Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc
BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
I.
Panimula
Ang pag-unlad ng siyensya at teknolohiya ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kalidad ng pamumuhay ng mga tao. Tumuklas ng mga pamamaraan upang tugunan ang mga komplikadong pangangailangan ng tao. Ang kahinaan at kakulangan sa aspetong biyolohikal ay pinupunan sa pamamagitan ng mga prosesong isinasagawa ng Medisina ngayon. Sa patuloy na pag-aaral at pananaliksik ay nagkaroon ng mga alternatibong solusyon sa mga suliraning ito. Isa na rito ang In Vitro Fertilization na naglalayong tumugon sa suliranin ng pagbubuntis. Sa pag-aaral na ito tatalakayin ang pinagmulan at pagbuo ng konsepto ng In Vitro Fertilization, ang proseso ng IVF, at ang dulot nito sa pisikal, ispiritwal, emosyonal at moral na integridad ng mga pamilyang sumailalim dito. A. Depinisyon at Proseso [1]
Ang mga salitang ‘In Vitro’ ay nagmula sa latinong termino na nangangahulugang ‘within the glass’.
Bago magsimula ang proseso, binibigyan muna ng gamot ang babae para sa ovarian stimulation upang makagawa siya ng maraming itlog na importante upang maging matagumpay ang IVF. Hindi kasi makakasiguro ng mabuting resulta kung iilan lamang ang makukuha na itlog. [2] Sa proseso ng IVF, ang unang hakbang ay ang pag-aani ng itlog ng babae (o ang tinatawag na egg harvesting). Maari munang isagawa ang isang transvaginal ultrasound sa babae upang magkaroon ng ideya ang doktor kung saan mas marapat itusok ang hiringgilya. Sa pamamagitan ng pagtusok ng isang hiringgilya sa itaas ng kaliwa at kanang mga ovaries ng babae, nahihigop ang mga patent na itlog ng babae sa loob ng hiringgilya na maaring gamitin para sa mga susunod na proseso. Matapos ang hakbang na ito, aaralin sa ilalim ng microscope ang follicular fluid na nakuha sa babae na naglalaman ng mga itlog. Ang bawat itlog na nakuha sa pasyente ay huhugasan sa isang espesyal na medium upang matanggal ang dumi at iba pang impurities. Ang bawat itlog ay ililipat sa magkakahiwalay na dishes sa loob ng isang incubator na naglalaman ng carbon dioxide at dito sila mananatili hangga’t maging handa para sa fertilization o makuha na ang mga punlay. [2] http://en.wikipedia.org/wiki/In_vitro http://www.sharedjourney.com/define/retrieval.html
[1] [2]
http://www.plenitas.com/landings/in_vitro_fertilization.asp
Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
Embryo Culture Stage: Day- 2, Day- 3 o Blastocyst (Day- 5) Culture
Embryo Transfer: (ng reproductive endocrinologist) Day-3 Transfer o Blastocyst Embryo Cryopreservation (Liquid Nitrogen: -196oC)
SANGGO
[3],[4]
Frozen Embryo Transfer o Figure 1. Proseso ng IVFThawing (Pagtutunaw)
B. Kasaysayan ng In Vitro Fertilizationss 1890 Si Walter Heape, isang propessor at manggagamot ng University of Cambridge, England, na matagal nang nanaliksik sa reproduksiyon ng iba’t ibang hayop ay ang unang nagbigay alam sa unang kaso ng ‘embryo transplantation’ sa mga koneho. Ito ang simula ng kasaysayan ng IVF (In Vitro Fertilization) at ET (Embryo Transfer) 1939 Si Gregory Pincus at ang kanyang mga kasama ang naunang nagpakita kung paano gumulang ang mga itlog na binungkal sa laboratory at ang paggamit ng itlog ng tao. 1959 Ipinakita ni M.C. Chang ang unang paglipat ng itlog ng tao sa bahay bata. 1961 Si Palmer na mula sa France ang nag-ulat tungkol sa unang pagkuha ng oocytes sa paraang laparoscopy. 1973 Ang unang pagbubuntis ng IVF ay iniulat sa ‘The Lancet’ ng Monash ngunit dahil ito ay nagtagal lamang ng ilang araw. Sa kasalukyan ito ay tinatawag na ‘Biochemical pregnancy’. 1976 Ang samahan nina Steptoe at Edwards ang nagdala ng tagumpay sa pagpapanganak ng mga unang sanggol ng IVF na isinagawa sa ‘tubal ectopic pregnancy’, Si Louise Brown at isang sanggol na hindi pinangalanan na mula sa Oldham. 1980 Si Candice Reed sa Melbourne ang nagmarka ng pagbalik ng iniksiyon ng pertilidad na gamot na makakatulong sa pagpukaw ng IVF. Si Y. Mendoza ay ang unang naglinang ng B2 culture medium o ang “French medium” http://www.apfertilidade.org/blog/wp-content/uploads/2008/07/19-test_tube_baby [5],[6]
http://www.sharedjourney.com/ivf/fet.html http://www.sharedjourney.com/articles/ah.html [5] http://www.ivf1.com/ivf/ [6] http://www.tal-e.com/index.php?option=com_content&view=article&id=5&Itemid= [3] [4]
Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
1981
Ang unang sanggol ng IVF sa France ay nagtagpo sa Clamart (na pinamunuan ni Frydman at Testart, at sa Sweden noong 1982. Ang unang frozen embryo twins ay ipinanganak sa Australia.
1984
1986 1987 1992
2002
Labing-apat (14) na pagbubuntis ang sumunod at siyam na sanggol noong 1981 ng Monash University team. Ang Jones team ng Norfolk, Virginia ay nagpabuti ng IVF sa pamamagitan ng ‘follicle stimulating hormone’ (uHMG), GnRHA at GnRH Ant na makakapagpababa ng maagang pangingitlog Ang unang paggamit ng ‘tansvaginal ultrasound guidance’ sa pagkuha ng itlog sa obaryo na pinamunuan ni Matts Wikilan na mula sa Gothenburg, Switzerland. Ang unang surrogacy embryo sa California ay ipinanganak rin. Noong Enero ng taong ito ang unang paggamit ng Lupron upang maiwasan ang maagang ‘premature ovulation’ na madalas ginagamit sa mga pinanigas na embryo. Ang unang paggamit ng paglipat ng embryo gamit ang ultrasound n a nagtatagal ng labing limang minuto. Ang pagpanigas sa lamig, paglusaw at paglipat ng embryo ay naging mahigit na nagpabuti ng pagkamabisa ng IVF. Ang isa pang nagging importanteng milarya ay ang paglilinang ng ‘intra cytoplasmic sperm injection’ ni Andre Van Steirtegham ng Brussels, Germany. Ang Monash IVF ay naging matagumpay sa pagkakaroon ng 7,000 na sanggol.
http://www.apfertilidade.org/blog/wp-content/uploads/2008/07/19-test_tube_baby [5], [6]
A. IVF sa Pilipinas Sa Pilipinas mayroong tatlong klinika na nagkaroon ng partisipasyon sa IVF sa Metro Manila, pero ang pinakaabala ay ang Victory ART Laboratory Phils. Inc. o Victory Lab Philippines sa Makati City. [7] Ito ay kauna-unahang itinatag ng parent company ng Victory Lab na nakabase sa Hong Kong. Ang laboratoryo ay nagbibigay ng sining ng teknolohiya na tumutugon sa ganap na lunas sa mga di magkaanak mula sa pagbibigay ng payo at pagsusuri ng punlay hanggang sa aktwal na IVF at pag-iimbak ng semilya (Iyan ang kailangan sa pasyenteng may gusto ng madalian). Ang lahat ng ito ay pagbabakasakali sa mag-asawa ng magkaroon ng anak. [7] Si Greg Pastorfide, MD., isang direktor ng medisina na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas at nagpatuloy ng pag-aaral sa Harvard Medical School sa Boston. Ayon sa kanya, ang pagdadala ng IVF sa Pilipinas ay nagbibigay sa kanya ng kawilihan. Pagkatapos nito siya ay naugnay sa unang IVF sa Pilipinas 15 taong nakalipas bago naging victory Lab Philippines noong 2003. [7] Pangalawang layunin ng klinika ay nagkaroon ng mataas na halaga ng pamamaraan. Nang siyay magsimula ang IVF ay naglaan ng halagang 1.M ngunit ngayon binawasan nila ng halaga sa P500,000. [7] [5] [6] [7]
http://www.ivf1.com/ivf/ http://www.tal-e.com/index.php?option=com_content&view=article&id=5&Itemid=5 http://www.businessmirror.com.ph/08282008/life04.html
Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
Sinabi niya na makabubuti ito upang ang mga Pilipino a y makahanp ng murang lunas sa IVF at din a lumayo pa ng bansa. Sinabi rin niya na 10 porsyento o 4.4M na babaing Pilipino na nagkaroon ng problema sa di pag-aanak. Ang Victory Lab Philippines humahawak ng pasyente na mula 20 hanggang 30 bawat buwan at minsan may mga pasyente na tinatanggap sila na galling sa ibang bansa. [7] II. Kahalagahan ng Pag-aaral
A. Mga Kadahilanan ng mga Pamilya sa Pagsasagawa ng IVF • Maaaring ang fallopian tube ng babae ay barado o may pinsala kaya mahirap ang proseso ng pagbibinhi ng itlog o di kaya naman ay mahihirapang maglakbay ang embryo papunta sa bahay-bata. •
Maaaring ang lalaki ay may mababang bilang ng punlay o may problema sa tungkulin o paggalaw ang punlay na maaaring makapigil sa pagfertilize nito sa itlog ng babae.
•
Ang malalang Endometriosis ay maaaring makaimpluwensiya sa pagbubunga ng itlog at pagtatanim ng embryo sa bahay-bata.
•
Mga problema sa obaryo na maaaring makapigil sa pagpapakawala o paggawa ng itlog.
•
Hindi pangkaraniwang anyo ng bahay-bata, fibroid tumors, diethylstilbestrol (DES) bilang sanggol sa sinapupunan ng ina.
•
Hindi maipaliwanag na hindi pagkabuntis
o
pagkabilad
sa
[8]
B. Mga Salik na isinaalang-alang ng mga pamilyang sumailalim sa IVF • Edad: Mga babaeng may edad 35 pababa na walang problema sa punlay ng kanilang asawa ay maaaring sumubok ng IVF.
•
•
Maraming panganganak: Sa pangkalahatan, sa mga babaeng gumamit ng IVF upang magkaroon ng isang buhay ng panganganak, 63% ay isang panganganak lamang, 32% ay kambal, at 5% ay may tatlong o higit pang panganganak.
•
Halaga: Isang yugto ng IVF ay humigit kumulang $ 12, 400 o P 620,000
•
Bawas sa Operasyon: Kung ang babae ay may IVF, maaaring hindi na siya operahan sa kanyang fallopian tube. Ipinagpapalagay na nabawasan ng kalahati ang mga operasyon sa mga gumamit ng IVF.
•
Kaligtasan: May mga pag-aaral na nagsasabing ligtas ang IVF. Mayroong pag-aaral na nagpapakitang halos isang libo ng mga batang ipinanganak sa Europa ay ipinanganak gamit ang IVF at nakita rin nila na mula pagpanganak hanggang limang taong gulang ang mga bata ay kasinglusog ng mga batang ipinanganak sa natural na paraan. Ganoon pa man, mayroon ding ibang pag-aaral na nagpapakitang may kaunting pagtaas sa panganib ng pagkakaroon ng genetic disorders ng batang ipinanganak gamit ang mga artipisyal na paraan ng pagbubuntis. [9] C. Disadbentahe ng IVF Komplikasyon o “side effect” tulad ng: Multiple pregnancy or ectopic pregnancy Ovarian cancer; vaginal infection Allergic Reaction
• Ovarian Hyperstimulation Syndrome Blood clotting disorders Pagkasira ng kidneys Pagpupulupot ng ovaries o adrenal torsion[10]
http://www.businessmirror.com.ph/08282008/life04.html http://www.sharedjourney.com/ivf/what_is.html
[7] [8]
[9]
http://www.emedicinehealth.com/in_vitro_fertilization/page2_em.htm
[10]
http://www.brighthub.com/health/technology/articles/11974.aspx http://www.businessmirror.com.ph/08282008/life04.html
Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc
BATA ,BATA, PAANO KA GINAWA?
III. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral A. Metodo Para sa aming pag-aaral, minabuti naming gamitin ang paraan ng pag- iinterbyu dahil alam naming mas makakakuha kami ng mas personal at malalim na pag-intindi ng IVF sa paraang ito. Nagsimula kami sa pagtawag sa aming interviewee at pagset ng appointment kung anong oras at araw sila maaring makapanayam. Nagsaliksik at nagbasa kami tungkol sa IVF at naghanda na ng aming mga tanong. Sa aktwal na pakikipanayam (na tumagal ng humigitkumulang 1 oras), gumamit kami ng tape recorder upang makuha ang lahat ng impormasyon na kanilang ibabahagi at mabalikan ito muli kalaunan para sa aming pag-aaral. At mula sa nakalap naming impormasyon at karanasan ng mag-asawa, tumuloy kami sa pagsusuri ng aming mga datos.
B. Presentasyon, Interpretasyon, at Pagsusuri sa mga Datos Dito sa aming pakikipanayam sa mag-asawa nalaman na ang IVF ay hindi lamang isang napakateknikal o sensitibong paraan upang makapagbuntis—napakapersonal rin nito. Sinusubok nito hindi lamang ang pisikal na katatagan ng mag-asawa kundi na rin ang emosyonal at sikolohikal na aspeto ng kanilang pagkatao. At hindi lamang ang sariling paniniwala ang nakakaapekto ng malaki sa pananagumpay sa prosesong ito-- kaakibat ng pananagumpay sa IVF ang pananalig sa Diyos. Sabi nga nila, “Pero alam mo kahit na sobrang advanced na ng science natin, nasa Diyos pa rin’ yun. We were married 9 years without children. Although ‘yung 9 years na ‘yun, how we wished we had a child, that time kung binigyan kami ng anak ng Diyos, iba yung life namin, totally different from our life right now. We can afford anything that he needs. Mas secured kami financially, mas matured. Maraming circumstances na dinaanan na favorable sa amin na later in life na namin nakuha yung anak namin. But it’s all in God’s hand. Kaya nga sinasabi nila ‘in His time’. So we shouldn’t rush.” May mga limang taon din nilang sinubukan na magkaanak ngunit hindi sila pinalad. Nagpatingin sila sa mga ‘infertility specialists’ dito sa Maynila. Sumailalaim muna sila sa artificial insemination o A.I. (kung saan kinukuha ang mga punlay, inilalagay ito sa catheter at ipinapasok sa mga tubes ng babae upang makatagpo ang ovum) ng limang beses ngunit nang hindi ito nagtagumpay, tumuloy na sila sa IVF. Ayon rin sa kanila, 25% lamang ang success rate ng A.I. dati. Sinubok nila ang In Vitro Fertilization dito sa Maynila noong 1996. Isang embryologist mula sa London at isang doktor mula sa Singapore ang sumagawa ng procedure at naipa-freeze din nila ang kanilang mga embryo. Makalipas ang tatlong taon, kinuha rin nila ang mga natira, ngunit hindi naging matagumpay (marahil na rin siguro dahil 3-Day embryo pa lamang ang mayroon noong panahon na iyon). Napagpayuhan siya na pumunta sa Belgium, na kilalang pinakamagaling sa prosesong ito. Sa panahon niya, kaniyang inilahad na kung ang babae ay 40 taong gulang pataas, 20% ang success rate; kung 35 pataas na hindi tataas sa 40, 25% ang success rate at kung 35 pababa naman, naglalaro sa 30%-35% ang success rate. Makikita na habang mas bata ang babae, mas malaki ang tsansa na siya’y mabuntis. Noong unang punta niya noong 1998, 3-Day Embryo pa rin ang mayroon. May 5 o 6 na nakuhang itlog sa kanya at 2 ang ipinasok balik matapos ang culture. Ang apat ay ipina-freeze. Wala siyang nakuha pa rin. Noong pagdating naman niya ng 2000, mayroon ng makabagong ‘breakthrough’ kung saan nakaimbento ng Blastocyst solution upang makatagal ng hanggang 5 araw ang embryo at mapalaki ng mas mabuti. Dahil mas matanda na siya, 4 lang ang nakuhang itlog mula sa kanya at 2 ang muling ipinasok. Ang natirang 2 ay muli nang ipina-freeze. Sa kasamaang palad, hindi pa rin siya nabuntis. www.isisrfc.com
Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc
BATA ,BATA, PAANO KA GINAWA?
Kanila pang naidagdag, “It’s not a cheap procedure; you have to spend a lot. If you have a business, magbibigay ka dapat at least 2 months break to relax yourself. Iconsider mo ang opportunity loss sa business. For us as a couple, kung di namin sinubukan ‘to, when we get old, we’re in a rocking chair, iisipin namin, ‘Uy hindi tayo nagkaanak. Siguro kung nag-IVF, tayo magkakaanak tayo. Let’s give this a chance’. Nakipagsapalaran kami. Noong first time ko sa Manila, go-go lang ako. Second time sa Belgium, kasi nga it’s known to be the best, malaking hope nilagay ko at stake. We really put everything at stake. At tsaka marami akong sinacrifice kaya masakit nung walang nangyari.” Noong matanong pa namin ang ina kung nagkaroon ba siya ng kahit na anong pagkatakot sa proseso, ang kaniyang sinabi ay: “Nung first time kasi, I knew what I was going to go through kasi nag-research ako. The very last time, I was more emotionally prepared. Pero hindi na kami hopeful. We already gave up everything. Sumuko na kami. Emotionally, sobrang hirap din. ‘Pag hindi ako kumakain, natutulog. Kung hindi, umiiyak.” Sa puntong ito, masasabing sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Noong 2001, dahil may fresh stimulation pa siya sa nakaraang taon, napag-usapan nilang mag-asawa na bumalik muli. Lahad ng ina, “I don’t want to go anymore. But then, my husband said, ‘Moral obligation natin ‘yan’. Sabi ko ‘Sige, I’ll only go if we go on tour’. Nag-backpack lang kami. Wala kaming hotel reservations. We went to Italy, Rome. Kapag may free hotel breakfast, dadamihan namin kain. Tipid talaga. We rode a train up to Venice, Germany, Belgium. Pagkatapos ng procedure, I rested for 3 days then uwi na kami.” Humahanga rin naman kami sa tapang nilang dalawa. Doon namin nakita ang tunay na kagustuhan nilang magkaanak. Ika niya (nanay), habang ginagawa ang procedure, ang tanging nasa isip lamang niya ay “Calm. Pray. Hope against hope.” Matapos ang dalawang linggo, napagkasunduan nilang magpa-blood test. Doon nakita na meron nga. Sa puntong ito, sinabi nila, “Yung anak ko ‘dun ko nakuha sa blastocyst. You know, Science could go that far only. Everything, nasa Diyos na kung ibibigay niya o hindi. Sobrang slim ng chances ko, hindi ako nagrest, nagtour pa kami na malayo ang lakaran, nakuha ko pa. Para sa amin talaga ‘yon. Syempre, I’m grateful for the science, but then it’s all in God.” Natatangi rin ang kanilang karanasan sapagkat marami silang kasabay na mag-asawa na ganoon rin ang sitwasyon. “Iba ang bonding namin with the other parents. If we pray, we pray for everyone. Lahat din naman kami na pumunta doon, nagkaanak rin.” Sa huli, nagpahatid sila ng kanilang mensahe: “Dapat i-accept ‘yung bigay ng God. Be contented with what you have. It’s not in your hand. It’s not in the doctor’s hand. Nasa Diyos pa rin ‘yun. The more you think it’s within you, based on our experience, hindi mo makukuha ‘yon. But if you think it’s in God’s hand, you give up everything, bahala siya, then, anything that would come out will be what you’ll really have.” Mula rin sa kanilang karanasan, makakayanan rin naman ang IVF kahit walang ‘counseling’ sapagkat ang sakit o ang hirap na mararanasan mo ay maaring mapagaan ng pagsuporta ng iyong asawa at iba pang mga kasamang mag-asawa rin. Ngunit hindi nila ipinagpapayo ang pagkuha ng suporta sa magulang (lalong-lalo na kung gusto mong maglabas ng sama ng loob) sapagkat hindi mo aasahang maiintindihan nila ng lubos ang sitwasyon sapagkat hindi nila naranasan ang magpa-IVF. Nararapat lamang na malaman nila kung ano ang mangyayari at may pagpayag sila sa procedure, ngunit sa emosyonal na krisis na dinaranas ng bawat isa sa proseso ng IVF, mas mainam kung ang asawa o kapwa mag-asawa na may kaparehang sitwasyon ang lapitan. Ang bawat isa lamang ang mapaghuhugutan ng lakas ng mag-asawa. www.topnews.com
Pamanahong Papel nina: Galang, Christine Maribeth; Pangilinan, Mary Grace; Roa, Clara Francesca; Santiago, Emmanuelle Anne; Seno, Stephanie Marie; Sa Patnubay ni: Professor Zendel Manaois-Taruc BATA ,BATA, PAANO KA GINAWA?
Sa huli, napakaganda rin ng sinabi ng ina natin sa panayam. Sabi niya, “My existence is to be a mother.” Maging simpleng pangungusap lamang, ipinararating nito na hindi tayo dapat sumuko sa ating pinaniniwalaan. Higit sa alinmang bagay sa mundo, dapat matugunan natin kung ano man talaga ang ibinubulong sa atin ng ating puso. Kalakip ng pagtiwala sa sarili at pagmamahal sa bawat isa ay ang walang hanggang pananalig sa Diyos at ang pagsuko sa ating mga sarili sa Kanya. Ika nga nila, ‘It’s all in God’s hands’. III. A. Kongklusyon Tayo ay nabubuhay na sa makabagong panahon at sa patuloy na pagbabago ng ating kaalaman, nararapat din na ating ipaalam sa mga tao ang mga teknolohiyang nilikha upang tugunan ang ating mga pangangailangan. Ang IVF ay isa sa mga prosesong KARAPAT-DAPAT LAMANG TANGKILIKIN. Amin pa naming napag-alaman na upang maging handa at epektibo sas proseso ng IVF ang mag-asawa, hindi sapat na may alam lang ang mag-asawa sa teknikal at siyentipikong aspeto ng proseso—dapat din ay handa sila sa EMOSYONAL, SPIRITWAL AT SIKLOHIKAL na mga aspeto. Sa madaling salita, nakasalalay ang pananagumpay ng IVF sa INTEGRIDAD ng pagkatao ng bawat isa. Lahat ng mga aspeto na ito kapag ipinagsama-sama ay magbubunga ng maayos at matagumpay na pagbubuntis at, sa kalaunan, isang masaganang buhay. B. Rekomendasyon Dahil nga may kamahalan ang proseso, mahalagang isaalang-alang ang pinansyal na kakayahan ng mag-asawa. Ngunit kahit pa man ganito, may mga bagay na mas mahalagang tupdin bukod sa pinansyal na kakayahan. Aming ipinagpapayo na upang mas mapataas ang tsansa sa pananagumpay sa IVF, mainam na sa simula pa lamang ay matatag na ang pundasyon na pagsasama ng mag-asawa, sapagkat ang bawat isa lamang ang mapaghuhugutan ng ng loob. Makakabuti rin kung parehas na matatag ang emosyonal, spiritwal at sikolohikal na aspeto ng kanilang pagkatao. Napagbubuti ito sa bukas na komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa. Hindi rin matutumbasan ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Maykapal. Maging gaano man kagaling ang siyensiya, nasa kamay pa rin ng Diyos ang lahat. Gawin natin ang lahat sa abot ng ating makakaya at ang Diyos na ang magbabalik ng lahat ng ating pinaghirapan. C. Bibliograpiya http://en.wikipedia.org/wiki/In_vitro http://www.sharedjourney.com/define/retrieval.html http://www.sharedjourney.com/ivf/fet.html http://www.sharedjourney.com/articles/ah.html http://www.ivf1.com/ivf/ http://www.tal-e.com/index.php?option=com_content&view=article&id=5&Itemid=5 http://www.businessmirror.com.ph/08282008/life04.html http://www.sharedjourney.com/ivf/what_is.html http://www.emedicinehealth.com/in_vitro_fertilization/page2_em.htm
http://www.brighthub.com/health/technology/articles/11974.aspxl.com