Blue Church.docx

  • Uploaded by: cerille
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Blue Church.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 502
  • Pages: 3
DASAL PARA SA KALULUWA Ang Tandan g Santa Krus Ipag-adya mo kami, Panginoon naming Diyos; sa mga kaaway namin sa ngalan ng ama, at ng anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen. Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao naming totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Na ikaw nga ang Diyos ko at Panginoon ko na iniibig ko ng lalo sa lahat. Nagtitika naman akong matibay na matibay na hindi na muling magkakasala sa iyo. Lalayuan ko na pangingilagan ang baling ikababalik ng loob ko sa masama, makakalibat ng dating sakit ng kaluluwa ko. Nagtitika naman akong magkukumpisal ng lahat ng kasalanan ko. Umaasa ako na patatawarin mo rin alang-alang at pakundangan sa Mahal na Pasion at

pagkamatay sa krus dahilan sa akin at sa lahat ng tao. Amen. Buksan mo na po, Panginoon ko, ang aming mga labi, pakalinisin sa walang kapakanang mahalay, liwanagin an gaming mga bait. Papagningasin ang aming mga puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang pinagdaanang hirap at kamatayan sampu ng kapait-paitang dinalita ng iyong marangal na Ina. Maging dapat kaming dinggin sa harap ng iyong dimatingkalang kapangyarihan, na nabubuhay ka nga at naghahari magpasawalang hanggan, Amen. Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin mo ng iyong mga matang maamo, ang mga kaluluwa ng mga bininyagang nangamatay na at ang kaluluwa ni _________na dahil sa kanya ay nagpakasakit ka at nagpakamatay sa krus. Siya nawa.

1. Hesus ko, alang alang sa masaganang dugo na iyong pinawis ng manalangin ka sa halamanan. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni___.

6. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong mukha na iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____.

2. Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ni iyong mukhang kagalang-galang. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni ____.

7. Hesus ko, alang-alang sa damit mong mahal na natigmak ng dugo na biglang pananakit at hinubad sa iyong katawan niyong mga tampalasan. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____.

3. Hesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na iyong tiniis. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____. 4. Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa mahal mong ulo. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____. 5. Hesus ko, alang-alang sa paglalakad mo sa lansangan ng kapaitan na ang krus ay iyong kababaw-babaw. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____.

8. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong katawan napako sa krus. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____. 9. Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan mong paa’t kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit. S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____. 10. Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong mahal na mabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at binukalan ng dugo at tubig.

S. Kaawaan at patawarin ang kaluluwa ni_____. N. Pagkalooban mop o siya, Panginoon ko, ng kapayapaang walang hanggan. S. Magbigay liwanag sa kanya ang ilaw na walang katapusan. N. Mapanatag siya sa kapayapaan. S. Siya nawa.

Related Documents

Blue
April 2020 28
Blue
November 2019 52
Blue
July 2020 21
Blue Juju V Blue Magic
July 2020 17
Blue Eyed
April 2020 13
Blue Church.docx
May 2020 7

More Documents from "cerille"

Blue Church.docx
May 2020 7