Abot Kaya.docx

  • Uploaded by: Jerome Valeriano
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Abot Kaya.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 354
  • Pages: 2
ABOT KAYA? Ni: Jubert Calamba at Jerome Valeriano (1) IKAW NA MAGSABI NUNG ANO IKAW NA NGA GUMAWA NITO MAS MAGANDA ATA ‘YUNG SA’YO SIYA NA LANG HUWAG AKO (2) HINDI NA’KO MAGSISINUNGALING SA ARALING ITO’Y DI AKO MAGALING HUWAG MO NA AKONG PILITIN DAHIL WALA ‘KANG PAKE SA AKING KINIKIMKIM (3) PAGOD NA PAGOD NA AKO SA KAPAPALIWANAG NG MGA SALITANG ‘DI KO RIN NAMAN MATANAW NAGBUBUHOL-BUHOL DIN NAMAN ANG MGA SALITA PARA SAAN PA’T AKO NAMA’Y ‘YONG HUHUSGAHAN

(6) PAGMASDAN MO AKO, TINGNAN MO AKO PANSININ MO ANG MGA KILOS KO TINGNAN MO ANG MGA MATA KO, MAY NAKIKITA KA PA BANG PAG-ASA NA HANDANG PANG MAGPATULOY AT …. WALA! (7) ANO PANG SILBI NG PAGSISIKAP KO ANO PANG SAYSAY NG PAGHIHIRAP NA TO KUNG DI RIN NAMAN PALA AKO MAPAPANSIN AT KUNG DI RIN AKO MAGPAPAPANSIN (8) BAKIT KAILANGAN PA AKONG IDAMAY SA MGA ORAS NA ITONG WALA AKONG KARAMAY DI NA LAMANG AKO MGKAKALAT UPANG DI MASABIHANG AKO’Y PABIGAT

(4) HINDI KO NA KAKAILANGANING IPAGMAYABANG SAPAGKAT WALA RIN AKONG ANGKING KAKAYAHAN MARAMI NAMANG MAS MAHUSAY SA AKIN SILA NA LAMANG ANG IYONG KULITIN

(9) KAYA NAWALAN AKO NG KUMPIYANSA’T TIWALA SA SARILI BAKIT KO HINAYAANG MAGPATINAG SA KANILA

(5) MAS MAGALING NAMAN SIYA MAG-SHOOT NG BOLA MAS MAGALING NAMAN SILANG TUMULA MAS MAGALING NAMAN SILANG UMARTE AT MAGPATAWA MAS MAHUSAY SILA MAGSALITA SA HARAP NG MADLA

(10) SINABI NANG TAMA NA HINDI KO NGA KAYA MAKA-ILANG BESES KO NANG INULIT PARANG NA AKONG SIRANG PLAKA

(11) KASALANAN KO BANG AYAW KO KASALANAN KO BANG MAHINA AKO KASALANAN KO BANG HANGGANG DITO LANG AKO AT ITO LANG ANG KAYA KO

(12) O SIGE, SIGE NA, ISA LANG HA! PAGKATAPOS NITO ‘WAG KA NANG MANGUNGULIT PA SUSUBUKAN KO NA; I-SHOSHOOT KO NA, SASABIHIN KO NA PUTIK, KAYA KO PALA.

(13) BAKIT NGAYON KO LANG GINAWA NGAYON PA’T PATAPOS NA ANG ORAS KO NGAYON KUNG KAILAN WALA NANG NAKIKINIG AT WALA NANG NANONOOD WALA NANG PWEDENG PUMALAKPAK; BAKIT NGAYON LANG?! (14) GANITO PALA ANG PAKIRAMDAM DATI KO PA SANA ITO GINAWA KUNG ‘DI LANG SANA AKO NATAKOT MAY NAPATUNAYAN SANA AKO SA KANILA.

Related Documents

Abot Kaya.docx
April 2020 9

More Documents from "Rizky Bachtiar"

Abot Kaya.docx
April 2020 9
Mid End Sofas
November 2019 13
Memo_405_16.pdf
December 2019 17
Part Design
June 2020 7