Ang-unang-kaibigan-ni-hephaestus-the-gwapito.docx

  • Uploaded by: Lol Lmao
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang-unang-kaibigan-ni-hephaestus-the-gwapito.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 502
  • Pages: 2
“ANG UNANG KAIBIGAN NI HEPHAESTUS THE GWAPITO” Ni: Gabriel A. Deada

Ipinanganak si Hephaestus sa Mount Olympus at ang kanyang mga magulang ay sina Zeus at Hera na parehong pogi at magandang diyos. Ngunit hindi nagustuhan ni Hera ang mukha ni Hephaestus kaya itinapon ni Hera si Hephaestus galing sa Mount Olympus hanggang sa lupa. Sa paglalakbay ni Hephaestus sa kagubatan ng lupa bilang isang diyos na kadugo nina Zeus at Hera, may nakita siyang napakagandang babae sa malayong pananaw niya. Kaya nagmamadali siyang namulot ng mga bulaklak o kahit anong bagay na magandang ihandog bilang regalo sa isang magandang babae. Nakabuo din si Hephaestus ng isang magandang regalo at tumakbo siya ng mabilis upang maabotan ang babae. Natutulog ang babae ngunit nakagising naman siya dahil sa lakas ng tunog ng mga naguguluhang hayop sa pagtatakbo ni Hephaestus. Bagong gising lang ang babae at parang may kaguluhan na ang nangyayari kaya natatakot na siya sa ano man ang magaganap sa kanyang sitwasyong bagong gising. Sa pagtatakbo ni Hephaestus ay sa wakas, narating na din siya sa babae at sa ka pagod niya ay grabe ang paghinga niya sa hangin na sobrang bigat sa tenga. Dahil sa paghihinga ng malalim ni Hephaestus, ang babae ay natatakot na parang siya ay nanginginig. Pagkatapos ng paghihinga ni Hephaestus ay sinubukan niyang ibigay ang kanyang magandang regalong ginawa upang makipag kaibigan sa babae. Hindi inalok ng babae ang regalo kasabay sa kanyang panginginig ay hindi siya nakakilos. Sa sandaling iyon, napagtanto ni Hephaestus na baka dahil sa kanyang kapangitan ay hindi siya nagustuhan ng babae kahit ang mata ng babae ay nakatakip. Kaya iniwan niya lang ang regalo at tumakbo siya palayo sabay ang pag-iiyak niya. Napansin ng babae na umalis na ang taong lumapit sa kanya. At doon din napansin ng babae na wala siyang nakita sa buong oras na lumapit si Hephaestus sa kanya.

Kahit ang mukha o ang regalo ni Hephaestus ay hindi niya nakita dahil mayroon pala siyang muta sa kanyang mata galing sa kanyang paghimbing na tulog kanina. Tinanggal ng babae ang kanyang mga muta sa mata at nakita niya ang magandang regalong mayroong maliit na tandaan na iniwan ni Hephaestus. Binasa niya ang maliit na tandaan ni Hephaestus: “Ngunit sa mukha ay hindi ako mag wagi, sana sa iyong buhay ay ako’y mabahagi, gusto ko sana tayo’y maging magkaibigan, upang magtulungan sa mga problemang hindi magugustuhan”. Naanting ang puso ng babae at sa pagbukas niya ng regalo ay nakita niya ang isang munting pulseras na gawa ng mga bulaklak. Nagmadaling hinanap ng babae si Hephaestus at buti nalang tinulongan siya ng mga hayop sa kagubatan. Sa paghahanap-hanap ng babae sa kagubatan, sa wakas ay nakita na niya si Hephaestus na umiiyak sa isang sulok. Nilapitan niya si Hephaestus, niyakap at sinabihan ng : “Wag ka nang umiyak, gusto kong makipag kaibigan sa iyo… Ako pala si Artemis.”. Nakita ni Hephaestus na suot ni Artemis ang pulseras na kanyang iginawa at napangiti nalang siya at sinabihan niya si Artemis ng: “Salamat…”.

More Documents from "Lol Lmao"