Ang Daluyan ng Maka-Pilipinong Kaisipan
BALITA
LATHALAIN
Kumperensya ginanap,
On Focus: CAR, NCR, and ARMM Provinces of the ‘Letter’ Regions Up Close and Personal
Mga mag-aaral nagliwaliw sa Region 1 at 3
02
Oktubre 16, 2009
Tomo 1 Blg 1
KULTURA
04
Pangarap na Paraiso
06
02
16 O kt 2009
balita
Tomo 1, Blg1
AGOS
Kumperensya ginanap,
Mga mag-aaral nagliwaliw sa Region 1 at 3 DHAN TABUNAR
A
ng aming grupo ay nagkaroon ng kumperensya sa Pampanga tungkol sa pangangalaga sa kalikasan at epekto nito sa ekonomiya. Habang tinatalakay ang kalikasan, isang tagapagsalita ang nagkwento na ang salitang Pampanga ay mula sa ‘pampang’ o river bank sa Ingles. Ang Pampanga ay kilala sa kanilang industriya ng parol at sa galing ng mga naninirahan dito sa pagluluto. Sa aming paglilibot sa probinsya, dala na rin sa pangangailangang makapagpahinga at makapaghanda sa
kumperensyang magaganap sa mga susunod na araw, aming nakakwentuhan ang ilang mga naninirahan sa lugar ng Guagua. Ang Guagua ay isang dekalidad na munisipalidad sa Pampanga. Ito ay kabilang sa ikalawang distrito ng Pampanga, kasama ang iba pang mga bayan sa timog kanluran ng naturang probinsya. Ang Guagua ay isang kapatagan at akma para sa pagsusulong ng pagbabago, agrikultural man o industriyal. Katulad ng ibang mga lugar sa Pilipinas, ang Guagua ay nakararanas din ng tuyo at mainit na klima. Dahil dito, ang kadalasang itinatanim sa mga lugar dito ay mga puno, tulad ng mangga, bayabas, santol, kaimito, at saging; at mga gulay, gaya ng sitaw, upo, gabi at patola. Ayon sa ilang mga residente sa Guagua, ang pangalan daw ng kanilang lugar ay hango sa salitang ‘wawa’ o ‘bibig ng ilog’ o ‘bukana o alua’. Ito daw ay sa kadahilanang ang kanilang bayan ay matatagpuan malapit
sa ilog na kadalasang ginagamit para sa kalakalan noong sinaunang panahon. Isa pang de-kalidad na bayan sa Pampanga na aming napuntahan ay ang Candaba. Ang bayan ng Candaba ay kilala dahil sa burong isda. Kilala rin ito dahil sa napakaraming sapa na tinitirahan ng mga hito at bangus. Bukod sa mga ito, ang Candaba ay kilala rin dahil sa malalaking pakwan na inaani rito. Ang pangalan ng lugar na ito ay nagmula sa salitang ‘Kandaua’. Ang ‘daua’ sa Kapampangan ay nangangahulugang ‘isang lugar na sumasalo ng tubig-ulan’. Ang pangalang ito ay mapapatunayan dahil ang lugar ng Candaba ang pinakamababa sa buong Gitnang Luzon. Dahil dito, sa tuwing may malakas na ulan, madalas bahain ang Candaba at ito ay nagdudulot ng malaking kawalan sa agrikultura. Gayunpaman, ang Candaba ay itinuturing na may mataas na potensyal sa pangekonomikong pag-unlad ngunit nahahadlangan ng kakapusan sa mainam na imprastruktura. Ilang araw matapos ang kumperensya, ang aming grupo ay tumulak patungong Tarlac. Nanatili kami sa Anao. Ito ang pinakamaliit na munisipalidad sa Tarlac. Ang Anao ay galing sa salitang ‘danao’ na nangangahulugang creek sa Ingles. Ang aming pananatili sa
Tarlac ay saglit lamang at pagkalipas lamang ng isang araw ay nagpunta na kami ng Pangasinan. Ang Pangasinan ay isang hugisbuwan na probinsya na napaliligiran ng mga sakahan, burol, gubat at mga ilog. Matatagpuan dito ang sikat na Hundred Islands. Ang Pangasinan ay nangangahulugang, ‘lugar na pinagmumulan ng
asin’ dahil sa marami talagang asin dito. Sa katunyan, ang pagpipino at pangangalakal ng asin ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Pangasinense. Una naming napuntahan ang bayan ng Bolinao. Ang Bolinao ay tanyag sa dalawang lighthouse na meron dito. Isa sa mga ito ay ang Cape Bolinao Lighthouse, ang pinakamataas na lighthouse sa buong bansa. Ang pangalan ng lugar na ito ay ipinapalagay na hango sa tatlong kwento: ang una ay ang presensya ng napakaraming puno ng Pamulinawen sa lugar; ang ikalawa ay ang napakaraming isdang Bolinao ang pangalan; at ang pangatlo ay ang magkasintahang Bolido at Anao. Matatagpuan din sa Bolinao ang napakaraming kweba, talon, at iba pang magagandang tanawin na siya namang dahilan kung bakit napakaraming dumarayo sa lugar na ito. Sumunod naming dinayo ang lugar ng Pozzorubio. Ang Pozzorubio, bago ito naging isang bayan, ay isang sitio ng bayan ng San Jacinto. Ayon sa ilan, ang pag-aangat nito mula sa pagiging sitio tungo sa pagiging isang bayan ay upang matigil umano ang mga ilegal na gawain at kalapastanganan ng mga Igorot sa Pozzorubio. Ang pangalan ng bayang ito ay nagmula sa dalawang surveyor ng lugar na nagkataong nananghalian sa isang malapit na balon. Dahil sa sobrang linis na mistulang ruby ang tubig sa balon, namangha ang mga surveyor at binansagan ang naturang lugar na pozo rubio. Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kalikasan. Dahil dito, hindi na nakapagtataka kung marami man sa mga bayan at lugar sa ating bansa ay naipangalan sa kalikasan. Ang ating bansa at kultura ay malapit sa tubig kaya maraming pangalan ng lugar sa atin ang hango at may kaugnayan sa tubig.
AGOS
Tomo 1, Blg1
balita
16 Okt 2009
03
Rehiyon 5, 6 at 7 sinuyod ng mga eksperto! Sa ngalan ng kaalaman sa kasaysayan
T
GRETCHEN LAGONOY
alagang sagana sa likas na yaman ang ating bansa, lalo na sa mga anyong-tubig. Sa pagsuyod sa Pilipinas, hindi nakapagtataka kung bakit karamihan sa mga probinsya nito ay pinangalan sa anyong tubig o kaya nama’y may kinalaman sa tubig ang pinagmulan ng pangalan, tulad na lamang ng tatlong rehiyong sinuyod at ginalugad ng mga eksperto kamakailan lamang. Sa Rehiyon 5, isa sa mga probinsyang may kinalaman sa tubig ang pangalan ay ang Albay. May isang lugar noon sa Albay na tinatawag na Sawangan na nang kinalaunan ay tinawag na Albaybay o ‘sa tabing-dagat.’ Nang tumagal ay tinawag itong Albay na sa kasalukuyan ay isang tanyag na probinsya sa Rehiyon ng Bikol. Isa pang probinsya sa Rehiyon 5 ay ang Sorsogon. Noong una’y Solsogon pa ang tawag dito, isang Bikolanong salitang nangangahulugang ‘pagsunod sa agos ng ilog.’ Ang salitang ugat nito na ‘solsog’’ ay nangangahulugan namang ‘alon.’ Nagmula ang pangalan ng Sorsogon nang dumating ang mga Kastila na noo’y gumalugad sa naturang probinsya. Dahil sa pagod at kawalan ng kaalaman sa kanilang kinaroroonan, nagtanong sila sa isang katutubong Pilipino roon tungkol sa pangalan ng lugar. Dahil hindi naunawaan ng Pilipino ang wika ng mga dayuhan, inakala niyang nagtatanong ito ng direksyon kaya’t itinuro niya ang ilog at sinabing ‘solsogon’ o ‘sundan ang ilog.’ At iyon nga ang inakala ng mga dayuhan na pangalan ng probinsya na sa ngayo’y kinikilala na sa buong bansa. Sa Rehiyon 6 naman, matatagpuan ang Aklan, mula sa Akean River, at ang Capiz na mula naman sa isang uri ng mollusk, ang pios o kapid. Ang mga Espanyol ang nagbinyag ng pangalang ito nang makita nila ang kasaganaan ng mga lamang-dagat na rito.
Maging sa Rehiyon 7 ay mayroon ding mga probinsyang may kinalaman sa tubig ang pangalan. Isa na rito ang Siquijor. Maraming bersyon tungkol sa pinagmulan ng pangalan nito. Isa na rito ay ang pagsasabing nagmula ito sa salitang ‘quipjod.’ Katulad ng sa Sorsogon, mayroong isang dayuhan ang nagtanong tungkol sa pangalan ng lugar. Sumagot ang Pilipino ng ‘quipjod’ nang makita niya ang paglakas o pagkati ng alon. Ito nga ang naging tawag ditto, at kinalauna’y naging Siquijor. Isa pa ay ang Cebu. Ito raw ay hispanized na bersyon ng orihinal na salitang ‘Sugbo’ na ang ibig sabihin ay ‘mababaw na tubig.’ Sakop ng Cebu ay ang munisipalidad ng Samboang na galing din sa tubig ang pangalan. Mula ito sa ‘sinamboang’ na isang paraan ng pangingisda sa lugar na ito. Katulad ng mga nabanggit na istorya sa itaas, problema sa lengguwahe rin ang pinagmulan ng pangalan nito. Nang may nagtanong na dayuhan sa pangalan ng lugar, sinagot ng katutubong Pilipino ang paraan nila ng pangingisda na ‘sinamboang.’ Mula rito, naging Samboang ang pangalan ng lugar. Sa probinsya naman ng Bohol matatagpuan ang isla ng Panglao. Ang mga katutubo sa tabing-dagat ay gumagawa ng mga gamit sa pangingisda na tinatawag na ‘panggaw.’ Sa pag-aakala muli na tungkol sa ginagawa nila ang tinanong ng mga dayuhan, sumagot ang mga katutubo ng ‘panggaw’ na nang lumao’y naging Panglao. Ayon sa mga eksperto, ilan lamang ang mga nabanggit na mga probinsya ang nagmula sa tubig o may kinalaman sa tubig ang pangalan. Ang mga ito’y tumatak na sa kasaysayan at patuloy na tinatanggap ng bawat Pilipino.
Ang kagandahan ng Aklan (kaliwa) at Panglao sa Visayas.
LAIBAN DAM, TUTULAN* Proyektong Laiban Dam ay para lang Sa pagpapayaman ng iilan Ito'y di para sa kalahatan Kundi sa tubo ng kalakalan. Ang nais lang nila'y tutubuin Kaya dapat lang silang biguin Matindi ang panganib sa atin Sa kabuhayan, paligid natin Maraming bahay ang magigiba Maraming mawawalan ng lupa Ang mga katutubo'y luluha At kalikasan pa'y masisira
Ang Laiban Dam ay dapat tutulan Pagtayo nito'y ating labanan Ang kalikasan ay alagaan Pati katutubong mamamayan. Ito'y hindi lang lokal na isyu Kaya huwag tumahimik dito Pagkat tayong lahat apektado Di lang ang nasa paligid nito. Ang tubig ay ating karapatan Hindi lang ng nasa kalunsuran O narito sa Kamaynilaan Higit pa'y sa tagalalawigan. Laiban Dam ay hindi kailangan
Ito'y dapat nating mapigilan Para sa ating kinabukasan At sa kinabukasan ng bayan. Sa labang ngang ito'y inaasam Na ang bawat isa'y makiramdam At nang di matuloy ang Laiban Dam Dapat tayo rito'y makialam. *Akda ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ang dalawang saknong ng tulang ito sa environment forum noong Agosto 21, 2009 ng tanghali. Ito’y tungkol sa balak na pagtatayo ng Laiban Dam na makakaapekto sa mga taga-Rizal at Quezon at ang pagtutol ng marami rito. Kinagabiha’y nadagdagan ang buong tula.
04
lathalain
16 O kt 2009
Tomo 1, Blg1
AGOS
On Focus: CAR, NCR, and ARMM
KARLA DE CASTRO
Provinces of the ‘Letter’ Regions Up Close and Personal
Apayao Ang kabisera ng lalawigan ng Apayao ay Kabugao. Bago ang taong 1995, ito ay kasama ng Kalinga bilang nagiisang lalawigan na tinawag bilang Kalinga-Apayao. Ang pangalang Apayao ay nagmula sa salitang Isneg – Apayaw – na nangangahulugang “negotiable river.”
CAR Ang ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Apayao na dumaraan sa bulubundukin ng lalawigan. Sa paligid ng Ilog Apayao ay matatagpuan ang mga tirahan ng mga Isneg. Isneg ang tawag sa mga katutubong lokal ng Apayao. Ang Ilog Apayao ay kilala sa kanyang napakalinis na tubig at
Makati Ang lungsod ng Makati ay kilala sa pagiging sentro ng komersyo at urbanisasyon sa bansa. Hitik sa mga naglalakihang gusali, malls, hotels, at restaurants ang Makati. Ang etimolohiya ng Makati ay maiuugat pa sa panahon ng mga Kastila. Si
NCR Miguel Lopez de Legaspi, ang unang gobernador-heneral ng Pilipinas, nang mapadpad sa isang barangay dahil sa malakas na ulan ay napansin ang mga agos papunta sa mga baybay ng ilog o riverbank. Nagtanong siya kung ano ang tawag sa lugar at ang sinabi ng
Pasig Noong hindi pa buo ang Metro Manila o NCR, ang lungsod ng Pasig ay bayan ng Rizal at kabisera rin nito. Matatagpuan ang Pasig sa silangang bahagi ng Metro Manila. Ang pinagmulan ng pangalang Pasig ay pinaniniwalaang galing sa Sanskrit na “passis” o buhangin na tumutukoy
sa komunidad malapit sa mabuhanging baybay ng ilog. Mayroon ding ibang paniniwala sa kung saan nanggaling ang pangalang Pasig. Kasama dito ang Pasig bilang mabagsik na tumutukoy sa mga mababagsik na agos sa ilog. Ma yroo n d ing “pa siga n” na nangangahulugang baybay ng ilog.
taga-rito ang kasaganahan ng lupa. Ang tubig mula sa mga ilog at batis ang nakatulong upang maging magandang taniman ang mga lupain. A ng ori hi na l na panga la n ng Valenzuela ay Polo. Ito ay galing sa salitang tagalog na pulo. Inakala ng
mga tao na pulo ang Valenzuela dahil napaliligiran ito ng mga ilog sa hilaga at timog. Tinawag nila ito noong una bilang pulo na kinalaunan ay naging Polo. Ngayon ang pangalang Polo ay tawag na sa isang barangay ng Valenzuela.
ARMM napaliligiran ng maraming komunidad. Malaki ang papel na ginagampanan ng look sa araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Lanao del Sur. Ang tawag sa mga taga-Lanao del Sur
Sulu A ng k a b i s e r a n i t o a y J o l o . Matatagpuan ang Sulu sa pagitan ng Basilan at Tawi-Tawi. Ang pangalang Sulu ay nagmula sa salitang sulug o suluk na ngangahulugang “ocean current.” Ito ay salitang Tausug na ngayon ay ginagamit sa buong lalawigan. Tausug
Ang panghuli na bilang nanggaling sa lumang salitang Sanskrit na may ibig sabihing “river flowing from one body to another.” Ito ay dahil sa ang Ilog Pasig ay umaagos magmula Laguna de Bay hanggang Manila Bay.
NCR
Lanao del Sur Ito ay may kabisera na Marawi. Ang pinagmulan ng pangalang Lanao ay “ranao” o look. Ang pamumuhay ng mga taga-Lanao ay nakasentro sa Look ng Lanao. Ang look na ito ay
datu sa kanya habang nakaturo sa tubig – “Makati na. Kumakati na,” – na nangangahulugang bumababa na ang lebel ng tubig sa riverbank. Si Legaspi, sa pag-aakalang iyon ang tunay na pangalan ng lugar ay nagpasayang tawagin itong Makati.
NCR
Valenzuela Ang lungsod ng Valenzuela ay matatagpuan sa hilagang parte ng NCR. Ito ay dating parte ng Bulacan. Bago pa dumating ang mga Kastila, ang uri ng pamumuhay rito ay pangingisda na kinalaunan ay naging pagsasaka nang madiskubre ng mga
nakamamanghang mga talon na nakaugnay rito. Malaki ang ilog na ito at dumadaan sa anim na munisipalidad ng Apayao. Walang kapantay ang halagang dala ng Ilog Apayao na nagsilbing bukal ng buhay para sa mga taga-Apayao.
ay Maranao na may ibig sabihing “people of the lake.” Ang mga Maranao ay kilala sa kanilang pagiging malikhain na makikita sa paraan ng kanilang pamumuhay.
ARMM din ang tawag sa mga taong naninirahan sa Sulu at may ibig sabihing “people of the current.” Ang dagat ng Sulu ay sagana sa mga yamang dagat gaya ng korals at perlas. Marami rin ang mga uri ng isda rito. Kilala ang Tubbataha Ref na dito rin matatagpuan.
A ng pam um uha y sa S ul u a y nakasentro na sa dagat, wala pa ang mga Kastila rito sa Pilipinas. Mayroon ding nagaganap na kalakalan sa pagitan ng mga taga-Sulu at mga negosyanteng Intsik.
AGOS
lathalain
Tomo 1, Blg1
Sa Mindanao, bow!
M
akikita ang karamihan S a p i n a k a m a g a g a n d a n g pasyalan at lugar kung saan nagpupunta ang maraming turista – lokal man o banyaga – sa Mindanao, partikular na sa Rehiyon ng Caraga at Davao. Hindi matatawaran ang kagandahan ng tanawin dito. Mapapansin rin natin na karamihan sa mga pangalan ng lugar dito ay may kinalaman sa tubig. Isa-isahin natin ang mga ito. Ang Agusan del Norte at Agusan del Sur ay makikita sa ika -labintatlong rehiyon sa Pilipinas, ang Caraga Region. Ang pangalan ng probinsyang Agusan ay nanggaling sa salitang Malay na Agasan, ibig sabihin ay “kung saan dumadaloy ang tubig,” marahil ay dahil sa malaking ilog sa teritoryo nito. Ayon sa kasaysayan, mayroong mga manlalakbay mula sa Borneo at Celebes na naglakbay patungo sa rehiyon gamit ang Balanghai. Matatagpuan rin ang Surigao del Norte at Surigao del Sur sa Caraga Region. Ang Surigao ay sinasabing nanggaling sa Kastilang salitang Surgir, na nangangahulugang “tubig na umaagos”. Tamang-tama naman ang kahulugan ng pangalang ito dahil sa paglipas ng mga taon, ang Surigao ay naging shangri-la ng mga bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo.
LOUIS DE JESUS
Mak ik ita naman sa ikalabing-isang rehiyon ng bansa ang Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental. Ang mga lokal na istoryador ng Davao ay naniniwalang ang pangalan nito ay nanggaling sa pagsasama-sama ng tatlong grupo sa Bagobo kung paano nila tinatawag ang ilog ng Davao, isang mahalagang yamang -tubig sa lugar na ang hangganan ay nakakonekta sa Davao Gulf. Ang mga Obo ay tinatawag ang ilog na Davoh; ang mga Clatta o Guiangan ay tinatawag itong Duhwow o Davau; Dabu naman sa mga Tagabawa Bagobo. Panghuli ay ang Dinagat Islands na kasama rin sa rehiyon ng Caraga. Ang Isla ng Dinagat ay dating kasama ng unang distrito ng probinsiya ng Surigao del Norte hanggang sa ito ay humiwalay bilang isang probinsiya noong Disyembre 2, 2006 sa pamamagitan ng Republic Act No. 9355. Ito ang pang-walumpu‟t isa at pinakabagong probinsiya sa Pilipinas. Tanyag ang Isla ng Din aga t dah il sa ito ang pinakabanal na lugar para sa katutubong relihiyon. Tunay ngang ang tubig ay buhay. Mak ik ita natin ang kahalagahan nito maging sa pagpapangalan dito ng mga lugar sa ating bansa.
16 Okt 2009
05
Alam mo bang...
… kilala ang Siargao Island bilang Surfing Capital ng Pilipinas? Dito ginaganap ang karamihan sa mga internasyunal na surfing events tauntaon. Ang kalidad ng alon sa Siargao ay inihahalintulad sa pinagsamang kalidad ng pipeline ng Hawaii at sa alon sa mga dagat ng Indonesia. Hinirang ito sa isa sa mga top five breaks of the world, kasama na ang Cloud Nine, na kinikilala bilang isa sa pinakamagandang surfing waves. … inaangkin ng mga residente ng Davao City na sila ay nakatira sa pinakamalaking lungsod sa buong mundo, na may sukat na 2,212 kilometro kwadrado? Tunay na malaki ang teritoryo ng lungsod na ito ku m p a r a s a Ne w Y o r k, a n g pinakamalaking lungsod sa Estados Unidos, na may sukat lamang na 787 kilometro kwadrado, samantalang ang kabuuan naman ng Maynila ay 636
kilometro kwadrado. … noong Marso 15, 2002, 25 katao sa Davao City ang gumugol ng kanilang anim na oras upang lutuin, moldehin at maihain ang pinakamalaking durian candy bar sa buong mundo? Ito ay may habang anim na metro, at tumitimbang ng 200 kilo. … ang pinakamatanda at pinakamataas na puno sa Pilipinas ay matatagpuan sa Magallanes, Butuan City sa probinsiya ng Agusan del Norte? Ang puno ng Bita-og na matatagpuan sa lugar nito ay pinaniniwalaang limang siglo nang nakatanim dito. Ang punong ito ay may sukat na 305.585 sentimetro (bole diameter).
06
16 O kt 2009
kultura
Tomo 1, Blg1
AGOS
Pangarap na Paraiso JAZZLE CRUZ
Malayo man, malapit din. Nagbibigay sigla sa damdamin. Ala-ala ng ngiti mo. Lumiliwanag ang mundo. Malayo man, malapit din sa’yo.
Pangarap ko ang makapaglakbay – ang magalugad ang limang paraisong madalas i-kwento ni Ina at masaksihan ang kagandahang pumukay sa kanyang mga mata. Sisimulan ko ang aking ekspedisyon sa munting isla ng Homonhon. Dito nagsimula ang humigit sa tatlong daang pagkakagapos ng mga Pilipino. Ang islang ito ay tinawag ni Pigafetta na isla ng Hamumu na ang ibig sabihin ay ‘tubig na may magandang pahiwatig’ sapagkat kanyang nakita ang kayamanan ng isla sa mga korales, puno, at higit lalo sa ginto. Lilibutin ko ito kasama na ang mga kalapit nitong mga isla gamit ang isang munting bangka. Magtatampisaw ako sa malinaw at malamig nitong tubig. Mula sa Samar, tatawid ako sa tulong ng San Juanico Bridge upang tumungo sa pangalawang paraisong aking dadayuhin. Ito ang sinasabing pinakamahaba at pinakamagandang tulay sa buong Pilipinas. Sabi ni Ina, may dalawang baryo sa Leyte na hindi magpapahuli pagdating sa kalinisan at kagandahan ng kanilang yamang-tubig. Sa Albujera at Burauen makikita ang napakaraming naggagandahang lawa at bukal. Sa katunayan, ang Albujera raw ay nagmula sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay ‘freshwater lake.’ Ang Burauen naman ay nagmula sa salitang ‘bukal’. Dito sa Leyte makikita rin ang iba’t ibang mga extinct volcanoes. Isa na rito ang Mahagnao. Gaano kaya kataas ang mga bulkang ito? Sana sa pagbisita ko roon ay makita ko silang lahat. Laging binabanggit ni Ina na mayroon daw sa Timog Leyte na ‘puyo sa dagat,’ whirpool daw ang ibig sabihin nito sa Ingles. Isa nga raw sa mga munisipalidad ng Leyte ang ipinangalan mula rito – ang Liloan. Liloan ang lokal na katawagan sa puyo sa dagat. Madalas din daw makita ang mga puyo sa kipot sa pagitan ng Leyte at Panaoan. Hindi pa ako nakakakita ng mga puyo sa dagat. Paniguradong isang napakagandang karanasan ang makakita ng mga ito. Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, hindi ko palalampasin ang probinsya ng Lanao del Norte. Ang Lanao ay nagmula sa salitang Maranao na ‘Ranao’ na ang ibig sabihin ay ‘body of water.’ Hindi nakapagtataka kung bakit sa katubigan nagmula ang ngalan ng Lanao del Norte. Mga lamang-dagat kasi ang pangunahing produkto rito, tulad ng alimango at hipon na sadyang kay lalaki at kay tataba. Sabi ng marami, kapag daw nasa Lanao del Norte ka, hindi mo maaaring palampasin ang baryo ng Tubod. Ang Tubod ay nagmula sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay ‘water source.’ Ayon sa mga matatanda, kahit daw ang pinakamahabang panahon ng tag-init ay hindi makapagpapatuyo sa mga bukal ng Tubod. Ilang kilometro mula sa bayan ng Tubod, makikita naman ang Tinago Falls. Ito ay may taas na 420 talampakan. Ang talon na ito ay literal na tinago dahil tinatakpan ito ng talabis. Ang panghuli kong dadayuhin ay ang lugar kung saan ko makikita ang mga makukulay na vinta, ang Zamboanga. Ang Zamboanga ay nagmula sa salitang ‘Sabuan’. Ang sabuan ay mga tikin na ginagamit bilang pantulak upang makaandar ang vinta. Ayon sa mga kwento, ‘Samboangan’ daw ang tunay na pangalan ng probinsyang ito subalit nahirapan ang mga Espanyol na bigkasin ito kung kaya’t pinalitan ito ng Zamboanga. Tunay na kay sarap alamin ang kasaysayan ng pangalan ng isang lugar. Sa aking paglalakbay mula Samar hanggang Zamboanga, para ko na ring naranasan ang mga magagandang dinanas ni Ina bilang isang doctor to the barrios. Tama nga siya. Ang paraiso ay hindi lamang matatagpuan sa lugar na malamig at may nyebe. Buksan lamang natin ang ating mga mata at mismong ang kagandahan na ng Pilipinas ang yayakap sa ating kamalayan.
AGOS
Tomo 1, Blg1
kultura
16 Okt 2009
Ang Di-malilimutang Ekspedisyon sa Rehiyon IV SIGRID AVENIDO
I
sang Biyernes nang umaga nang dumating dito sa Pilipinas ang Fil-Am kong pinsan na si Diane na galing pa sa California, USA. Ikinatutuwa ko na si Diane ay nagagalak na malaman at maintindihan pa nang lubos ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Gusto niyang maunawaan ang pagiging Pilipino niya sa pamamagitan nang pagkilala nang lubos ang kasaysayan ng mga iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas. Bukod pa rito, gusto din niyang malaman kung paano nabuo ang mga pangalan ng mga lugar sa Pilipinas kung saan alam naman niya na noong unang panahon, ang mga sinaunang Pilipino ay unang tumira sa mga lugar na malapit sa tubig. Natuwa akong malaman yon kay Diane kaya napagkasunduan namin sa pamilya na ipasyal si Diane. Nais muna naming ipasyal si Diane sa pinakamalapit na rehiyon patimog sa Metro Manila – ang Rehiyon IV o ang CALABARZON at MIMAROPA. Una naming pinuntahan ang Laguna. Ipinaliwanag ko sa kanya na ang Laguna ay galing sa salitang La Laguna na ang ibig sabihin ay “ang lawa” na tumutukoy sa Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, na naging hilagang hangganan ng Laguna. Kinuwento ko din ang kasaysayan ng Laguna. Ang Laguna at ang mga nakapaligid nitong mga lugar ay nabihag ng Espanya noong 1571. Pagkaraan ng pitong taon, nabihag ito ng mga Pransiskan na mga prayle sa pamamagitan ng Kristiyanismo. Di nagtagal, ang mga pook na nakapaligid sa lawa ay natagpuan at noong 1678, ang San Pablo City ay naitatag. Noong 1688, nilipat ang kabisera ng Laguna sa Pagsanjan, at noong 1852 ang kabisera ng Laguna ay ang Sta. Cruz na. Ang Laguna ay binansagan din na Resort Province in the Philippines dahil dito matatagpuan ang iba't ibang anyo ng tubig gaya ng mga hot springs, mga lawa, at mga talon. Dito matatagpuan ang napakasikat na Pagsanjan Falls na noon ay tinawag na Magdapio Falls na ang ibig- sabihin ay shooting rapids. Madami din ang mga hot springs dito gaya ng Hidden Valley Springs na matatagpuan sa Alaminos. Bukod pa sa mga magagandang natural spots na makikita dito, mayaman din ang Laguna sa kasaysayan ng ating bansa. Dito ipinanganak si Jose Rizal, ang ating pamabansang bayani, at marami ding mga simbahan ang matatagpuan dito na nilikha pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Pagkatapos ng ay pumunta naman kami sa Maragondon, Cavite. Nabuo ang pangalang ito mula sa isang Tagalog na salita, madagundong o maugong, na ang ibig sabihin ay maingay. Sinabi na ang ingay na ito ay galing sa isang sapa na malakas ang agos at maingay. Ang sapang ito ay tinawag na Kay Albaran na nasa baryo ng Capantayan. Dahil ang salitang madagundong ay hindi magandang pakinggan, binago ng mga tao doon ang pangalan at ginawang marigondon bilang pagbibigay-dangal sa santong Nuestra Senora Maria Asuncion (Our Lady of the Assumption). Noong panahon na nang pananakop ng mga Amerikano, pinangunahan ni Lope K. Santos ang isang heograpiyang komite na nag-iimbestiga at nagbabago ng mga pangalan ng mga pook sa Pilipinas. Dahil dito, ang Marigondon ay naging Maragondon dahil ito ay mas maganda pakinggan sa tainga. Pumunta rin kami sa Batangas na makikita sa timog-kanlurang parte ng Luzon. Ang kabisera ng Batangas ay ang Batangas City at ito ay napapaligiran ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Sa tapat ng Verde Island Passages sa timog ay ang isla ng Mindoro at sa gawing kanluran ay ang South China Sea. Ang Batangas ay isa sa pinakasikat na tourist destination malapit sa Metro Manila. Ito ay may madaming magagandang beach at ito ay sikat sa pagkakaroon ng madaming diving spots na konting oras na biyahe lang galing Manila. Sa Batangas din matatagpuan ang Taal Volcano. Ang bulkang ito ay may tubig sa kanyang bunganga at ito ay nasa gitna ng lawa ng Taal. Bago pa man natawag na Batangas ang lugar na ito, kilala na ito noong sinaunang panahon bilang pook ng Bonbon. At nang idiniklara na ang Taal ang magiging kabisera nito, binago din ng probinsya ang pangalan sa Taal. Pagkalipas ng ilang panahon, nalipat ang kabisera nito sa pook ng Batangan, at pagkatapos ay naging Batangas City. Ang salitang “batangan” ay nangangahulugang raft na ginagamit ng mga tao para mangisda sa lawa ng Taal. Tumawid kami ng dagat at pinuntahan namin ang isla ng Mindoro. Gusto naming ipasyal si Diane sa pinakasikat na lugar sa Oriental Mindoro, ang Puerto Galera. Ang Puerto Galera na ang ibig sabihin sa Ingles ay port of galleons ay naging tanyag noong panahon na popular din ang kalakalang galyon. Dahil sa maganda nitong piyer, hanggang ngayon ito pa din ang tinatayang pinakamaganda at pinakaligtas na pier sa Pilipinas. Sa Puerto Galera matatagpuan ang pinakamaganda at pinakamalinaw na tubig dagat na napapalibutan ng mga bundok. Ito ay tinatayang pinakamaganda na resort community sa ating bansa. Dito ay may maraming mga hotel, restaurant, at mga resort na tunay na dinadayuhan ng mga turista kaya ito ay naging isang sikat na tourist destination sa ating bansa. Pumunta naman kami sa Puerto Princesa, Palawan. Ang Puerto Princesa ay may heograpiyang pakinabang sa pagiging seaport nito. Matatagpuan malapit sa napakagandang Puerto Princesa Bay, ang seaport na ito ay natural na protektado sa mga panganib na dulot ng pag-iiba ng panahon at ang katamtamang lalim nito ay nakakabuti sa pagdaung ng mga barko dito. Tunay ngang princess of ports ang lugar na ito na napansin ng mga Spanish colonizers. Ang Puerto Princesa ay tinaguriang Country's Cleanest and Greenest Local Government Unit. Sa Puerto Princesa ay may madami ding beachkung saan ay may malilinaw na tubig at mapuputing buhangin. Bukod pa rito, may mga natural park camp sites din ang Puerto Princesa kung saan mainam sa pagkakaroon ng outdoor adventure. Dito rin makikita ang Subterranean River National Park kung saan mapupuntahan ang isang underground river na nasa loob ng isang bundok, ang Mt. St. Paul. Tunay ngang nag-enjoy si Diane sa mga lugar na pinuntahan namin. Ngunit dumidilim na at napag-isipan na naming magpahinga at ipagpatuloy na lang ang paglalakbay sa iba pang rehiyon ng Pilipinas bukas. Natutuwa si Diana sa mga nalaman niya ngayong araw. Lubos niyang ikinagagalak ang pagiging Pinoy.
07
08
ekstra
16 O kt 2009
Tomo 1, Blg1
AGOS
Word Hunt O
M
P
D
Z
A
M
B
O
A
N
G
A
T
A
N
A
O
R
G
A
B
A
D
N
A
C
G
N
A
M
B
Z
I
P
O
N
S
E
R
T
S
A
O
P
U
S
Z
A
L
I
L
O
A
N
O
L
E
A
T
A
R
O
I
R
I
G
Z
O
R
S
G
N
E
A
S
N
R
P
A
I
E
E
S
N
A
G
U
S
A
N
A
U
P
B
D
Y
O
P
L
A
K
A
L
D
T
A
B
N
S
U
G
H
B
M
G
S
B
N
C
K
A
I
B
R
O
U
O
K
U
A
A
E
L
C
L
O
M
J
E
A
G
A
C
B
I
L
I
O
E
D
R
L
A
G
U
N
A
L
BACLARAN
CANDABA
BOLINAO
PAMPANGA
CEBU
SORSOGON
O
POZZORUBIO
HOMONHON
G
N
AGUSAN
ALBUJERA
L
L
N
CAPIZ
BURAUEN
I
A
G
ANAO
ZAMBOANGA LILOAN
N
R
S
I
M
B
E
U
A
R
T
N
N
U
GUAGUA
H
A
H
L
C
A
A
D
A
A
N
A
O
C
AKLAN
TUBOD
O
M
A
B
N
Y
T
Y
K
N
A
O
A
E
LAGUNA
LANAO
N
A
L
K
A
T
K
N
E
U
A
R
U
B
ALBAY
AGOS
Tomo 1, Blg1
ekstra
16 Okt 2009
09
Hahaha... Dyowk Taym Na! Tanong: Anong sabi ng ipis sa naghampas ng tsinelas sa kanya? Sagot: “Wow kung makahampas ka parang close tayo ha!” *** T: Sino ang nagsabi ng “ngatz bhe...muahhx...”? S: Ngongo, bumibili ng GATSBY WAX! *** T: Bakit nakakamatay ang butter? S: Because it‟s ment ti kil ya!!! *** Anak: Tay, mag-ingat kayo sa DANKTRAK!. Tatay: Ano „yung danktrak? Anak: „Yun pong trak na 10 ang gulong na may kargang buhangin. Tatay: Engot! Hindi danktrak „yun… TEN MILLER!!! *** Titser: Ano ang PAST TENSE sa laba? Jose: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE? Pedro: Naglalaba! TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE? Juan: MAGSASAMPAY mam! *** MGA JOB TITLES NA DAPAT NANG PALITAN: President: pasimuno. Vice President: kunsitidor. Secretary: palsipikador. Treasurer: kubrador. Auditor: kasabwat. Public Relation Officer: tsismoso Representatives: pahamak Spokesman: bolero Sgt-At-Arms: tirador Adviser: taga-sulsol Mas tama, „di ba? *** Rod: Bakit bad trip ka ? Harry: Nagtampo sa „kin ang utol ko. Rod: Bakit naman? Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday n‟ya.
Rod: „Yun lang? Anong masama run? Harry: Ang masama ro‟n… Kambal kami! TWINS!! *** Juan: Aray! Bakit mo „ko sinuntok? Pedro: Tinawag mo akong hippopotamus eh! Juan: Last year pa „yun ah! Pedro: Eh sa ngayon ko lang nalaman itsura nu‟n e.
Horoscope ni Madam OT Ang kasintahan mong taga-Provident Village Uutangan ka lang nila. ay nalunod. Makakahanap ka na ng bago. Scorpio (Oktubre 23- Nobyembre 22) Congratulations! Huwag masyadong magtiwala. Sarilihin na Gemini (Mayo 21- Hunyo 20) Ang lamang ang mga opinyong may kinalaman pangangati ng iyong paa ay sa iyong kapitbahay. Tandaan: May pakpak nangangahulugan ng nalalapit mong ang balita, may tenga ang tsismosa. paglalakbay – papuntang ospital. Huwag Sagittarius (Nobyembre 23- Disyembre 21) maging ambisyoso! Malala na ang athlete’s Wag kang masyadong sweet sa isang tao foot mo. lalo na kung iba ang laman puso mo. Dahil Cancer (Hunyo 21- Hulyo 22) Huwag kapag yan ay nahulog sa iyo, madadagdagan maging makasarili. Mag-toothbrush! na naman ang mga emo.
Aries (Marso 21- Abril 19) Ang buwan ng Oktubre ay makararanas ng sunud-sunod na pagbagyo. Utang na loob, samantalahin mo ito. Isang taon ka nang hindi naliligo. Taurus (Abril 20- Mayo 20) Swerte ang buwan na ito para sa iyong buhay pag-ibig.
Leo (Hulyo 23- Agosto 22) Buksan ang iyong Capricorn (Disyembre 22- Enero 19) Huwag mga mata. Huwag magbulag-bulagan sa mong isiping panget ka. Masakit harapin katotohanang dumarami na ang muta mo. ang katotohanan. Tanggalin mo naman. Nakaka-turn-off. Aquarius (Enero 20- Pebrero 18) Huwag Virgo (Agosto 23- Setyembre 22) May iyakan ang mga nananakit sa iyo. makikilala kang isang taong magbabago ng Maghunustili ka, sibuyas lang yan. buhay mo. Ang taong ito ang madalas mo Pisces (Pebrero 19- Marso 20) Huwag nang pinagdarasal kay Bro. Sa wakas, may maniwala sa sinasabi ng ibang tao tungkol magpapautang na rin sa iyo! sa iyo. Maganda o gwapo ka naman talaga… Libra ( Setyembre 23- Oktubre 22) Iwasan para sa mga bulag. ang mga taong pinanganak ng 23 ng Agosto hanggang 22 ng Setyembre, maniwala ka.
010
16 O kt
opinyon
Editoryal
Tomo 1, Blg1
AGOS
PAMELA LASTIMOSA
Ang Pilipino sa Tabi ng Ilog, sa Pusod ng Dagat Malaking bahagi ang ginagampanan ng tubig sa buhay at kultura ng mga Pilipino. Malapit ang kabuhayan at kamalayan ng katutubong Pilipino sa tubig. Sa pangkalahatan, may dalawang pangunahing ikinabubuhay ang mga Pilipino: pagsasaka at pangingisda, mga kabuhayang labis na nakaasa sa tubig. Mula sa mga ito umusbong ang iba’t ibang industriya: pamamalayok, paghahabi, paglalala ng basket, paglililok, paggawa ng bagoong, patis, suka, at iba’t ibang uri ng alak – basi, tuba at tapuy. Sa kasaysayan ng Pilipinas o ng mundo man, sa tubig palagi nagmumula ang kabihasnan o sibilisasyon. Ito ay dahil sa mga likas na kayamanang hatid ng mga ito. Mababanaag din ang importansya nito maging sa mga pangalan ng mga lugar na laging may kaugnayan sa tubig. Sa daloy ng ilog nagmumula ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino noon na nadala hanggang sa kasalukuyan. Tagalaud ang matatawag sa sinumang nananahan malapit sa pababang bahagi o bukana ng ilog. Halimbawa na rito ang mga Kapampangan (mula sa pampang), Tagalog (taga-ilog), Iloko (taga-look), Pangasinan (panag-asinan), at Ibanag (tagabanag). Sa kabilang banda naman, taga-daya naman ang maitataguri sa mga mamamayan sa interyor o malapit sa bundok. Gaya ng Iraya (isang grupo ng mga Mangyan), Igorot (taga-golod o golot, mataas na bahagi o bundok), Tinggian (tinggi), Ilongot (mga tao sa kagubatan) at Ifugaw (taga-pugaw o pulo). Hindi rin matatawaran ang kahalagahan ng katubigan sa pakikipagkomunikasyon, sa interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa Pilipino at maging sa mga dayuhang napapadpad sa kapuluan ng Pilipinas. Ika nga sa Ingles: the sea unites and mountains divide. Bagaman madalas ipalagay na ang pagiging isang kapuluan ng Pilipinas ay isang limitasyon sa pagkakaugnay-ugnay ng mga tao rito, hindi rin naman maikakaila na mas pinadali ng iba’t ibang anyo ng tubig ang pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Mas mainam at madali ang daloy ng komunikasyon sa pamamagitan ng katubigang hindi nahahadlangan ng mga puno’t kabundukan. Masasabing kapwa natural (likas) at gawa (likha) ang ugnayan ng mga Pilipino: likas dahil may pagkakaugnay-ugnay na tayo sa bisa ng paninirahan natin sa isang pangkapuluang kapaligiran; at likha naman dahil habang tinutugunan natin ang samu’tsaring hamon para mabuhay, nag-uugnay-ugnay
tayo. Sa lahat ng ating gawain at pakikipagkapwa, nagkaka-ugnay-ugnay ang mga karanasan natin dito sa kapuluan sa agos ng kasaysayan. Ito ang organikong kaisahan na hatid ng ugnayang tao at kalikasan. Ang katubigan – mga ilog at dagat – ang kumukupkop sa sangka-Pilipinuhan dito sa ating pulu-pulong bayan. Mula rito tumubo ang mayamang kultura’t tradisyong natatangi sa mga Pilipino. Mahalaga ang katubigan bilang tagpuan ng mga tao sa loob at labas ng kapuluan. Paliluku-liko at paliguy-ligoy man ang mga ilog, iisa pa rin ang lalagusan, ang malawak na karagatang ipunan ng kayamanan. Kasabay ng daloy na ito ang samu’t saring galaw ng mga tao na nakaayon sa agos ng buhay at pagkakataon. Sa mga pampang ng ilog at baybay-dagat nagpapalitan ng mga produktong ginto at kumot o bahag ang mga Iloko at Igorot. Sa pamamagitan nito, nahahasa ang ugnayan ng iba’t ibang grupo sa Pilipinas habang natutugunan ang kani-kanilang pangangailangan. Malaon na rin ang kalakalan mula Iloko hanggang Pangasinan na umaabot pa nga hanggang Katagalugan. Gayundin ang kalakalan ng asin sa pagitan ng mga Ibaloi at mga Pangasinense. May kani-kanila ring salaysay ng pakikipagkalakalan sa mga Intsik at iba pang kalapit na bayan sa Timog Silangang Asya kahit magmula pa noong hindi pa nagiging kolonya ang Pilipinas. Lahat ng ito’y ginawang posible ng katubigan. Sa mga ganitong paraan ng pagpapangalan ng lugar at maging ng kanilang mga sarili at pakikipagkalalakalang nakadepende sa katubigan, tinatanggap at kinikilala ng tao na siya ay bahagi ng sankalikasan. Masasabing higit na nakapangyayari ito sa kanya sa maraming pagkakataon. Mapagpala at mapagkupkop ang sangkapuluan kung kaya’t dapat siyang pahalagahan. Sapagkat patuloy at masiglang umaagos ang mga ilog, walang tigil ang pagpapayaman at pagpapalakas ng ugnayan ng mga tao. Dahil nga ang dinamikong daloy ng ilog ang nagtatakda ng kanilang kabuhayan, dinamiko rin ang galaw ng tao. Taga-ilog o taga-bundok o taga-patag man, nagkakaisa at magkakaugnay-ugnay ang kanilang pamumuhay at kasaysayan. Kaya’t sa kabila ng mga pagkakaiba-iba ng mga grupo sa Pilipinas, namamayani pa rin ang pagkakahawig ng mga elementong kultural na nagbubuklod sa lahat. Lahat ay bahagi ng kabuuan, hibla ng habi na kung tawagin ay lahing Pilipino.
AGOS Ang Daluyan ng Maka-Pilipinong Kaisipan Punong Patnugot Pamela Joy Lastimosa Mga Manunulat Sigrid Avenido Jazzle Eve Cruz Karla Jane de Castro Louis Rommel de Jesus Gretchen Lagonoy Dhan Tabunar Layout Artist Pamela Joy Lastimosa Kasapi Psych 108 THW, Unang Semestre AY 09-10