Ap

  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ap as PDF for free.

More details

  • Words: 332
  • Pages: 1
ang lupain ng pilipinas ay mataba kahit na ito's mabundok. ang mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa baha at pagguho ng mga lupa. mayroon din itong malalawak na kapatagan. ang pinakamalawak ay iyong nasa kalagitnaang kapatagan ng luzon at ang kapatagan sa mindanao. naniniwala ang mga siyentipiko na kung makabagogng paraan ng pagtatanim ang gagamitin sa mga kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan ng bansa. ang ating bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang lambak, tulad ng lambak ng cagayan. mayroon din itong masasaganang talampas na matatagpuan sa bukidnon. maraming burol ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng kapuluan. ang mabababang bundok na matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa pagpapastol. ang bundok apo sa mindanao ay may pinakamatas na taluktok samantalang ang bulkang taal sa batangas ang may pinakamababa. kagubatan ang pilipinas ay may 16.6 milyong ektarya ng kagubatan. natatakpan ng kagubatan ang 55 bahagdan ng lupain ng bansa. ang pilipinas ay pangatlo sa asya sa pagkakaroon ng malaking kagubatan. nangunguna ang hapon at pimapangalawa ng indonesya. ang mga kayamanang nakukuha sa kagubataan ay ang iba't ibang uri ng kahoy na ginagwang troso, tabla, plywood at veneer. malaki ang kinikita ng pilipinas sa pagluluwas ng troso. ang iba pang mga produkto ng gubat ay ang ratan, uling, nipa, balat ng kahoy na pangulti (tambark), dampol (tam dye), buri, buho, kawayan at dagta o resina. ang gubat ay nagsisilbi ring kanlungan ng mamabangis na hayop, tulad ng tamaraw, usa at baboy-damo. dito rin nanggagaling ang iba pang hayop, tulad ng agila, mga kalapati, unggoy, at maraming uri ng ibon. ang mindanao ay isang may pinakamalaking sukat ng kagubatan at may pinakamaraming bilang ng mga puno. sumusunod sa mindanao ang luzon at sumusunod naman ang bisaya at palawan sa luzon. ang agusan at negros occidental ay nakilala bilang bansa sa kanilang produktong kahoy. ang iba pang mga kilalang lalawigan sa pagtrotroso ay ang zambalez, davao, bataan, agusan, surigao, cagayan at quezon.

Related Documents

Ap
November 2019 70
Ap
June 2020 27
Ap
October 2019 55
Ap
June 2020 24
Ap
June 2020 27
Ap
October 2019 51