BALIKWAS! Hunyo 2008
Inilathala ng Komite sa Paghahanda para sa Pagtatatag ng
Rebolusyonaryong Partidoayng Sosyalistang matatagpuan sa service sector. Ganito Manggagawa
Mga Aral sa Venezuela at Rebolusyong Sosyalismo Ni Rojo Labrador
“Ngayon ay simula ng panibagong yugto ng kasaysayan… at ito ang yugto ng bagong sosyalistang demokrasya. Ito, ang bagong sosyalistang lipunan”
ang naging takbo ng mga datos sa mga nakaraang taon batay sa pangangalap ng National Statistics and Coordination Board (NSCB). Halos kalahati ng labor force ng buong bansa ay …. sundan sa pahina 7
Ito ang mga katagang inusal ni Hugo Chavez noong ika-3 ng Disyembre 2006 sa kanyang tagumpay sa halalan. Aniya, panahon na upang paigtingin at higit pang palalimin ang sosyalistang transpormasyon ng lipunang Venezuela. Ito rin aniya ang panahon ng pakikibaka laban sa kapitalismo at ibahagi sa naghihikahos na nakararami ang yamang buhat sa langis, kasabay ng aktibong pag-oorganisa ng uring manggagawa bilang mga institusyon ng demokrasya (Amin ang italics). Ang pagkapanalo ni Hugo Chavez sa ilalim ng sinasabi niyang sosyalistang plataporma at ang malawak na suporta nito ay yumanig sa buong mundo, partikular na sa Imperyalismong Estados Unidos, na umaasa sa Venezuela sa pangangailangan nito sa langis (ika-4 ang Venezuela sa pinakamalalaking pinag-aangkatan ng langis ng Estados Unidos). sundan sa pahina 2 (Ang artikulong ito ay Karugsong ng naunang Estadistika at Rebolusyong Sosyalista—patnugutan)
Punto-deBarikada
ANG MANGGAGAWA AT YAMAN NG BANSA
Nabatid natin sa nakaraang artikulo na kalakhan ng mga may trabaho o ng employed labor force ng bansa
1
Sa isyung ito: •
Mga Aral sa Venezuela
•
Punto-de-Barikada
•
Pandaigdigan Krisis… pahina 8
•
Editoryal (pahina )
sa pamahalaan ay bumaba mula 42.8% noong 1999 hanggang 33% nitong 2006, habang ang “sukdulang kahirapan” (extreme poverty) ay bumaba hanggang 10% mula 16% (Setyembre 2006).
Mga Aral sa Venezuela at Rebolusyong Sosyalismo Ang mga hakbang ni Pangulong Chavez sa ngalan ng tinatawag na “Rebolusyong Bolivarian” sa pagtatatag ng sosyalistang lipunan sa pamamagitan ng parlyamento ay sinalubong ng kabilaang pagbatikos at mga kudeta na sinuportahan ng simbahan, ng mga reaksyunaryong unyon at ng Imperyalismong Estados Unidos. Ang mga ito ay sinalubong naman ng kontra-kudeta ng milyung-milyong mobilisasyon ng mga taga-suporta ni Chavez na nagmumula sa hanay ng mga manggagawa, mga kabataang estudyante, mga magsasaka at maralitang taga-lungsod. Sa harap ng masigabong suportang ito, hinaharap ngayon ng Venezuela ang malalim na suliranin ng kahirapan at korapsyon na itinatanggi naman ng gubyerno nito. Ayon sa opisyal na istadistika ng gubyernong Chavez, tumaas ang antas ng kabuhayan ng higit na nakararaming niyang kababayan. Bukod dito, bumaba ang tantos ng walang trabaho ng mahigit sa kalahati. Ang paglalaan naman ng pondo sa serbisyo sosyal ay umabot na sa 48% mula sa 41%. Ang tantos ng kahirapan ayon din
Mukha ng kahirapan sa
Sa gitna ng mga kaganapang ay ang mga pahayag sa sosyalismo bilang alternatibong lipunan. Sa pananalita ni Chavez ito ay ang “isang planadong
2
Konsehong Komunal o “Communal Councils” na binubuo ng 200 hanggang 400 pamilya sa sentrong urban. Noong Enero ng 2007 inihayag ni Chavez na mayroon nang libong mga konsehong naitatag na bubuhusan ng $5 bilyon mula $1.5 bilyon nang organisahin ito noong nakaraang taon. Sa katunayan nahalinhan na nito ang mga Sirkulong Bolivarista (Bolivarian Circles), ang mga Local ng Komite sa Pagpaplano, ang mga UBEs o Electoral Battle Units at mga CTUs (Urban Land Committees) na dating behikulo ng mobilisasyon noong maagang yugto ng rebolusyong Venezuela na ginamit sa panahon ng eleksyon dahil sa mabilisan at malawakang pag-bubuo ng mga ito. Ang mga Konsehong Komunal na ito ang siyang makinarya sa tinatawag na iskemang “co-management” ng mga inokupang mga pagawaan at mga empresa. Pinatatakbo ngayon ni Hugo Chavez ang mga empresang ito sa pamamagitan ng iskemang ito. Ang “co-management” ay pinapairal sa pagitan ng mga kooperatibang urban, ng may-ari ng kompanya o/at ng kinatawan ng gubyerno. Dalawa sa pinakatanyag o popular na mga kumpanyang ito na sumasailalim sa iskemang ito ay ang Invepal at Inveval (Constructora Nacional de Valvula), mga pribadong kompanya na kung saan ang mga nagmamayari nito ay sangkot sa “lockout” laban kay Chaves noong Disyembre 2002 hanggang Enero 2003. Dahil sa malawakang “lockout” na ito, daang libong manggagawa sa mga empresa at industriya sa Venezuela ang nawalan ng trabaho. Sa kabila ng malawakang pagsasara at pananabotaheng ito ng burgesya, iilan lamang ang naisabansa (taken over) ni Chavez. Noong 2005, “binili” ang kumpanyang Ineval matapos itong magdeklara ng pagkalugi (bankruptcy) matapos itong pasukin ng mga organisadong manggagawang nakikibaka para sa pagsasabansa o nasyunalisasyon nito. Ang Invepal ay may napakalaking utang (back
wages) sa sahod ng manggagawa. Matapos mabili, muli itong pinatakbo, na kung saan, ang mga manggagawa o kooperatiba ng mga manggagawa ay may kabahaging 49% (share). Ang itinayong “factory council” na halal ng assembliya ng mga manggagawa – mula sa mga Konsehong Komunal -- ang nagpapatakbo ng empresa sa ilalim ng nabanggit na “co-management”. Umaasa ang Ineval sa kontrata ng Petroleos de Venezuela Sosyedad Anomina (PDVSA) Ang Inpeval naman ay isang pagawaan ng papel (paper mill) sa Carabobo na kung saan, ang kooperatiba ng mga manggagagawa nito ay mayroon ding 49% na bahagi o pagaari sa empresa. Ayon sa impormasyong mula sa Venezuelanalysis.com, (ika-26 ng Oktubre 2006) inatasan ng gubyerno ang bago nitong Presidente na si Jorge Paredes na patunayan nito ang sarili sa pagpapatakbo ng empresa. Ang resulta, pinatakbo nito ang isang sangay nito sa Maracay sa pamamagitan ng mga “contracted workers” na kung saan, higit na kaaba-aba ang sitwasyon kumpara sa mga manggagawang nag-mamayari ng empresa. Ang malawakang pagkilos laban sa patakarang ito ay nagresulta sa pagtanggal sa trabaho ng 120 na manggagawa. Nag-iiba na rin ang pananaw ng mga manggagawa sa elektisidad sa Cadafe – isang industriyang pag-aari ng gubyerno (Green Left Weekly ika-2 ng Agosto 2007). Ayon dito, “naaagnas ang tiwala ng mga manggagawa sa sinasabing “comanagement” dahil na rin sa mga pananabotahe ng burukrasya at burgesya sa patakarang ito. Ngayon, ang manggagawa sa elektrisidad ay nagkakasya na lamang sa malabnaw na pananaw na “workers participation” sa pagpapatakbo ng empresa (italics ng patnugutan). Binantaan naman ni Pangulong Chavez sa pamamagitan ng “takeover” ang mga nagmamay-ari ng Siderurgica del Orinoco (Sidor), isa sa pinakamalaking
3
pagawaan ng bakal sa Latino Amerika (isinapribado ito noong 1998), sa gitna ng malawakang welga ng mahigit-kumulang 14,000 na manggagawa upang humingi ng dagdag na sahod at ipatupad ang muling pagsasabansa (re-nationalization) ng industriyang ito. Ang resulta ng banta -pumayag ang gubyerno ni Chavez sa pananatili ng 60% na pagaari ng mga kapitalista sa empresa, kasunod ang pagkumbinsi ni Chavez sa mga welgista na ibaba sa kalahati ang hinihiling nilang dagdag na sahod (Venezuelanalysis.com ika2 ng Pebrero 2007).
disposisyon ang nabanggit na 300,000 na ektaryang lupaing kumpiskado ng gubyerno.
Di rin pinayagan ni Chavez ang pagsasabansa ng Sanitarios Maracay, isang malaking “ceramics factory” na pinasok ng mga manggagawa noong 2006 sa kabila ng pagsasara nito sa utos ng may-ari. Matapos ang matagumpay na pagkilos na ito, inorganisa ng mga manggagawa ang “factory council” upang ipagpatuloy ang pagpapatakbo sa empresang ito. At noong Agosto 2007, pinamunuan ni Humberto Lopez, isang dating unyonista ang pag-agaw sa empresang ito mula sa “factory council”. Nakipag-negosasyon ito at ang mga kasamahan nitong mga superbisor sa mayari sa ilalim ng patnubay ng Ministro ng Paggawa (Ministry of Labor) na nagsauli sa may-ari ng empresa o pagawaan kapalit ng pagbabayad ng mga “back wages” ng mga manggagawa. Isinailalim ito sa isang iskemang “co-management” na kung saan, binuo ang isang Komisyong may 13 miyembro: 3 mula sa gubyerno; 5 mula sa manggagawa at gayundin sa may-ari nito.
Unang isinabansa ang industriya ng langis sa Venezuela noong 1976 hanggang sa ito ay ipinasa-kamay sa mga dayuhang kapitalistang multi-nasyunal noong 1990 sa harap ng papaunlad na negosyo sa eksplorasyon o pag-angakat ng produktong ito. Pinatakbo ang industriyang ito sa ilalim ng “Operating Services Agreements” (OSAs) na kung saan, ang mga multinasyunal ay di aangkat ng langis upang magbenta, kundi mga kontratista lamang sa pag-angkat ng produktong ito bilang serbisyo sa PDVSA na may maliit lamang (nominal) na pagaari sa industriya nang panahong iyon.
Sa kanayunan, mahigit na 2 millyong ektarya ng lupaing gubyerno ang ipinamahagi sa mahigit 150,000 na magsasakang ang karamihan ay kasapi sa kooperatibang pansakahan, 300,000 hektaryang pribadong “under-utilized” na lupain ay inangkin ng gubyerno, samantalang malawak na bahagi pa rin ng pribadong lupaing produktibo ang nananatili pa sa kamay ng mga panginoong maylupa. Sa ngayon, wala pang malinaw na
Muling Pagsasabansa ng Industriya sa Langis… Sa lahat ng mga kaganapan sa Venezuela, ang muling pagsasabansa ng industriya sa langis ang yumanig nang husto sa imperyalismong Estados Unidos na umaasa sa bansang ito upang mapunan ang malaking bahagi ng pangangailangan sa langis.
Winakasan ni Hugo Chavez ang pagmamayari ng mga kapitalistang multinasyunal sa pamamagitan ng pagtransporma sa mga OSAs bilang mga “mixed enterprises” na kung saan ang PDVSA na ang may tangan ng mayoryang pag-aari. Itinaas ang “royalty fees” at ang mga kontratista na dating walang binabayaran ay siningil na ng mataas na buwis. Ang hakbang na nabanggit ayon kay Hugo Chavez ay panimula lamang ng muling pagsasa-bansa ng industriya ng langis. Noong Mayo Uno ng 2007, idineklara ng Pangulo ang pagsasa-bansa ng daang bilyong bariles ng krudo sa rehiyon ng Orinoco. Sumangayon ang Total (Pranses); Statoil (Norway); Chevron at British Petroleum na ibenta sa PDVSA ang bahagi ng kanilang pag-aari, samantalang ang
4
ExxonMobil at ConocoPhilips, mga pagaari ng Estados Unidos, ay umalma sa pamamagitan ng pagbabalik sa kanilang kamay (expropriation) ng puhunang tinatayang umaabot mula $750m at $4.5 bilyon. Sa pamamagitan ng International Center for the Settlement of Investment Disputes (ICSID) – isang instrumento ng imperyalistang Banko Mundial -- nagkaroon ng pahintulot ang mga kumpanyang nabanggit na patulugin (freeze) ang kanilang $12 bilyong puhunang nakapailalim sa PDVSA na nakalagak sa Britanya at Netherlands habang ang kaso ay nakabinbin dito. Upang palawakin ang industriya at masagkaan ang inaasahang panggigipit ng imperyalismong Estados Unidos pinalahok ng Venezuela ang Brazil, ang Tsina, Iran at Rusya sa pagpapaunlad ng “extra-heavy crude oil” sa Orinoco Belt. Dito, makikita ang pagsandig ng Venezuela sa dayuhang kapital, habang sinisigurong nasa sa kamay nila ang mayorya ng pag-aari sa PDVSA (amin ang italics). … at Paghulagpos sa Imperyalistang Gapos Inanunsiyo ng Venezuela ang paghulagpos nila mula sa World Bank at International Monetary Fund. Ayon sa MiamiHerald.com (1 Marso 2007), bumaba ang pautang ng IMF sa $50 milyon, mababa ng kulang-kulang 1 % kumpara sa “global portfolio” nitong 80 % noong 2005. Nangahulugan ito ng pagbaba mula $81 billion noong 2004 sa $11 bilyon. Kasunod nito, inihayag ni Hugo Chavez ang pagbili nito ng halagang $1 bilyong “bonds” mula sa Argentina. Ayon sa report ng Economics (Agosto 9 2007), pumasok sa Argentins si Hugo Chavez upang tulungan ito sa pamamagitan ng pagbili nito ng karagdagang $4.7 milyong “bonds” bukod sa nabanggit. Ayong kay Chavez, sa pamamagitan ng tulong nya, “lalagutin ang
tanikala ng IMF at kakawala ang Argentina mula kay Dracula”. Sa pamamagitan ng diplomasya at pakikipagtulungan sa kalakalan sa iba pang mga bansang Latino sa Gitnang Amerika, pinalalakas ng Venezuela ang sarili nito laban sa imperyalismong Estados Unidos. Isa sa mga layunin ng pagbili ng “bonds” mula sa Argentina ay upang makatulong sa “Bolivarian Alternatives for the Americas (ALBA), isang mekanismo na pinasimulan ni Chavez at Fidel Castro noong 2004 upang makipagsabayan sa proyekto ng imperyalismong Free Trade Area of the Americas (FTAA) ng Estados Unidos. Nitong 2006, sumama na ang Bolivia sa pamamagitan ng bago nitong Presidenteng si Evo Morales. Sabi ni Morales, “sa Cuba at Venezuela lamang mayroong suportang walang kondisyon (un-conditional support). Di katulad ng ibang bansa, na aniya ang suporta ay nakakawing sa “giyera laban sa droga at paghinto ng produksyon ng coca”, pasaring nito sa Estados Unidos at sa hinahasik nitong propagandang “narcopolitics”. Sa Nicaragua, inanunsiyo ni Daniel Ortega ang pakikipagtulungan sa Venezuela at pagsapi nito sa ALBA. Kasunod nito, pumayag namang isaisantabi ng Venezuela ang $30 milyong pagkaka-utang ng Nicaragua, at ang pagtatayo ng ilang plantang pang-elektrisidad na maghahatid ng kuryente sa Managua. Ang Imperyalismong KontraRebolusyon Ang lahat ng mga kaganapang ito – mula pagtatayo at pag-oorganisa ng uring manggagawa hanggang sa pakikipagtulungan ng Venezuela sa kapwa Latino – ay ikinababahala ng imperyalismong Estados Unidos. Dahil dito, dama na nila ang paghulas o pagkaagnas ng impluwensiya nila sa rehiyong ito. Sa
5
katunayan, nagngitngit ang Estados Unidos nang ang Chile at Mexico – mga alyado nito sa UN Security Council -- ay sumalungat sa planong salakayin ang Iraq. Pito (7) lamang sa tatlumput- apat (34) na bansa sa Carribean at Latinong mga bansa ang sumuporta sa pagsalakay sa Iraq. Plano na ring ibenta ng Venezuela ang pagaari nitong planta ng langis sa Estados Unidos upang magtayo ng mga katulad nito sa Latina Amerika, kasama ang Haiti, Bolivia, Cuba at Argentina. Ang mga ito ay di naganap nang walang kaakibat na pagbabanta at pananabotahe. Iniulat ni Eva Golinger, na ang mga inisyatiba ng “USAID – OTI (Office of Transition Initiatives) sa Venezuela ay nagpalalim sa kontra-rebolusyon sa bansa sa pamamagitan ng DAI (Development Alternatives Inc.) na binuhusan ng mahigit sa $11 milyong pondo. Dito, di maitatatwa ang partisipasyon ni George W. Bush na nagpakana ng sumablay na kudeta noong Abril 2002, na ang dahilan ay ang “panghihimasok at pagwasak ni Chavez sa mga demokratikong institusyon sa Venezuela”. Dito, binuhusan ng gubyernong Bush sa pamamagitan ng mga institusyon nito ng milyun-milyong pondo at ayudang teknikal ang mga tagasuporta nito sa pamamagitan ng USAID. Sinagot naman ito ni Chavez sa pamamagitan ng pagpapalakas ng militar nito. Ayon sa New York Times, bumili ang Venezuela ng mahigit kumulang $4 bilyon armas sa Rusya.
ang pananaw ni Chavez ay isang “ispesyal na tipo ng sosyalismo” (Guardian, 13 Nobyembre 2006). Marami na rin sa kanilang hanay ang lumambot ang posisyon, katulad ni Gustavo Cisneros, ang nagmamay-ari ng Venezuelan Television Network, ng mga “breweries” at iba pa na sumuporta sa kudeta laban kay Chavez na nagsabing, maaari siyang mamuhay sa ilalim ng rehimen ni Chavez. Nadoble naman ang kita ng Stanford Financial Group of Companies na ngayo’y nagkukumpuni ng kanilang tanggapan sa Caracas. Naging triple ayon sa kanila ang kanilang pautang (financial portfolio) sa ilalim ni Chavez. Masagana rin ang kita ng mga kontratista na may koneksyon sa gubyernong Chavez. At dito, Sinabi ni Chavez na, “walong taon na naming naipakita na wala kaming balak na patalsikin sa poder” ang aniya’y oligarkiya. Sa katunayan, malakas ang loob na sinabi ni Francisco Aristequieta, direktor ng Vanezuela Banking Association na hinihikayat sila ni Chavez na makilahok sa “pagsusulong ng bansa” (New Yor Times). Sa likod ng pagkalinga ni Chavez sa mga kapitalista, ay ang pagbaba ng halaga sahod ng mga manggagawa sa 20% kada taon, dagdag pa rito ang kakulangan sa suplay ng ilang produkto. Sa harap ng di mapigilang pagliit ng suplay, napilitan ang gubyernong itaas ang presyo ng gatas sa 30% at ng kape at palay sa 40% upang bigyang insentibo anila, ang mga nagtatanim nito. Ang mga ito ay taliwas sa mga pahayag ng gubyernong, umuunlad ang kanilang ekonomiya.
Ang Burgesya at Sosyalismong Venezuela: Magka-siping sa Kama?
Mga Aral sa Venezuela
Di lahat sa hanay ng burgesya ay nagpapakita o nagpapahayag ng pagkamuhi kay Chavez. Ayon sa bilyunaryong si Fernando Zoraya, pangulo ng Caracas Country Club, “sabihin na lamang natin na
Buhay pa rin ang pagasa ng mga sosyalita at komunistang samahan at partido sa Venezuela sa pagsusulong ng sosyalistang lipunan sa harap ng dimapasusubaliang hirap ng pakikibakang
6
kinakaharap rito ng uring manggagawa. Sa harap ng mga puna at patuloy na banta ng imperyalismo, nananatili pa ring mabunga at hitik sa aral ang mga kaganapan sa Venezuela sa mga sosyalistang Pilipino at sa pandaigdigang kilusan ng uring manggagawa. Isa sa mahalagang aral dito ay ang katotohanang di lamang sa pagwawagi sa eleksyon makakamit ang pagbabago ng lipunan. Ang mga lumang institusyong burges, katulad ng sandatahang lakas, ang korap na burukrasya na patuloy na sumasabotahe sa mga hakbangin sa pagbabago ay kinakailangang palitan upang maging mga institusyon ng diktadura ng proletaryado. Dito, partikular ang kahalagahan at aral sa mga itinayo at itinatayong “Konseho Komunal” at mga “factory councils” sa Venezuela ngayon. Kung susuriin, pumapatunkol ang lahat ng mga kaganapang ito sa istratehiya ng pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihan ng uring manggagawa at ang tungkulin ng proletaryat sa pamumuno nito. Ang pagtatayo ng mga organo ng pampulitkang kapangyarihan ng uring manggawa ay isang pundamental na tungkulin ng sosyalistang rebolusyon. Dito, kinakailangan ang direkta at nagsasariling (independent) pamumuno ng uring manggagawa sa mga unyon, mga organisasyong masa sa komunidad, samahan ng mga magsasaka at sa lahat ng pinagsasamantalahang uri. Kinakailangang itayo ang makinarya ng estadong ang pinakaubod ay ang uring mannggagawa na magsisilbing organo ng kapangyarihan ng uri. Dahil dito, mahalaga sa paglulunsad ng sosyalistang rebolusyon ay ang paghahasik ng binhi ng poder ng uring manggagawa sa mga organisasyong masa at mismong sa mga samahang
kumakatawan sa uring manggagawa – ang mga unyon. Ang karanasan ng Venezuela sa puntong ito ay nagtuturo sa mga rebolusyonaryong sosyalistang Pilipino, na ang binhi ng sosyalistang kaisipan ay itinatanim ng uring proletaryat sa lahat ng itinatayong unyon, at mga samahang masa. Sa pamamagitan nito, lumilinaw ang pamumuno ng uring manggawa sa pakikibaka sa loob at labas ng mga asosasyong ito. Dapat na akuin at pamunuan ng uring manggagawa ang pakikibaka ng lahat ng uring inaapi sa lipunan. Sa pamamagitan nito makikita at maitatatak ang pamumuno ng uring manggagawa sa pakikibaka ng sambayanan laban sa imperyalismo. Sa ganitong kalagayan, tungkulin ng mga partidong komunista at sosyalista ang pagtitiyak na ang bubuuin, binubuo at nabuong mga pampulitika’t demokratikong organisasyon, sa loob at labas ng pagawaan ay may malinaw na sosyalistang programa at di tunguhin lamang. Dahil dito, kinakailangang unahin at bigyang diin ng gawaing organisasyon ng mga rebolusyonaryong partidong sosyalita ang mga lugar kung saan naroon ang uring manggagawa – sa mga pabrika at pagawaan at mga komunidad sa sentrong urban at mga korporadong sakahang pang-agrikultura sa kanayunan. Patitibayin ng uring manggagawa ang pamumuno nito sa pamamagitan ng edukasyon at propaganda. Sa pamamagitan nito, magiging malinaw para sa uri ang mga pagtatangkang “repormahin lamang ang kapitalimo sa gitna ng lumalalim na rebolusyon”. Kung magkakaganito, ibabalik lamang ng rebolusyonaryong kilusan ang mga tagumpay nito sa kamay ng burgesya. Ang mga organisasyong mabubuo sa gawaing organisasyon ng partido sosyalista
7
ay papandayin bilang mga organo ng pampulitikang kapangyarihan ng proletaryat. Palalalimin at hahasain ang pampulitikang kamulatan ng mga ito at pakikilusin, paglulunsarin ng malawakang propaganda sa patnubay ng pinaka-maunlad na seksyon ng uring manggagawa ang Rebolusyonaryong Partido ng Uring Manggagawa.
pagunawa sa estado, sa rebolusyonaryong papel ng proletaryado at ang pakikipagtunggali nito sa burgesya. Sa pamamagitan lamang ng pagtatatag ng diktadura ng proletaryado, ng pagtatayo ng estado ng uring manggagawa makakawala o makahuhulagpos ang mga iba pang uri sa pagsasamantala at pang-aapi ng kapitalismo.
Sa isang banda, sa pagunlad ng Sa pamamagitan lamang ng uring kilusang manggagawa ay ang marahas na manggagawa maitatatag ang sosyalimo. pagbangga rito ng reakyunaryong estado. Dahil dito, kinakailangang sa maagang Ang organisasyon Manggagawa at Yaman ng Bansa yugto pa lamang ng gawaing ay ang pagbubuo ng mga aktibong Mula sa pahina 1 organisasyon para sa depensa nito. Bagama’t ang armadong pakikibaka ay ekstensiyon lamang ng demokratikong kilusan, ang pagbubuo ng armadong mga yunit depensa ay di – ispontanyo. Ang organisasyong militar nito ay kinakailangang organisahin at sanayin sa gawaing militar. Mahalaga ang papel ng rebolusyon ng Venezuela sa pagsusulong ng sosyalismo sa buong mundo. Dito, makikita ang ilang praktikal na aplikasyon sa pagsusulong ng rebolusyong sosyalista, bagama’t pundamental pa ring katanungan dito ang pamumuno ng burgesya. Ayon sa New Zealand International Socialist Tendency, “… nasa rebolusyonaryong yugto ang Venezuela. Ngunit ang rebolusyong magpapabagsak sa burgesya ay di pa nagaganap”. Ayon kay Marxs at Engels, “Tungkulin ng uring manggagawa ang hukayin ang libingan ng kapitalismo. Kung kaya’t ang sosyalismo ay magaganap lamang sa pagwasak ng makinarya ng burgesya at halinhan ito ng mga institusyon ng uring proletaryat. Sa ganitong kalagayan, pundamental para sa Venezuela at sa lahat ng partido komunista at sosyalista ng mga bansa, kasama rito ang sa Pilipinas, ang malalim na
8
Halos kalahati ng labor force ng buong bansa ay makikita sa service sector sa kasalukuyan. Bukod dito, binanggit din natin ang lumolobong bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na umabot sa 1,062,567 (combined land-based and seabased) sa kabuuang taon ng 2006 at 726,620 (January to August) ng taong 2007. Sa taong 2006, umabot ang labor force ng bansa sa 35,844,000 habang humigit-kumulang sa 36,000,000 naman para sa taong 2007. Sa magkasunod na taong nabanggit, hindi bababa sa 91% ng labor force ang may trabaho o kinukunsidera bilang mga taong employed.
Kung gayon, malinaw na naghuhumiyaw ang mga datos sa katotohanan na sa pangkabuuan, ang bansa ay nakasandig sa balikat ng mga taong nagtatrabaho sa service at industry sectors. Upang higit pang magpalalim, alamin naman natin ngayon kung saan din nagmumula ang kita o income ng ekonomiya ng bansa. Ang pinagmumulan ng kita ng ating ekonomiya, ayon din sa NSCB, ay mahahati sa tatlo. Ito ang mga mga sumusunod: 1) agriculture, fisheries, forestry; 2) industry sector; at ang 3) service sector. Upang mapatingkad ang paghahambing ng mga datos, ating suriin ang talaan sa ibaba: Gross Domestic Product - 1st Quarter of 2007 at 1st Quarter of 2008 (by Industrial origin – at constant prices) in million Pesos
Industry/Industry Group Q1 2008
Q1 2007
agri, fishery, forestry 62,664 64,521 industry 102,035 106,061 service sector 156,118 166,848 GDP 320,816 337,430 Source: NSCB – 2008 1st Quarter Report
Goss
Domestic Product - annual 2006 and 2007 (by Industrial origin – at constant prices) in million Pesos Industry/industry group 2007
2006
agri, fishery, forestry 239,499 251,272 industry 415,985 445,486 service sector 621,389 671,883 GDP 1,276,873 1,368,641 Source: NSCB – 2008 1st Quarter Report
Ganito ang takbo ng ating ekonomiya sa napakahabang panahon na pinagugulong at binubuhay ng kita mula sa industry at service sectors, kung saan din makikita ang mayorya ng ating labor force.
9
Rebolusyunaryong tungkulin na alamin at pag-aralan ito ng alinmang rebolusyonaryong partido at organisasyon.
Ang Pandaigdigang Krisis sa Langis Una sa Dalawang Bahagi Revo Swordpen Sa nakalipas na anim (6) na buwan, halos lingo-linggo kung magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis. Sa pandaigdigang pamilihan naabot na ng presyo ng langis ang maituturing na isang maksaysayang record sa halagang US$ 147.42 bawat isang bariles noong buwan ng Hulyo 2008. Malayo ito sa noo’y US$ 50 bawat bariles noong taong 2004. Ang patuloy na pagtaas ng halaga ng langis ay nagiging isang batayan at dahilan ng lalong pagpapababa ng sahod ng uring manggagawa, di lamang dito kundi sa buong daigdig. Sa madaling salita, ang patuloy na pagmahal ng halaga ng langis, ay nangangahulugan lamang ng pag-bulusok ng halaga ng lakas paggawa. Mahalaga sa mga industriyalisadong bansa na magkaroon ng tuloy-tuiloy at siguradong suplay ng enerhiya. Halos lahat ng aktibidad sa isang modernong lipunan ay dito naka-salalay. Sa katunayan, maging sa mga bansang itinuturing na third world, kagaya ng Pilipinas, ang langis ay maituturing na mahalagang sangkap sa mga pangaraw-araw gawain. Ang pagtitiyak na may sapat na suplay ng langis sa isang bansa, ay katumbas ng pagtitiyak na tuloy-tuloy ang produksyon at paglikha ng yaman ng isang bansa. Ang kahalagahan ng langis bilang isang pandaigdigang kalakal ay hindi matatawaran. Sa simula pa lamang ng yugto ng kapitalismo--sa yugto ng industrialisasyon, naging napakahalaga na ng enerhiya. Bukod sa lakas paggawa, na siyang pundasyon at buhay ng lipunang kapitalista,
ang enerhiya ay nagsisilbing hilaw na kalakal na nagpapabilis ng dyanamismo, transaksiyon at higit sa lahat, ng produksyon. Kung walang enerhiya, ang mukha ng kapitalismo ay iba sa hugis nito sa kasalukuyan. Ang pagyabong ng mga industriya at ang pag-sulong ng mga lipunang kapitalista sa kabuuan ay hindi magiging kasing bilis kagaya ng sa kasalukuyan, gayundin ang hindi maiiwasang pagguho nito at ang pagtatatag ng isang sosyalistang bayan, kung walang enerhiya Kaya naman lalong lumitaw ang kahalagahan ng langis sa gitna ng nagaganap na hindi maiiwasang pandaidigang krisis pangeknonomiya na nararanasan ng mga kapitalistang bayan. Sa ganitong kalagayan, at sa harap ng kakulangan sa suplay nito, lalong nagiging isang napakahalagang kalakal ng langis, hindi lamang sa mga makapangyarihang bansa, kundi maging sa mga maliliit na bayan. Samakatuwid kung pagmumunimunihan at susuriing mabuti, ang langis ay hindi lamang isang pang-eknonmiyang kalakal, bugkus ito rin ay isang mahalagang pampulitikang kalakal. Ang pagmamay-ari at pagkakaroon ng solidong kontrol rito ay nangangahulugan ng kapangyarihang pampulitika. Ang bagay na ito ay may pandaigdigang dimensiyon. Kaya naman ang usapin sa langis ay isang usapin ng kapangyarihan. Hindi lamang isang malaking kontrobersiya ang patuloy na paglobo ng presyo ng langis sa pandaidigang pamilihan, ito ay maliwanag rin na isang malaking dagok sa iba’t ibang bansa, lalo pa’t sa isang bayan na kagaya ng Pilipinas, na pinagkukunan ng hilaw na materyales at murang lakas paggawa ng mga Imperyalistang bansa. Ang hampas nito at hagupit ay ramdam sa apat na sulok ng mundo. Subalit sa kabuuan, partikular na nasapul ng krisis na ito ang maliliit at mga dukhang mamamayan pa rin ng iba’t-ibang maliliit na bansa. Krisis sa Langis: Mga Salik at Sanhi Sa ulat na isinulat ni Dr. Ibrahim Abdul Aziz Al Muhanna ng Ministry of Oil and Mineral Resources, tinukoy niya ang ilang mahahalagang bagay na nagbunsod ng patuloy na pagtaas ng
10
presyo ng mga prdouktong pandaidigang pamilihan.
petrolyo
sa
Ang unang salik ng pagtaas ng halaga ng langis ay ang paglaki ng pangangailangan nito sa buong mundo. Ang mga pangunahing gumagamit nito ay ang mga industriyalisadong bansa kagaya ng Estados Unidos, Tsina, India at maging ang mga maliliit at atrasadong bansa gaya ng Pilipinas. Palyado ang unang prediksyon ng International Energy Agency na nagsabing ang pandaigddigang pangagailangan sa langis kada araw ay hindi hihigit sa 80 milyon bariles. Sa kayunayan lumalabas na 82.2 milyong bariles ang kinakailangan, hamak na mas mataas ng higit sa 2 milyong bariles kada araw. Ang pangalawa ay ang palpak na ispekulasyon at pag-susuring madaragdagan ang kabuuang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado bunsod ng pagpasok ng mga bagong producers partikular na ang mga nagmula sa Russia, Caspian Sea, West Africa, Iraq at sa iba pang mga lugar. Pangatlo, ay naka-angkla sa usaping pulitika at ng mga manggagawa sa ilang mga bansa na nag-e-eksport ng langis. Subalit mas malaking usapin rito ay ang katatagan ng pulitika at seguridad sa mga gaya ng sa Iraq, Nigeria, Venezuela and Saudi Arabia. Dagdag pa rito ay ang tigil paggawa na inilunsad ng mga manggagawa sa Norway at ang problema ng Yukos oil company sa Russia na kung saan ay nagdulot ng pagkabalisa sa merkado ng langis na may surplus lamang umano na 1.5 milyong bariles kada araw o katumbas ng halos isang prosyento lamang ng pangangailangan ng pandaigdigang merkado. Ang ikaapat ay ang usapin ng merkado ng mga kumpanya ng langis sa Estados Unidos, ang bansang gumagamit ng ikaapat na bahagi ng kabuuang pandaigdigang produksyon. Ang bansang ito ay may kakulangan na dalawang milyong bariles kada araw o 10 porsyento ng kabuuang pangangailangan nito. Ito ay natutugunan lamang sa pamamagitan ng pagangkat nito mula sa ibang bayan, partikular na sa mga bayan sa Gitnang Silangan.
Ikalima ay ang “international financial market” na siyang may malaking impluwensiya sa pagdikta ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo batay sa pananaw ng mga burges na kapitalista at sa dikta ng merkado na pinapatakbo batay sa kanilang mga pansariling interes. Kabilang sa iba pang salik na nakapaloob rito ay ang pagbaba ng halaga ng dolyar at ang pagtaas ng demand sa hilaw na materyales, partikular na sa usapin sa langis. Ngunit sa kabila ng kombinasyon ng mga salik na ito, lutang pa rin ang mahalagang papel na ginagampanan ng Imeryalistang Estados Unidos sa pandaidigang krisis ng langis. Sapagkat higit sa lahat, ito ang may higit na pangangailangan sa ganitong produkto sa kanyang, industriya, komersyo, pulitika at maging sa mga ginagawa nitong agresyong militar sa mga bansang nagtataguyod ng sosyalismo at makabuluhang pagbabago. Ang Krisis sa Langis sa Estados Unidos Ang usapin sa pagtaas ng halaga ng langis ay ikinakabit ng mga burges na iskolar sa kakulangan ng suplay nito, hindi lamang sa pandaigdigang pamilihan, kundi sa mismong pinagkukunan nito. Bilang isang likas yaman, tunay ngang limitado at may hangganan ang pinagkukunan ng langis. Ang bagay na ito ay hindi lingid sa mga Imperyalistang bansa lalo na ng Estados Unidos. Sa katunayan, mahigit-kumulang 30 taon na ang nakaraan nang maramdaman ng EU ang nasabing napipintong posibleng pagkaubos ng kanyang pinagkukunan ng hilaw na enerhiya. N oong
dekada ‘50 napag-alaman ni Mr. King Hubbert batay sa kanyang isinagawang pag-aaral na ang lokal na produksyon ng Imperyalistang Estados Unidos ay unit-unting nauubos. Ayon sa kanyang pagsusuri noon, sa pagitan ng taong 1970 at 1980 naabot ng nasabing bansa ang pinakarurok ng
11
kanyang produksyon at pagkaraan nito, ito ay dahan-dahan nang mababawasan, hanggang sa masaid. Ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng kaganapan noong 1970 kung saan naranasan ng bansang ito’y ang matinding kakulangan sa kanilang produksyon ng langis. Ito ay bunsod ng limitado at kaunting mapagkukunan ng langis sa sarili nitong bansa. At simula noon ay hindi na muli nito naibalik ang sigla ng produksyon ng mga produktong petrolyo. Sa nakalipas na humigit-kumulang 30 taon, malaki ang naging epekto ng krisis na ito sa pangangalakal ng Estados Unidos. Ang malaking bahagi ng trade deficit nito ay sinsabing sanhi ng pagka-depende nito sa langis mula sa mga bansa sa Gitnang Silangan. Ayon mismo kay Thomas Kraemer sa kanyang ulat na inihanda para sa Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos, “ikaapat na bahagi ng trade deficit ng EU ay sanhi ng pag-aangkat nito ng langis.” At ayon naman kay Lauren Poole, isang manunulat at patnugot para sa National Renewable Energy Laboratory sa Colorado, umabot sa $449 billion dollars ang trade deficit ng EU noong 2000, at ang bahagi nito ay umabot sa $90.2 billion o 20% ng halaga ng inangkat na langis ng bansa. Gayun pa man sinasabing maaari pa itong lumobo sa susunod na 10 hanggang 20 taon ng humigit kumulang 65%. Tugon ng Estados Unidos: Globalisasyon at Giyera Sa gitna ng krisis na ito na nararanasan ng Imperialistang Estados Unidos, nag-umpisa naman ang sinasabing yugto ng globalisasyon. Ito ang naging pangunahing solusyon nito upang maibsan ang nararanasan nitong trade deficit at upang maiwasan nito ang krisis ng kapitalismo. Kaya’t bago magtapos ang siglo, ang mga dambuhalang kumpanyang kagaya ng General Motors, Wal-Mart, Exxon Mobil, Ford, and Daimler Chrysler ay kamal-kamal ang kinikita at tinataya pang mas mayayaman pa kumpara sa ibang mga bansa. Ang bagay na ito ay hindi nagkaroon ng katuparan kung walang pagsasamantalang
naganap laban sa uring manggagawa. Sapagkat isang pangunahing dikta ng kapitalismo ang maghanap ng murang lakas paggawa upang sa gayun ay makapagkamal ng mas malaki pang kita. Sa ganitong paraan ay nadadagdagan ang kanilang kapital at nasisiguro nilang angat sila pagdating sa kumpetisyon sa merkado. Sa simula, karamihan sa mga malalaking kumpanya ay nakahanap ng murang paggawa sa Europa. Subalit nang maglaon natuto na ring lumaban at humingi ng dadag sahod ang mga manggagawa roon. Maging ang kani-kanilang mga gobyerno ay walang magawa kundi pagbigyan ang kahilingan ng uring manggagawa. Kaya naman napilitan ang mga kapitalista na ilipat ang kanilang mga paggawaan sa mga bayan na madali pa nilang mapag-samantalahan ang uring manggagawa. Dito ginagamit ng Imperyalistang Estados Unidos ang kanyang kapangyarihan pangekonomiya at puwersang militar upang brasuhin at payukurin ang mga maliliit na bayan sa kagustuhan nito. Kasabay ng yugtong ito ay ang simula ng sinasabing “international poker.” Katulad ng naunag nabanggit, dito ay nagkakaroon ng ispekalusyon hinggil sa halaga ng salapi o currency ng isang bansa. Malaki ang naging epekto nito sa pagtaas o pagbaba ng halaga ng salapi ng isang bayan. Gayundin, malaki ang impluwensiya nito sa mga nagaganap na krisis pam-pinansyal sa daigdig. Ang ganitong kalakaran ay siya ring ginagamit ng mga distributor at maging ng mga malalaking kumpanya ng langis upang kontrolin ang halaga ng langis batay sa kanilang kagustuhan at kasuwapangan. At siyempre siniguro rin ng imperyalistang Estados Unidos na hindi sila mabibitin sa kanilang pangangailangan sa langis, kaya’t gamit ang kanyang puwersang militar, pilit niyang sinakop ang ilang bayan sa Gitnang Silangan na mga pangunahing nagsu-suplay ng langis sa buong mundo. Nang hindi na makatiis sa kakulangan sa langis at nang mawalan na ito ng mga panibagong mapagkukunan, agad na itinuon ng Imperyalistang
12
Estados Unidos ang kanyang atensyon sa Iraq, kung saan may mayamang reserba ng langis. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik. Ginawa nitong dahilan ang giyera ng Kuwait at Iraq upang ilunsad ang unang Gulf War noong pagpasok ng dekada ’90. Sa pangunguna ng berdugong militaristang si George Bush, pinanghimasukan ng barumbadong Estados Unidos ang mga usapin ng mga bansa sa Gitnang Silangan at doo’y unti-unti itong naghasik ng takot sa sinumang nais sumaway sa mga kagustuhan nito. Subalit hindi pa rin nakuntento sa di-tuwiran nitong pagkontrol sa Iraq, muling inilunsad ng Estados ang ikalawang giyera sa pagpapanggap nito bilang pandaidigang pulis noong taong 2003. Sa ilalim ng banderang “War Against Terror” tuluyan nang sinakop ng Imperyalistang EU ang Iraq at nagtalaga ito ng mga papet na lider. Hanggang sa kasalukuyang hindi pa rin natatapos ang digmaang ito na siyang isa sa mga pangunahing dahilan ng patuloy na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan at gayundin ang pagkasira ng mga gusali, pagkawasak ng mga tahanan, at pagkawala ng libo-libong buhay sa magkabilang panig. Ang bagay na ito ay tunay na hindi katakataka sapagkat bahagi na ng sistemang kapitalista ang pakikipagdigma at ang pagkitil ng buhay sa ngalan ng pagkamal ng limpak-limpak na kapital na siyang nagiging pangunahing basehan ng kapangyarihang pampulitika sa buong mundo. Kaya gayun na lamang ang pagkukumahog ng mga Imperyalistang bansa, gaya ng Estados Unidos na makontrol ang mga pinagkukunan ng langis, maging ang kapalit nito ay buhay ng libulibong inosenteng mamamayan.
Ang Sambayanang Pilipino sa Gitna ng Pandaigdigang Krisis ng Kapitalista Ang pangdaigdigan krisis sa langis na nagsilbing dagok sa eknomiya at mga mamamayan ng iba’t- ibang bansa sa buong mundo, ay siya ring malakas na bigwas sambayanan. Higit pa ito sa linta sapagkat mismong buhay ng uring inaapi ang unti-unti nitong sinasaid at tinutuyo.
Ang mga ganitong uri ng krisis ang nagtutulak sa higit kalahati ng kabuuang populasyon ng bansa sa isang kondisyon na maituturing na “sub-human” o mala-hayop. Batay sa isang pag-aaral na ginagawa ng Social Weather Station (SWS) noong Enero 2008, 46% o humigit kumulang 40.5 milyong Pilipino ang maituturing na mahirap. Samantalang base naman sa National Statistical Coordination Board (NSCB), 1 sa bawat 3 Pilipino ay mahirap. Ang bagay na ito ay sinusugan naman ng pag-aral ng IBON Foundation na nagsasabing 34% ng populasyon ng bansa ay sagad-sagaran ang kahirapang dinaranas at 80% o 65 milyong Pilipino naman and dumaranas ng pakikibaka araw-araw para lamang mabuhay. Hindi man katanggap-tanggap, ngunit ang katotohanan ay karaniwan na sa isang pamilyang Pilipino ang mabuhay araw-araw sa halagang katumbas ng dalawang dolyar (US$2.00).
Ang kawalan ng batayang serbisyong sosyal para sa malaking bahagi ng populayon ng bansa ay isang patunay na matagal nang nakabaon sa hukay ang sinasabing hustisyang panlipunan sa ating bansa. Pinatutunayan ito ng datos na humigt-kumulang 14.6 milyong katao and dumaranas ng imboluntaryong pagkagutom arawaraw. Batay rin sa pag-aaral mayroong Pilipino ang hindi matugunan ang 100% dietary energy requirement. Ang mga datos na ito ay higit na mauunawaan sa pagpuna pa lamang sa uri ng pagkain na hinahain ng isang pamilyang anak pawis. Sa halip na isda, karne, at gulay ang pagkain ng isang mag-anak, napipilitan silang
13
magdildil ng asin, mag-ulam ng toyo, mantika ng baboy o manok, pagpag, at kaning baboy. Pambansang ulam na ngayon ang “noodles” na ibinabando ng rehimeng Arroyo. Sa larangan ng edukasyon tinatayang mayroong 6.8 milyon o isa sa bawat 10 Pilipino ang hindi nakatungtong ng paaralan samantalang 4.1 milyon naman ang hindi marunong magbasa’t magsulat batay sa isang pag-susuri ng Education Network Quick Stats noong 2003. Ang mga nasabing datos ay nagpapatotoo lamang sa obhetibong kalagayan ng ating lipunan. Pinapakita lamang nito ang lawak ng krisis sa isang lipunang kung saan pinaghaharian ng burgesya at ang mga amo nitong mga Imperyalistang dayuhan. Kung tutuusin, hindi na kinakailangan pang isalarawan ang nabanggit na di-makataong kalagayan ng malaking bahagi ng sambayanan, sapagkat ito ay gagap at ganap nang nauunawan ng bawat isa sa atin. Ang mga bagay na ito ay araw-araw nasasaksihan, naririnig, nadarama, nahahawakan, nalalasahan, at naamoy ng bawat isang anakpawis na pinagkaitan ng papet na gobyernong Arroyo ng disente at makataong pamumuhay.
Nitong 2008 lamang, humigit-kumulang 21 beses nag taas ng presyo ang tatlong dambuhalang kumpanya na bumubuo ng kartel ng langis sa Pilipinas. Kasama nila ang ilan sa mga lokal na burgesya kumprador na nag mamay-ari ng mga maliliit na kumpanya gaya ng Flying V, Seaoil atbp. Hindi bumababa sa P1.00 ang idinadagdag sa sinsingil ng mga kumpanya ng langis bawat linggo. Gamit ang gasgas na katuwiran na patuloy na nagmamahal ang presyo ang mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, sinsamantala ng mga kumpanya ng langis ang pagkamal ng malaking tubo mula sa naghihirap nang masang Pilipino. Kung tutuusin, hindi agad-agad na makapagtataas ng halaga ang mga kumpanya ng
Pagkubli ng Kartel sa Balabal ng Pandaidigang Krisis Ang krisis sa lipunan na kagaya ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis ay hindi alintana ng malalaking oligopolista’t monopolista, sapagkat pinapasa lamang nila ang anumang krisis sa uring anakpawis, partikular na sa uring manggagawa. Ang mga dambuhalang kumpanyang pinapatakbo ng mga ito ay nagpapasasa lamang sa yaman na nilikha at ipinundar mula sa pawis at dugo ng mga mangagawa. Lalo pang pinatingkad ang ganitong klase ng pagsasamantala ng Rehimeng Arroyo at ng mga alipores nitong mga malalaking burgesya kumprador. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan at posisyon upang bigyang daan ang walang pakundangan at sagad-sagarang pagsasamantala sa masang anakpawis.
langis, gaya ng Shell, Petron at Chevron kahit na sinsabing lumulobo ang presyo ng langis sa pandaidigang pamilihan kung mayroon lamang mga sapat na regulasyon (regulations) dito. Dahil sa deregulasyon, wala nang impluwensiya man lang ang pamahalaan sa pagtatalaga ng halaga nito. Sa kadahilanang sila ay may nakaimpok pang langis sa kani-kanilang mga depot na maari pang tumagal ng tatlo hanggang apat na buwan, tubong lugaw ang mga kumpanya ng langis sa ganitong klase ng sistema. Ginagawa lamang palusot at lisensya ng mga dambuhalang kartel na ito ang nasabing pandaigdigang krisis sa langis upang labis na mapagsamantalahan ang naghihirap ng mamamayan. Ang krisis na ito ay isang magandang pagkakataon para maikubli nila ang
14
kanilang kawalan ng konsensiya at pagiging ganid sa salapi.
mas malaking kapital at hindi ang kapakanan ng uring api na naghihikahos sa matinding kahirapan.
Batay mismo sa datos ng IBON, ang mga kumpanya ng langis, kagaya ng Shell, Chevron, at Petron ay kumakamal ng halagang Php 110 milyon araw-araw o katumbas ng humigit-kumulang Php 3.3 bilyon sa isang buwan o nakakalulang Php 40.15 bilyon sa isang taon.
Maliwanag na sa ganitong kalagayan, protektado ang kita ng mga gahamang kumapanya ng langis habang lalo namang nasasadlak sa kahirapan ang buong sambayanan. Ayon mismo sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sa bawat pisong itinataas ng produktong petrolyo, ang katumbas ay 0.10 hanggang 0.14 punto porsyentong inflation rate na nararanasan ng bansa.
Sa kabila ng limpak-limpak na tubo na nakokolekta ng kartel na langis mula sa said na said na bulsa ng mamamayan, tila wala pa ring pakundangan ang mga ito sa pagtaas ng kanilang produkto. Sa tuwing sila ay sinsalubong ng mga protesta’t pagkilos ng taumbayan, kapal-mukha nilang sinsabi na sila ay nalulugi at marami pang kailangan bawiin. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na ang mga ganid na kumpanyang ito, bilang natural na katangian ng isang kapitalista, ay walang ibang hanggad kundi ang magkamal pa ng
Ibig sabihin, ang pagtaas ng presyo ng langis ay siyang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangaraw-araw na pangangailangan ni Juan Dela Cruz. Ang bawat pagtaas ng presyo ng langis ay hindi lamang pasakit sa mga lokal na maliliit na negosyante, bagkus ito ay mas matinding hagupit sa mga maliliit na mamamayan, partikular na sa uring manggagawa.
Editoryal:
Karapatan sa teritoryo 15
N agbab adya ng ibayon g igting ang hidwaa n sa pagita n ng
ment o MOA na nagsasaad ng tinatawag na Ancestral Domain claims ng huli sa mahigit na pitong daang (700) barangay. Batay rin sa MOA na ito ang kahilingan ng MILF na ipagpaliban ang Halalang ARMM noong ika-11 ng Agosto 2008. Ang mga kaganapang ito ang nagsulsulsol ng apoy sa pagitan ng GRP at MILF sa gitna ng nagaganap na Usapang Pangkapayapaan (Peace Talks). Naglunsad ng mga pakana ang rehimeng Arroyo sa layong pigilan ang pagkulo ng sitwasyon. Noong nakaraang buwan, inihain sa Kamara ng mga tutang mambabatas ng Malakanyang ang mga panukalang ipagpaliban ang halalan sa ARMM sa buktot na dahilang “bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan” sa Mindanao – di ito nagtagumpay. Ngayon naman, iginigiit ng mga alipores ni Gloria Arroyo sa Senado ang Pederalismo at sa Kongreso naman ay ang paglikha ng dalawang Awtonomus na Rehiyon--isa sa Gitnang Mindanao at ang isa naman ay sa Timog-Kanlurang Mindanao. Sa harap ng mga ito, nahati ang pananaw ng mga kapatid nating Moro. Ani Misuari ng Moro National Liberation Front o MNLF, mga pakana lamang ito upang pagbanggain ang mga Moro – “divide and rule” ika nga. “The MOA is not the solution”, aniya. Ngayon, nahahati na rin ang mga grupo at organisasyong Moro sa isyu, bagay na ikatutuwa lamang ng gubyernong Arroyo.
Gubery ong Arroyo at ng Moro Islamic Liberat ion Front o MILF, sa gitna ng alingas ngas na idinulo t ng Memor andum of Agree
Sa likod ng eksenang ito ay ang pakikialam ng Imperyalismong Estados Unidos sa pamamagitan ni Kristie Kenny, pinuno ng Embahada nito. Pinatunayan ito sa pagdalo nito sa usapan sa pagitan ng GRP at MILF. Lutang din ang interes nito sa nagaganap na Usapang Pangkapayapaan – ang pagtitiyak sa kontrol ng sentral na pamahalaan upang maprotektahan ang interes nito sa rehiyon at sa posibilidad ng malaking deposito ng langis sa bahaging ito ng bansa. Patunay na rito ang milyong dolyar na mga proyektong pang-kapayapaan na pinadudulas sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID). Sa postura ng impryalismong Estados Unidos nasa “win-win situation” ito. Wala nga namang mahalaga rito kundi ang kalayaang mag-angkat ng likas na yaman ng ating bansa para sa sarili nito. Pawang mga panlilinlang lamang ang mga inisyatiba’t hakbang na ito. Kung magtagumpay man, walang magaganap na “tunay na awtonomiya” sa Mindanao. Bakit? Sentral sa usapin ng mga kapatid nating Moro ang karapatan nila sa pangekonomiyang batayan ng kasarinlan at karapatan sa “self-determination”. Ang batayang ito ay ang karapatan ng mga kapatid nating Moro sa likas na yaman ng teritoryong kanilang sinasakop. Aanhin nga ba ang pagtatakda ng teritoryo kundi rin lamang mapapasa-kamay ng Moro ang yaman dito?
16