Ang Masining Na Pagsasalita Sa Iba't-ibang Pagkakataon

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Masining Na Pagsasalita Sa Iba't-ibang Pagkakataon as PDF for free.

More details

  • Words: 1,358
  • Pages: 35
Ang Masining na Pagsasalita

Sa Iba’t-ibang Pagkakataon

1.

Ang pakikipag-usap ng dalawahan

• Ang pinakakaraniwang pakikipagtalastasang ating ginagawa ay ang makipagusap ng dalawahan. Dahil karaniwan lang, di ito bibigyan ng espesyal na atensiyon tulad ng paghahanda sa isang talumpati o panayam.

• Sa pakikipag-usap na dalawahan ang nagsasalita at tagapakinig ay gumaganap ng tungkuling magsalita at makinig. MENSAHE / REAKSIYON NAGSASALITA

NAKIKINIG

REAKSIYON / MENSAHE

• Dahil dito mahalagang magkakilala muna ang dalawang taong maguusap. • Sa mga taong di bihasa sa pakikipag-usap o sa mga mahiyain at kulang sa exsposyur, sadyang mahirap ang magbukas at magpanatili ng daloy ng usapan.

Makakatulong ang mga sumusunod: • Kilalanin ang kausap. Makipagkilala ng maayos upang maging maginhawa ang pakiramdam na magiging daan sa pakikipag-kaibigan. • Tuklasin ang hilig o interes ng kausap upang madaling magbukas ng usapan at maging kawiliwili ang matagal na usapan. • Kung di mo hilig ang hilig niya, maaring maghanap na lamang ng bagay na pareho ninyong nais pag-usapan tulad ng pag-aaral, mga kaibigan, mga usong laro, ang eleksiyon o kahit na baha at tag-ulan.

• At tulad ng sa dayagram, dahil sa ang tagapag-salita ay tagapakinig din, dapat magpakita ng ekspresyon ng kasabikan at kawilihan sa sinasabi ng bawa’t isa. Ipakita ito sa ekspresyon ng mukha, ang pagtango, pagngiti at iba pang paraan.

• Maging natural sa pakikipag-usap. Iwasan ang pagkukunwari at bumanggit lamang ng mga katotohonan. Di kailangang magyabang sa mabuting pakikipagugnayan. • Sikaping gumamit ng mga bukas na katanungan (open ended) na hahamon sa kausap upang magpahayag. hal. Sa tingin mo, madali bang tayong makakahanap ng trabaho Dahil I.T. grad tayo?

• Sikaping mapanatili ang daloy ng usapan. Iwasan na di na makasingit ang iyong kausap at manatiling nakikinig na lamang. • At kung ikaw naman ang tagapakinig,unawain mo ang sinasabi ng iyong kausapupang alam mo ang iyong isasagot o makapagtanong ka rin sa mga bagay na kailangan ng paliwanag. • Iwasan ang pagtatalo sa pamamagitan lamang ng walang kabuluhang pagsasalungat sa kanyang sinasabi.

• Kung sa palagay mo ay dapat ng wakasan ang pag-uusap, gawin ito sa tamang paraan at pagkakataon. • Magpaalam ng maayos. Ang pagkamay o marahang pagtapik sa balikat ng kausap ay mainam na pagwawakas ng usapan.

2. Ang Pakikipanayam o Interbyu  Ito ay isang anyo ng personal na

pakikipagtalastasan ng dalawang panig na nagkasundong magkatagpo para sa layuning magbigay ng impormasyon ang taong hinihiling na makapanayam at makakuha naman ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng tiyak na mga katanungan mula sa taong humihingi ng panayam.

2 Uri ng Panayam ayon sa Layunin:

1. Panayam na Pangkaalaman 3. Panayam na Panghanapbuhay

Ang panayam na pangkaalaman ay may apat na mahahalagang gawain: 1. Pumili at magtakda ng taong kakapanayamin.Dapat siya ay may sapat na kaalaman, karanasan at kinikilalang experto sa nasabing paksa 3. Alamin kung saan maaring matagpuan ang taong kakapanayamin.

1. Kunin ang pahintulot ng taong kakapanayamin at magtakda ng araw at oras ng pakikipanayam. 3. Gumawa ng mga tiyak na katanungan na nais maging kasangkapan sa pagkuha ng mga impormasyong nais makuha.Gawing malinaw, kawili-wili at magkakasunod-sunod ang mga tanong. Hayaan din na makapagsalita ng husto ang kakapanayamin.

Mga bagay na dapat tandaan sa pakikipagpanayam  Isa-isip na ikaw ay humihingi lamang ng pabor sa kakapanayamin. Dumating ka sa oras.  Maging magiliw at magalang sa pakikitungo sa taong kakapanayamin.  Sikaping maging masigla ang panayam.  Makinig ng husto at ng maunawaan mo ang panayam. Iwasan ang paggambala sa kanya sa gitna ng pananalita.

Bago kayo maghiwalay ay tiyakin mo sa kanya na ang mga bagay na “confidential” ay para lamang sa inyong dalawa. Igalang mo ang kanyang oras. Tapusin ang panayam sa takdang oras. Huwag kalimutang magpasalamat.

Ang Pakikipanayam na Pang-hanapbuhay 

Ang uri ng pakikipanayam na ito ay isinasagawa nang impormal. Ang layunin ng ganitong pakikipanayam ay upang makakuha ng opinyon ng mga kinakapanayam tungkol sa isang uri ng kalakal.



Ito ang nasasaksihan nating mga “on the spot” interbyu sa mga palengke, supermarket, sine at iba pang lugar.

Ang Pakikipag-usap sa Telepono

 Sa ngayon ang pinakamabilis na paraan ng pakikipagtalastasan sa lahat ng larangan ay ang telopono. Dahil dito,kailangan lamang na matutuhan ang tamang paggamit nito.

Mga Bagay na dapat tandaan upang maging mabisa at maayos ang pakikipagusap sa telepono:  Magbigay bati tulad ng “Magandang umaga,tanghali,hapon o gabi kapag iniangat na ang telepono.  Isunod sa pagbibigay-galang ang pagbanggit ng tanggapan o tahanan, alin man sa dalawa.  Magsalita ng malinaw, magiliw at natural na tinig.

3. Ang Pangkatang Talakayan Ito ay isang maayos na paraan ng masusing pagpapalitan ng mga kuro-kuro o opinyon na ang layunin ay makapagtipon ng mga kaalaman at magbigay-halaga sa nasabing opinyon ukol sa isang paksa o kaya’y ihanap ng solusyon ang isang problema. Maari itong maganap sa maliit man o malaking pangkat.

Iba’t-Ibang Uri ng Pangkatang Talakayan •

Impormal na talakayan –mula 5 hanggang 10 tao (Roundtable discussion). May isang tagapangulo nguni’t aktibo ang lahat ng kalahok.



Pormal na Talakayan – isinasagawa sa sa harap ng mga pormal na tagapagpakinig. Mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod.

 Panel Discussion o talakayan ng isang hanay na itinakda. Mayroon pinuno at mga kalahok at mga pormal na tagapagpakinig na maari ring magtanong kol sa paksa pagkatapos ng talakayan hanay.

 Simposyum – may 3 o 4 na tagapagsalita na magbibigay ng talumpati sa loob ng 5-7 minuto na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isyu. Mahalagang maayos ang pagkakabalangkas ng mga topic sa mga talumpati upang di paulit-ulit ang mga nilalaman nito. Maari ring magtanong ang mga tagapakinig sa katapusan ng mga talumpati.

 Lektyur Porum – nag-aanyaya ng isang tagapagsalitang tatalakay o magbibigay panayam sa isang isyu o suliranin. Nagtatanong at magbibigay opinyon din ang mga tagapagpakinig. Dahil maraming kalahok dito, nangangailangan ng isang tagapagpamagitan o moderator na magsasa-ayos ng mga tanungan at palitan ng opinyon.

 Talakayan ng Lupon – dito, higit ang kontrol

ng pinuno upang maisagawa sa takdang oras ang nilalayon ng talakayan. Ito ang ginagamit ng mga samahan o organisasyon upang makapagplano ukol sa mga proyekto.

Mga Katangian ng isang makabuluhang Talakayan 1. Ang isang makabuluhang talakayan ay yaong nauukol sa isang kapapakinabang na paksa na inilalahad bilang isang katanungan. 4. May kaayusan at gumagamit ng mga tanong na maaring maging gabay upang madaling malutas ang suliraning pinaguusapan.

1. Ang lahat ng kalahok ay dapat na may lubos na kaalaman sa paksang tatalakayin at maayos na nagbalangkas na ng mga tanong at gabay sa talakayang gaganapin. 2. Ang mga kalahok ay kailangan gumamit na wika, tinig at kilos (gestures) upang makatulong sa mga sa kanilang pagsasalita. 3. Ang lahat ay masiglang lumalahok o may active participation.

Mga Uri ng Makabuluhang Talakayan ayon sa Layunin:

A. May paksa na ang layunin ay lumikom ng mga karagdagan kaalaman.

Halibawa:

Dapat bang kumandidato bilang pangulo si Sen. Noynoy Aquino sa 2010?

A. Paksang ang layunin ay humanap ng lunas sa suliranin.

Halimbawa:

Bilang mga mag-aaral, paano tayong makakatulong na mabawasan ang epekto ng global warming?

A. Paksang ang layunin ay magbigay ng halaga.

Halimbawa:

Mahalaga pa ba ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa panahong ito?

Mga Istilo ng pagpapalitan ng kuro-kuro sa pangkatang talakayan” • Paraang ang sentral na kalahok ay ang tagapangulo ng talakayan. Ang pangulo ay malayang nakikipagtalakayan sa lahat ng kalahok nguni’t sila ay sa pangulo lamang maaringmakipagtalakayan. Ito ay ang paraang na GULONG. C

D

A B

E

2. Paraang kung saan ang tatlong kalahok

na magkakalapit sa gitna ay maaring malayang makapagtatalakayan sa bawat isa at ang dalawang nasa ibaba ay maari lamang makipagtalakayan sa katabi nila. TANIKALA ang tawag dito. A B

C

D

E

3. Ang paraang kung saan ang posisyon ng mga kalahok ay HUGIS Y. Katulad din ito ng paraang gulong na may isang pinunong sentro na nakikipagtalakayan sa lahat ng kalahok ay hindi nakikipagtakakayan sa kapwa kalahok. D

E C B A

4. Ang paraan pabilog na kung saan ang bawat kalahok ay maaring makipagtalakayan sa DALAWANG MAGKABILANG TABI niya kaya higit ang pagkakataon ng bawat isang lumahok sa talakayan. A E

B D

C

1. Talakayang Panglahat – kung saan ang lahat ay malayang makipag-talakayan sa bawa’t isang kalahok. A E

B

D

C

Related Documents