Agwat Teknolohikal 1. AGWAT TEKNOLOHIKAL MODYUL 15 2. TECHIE TRIVIA • Ang Pilipinas na may populasyong halos 80 milyon ay mayroong 14 milyon hanggang 16 milyon gumagamit ng mobile phone na nagpapadala ng 150 milyon hanggang 200 milyon text messages sa isang araw – isa sa pinakamarami sa buong mundo 3. GENERATION GAP • Agwat sa pagitan ng mga henerasyon, ay salitang nagmula sa mga kanluraning bansa noong 1960s; nangangahulugan ito ng pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon, lalo na sa pagitan ng mga anak at mga magulang. http://en.wikipedia.org/wiki/Generation_gap 4. TECHNOLOGICAL GAP • Agwat teknolohikal ay ang pagkakaiba ng mayroong computer at high tech na mga gamit at iyong mga wala nito; ito ang agwat sa pagitan ng mga sagana sa impormasyon at ang salat dito dahil sa pagkakaroon o kawalan ng access sa teknolohiya 5. DIGITAL IMMIGRANTS • Mga taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology • Mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataong gumamit ng digital technology sa mas murang edad 6. DIGITAL NATIVES • Kabilang sa Generation Y at Generation Z 7. SILENT GENERATION • Mga pinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya • Nabuhay sa panahon ng tinatawag na Depression sa Estados Unidos at sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. • Tinatawag din silang mga Builders at War Babies 8. BABY BOOMERS • Ipinanganak at nagkaisip noong 1946-1964 • Iginigiit nila ang kanilang mga karapatan at mga pagpapahalagang panlipunan at politikal sa lipunan • May mataas na pagtingin sa sariling kakayahan • Naniniwala sila sa gawa higit sa salita, walang takot nilang ipinahahayag ang kanilang opinyon at damdamin at kadalasan sila’y nagtatagumpay sa kanilang mga sinimulang gawain 9. GENERATION X • Ipinanganak sa mga taong 1965 hanggang 1979 • A.k.a. Martial Law Babies sa Pilipinas • Namulat sa paniniwalang ang lahat ay maayos, payapa at mabuti sa bansa, habang sa likod ng kanilang mga isip ay may munting tinig na nagsasabing hindi maayos ang lahat 10. GENERATION Y • Ipininganak sa pagitan ng 1980-1997 • Sila ang henerasyong ipinanganak sa panahon ng internet, mobile phones, computer at telebisyon ang nagmistula nilang “yaya” • Kaya nilang magsimula ng isang rave party sa pamamagitan ng text messages, magsimula ng viral marketing sa loob ng isang oras. Sa gadgets at gizmo nagugugol ang kanilang kinikita. 11. GENERATION Z • Mga kabataang ipinanganak sa taong 1998 pataas • Ipinanganak sa panahon ng information overload • Mahusay silang magsala ng impormasyon kaya’t hindi madaling kunin ang kanilang atensyon • Marami sa kanila ay ipinanganak sa pamilyang iisa ang magulang o hiwalay ang magulang. • Lahat ay mabilisan o instant. 12. NET GENERATIONS • Generation Y at Generation Z • Sa edad na tatlong taon ay gumagamit na ng internet at cell phone • Namumuhay sa Instant Messaging • Sanay sa multi-tasking at labis silang maiinipin
13. •Baby Boomers – auditory (natututo sa pakikinig) at visual learners (natututo sa pagbabasa) •Gen X at Net Gen – tactile learners (natututo sa pamamagitan ng paggawa o sa karanasan)