Benefits Of Breast Feeding

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Benefits Of Breast Feeding as PDF for free.

More details

  • Words: 1,114
  • Pages: 2
BREASTFEEDI NG A. BENEFITS BREASTFEEDING: B – onding R – esistance E – conomical A – llergy-free S – afe T – imesaving F–amily planning E – nergy giving E – rror free formula D – igestible I – nexhaustible supply N – o vitamin needed G – uaranteed as best milk for baby

of

B. Kahalagahan ng pagpapasuso: Ang pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol ay nagbibigay ng pinakamabisang proteksiyon, pagpapakain sa inyong sanggol. Ang gatas ng ina ay may kalakip na sangkap, na mula sa katawan ng isang ina, para sa kalusuganng sanggol laban sa mga sakit. Ang pagpapasuso ay hindi na nangangailangan ng karagdagan pang pagkain para sa sanggol, ang gatas ng ina ay sapat ng pagkain para sa sanggol, marapat lamang na ito ay patuloy na ibinibigay at nasa oras kung kailan ang sanggol ay kailangan ng pakainin.

C. Kailan dapat simulan at ipagpatuloy ang pagpapasuso sa sanggol: 3 E’s in Breastfeeding:

1. As Early as possible 2. Exclusive for 4-6 months 3. Extended up to 2 years Ang pagpapasuso ay marapat na magsimula pagkalabas pa lamang ng

bata sa sinapupunan ng ina, pagtapos iaanak ang sanggol na kung saan inilalagay ng mga doktor o ng kumadrona ang sanggol sa dibdib ng ina matapos siyang iluwal (Latch-on). Samantala, ang pagpapasuso ay dapat ipagpatuloy mula 4-6 na buwan matapos ipanganak ang bata, at mas mainam kung hanggang sa ang bata ay makarating na sa ikalawang taong gulang. Ang pagpapasuso ay hindi dapat biglaang itinitigil, marapat na dahan-dahan ipakilala sa bata ang mga pagkain na kapalit ng gatas ng ina, halimbawa, ang gatas na nabibili, lugaw, cereals (cerelac), mga buong pagkain tulad ng mga carrots sticks, kanin at iba pa. Habang ang bata ay kumakain pa sa pamamagitan ng pagsuso, ang bata ay hindi dapat bigyan ng “pacifiers”, dahil ito ay nagpapalito sa bata sa utong ng ina, dulot nito ay mas matinding pagkagat ng bata sa utong ng ina habang nagpapasuso, dahilan upang masugatan ang utong ng ina at ang isa pang dulot nito ay ang pagsipsip ng bata sa kanyang daliri (thumb-sucking). D. Paghahanda para sa pagpapasuso: PAGLILINIS NG UTONG: Ang utong ng ina ay nililinis ng tubig at hindi ginagamitan ng sabon dahil magdudulot ito ng pagkatuyo ng utong resultang ng medaling pagkakasugat ng utong. Linisin ang utong palabas, mula sa brown na palibot na balat sa utong palabas ng dulo ng utong. Gumamit ng basing tela sa paglilinis at iwasan ang bulak at tissue dahil maaring maiwan ang mga hibla nito sa utong na maaaring makain ng sanggol sa pagsuso. Mahalagang linisin ang utong ng ina upang maiwasan ang kung anu-anong maaring masama sa pagsuso ng sanggol at para na rin maiwasan ang impeksyon sa suso ng ina at ang paglipat nito sa sanggol sa pamamagitan ng pagsuso. Bago pasusuhin ang sanggol at ayaw tumulo ng gatas, maaring lapatan ng towel o tela

na basa ng mainit na tubig ang suso ng ina. Ilapat ang tela sa suso hindi sa utong ng ina. Ito ay mabisa para lumabas ang gatas gayundin sa pababawas ng pagsakit ng suso.

Maari turuan ng ina ang kanyang anak. Una, dahandahan haplusin paikot ang pisngi ng sanggol gamit ang hintuturo ng ina, dulot nito ay ang pagbuka ng bibig at paglabas ng dila ng sanggol. Ipagpatuloy ang paghaplos hanggang ang bata ay kusang magpakita ng kakayahan sa pagsipsip at patuloy na paglabas ng dila, at ito ang pagkakataon na maaari ng ilapat ang utong sa bibig ng bata. Dapat ang utong hanggang sa brown na balat ang sakop ng bibig ng sanggol para sa mas epektibong pagsuso.

E. Paano malalaman kung kailan dapat pasusuhin ang sanggol at ilang beses? Tuwing umiiyak ang sanggol, hindi ito nangangahulugan na gutom ang bata. Dapat malaman ng ina kung ano ang daing ng pag-iyak ng sanggol. Kung ang iyak ng bata ay malakas at hindi tumatahan kahit sa pagkarga at pag-alok ng suso para sa pagpapadede, malamang may ibang daing ang bata at hindi siya nagugutom.

G. P aan o

Samantala, ang bata ay maaring pakainin matapos ang 2 hanggang 3 oras matapos ang huling pagsuso. Ang unang suso ginamit ng sanggol, Halimbawa ang kaliwang suso ng ina, ay maaaring magpasuso sa loob ng 10 minuto, samantala ang susunod o ipapalit na suso, halimbawa ng kanan ay maaaaring gamitin sa loob ng 6 na minuto. Sa susunod na pagpapasuso matapos ang dalawang oras, unahin ang suso na ginamit ng sanggol na nauna niyang supsupin. Halimbawa sa naunang kaso, unahin muli ang kaliwang dibdib. F. Papaano kung hindi marunong sumupsop ang bata sa dibdib ng ina?

malalaman kung busog na si baby? Kapag busog na si baby, titigil na siya sa pagsuso at kahit alukin pa s’ya ng pagsuso ay hindi na niya ito isusubo. Ang sanggol ay maari ring mabusog na sa loob ng 10 minuto ng pagpapasuso. H. May dapat ba kong gawin pagtapos dumede ni baby? Pagtapos sumuso ni baby maari rin siyang padighayin para maiwasan ang kabag at pagsuka. Maraming paraan para gawin ito: Hawakan ang sanggol padapa sa balikat at dahandahan tapikin ang likuran ni baby hanggang siya ay mapadighay. Maari rin gawin

ito habang nakadapa si baby sa hita at saka tapikin ang kanyang likod. Gawin ito tuwing matapos pasusuhin si baby. I. Papaano ko naman mapapasuso ang anak ko kung kailangan kong magtrabaho? Maari pa ring mapakain ang sanggol sa pamamagitan ng gatas ng ina ang sanggol sa pamamagitan ng paglalagay sa bote ng gatas mula sa suso ng ina. Maglaan ng isang bote o anumang lalagyan maaring takpan. Hugasan ito gamit ang sabon at mainit na tubig at banlawan gamit ang mainit na tubig. Pigain ang suso mula sa brown na balat at idiretso ang gatas sa bote. Maari rin gumamit ng breast pump para kumuha ng gatas mula sa dibdib ng ina. Ilagay lamang ang gatas sa bote na sapat para sa isang pagdede ng sanggol. Kapag ihahain na ang gatas sa bote, initin ito sa pamamagitan ng tubig na mainit at ibabad ito sa loob ng isang minuto. Iwasan painitan ito direkta sa apoy o sa oven o sa microwave. Kung humiwalay na ang mga laman ng gatas ng ina, alugin ng bahagya ang bote para muling magsama ang sangkap ng gatas ng ina. Siguraduhing tama lamang ang init ng gatas para hindi mapaso ang bata. Ang gatas ng ina ay maaring itago sa loob ng refrigerator para sa mga susunod na panahon pagpapakain sa sanggol. Maaari itong ilagay sa refrigerator na maaring magamit sa mga susunod na panahon: ITAGO SA:

MAARI ITONG MAKONSUMO SA LOOB

Room temperat Refrigera tor Freezer

8 – 10 hours

Deep freezer

6 months

48 hours 3 months

PLM BSN IV-3 Batch 2009

Related Documents

Breast Feeding
May 2020 25
Breast Feeding
December 2019 39
Breast Feeding
June 2020 18
Breast Feeding & Weaning
November 2019 21
Facts About Breast Feeding
December 2019 28