A Comparison Of Two Different Responses.docx

  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View A Comparison Of Two Different Responses.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 605
  • Pages: 2
A COMPARISON OF TWO DIFFERENT RESPONSES 1. A MODERN-DAY SUCCESS IN CRISIS MANAGEMENT Noong 1982, isang tao ang nagdesisyon na maglagay ng 65 milligrams ng cyanide sa mga bote ng Tylenol capsules sa isang tindahan ng mga gamot. Dahil ditto pitong (7) tao ang namatay kabilang na ang tatlo (3) sa iisang pamilya lamang. Nagrespond ang leadership ng Johnson & Johnson sa pamamagitan ng agarang pagrecall at pagsira sa 31 million capsules kahit na nagdulot ito ng $100 million na kawalan sa kanilang kumpanya. Siniguro ng kanilang CEO na malaman ng mga consumers ang kanilang aksyon sa pamamagitan ng TV ads at news conferences. Pagkatapos nito, naintroduce sa merkado ang tamper-resistant packaging, at mabilis na nakabalik ang sales ng kumpanya sa dati. 2. A MODERN-DAY DISASTER IN CRISIS MANGEMENT Pitong (7) taon after ng Tylenol crisis, nakapagtapon ang Exxon Valdez ng miyong gallon ng crude oil sa tubig ng Valdez na naging sanhi ng pagkamatay ng mga isda, fowl at sea otters. Napollute ang daang milya ng coastline at maraming mangingisda ang nawalan ng hanap-buhay. Taliwas sa ginawa ng Johnson & Johnson, ang Exxon ay hindi agad humarap sa media at publiko. Pagkatapos lamang ng apat (4) na taon na nag assign sila ng public relations manager at hindi rin ito nakatulong dahil ang tugon nila sa publiko ay pagbaling ng sisi sa ibang grupo gaya ng US Coast Guard. NEHEMIAH ON LEADERSHIP Kung susuriin natin ang ating buhay, makikita natin na walang aspeto ng buhay ang hindi nagkakaroon ng krisis. Sa ating pamilya, sa negosyo, sa trabaho at maging ang personal nating buhay ay may krisis. Ang lahat ng ito ay katotohanan ng buhay. Sa nakaraang lingo, ilang problema ang dumating sa atin? Ang katotohanang ang krisis ay parte ng ating araw-araw na pamumuhay ay dapat mas maging maigi at marunong tayo kung paano ito ayusin. Sa buhay ni Nehemiah ay matututunan natin kung paano dapat tumugon kapag may problema o krisis tayong kinakaharap. Dapat ay manalangin tayo sa Diyos na bigyan tayo ng karunungan at lakas. Ang mga tugon ni Nehemiah sa problema ay nagtuturo sa atin na dapat: 1. Don’t ignore crisis – dapat bigyan natin ng pansin ang problema. Huwag natin itong ipagsawalang-bahala. Iwasan ang kinaugalian na “bahala na si batman”

2. Don’t deflect a crisis – ang leader, kagaya ni Nehemiah, ay nangangailangan din ng tulong. Ngunit dapat ay alamin or pag-aralan muna kung ano ang gagawin upang maayos ito. 3. Don’t shift blame for the crisis – iwasang isisi sa iba ang problema. Ang pag tuunan ng pansin ay kung paano ito masosolusyonan. 4. Don’t overreact to a crisis – huwag basta-basta magdesisyon. Ang pagresolba ng krisis sa buhay ay kadalasang hindi nangyayari lamang sa magdamag. Maglaan ng sapat ng oras para masiguro na an gating desisyon ay ang pinakamatalinong tugon. 5. Do respond by determining the extent of the crisis – matuto tayong makinig at huwag magjudge hanggat hindi pa nakukuha ang sapat na katunayan 6. Do seek the advice of others – maraming makukuhang karunungan sa payo ng iba. Siguruhing humingi tayo ng payo ng iba at ang direksyon na galing sa ating Panginoon sa pamamagitan ng panalangin. Si Nehemiah ay isang makapangyarihang tao bago pa man niya nalaman ang kalagayan ng Jerusalem. Ang krisis sa Jerusalem ang nagbugay sa kanya ng pagkakataon na magkaroon ng mas makabuluhang tungkulin. Kinasangkapan siya ng Diyos para marebuild ang walls ng Jerusalem. Sa ating panahon, ganito rin ang gusto ng Panginoon na gawin nating pagtugon sa krisis o problema sa buhay. Tanggapin natin ang mga hamon ng buhay at matuto tayong magtiwala sa lakas at karunungang siya lamang ang nakakapagbigay.

Related Documents