Aeta Situationer

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aeta Situationer as PDF for free.

More details

  • Words: 1,783
  • Pages: 69
Sa mga pinakaliblib na bahagi ng bundok, maraming henerasyon ng mga kabataan, kababaihan, at mga Matubag na Ayta ay nagtitipon sa dapog. Mihabihabi kitamina ha paruogan, ang mga nakatatandang Ayta ay ibinabahagi ang kanilang kuwento.

“Ang aming mga ninuno ang mga naunang tao rito bago dumating ang mga Espanyol. Ngunit matapos agawin ng mga dayuhan ang mga lupain, tinungo namin ang mga bundok kung saan nanatiling payak ang buhay namin. Makaluma ang paraan ng pagkuha namin ng pagkain – pangangaso at pangangalap mula sa kapaligiran. Gamit ang asarol-gamat, nagtatanim din kami ng bungang ugat at umaasa sa ulan para patubigan ang mga ito. Ang mga bundok at kagubatan ang aming tirahan, ospital, paaralan at sambahan, biyaya mula kay Apo Namalyari.”

Balangkas I. Layunin ng Paruogan Reflection Circles II. Mga Katutubong Pilipino III. Mga Ayta sa Gitnang Luzon IV. Katutubong Kultura at Paniniwala V. Mga Batayang Problema ng mga Ayta VI. Ang Aming Paninindigan VII.Hamon sa Taong Simbahan at ibang

Suportang Grupo

Paruogan Reflection Circles Maipalaganap at maipahayag ang mga problemang

kinakaharap ng mga kapatid na Ayta. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga problema ng ating mga kapatid na Ayta. Maging daluyan ng talakayan at bahaginan. Ang mga datos sa talakayan at bahaginan ang magiging batayan sa pagbalangkas ng mga pamamaraan upang tulungan ang ating mga kapatid na Ayta.

II. Mga Katutubong Pilipino 15% o 10 milyon ng mga tao sa Pilipinas ay katutubo, katulad ng Moro, Tribu ng Kordilyera, Lumad, Visayan Hill Tribes, Mangyan, Dumagat at iba pa.

Nasaan ang mga Katutubo?

III. Mga Ayta sa Gitnang Luzon

Mga Iba’t Ibang Komunidad ng Ayta sa Paligid ng Mt. Pinatubo

Ang Lupaing Ninuno Lupang dantaon ng binubungkal,

pinaninirahan, iniikutan at pangunahing pinagmumulan ng ikinabubuhay ng mga katutubo Kinikilalang mga minanang lupain mula sa mga ninuno Itinuturing ng teritoryo bago pa man naitayo ang isang gubyerno sa Pilipinas.

Kabuhay an Pagtatanim Pangangalap Pangangaso Maliitang pagmimina Paggagasak Paggamit ng mga

produktong nagmumula sa gubat Pag-uuling

Sistemang Pampulitika Nakatayo ang konseho ng mga matatanda (council of elders) bilang mapagpasyang grupo sa komunidad. Sa kabila nito, mahigpit pa rin ang pagsasaalang-alang sa kolektibong pagpapasya sa mga pagkakataong ang kapakanan ng buong angkan, tribo o grupo ang nakasalalay.

Kultura Ang mga sayaw, paniniwala at tradisyon, at ang paraan sa panggagamot ay salamin ng pang araw-araw na pamumuhay. Pasugo 

Talipi Lapinding Talbun Dururu

Konsepto ng Sariling Pagpapasya Ang buhay ng katutubo ay nakasalalay sa patuloy

na pag-iral ng kanilang kultura at mga sistemang panlipunan Kailangan ipagtanggol at itanghal ang karapatan ng katutubo at sistemang panlipunan Kailangan mangkaroon ng pagkakataon at kaparaanan ang mga katutubo upang magpasiya tungkol sa sariling kaunlaran

1Pangangamka m ng Lupa

2 - Labis na Kahirapan

3 - Kapabayaan sa Paghatid ng Batayang Serbisyo

4 - Matinding Diskriminasyon at Pang-aapi

V.

Mga Batayang Problema ng mga Ayta

Ang lupaing ninuno ay kinakamkam sa pamamagitan lamang ng pagdedeklara o pagpayag ng gobyerno sa mga koporasyon ng mina, trosohan, komersyal na pataniman at mga panginoong may lupa.

Minahan Dekada sisenta pa nang minahin ang Buhawen, Pili, at nakaamba sa kasalukuyan ang pagmimina ng Pisumpan Copper Mining Corporation sa Porac, at ng Atlantic Mining Corporation sa Mawacat, Floridablanca, pawang mga kumpanya din ito na pag-aari ni Dizon.

“Dahil sa pagmimina, malalaking tipak ng mga kabundukan ng Zambales ay nawala na, tulad ng sa San Marcelino. Ang mga kompanya ng mina ay nangako na magbibigay ng trabaho at edukasyon kapalit ng pahintulot ng mga Ayta na minahin ang bundok.”

Rantso

•Inaarkila ang mga

pwesto ng mga katutubo para pagsugahan ng mga baka, hanggang binakuran na ito at inari. •Winawasak ng mga baka ang mga pananim sa katabing lugar, wala kasing bakod

Gamitpanturism o

•Pagpapaalis sa mga Ayta ng mga

land developer para ikombert sa gamit-panturismo ang lupa. •Para maangkin ang lupa, binayaran ng baryang halaga ang mga Ayta para mapayapa nilang lisanin ang kanilang lupa. •O kaya naman, gagawin daw kasosyo sa umpisa, trabahador naman sa kalaunan.

sa mga proyekto ng gobyerno Sa programang Community-based

Reforestation Management (CBRFM) ng DENR, pinapaalis ang mga katutubo dahil forest reserve na ang lupa. Minahan Military Base sa Tarlac

Ang pinakatanyag na kaso ng pangangamkam ay ang pagkuha ng lupaing ninuno sa Subic at Clark para gawing base militar noong panahon ng Amerikano.

ala ng Sacadora Binabarat ang presyo ng kalakal (puso ng saging, gabi, iba pang gulay at prutas, kasama na rin dito ang uling) •

• Labis ang pagpepresyo sa

mga produktong pangkonsumong inuutang ng mga Ayta. Kapag hindi sila nakabayad ay iilitin ng mga sacadora ang kanilang mga lupa.

“Ang mga kinita ng mga Ayta ay halos dumadaan lang sa palad nila dahil kailangan pa nilang bayaran ang produktong ipinautang ng sacadora sa kanila. “

Atrasadong kagamitan at paraan sa produksyon

Paisa-isang bangkat bawat tao lamang ang kayang ibaba sa gulod sa bawat araw dahil wala namang mga hayop na magagamit para maibaba ang produkto sa bundok

Katumbas ng kalahating araw o isang maghapon ang gugulin bago makapuno ng isang sako o bangkat ng puso ang mamumuso.

Simpleng kagamitan at paraan sa produksyon Walang patubig at umaasa sa

sahod-ulan Mas madalas na ginagamit na pambyahe ng kalakal ang mga kalabaw kaysa sa pagtatanim

Pangwawasa k ng Kalikasan

Dahil sa pagpapasok ng mga dayuhang kompanya at proyekto ng gobyerno, nawasak na nang husto ang kalikasan, lalung-lalo na ang kagubatan at kabundukan. Hinakot at sinaid ang mga yamangmineral at troso mula sa mga gubat at bundok, nang walang pakundangan sa pinsalang dulot nito sa kalikasan at kapaligiran.

Kapabayaan sa Paghatid ng Batayang Serbisyo

•Anu-ano ang

mga serbisyong dapat na nakukuha natin sa gobyerno? •Edukasyon •Kalusugan •Pabahay •Trabaho

Matinding Diskriminasy on

Ang diskriminasyon ay ang pagtratong di parehas sa isang tao o grupo ng tao dahil sa makitid at makaisangpanig na pagtingin sa lahi o kulay, kinabibilangang grupong etniko, relihiyon. Nagmumula ito sa pagyurak at pagkakait sa lahat ng karapatan naming mga katutubo mula pa sa panahon ng kolonisasyon.

“Let this serve as a notice that Negritos are to

live in the jungle area and are not to be seen by the public walking on the roads or in the golf course areas. If voluntary action by the Negritos is not taken to hide themselves in the jungle, the OPM will enforce stricter measures.”

Militarisasyon Madalas na nagiging biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao ng mga nag-ooperasyong sundalo. Dagdag pahirap sa mga kapatid na Ayta ang epekto ng militarisasyon.

MINING ACT OF 1995 [RA 7942] Seksyon 18: “ang lahat ng mineral na yaman sa pampubliko at pribadong lupain, kasama ang mga kahuyan o kagubatan…ay maaaring ibukas sa operasyon ng pagmimina” Pinapahintulutan ang mga dayuhang kumpanya ng pagmimina na 100 % pagmamay-ari sa loob ng 50 – 75 na taon at kumontrol sa bawat aspeto ng pagmimina

INDIGENOUS PEOPLES RIGHTS ACT 1997 (IPRA) Kikilalanin umano ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang “lupaing ninuno” na malaon ng pinaglalaban dahil sa kawalan ng isang partikular na batas ng gobyerno na kumikilala sa karapatan ng katutubo

Batas na diumano ay nangangalaga sa mga

karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga lupang at lupaing ninuno pati ang mga likasyaman na matatagpuan dito  Inaalis nito ang konsepto ng komunal na paggamit ng lupaing ninuno  Binibigyang-daan ang pagsasapribado at pagkalakal ng lupaing ninuno

Nalikha sa ilalim ng IPRA bilang isang

“superbody” na mangangasiwa at kakatawan sa mga katutubong mamamayan Nagsisilbing tagabenta ng mga lupaing

ninuno sa kalagayang sila ang mag-aapruba sa anumang proyekto sa loob ng lupaing ninuno.

Ipagtanggol ang Lupaing Ninuno Depensahan ang lahat ng anyo ng pangangamkam

ng lupa. Itaguyod ang makatarungang pamumuhay at labanan ang makasaraling pagkontrol sa mga kita ng mga katutubong Ayta mula sa kanilang mga ani. Pangalagaan at linangin ang lupa para maging produktibo ito upang maging kapaki-pakinabang para sa mga nagpaunlad nito. Magtayo ng iba’t ibang anyo ng pakikipag-kaisa kasama mga iba’t ibang grupo.

Ipagtanggol ang Kalikasan Pangalagaan ang ating Pambansang

Patrimonya. Tutulan ang pangwawasak at pagsasamantala sa mga likas na yaman para sa interes ng iilan.

Ipagtanggol ang Buhay Itaguyod ang karapatan ng mga

katutubong mamamayan. Itigil ang militarisasyon sa mga komunidad ng mga Ayta.

Kasama ang mga taong simabahan, isulong ang karapatan ng katutubong mamamayan para sa sariling pagpapasya.

“Ang ating mga pakikibaka para sa dignidad ng tao at pagbabagong panlipunan ay tugon sa hiling ng Diyos para sa pag-ibig, awa, at katarungan sa liwanag ng Kaharian.” General Rules and Social Principles, The Book of Discipline of the United Methodist Church, ¶ 101, page 49

Mabuhay tayo ng kasama ang mga katutubo sa pagbuo ng ating kinabukasan, para sa isang makatarungan at payapang lipunan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga Ayta sa kanilang pakikibaka para sa lupa at buhay.

Sa pagpursigi sa buong-pagkataong pag-unlad para sa lahat ay ang pagtupad sa ating Kristiyanong tungkulin na ipaglaban ang lupa at mga rekurso nito nang ito ay maipasa pa sa mga susunod na henerasyon sa atin.

Tayo ay sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. Lk 4:18-19

PARUOGAN Alliance of Aeta Organizations and Church People in Central Luzon Upang makamit at maitaguyod ang mga

pagkakaisang ito, kaming mga KATUTUBONG AYTA at TAONG SIMBAHAN ay nagkakaisa sa PARUOGAN, kung saan magsisilbi itong daluyan ng aming sama-samang pagkilos para sa patuloy na IPAGTANGGOL ANG LUPAING NINUNO, IPAGTANGGOL ANG BUHAY, AT IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN SA PAGPAPASYA-SA-SARILI bilang PANGANGALAGA SA BUHAY AT KALIKASAN NA IPINAGKALOOB SA ATIN NG PANGINOON

Ano ang mga pwedeng gawin? MAGLUNSAD ng mga TALAKAYAN

AT REFLECTION-SHARING sa aming mga komunidad, parokya, simbahan, paaralan upang maipaabot ang kalagayan at pagsusuri sa mga hamon na kinakaharap ng mga Ayta;

IPAGPATULOY ang TEACHING MINISTRY na may

pagbibigay-diin sa pagbibigay kaalaman at pagbubuo ng mga Kristiyanong pamayanan. PAGYAMANIN ang KATUTUBONG ISPIRITWALIDAD at KULTURA MAIPAHAYAG sa mga PORMANG KULTURAL katulad ng poster-making, dula, kanta, tula ang ating mga pagkakaisa, paninindigan, at hakbangin.

Ano ang mga puwedeng gawin? MAKIPAGKAISA sa mga

KOMUNIDAD ng Ayta na nagtatanggol ng lupaing ninuno; MAPAGKAISA ang iba’t ibang AYTA ng Gitnang Luzon na may komon na paninindigan at pananaw hinggil sa kalagayan ng mga katutubo.

MAGLUNSAD ng mga iba’t ibang malikhaing PAGKILOS; MAGLATHALA

ng mga PETISYON AT MGA PAHAYAG NG PAKIKIISA MAGSAGAWA ng mga PAGTITIPON katulad ng mga candle processions, prayer rally, at iba pang anyo MAGLUNSAD o SUMAMA SA MGA FACT-FINDING MISSIONS at documentation missions para alamin at mailathala ang mga KASO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO MAGTAYO ng iba’t ibang porma ng KOOPERASYON AT SUPORTANG MEKANISMO katulad ng community-based projects para sa ikauunlad ng kabuhayan ng mga katutubo

Ano ang mga pwedeng gawin? MAKIPAGBUKLOD sa iba’t

IBANG GRUPO upang samasamang ipagtanggol ang Lupaing Ninuno, ang Buhay, at ang ating mga Karapatan.

Sa lahat, ang Diyos ang papurihan!

Related Documents