Band Aid Ng Bayan

  • Uploaded by: Lorraine Lachica
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Band Aid Ng Bayan as PDF for free.

More details

  • Words: 832
  • Pages: 2
Band-aid ng Bayan By: Wennie Fajilan Professor-UST faculty of Engineering Papikit na ko nang magising sa text ng isang kaibigan. Lilipad na raw siya sa susunod na buwan, sa wakas tanggap na siya sa abrod. Nagfreeze ang antok ko. Tumambad ang mga larawan ng higit 10 taon naming pinagsamahan. Sunod-sunod namang nagflash ang mga mukha ng iba pang malalapit na kababata at kaklaseng nagsiliparan na rin sa ibang bayan. Tunaw na ang antok ko. Mag-aanim na taon pa lang akong gradweyt sa kolehiyo pero nalalagas na ang mga kabatch ko. Taontaon may umaalis para maging “bagong bayani” ng bayan o tuluyang iwanan ito. Iba-ibang okupasyon, samu’t saring bansa. Merong businessman sa London, propesor sa Madrid, writer sa Brunei, engineer sa Singapore, pharmacist sa Australia, titser sa Bahrain, tutor sa Japan, caregiver sa US at mga migrante sa Canada at New Zealand. Dalawang kaklase ko sa BA ang nagnars pagkagradweyt namin at ngayon nasa London na rin. Sa totoo lang, kulang ang isang pahina para isa-isahin pa ang lahat ng aking mga kakilalang nangibang bayan na. Tuwing may nagpapaalam na mag-abrod, tiimbagang ang pagsasabi ko ng “Ingat!” Tapat naman ang basbas kong maging ligtas sila pero mapait ding makita silang umalis. Oo, praktikal naman talaga ang magtrabaho sa labas lalo na kung higit 10 beses ng kita dito ang maaaring makuha doon. Paano mo tatanggihan ang pagkakataong bunuin ang lakas para palayain ang sarili at pamilya sa kumunoy ng kahirapan. Maaaring matiis ang malayo sa pamilya at mga kaibigan, maging alipin ng mga dayuhan kung ang kapalit naman nito ay mas malinaw na ginhawa sa buhay. Hindi man bawasan ng buwis ang sweldo mo ligtas ka pa rin sa mga krimen, malinis pa rin ang kapaligiran at maayos ang daloy ng buhay. Suicide ang kumayod-kalabaw sa Pinas. Kulang na nga ang sweldo pero kailangang laging magovertaym, yumuko sa mga bossing at magbuwis ng higit sa kailangan para kamkamin ng mga nasa trono’t nagrereyna-reynahan sa puting palasyo. Pero, utak-alipin pa rin tayo kung tatanggapin nating tunay na kabayanihan ang pagiging OFW. Oo, walang dudang tagapagsalba sila ng naghihingalong ekonomiya. Bilyong dolyar ang pinapasok nila na nagiging pantapal sa misalokasyon at korapsyon sa pondo ng bayan. Hindi na rin pala ako lalayo. Sa Cubao, Libis, Makati maging sa Cebu at Davao, may mga “lokal na bagong bayani” rin, ang mga call center agent. Katulad ng mga nangibang bayan, nakatono sa oras ng bansang kanilang pinangangamuhan ang kanilang mga katawan. Hindi na rin sila nakikita ng mga kaibigan at kapamilya dahil imported ang kalendaryo nila. Pinapadugo ng mga bayaning ito ang kanilang ilong para maka-Ingles na may twang habang nagtetengang-kawali naman sa mga alimura at pag-aalboroto ng kliyenteng dayuhan. Sabay sa kanilang kabayanihan, nagsulputan ang mga 24 oras na kumbenyenteng mga tindahan, fastfood at mga de-litrong kapihan. Ang pagtaas ng kaso ng TB, Ulcer, Hypertension at Kanser sa susunod na dekada ay hindi nakagugulat kung ginagawang kwagong telepono ang mga Filipinong tapos ng kolehiyo. Kapalit naman nito ay tatlong beses o higit pang halaga ng sweldo ng isang karaniwang kawani ng gobyerno. Matiisin talaga ang mga Filipino. Habang merong sumasalba sa atin, kampante tayong hayaan ang mga abusado. Malamya ang pakikibaka para sa makatarungang pagbabago at mahusay na pamamahala dahil may Band-aid pa sa malalang pigsa. Buwanang darating ang mga sustento at di naman nawawalan ng mga bansang nangangailangan ng pinakamasisipag na manggagawa sa mundo.

Pero habang ang pawis, husay at talino nila ay hinahamig ng mga bansang kanilang pinangangamuhan, anong kalidad ng pag-unlad ang matatamasa ng ating bayan? Paano tataas ang kalidad ng medisinang Filipino kung ang mga bar topnotchers ay nagnanars sa halip na magriserts at magpaunlad ng mga katutubong gamot at praktikang pangmedisina? Aasahan ba nating mawawala ang baha sa Metro Manila o malilinis nang tuluyan ang ilog Pasig kung ang mga pinakamahuhusay na inhinyero ay nasa Saudi at Qatar para pahusayin ang mga tubo ng langis? Anong silbi ng libreng edukasyong pampubliko kung ang mga pinakamasisipag na guro’y nasa mga klasrum sa Texas at Beijing? Hanggang kailan natin hahayaang maging kwagong telepono ang mga kabataang nagsunog ng kilay para sa diploma sa kolehiyo? Anong uri ng pagkabata ang huhubog sa mga sanggol na Filipinong ninanakawan ng panahon sa piling ng kanilang mga magulang? Sa mga pagkakataong ganito, nangungulit ang isip ko sa pagtatanong. Ano kaya tayo ngayon kung, Tinanggap ni Lapu-lapu ang pagdating ni Magelan? Nanahimik sina Sumuroy, Tamblot at Diego Silang? Nanatili sa kumbento ang Gomburza? Nagpakadalubhasa si Rizal hanggang tumanda sa Europa? Nagpalawak ng sariling negosyo si Bonifacio? Maaaring wala nang saysay ang paghahaka ukol sa mga posibilidad ng mga pangyayaring nakaraan na. Subalit kung mabubuhay ang mga bayani ngayon, makikiagos lang ba sila sa uso at praktikal? Igagawad din ba nila ang titulong “bagong bayani” sa mga Band-aid ng bayan? Siguro ang higit na dapat paghandaan ay ang mga tanong sa atin ng mga anak ng susunod na siglo. Pero, magpang-abot man tayo, hindi na natin kailangang tumugon. Minana na nila ang pilat o balat ng ngayon.

Link: http://kilapsaw.wordpress.com/2009/08/17/band-aid-ng-bayan/

Related Documents

Band Aid Ng Bayan
June 2020 6
Panalangin Ng Bayan
October 2019 67
Band Aid Final
June 2020 3
Bayan
October 2019 24
Bayan
November 2019 21
Band
May 2020 28

More Documents from "chandra RS"

Turbo C Primer
June 2020 6
System Softwares
June 2020 13
Band Aid Ng Bayan
June 2020 6
Os Utility
June 2020 4
Lecture In Arnis
June 2020 12