1
“Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng mga Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz at Kaligtasan” Isang Teolohikong Aral-nilay Na Inilahad sa: Kaguruan ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC)
Dalubhasang Teolohiko ng
OUR LADY OF THE ANGELS SEMINARY Seminary Road, Bagbag, Novaliches, Quezon City
Isinumite ni:
JHONAS F. ENOPIA, SC
Hunyo 2008
2
OUR LADY OF THE ANGELS SEMINARY INTER-CONGREGATIONAL THEOLOGICAL CENTER Seminary Road, Bagbag, Novaliches, Quezon City P. O. Box 192, 1117 Novaliches, Quezon City Tel. Nos. 936-4083/936-4086 Fax: 936-4083
APPROVAL SHEET In partial fulfillment of the requirement for the degree of Master of Arts in Pastoral Ministry Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng mga Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz at Kaligtasan has been prepared and submitted by: JHONAS F. ENOPIA, SC who is hereby recommended for the Oral Defense Examination. Oscar A. Ante, OFM Thesis Mentor Grade Given to the Paper Date of Submission
: :
Approved by the Defense Panel of the Oral Examination with the grade of: Yolanda R. Esguerra Member
Lino Gregorio V. Redoblado, OFM Member Andres Rañoa, OFM Chairperson
Accepted as a partial fulfillment of the requirement for the degree of Master of Arts in Pastoral Ministry Oscar A. Ante, OFM Academic Dean Date
1.5
3
PAGHAHANDOG
Para sa mga taong may pusong patuloy na nakikibahagi at nagninilay sa hamon ng pagiging simbahan ng mga dukha dulot ng mga makabagong hamon ng panahon ng urbanisasayon upang magkaroon ng mga panibagong tugon!
Para sa lahat ng tagahubog ng mga lingkod ng simbahan na nakatutulong sa pagbabago at pagbubukas ng mga panibagong pananaw sa paglilingkod sa simbahan at sa mga dukha!
4
PASASALAMAT Ang mag-aaral ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na naging kabahagi ng pag-aaral na ito: Sa kanyang tagapayo na walang iba kundi si Padre Oscar Ante, OFM sa pagbabahagi ng kanyang mayamang kaalaman at opinyon. Sa kapilya ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan, Old Balara, Quezon City sa pangangalaga ng mga Sons of Charity. Sa mga miyembro ng Parish Pastoral Council ng Jesus of Nazareth Parish, Villa Beatriz, Quezon City sa pangangalaga ni Padre Daniel Godefroy, SC. Sa buong komunidad ng Jesus of Nazareth Parish na nakada-upang palad sa loob ng isang taon. Sa lahat ng komunidad ng mga dukha na nakasalamuha at nakapamuhayan sa mga nagdaang taon. Sa lahat ng mga taong tumulong at sumuporta sa pagpupunyagi ng papel na ito. Sa kapatiran ng Sons of Charity na kinapapalooban ng mananaliksik. Sa kanyang buong pamilya. Sa komunidad ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC). Sa lahat ng mga taong naging tagahubog ng mag-aaral. At higit sa lahat, sa Diyos na bukal ng bokasyon at lubos na mapagmahal at mapagkalinga!
Maraming, Maraming Salamat Po!
5
ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay isa sa mga napakaraming naisagawang pag-aaral tungkol sa simbahan ng mga dukha. Bagkus ang pag-aaral ng ito ay nakatuon sa kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na kung saan ay isang komunidad na umuusbong dulot ng makabagong panahon ng urbanisasyon.
Ang pinakamahalaga at
pangunahing kapamaraanang eklesyolohikal na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang hermeneutical o pastoral cycle method. Binigyang diin din ng mag-aaral ang naisagawang etnograpikong pag-aaral ng mga kapwa mag-aaral sa ikalawang taon ng teolohiya sa nakalipas na taon. Ang mga talakayan, pormal at di-pormal na pakikipanayam ay isa sa mga pinagkukunan ng mga datos na makakatulong din sa pagpapalalim ng pag-aaral na ito. Ang pagbabad, pagsama, pakikipamuhay, at pakikiisa sa pamumuhay ng mga maralitang tagalungsod ay bahagi rin ng pag-aaral upang makatulong sa lubos na pagkakaunawa sa pag-aaral na isinasagawa.
Nakatawag pansin sa pag-aaral na ito ang pag-inog ng pananaw ukol sa pagtugon ng simbahan sa tawag ng makabagong uri ng mga komunidad o maralitang lungsod na dulot ng urbanisasyon. Bunga ito ng kasalukuyang patuloy na pang-aakit ng makabagong buhay ng mga
6
malalaking siyudad na kung saan ang mga taga-probinsiya ay lumipat dito. Bunga pa nito, ang mga maliliit na lugar sa mga malalaking siyudad ay pawang napupuno at nagsisiksikan dulot ng paglipat o migration. Dahil dito, masasabi na ang mga maralitang tagalungsod ay nakikiisa at nakikisalamuha sa buhay ng simbahan dahil sa kabutihang naidudulot nito sa kanilang buhay. Ito ay ang pagpapahalaga sa kanilang buhay, pakikipagkapwa, pagtutulungan sa mga problema, pagbibigay ng gabay, pagkakaroon ng lakas at kapanatagan ng loob, pagmamahalan sa isat-isa, at kapayapaan sa kanilang komunidad. Ang simbahan sa gitna ng mga maralitang tagalungsod ay masasabing isang makabagong anyo ng pagiging simbahan na tumutugon sa hamon ng panahon ng urbanisasyon na kung saan ang pagkakaroon ng mga espirituwal at sosyal na gawain ay isang makabagong anyo ng ministeryo nito. Ang mag-aaral ay may rekomendasyon para sa simbahan at para sa
iba
pang
pag-aaral.
Para
sa
simbahan,
iminumungkahi
ng
mananaliksik na paigtingin at ipagpatuloy ang misyon ng simbahan sa mga maralitang tagalungsod; ipagpatuloy ng simbahan ang mga proseso ng pagtugon sa mga hamon ng ebanghelisasyon ng makabagong panahon ng urbanisasyon; paigtingin ang patuloy ng paghubog (on-going formation) ng mga naglilingkod; hikayatin ang mga kabataan na makibahagi sa mga gawaing pangsimbahan;
at iminumungkahi rin ng
7
mananaliksik na isaalang-alang ang sapat na kaginhawahan ng mga mananampalataya. Para sa iba pang pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang isang pagtatasa at pag-aaral sa mga gawain ng simbahan ng maralitang tagalungsod. Kaakibat nito ang mga proseso ng pagbuo ng simbahan at mga gawain nito upang maging mas angkop ito sa konteksto ng makabagong hamon ng urbanisasyon at sa kultura ng mundong kanyang ginagalawan upang ito ay maging isang tunay na kinatawan ng ebanghelisasyon.
8
Balangkas ng Pag-aaral Kabanata: I.
II.
III.
IV.
V.
Pahina
Panimula. A. Dahilan ng Pag-aaral . . . . B. Pagpapahayag ng Suliranin . . . K. Kahalagahan ng Pag-aaral . . . D. Mga Kapamaraanan ng Pag-aaral . . E. Lawak at Takda ng Pag-aaral . . . G. Mga Pag-aaral sa mga Kaugnay na Panitikan
. . . . . .
3 6 8 9 11 11
Ang Mukha ng Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan . . A. Pangkalahatang Sitwasyon ng Lugar . 1. Kasaysayan . . . . 2. Demograpiya . . . . 3. Estraktura . . . . . a. Ekonomiya . . . b. Politikal . . . . 4. Kultura . . . . . B. Lokal na Simbahan . . . . 1. Pangkalahatang Sitwasyon at Gawain 2. “Mukha ng Simbahan” ayon sa mga tao
. . . . . . . . . . .
17 18 18 23 25 25 27 30 33 33 39
. . . . . .
43 43 48 48 52 58
Ang Simbahan ng mga Dukha ayon sa Bibliya at Turo ng Simbahan . A. Ayon sa Bibliya . . . . B. Ayon sa Turo ng Simbahan . . 1. Lumen Gentium . . . 2. PCP II . . . . 3. Padre Felix Wilfred . .
. . . . . .
Ang Pastoral na Implikasyon ng Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng Maralitang Tagalungsod. A. Sa Lipunan . . . . . . B. Sa Simbahan . . . . . .
64 64 70
Pagtatapos . A. Paglalagom . B. Konklusyon . K. Rekomendasyon .
76 76 79 81
. . . .
. . . .
. . . .
. . . .
. . . .
9
Mga Dahong Dagdag . . . . 1. Larawan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan 2. Ang mapa ng daan papunta sa lugar na ito . 3. Mga katanungan sa ginagawang survey/FGD
. . . .
. . . .
85 85 86 87
Talasanggunian
.
.
88
.
.
.
.
.
10
UNANG KABANATA PANIMULA A. Dahilan ng Pag-aaral Ang simbahan ay may kakaibang pananaw bago ang pagpupulong ng Ikalawang Kapulungang Vatikano. Ito ay inihahayag bilang isang institusyon na itinatag noong unang panahon at tumagal sa kalaunan ng panahon na may iisang anyo. Ang pananaw na ito ay nagbago sa panahon ng Ikalawang Kapulungang Vatikano. Isinasalarawan nito ang simbahan na may ibat-ibang mukha. Ang mga dokumento ng Vatican II katulad ng Lumen Gentium at Gaudium et Spes ay naglalarawan ng kakaibang simbahan. Ito ay nakatuon at nagsasabing ang simbahan ay isang pamayanan ng Diyos, isang bayang naglalakbay, naglilingkod at nakikipagtalastasan sa mundo.1 Binibigyan pa ng diin ang ganitong pakahulugan at pagsasalarawan ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas noong 1991. Bukod sa mga pagsasalarawang ito, inilahad din ng nasabing plenaryo ang isang matingkad na misyon ng simbahan upang mas maging angkop at konkreto ang pagsasalarawang ito sa gitna ng diganap na mga kumunidad.
1
Lode L. Wostyn, Church: Pilgrim Community of Disciples (Quezon City: Claretian Publications, 1995), p. 15.
11
“ Ang simbahan ay naggawa ng kanyang sariling adhikain at mithiin sa isang kumunidad para sa pagunlad, katarungan, pagkakasundo at kapayapaan, at pagnanais sa Diyos na siya mismo ang tutupad sa mga hangarin ng puso ng bawat tao”.2 Sa karanasan ng mananaliksik sa mahigit na apat na taong pakikipamuhay, pagbabad, at pagsulong ng simbahan lalo na ang simbahan ng mga dukha sa mga piling lugar ng Maynila, at bilang kabahagi rin ng pagsulong ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC) na isabuhay ang teolohiyang pilipino sa konteksto ng makabagong panahon lalo na sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral, binibigyang diin ng mananaliksik ang kanyang karanasan sa talaban at talastasang ito sa pagitan ng simbahan at ng makabagong sambayanan. Tulad halimbawa ng malawakang paglipat ng mga taga-probinsya sa malalaking siyudad sa kalakhang Maynila na siyang nagdulot ng pagusbong ng mga eskwater o ang tinaguriang “informal settlers” na makikita at mapapansin sa paligid ng mga malalaking siyudad ng Maynila. Ito ang naging hamon ng mananaliksik na pagtuunan ng pag-aaral. Ang lugar ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ay iilan sa mga napakaraming lugar sa kalakhang Maynila na tinaguriang eskwater o maralitang lungsod. Ito ay mga maliliit na lugar sa paligid ng mga napakalaking subdibisyon. Dito matatagpuan ang ibat-ibang uri ng kultura 2
Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines (Pasay City: St. Paul Publications, 1992), p. 53. (Salin sa tagalong ng mananaliksik).
12
ng mga tao dahil dala-dala ng bawat isa ang kultura ng kanyang probinsiyang kinagisnan. Ayon sa ulat ni Fr. Joseph Bouchaud, isang pari ng Sons of Charity, sa kanyang aklat na “Following Jesus Among the Urban Poor” ay mayroong humigit kumulang sa 15-20 libo katao ang naninirahan dito.
3
Sa ganitong bilang ng mga naninirahan, paliit ng paliit
ang lugar para sa kanila. Maliban sa mga taong unang nanirahan dito na may naitayong sariling bahay, marami din ang bilang ng mga nangungupahan sa lugar na ito. Ito rin ang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng ibang naninirahan, ang magpaupa ng silid tulugan o ng bahay. Dahil din sa paglabas-pasok ng mga tao dito, madalas magkaroon ng gulo lalo na sa mga kabataan. Hindi din masyadong maayos ang sistema ng pamamahala sa mga lugar na ito. Hindi din maiiwasan na mayroong mga propesyonal na eskwater o “professional squatters” kung tawagin. Ito ay ang mga taong may tigdadalawa o tig-tatatlong bahay na kung saan ginagawang paupahan. Ito ay isang kaugaliang nagpapahayag ng kapangyarihang lumikha at magpadama sa isang tao ng kulang at sobra sa pamumuhay. Ito ay may malaking gampanin sa pagbuo ng kamalayan at pananaw ng isang tao, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa, at iba pa. 3
Fr. Jose Bouchaud, SC, “Following Jesus Among the Urban Poor”, (Quezon City, Philippines), a booklet.
13
Kaya nais ng mananaliksik na pagtuunan ng pansin sa pag-aaral na ito ang simbahan ng maralitang tagalungsod.
B. Pagpapahayag ng Suliranin Kapansin-pansin ang pagdami ng mga mamamayang tagalungsod sa mga mauunlad na mga bansa at siyudad. Sa kasalukuyan, sinasabing mayroong humigit kumulang sa 75 bahagdan ang naninirahan sa mga mahihirap na lugar ng lungsod. Sinasabi pa na sa taong 2025 sa hinaharap, maaring maging 2/3 ng populasyon ng mundo ay mga tagalungsod.4 Marami ang dahilan kung bakit ang mga taga-probinsiya o lalawigan ay gustong lumipat sa mga malalaking siyudad kagaya ng Maynila. Tinitingnan nila ito na mas angat ang pamumuhay kaysa kanilang pamumuhay sa probinsiya at napakadaling lapitan ang mga bagay-bagay na kaugnay dito. May kinalaman din sa paglipat ang kakaibang kultura na dulot ng makabagong mundo sa lungsod o siyudad kaysa mga probinsya. Kaya ang ganitong kalagayan ay patuloy pang nang-aakit ng paglipat sa mga mamamayang probinsiyano sa malalaking lungsod ng Maynila. Ang matinding gutom, mahihinang pamamaraan ng paghahanapbuhay, kakulangan ng kagamitang pang-agrikultura kagaya 4
Donald E. Miller, Serving with the Urban Poor (Sta. Cruz, Manila, Philippines: Logos Publications, Inc., 1999), p. 120.
14
ng pagsasaka, at kawalan ng lupain ay mga iilang halimbawa lamang ng mga dahilan na nagtulak sa kanila upang pumarito at makibahagi sa buhay ng tagalungsod.
Sa pag-usbong naman ng ganitong kalagayan, ang pagdami ng mga mamamayang tagalungsod, ay nagdulot rin ng pagtaas ng uri ng kawalan ng trabaho, polyusyon, walang sapat na kalinisan, pagdumi ng suplay ng tubig, problema sa kalusugan, edukasyon, krimen, at iba pa. Ito ay mga iilang pangyayari lamang na dulot ng kakulangan ng kaalaman, kakulangan ng mapagkukunang pinansiyal, at kahusayan sa pagtatrabaho na siyang nagwawakas sa isang paninirahan sa mga eskwater na lugar na matatagpuan sa paligid ng mga malalaking siyudad sa kalakhang Maynila. Ito rin ay nagdudulot sa kanila ng pagtatrabaho bilang mga di-pormal, pangungulekta ng basura, pamamasukan bilang katulong o kasambahay, pagtitinda sa mga kalye, pamamalimos, at iba pa. Dahil dito, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tingnan at suriin ang mga kumunidad o lugar na ito na kung saan maaaring may malaking tungkulin o gampanin ang simbahan sa pagbabago ng takbo ng kanilang pamumuhay.
Susubukan
din
ng
mananaliksik
na
sagutin
ang
pangunahing katanungan upang mabigyan ng katuparan ito : Mahalaga ba ang simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod?
15
Ang mga sumusunod na katanungan ay makakatulong din sa pagsagot ng pangunahing katanungan. a. Ano ang sitwasyon o kalagayan ng mga maralitang tagalungsod at ano ang ginagawa ng simbahan sa kasalukuyan? b. Ano ang simbahan ng mga dukha ayon sa bibliya at turo ng simbahan? k. Ano ang pastoral na implikasyon nito sa lipunan at simbahan?
K. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pagdami at pag-usbong ng mga kumunidad na ito sa mga maralitang lungsod at ang pagdami din ng mga mamamayang naninirahan dito o ang mga tinaguriang eskwater o “informal settlers” ay naging dahilan sa panawagan muli ng simbahan na maging bahagi ng kanyang misyon ang mga nabanggit na mga pamayanan. Ito rin ay naging sanhi upang magkaroon ng mga gawaing pansimbahan sa mga maralitang tagalungsod. Samakatuwid, ang kalagayang ito at ang pakikibahagi ng simbahan
sa
maralitang
tagalungsod
ay
nangangailangan
ng
eklesyolohikal at teolohikal na pag-aaral lalo na sa usapin ng pagbabago ng lipunan. Ninanais din ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa patuloy na itinataguyod at isinusulong ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC), ang eklesyolohikal na pag-aaral sa Pilipino sa konteksto ng
16
makabagong panahon at makatulong pa sa pagpapaunlad ng mga teolohikal na pag-aaral sa konteksto at wikang Pilipino lalo na sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral. Dito susubukan ng mag-aaral na pasukin ang karanansang ito ng mga Pilipino (karanasan ng simbahan sa maralitang tagalungsod) sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral upang mapayaman at mapalago pa ito. Ninanais din ng pag-aaral na ito na suriin ang kinalalagyan ng simbahan sa mga piling maralitang lungsod ng Maynila upang makapagbukas ng makabagong pananaw at pag-unawa ang mga tao bilang simbahan at ang magagawa ng simbahan sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay at kumunidad tungo sa panlipunang pagbabago. Ang bagong kamulatang ito ay mahalaga sa patuloy na pagbuo, paglago, at pagtataguyod ng simbahan na naaayon sa konteksto at hamon ng panahon.
D. Mga kapamaraanan ng Pag-aaral Ang
pinakamahalaga
at
pangunahing
kapamaraanang
eklesyolohikal na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang tinatawag na hermeneutical o pastoral cycle method ni Msgr. Joseph Cardijn. Dito bibigyang linaw ang mga katanungang kinakaharap ng mag-aaral sa tulong din ng paggamit ng Banal na Tipan at ng Tradisyon ng Simbahan. Kabahagi din dito ang pagbibigay diin sa mga kultural, ekonomikal,
17
politikal, at relihiyosong aspeto ng buhay ng tao na laging bahagi ng Kristiyanong karanasan.5 Para sa ibang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos ng mananaliksik, gagamitin sa pag-aaral na ito ng tinatawag na immersion o pagbabad, pagsama, at pakikiisa sa mga maralitang tagalungsod at sa paglalakbay ng simbahan sa mga pamayanang ito. Ang mag-aaral ay makikitira at makikipamuhay din sa pamayanang nabanggit upang lubos na maunawaan ang isinasagawang pag-aaral. Bibigyang halaga din sa pag-aaral na ito ang tinatawag na participant-observation
approach.
Ito
ay
isang
dulog
na
nangangahulugang pakikipamuhay sa mga kumunidad na nabanggit, pakikiisa sa kanilang mga gawain, at maging mapagmasid sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Napakalaking tulong din sa pagbuo ng pag-aaral na ito ang pagsasagawa
ng
focused
group
discussion
at
di-pormal
na
pakikipanayam at pakikipagkwentuhan sa mga maralitang tagalungsod ng nabanggit na lugar. Ang mga nakalap na datos ay isusulat sa talaarawan ng mag-aaral.
5
International Commission on Justice, Peace, and Integrity of Creation, Manual for Promoters of Justice Peace and Integrity of Creation (Quezon City: Claretian Publications, 1998), p. 122.
18
E. Lawak at Takda ng Pag-aral Ang Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na matatagpuan sa maralitang Lungsod ng Quezon (Tandang Sora) ay mga lugar na saklaw lamang ng pananaliksik na ito. Sa loob ng isang taong pakikisalamuha, buong
maghapon
ang
guguguling
pagbabad,
pakikiisa,
at
pakikipagkwentuhan ng mag-aaral sa mga maralitang tagalungsod ng pamayanang nabanggit. Inaamin din sa pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng mga kapamaraanang nabanggit, na ang kaalaman tungkol sa maralitang tagalungsod ay limitado lamang sa mga bagay at gawaing abot-kamay o accessible ng mag-aaral. Hangarin man ng mag-aaral na makibahagi pa sa ibang mga maralitang tagalungsod upang mapalawak ang pakikipagugnayan at interaksyon, tinitiyak at sinisiguro ng mag-aaral na sa limitasyon at saklaw na ito, magiging malalim ang pagmamasid at pakikibahagi sa mga gawain ng maralitang tagalungsod. Sa pamamagitan nito, maisasalarawan nang mabuti ang ibat-ibang aspeto ng buhay ng maralitang tagalungsod na hindi mabigyang linaw sa pamamagitan ng mga huwarang katanungan.
G. Mga Pagsusuri ng Kaugnay na Panitikan
19
Ayon kay John Fuellenbach, SVD6 sa kanyang aklat na Church Community for the Kingdom, tinalakay niya ang kasaysayan ng simbahan mula sa kapanahunan ni Hesus hanggang sa Ikalawang Kapulungang Vatikano. Ito ay isang pagbabalik-tanaw at pagsisiyasat sa ibat-ibang modelo ng pagiging simbahan na tumutugon at naaayon sa ibat-ibang mukha at hamon ng panahon. Tinitingnang diin niya ang pagtanaw pagkatapos ng kapulungang pananaw ng simbahan na kung saan ang simbahan ay kinakailangang makakita ng kanyang pagkakakilanlan at misyon sa isinasalarawan ngayong globalisasyon at inkulturasyon. Bukod pa dito, para sa may-akda, ang simbahan ay magiging tapat lamang sa pangarap na paghahari ni Hesus (notion of the kingdom of Jesus) kung tutugunan nito ang mga hamon ng pluralismong kultura at ng lumalaking kaharian ni Hesus na kung saan ay malaki ang agwat ng mayayaman sa mahihirap. Sa aklat na Slum as a Way of Life ni Felipe Jocano,7 ipinapakita niya ang pisikal na kondisyon ng mga mahihirap na pook ng mga dukha (slum), ang pagmumukha ng mga lugar na ito, at ang basehang kultura na ginagamit ng mga tao sa pagbagay o pag-angkop ng kanilang mga sarili sa mundo ng slum. Ipinapahayag din niya dito
na ang pook ng mga
6
John Fuellenbach, Church Community for the Kingdom (Manila, Philippines: Logos Publications, 2004). 7 Felipe L. Jocano, Slum as a Way of Life (Quezon City, Philippines: PUNLAD Research House, 2002).
20
dukha o slum ay isang panlipunang pangkat na binubuo ng mga taong naka-angkop sa istilo ng buhay nito. Bukod pa dito, sinasabi niya na ang slum ay mas higit pa sa penomenon ng urbanisasyon o panlipunang problema dulot ng pagkapuno o pagsikip ng mga malalaking lungsod. Ito ay isang proseso ng pag-angkop na nangangahulugan ng isang paraan ng epektibong paggamit ng kanyang kapaligiran para mabuhay at gumawa o lumikhang muli. Dinagdag pa niya na ang slum ay bahagi ng kapaligirang lungsod at ang buhay slum ay ang pagbagay at pag-angkop dito. Si Jimmy Long8 sa kanyang aklat na Generating Hope ay nagpapahayag na ang tao sa panahong ito ay humaharap sa gitna ng panlipunang unos lalo na sa larangan ng kultura na kumikilos sa lampasmakabagong panahon (post-modern time). Ang daan at panahon ng mabilisan at agad-agad na mga pagbabago, na tinatawag sa ngayong generation X, o mga unang pangkat na lumalaki at dumadami sa panahong ito ng lampas-makabago. Kaunti lamang ang nakakapuna o nakakapansin ng pagkakadugtong na ito na nag-uugnay sa lampasmakabagong panahon at generation X. Sa aklat na ito ni Long, nakita niya ang kaugnayan ng mga ito at dahil sa ganitong pamamaraan ginamit niya ang daang ito bilang sangkap sa ebanghelisasyon at sa landas ng 8
Jimmy Long, Generating Hope: A Strategy for Reaching the Postmodern Generation (Illinois: Varsity Press, 1997).
21
pagiging
tagasunod.
Sa
aklat
ding
ito,
itinaas
at
ginamit
ang
kapangyarihang pamayanan, pagkabalisa, pagpasok sa kultura at pagasa sa mga kabataan ngayon. Ito din ay isang istratehiyang pamamaraan para sa mga maliliit na grupo sa isang ministeryong paglilingkod na nagpapakita ng pagtatangi at pagtanggap sa isang sitwasyon at panahon. Sa aklat na A Church for the Next Generation ni Julia Upton,9 sinusuri niya ang pagbabagong liturhikal sa loob at perspektibo ng kasaysayan ng simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay tuon sa rito ng pagpapasimula (initiation) at ang epekto nito sa dulog ng mga mananampalataya sa kabuuan ng ekonomiyang sakramental. Tinitingnan niyang muli ang kasaysayan ng pagpapasimula upang makita ang kahalagahan at lugar nito sa buhay ng mga kristiyano, at ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat isa sa pamamaraan ng pagpapasimula. Tinatahak din ng may-akda na maipahayag ang kasalukuyang kalagayan ng pagpapasimula sa loob ng simbahang katoliko na naaayon sa pananaw ng Ikalawang Kapulungang Vatikano upang patuloy itong umaakma at tumutugon sa hamon ng panahon at sa kalagayang inaasahan ng lahat sa hinaharap. Ang aklat na Christianity in a Secularized World ni Wolfhart Pannenberg10 ay naglalahad ng maraming kapamamaraanan sa pag9
Julia Upton, A Church for the Next Generation (Manila, Philippines: St. Pauls Publications, 1995). 10
22
unawa tungkol sa diskusyon ng kristiyanismo at ng malawakang sekularisasyon. Ayon sa kanya, ang sekularisasyon ay hindi bunga ng pag-unlad ng kasaysayan ng ideya bagkus ito ay nag-umpisa sa politikal at sosyal na tunggalian ng relihiyon. Ang ikalawang kabanata ng aklat ay nakatuon sa malawakang problema ng sekularisasyon kasama na dito ang kawalan ng pagpapahalaga sa wastong asal sa konteksto ng modernong lipunan. Sa wakas, sinusuri ng may-akda ang mga gampanin ng simbahan sa ngayon kung saan hindi sila maisasantabi o magiging bahagi ng konsumeristikong mundo. Ayon sa aklat ni Leonardo Boff11 na Ecclesiogenesis, ang simbahan ay
nabubuo
sa
kasalukuyang
karanasan
at
kasaysayan
ng
mananamplataya. Ang simbahang umuusbong galing sa mga tao ay ang simbahan ding umusbong mula sa mga apostol. Tinahak ng may-akda sa aklat na ito ang mapangahas na pagtingin sa simbahan ayon sa liwanag ng karanasan ng presensiya at kapangyarihan ni Kristong nabuhay muli sa batayang pamayanang kristiyano, at ipinapakita niya ang dinamikong bagong simbahan na umusbong sa gitna ng mga mahihirap sa Brazil at sa buong Latin Amerika.
Wolfhart Pannenberg, Christianity in a Secularized World (New York: The Crossroad Publishing Company, 1989). 11 Leonardo Boff, Ecclesiogenesis (Quezon City, Philippines: Claretian Publication, 1986).
23
Si Avery Dulles,12 isang Heswita at dalubhasa sa teolohiya ng simbahan, sa kanyang aklat na Models of the Church ay may iminumungkahing limang modelo o pagsasalarawan ng simbahan bilang kumunidad. Ito ay ang simbahan bilang institution, mystical communion, sacrament, herald, at servant. Ang magkakaibang kombinasyon ng mga modelong ito ay nagtatakda ng ibat-ibang pananaw ng mga relasyon sa pagitan ng simbahan at ng iba pang mga simbahan. Ang mga modelong ito ay halaw sa kasaysayan bilang isang resulta o produkto ng magkakaibang pananaw ng mga teyologo at mananampalataya ng ibatibang panahon at kultura. Ang mga modelo ring ito ay ginagamit upang maiangkop ang simbahan sa kapanahunan at pangangailangan ng kumunidad. Ang bawat isang modelo ay may kanya-kanyang gamit at limitasyon.
12
Avery Dulles, Models of the Church (New York: Doubleday, 1974).
24
IKALAWANG KABANATA ANG MUKHA NG MARALITANG TAGALUNGSOD SA LAURA, VILLA BEATRIZ, AT KALIGTASAN Sa kabanatang ito, hinahangad na mailahad ang kabuuang larawan ng Maralitang Tagalungsod sa nabanggit na lugar upang mabuo at mailahad nang mabuti ang mukha ng pamayanan na siyang batayang konteksto ng pag-aaral na ito. Sa pagbuo nito, tinitingnang mabuti ang mga ibat-ibang aspeto ng kasaysayan at demograpiya, kalagayang pangekonomiya, politikal, at kultural, at ang sitwasyon ng lokal na simbahan sa kasalukuyan ng nasabing pamayanan. Bagama’t ang kabuuang larawan ang hangad na maipakita sa kabanatang ito, pahapyaw lamang ang pagbaybay at paglalahad nito. Maaaring ang mga ibang detalye ng bawat aspetong nabanggit ay maaring hindi mailahad. Ang pangunahing batayan na pinagkukunan ng mga impormasyon at datos ay ang naisagawang Etnograpikong Pag-aaral (EP) ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng ICTC noong 2006.13 Maliban dito, magiging karagdagang materyal din ang pagsasagawa
ng
Focused
Group
Discussions,
di-pormal
na
pakikipanayam, pakikipagkwentuhan, pakikipamuhay, at pakikisalamuha
13
Ang mga nasa ikalawang taon ng teolohiya sa ICTC na sina Necerel Rey Tomboc, SC, Roberto Laad, FBHS, Derik Yumang, O.Carm, at Jhoan Pader, OFM ay nagsagawa ng Etnograpikong Pag-aaral sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ng Lungsod Quezon (Nobyembre 2006). Bahagi ito ng kanilang paghuhubog pastoral sa nasabing institusyon.
25
ng mananaliksik sa pamayanang ito sa kadahilanang dito nakatira ang kanyang kongregasyon at dito rin nakasentro ang kanilang misyon.
A. Pangkalahatang Sitwasyon ng Lugar 1. Kasaysayan a. Unang Yugto (1930-1940) Naipamulat sa mga tao ang kasaysayan ng kanilang lugar sa pamamagitan ng Etnograpikong Pag-aaral noong 2006. Bagamat nariyan ang pagkilala ng mga unang naninirahan sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan mahigit anim na dekada na ang nakalilipas. Hindi madali ang paghalaw ng kasaysayan ng lugar sa kadahilanang walang naitalang mahalagang impormasyon maliban sa mga kwento ng mga matatanda kung paano sila napunta rito at ang pangkalahatang kasaysayan sa pagunlad ng Lungsod Quezon. Kahirapan ang pangunahing dahilan na nagtulak sa karamihan na pumunta sa lugar na ito mula sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas sa pagbabasakali na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.14 Ang Laura at Villa Beatriz ay nanggaling sa isang palaisipan na marahil ang mga pangalang ito ay pangalan ng mga anak ng mayayamang hacienderong Zuzuaregui. Si Laura at Beatriz ay mga kapatid
nina
Antonio,
Juana,
14
Etnograpikong Pag-aaral, p. 1.
Susana,
Mariano,
at
Enrique
na
26
kasalukuyang pangalan ng mga karatig pook. Sila ay pinamanahan ng mga lupaing nakapangalan sa kanila. Ayon pa sa EP, gumagalaw na ang komersyo sa kabisera ng Lungsod Quezon bago pa umusbong ang kabihasnan sa mga lugar na ito. Ang lugar ay tinatawag na Balara sa panahon ng mga kastila at noong 1932, naitayo ang isang malaking kumpanya sa Lungsod, ang Balara Filters na siyang nagtatanyag sa lugar.15
b. Ikalawang Yugto (1940-1980) Sa bilis ng pag-inog ng panahon, bumibilis din ang paggulong ng mga pangyayari ng kasaysayan tulad ng paglaki ng populasyon at pagbabago ng mukha ng pook.
Ang nabanggit na lugar ay binuo at
nairehistro sa pangalang Barangay Matandang Balara noong ika-10 ng Mayo, 1962 sa pamumuno ni Norbert S. Amoranto ang alkalde ng Lungsod Quezon sa bisa ng ordinansa bilang 5068. Napabilang sa bagong barangay na ito ang kumunidad ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan.16 Mahirap ang pinagkukunan ng tubig, walang ilaw, malayo ang pamilihan, at pagamutan. Bagama’t saklaw ng bagong barangay ang mga lugar na ito, natagalan pa ang paggapang ng mga serbisyong pampubliko 15
Ibid, p. 1 Ibid.
16
27
patungo sa liblib na pook ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Sa mga panahong ito, inihayag ng Pangulong Marcos ang martial law kaya nalagay sa alanganin at panganib ang buhay nila at sa kadahilanang medyo liblib at madilim ang lugar na ito ay naging tapunan ng mga biktima ng karahasan. Ang mga pangyayaring ito ay nagbigay ng walang kasiguruhan sa pamumuhay ang mga tao.17 Makalipas ang apat na dekada, dumating mula sa ibat-ibang lalawigan ang kamag-anak ng mga unang naninirahan bunsod ng pangako ng makabagong kabihasnan sa Metro Manila. Nangarap ang karamihan na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang pamilya kung sila ay makikipagsapalaran sa umuusbong na industriyalisasyon ng malaking siyudad. Kaya ang mga lugar na nabanggit ay naging estratehikong lokasyon para sa umuusbong na kabuhayan ng buong lungsod. Walang bayad
ang
lupa,
malapit
sa
pinapasukang
trabaho,
kagawaran,
pagamutan, infra-istruktura at mga paaralan. Dahil dito, nagtayo sila ng maliit na tahanan at lumipat na rin dito ang ibang mga pamilya na apektado ng demolisyon mula sa ibang lugar ng Metro Manila. Ang mga huling dumating ay hindi na nakakuha ng magandang kalalagyan para makapagtayo ng sariling bahay. Ngunit pinili pa rin nilang manirahan dito dahil mura naman ang upa sa bahay.18 17
Ibid. 18
Ibid. p. 2
28
k. Ikatlong Yugto (1980-1990) Problema sa lupa ang pangunahing nagbigay ng pangamba sa pamumuhay ng mga tao, dagdag pa rito ang batas na Anti-Squatting Law. Marami ang lumitaw na umaangkin sa lupa na di-umano’y mga totoong nagmamay-ari. Pilit silang pinagbabayad sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay para makaiwas sa banta ng demolisyon at pagpapaalis. Dahil dito, nagkaroon ng masigasig na pagkukusa ang ilang magkakapit-bahay upang isulong ang pakikibaka sa lupa.19 Noong ika-11 ng Abril, 1982, nahiwalay ang Kaligtasan sa barangay ng Matandang Balara at isinama ito sa itinatayong bagong pamunuan ng Barangay Holy Spirit. Bagama’t nahiwalay sa pamunuang politikal, kasama naman ito sa pagsulong at pagbuo ng mga pangarap sa katabing sityo ng Laura at Villa Beatriz.20 Matapos ang People Power Revolution noong 1986, pinawalang bisa ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Anti-Squatting Law na siyang nagbigay daan para sa mga maralitang tagalungsod ng karapatang bilhin ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay sa tulong ng gobyerno. Noong 1987, nabuo ang isang asosasyon ng lupa upang idulog sa pamunuan ng National Housing Authority (NHA) ang kanilang suliranin. Masugid na isinulong ang hakbang na ito tungo sa pagsasatitulo ng lupang kanilang 19 20
Ibid. p. 2 Ibid.
29
pinangarap. Masalimuot ang proseso para mapasa-legal ang pagsalin sa lupa. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 5% na lamang ang hindi pa naipagkalooban ng lupang pinaninirahan ng mga tao. Ang ibang lupa ay buo nang nabayaran samantalang ang iba naman ay patuloy pang binabayaran sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP). Ito ay malaking hakbang sa kapanatagan ng kanilang loob.21
d. Ikaapat na Yugto (1990-2007) Noong 1992, dumating sa Laura ang Sons of Charity, isang relihiyosong kongregasyon na nakikipamuhay kasama ang mahihirap. Ito ay nagbigay daan sa karagdagang lakas ng loob sa mamamayan upang isulong ang nasimulang pakikibaka sa kanilang dangal. Serbisyo ng mura at libreng gamot para sa mahihirap, serbisyo medikal at dental, at pangangalaga
sa
espirituwal
na
pangangailangan
ng
mga
mananampalataya ay iilan lamang sa napapakinabangan ng komunidad mula sa pastoral na gawain ng kongregasyon.22 Ang ipinagawang Day Care Center noong 2003 ay tumatanggap ng apatnapung mga bata. Makalipas ang dalawang taon, binuksan din ang unang semestre ng pasukan sa mababang paaralan ng Old Balara Annex noong 2005. Mahigit dalawang libo’t limang daan ang pumapasok sa 2 21
Ibid. Ibid. p. 3
22
30
elementarya. Isinaayos na rin ang serbisyo ng tubig, kuryente, at telepono.23 Sa kasalukuyan, ang dating maputik, liblib, magubat, madilim, matalahib, nakakatakot na pook ay isa nang buhay na kumunidad na puno ng bahay, tao, at pangarap. Isa ring katangian ng lugar ay ang masiglang komunidad na may iba’t ibang libangan tulad ng videoke, billiards, at iba pa. Ang mga pangyayaring ito ang humuhubog sa kasalukuyang mukha ng komunidad mula sa mga dating mapuputik na daanan papasok sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na pinagawa na ring konkreto. Ito ay isang pagkilala ng gobyerno sa umaangat na kahalagahan ng mga mahihirap.24
2. Demograpiyang Katangian Mayroong humigit kumulang sa 32,620 ang kabuuang bilang ng populasyon sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Mula sa kabuuang populasyon na ito, lumalabas na mayroong 3,145 na bilang ng pamilya sa buong pamayanan. Samantala, lumalabas na ang mga bata at kabataan na may edad na 24 pababa ay bumubuo ng 56.5 bahagdan sa kabuuang populasyon.25
2 23
Ibid. Ibid.
24
2 25
Ibid. p.10
31
Ang
pinakamalaking
bilang
ng
naninirahan
sa
lugar
ay
nanggagaling sa Visayas at Mindanao na may mahigit sa 50 bahagdan ang bilang. Sumunod naman dito ang nanggagaling sa Southern Luzon at lalawigan ng Bicol, samantalang mayroon namang pabugsu-bugsong bilang ng mga nagmula sa Central at Northern Luzon.26 Sa ganitong kalagayan, litaw pa rin na tagalog ang pangunahing wika na kanilang ginagamit sa kadahilanang sila ay nasa Metro Manila. Ito din ang wikang kanilang
ginagamit
sa
pakikipag-ugnayan,
pakikipagtalastasan,
at
pakikisalamuha sa iba. Pangkat-pangkat ang mga tao na naninirahan dito ayon sa kanilang etnisidad ngunit bakas parin ang pagrespeto sa isa’t-isa bilang pamayanan. Ang pagrespeto at pagkakaisang ito sa kabila ng pagkakaiba ay isang bagong umuusbong na etnisidad ng mga tao. 27 Ang pag aasawa naman ng mga nasa ikalawang henerasyon ay masasabing pagsasanib ito ng ibat-ibang etniko.28
3. Estraktura a. Ekonomiya Iba-ibang uri ang pangkabuhayan ng maraming pamilya sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Pinakamaraming bilang 26
Ibid. p. 9 Ibid. p. 19 28 Ibid. 27
32
dito ang mga nagtatrabaho sa pribadong tanggapan na kung tawagin ay mga kontraktuwal lamang, samantalang ang iba ay mga empleyado sa gobyerno, nangingibang bansa, at mga umaasa sa kakaunting pensyon.29 Kung titingnang mabuti, karamihan sa mga nagtatrabaho ay walang security of tenure o kasiguruhan sa kanilang hanapbuhay. Sila ay nagtatrabaho sa bawat proyekto o bawat anim na buwan lamang at kung papalarin ay maaring mai-renew ang kontrata at magpatuloy sa kanilang trabaho.
Napakatingkad
ang
usapin
ng
kontraktuwalisasyon
sa
pamayanang ito.30 Ito ang kalagayan ng mga nagtatrabaho sa pamayanang ito dahil karamihan sa kanila ay mga non-skilled worker. Ito ay bunsod ng antas ng edukasyon na naabot ng karamihan sa mga naninirahan sa pamayanang ito na kung saan 70 bahagdan ay hanggang sekondarya lamang, 20 bahagdan ay ang mga nakarating sa kolehiyo ngunit hindi lahat ay nakapagtapos ng kurso, at 10 bahagdan naman ang mga hanggang elementarya lamang.31 Sa kalagayang din ito, lumalabas na ang mga kababaihan o ang mga ina ng tahanan ay nagtatrabaho na rin sa kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng ama para sa pamilya. Kaya marami sa mga ama at ina ay naglalako araw-araw sa pamamagitan ng kariton o kaya’y bilao o bag ng ibat-ibang produkto gaya ng tinapay, gulay, 2 29
Ibid. p. 31 Ibid. 31 Ibid. p. 32 30
33
kakanin, VCD, ukay-ukay na damit, laruan, prutas, gamit at dekorasyon sa bahay, itlog, tsinelas, isda, taho, ice cream, at marami pang iba. Bukod pa dito, marami din ang halos magkadikit at magkatapat na mga maliliit ng mga sari-sari store na may ibat-ibang uri ng paninda ngunit kadalasan ay mga lutong ulam at kanin ang tinitinda.32 Makikita sa kanilang pamumuhay ang paiba-ibang diskarte sa paghahanapbuhay.
Sanay
sila
sa
paghanap
ng
alternatibong
pangkabuhayan upang maitawid ang kanilang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Naging agresibo ang pagpasok ng ilang maykapital para magpautang ng puhunan para sa kabuhayan. Hindi naman nakaligtas ang ilang mga tao sa pamayanan ng pagsasamantala ng ilang pumapasok na nagpapautang. Sa kasalukuyan, kumikilos ang mga kinatawan
ng
simbahan
para
makapag-isip
at
makapagbuo
ng
alternatibong pangkabuhayan sa ilang pamilya ng mahirap na mahirap ang katayuan sa buhay.33 Ang usapin sa pagmamay-ari ng lupa ay isa din sa hinaharap na suliranin ng maraming naninirahan ng pamayanang ito. Ayon sa isang asosasyong tumutulong sa pagpapadokumento ng mga lupa para maging legal ang kanilang pagmamay-ari, marami na ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay ang naipagkaloob na sa mga tao sa programang Community 32
Ibid. p. 33 Ibid. p. 36
33
34
Mortgage Program (CMP) sa pamamagitan ng National Housing Authority (NHA). Bagama’t kakaunti pa lamang ang nakapagbayad ng buo, ito ay nagbibigay pag-asa sa mga tao na balang araw ay hindi na sila tatawaging “squatter”. Ngunit marami din ang hindi pa tiyak ang kanilang paninirahan dito dahil kailangan pa nilang magbayad sa lupa sa loob ng mahigit 20 taon. Pakiramdam naman ng marami na ang lupa ay pag-aari pa rin ng totoong nagmamay-ari nito.34
b. Pulitikal Ang pamahalaang barangay ay isang sangay ng gobyerno na namamahala sa pulitikal na buhay ng pamayanan ng Matandang Balara at Holy Spirit na kung saan napabilang ang sitio Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Ang mga barangay na ito ay pinamunuan ng isang (1) kapitan at pitong (7) kagawad. Ang kapitan at pitong kagawad ay siyang bumubuo ng tinatawag na Sangguniang Barangay. Gawain at tungkulin ng Sangguniang Barangay na bumuo ng mga resolusyon na ipapasa sa Sangguniang Bayan para pagtibayin. Pagkatapos mapagtibay ng Sangguniang Bayan ang resolusyon mula sa barangay, saka pa lamang ito magkakaroon ng bisa para maipatupad sa antas ng barangay. Ayon sa bisa ng Local Government Code, inaasahan na ang barangay ay magkaroon ng asembliya. Ito ay isang sistema upang maisangkot ang 3 34
Ibid. p. 8
35
mga tao sa pagbubuo ng mga dapat lapatan ng mga resolusyon. Sa panig ng dalawang barangay na ito, hindi ito nakapagdaos ng Asembliya kaya kadalasan pa rin na nabubuo ang mga pagpapasya sa hanay lamang ng mga bumubuo ng Sangguniang Barangay. Ayon sa isinasagawang pag-aaral, may mga konsehal ng barangay na nakatira sa pamayanang ito ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Mayroon din mga bantay bayan na nangangasiwa sa kalagayang pangkapayapaan at katahimikan. May mga BSDO din sa mga naturang pamayanan.35 Ang curfew para sa mga kabataan ay isa sa mga ordinansa ng barangay na unti-unti na ring hindi naipapatupad. Ang mga bantay bayan naman ay bihirang rumoronda o nag-iikot sa lugar kaya mayroong ilang di mabuting gawain na hindi maiiwasan katulad ng ingay at gulo ng mga kabataan sa gabi, ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at hindi maayos na pagtatapon ng basura. Dagdag pa dito ay ang kakulangan ng programa ng barangay para sa pangkabuhayan ng mga tao. Makikita rin sa lugar na dahil sa kaunting kalayuan ng pamahalaang barangay, ang mga tao ay hindi alam ang mga proyekto at programa nito.36 Ayon sa pag-aaral, ang mga tao ay may pananaw na ang pulitika ay magulo at walang masyadong pakikialam at hindi nila nakikita na sila ay kabahagi sa pagpapatakbo at pagpapadaloy nito. Ang nakaukit lamang 35
Ibid. p. 24 36
Ibid. p. 29
36
sa kanilang isipan ay ang eleksiyon at kung sino ang mga nasa pwesto, samantalang ang mga nasa pwesto ng barangay ay walang masyadong pakikialam sa buhay ng mga tao. Ang mga ordinansa at mga gawaing pambarangay na kung saan ay pinagdisisyunan lamang ng mga opisyal ng barangay ay hindi gaanong matingkad at nalalaman ng mga tao sa lugar kaya ang ang tao rin ay walang gaanong pakikilahok o hindi aktibo sa gawaing pangkumunidad.37 Sa ganitong sitwasyon, lumalabas na hindi tunay na tumatagos sa antas ng maliliit na pamayanan ng mga tao ang mahalagang serbisyo ng pamahalaan. Ang kawalan ng malinaw ng programa o inisyatibo ng pamahalaang barangay para sa ikabubuti ng pamayanan ay repleksyon ng malawakang kahinaan ng gobyerno.
4. Kultura Ang pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ay may tatlong dominanteng wika na ginagamit ng mga tao. Nangunguna dito ang wikang Tagalog na may 96.5 bahagdan sa kadahilanang sila ay nasa Metro
Manila.
Ginagamit
din
ito
bilang
pakikipag-ugnayan,
pakikipagtalastasan, at pakikisalamuha sa iba. Pumapangalawa naman ang wikang Cebuano na may 34.5 bahagdan dahil ang pinakamalaking 37
Ibid. p. 30
37
bilang ng mga naninirahan dito ay nanggagaling sa Visayas at Mindanao. Pangatlo
naman
ang
wikang
Bicol
dahil
pumapangalawa
sa
pinakamaraming bilang ng mga naninirahan dito ay nanggaling sa Southern Luzon at Bicol.38 Sa pang-araw-araw na daloy ng buhay ng mga tao sa pamayanan, mas madalas na ginagamit nila ang wikang tagalog. Ang mga Cebuano at Bicolano ay karaniwang Tagalog na rin ang ginagamit na pananalita, bagama’t may ilang pagkakaiba sa paggamit tulad ng tono at balangkas ng
pangungusap.
Subalit,
kahit
na
iba-iba
ang
pinagmulan,
mararamdaman pa ang pagrespeto bilang isang pamayanan. Ang pagkakaisa sa likod ng pagkakaiba ay ang bagong umuusbong na etnisidad ng mga tao. Karamihan sa mag-aaral ay nasa elementarya na may 43.7 bahagdan, sekondarya na may 27.6 bahagdan, koliheyo na may 7.2 bahagdan, at pre-school na may 17 bahagdan. Mula sa bilang na ito, mas nakararami ang pumapasok sa paaralang pampubliko dahil mas mura ang matrikula at malapit ang paaralan kung ihahambing sa mga pribadong paaralan. Ngunit lumiliit ang bilang ng pumapasok sa mataas na pamantasan dahil sa kakulangan ng perang panggastos.39 Umabot naman
3 38
Ibid. p. 19 3 39
Ibid. p. 13
38
sa 4.5 bahagdan ang bilang ng mga batang hindi nag-aaral dahil walang panggastos ang pamilya sa matrikula, pamasahe, at baon. Ang ginagawa na lamang ng mga batang ito ay nagtatrabaho o tumutulong sa pagtitinda kasama ang kanilang mga magulang. Subalit ang kinikita ay hindi parin sapat upang tustusan ang kanilang pag-aaral dahil sapat lamang ito sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Sa usapin ng pagsasama o pagpapakasal, mataas ang bahagdan ng kasal sa sibil kung ihahambing sa kasal sa simbahan. Ito ay sa dahilanan na malaki ang gagastusin kung magpapakasal sa simbahan kay sa sibil. Lumalabas sa pag-aaral na dahil naghihiwalay din naman ang ibang nagpapakasal, minabuti muna ng iba na magsama muna sila pansamantala bago magpakasal upang subukin ang kanilang relasyon. May mga nagsasabi din na naging maayos ang kanilang pamilya kahit walang kasal.40 Maraming gawain o pagdiriwang ang itinataguyod ng mga naninirahan sa pamayanan ito. Nangunguna na dito ang fiesta na ang simbahang katoliko ang nag-akda. Dito naipapahayag ang kanilang debosyon sa mga santo. Ito rin ay naging bahagi na ng kulturang pilipino at ang katangi-tanging tradisyon ng mga tao na may kaugnayan sa kanilang pananampalataya. Ang undas o araw ng mga patay naman ang pumapangalawa sa mga pagdiriwang. Sa pagkakataong ito, inaalala nila 4 40
Ibid. p. 20
39
ang kanilang mga mahal na yumao na. Isa din sa mga pinaghahandaan ng mga pamilya sa lugar ay ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon. Ang panahong ito ang nagbubuklod sa bawat pamilya. Ito ay panahon ng pagsasalo-salo sa hapag ng lahat ng miyembro ng pamilya tanda ng pagbubuklod, pagbibigayan, pagmamahalan, at pasasalamat sa Diyos sa buong taon. Hindi din mawawala ang pagdiriwang ng kaarawan at anibersaryo na kinagawian na ng napakaraming Pilipino.41 Sa bilis ng pag-ikot ng panahon at pag-angat ng teknolohiya, nakikisabay din ang mga tao sa ibat-ibang antas at pamamaraan ng libangan. Ayon sa pag-aaral, mataas ang bahagdan ng nanonood ng telebisyon, sumunod naman ang paglalaro ng binggo bilang pampalipas oras, at ang kaliwa’t kanang videokehan na siyang libangan ng mga taong mahilig kumanta. May mga naglalaro din ng billiards at basketbol, pamamasyal sa mall, pagsasabong, at pakikinig ng radyo.42
B. Lokal na Simbahan 1. Pangkalahatang Sitwasyon at Gawain Ang lokal na simbahan ng Diyosesis ng Novaliches ay may sariling pananaw
41
at
gampanin
Ibid. p. 21
4 42
Ibid. p. 22
upang
magsilbing
patnubay
sa
kanyang
40
paglalakbay at pagtugon sa ibat-ibang hamon ng panahon. Sa kanyang pananaw, isinasaad nito na: “Kami,
ang
simbahang
lokal
ng
Novaliches,
sambayanan ng mga tagasunod at pinagbuklod ni Kristo, tumutugon sa pangangailangan ng mga tao, kalakbay si Maria, tungo sa isang sariwa at ganap na buhay”. Ang gampanin naman nito ay nagsasaad na: “Nagtitiwala sa biyaya ng Diyos at sa patnubay ng Espiritung Banal, tinatalaga namin ang mga sarili na: •
Palaganapin
ng
may
bagong
sigasig
ang
Magandang Balita sa lahat ng larangan ng buhay; •
Itaguyod ang karapatan at kakayahan ng mga layko
at hubugin sila bilang mga pinunong lingkod; •
Makiisa sa mga maralita, inaapi at isinasantabi, at
ibangon ang kanilang dangal; Sa pamamagitan ng pagbuo at pagpatibay ng mga Mumunting Pamayanang Kristiyano tungo sa lubusang pag-unlad ng pagkatao at pagpapanibago ng lipunan.”43 Ang pananaw at gampaning ito ng Diyosesis ay lalong pinagtibay sa mga isinasagawang pagpupulong ng mga pari at ng mga layko. Noong 4 43
Diocese of Novaliches, “Evangelization Commission Assembly”, July 14, 2007.
41
ika-14 ng Hulyo, 2007, nagsagawa ng pagpupulong ang Diyosesis at naging sentro ng pagpupulong na ito ang usapin tungkol sa “integral evangelization”. Ito ay nakabatay sa dokumentong isinulat ni Papa Paulo VI na nagsasabing: “...ang pagpapahayag, higit sa lahat, ng kaligtasan sa kasalanan; ang kalayaan sa lahat ng mapagpahirap sa tao; ang kaunlaran ng tao sa lahat ng aspeto ng buhay, pansarili at pangkumunidad; at ang pagbabago ng lipunan sa lahat ng aspeto sa pamamagitan ng talaban ng Mabuting Balita at ng kabuuan ng buhay ng tao.”44 Dagdag pa nito, binibigyang pansin ng pagpupulong na ito ang tatlong bahagi o sangkap ng ebanghelisasyon. Una ay ang renewed catechesis o formation; ikalawa ay ang renewed social apostolate;
at
ikatlo ay ang renewed worship. Ang tatlong sangkap na ito ay nakabatay sa tria munera o mga ministeryo ni Hesus at dito umiinog ang kabuuang tunguhin ng Diyosesis. Ang bawat ministeryo o paglilingkod ng simbahan ay binibigyang diin ng pagpupulong na ito. Ang una, renewed catechesis, ay kinakailangang nakatuon kay Kristo, naka-ugat sa salita ng Diyos, at sa kultura o kalinangan ng tao. Ang ikalawa, renewed social apostolate, ay kinakailangan na ang mga gawain ay para sa kaunlaran ng tao, 4 44
Pope Paul VI, On Evangelization in the Modern World Evangelii Nuntiandi, (Rome, 1975). n. 9, p. 29. (Sariling salin sa tagalog)
42
katarungan sa lipunan, at kapayapaan. Ang ikatlo, renewed worship, ay kinakailangan na ang mga gawaing pagpupuri ay siyang bukal at tuktok ng buhay ng simbahan at sa kabuuan ng buhay ng mananampalataya.45 Naging mas makabuluhan ang pananaw, gampanin, at hangarin ng Diyosesis sa pamamagitan ng pagpapatupad nito sa mga ganap at diganap na parokyang kanyang nasasakupan. Ganun na lamang ang pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na kung saan ay naging bahagi lamang ito ng parokya ng Holy Spirit. Ngunit ang pagkakaroon ng relihiyosong kapatiran (Sons of Charity) sa pamayanan ay malaki ang naging bahagi at partisipasyon sa buhay ng mga tao. Ang kapatirang ito ay tumutulong sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng kalagayang espirituwal ng mga tao at paghubog ng kanilang kamulatan bilang tao na may responsibilidad sa isat-isa. Ang kapatiran ng mga Sons of Charity ay may sariling pananaw at gampanin na pinanghahawakan upang maging mas angkop ang pagsasagawa ng misyon sa nasabing pamayanan. Sinasaad sa kanyang pananaw na: “Kami, bilang mga Sons of Charity, ay pinadala sa mga maralitang lugar upang isabuhay ang turo ni Hesus, ang mabuting pastol, ang nag-alay ng kanyang buhay
45
Diocese of Novaliches, “Evangelization Commission Assembly”, July 14, 2007.
43
upang ipamalita ang pag-ibig ng kanyang Ama para sa mga maliliit.” Sa pamamagitan ng ibat-ibang mga gawaing pastoral, pinananatili nitong itaguyod ang dignidad ng mga mahihirap, ang paghuhubog sa mga taong may kapasidad na mamumuno, at ang paglilingkod sa mga mahihirap. Ang layunin naman ng kapatiran ay: Una,
makapagbuo
ng
mga
kumunidad
na
nagkakatipun-tipon at nagkakaisang nananalangin. Dito binibigyang diin ng kapatiran ang pagtatrabaho para sa pagkakaisa ng mga tao sa kumunidad; Ikalawa, ang pagpapahalaga sa Banal na Misa na siyang sentro at puso ng kumunidad. Ito ay makikita sa mga banal na pagdiriwang ng buong kumunidad; Ikatlo, ay ang pagpapahalaga sa mga paghuhubog ng mga ibat-ibang namumuno ng simbahan.46 Ipinahahayag ng kapatiran ang kanyang pansin sa mga pamilya sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng paglilingkod. Binibigyang diin dito ang kalusugan, edukasyon, at kabuhayan ng mga tao. Sila ay nangunguna sa mga gawaing pastoral upang maging ganap ang tunguhin kung bakit sila pinadala sa lugar na ito. Unti-unting lumawak ang mga gawain ng 4 46
Fr Daniel Godefroy, SC, “Pastoral Report of during the Branch Meeting”, (Philippines, February 2007), p. 1
44
kumunidad sa tulong din ng mga taong may kakayahang mamuno. Una, bilang kabahagi ng parokya ng Holy Spirit, ang mga serbisyong sakramental ay limitado. Mayroong regular na pagdiriwang ng banal na misa tuwing Linggo at mga piyesta patronal, ang pagpapahid ng langis sa maysakit, pagpapakumpisal, at pagbibinyag tuwing pasko at piyesta patronal. Ikalawa, ang mga miyembro ng munting magkapitbahayang kristiyano o bukluran ay palagiang nagkikita linggo-linggo upang pagnilayan ang mga salita ng Diyos at pangangailangan ng kumunidad. Ikatlo, ang pastoral sa mga kabataan. Mayroong sampung grupo ng mga kabataan sa buong kumunidad na kung saan sila ay nagkakaroon ng regular na pagkikita at pagninilay, recollection, at youth week. Ikaapat, ang palagiang pagkikita at pagninilay ng mga matatanda o “senior citizen” sa kumunidad. Ikalima, ang kristiyanong paghuhubog sa mga mag-asawa ay regular na ginagawa. Ito ay tinatawag nilang “suyuan” na kung saan tinutulungan ang mga mag-asawa na palalimin pa ang kanilang samahan. Ikaanim, ang paghuhubog ng mga katekista para sa pagtuturo ng katesismo sa mga bata sa lugar at sa paaralan. Ikapito, ang pagtulong sa pamamagitan
ng
scholarship
program
sa
mga
kabataang
may
kakayahang mag-aral subalit walang sapat na panggastos sa pag-aaral, samantalang
ang
mga
hindi
nag-aaral
ay
tinutulungan
pamamagitan ng pagkakaroon ng livelihood program.47 4 47
Ibid. p. 7
din
sa
45
Ang kapatiran din ay nagpasimula ng libreng serbisyo at murang pagpapakonsulta at gamot para sa mga mahihirap, at pagbabahay-bahay o pagbisita sa mga pamilya upang matukoy ang kanilang pangunahing suliranin at mabigyang lunas lalo na sa usaping pangkalusugan. Ito rin ay isang pagpapatibay ng kalooban at pagpapadama sa kanila na sila ay mahalaga at may dangal bilang tao. Gumagawa din ng ibat-ibang hakbang ang simbahan sa pamayanang ito sa pamamagitan ng mga gawain at programang pagbabago o renewal. Ito ay sa tulong ng ibatibang Charismatic Movements kagaya ng Loved Flock at ng Couples for Christ. Napakatingkad sa pamayanang ito ang programang pabahay o gawad kalinga ng Couples for Christ na nakakatulong sa nakararami at nakapagbigay dangal sa bawat pamilya. Sa pamamagitan nito, unti-unting nabago ang takbo ng buhay ng mga naninirahan sa pamayanang ito.48
2. “Mukha ng Simbahan” ayon sa mga tao Ang pagmumukha ng simbahan ay nauukit ayon sa ibat-ibang karanasan ng mga maralitang tagalungsod. Sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtunggali sa buhay at pakikisalamuha sa kapwa at mga gawain ng komunidad, kanilang nadarama ang isang buhay na anyo ng pagiging simbahan sa gitna ng kanilang komunidad. Ang mga sumusunod
4 48
Ibid. p. 8
46
ay ang kanilang pagpapahayag ng mukha ng simbahan ayon sa pangaraw-araw na karanasan. Una, pakikibuklod o ang pangkaraniwang tinatawag nilang “bukluran”. Napakahalagang gawain ito para sa kanilang buhay at sa buong komunidad dahil ito ang nag-uudyok sa kanila upang maging totoo at tunay na magkakapitbahayan. Ang “bukluran” ay isang panahon at pagkakataon na kung saan nagkakatipon ang mga magkakapitbahay upang manalangin, magnilay sa mga Salita ng Diyos, magbahaginan, mag-usap tungkol sa mga problema, at magtutulungan. Sa pagtitipong ito, naging buhay ang espiritu ng pagiging mga anak ng Diyos at pagiging isang komunidad. Sa pamamagitan ng bukluran, naging mulat ang bawat isa sa mga pangyayari ng lipunan, ng magkakapitbahayan, at ng buong komunidad. Dito din napapalalim ang kanilang samahan at pakikitungo sa bawat isa at sa pagsasabuhay ng diwa ng pakikipagkapwa. Ikalawa, nagbibigay ng direksiyon at gabay. Ang presensiya ng simbahan sa gitna ng kanilang komunidad ay nakakatugon sa mga pangunahing problema ng kaguluhan. Naging bukang-bibig ng karamihan ang pagkakamapayapa ng dating magulong lugar dahil sa pagkanariyan ng simbahan na naging abot-kamay lamang nila. Sa simbahan nila natututunan ang pakikipagkapwa at pagkakaroon ng takot sa Diyos. Napapalalim ang kanilang kaalaman tungkol sa pananampalataya at sa buhay espirituwal. Sa panahon ng mga problema lalo na sa buhay ng
47
pamilya, nagkakaroon sila ng matatakbuhan upang humingi ng payo at gabay para maunawaan ang mga nag-uugat ng problema. Ang simbahan sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing tagapaghubog ng kanilang pagkatao. Ikatlo, nagpapasimula ng ugnayan. Ang mga naninirahan sa lugar na ito ay halos hindi magkakakilanlan sa isat- isa sa kadahilanang sila ay nanggagaling sa ibat-ibang dako ng bansa. Ang munting pagpapasimula ng pagbibisita sa mga pamilya at mga maysakit ay isang pagkakataon na magkakakilanlan ang mga tao at unti-unting magkakaroon ng ugnayan sa isat-isa. Palaging sinasabi nila na sa bawat pagtatagpo ay may mabubuong
ugnayan.
Ang
pagkakaroon
ng
ugnayan
ay
isang
pagbubukas ng kamalayan na ang bawat kasapi ng komunidad ay mga taong mahalaga, may dangal, at may dignidad. Sa ugnayang ito, naipapadama nila sa kanilang kapwa ang pagmamahal, pagtanggap, at pag-unawa. Ang pakikipag-ugnayan sa iba ay nagsisilbing pahingahan ng loob at pagkakaroon ng malasakit sa kapwang naaapi at nasasagasaan ng prinsipyo ng iba. Ikaapat, nagpapalakas ng loob. Sa simbahan nila natutuklasan ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Hindi na sila natatakot mangatok at makikisalamuha sa kanilang mga kapitbahay sa kadahilanang dala-dala na nila ang diwa ng pakikipagkapwa. Ang pagtuklas ng kahalagahan ng tao at paghubog ng kanilang sarili ay nakakatulong din sa kanila na
48
magkaroon ng lakas ng loob. Ito ang simulain ng kanilang pagiging misyonero, alagad, o kinatawan ng Diyos para sa pagbabalik loob ng kapwa lalo na ang mga naligaw ng landas. Sa buhay ng mag-asawa, naging buo at panatag din ang kanilang loob sa pakikibaka sa buhay may pamilya sa kadahilanang hindi na sila nag-iisa. Ang bukluran at ugnayan sa isat-isa ay malaking bagay upang magkaroon sila ng lakas ng loob. Ikalima, nagpapadama ng kagandahang-loob. Ang pagpapahalaga at pagbibigay diin sa kanilang kalusugan, edukasyon, at kabuhayan ay isang pagpapakita at pagpapadama ng kagandahang-loob ng Diyos. Ang pagkakaroon ng mga konkretong programa laban sa sakit, paghahanap ng paraan upang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataang may kakayahang mag-aral, at programang pangkabuhayan para sa mga walang trabaho at kinikita. Ang mga gawaing ito ng simbahan ay naglalayong sila ay uunlad, mabigyan ng katarungan, magandang kinabukasan, at kapayapaan. Sa pamamagitan nito, unti-unti nilang nararamdaman na ibinabangon ang kanilang dangal bilang tao.49
4 49
Pakikipanayam at pakikipagkwentuhan ng mag-aaral sa iilang miyembro ng chapel council at grupo ng bukluran ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Enero 13, 2008.
49
IKATLONG KABANATA ANG SIMBAHAN NG MGA DUKHA AYON SA BIBLIYA AT TURO NG SIMBAHAN Mahalagang maisalarawan sa kabanatang ito ang konkretong mukha ng simbahan ayon sa bibliya at sa turo ng simbahan. Kaya’t binibigyang
pansin
sa
kabanatang
ito
ang
pagsasalarawan,
pagpapahayag, at pagbibigay kahulugan sa simbahan ayon sa Bibliya at turo ng simbahan.
A. Ayon sa Bibliya Ang usapin tungkol sa karukhaan at dukha sa Bibliya ay hindi madaling lagumin. Mayroong mga hakbang sa kasaysayan ng Diyos at ng sangkatauhan na nagpapahayag ng ibat-ibang pananaw nito. Ang ilan sa mga pagpapahayag na ito ay ang mga sumusunod: Una, ang mga dukha ay prebilihiyo ng Diyos. Ang Diyos ay laging nasa panig ng mga dukha, isinasantabi, at inaapi ng lipunan at nakatuon ang kanyang misyon sa pagpapanumbalik ng kanilang karapatan. Ito ang kanyang sinabi sa Exodo 3: 7-9:
50
Sinabi ni Yawe: “Nasaksihan ko ang kahihiyan ng aking bayan sa Ehipto, at narinig ko ang kanilang daing nang pagmalupitan sila ng kanilang mga kapatas. Alam ko ang kanilang paghihirap. Nanaog ako upang palayain sila mula sa lupaing iyon tungo sa isang maganda at malawak na lupain, sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, sa lupain ng mga Kananeo”.50 at maging sa Salmo 72: 12-14: “Ipinagtatanggol niya ang dukhang tumatawag, ang api na walang tumutulong. Kinahahabagan niya ang mahina at ang nangangailangan, inililigtas niya ang buhay ng mga dukha. Hahanguin niya sila sa panlilinlang at karahasan dahil mahalaga ang dugo nila sa kanyang paningin”.51 Ito ay binigyang diin sa pagpapahayag ng misyon ni Hesus sa Lucas 4:18. “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”52 Sa mga pagpapahayag na ito, napakalinaw ang pagpapakita ng pagpanig ng Diyos sa mga inaapi, sinasantabi, at mahihirap – ang mga dukha sa Lumang Tipan at maging sa kapanahunan ni Hesus. Ikalawa, ang paghinala o di-pagtiwala tungkol sa mga kayamanan at pagmamay-ari. Ang pagbibigay ng pakahulugan sa kahirapan at kayamanan ay di-malinaw sa Lumang Tipan. Tiningnan ang kahirapan
5 50
5 51 5 52
Bibliya ng Sambayanang Pilipino (Manila: Claretian Publications, 1999), p. 88. Ibid. p. 1220. Ibid. p. 159.
51
bilang kaparusahan at ang kayamanan naman ay bilang biyaya o grasya ng Diyos. Sa Genesis 13:14-17: Sinabi ni Yawe kay Abram pagkatapos humiwalay sa kanya si Lot: “Tumingala ka at mula sa iyong kinaroroona’y igala ang iyong tingin sa hilaga, sa timog, sa silangan at sa kanluran. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo magpakailanman ang buong lupaing nakikita mo. Gagawin kong sindami ng alikabok sa daigdig ang iyong mga inapo; kayat kung mabibilang ang alikabok, mabibilang din ang iyong mga inapo. Tumindig ka, at lakarin mo ang haba at luwang ng lupain sapagkat ibibigay ko ito sa iyo”.53 Sa Deuteronomio 7: 8-10: “Ngunit pinili ka niya sapagkat mahal ka niya at upang tuparin ang pangakong binitiwan niya sa iyong mga ninuno. Kaya inilabas ka ni Yawe nang may malakas na kamay at tinubos ka sa bahay ng pagkaalipin at mula sa kamay ni Paraong hari ng Ehipto. Kaya alamin mong mabuti na si Yaweng iyong Diyos ay Diyos, ang matapat na Diyos. Nananatili siyang matapat sa kanyang pakikipagtipan, at abot sa libong henerasyon ang kanyang walang maliw na pag-ibig sa mga nagmamahal sa kanya at tumutupad sa kanyang mga utos. Ngunit pinaparusahan niya ang namumuhi sa kanya at kaagad na sinusuklian”.54 at maging sa Exodo 23: 23-26 ay nagpapahayag din ng ganito: “Mangunguna sa iyo ang aking Anghel at ihahatid ka sa lupain ng mga Amorreo, Heteo, Pereceo, Kananeo, Heveo, Yebuseo – pupuksain ko silang lahat. Huwag kang yuyuko sa harap ng kanilang mga diyos o maglilingkod sa kanila o tutularan ang kanilang mga kaugalian; sa halip ay lubusan mo silang puksain at durugin ang kanilang mga sagradong bato. Kung paglilingkuran ninyo si Yaweng Diyos ninyo, babasbasan niya ang iyong tinapay at tubig – at ilalayo kita sa karamdaman. Walang makukunan o magiging baog sa iyong lupain. Pararamihin ko ang iyong mga araw”.55 5 53
5 54 5 55
Ibid. p. 31. Ibid. p. 235. Ibid. p. 122.
52
Sa kabilang dako, ito ay tinitingnan din bilang pinag-uugatan ng bisyo, ang bunga ng katamaran, at kaparusahan sa pagkadi-matapat sa Panginoon. Kaya sa batas ng Israel, ang pagiging dukha at ang karukhaan ay isang napakalaking eskandalo at kung kayat ang panlipunang batas ay naka-ugat sa kasunduan ng Diyos at ng sangkatauhan. Dahil dito, ang kanilang kautusan ay binubuo ayon sa Deuteronomio 15:4: “Hindi dapat magkaroon ng dukha sa piling mo kapag lubos kang pinagpala ni Yawe sa lupaing ibinibigay sa iyo para angkinin bilang pamana”.56 Sa aklat ni Isaias 61:1-2; 66:2, ang dukha ay ang mga maliliit na tao, ang mapagkumbaba, ang inaapi, ang mangmang, ang walang inaasahang
mamanahin,
ang
walang
kasiguruhan
sa
buhay,
at
nabubuhay lamang sa pagtitiwala sa kagandahang-kaloob ng Diyos at paghihintay sa kanyang muling pagdating. Tinitingnan ni Hesus ang kanyang misyon ayon sa pangangailangan ng mga taong ito sa kanyang panahon. Kaya sa Bagong Tipan, ang sitwasyon at pangyayaring ito ay naging mas malinaw. Ang Kaharian ng Diyos ay ang iisang seguridad o kasiguruhan na kung saan ay walang makakapagsilbi sa dalawang amo sa iisang panahon (Mateo 6:24).57
5 56
Cf. Dt. 15:4. John Fuellenbach, Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology (Manila: Divine Word Publications, 1989), p. 75. 5 57
53
Ikatlo, ang mga ari-arian ay ibinabahagi at pinagbabahaginan. Ang mga
sinaunang
Pagkabuhay
ay
Sambayanang nagkakatipon
Kristiyano sa
iisang
pagkatapos hangarin
ng
Muling
at diwa,
ang
maipagpatuloy ang misyong inumpisahan ni Hesus para sa mga dukha. Ang pagsasalarawan ng pagsisimula ng simbahan ng mga dukha ay nakatuon sa dalawang mahalagang bagay: una, isang komunidad na mayroong karanasan kay Hesus na taga-Nazareth at pangalawa, ang grupong ito ay nagpapahayag na si Hesus ay buhay at ang kanyang espiritu ay nananahan sa bawat isa, at kung kayat patuloy ang kanilang pagkaranas kay Hesus bilang komunidad.58 Ang simbahan ay isinilang dahil sa karanasan nilang ito kay Hesus at sa kanyang Espiritu.59 Napakahalaga at napakalakas ang pagtutulungan ng bawat isa (Mga Gawa 4:32) ng mga unang Kristiyano lalo na ang mga nangangailangang kasamahan nila. Hindi nila pinababayaan ang pangangailangang pisikal ng bawat kasamahang higit na nangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga mahihirap at mayayaman sa panahon ng muling pagkabuhay ay pantay-pantay sa isat-isa at nagsasabuhay ng tunay na diwa ng pagbabahaginan ng mga biyayang kaloob ng Diyos sa kanila.60 Ang bawat isa ay nakakasiguro at panatag ang loob na hindi sila nag-iisa
5 58
Cf. Acts 2:41-47 Lode L. Wostyn, Doing Ecclesiology: Church and Mission Today (Quezon City: Claretian Publications, 1990), p. 34. 6 60 John Fuellenbach, Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology (Manila: Divine Word Publications, 1989), p. 75. 59
54
sa kanilang mga gawain dahil may iba pang mga komunidad na nagkakatipon din dala ng kanilang alaala at pag-alala sa Panginoon na kasa-kasama lamang nila. Batid din ng ibang mga Kristiyanong komunidad
ang
pakikiisa
sa
pagbabahaging
espirituwal
at
pangangailangang pisikal. Kaya, ang mga pagtitipong ito ay ang pasimula ng pagiging isang komunidad na nagsasabuhay ng tunay na diwa ng pagbabahaginan at naging isang simbahan sa kalaunan.61 Ito ay isang simbahan
na
mayroong
diwa
ng
pagbabahaginan;
binuhay
sa
pamamagitan ng mga Salita ng Diyos; nagdiriwang ng kanilang pakikipagisa o komunyon sa Diyos at sa bawat isa sa pamamagitan ng mga sakramento;
nagpapakita
ng
ibat-ibang
uri
ng
paglilingkod;
at
nagpapatuloy ng misyon ni Hesus – ang pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos sa buong sangkatauhan lalong-lalo ng sa mga dukha.62
B. Ayon sa Turo ng Simbahan 1. Lumen Gentium Ipinapahayag ng dokumento na si Kristo ang liwanag ng buong sangkatauhan. Ang liwanag na ito ay maaaninag sa pamamagitan ng simbahan bilang isang sakramento o isang tanda ng pakikiisa sa Diyos at ng pagkakaisa ng buong sangkatauhan. Sa tanglaw ng pagkakaisa ng 61
George H. Tavard, The Church: Community of Salvation (Manila: St. Pauls Publication, 1997), p. 81. 62 Ibid. p. 82.
55
Santatlo, ang pangkalahatang simbahan ay makikita bilang sambayanang nagkakaisa. Ang simbahang ito ay isang komunidad ng pananampalataya, pag-asa, at kawanggawa. Sa ganitong pananaw, ang simbahan ay inaasahang tahakin ang misyong inumpisahan ni Hesus – ang pagpapahayag ng mabuting balita sa mga dukha, pagpapagaling sa mga may karamdaman, paghanap at pagsagip sa mga nawawala. Siya rin ay inaasahang magbigay pansin ng may pagmamahal sa mga naging biktima ng karahasan at mga nagdurusa.63 Ang mga dukha at mga maralitang tagalungsod ay kabilang sa tinatawag ng dokumento na Sambayanan ng Diyos64. Bilang kabahagi ng Sambayanan ng Diyos at mga mananampalataya sa pamamagitan ng binyag, ang mga dukha at maralitang tagalungsod din ay nakikibahagi sa gawaing pagkapari, pagkahari, at pagkapropeta ni Hesus. Kaya nasa sa bawat isa sa kanila ang tungkuling ipagpatuloy at pananagutan ang Kanyang misyon sa buong mundo. Sila ay inaasahang magsabuhay ng misyon ni Hesus sa ordinaryong pamamaraan ng kanilang kinaroroonan at pinagkakabuhayan. Sila ay tinawag ng Diyos na isabuhay at gampanan ang mga tungkulin at responsibilidad na natanggap mula sa Espiritu Santo. Sa ganitong paraan, maipakilala nila si Kristo sa ibang tao lalo na sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan sa buhay.65 6 63
Lumen Gentium: Dogmatic Constitution on the Church (Pasay City: St. Pauls Publication, 1999). N. 8. 6 64 Ibid. n. 13. 6 65 Ibid. n. 31.
56
Sa Sambayanan ng Diyos, napakahalaga ang buhay ng bawat pamilya. Sinasabi ng dokumento na ang pamilya ay ang pantahanang simbahan “ecclesia domestica”66. Ang mga magulang ang unang tagapagpahayag ng pananampalataya sa kanilang mga anak, pag-akay sa mabuting landas, pagbibigay ng tamang direksiyon at gabay, at sa tamang pagpili ng bokasyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabuting halimbawa.67 Sa pamilya din nagsisimula ang paghuhubog upang makibuklod at maki-ugnay ang mga anak sa ibang tao, palakasin ang loob upang makibaka sa buhay at makilahok sa gawaing pansimbahan, at ang pagpapakita ng kagandahang-loob. Napakahalaga ito sa makabagong hamon ng urbanisasyon na kung saan ang mga pamilya ay hindi na nabigyan ng pagpapahalaga. Ito ang hamon ng simbahan ng makabagong panahon lalo na sa mga maralitang tagalungsod na tingnang mabuti ang mga pangangailangan ng bawat pamilya upang sila ay mahubog tungo sa hangarin ng dokumento. Hinahangad din dito na mabigyang halaga ang pangkaraniwang dignidad ng lahat na kasapi ng Sambayanan ng Diyos. Ang mga maralitang tagalungsod ay isa sa mga bumubuo ng tinatawag ng simbahan at ng dokumento na layko. Bilang mga layko, ang kanilang mga gawain ay isang napakahalagang pakikibahagi sa makapagliligtas na misyon ng simbahan. Sila ay tinatawagang makibahagi 6 66
6 67
Ibid. n. 11. Ibid.
57
sa gawaing ebanghelisasyon sa lahat ng sulok ng mundo sa gitna ng kanilang mga pinagkakaabalahang trabaho at pangkabuhayan.68 Sila din ay may karapatang tumanggap ng mga paghuhubog upang mapalago ang kanilang buhay espirituwal, kaalaman tungkol sa Salita ng Diyos, at biyaya ng sakramento. Sa hanay naman ng mga lingkod at mga relihiyoso ng simbahan, sila ay inaasahang magbahagi ng tiwala at responsibilidad sa mga layko sa gawaing ebanghelisasyon lalo na sa kapwa dukha. Ipapaubaya sa kanila ang pag-aatas ng mga tungkulin sa paglilingkod upang lubos na maipakita nila ang kanilang sariling kapamaraanan sa gawaing pansimbahan.69 Si Maria, ang mahal na ina, ay ang huwaran sa dakilang plano ng pagliligtas ng Diyos at napakagandang modelo ng mga layko at ng buong Sambayanan ng Diyos na naglalakbay
tungo sa
kaganapan ng buhay. Dagdag pa ni Pierre Cardinal Gerlier, ang misteryo ni Kristo sa simbahan ay laging naririto, ngunit ang misteryong ito ay napapanahon lamang ngayon sa espesyal na paraan ng mga dukha. Ayon kay Papa Juan XXIII, kahit na ang simbahan ay sa lahat ng tao, ang dukha ay may karapatan sa kanya. Ipinapahayag naman ni Papa Pablo VI na ang simbahan
ay
mapagmasid
sa
mga
mahihirap,
naghihikahos,
nagdadalamhati, nabibihag, at sa lahat ng nahihirapan at nabibigatan na inaanyayahan ni Hesus na lumapit sa kanya. Ang misteryong ito ay 6 68
6 69
Ibid. n. 33. Ibid. n. 37.
58
walang pagkakaiba sa misteryo ni Kristo na Siya mismo ay dukha at kinikilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga dukha. Ang pundasyong ito ng simbahan ng mga dukha ay makikita sa misteryo ni Kristo. Ang presensiya ng mga dukha ay nagpapahayag ng presensiya ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ang tungkulin na ginagampanan ng simbahan para sa pagbabalik-loob ng mga kasapi nito lalo na ang mga dukha ay siyang pagmamalasakit ng bawat miyembro, at magkakaroon lamang ng kaganapan sa pamamagitan ng pananalangin, pagsasaksi, at pangangaral. 70
2. PCP II Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ng mga Apostoles ay binabatay sa pagpapahayag ni Hesus na may pagkiling sa mga inaapi, sinasantabi at makasalanan-ang mga dukha. Ang kanyang buong buhay ay pagpapatotoo ng kanyang pagmamahal at pagkiling sa mga dukha. Ipinapakita din niya ang kanyang pagmamahal at pagkiling sa mga bata at kababaihan na kung saan tinaguriang “maliit” o sinasantabi ng lipunan sa kanyang kapanahunan. Ang sariling kapamaraanang ito ay ipinamalas niya sa kanyang mga apostoles. Sa bandang huli, sinasabi niya na ang
7 70
Pierre Cardinal Gerlier, A Commentary of Lumen Gentium: Dogmatic Constitution on the Church (Pasay City: Paulines Publishing House, 1999), p. 105.
59
buhay na walang hanggan ay nakasalalay lamang sa kung papaano tinatrato o pinakikitunguhan ng tao ang mga aba niyang kapatid.71 Ang simbahan ay isang pakikipag-isa. Ang tao ay tinatawag ni Kristo upang bumuo ng isang Kristiyanong Komunidad at gusto Niya na ang simbahan ay “isang pakikipag-isa sa buhay, pag-ibig, at katotohanan”, “isang pakikipag-isa sa pananampalataya, pag-asa, at kawanggawa”.72 Sa pagitan ng lahat ng bahagi ng simbahan ay mayroong malapit na pakikipag-isa na kung saan ang kayamanang espirituwal, manggagawang apostoliko, mapagkukunang kayamanang temporal ay pinagbabahaginan. Para sa mga kasamahan ng Sambayanan ng Diyos, sila ay tinatawag upang magbahagi ng kanilang ari-arian ayon sa biyayang tinanggap at ipinagkakatiwala.73 Ang
bawat
ipinagkakatiwala
kristiyano ng
Espiritu
ay
may
upang
biyayang
tinatanggap
pagbabahaginan
para
at sa
pagpapalago, pagpapatuloy, at kaganapan ng misyon ng simbahan. Sa simbahan, walang mahirap na walang maibigay at walang mayaman na walang tatanggapin. Sa kalagayan ng buhay ng simbahan sa Pilipinas, ang paglahok o pagsali ay nangangahulugan na ang mga layko ay inaasahan na makisali o makilahok sa buhay ng simbahan at sa kanyang
7 71
Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines (Pasay City: St. Paul Publications, 1992), p. 22. 72 Lumen Gentium…no. 9, 8. 7273 PCP II. p. 37 73
60
misyon. Sa pamamagitan ng binyag, ang lahat ng binyagan ay tumanggap ng tanda ng pagkapari, pagkahari, at pagkapropeta ni Hesus. Sa pamamagitan nito, ang mga layko ay may parehong gawain sa pagmimisyon katulad ng mga pari at relihiyoso. Ang pakikilahok at pakikisali sa karisma at ministeryo para sa iisang misyon ay makikita ang pagiging isang “Simbahan ng Pakikipag-isa”74 sa katotohanan at gawain. Ito ay isang tunay na makabagong kapamaraanan ng pagiging simbahan.75 Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas, ang mga Kristiyano ay tinatawag
ng
Diyos
upang
paglingkuran
ang
mga
dukha
at
nangangailangan. Ang kahirapan ng halos kalahati ng populasyon ay isang katibayan na ang kasalanan ay pumapasok sa sosyal na estruktura. Tinuturo ng Vatican II na ang bawat isa ay may karapatang mag-angkin ng sapat na halaga ng ari-arian ng mundo para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.76 Sa pagiging tunay na saksi sa pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, kinakailangan na ang simbahan ay maging “Simbahan ng mga Dukha”77. Ang mga sumusunod ay pagpapakahulugan ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas:
7 74
“Church of Communion” PCP II, p. 39-40. 76 Gaudium et Spes: Pastoral Constitution on the Church in the Modern World (Pasay City: St. Pauls Publication, 2006), No. 68. 77 “Church of the Poor” 75
61
Una, ito ay nangangahulugan na isang simbahan na yumayakap at sumasanay ng Espiritu ng Karukhaan, na kung saan pinagsama ang pagtalikod sa mga ari-arian at pagtitiwala sa Diyos bilang bukal ng kaligtasan. Ang kagustuhan ng Diyos ay maging “dukha sa espiritu” ang kanyang mga alagad at tagasunod. Ikalawa, ito ay isang simbahan na ang mga kasapi at namumuno ay mayroong espesyal na pagmamahal sa mga mahihirap, nagdurusa, at mga dumaranas ng pagmamalupit. Ang pagmamahal na ito ay isang pagmamahal na may pagkiling sa mga dukha, na ang ibig sabihin ay hindi isinasantabi ang mga mayayaman, ngunit ang maging pinakapangunahing adhikain ng lahat ay ang mga dukha. Ang mga Kristiyano ay tinatawagang mahalin ang lahat ng tao at magkaroon ito ng puwang sa kanyang puso. Ikatlo, ito ay isang simbahan na ang mga mahihirap ay hindi itatangi dahil sa kanilang kahirapan, at lalong hindi tinatanggihan at inaalisan ng karapatang tanggapin ang mga biyayang espirituwal ng simbahan lalo na ang mga sakramento at Salita ng Diyos. Ikaapat, ito ay isang simbahan na ang mga namumuno ay nagbibigay ng espesyal na atensyon at panahon sa mga mahihirap, at handang magbahagi ng kanilang kayamanan upang maiangat ang kanilang karukhaan at kahirapan at ipadama sa kanila ang pagmamahal ng Diyos sa gitna ng kanilang kahirapan. Ang mga namumuno ay
62
mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kalagayan ng mga dukha na kanyang pinamumunuan. Ikalima, ito ay isang simbahan na nakikiisa sa mga dukha. Sinasakop niya sa kanyang pagmamahal ang lahat ng biktima ng pamamalupit at karahasan. Nakikita niya dito ang larawan ng kanyang mahirap at naghihirap na tagapagtatag. Ginagawa din niya ang lahat upang sila ay mabigyan ng ginhawa at kaligtasan. Ikaanim, ito ay isang simbahang naghihikayat sa mga may kaya sa kanilang tungkulin at gampanin na tulungan ang kanyang kapwa lalo na ang mga naghihirap na iangat ang kanilang pamumuhay. Ang mga namumuno at mga kasapi nito ay kinakailangang magkaroon ng lakas ng loob na ipagtanggol ang karapatan ng mga dukha at inaapi. Ikapito, ito ay isang simbahan na hindi lamang siya ang mangangaral sa mga dukha, ngunit ang mga dukha ng simbahan mismo ay
magiging
mga
mangangaral
din.
Ang
mga
namumuno
ay
kinakailangang matutong makiisa, gumawa, at may matutunan sa mga dukha. Ang simbahan ng mga dukha ay hindi lamang sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap bagkus matuto din itong umasa sa mga dukha sa gawaing pangangaral. Ikawalo, ito ay isang simbahan na hindi nakipagkumpitensiya sa mga mayayamang parokya o opisina, at lalong hindi naghahangad ng isang titulo at karangalan. Bagkus, ito ay tinatawagan na mamuhay ng
63
payak
upang
magkaroon
ng
sapat
na
maibahagi
sa
mga
nangangailangan. Susundin ang halimwaba ni Hesus upang maging mabuting halimbawa din para sa kapwa. Ikasiyam, ito ay isang simbahan na kung saan ang kabuuang komunidad na kanyang tagasunod lalo na ang mga mayayaman at nakakaangat sa buhay ay magkakaroon ng pagmamahal sa pagkiling sa mga dukha upang maging halimbawa ito sa buong komunidad sa kapakanan ng mga nangangailangan at mahihirap. Panghuli, ito ay isang simbahan na handang sumunod sa yapak ni Hesus sa pamamagitan ng karukhaan at pagka-api upang maipagpatuloy ang gawaing pagliligtas. Tuturuan din sila na maging mga lingkod sa isatisa at ang mga namumuno ay kinakailangang may matutunan din sa mga dukha. Ang pamumuhay ng sapat at payak ay isang pagpapatunay ng pagiging isang saksi kay Kristo at pagbibigay ng halimbawa sa iba. Ito ang inaasahan ng simbahan ng bansang pilipinas na maging isang tunay na Simbahan ng mga Dukha na kung saan ang mga dukha ay makadama ng pagtanggap, pagkakapantay-pantay, at pagmamahal ng simbahan sa kanyang buhay at misyon. Ang simbahan sa ganitong paraan ay maging isang tunay na pakikipag-isa, isang simbolo at instrumento para sa pagkakaisa ng buong sambayanang Pilipino.78
7 78
PCP II, p. 48-52.
64
3. Padre Felix Wilfred Si Padre Felix Wifred na taga-India ay nagsulat ng isang artikulo tungkol sa paksang “Ang Pangako ng Simbahan sa mga Dukha sa Panahon ng Globalisasyon”.79 Bilang pasimula ng kanyang artikulo, sinipi niya ang mga salita ni Gabriela Mistral sa isang pandaigdigang pagpupulong upang talakayin ang kalagayan ng milyun-milyong bata na kulang o walang karapatan. Sinasabi niya: “Tayo ay may kasalanan o kakulangan sa maraming pagkakamali ngunit ang ating pinakamabigat na kasalanan ay ang pagtalikod sa mga bata at pagpapabaya sa bukal ng buhay. Karamihan sa mga bagay na ating kinakailangan ay makapaghihintay ngunit ang mga bata ay hindi. Ngayon ang panahon na ang kanyang buto ay mahubog, ang kanyang dugo ay magawa, ang kanyang mga pandama ay lumago. Para sa kanya (bata), ang sagot ay hindi maaring ‘Ipagpabukas’. Ang kanyang pangalan ay ‘Ngayon’.80 Ang mga batang gutom, buto’t balat, lubog ang mga mata, at mayguwang sa pisngi ay sagisag o simbolo ng napakaraming mahihirap at kasuklam-suklam ang buhay na naninirahan sa mga siyudad at 7 79
Sariling salin ng mag-aaral. “Church’s Commitment to the Poor in the Age of Globalization” 80 Sariling salin ng mag-aaral. Panawagan ni Gabriela Mistral sa Internasyunal na Pagpupulong. “We are guilty of many errors and many faults, but our worst crime is abandoning the children, neglecting the fountain of life. Many of the things we need can wait. The child cannot wait. Right now is the time his bones are being formed, his blood is being made, and his senses are being developed. To him we cannot ‘Tomorrow’. His name is ‘Today’.
65
kanayunan ng bansa. Sila ay may mga hinaing at hinihiyaw. Ang hindi pakikinig sa kanilang pagdadalamhati at hinanakit sa kasalukuyan ay nangangahulugan ng walang pakialam sa kanilang paglisan at handa silang balewalain, ang buhay na puno ng pag-asa at biyayang ibinigay ng Diyos. ‘Ngayon’ ang pangalan ng mga mahihirap o dukha na kung saan inaanyayahan ang simbahang tumugon bilang mga tagasunod ni Hesus, ang unang nangaral tungkol sa pagparito ng Kaharian ng Diyos sa mga dukha. Sinasabi niya na ang dalawang pangunahing bagay na mahalaga na isasaalaala sa ikadalawampung siglo ng Kristiyanismo ay ang Ikalawang Kapulungang Vatikano at ang Pagsibol ng Panibagong Kamalayan ng simbahan tungkol sa mga dukha. Ang pagbabago ay hindi lamang sa mga naglilingkod kundi maging sa
kanilang kamalayan sa
mundo ng mga dukha, dahil sa kanila matatagpuan ang tunay na mga kinatawan ni Hesus. “Sinasabi ko sa inyo, kung ginagawa ninyo ito sa mga aba kong kapatid, ginagawa n’yo rin sa akin”.81 Para sa simbahan, ang pangako sa mga dukha ay kinakailangang bigyan ng diin at lakas. Ang pagkilala sa mga dukha bilang mga anak ng Diyos ay isang batayan o isang katunayan ng totoong pagpapanibago ng simbahan at ang kaganapan ng kanyang mapagturong misyon.82 8 81
Cf. Mt. 25:40 8 82
Fr. Felix Wilfred, Church Commitment to the Poor in the Age of Globalization (Manila: Office for Human Development-FABC), p. 211.
66
Ang unang bahagi ng kanyang artikulo ay nakatuon sa mga panibagong pananaw. Ang kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa kanyang pangako para sa pagbabago ng materyal at makamundong katotohanan at sa pagtatag ng bagong lipunan. Dagdag pa ng dokumento na ang kakulangan sa pakikisangkot sa pagbabago ng kalagayang materyal ng tao lalo na ang mga dukha ay nangangahulugan na nanganganib din ang kanyang walang hanggang kaligtasan. Upang maging mas epektibo at tunay ang pananampalataya, kailangang sumasabay ito sa pagsusuri at pag-aanalisa sa mga pangyayari ng panahon. Ito ay kumikilala na ang Diyos ay patuloy na nagpaparamdam at nagpapakita ng kanyang kagustuhan sa mga napapanahong karanasan.83 Ang ikalawang bahagi ay nakatuon naman sa pagbabago ng kamalayan. Ang pangako sa mga dukha at isinasantabi ay nananawagan para sa pagpapanibago ng kamalayan ng simbahan at ng lipunan. Ang pakikisangkot ng simbahan sa ganitong larangan ng pagpapanibago ay nakasentro sa tatlong mahalagang bagay. Una ay ang paglikha ng espiritu ng paglilingkod. Dito ay lilikhain ang kamalayan na kung saan ang bawat isa
ay makakaramdam ng
kabanalan sa paglilingkod sa iba. Ito ay hindi lamang naglalayon na dagdagan ang paglilingkod subalit naglalayon itong palawakin ang kamalayan ng paglilingkod at paglikha sa diwa nito. Sa ganitong paraan 83
Ibid. p. 214.
67
makakatulong ang simbahan sa mga dukha at isinasantabi ng lipunan. Kung ang pakikisangkot ng simbahan sa ganitong paraan ay nakatuon sa pagtataguyod ng paglilingkod, ang maiambag niya ay isang tunay na kabanalan.
Sa
panahong
ito
ng
globalisasyon
at liberalisasyon,
kinakailangan ang isang malalim na pagpapanibagong espirituwal na kung saan ang bawat indibiduwal at grupo ay magtataguyod ng mga patakaran at paggawa na sensitibo sa mga pangangailangan ng kapwa lalo na ang mga dukha, mahihirap, sinasantabi, at aba. Ang di-pagsasantabi at makapaglilingkod na paggawa ay isang patunay ng isang malalim na pagbabagong espirituwal ng tao at institusyon. Ikalawa ay ang pagpapayaman ng kultura ng pagkakaisa. Ang simbahan ay may mahalagang tungkuling haharapin sa konteksto ng pagkakahiwa-hiwalay
at
pagkabukod-bukod
na
siyang
dulot
ng
globalisasyon at liberalisasyon. Dito inaasahan na ang simbahan ay pagyayamanin ang kultura ng pagkakaisa. Ito lamang ang natatanging paraan at kasiguruhan na ang dignidad at kapakanan ng mga dukha at isinasantabi ng lipunan ay ligtas at mapangangalagaan. Kaya ang bawat indibiduwal o grupo ng lipunan ay higit na tinatawagan sa patuloy na pagkakaisa at pakikiisa sa mga dukha lalo na ang simbahan, na siyang may mahalagang tungkulin at responsibilidad. Makikita lamang ang konkretong pangako ng simbahan sa pagkakaisa at pakikiisa sa mga
68
dukha sa pamamagitan ng mga konkretong pagkiling o pagpanig, programa, at mga patakaran. Ang panghuli ay ang paglikha ng kamalayang kritikal. Kung pagkamanhid sa pangyayari ng lipunan ang dulot ng globalisasyon at liberalisasyon,
kinakailangang paigtingin ang kamalayang kritikal sa
lipunan para sa ikabubuti ng mga biktima. Ang mga dukha ay hinahamon na sila mismo ay maging aktibong kinatawan sa pagpaplano at paghuhubog ng kanilang kahahantungan. Ang simbahan din ay tinatawagan
sa
kanyang
misyon
na
itaguyod
ang
panlipunang
kamalayang kritikal sa loob at labas ng simbahan. Ang ikatlong bahagi ng artikulo ay ang pagsasaisip muli ng mga kapamaraanang institusyunal. Ito ay ang mga pagbabagong-anyo at mga dapat baguhin na maaring iharap at kakailanganin sa pagsasabuhay ng simbahan. Sa bahaging ito, inilalahad ni Padre Wilfred ang mga institusyon na maaring magnilay, magsaisip muli, at magbago ng mga kapamaraanan. Mahalaga na ituon ang kanilang oryentasyon sa mga dukha sa kadahilanang sila ay ang maimpluwensiya at makapangyarihan sa lipunan. Ang hamon ay gagawin ng mga institusyong ito na siyang mga instrumento para sa kapakanan ng mga dukha. Una, baguhin ang mukha ng edukasyon; Ikalawa, ang mga pahayagan, radyo, at telebisyon ay para sa paglilingkod sa mga dukha; Ikatlo, katarungan para sa mga biktima ng karahasan; ikaapat, serbisyong panlipunan na may pagpapahalaga at
69
pagkakaiba; ikalima, makabagong prioridad sa larangang medikal; at ikaanim, demokratisasyon at partisipasyon.84
IKA-APAT NA KABANATA
8 84
Fr. Felix Wilfred… p. 224.
70
ANG PASTORAL NA IMPLIKASYON SA LIPUNAN AT SIMBAHAN NG KAHALAGAHAN NG SIMBAHAN SA BUHAY NG MGA MARALITANG TAGALUNGSOD Mahalagang mabigyan ng pagkakataon at puwang sa puntong ito ang pastoral na implikasyon ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng maralitang tagalungsod sa lipunan at simbahan.
Naniniwala ang
mananaliksik na mayroong ihahatid at ihahayag na daing ang pag-aaral na ito sa lipunan at simbahan. Kaya susubukan sa kabanatang ito na tuklasin ang ibat-ibang pastoral na implikasyon sa lipunan at simbahan.
A. Sa lipunan Ang lipunan ay isang lugar na ginagalawan ng mga dukha at dito din sila nakikibaka sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay isang lipunan na patuloy na lumilikha ng isang pananaw na laging nagpapababa ng tingin sa mga dukha. Sa kadahilanang patuloy na pagpapakita o pagpapamukha na mayroong mataas na uri at mababang uri ng tao sa lipunan, at ang labis o sobra at kulang sa pamumuhay ayon sa nabanggit sa unang kabanata, ay nakakaambag sa pagpapababa ng kalagayan ng mga dukha sa lipunan lalo na ang mga maralitang tagalungsod. Ang ganitong pananaw at kamalayan ay mapapansin sa mga pangunahing aspeto ng lipunan – ang ekonomiya, pulitika, at kultura.
71
Una, ang mga dukha ay walang kakayahang lumikha at hindi produktibo. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan sila na maghanap ng trabaho. Kaakibat din dito ang pagtinging sila ay mga taong may mababang antas ng pinag-aralan at mga “maliit” sa usapin ng karunungan. Ikalawa, ang kanilang kahirapan ay bunga ng kanilang katamaran. Ito ay dala pa rin ng pagtinging ang mga dukha ay walang edukasyon. Ang ganitong pananaw ay bukambibig ng mga taong hindi kabilang sa uri ng mga dukha at maging ang mga dukha din mismo ay may ganitong uri ng pagtingin at pananaw sa kanilang sarili. Ikatlo, ang mga dukha ay walang kakayahang magpasiya. Ang kadalasang nagpapasiya sa mga usaping panlipunan ay ang mga taong makapangyarihan at nasa puwesto. Ang mga taong ito ay ang mga pulitiko na nanggagaling sa mga angkan na hindi kabilang sa mga dukha. Ito ay isang pasiya na nabubuo mula sa mga matataas na uri ng tao na kadalasan ay walang pagkiling at simpatiya sa mga dukha kundi ang paiiralin lamang ay ang kanilang pansariling interes. Ang mga pagpapasiya at pagtatakda ng mga programa at proyekto tungo sa pagunlad
ng
lipunan
ay
nagmumula
at
binubuo
ng
mga
taong
makapangyarihan at may pansariling interes lalo na’t may kaugnayan ito sa ikabubuti ng kanilang mga naglalakihang negosyo. Masasabing ang mga dukha sa ganitong sitwasyon ay ginagamit lamang ng mga matataas
72
na uri ng tao ng lipunan upang sila ay mapanatili sa kanilang kapangyarihan at kinalalagyan. Ikaapat, ang mga dukha ay pugad ng ibat-ibang uri ng kasamaan. Sa usapin lamang halimbawa ng pananampalataya at pakikisangkot sa buhay ng simbahan bilang kabahagi ng larangan ng kultura, mapapansin at makikita pa rin ang mga pananaw na patuloy na nagpapababa sa dignidad ng mga dukha. Ang pagtinging hindi nananahan ang Diyos sa mga dukha at sila ay walang alam sa pananampalataya ay isang halimbawa nito. Sa kabuuang pagtanaw, ang pagtingin at kamalayang ito ay patuloy na nagdidiin at nagpapababa sa mga dukha na wala silang maaring mahalagang papel na gampanan sa larangan at aspeto ng ekonomiya, pulitika, at kultura ng lipunan. Kung mayroon man, makikita pa rin na nasa mababang uri ng antas ng sistemang pang-ekonomiya, pampulitika, at pangkultura ng lipunan ang mga dukha. Ang patuloy na pag-iral ng ganitong kamalayan at pagtingin sa mga dukha ay nagpapababa ng kanilang dignidad bilang tao na kung titingnan ay hindi naman nila ginustong maging dukha ng lipunan at paksa ng pang-aapi. Bagama’t kinikilala pa rin sila bilang tao, nangingibabaw naman ang pagturing na sila ay nasa mababang antas at uri ng tao ng lipunan sa kadahilanang sila ay mahihirap.
73
Sa ganitong kalagayan at pananaw ng lipunan sa mga dukha at maralitang tagalungsod, ang pagsusuri ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng maralitang tagalungsod ay nagdadala at nagpapahiwatig ng konkretong kritiko at hamon sa lipunan tungo sa pagbabago ng pananaw sa mga dukha. Ito rin ay isang malaking ambag upang matigil na ang patuloy na pang-aapi ng mga nasa matataas na uri ng tao ng lipunan. Sa panig ng mag-aaral, ang pagsusuring ito ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ay hindi sumasangayon sa mga sinasabi at pananaw ng lipunan na ang mga dukha ay hindi produktibo at walang kakayahang lumikha o bumuo ng mga bagay-bagay. Ang pagtuklas ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ay nagpapakita din na mayroong nababago, nagagawa, o nalilikha ang mga dukha sa kanilang pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay. Kinukontra din ang pagtinging ang mga dukha o maralitang tagalungsod ay mga tamad at ang kanilang kahirapan ay bunga nito sapagkat nakikita at natutuklasan sa pag-aaral na ito na sila ay mayroong ibat-ibang alam na diskarte sa buhay. Kaugnay dito, napakalaki ang kanilang naiambag sa pagpapalago ng lipunan na maaaring magsasabing sila ay produktibo at may pakinabang sa pagpapanibago ng lipunan. Kung titingnang mabuti, ang lipunan
ay
nangangailangan
ng
mga
tao
o
manggagawang
makapagtatrabaho sa mga gawaing hindi maaaring magagampanan ng
74
mga nasa matataas ng uri ng tao ng lipunan o ang tinatawag na mga may kaya sa buhay. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga trabahong may mababang bayad o sahud na pinapasukan ng mga mahihirap at mga dukha na di-gustong pasukin ng mga mayayaman. Ang mga bagay na ito ay kanilang ipinagmamalaki kahit maliit ang sahud sa kadahilanang nakikita pa rin nila ang kahalagahan ng kanilang ginagawa. Ang pagkanaroon ng mga maralitang tagalungsod na gumagawa ng mga bagay na hindi magagampanan ng mga mayayaman ay nagbibigay balanse sa buhay ng mga malalaking siyudad lalo na ang mga bansang “third world” na walang kakayahang bumili ng mga makinarya upang pumalit sa mga gawaing pantao. Ang pagsasabing ang mga dukha ay kulang sa kaalaman kung kaya’t hindi sila kinukonsulta sa mga usaping pagpapasiya ay binibigyang linaw din sa pag-aaral na ito. Kung titignan sa totoong buhay, may katuwiran at tama naman ang pagsasabing kulang sila sa kaalaman dahil karamihan ay hindi nakatungtong sa kolehiyo, ngunit hindi ito ang sapat na batayan upang husgahan sila na kapos sa isipan at walang alam tungkol sa pagpapasya. Ang pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay na mahirap at masalimuot sa ibat-ibang sulok ng kalungsuran at ang pagunawa sa mga pasikot-sikot ng buhay ay nagpapakita na mayroon silang malawak na kaalaman tungkol sa larangan at aspeto ng buhay.
75
Sinasabi ng isang dalubhasa sa teolohiya na ang Diyos ay nananahan na sa mga tao bago pa man pumunta, makipamuhay, at magturo ang isang taong simbahan.85 Kaya itinatama ang pagtinging ang mga dukha o maralitang tagalungsod ay isang komunidad na may ibatibang uri ng kasamaan. Nananahan din ang Diyos sa kapayakan ng kanilang
buhay.
Isang
palatandaan
nito
ay
ang
kanilang
pagkamapagbigay. Ang pagbibigay na ito ay hindi sa usapin ng mga materyal o pinansiyal na bagay kundi ang kanilang tulong pisikal. Matapat din silang magsabi na wala silang maitutulong pinansiyal kundi ang kanilang kakayahang pisikal. Sa ganitong pamamaraan ng pakikiisa ng mga dukha sa gawaing ebanghelisasyon ay masasabing kabahagi din sila sa tinaguriang ang Bagong Sambayanan ng Diyos. Kung karamihan sa mga tao lalo na yaong hindi kabilang sa mga dukha ay may mga pananaw at kamalayang lalong nakakapagpababa ng dangal at dignidad ng mga dukha, ipinapahayag ng pag-aaral na ito ang panibagong pananaw, kamalayan, at dulog sa mga dukha o maralitang tagalungsod. Ihinahatid naman nito ang panibagong pagtingin at pagtrato sa mga dukha o maralitang tagalungsod bilang mga taong may dangal at dignidad – mga taong nilikha ayon sa hugis at kawangis ng Diyos at nabuhay ayon sa hininga ng buhay ng Diyos.86 8 85
Dr. Jose De Mesa, “Theology of Marriage”, (ICTC, Quezon City, July 22, 2004), Lecture Notes . 86 Cf. Genesis 1:26, 2:7
76
B. Sa simbahan Pagkatapos ng Ikalawang Kapulungang Vatikano87 ay naging makabuluhan sa buhay ng simbahan ang usapin tungkol sa pagkiling sa mga dukha. Maririnig sa mga homiliya ng mga pari at obispo ng simbahan ang paksa tungkol sa mga dukha at ang tunguhin nitong lingapin ang mga dukha sa lahat ng sulok ng mundo. Maging ang pagkakaroon ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas88 na dulot ng diwa ng Ikalawang Kapulungang Vatikano na kung saan ang mga pinag-uusapan at isa sa mga pangunahing punto, ay ang simbahan ng mga dukha. Dito tinitingnan ng buong kapulungan ang simbahan sa Pilipinas na magkaroon
ng
hangad
na
makatugon
sa
mga
hinanaing
at
pangangailangan ng mga dukha. Dagdag pa nito, hinahangad nila na lalo pang paigtingin ng simbahan sa buhay niya ang pagkiling sa mga dukha. Ang pagkabuo ng damdamin ng simbahan sa Pilipinas para sa mga dukha ay humantong sa pagpapahayag na ang simbahang ito ay nagpasiyang tahakin ang landas ng pagiging simbahan na may pagkiling sa mga dukha. Ang ganitong pananaw ay naghahatid ng panibagong kamalayan ukol sa magiging mukha ng simbahan sa Pilipinas. Ngunit ang ganitong pagpapanibago ng kamalayan at pananaw ng pagiging simbahan lalo na 8 87
Vatican Council II. Second Plenary Council of the Philippines (PCP II).
88
77
ang mga dokumentong naisulat ng kapulungan ay hindi sapat na paalala upang patuloy na itatak sa kanyang puso at isipan ang mga magagandang layunin nito. Sa paglipas ng panahon, mapapansin na humina ang dulot nitong talab sa pagpapanibago ng kanyang buhay at misyon. Napakarami ang mga dokumentong naisulat ngunit pakaunti ng pakaunti ang mga kumakatawan ng tunay na diwa at hangarin nito sa totoong buhay. Sa paniniwala ng mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay isang maaaring magsilbing patuloy na paalaala at pagsasariwa ng mga nararapat gawin at panibaguhin ng simbahan upang maging tunay siyang makabuluhan sa buhay ng mga tao lalo na sa mga dukha. Ang pagsusuri ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ay naghahatid ng ilang pagpapanibago sa ilang aspeto ng pagiging simbahan: Una, isang simbahang abot-kamay ng mga dukha. Ang simbahang abot-kamay ay tumutukoy sa simbahang patuloy na lumalapit, nakikiisa, at kaagapay ng mga dukha. Ito ay isang pagpapahayag ng pagmamahal at kagandahang-loob ng Diyos sa kanila. Napakagandang tanda ito ng pagiging simbahan na kung saan ang mga dukha ay naging “at home” sa kanya. Isang malalim na kasayahan ang mababakas sa mukha ng mga dukha ang paglapit at pakikiisa ng isang pari, relihiyoso, seminarista at madre sa kanilang piling. Ito rin ay nagsisilbing isang karangalan para sa kanila kung sila ay binibisita ng isang kinatawan o taong simbahan. Ito ay
78
mga bagay na napapansin ng mag-aaral simula noong tahakin niya ang buhay relihiyoso at ang landas ng kapatirang kanyang kinabibilangan na kapiling ang mga dukha sa gitna ng maralitang lungsod bilang misyon nito, at lalo pang napalalim ang karanasang ito noong nagsimula siyang makipamuhay sa piling ng mga dukha bilang kabahagi ng paghuhubog pastoral ng paaralan. Ang pagpasiyang lumapit at pagpapahalaga sa buhay ng mga dukha ay maari ding sabihin na ito ay naghahatid at nagdudulot sa kanila na magkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang kanilang karapatan bilang tao ng lipunang kanilang ginagalawan at ng simbahan. Dagdag pa nito, ipinapakita ang pagpapahalaga sa dangal at dignidad
nila
bilang
tao
sa
pamamagitan
ng
pagbabahaginan,
pagtutulungan, pakikipag-ugnayan, at iba pang gawaing pastoral ng kongregasyon bilang kinatawan ng simbahan. Ang mga programa at gawaing pastoral ng kongregasyon ay isang simpleng pamamaraan upang maiangat ang kalagayan ng kanilang pamumuhay. Kung inaapi na sila sa paningin at kamalayan ng lipunan, ang pagiging simbahan na lumalapit, nagpapahalaga, nakikiisa, at kaagapay sa kanilang buhay ay malaking bagay upang unti-unting maitama ang ganitong pananaw. Ipinapakita din ng simbahan sa puntong ito ang pagiging tapat sa kanyang pangako at hangaring makapaglingkod sa mga dukha katulad ni Hesus.
79
Dito din masasalamin ang isang tunay at totoong Simbahan ng Pakikipagisa. Ikalawa, ang simbahang tumatanggap ng mga asal, turo, at diwang hatid ng mga dukha. Napakahalagang bagay na isaisip at isapuso ng simbahan na ang mga dukha ay may maiambag din sa pagpapalago ng pananampalataya nito. Sinasabi ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas na ang simbahan ng mga dukha ay nangangahulugang hindi lamang ito simbahang nangangaral sa mga dukha bagkus ang mga dukha mismo ng simbahan ay maging mga mangangaral din. Sila ay naghahatid ng aral, turo, at diwa sa pagiging simbahan. Ang mga namumuno at pastol ng simbahan ay minarapat na matutung makiisa at may matutunan din sa mga dukha.89 Makikita ito sa pamamagitan ng pagbibigay at paglalaan ng espesyal na panahon ng mga namumuno ng simbahan sa mga dukha, pagbabahagi ng kanilang kayamanan at ari-arian sa mga mahihirap upang maiangat ang estado ng kanilang kalagayan, at ang patuloy na pagpapadama ng pagmamahal ng Diyos sa gitna ng kanilang kahirapan at karukhaan. Ito ay isang pagpapakita ng isang tunay na saksi at pagiging kinatawan ni Kristo at pakikiisa sa mundo ng mga dukha. Ito ay inaasahan sa pagiging simbahan ng maralitang tagalungsod na kung saan ang mga dukha
ay
makadama
ng
pagtanggap,
pagkapantay-pantay,
at
pagmamahal. Ito ang sinasabi ni Padre Felix Wilfred na ang pagkilala sa 8 89
PCP II, n.132
80
mga dukha bilang mga anak ng Diyos ay isang batayan o katunayan sa totoong pagpapanibago ng simbahan at kaganapan ng kanyang misyon.90 Ikatlo, ang simbahang kumakatawan sa
kanyang hangarin na
pagkiling sa mga dukha. Ang simbahan ay kadalasang makikita sa kanyang anyo at mukhang makapangyarihan. Maging sa hanggang ngayon ay ganito pa rin ang mga larawang kanyang ipinapakita. Naging epekto nito ay ang pagkalayo ng loob ng mga dukha sa simbahan. Kaya ang pagpapangatawan ng simbahan sa kanyang misyon sa mga dukha ay isang maaaring paraan upang mabuwag ang ganitong uri ng pananaw at kamalayan. Ang pagkakaroon ng isang simbahan na kung saan ang mga dukha ng lipunan ay makakaramdam ng pagiging “at home”91, malayang magpapahayag ng kanilang sarili, at maging isang daluyan ng pakikipagtulungan sa buhay ng kapwa, ay mga ilang bagay na maaring maging dulot nito. Sa katapusan, ang mga ibat-ibang dulog tungo sa pagpapanibago ng kamalayan ng mga dukha ay sa pamamagitan ng mga institusyon ng lipunan.92
Ito
ay
pagpapangatawan
malaking ng
halaga
simbahan
sa
upang kanyang
matulungan hinahangad
ang na
makapaglilingkod sa mga dukha. Kinakailangan na palawakin pa ang
9 90
Fr. Felix Wilfred…..p. 211 John Fuellenbach, SVD, Church: Community for the Kingdom…..p. 265
91
9 92
Fr. Felix Wilfred….p. 219-224
81
kamalayan tungkol sa paglilingkod lalo na sa mga institusyon ng lipunan dahil sila ang pinaka-maimpluwensiya at makapangyarihan sa lipunan. Ito ay hindi lamang sa paghahangad na baguhin ang mga namumuno ng simbahan kundi maging ang mga institusyon ng lipunan na kung saan sila ang mga instrumento ng pagpapanibago ng kamalayan na may pagkiling sa mga dukha. Dito magkakaroon ng pagkakabuklod-buklod ang mga grupo
at
institusyon
ng
lipunan
tungo
sa
iisang
hangaring
pagpapangatawan, pagsasapuso, pagsasa-isip, at pagsasadiwa ng pagiging simbahan na may pagkiling sa mga dukha.
82
IKALIMANG KABANATA PAGTATAPOS
A. Paglalagom Batay sa mga karanasan at nakalap na mga datos ng mananaliksik, nagpapakita na ang simbahan ay tumutukoy sa mga proseso ng pagtugon sa mga makabagong hamon ng panahon ng urbanisasyon. Karamihan sa mga maralitang tagalungsod ay mga taong nanggagaling sa probinsiya. Sila ay lumipat sa mga malalaking siyudad sa kadahilanang nakikita nila na mas nakakaangat ang kalagayan ng buhay sa siyudad kompara sa buhay ng probinsiya. Ito rin ay isang bunga ng patuloy na pang-aakit ng makabagong buhay ng mga malalaking siyudad. Nakakatawag pansin din ang kalagayang mayroong humigit kumulang sa 32, 620 katao ang naninirahan sa isang maliit na pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Sa kabuuang bilang na ito, mas marami ang bumubuo ng kabataan na may 56.5 bahagdan. Samantalang 70 bahagdan ang bilang ng mga naninirahan na hanggang sekondarya lamang ang napag-aralan. Hindi ba’t malaking katanungan ito sa usapin ng
kalagayan
ng
pamumuhay
ng
mamamayan
ng
lipunan
na
kinakailangang tugunan ng pamahalaan? Nakakarating pa kaya ang mga programa ng pamahalaan sa mga lalawigang pinanggagalingan ng mga taong ito? Wala na kayang pag-asa pang mapa-unlad ng pamahalaan o
83
ano mang institusyon ang mahirap na kalagayan ng mga rural na lugar? Ito ay mga katanungang panlipunan na maaaring sumasalamin din sa kalagayan, tungkulin, at ginagampanang papel ng simbahan bilang isang institusiyon ng lipunan. Ano ang mga nagiging papel o tungkuling ginagampanan ng simbahan sa mga rural na lugar? May mga konkreto bang programa ang lokal na simbahan upang matugunan ang hamon ng pangingibang lugar? Ano ang ginagawa ng simbahang lokal upang matugunan ang pangangailangang pisikal ng mga mananampalatayang kanyang nasasakupan? Ang mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga maralitang tagalungsod ay nakikisalamuha at nakikiisa sa buhay ng simbahan ay sa kadahilanang malakas ang kanilang paniniwala na mayroong naidudulot na kabutihan ang simbahan sa kanilang buhay. Ang mga iilan nito ay ang pagpapahalaga sa kanilang buhay, pakikipagkapwa, pagtutulungan sa mga problema, pagbibigay ng gabay, pagkaroon ng lakas at kapanatagan ng loob, pagmamahalan sa isat-isa, kapayapaan, at iba pa. Ito ay nagbibigay hamon sa atin upang tingnan ang kalagayan ng ating simbahan sa Pilipinas lalo na ang pagsulong sa hangarin nitong pagkiling sa mga dukha. Hinahamon din dito ang pagpapangatawan ng mga lingkod ng simbahan sa kanyang misyon tungo sa pagpapanibago ng lipunan lalo na ang mundo ng mga dukha.
84
Ayon kay McBrien, ang unang tungkulin ng simbahan ay panatilihing buhay ang ala-ala ni Hesukristo sa salita at sakramento, at upang maipaabot ng may pag-asa sa buong mundo sa hinaharap, ang isang ganap na pagbabago at malikhaing pagpapahayag sa kinabukasan ng pamamayani ng kaharian ng Diyos. Ang Banal na Eukaristiya ay nagpapakita ng nakalipas at ng kasalukuyang aspeto ng paghahari at lumilikha rin ito ng pag-asa sa darating na panahon.93 Ang pagiging simbahan sa mga maralitang tagalungsod at pagkakaroon ng mga espirituwal na gawain ay isang makabagong ministeryo o aspeto ng simbahan upang matugunan ang bagong hamon ng urbanisasyon. Ang simbahan sa gitna ng mga maralitang tagalungsod ay masasabi nating isang makabagong anyo ng pagiging simbahan na tumutugon sa hamon ng panahon ng urbanisasyon. Ang simbahan ng maralitang tagalungsod ay parehong simbahan na nagmula sa mga apostol, ngunit ang pagkakaiba lamang nila ay ang mga pamamaraan ng pagdiriwang nito sa kanonikal at organisasyonal na pagpapahayag.94 Maaaring sabihin na ito ay isang pamamaraan ng Espiritu Santong kaloob upang matugunan ang pangangailangan sa buhay sa kasalukuyang panahon.
9 93
9 94
Richard McBrien,. Catholicism (San Francisco: Harper and Row, 1981), p. 715. Ibid.
85
B. Konklusyon Ang pag-aaral na ito ay nakapaglahad ng sapat na palatandaan ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod. Nailahad din ng pag-aaral na ito ang ibat-ibang karanasan ng mga dukha sa simbahang patuloy na tumutugon sa mga makabagong hamon ng panahon na dulot ng urbanisasyon. Ang sapat na palatandaan at ugnayan ng karanasan ng mga dukha sa simbahan ng maralitang tagalungsod ay nagsasaad at nagpapahiwatig na napakahalaga ang simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod. Isa itong uri ng makabagong paraan ng pagiging simbahan na isinisilang mismo sa karanasan ng mga dukha. Ang kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ay mayroon ding inihahatid na ilang implikasyon sa lipunan at simbahan. Maaaring mapadalisay ang pakikipag-kapwa sa mga dukha sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang pagkamahalaga at pagkabahagi ng simbahan. Ganundin, mas malilinaw pa ng simbahan ang kanyang kabuuang direksiyon habang patuloy na binibigyan ng puwang ang kahalagahan ng simbahan ng mga dukha na maka-ambag impluwensiya sa kanyang patuloy na pagpapanibago. Matapos matunghayan ang paglalahad ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod sa lipunan at simbahan, ipapahayag din ng pag-aaral na ito ang mga pangunahing bunga ng pagninilay kung ano ang kahalagahan at kaugnayan ng
86
simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ayon sa nailahad na kalagayan. Una, ang paghahadlang sa panibagong kultura ng pagkakanyakanya o “individualism” na umuusbong at naidudulot ng urbanisasyon. Ang makabagong kulturang ito ay sumasalungat sa itinuturong batayan at huwarang kultura ni Hesus na kung saan ang bawat isa ay inaasahang mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Ang bawat isa ay may obligasyong pangalagaan ang kapwa bilang isang batayan ng kapahayagan ng komunidad. Ikalawa, ang paghahanap ng mga batayan tungo sa pagkamit ng katarungan. Ang mga turo ni Hesus ay nakatuon sa pagbibigay halaga at paghahanap ng katarungan ng mga taong inaapi, sinasantabi, at biktima ng karahasan. Ang Diyos ay palaging nasa panig ng mga dukha. Ikatlo, ang pagbibigay diin sa dangal at dignidad ng bawat isa kabilang na ang mga kababaihan, kabataan, matatanda, at may kapansanan. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Ikaapat, ang pagkakaroon ng mga tagapamagitan o tutulong upang maiangat ang kanilang buhay. Bilang indibiduwal sa gitna ng maralitang lipunan, napakadali ang pagkaramdam ng pagiging walang magawa o walang lakas. Ang simbahan bilang isang institusyon ng lipunan ay napakalaking tulong upang pangatawanan ang hamong ito. Hinahamon
87
din dito ang mga ibat-ibang institusyon ng lipunan tungo sa pakikipagkaisa sa mga dukha at nangangailangan. Sa wakas, hinahamon din ang teolohiya at mga kinatawan nito, ang mga teologo, na isulong ang patuloy ng pagkiling at pagteteolohiya sa piling ng mga dukha. Maging ang Sambayanan ng Diyos ay hinahamon at tinatawagan din sa patuloy na pagmamahal at pagkiling sa mga dukha ng lipunan lalo na ang mga maralitang tagalungsod.
K. Rekomendasyon Sa pag-aaral ng ito, natutuklasan ng mananaliksik ang mga iilang bagay na kinakailangang bigyan ng rekomendasyon para sa pagpapalago ng simbahan ng maralitang tagalungsod. Ang mga sumusunod ay ang mga konretong rekomendasyon na maaring mabigyan ng katugunan. Una, iminumungkahi ng mananaliksik na paigtingin at ipagpatuloy ang misyon ng simbahan sa mga maralitang tagalungsod. Ito ay isang bahagi ng pagnanais ng simbahan na mapalapit ito sa mga tao lalo na sa mga dukha. Ang paglapit na ito ng simbahan sa mga maralitang tagalungsod ay isang uri ng pagtugon sa hangarin ni Papa Juan Pablo II na maging mga totoong kasangkapan ng misyon at ebanghelisasyon.95 Ikalawa, iminumungkahi din ng mananaliksik na ipagpatuloy ng simbahan
ang
mga
proseso
ng
pagtugon
sa
mga
hamon
95
John Paul II, “Renewed Integral Evangelization Takes Prayer, Words, and Deeds”, p. 3.
ng
88
ebanghelisasyon ng makabagong panahon ng urbanisasyon. Para sa mananaliksik, ang kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ay isang mahalagang sangkap sa pagsulong ng hangarin ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas para sa isang “renewed integral evangelization” at pagiging “church of the poor”.96 Bahagi ng hangaring ito ng simbahan sa Pilipinas ay ang pagkiling sa mga maralita, inaapi, sinasantabi, at biktima ng karahasan – ang mga dukha. Ang mga dukha o maralitang tagalungsod ay hinahamon din na maging bahagi ng ebanghelisasyong ito. Ikatlo, upang mas lalong mapaglingkuran ng mga laykong namumuno at mga relihiyoso ang kanilang kawan, iminumungkahi din ng mananaliksik na paigtingin pa ang kanilang patuloy na paghubog (ongoing formation) tungo sa ikabubuti at ikalalawak ng kanilang kaalaman tungkol sa paglilingkod. Ikaapat, sa kadahilanang mataas ang bilang ng mga kabataan o ang tinaguriang bagong henerasyon ng lugar, iminumungkahi ng mananaliksik na hikayatin ang mga kabataan na makibahagi sa mga gawaing pansimbahan sa pamamagitan ng maiikli o pansamantalang mga tungkulin na maaaring magbigay at magdala sa simbahan ng panibagong sigla at kasigasigan.
96
PCP II, Chapter 3.
89
Ikalima, kung maaari, iminumungkahi din ng mananaliksik na isaalang-alang
ng
mga
namumuno
ng
simbahan
ng
maralitang
tagalungsod ang sapat na “convenience” ng mga nagsisimba sa mga munting simbahan o kapilya sa gitna ng mga lugar na eskwater. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang bentilasyon, maayos na sound system, at kaayusang pisikal ng simbahan. Ikaanim, inaamin din ng pag-aaral ng ito na marami pa ang mga paksa sa larangan ng teolohiya, eklesyolohiya, at ebanghelisasyon na may kaugnayan sa paksang ito na nangangailangan pa ng kaukulang pag-aaral. Kaya iminumungkahi ng mananaliksik ang isang masusing pagtatasa at pag-aaral sa mga gawain ng simbahan ng maralitang tagalungsod. Bagamat mahalaga ang pagnanais na isulong ang simbahang ito ayon sa pananaw ng Ikalawang Kapulungang Vatikano at ng Ikalawang Plenaryo ng Pilipinas, ang isang pagtatasa ay napakahalaga upang ang mga susunod na proseso ng pagbubuo ng simbahan ay mas magiging angkop sa konteksto ng makabagong hamon ng urbanisasyon at sa kultura ng mundong kanyang ginagalawan. Bilang pagtugon na rin sa mga pagtatangka ng mga dalubhasa sa teolohiya na pagnilayan ang tungkulin ng mga simbahan ngayon, ang pag-aaral na ito sa kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ayon sa konteksto at hamon ng makabagong panahon ay isang napakahalagang sangkap
90
upang ang simbahang nabanggit ay maging mga tunay na kinatawan ng ebanghelisasyon.
MGA DAHONG DAGDAG
91
Dahong dagdag
1:
Larawan
ng
Laura,
Villa
Beatriz, Kaligtasan
Dahong dagdag 2: Ang daan papuntang Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan
at
92
Dahong dagdag 3: Mga katanungan sa ginawang survey, pakikipagkwentuhan, at Focused Group Discussion
1. Mahalaga ba ang simbahan sa inyong komunidad at sa inyong buhay? Kung OO, bakit mahalaga ito at ano ang mga dahilan kung bakit? (Ganun din kung hindi ang iyong sagot)
93
2. May naidudulot bang kabutihan ang simbahan sa inyong komunidad sa iyong/inyong buhay? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito? Kung wala, bakit?
TALASANGGUNIAN
Mga Dokumento ng Simbahan: Vatican Council II: The Conciliar and Post Conciliar Documents, “Pastoral Cnstitution on the Church in the Modern World,” ed. Austin Flannery, O. P. Philippines: Paulines Publishing House, 2001.
94
Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines. Pasay City: St. Paul Publications, 1992. Pope Paul VI. Evangelii Nuntiandi, On Evangelization in the Modern World. Pasay City: St. Pauls Publication, 2002. Pope Paul VI. Lumen Gentium, Dogmatic Constitution on the Church. Pasay City: St. Pauls Publication, 1999. Pope Paul VI. Gaudium et Spes, Pstoral Constitution on the Church in the Modern World. Pasay City: St. Pauls Publication, 2006.
Mga Aklat: Boff, Leonardo. Ecclesiogenesis. Quezon City: Claretian Publication, 1986. Dulles, Avery. Models of the Church. New York: Doubleday, 1974. English, Leo James, CSsR. English-Tagalog Dictionary. Mandaluyong City: Cacho Hermanos Inc., 1977. Fuellenbach, John. Church Community for the Kingdom. Manila: Logos Publications, 2004. Fuellenbach, John. Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology. Manila: Divine Word Publications, 1989. Gerlier, Pierre Cardinal Lumen Gentium: Dogmatic Constitution on the Church, A Short Commentary. Pasay City: Paulines Publishing House, 1999. Jocano, Felipe L. Slum as a Way of Life. Quezon City: PUNLAD Research House, 2002. Long, Jimmy. Generating Hope: A Strategy for Reaching the Postmodern Generation. Illinois: Varsity Press, 1997.
95
McBrien, Richard. Catholicism. San Francisco: Harper and Row, 1981. Miller, Donald E. Serving with the Urban Poor. Manila: Logos Publications, Inc., 1999. Pannenberg, Wolfhart. Christianity in a Secularized World. New York: The Crossroad Publishing Company, 1989. Tavard, George H. The Church: Community of Salvation. Manila: St. Pauls Publication, 1997. The New American Bible. Nashville: Thomas Nelson Inc., 1969. Upton, Julia. A Church for the Next Generation. Manila: St. Pauls Publications, 1995. Wilfred, Felix Fr. Church Commitment to the Poor in the Age of Globalization. Manila: Office for Human Development-FABC. 1997. Wostyn, Lode L. Doing Ecclesiology: Church and Mission Today. Quezon City: Claretian Publications, 1990. ____________. Church: Pilgrim Community of Disciples. Quezon City: Claretian Publications, 1995.
Hindi Nailathalang Sulatin: Bouchaud, Fr. Joseph, SC. “Following Jesus Among the Urban Poor”. Quezon City, Philippines. 1998. De Mesa, Dr. Jose. Lecture on Theology of Marriage. ICTC, New Manila, Philippines. July 22, 2004. “Evangelization Commission Assembly”, Diocese of Novaliches. July 14, 2007.
96
Godefroy, Fr Daniel, SC. Pastoral Report during the Branch Meeting. Quezon City, Philippines. February 2007. Laad, Roberto, FBHS, Pader, Jhoan, OFM, Tomboc, Necerel Rey, SC, at Yumang, Derik, O.Carm. “Etnograpikong Pag-aaral sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ng Lungsod Quezon,” InterCongregational Theological Center, Our Lady of the Angels Seminary, Quezon City, 2006.