawang igalang. Aalis siya sa kanilang bahay na naka uniporme ngunit hindi naman siya dumidiretso sa paaralan. Uuwi ito upang kumain lamang, at pagkatapos ay aalis nang muli. Parang may katulong sa bahay at siya ang amo. Aalis muli at babalik sa oras na gusto niya. Ngunit kahit na ganon siya ay pinababayaan lamang siya ng kanyang ina, dahil mahal siya nito, iniintindi na lamang niya ang kanyang anak dahil nakikita niya lamang ang ilan sa kanyang mga katangian ng bata pa siya. Dahil si Aling Iska ay pala barkada din ng kabataan niya. Nag-asawa siya ng maaga sa edad na kinse anyos pa lamang, kaya hindi niya masisi si Fernan kung ito ay nagmana lamang sa kanya ng katigasan ng ulo. Ngunit kahit ganoon ay marami parin ang nagsasabi na mali parin ang ginagawa ni Aling Iska na pabayaan ang kanyang anak sa mga ginagawa nito sa kanya, ngunit wala namang magawa ang ibang tao dahil iyon ay sarili nilang buhay. At sa isa pang masaklap na pangyayari ay labindalawa silang magkakapatid at wala nang katuwang si Aling Iska sa pagsuporta sa kaniyang anak dahil nung isang taon ay kamamatay pa lamang ng kanyang asawa na si Mang Isko na ama ni Fernan. Kaya tunay na napakahirap ng kalagayan ni
Aling Iska na sa kabila ng kanyang labindalawang anak ay si Fernan lang ang kanyang inaasahan na kanyang magiging katuwang sa pamumuhay dahil siya ang panganay at masyado pang mga bata ang kanyang mga kapatid. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay wala nang pag-asa kay Fernan at marahil ay nasa iba niyang anak ang kanyang suwerte ngunit malayo pa ang kanyang bubunuin. Alas nuebe imedya na at siguradong mamaya ay maghahanap na si Fernan ng pagkain dahil ito ay tiyak na nagugutom na. At tulad nga ng inaasahan ay ayan na nga at nag-uumpisa nang kumalabog ang mga pinggan at kaldero dahil naghahanap na si Fernan ng makakain. “Anu pa bang tinatayo diyan at bakit hindi pa maghanda ng pagkain, nagugutom na kaya ako!, ikaw Huling, patahimikin mo nga yang kapatid mong yan, ang ingay-ingay nakaka torete na ng tainga” ika ni Fernan. At dali-dali na ngang kumilos si Aling Iska at kinuha na ang kaldero ng malatang kanin na kanilang pagsasaluhan. Kalahating kilo lamang ang kanilang bigas at sa labindalawa niyang anak, ito’y kulang na kulang sa kanila, ngunit sa kanyang pagsandok ay pinaka marami ang kay Fernan dahil ito ay magagalit kung kaunti lang. Alam na naman iyon ng kanyang mga anak, ngunit hindi parin nawawala sa kanilang isip na tila lugi sila dahil ito na ngang si Fernan ang tamad ay siya parin ang paborito ng kanilang ina. Ngunit wala naman silang magawa. Pagkatapos kumain ay iniwan na lamang ni Fernan ang kanyang pinagkainan sa lamesa, ni hindi man lamang inilagay sa kanilang lababo. Hindi na nga siya ang maghuhugas, maging ang pagdadala sa lababo ay di man lamang niya magawa. Si Aling Iska ay sinusundan na lamang siya ng tingin hanggang si Fernan ay makalabas ng bahay upang bumili ng sigarilyo na kanyang hihit-hitin. Ngunit ang nasa isip na lamang ni Aling Iska ay huwag na nga sanang umabot sa kasukdulan ang minanang ugali ni Fernan mula sa kanya. Dahil nang kabataan ni Aling Iska ay natatandaan niyang halos pareho sila ng ugali ni Fernan. Lagi na lamang sakit ng ulo ng kanyang mga magulang. Minsan kasing naikwento ni Aling Iska sa kanyang mga kapit-bahay kung bakit pinababayaan at sa halip ay iniintindi na lamang ni Aling Iska si Fernan, at ito ay dahil sa nakikita niya lamang ang kanyang sarili sa kanyang anak na si Fernan nung siya ay bata pa. Umaalis din siya sa bahay nila noon na naka uniporme na waring papasok sa paaralan ngunit ang totoo ay sa bahay ng kanyang kaklase siya tumutuloy. Doon sila ay nagkakasiyahan, nagtatawanan at higit sa lahat ay nag-iinuman pa. Hanggang sa dumating ang oras na siya ay nakatulog noon dahil sa sobrang kalasingan. Hindi na niya alam ang mga pangyayaring naganap habang
siya ay natutulog, hanggang sa magising siyang masama ang pakiramdam, hanggang sa lumipas ang ilang araw at nalaman niyang siya pala ay buntis na sa edad na labing limang taong gulang. Nang nalaman ito ng kanyang ina, tumaas ang dugo nito, inatake sa puso at namatay. Mula sa pangyayaring iyon na pagkamatay ng ina ni Aling Iska ay tsaka pa lamang niya napagtanto ang kanyang mga maling nagawa. Ngunit huli na ang lahat kung siya man ay hihingi ng tawad. Kaya iniintindi na lamang niya ang kanyang anak, dahil baka sakali umanong hindi ito lumagpas sa pader ng kanyang kagustuhan at paghahanap ng kalayaan. Sa kanyang mga anak ay halos si Fernan lang ang kanyang problema kaya halos dito lang nakatuon ang kanyang pansin at pang-unawa. Pagsapit ng kinabukasan ay maaga na namang gumising si Fernan, nag-ayos ng sarili at wari’y papasok na muli sa paaralan. Ngunit alam na naman ni Aling Iska kung saan siya pupunta at muli ay pinabayaan na lamang ito ng kanyang ina. At ang isa pang pinapasalamat ni Aling Iska ay dahil nabalik pa naman si Fernan sa kanilang bahay at hindi pa lumalayas at mula sa ganoon ay masaya na rin siya. At si Fernan ay umalis na nga, ni wala man lang paalam. At sa di kalayuan ay natanaw na niya ang kanyang mga barkada na nag-aantay sa kanya, at nang siya’y nakalapit na, sabay abot agad ng sigarilyo, kasabay ng kanyang agarang paghit-hit. “Tara na Fernan, alis na tayo, naghihintay na sa tambayan yung dalawang babaeng gustong sumali sa grupo!, ano pwede kaya yun?” ika ng isa niyang kabarkada. “Aba, siyempre naman!, pang dag-dag din yun para mas marami tayo, madali lang naman mag tanggal sa grupo kung sakaling hindi sila ayos eh!” sagot naman ni Fernan. “Sige ba, maganda pa naman yung isa dun pare, sigurado magugustuhan mo yun”, ika naman ng isa. “Sige ba, pag yang sinasabi niyo eh hindi pumasa sakin, lagot kayo”, sagot ni Fernan. Nang sila ay makarating na sa tambayan ng kanilang fraternity ay nandun na nga ang dalawang babae na naghihintay sa kanila. At mabilis na nagtanong na kaagad si Fernan tungkol sa isang babae na sinasabi nila. At nang ito ay kanyang makita, naakit kaagad siya rito, kung baga, na love at first sight siya. Sunod ay sinsbi niyang siya na muna ang bahala sa babaeng iyon na nagngangalang Perla. Kinausap niya ito at sinabi na isa-isa silang magtatanong-tanong, kung baga eh mag iinterview muna siya. Dinala niya ito sa isang kwarto sa kanilang bahay-tambayan. Nang una ay maayos ang kanyang pagtatanong dito tungkol sa kung anu-anong mga bagay upang makasali ito, ngunit maya-maya ay iba na
ang kanyang tingin sa babaeng si Perla. Bigla niya itong kinabig pahiga at saka dahan-dahang tinanggalan ng saplot, at ang kanyang kaninang masamang binabalak kay Perla ay kanya nang isinagawa. Kahit naririnig na ng kanyang mga kabarkada ang mahabang haling-hing ni Perla ng saklolo ay pinabayaan lamang nila si Fernan sa kung ano man ang ginagawa nito kay Perla at sinabing bahagi lamang iyon ng paunang hazing ng kanilang fraternity. Nang pakawalan niya si Perla ay dali-dali itong tumakbo palayo sa kanila habang naiyak. Pagkatapos ay lumabas na din si Fernan na tila masayang-masaya sa kung anuman ang nangyari at kanyang ginawa kay Perla, at ang ginawa ni Fernan ay di naman lingid sa kaalaman ng kanyang mga kabarkada. Kinabukasan ay parang walang nangyari, ngunit umagang-umaga ay sumalubong agad sa bahay nina Fernan ang guro nito at sinabing nagsumbong sa pamunuan ng paaralan si Perla hingil sa ginawa ni Fernan sa kanya. Galit na galit si Aling Iska ng isalaysay ng guro ni Fernan ang kinuwento ni Perla sa kanyang guro, at binanggit din nito ang mga araw ng hindi pagpasok ni Fernan sa klase na hindi naman lingid sa kaalaman ni Aling Iska. Pero hindi na iyon ang iniisip ni Aling Iska, kundi ang posibleng mangyari kay Fernan. Ngunit hindi nga nagtagal ay nalaman na nagbunga na ang ginawang pagkakasala ni Fernan kay Perla at parang gumuho ang mundo ni Aling Iska. Ang kanyang pinangangambahan ay nangyari na. Mag-aasawa na ng maaga si Fernan dahil dapat niyang panindigan ang kanyang ginawa kay Perla, at si Aling Iska, mula sa sobrang pag-iisip ay inatake sa puso. At sa hindi inaasahang pagkakataon, ito ay hindi agad naisugod sa ospital kaya agad itong namatay. Nagpatong-patong na ang problema ngayon kay Fernan na siyang panganay. Nawala na ang kanyang ina. Wala nang mag-iintindi sa kanyang mga kapatid at ngayon ay magkaka anak pa siya. Hindi na niya alam kung ano at sino ang unang iintindihin. Mabuti na lamang at nagdesisyon ang kanyang mga tiyahin sa probinsya na ampunin na lamang ang kanyang mga maliliit na kapatid dahil alam nilang hindi naman ito kayang alagaan ni Fernan lalo pa’t magkaka anak na ito. Kahit namatay ang kanyang ina ay parang wala lang nangyari kay Fernan. Hindi man lamang siya nagdadalamhati. Hanggang sa huli ay tila wala paring importansya sa kanya ang kanyang ina. Lumipas ang siyam na buwan at si Perla ay manganganak na. At ang anak nilang dalawa ni Fernan ay lalaki. Kamukhang-kamukha ni Fernan ang kanyang anak. Nang una ay tila hindi niya matanggap ang kanyang anak
dahil masyado pa din siyang bata at hindi pa siya handa bilang isang labing limang taong gulang na ama. Ngunit nang lumaon ay tila nasisiyahan na din siyang mag-alaga kagaya ng pag-aalaga ni Perla. At hanggang sa dumating ang panahon na talagang minahal niya ang kanyang anak na si Junior, isinunod kasi ang pangalan nito sa kanya na Fernando. Nang lumaon ay natuto nang magsalita si Junior, hanggang sa makapaglakad at dumating ang panahon na siya ay magaaral na. Siya ay malapit sa kanyang mga kamag-aral at madali siyang makisama sa lahat ng kanyang kamag-aral. Dahil madali siyang makisama ay nahumaling din siya sa mga pag-aaya ng mga barkada at kamag-aral. Bilang mga elementarya ay mababait pa naman sila at hindi pa naiisip ang hindi pagpasok sa klase ngunit nang si Junior ay pumasok na sa mataas na paaralan. Sa una ay nasa tamang oras lang umuwi si Junior sa kanilang bahay at natutuwa naman dito si Fernan hanggang kung minsan ay ginagabi na si Junior ng pag-uwi at ikinakatwiran na lang ang mga paggawa nila ng takdang aralin sa bahay ng kanyang kamag-aral, at kung minsan naman ay mayroon naman daw silang ensayo ng sayaw para sa isang asignatura. Pero ang ganitong mga dahilan ni Junior ay hindi narin kapani-paniwala dahil halos araw-araw nalang siyang ginagabi. Kaya sinabihan siya ni Fernan na kung may barkada siya ay mabuti pang iwanan na niya dahil ito ang magdadala sa kanya sa kapahamakan, (tulad ng nangyari sa kanya). At isang araw ay may dumating na isang batang babae sa bahay nina Fernan at sinabi nitong siya ay buntis at si Junior ang ama. Nagulantang si Fernan sa kanyang narinig. At maya-maya pa ay humahangos na dumating si Aling Isiang na kanilang kapit-bahay at sinabing nakita daw niya si Junior na may kasamang mga lalaki at may dala-dalang plastic na may lamang rugby at kanila itong hinihit-hit. At tila gumuho ang mundo ni Fernan. Gulong-gulo ang kanyang isip dahil nagugunita na niya ang maaaring mangyari kay Junior sa landas na tinatahak nito ngayon na minsan na niyang pinili. At ngayon ay tila nararamdaman na ni Fernan ang pakiramdam ng kanyang ina habang ginagabayan siya ngunit ito ay kanyang binalewala. Ang ginawa niya sa kanyang ina ay ginagawa na ngayon ng kanyang anak sa kanya, kaya ngayon ay naging malinaw na sa kanya kung gaano kahirap tanggapin ang ganito kaya’t sinisi niyang mabuti ang kanyang sarili. Sana’y maaga pa ay nagbago na siya para hindi namana ng kanyang anak ang kanyang ginawa nang siya ay bata pa. Kaya ngayon niya naramdaman ang hagupit ng karma sa kanya dahi sa pagmamana-mana ng kanilang mga desisyon at pag-uugali.
Buwana ng
Maikli ng Kwent o Oktubre 19, 2009