3-clash-of-the-private-a1.txt

  • Uploaded by: apple
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 3-clash-of-the-private-a1.txt as PDF for free.

More details

  • Words: 82,243
  • Pages: 770
***** Downloaded with http://www.carlosgarciamou.com/wattpad-downloader Last Updated: 2015-07-11 11:45:46.502990 ***** BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1

A/N:

MEANING: Private A1

Private: Secret

A1: Highest classification (in society) , highest standard, first-class. In short parang Boss.

PS: Hindi ako ang nakaisip ng title kundi ang highschool friend ko ^_^

PROLOGUE

I'm Dawniella Davids. The head of BHO CAMP division, an agent and a college professor.

Sabi nila mataray daw ako, short-tempered, amazona, cold hearted at kung ano-ano pa. My class alwayas cowered with fear whenever they see me. At hindi lang sila kundi maging ang ilan sa mga kakilala ko.

Ilang beses narin akong hiniwalayan ng mga naging boyfriend ko. At kalimitan sa mga iyon ay nauuwi sa hindi magandang mga pagtatalo.

I didn't bother to care. In the first place...I haven't had the chance to fell for any of them. Hindi pa kasi tumatagal ang relasyon namin ay nakikipaghiwalay na agad sila sa akin.

Did I try to change myself?

...

...

No I didn't.

I need someone who is strong enough to handle me. Not some cowards who cannot accept who I am.

I continued my life like how it used to be. Breaking up doesn't matter to me. Masaya na ako sa buhay ko. Wala akong problema dahil walang nagtatangkang banggain ako...well...except for one.

Triton Lawrence.

A happy go lucky guy who flirt with anyone wearing a skirt.Hindi na mabilang kung ilang babae ang nahumaling sa pinagmamalaki niyang charm. Ilan din sa mga iyon ang pinauwi niyang luhaan.

Oh, yes, I hate him. I hate how he doesn't take anything seriously. Idagdag pa na head din siya ng BHO CAMP. Head of the CAMP division. I'm the A1 of my devision, BHO. Pero kahit na ganoon ay pakiramdam ko ako lang ang gumagawa ng lahat ng

trabaho dahil lagi naman siyang wala.

I hate him because he have million ways to irritate me. Magkaibang-magkaiba kami ng ugali. But despite all that...we have one common denominator.

We both can't stay in a relationship.

Mukhang nakahalata naman ang mga magulang namin dahil natagpuan na lang namin ang sarili namin na pinapapili ng mapapangasawa namin sa listahan nila. And no...hindi kami nirereto sa isa't-isa.

But we both don't want to be married like that. So we made an agreement.

Tutulungan niya akong maging mas approacheable and he'll teach me how to date without intimidating my date and to have fun.

Then I will teach him how to manage the organization and how to be more

responsible.

That's it.

Is it easy? Do we get along and stop clashing?

...

...

Hell no! CHAPTER 1 ~ Folder ~

A/N: Breathing space, okay? Hope you enjoy this one, guys. Thank you.

CHAPTER 1

DAWN'S POV

Nanatiling sa mga files sa harapan ko ang atensyon ko. Eto na ata ang almusal, tanghalian at ngayon naman ay hapunan ko. But I need to do this, because who would? Wala akong aasahan. Lalo na hindi ang Triton na iyon.

Bata pa lang ako, alam ko na na ako ang mamahala ng BHO. Ako ang unang anak na may dala ng apelido na Davids. Bata pa lang ako sinanay ko na ang sarili ko sa mga responsibilidad. Nang mag high school ako alam ko na ang pasikot-sikot sa BHO CAMP.

At alam ko din na

...

...

SI Triton Lawrence ang kasama ko na mamamahala sa BHO CAMP. We're both A1. The highest. I'm the A1 of BHO Division and he's the A1 of CAMP Division. Pero pakiramdam ko ako lang talaga ang kumikilos sa aming dalawa.

Kapag may ginawa naman siya, maayos naman iyon at pulido. Pero bilang sa daliri ang mga pagkakataon na nagkaroon siya ng pagkukusa.

Napahilot ako sa sentido ko ng bigla na lang pumainlang ang kanta na 'Shake It Off' ni Taylor Swift sa office ko.

Matalim ang tingin na tinignan ko ang glass wall sa kaliwa ko. Lalong uminit ang ulo ko ng makita ko na nandoon si Triton at may hawak na panty habang panay ang sayaw niya. Tumalikod pa siya at ikinawag-kawag ang butt niya na para bang aso na hindi mapakali.

Siya lang naman ang nag-iisang tao na kayang buksan ang office ko kahit na may security code ako o bulabugin ang system ng office ko. Sasabog na ang ulo sa amin ni Freezale dahil si Freezale ang taga-bago ko ng system.

Kung bakit naman kasi ginawa pa na glass wall itong office namin. Sa labas naman hindi kami, kita. Pero dito sa loob halos mamatay ako sa araw-araw na nakikita ko ang mokong na ito. Kung hindi lang utos ng ama ko ito, ipatitibag ko lahat ng glass wall dito.

Kulang na lang sabunutan ko ang sarili ko ng umakto pa si Triton na itataas ang tshirt niya. As if tititigan ko ang katawan niya. Oo siguro. Tititigan ko para malaman ko kung saang part maganda siyang tarakan ng matalas na bagay.

"Argh!"

Nagdadabog na tumayo ako at lumapit ako sa glass door na kadugtong ang office ni Triton. Nang hindi ko mabuksan ang pinto ay tinignan ko si Triton. Binelatan niya lang ako at nagpatuloy sa pagsayaw niya.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Naglakad ako hanggang sa magkatapat na kami at tanging glass wall na lang ang pagitan.

Imbis na masindak sa pamatay na tingin na ibinibigay ko sa kaniya ay dumikit pa siya doon. He rubbed himself on the glass wall as if he's..he's..

Double argh!

Pinagpapalo ko ang glass wall at pagkatapos ay itinuro ko ang malaki na aquarium na may takip sa isang gilid.

Aquarium ni Twinkle. My pet, snake.

Hindi katulad ng halos lahat na agents, hindi ako natatakot kay Twinkle. Hindi naman kasi siya nanlalapa katulad ng pinaparating ko sa kanila. Napag-alaman ko lang kasi na malaki talaga ang takot nila sa mga ahas. Kaya naging may best friend na kami ni Twinkle para mapasunod ang mga agents.

Katulad nitong si Triton.

Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ko na namutla siya. Tumakbo siya papunta sa office table niya at may pinindot doon. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na ang malakas na tugtog.

Lumapit ako ulit sa glass door at may pinindot ako na code. Itinulak ko iyon at tuluyan na ako na pumasok sa office ni Triton.

"Ano na namang trip mo?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Ang mapansin mo ako?"

"Right." inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagkalat ang mga papel at mga kung ano-anong balat ng mga junk foods. May mga basyo din ng alak. Tinignan ko ang paa ko at halos mapunit ang mga mata ko sa sobrang paniningkit ng makita ko kung ano ang sumabit sa takong ko.

"Damn it Lawrence!"

"Ano na naman po sweetheart?!"

"Wag na wag mo akong tatawaging sweetheart! Kadiri ka!"

Tumungo ako at kinuha ko ang panty na nakakalat. Malamang galing to sa kahon niya ng koleksyon. Nandidiri na tinignan ko iyon at pagkatapos ay itinapon ko kay Triton na sinalo naman iyon agad.

"Uy! Salamat! Matagal ko na tong hinahanap ah."

"Kadiri ka!"

"Nilaban ko na to!"

Ikinuyom ko ulit ang mga kamay ko. "Manyak!"

"Grabe ka naman sweetheart, hindi pa naman kita minamanyak ah!"

Kung mahina lang ang kapit ng utak ko baka malamang sa hindi ay nakaconfine na ako ngayon sa mental hospital. "We need to fucking work, Triton! Kailangan nating pabagsakin ang Claw. Nakalimutan mo na ba? We need to freaking avenge my cousin!"

Napahinto siya at nawala ang ngiti sa mga labi niya. Umupo siya sa gilid ng lamesa niya. "I know, Dawn. I was there."

"Alam mo naman pala. So stop this stupidity!"

"You barely slept, you barely eat, your eyes don't have a life. Anong gusto mong gawin ko Dawn? Magpaka-zombie din na katulad mo? I need to be alert if we're doing this. I need my whole self if we will gonna bring down Claw."

"I need to do this."

"No, you need to keep living. Hindi mo kinakailangan na patayin ang sarili mo. Hindi iyon ang gusto na mangyari ni Storm."

"Sa tingin mo kaya ko na pilitin ang sarili ko na maging masaya? Kung papatayin ko ang isa sa mgapinsan mo, makakangiti ka pa kaya-"

"Oo. Kung iyon lang ang paraan para hindi ako kainin ng lungkot, oo, ngingiti pa rin ako. I would be smiling non stop until it's the time I'm gonna put a bullet to that someone's head that gave me and my family anguish in the first place."

Nakatitig lang ako sa kaniya. Wala ang ngiti na lagi kong nakikita sa mukha niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Siya na ang kusa na nag-iwas ng tingin sa akin at pagkatapos ay ngumisi siya. "Did I just said something cool? Ang dakila ko talaga! Mabuhay!"

I rolled my eyes. "Whatever."

Tumalikod na ako para pumasok sa loob ng office ko. Napatigil lang ako ng marinig ko ang sumunod na sinabi ni Triton. "Eat, Dawn. Then get some sleep."

"Fine."

MALAMYOS ang tunog na nanggagaling sa isang piano, ang pumapainlang ngayon sa paligid. Tahimik na nakatingin lang ako sa plato ko kung saan hinihiwa ko ang stake na siyang hapunan ko. Isinubo ko iyon kahit na hindi naman ako nakakaramdam ng gutom.

Ang gusto ko lang ay ang matulog. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Triton, tatlong araw na ang nakalilipas. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko na pagtatrabaho. And I guess that I did over work myself. Ramdam na ramdam ko na iyon ngayon.

Pero hindi naman ako puwedeng basta na lang umalis. Lalo na at kasama ko ang

...

...

boyfriend ko.

His name is Colton Jacobs. Half Filipino and Half British. Dito na siya lumaki sa Pilipinas kaya matatas siyang magtagalog. Dito din nakabase sa Pilipinas ang mga negosyo nila. Nagkakilala kami ng minsang ihatid niya ang teen-ager niyang kapatid sa eskwelehan na pinagtuturuan ko. We dated for a week, at dahil hindi ako ang babaeng kailangan pa ng madaming arte, sinagot ko na siya. Now we've been together for a month and a half.

Pinakamatagal na naging relasyon ko.

"You've been busy this past few days. Hindi ba't sem break na?"

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata. Siya na mismo ang nag-iwas ng tingin sa akin. At doon pa lang, alam ko na na may mangyayari ngayong gabi na ito.

"Hindi naman ibig sabihin na kapag sem-break na ng estudyante ay mag se-sem break din kami na mga guro."

"R-Right. Sorry."

Tahimik na nagsimula na kaming muli na kumain. Pero kung kanina nahihirapan na ako na kainin ang pagkain ko, lalo na ngayon na pakiramdam ko ay bumabara iyon sa lalamunan ko. I braced myself. I know what will happen.

"Dawn."

"Yes?"

"I-I...I think I need sp- I need-"

"You need space?" ibinababa ko ang steak knife na hawak ko at direkta ko siyang tinignan. Imbis na tumingin sa akin ay nakatutok ang mga mata niya sa steak knife. Kitang-kita ko din ang kinakabahan niyang paglunok.

Seriously. It's not like I'm gonna kill him if he say something wrong.

"Y-Yes."

"Why?"

"Dawn...I don't think we should talk about this. Let's just simply cool off."

Inabot ko ang table napkin at marahang pinunasan ko ang bibig ko. Hindi humihiwalay ang paningin ko sa kaniya. "No. Tell me why."

"Dawn."

"Come on, Colt. Do you think your words will hurt me?"

Namula ang mukha niya sa sinabi ko. Tumalim ang tingin niya sa akin. "Dahil pakiramdam ko, wala akong kayang gawin para sa iyo! Kapag kasama kita para akong walang buto. Ni hindi kita magawang halikan o-"

"Is that what this is all about? Gusto mo lang na halikan ako?"

"Damn it, Dawn!"

"What?"

"You don't feel what I need and I don't feel that you need me. Hindi ko maramdaman kahit kailan na kailangan mo ako kahit sa anong bagay."

"Because I don't."

Napatigil siya sa sinabi ko. Tanging sa kaniya lang nakatutok ang mga mata ko sa kabila na alam ko na marami ng nakatingin sa amin ngayon at nakikinig sa pinaguusapan namin.

"Then maybe we can just break up." Colton said with gritted teeth.

Nagkibit-balikat ako. "Okay."

"Frigid."

Akmang tatayo na ako ng marinig ko ang ibinulong niya. Ngumiti ako ngunit malayo iyon sa estado ng emosyon ko ngayon. Gusto ko na ihambalos siya sa kung saan.

"What did you say?" I carefully asked him.

"Bakit hindi ba totoo? Frigid ka naman talaga. Wala kang kahit na katiting na init. No man will ever settle down with you!"

Marami na ako na natanggap na mga masasakit na salita sa mga naging boyfriend ko. Pero sa hindi malamang kadahilanan ay parang ito ang tumimo sa akin.

"It's not my fault that you're a coward."

"I'm not a coward!" he shouted.

"Hindi ba? Sa pagkakatanda ko kanina mo pa sinasabi na pakiramdam mo ay hindi kita kailangan. Iyon ba ang gusto mo na babae? Ang i-asa sa iyo lahat at parang batang usa na hindi makatayo mag-isa?"

"You-"

"Duwag ka. Hindi mo kayang hawakan ang katulad ko na kayang mabuhay, nandiyan ka man o wala. You want a damsel in distess? I'm sorry, but it's not me."

"I don't even know what I see in you. Ilang beses mo na kinansela ang mga dates natin at hindi mo din maibigay ang pangangailangan ko bilang lalaki!"

I chuckled darkly and looked at him. Nakita kong napatigil siya at bumakas sa mukha niya ang takot. My father said I look like an angel. But when I'm furious like this...I am certain that I look like an avenging angel.

"Bakit ko pa ibibigay ang pangangailangan mo bilang isang lalaki kung mayroon naman ng nagbibigay sa iyo? Ano yon, parang restaurant lang? May extra rice ka?"

"Anong-"

May hinugot ako sa bag ko at itinapon ko iyon sa kaniya. Napangiti ako ng manlaki ang mga mata niya sa nagkalat niyang larawan kasama ang isang babae. May mga kuha pa sila na hindi na dapat pa na ipaliwanag.

Hindi ko pinansin noon ng malaman ko ang tungkol dito. Why would I waste my time? It's not like it bothers me. All men are born polygamous. Pero dahil ininis niya ako, iyan ang napala niya.

"Paano mo ito nakuha?!"

"Hindi mo na kailangan malaman. Besides we're over." nakangiting tumayo ako at dumukwang sa kaniya. "Enjoy your life. Try to do something against me and I'll make sure that the little guy in your pants won't ever enjoy life again."

"You bitch!"

Tumayo ako ng diretso at inabot ang bag ko. "Glad to know that your miniature brain knows me enough. See yah!"

Tuluyan na ako na naglakad palabas ng restaurant na kinaroroonan namin. Narinig ko pa ang masigabong palakpakan bago ako tuluyang makalabas.

Naging entertainment na naman ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nangyari sa akin ito. Kahit ata noong high school ako ganito ang nagiging ending. But whatever. It's not like I love them.

Dahil bago pa ako mainlove sa kanila, hinihiwalayan na nila ako.

No one ever tried to stay.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko para lang muling mapahinto ng makita ko ang kabilang restaurant. Naagaw ng atensyon ko ang pamilyar na pigura ng isang tao.

...

...

Triton.

May kausap siya na babae at mukhang base sa ekspresyon ng babae ay hindi na nagiging maganda ang pinag-uusapan nila. Lalong namula sa galit ang mukha ng babae ng may dumaan na babae sa table nila na saglit na kinausap si Triton.

Hindi ko na sana sila papansinin at aalis na ako ng mapansin ko ang table di kalayuan sa kinaroroonan nila Triton.

For all places!

Bakit dito pa naisipan nila mommy at daddy, tita Autumn at tito Wynd, at pati na ng magulang ni Triton na sina tito Marveige at tita Kate na kumain?

We've given enough stress for the Second Elites agents. Kapag nagwala ang babae na kasama ni Triton maeeskandalo pati sina tito at tita. Damn it!

Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa loob. Nginitian ko ang isang waiter na nasa malapit sa pintuan at mukhang na star struck naman siya sa ngiti ko dahil hindi na ako tinanong ng kung ano pa man.

Dumaan ako sa kung saan hindi ako mamamataan nila daddy. Nagmamadali na dumiretso ako sa table nila Triton.

"Triton."

"What the effing hell! Again?" pigil ang galit na bulalas ng babae.

I smiled at her. "Amm, no. I'm not a fling or something. And no, I didn't even took one step near his bed. Katrabaho niya lang ako-"

"Sinong niloko mo? I'm done with this!" hinarap niya si Triton na hindi na malaman ang gagawin. "Walanghiya ka! Kaya ka lang naman nandito dahil makikipag-break ka sa akin di ba?"

"W-Well, sort of? I just want you to stop stalking me. It's been bothering me for weeks. You know our set-up right Jessica?"

"It's Jessilyn bastard!"

Napa 'uh oh' na lang ako ng tumayo siya at walang sali-salitang binuhusan ng wine si Triton na nakapikit na at mukhang ini-expect na ang gagawin ng babae. Hindi ko na itatanong sa kaniya kung ilang beses na nangyari ito.

Umatras ako ng dumako sa akin ang tingin ng babae. I raise my hands and moved out of the way. Nag mamartsa na lumakad na siya paalis.

Hinarap ko si Triton. "Pay the bill."

"Wait. I'm still picking up the pieces of my dignity."

"Matagal ka ng wala niyon. Pay up and hurry."

"Bakit ba?" takang tanong niya at nag pout pa. I tried not to roll my eyes. As always, he loves the spotlight. Hindi na nakakapagtaka para sa isang artista na katulad niya.

Hindi niyo ba alam iyon? He's the child actor of channel 93. Ang estasyon na pagaari nila tito Marveige at tita Kate. Sa ngayon wala siyang project pero artisa pa rin siya.

"Nandito ang parents natin."

"What?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"Idiot! Just hurry up-"

"At saan kayo pupunta?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng daddy ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko at pinandilatan ko si Triton. Huminga muna ako ng malalim bago ko kinalma ang ekspresyon ko at nilingon sila daddy.

"Hi dad-"

"A friend of mine saw your little scene awhile ago Dawniella. Nasa kabilang restaurant siya kung saan gumawa kayo ng eskandalo ng boyfriend mo. O ex-boyfriend. Na naman."

"Dad-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita naman si tita Kate na nakatingin naman kay Triton na napapakamot na lang sa batok niya.

"Ano na namang eskandalo ito? Goodness Triton! Ilang baso ba ng wine ang sasayangin sa iyo ng bawat babae na makikilala mo?"

"Err..."

"No, don't try to answer that!" hinihilot ang sentido na pigil ni tita Kate kay Triton.

Nilingon ko si mommy Sophie at nag peace sign lang siya sakin na para bang sinasabi na wala siyang magagawa. Inakbayan niya na lang si tito Marveige na napapangiti. Si tita Autumn at tito Wynd naman na nasa tabi nila ay kumukurap-kurap lang na nakatingin sa amin habang pareho na may hawak silang fried chicken at nilalantakan iyon.

"We have enough of this. Alam niyo pareho ang responsibilidad niyo pero ganito pa rin ang gulo na ginagawa ninyong dalawa." sabi ni daddy.

"Tama lang na kami na ang magdesisyon para sa inyong dalawa." seryosong sabi naman ni tita Kate.

Oh no. No! Don't tell me ipagkakasundo kami? Goodness no! Aakyat ako sa bundok at magpapakaermitanya kapag nangyari iyon!

No!

Kabadong tumawa si Triton. "No, mom. Don't tell me..."

"No, no, no. Please no." sabi ko at sunod-sunod pa na umiling.

Lumapit sa amin si daddy. Napapikit ako ng mariin habang hinihintay ang sasabihin niya na tiyak sisira sa buong pagkatao ko. Ang makasal kay Triton Lawrence-

...

...

Dahan-dahan na idinilat ko ang mga mata ko ng may marinig ako na tunog kasabay ng mahinang tapik sa noo ko. Nakita ko ang isang folder na inaabot sa akin ni daddy. Nilingon ko si Triton at nakita ko na may hawak din siya na katulad sa akin.

"A-Ano ito daddy?"

"Compilation iyan ng mga eligible bachelors na kilala ng pamilya natin. You need to choose one of them and marry him. Ganoon din ang nilalaman ng folder ni Triton. Compilation ng mga babae na maaari niyang maging asawa."

What. The. Hell. CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~

Ang mga karakter at pangyayari ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa mga pangyayari, pangalan at tao ay hindi sinasadiya.

PLUG: Something That We're Not by tabbie_bel

The Forbidden Palace by romaitalia

CHAPTER 2

DAWN'S POV

"Ah, this one is my dream girl. Look at that glorious body. And even that hair screams off 'I'm the one'."

Hindi ko pinansin ang boses ng pasaway na asungot na walang iba kundi si Triton. Nakatutok lang ang atensyon ko sa hawak ko na tablet device kung saan nilipat ko ang compilation na ibinigay sa akin ni daddy.

"Ugh! Nevermind. Dati siyang naging suspect sa pagpatay sa sixty years old niyang naging asawa. Why would my parents even put her in this compilation?"

"Maybe to check if you're stupid enough." I mumbled. But I'm sure he heard clearly.

"Ang sungit mo naman! For sure hindi din naman perpekto iyang mga nasa listahan mo."

Hindi ako sumagot dahil tama naman siya. Sa apat na profile na nabasa ko, wala ni isa na matino akong nakita. May isa na former ex-convict at nakakawala lamang dahil sa mayaman nitong pamilya. The other two, I simply don't like them because I already met them. Naging boyfriend sila ng dalawa ko na katrabaho sa university na pinagtatrabahuhan ko.

At ito ngang pang-apat na binabasa ko. Colton Jacobs. Definitely not worth my time. My dad's crazy for putting him in the list. I will never date someone I already dated before. Lalo na kung kabebreak lang namin.

"Guys, can I have your undivided attention please?"

Boses iyon ni Freezale. "What is it?" I asked.

"Incase hindi niyo naaalala, nasa gitna tayo ng mission. Kaya kung pwede saka niyo na muna asikasuhin ang...paghahanap ninyo ng asawa."

I sighed heavily. Ibinalik ko na ang tablet device sa loob ng itim ko na backpack at pilit na pinagkonsentra ko ang sarili ko.

Right. Mission.

Where I am? I'm currently

...

...

dangling from a building.

Hindi ko nakikita si Triton pero alam ko kung saan ang location niya. Kailangan ko lang manatiling nakasabit rito. I'm at the 17th floor.

Pumasok kami sa loob ng building ni Triton kaninang hapon. Umakyat kami sa rooftop at nagtago muna roon habang pinag-aaralan namin ang gagawin namin. Nang dumilim na ay naghiwalay na kami. I'm located at the left side while he's on the right.

Pagkakaiba lang, sa 18th floor na siyang huling palapag ng gusali, nakatapat si

Triton.

May nagaganap na pagtitipon sa parehong palapag. Hapon pa lang ay nagsidatingan na ang mga bisita. Karamihan sa mga iyon ay kilala sa larangan ng politiko.

Ang mga politiko bang ito ang ipinunta namin? May gagawin ba silang ilegal na transaksyon? O may krimen silang gagawin sa iba pang mga panauhin sa gabing ito?

None of the above.

Ang mission na ito ay personal sa BHO CAMP. We're not even doing this for the money. Walang nakakaalam sa magaganap ngayong gabi maliban sa BHO CAMP. Those politicians and well known person have no idea that they will get slaughtered tonight,

...

...

by Claw Organization.

Nalaman namin ang tungkol sa ambush na gagawin ng Claw ngayong gabi. Dahil nga sa mga kilala at mayayamang tao ang dumalo, maraming mga guwardiya ang kinuha ang serbisyo para sa pagtitipon na ito. And those guards...are members of Claw.

Katulad ng inaasahan, hindi lang sa ilegal na armas, gamot at pati na sa human trafficking maasahan ang Claw. Pati na sa mga trabahong ganito. An ambush.

And what are we here for?

A counter-attack.

"Did they took the bait?" I asked Freezale.

"Yes."

"Good. Looks like we're having a lights out party later."

Tumingin ako sa suot ko na relo. Ilang minuto na lang at magaganap ang speech ni Vice President Jomar Viray. Base sa anonymous source na nakuha namin, sa oras na ito magaganap ang pagpatay sa lahat ng tao na dumalo sa pagtitipon.

The cue will be the Vice President, since he's the culprit. Iisa lang naman ang ibig sabihin nito. Siya ang kumuha ng serbisyo ng Claw. Marahil ang mga imbitado ay ang mga kalaban niya.

Including the president.

"Twenty seconds Dawn."

Hindi ako sumagot sa paalala ni Triton. Nakapokus na ang buong atensyon ko sa mission. This is not just a counter-attack ambush.

This is a wipe-out.

No one should escape alive. Or maybe just one. Enough to send a mesage to Claw.

Lumikha ng mahinang tunog ang alarm ng relos ko. Pinindot ko iyon at iniikot ko ang katawan ko hanggang sa nakatutok na ang ulo ko sa ibaba. I braced myself on the glass wall. Kinuha ko ang 'pierce' sa bulsa ko at ginamit iyon. Pierce is a device made by the experiment department agents. It's a small laser that can cut through anything.

Dahan-dahan na inalis ko ang piraso ng salamin. Inilusot ko ang kamay ko at binuksan ko ang glass window. I open it enough for me to get in.

"In position." I murmured.

"Same." pagbibigay-alam ni Triton.

Sa 18th floor magaganap ang speech ng Vice President, habang dito naman sa 17th floor naroroon ang ilan sa mga senator at gobernador na tinipon ng asawa ng bise presidente para di-umano sa isang sorpresa para sa presidente.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Nais ko na magpasalamat sa inyong pagdalo sa pagtitipon na ito. Alam naman nating lahat na nalalapit na ang kaarawan ng ating mahal na presidente. At dahil dito ay naghanda ako ng isang napakalaking sorpresa."

"Did you heard that Dawn?" tanong ni Triton.

"Yes."

Umuklo ako sa isang gilid at nagkubli. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Halata sa kilod ngmga gwardiya na may binabalak sila. Marahil siyang dahilan kung bakit hindi na mapakali ang ilang mga bisita. They can feel the tension of the surrounding.

"Three..." bulong ko.

"Two..." aniya ni Triton.

"One." si Freezale.

Umalpas angilang mga sigaw sa mga bisita ng bigla na lamang mamatay ang ilaw. Lumabas ako sa kinakukublian ko at umakyat ako sa pader sa pamamagitan ng 'sticky'. A device used for situation like this.

"Freezale."

"I got it."

Umangat ang gilid ang labi ko ng pinagana ni Freezale ang sprinkler. I smiled triumphantly when the targets showed themselves.

Halata ang gulat sa kanila ng bigla na lamang umilaw ang mga suot nilang damit. Neon.

This was the thing that I asked Freezale awhile ago. Pinalitan namin ang mga uniform nila na mismong dito sa lugar na ito ipinamahagi. It was suppose to be a formal security suit. But we painted it with special neon paint that will only get activated once it gets wet.

Making it so much easier for us.

"Down!" pag-aalarma ko sa mga tao.

Bumitaw ako mula sa ceiling at naglanding ako sa tao sa ibaba ko na kitang-kita ko

dahil sa neon paint sa damit niya. I quickly stranggled him using my arm, I counted the seconds until I'm sure that he will never wake up again. When he went limp on my arms, I quietly put him down.

Tahimik na umalis ako at nag-iba ng puwesto. Hindi nila ako pwedeng mahuli. As long as I keep on moving, they won't see me. Pero kailangan naming bilisan ni Triton. Hindi magtatagal at bubuksan nilang muli ang ilaw.

"Status, Tri." I whispered.

"I got hold of the president. Safe. Commencing on the wipe out."

Isa-isang nawala ang mga target. They're taking off their clothes. Naisip na namin ito. The neon was just for rattling them. Nagawa naming guluhin ang plano nila dahilan para magkawatak-watak sila ngayon.

"Got it." sabi ko. "Activate Vision, Freeze."

"Awcknowledge."

Dahil sa suot ko na contact lense, sa kabila ng dilim ng paligid, kitang-kita ko ang mga tao sa paligid. Tumayo ako ng tuwid at hinigot ko ang baril ko mula sa holster ko sa hita. I pointed my gun at the man at 12 o'clock position and fired.

Straight to the head.

Without moving an inch, I continue to fire. 9 o'clock, 3 o'clock, 6 o'clock. No one able to escape my bullets.

"On your left, Dawn. Someone's approaching the switch."

Automatic na umangat ang kamay ko at nagpaputok ako. Napasinghap ako ng kung mula sa kung saan ay may humawak sa kamay ko at pinilipit iyon dahilan para mabitawan ko ang baril ko.

"Sino ka?!"

I didn't dare speak. I twisted my arm and dive on the floor, my legs hitting the man who caught me. Pero mabilis din siya, nagawa niyang hilahin ang mga binti ko hanggang sa mapalapit ako sa kaniya.

O situation like this, you must never stop struggling. Even without weapons you will still have your secondary weapons.

Your body parts.

Since he's on close-quarters, I sucessfuly elbowed him on the abdomen. Narinig ko ang paghigit niya ng hininga sa ginawa ko. Mabilis na kumilos ako. I wrapped my hands around his neck and use it as a leverage to jump on his back.

Nakadikit na ngayon ang likod ko sa likod niya habang patalikod na sakal-sakal ko ang leeg niya.

"B-Bit...bitiwan-"

I kick his back at the same time I pulled on his neck. I heard an appaling sound of cracking and let go of the man.

"I'm done here." narinig kong sabi ni Triton.

"Just one more. Our messenger-"

"Get out of there." kalmadong sabi ni Freezale. But I know her. Something's wrong.

"What is it Freeze?"

"May tumawag na ng tulong. Kailangan niyo ng umalis diyan."

"Copy. I'll run towards the left side. Nandoon ang rapel-"

"No. They're coming from there."

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko na may gumalaw. Our messenger. Mabilis ang kilos na tumakbo ako sa kinaroroonan niya at tinalunan ko siya. Inipit ko ang leeg niya sa braso ko.

"P-Pakawalan...mo...k-ko..."

"Listen. I'm not gonna kill you like the others. Kailangan mong bumalik sa Claw. Deliver them my message."

"A-Anong-"

"They will pay...this is war. Deliver that message and I will spare your life. Fail to do so and I'll hunt you down."

Pinakawalan ko siya at mabilis na I have no choice. Walang kahit na The government might turn a blind parties on this matter is part of shouldn't be known.

tumakbo ako papunta sa kanang bahagi ng palapag. sino ang dapat na makaalam na involve kami rito. eye when it comes to us but since the involve the government officials, our involvement

Pinaputukan ko ang glass window sa tapat ko at walang pag-aalinlangan na tumalon.

If I die, I will die doing something for Storm.

Nahigit ko ang hininga ko ng may marahas na sumaklit sa bewang ko. Napatingin ako sa taas ko at nakita ko si Triton na may nakakabit na rapel chord at nakayakap sa bewang ko. Masama ang tingin niya sa akin.

"Are you insane?!"

"Good catch." I said nonchalantly.

"For goodness sake Dawn! That could have killed you!"

"But it didn't."

Nang makababa kami ay kumilos na kami ni Triton paalis. Siniguro naming walang makakakita sa aming dalawa.

"Wala bang thank you diyan?"

Binigyan ko ng matalim na tingin si Triton na nakangiti na ngayon. Bipolar talaga. Sumimangot ako at inirapan ko siya. "Thanks."

"Say, thanks master."

"Thanks..."

"Ahuh?"

Nginitian ko siya ng matamis. Saglit na natigilan siya at sunod-sunod na kumurap habang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa magkadikit na ang aming mga katawan. Imbis na sa mukha ko tumingin ay bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko.

Malakas na tinapik ko siya sa dibdib. "I will..." pinalo ko siya ulit. "Never call you, 'master'."

Ngumuso siya. "Fine."

"Talagang fine. Ako lang ang master dito."

"Pareho lang tayo no!"

"Hindi." sabi ko at naglakad na.

"Oo kaya!"

Hinarap ko siya ulit at pinameywangan. "Ako ang master at ikaw...monster ka."

Imbis na maasar katulad ng inaasahan ko ay ngumisi si Triton at sumayaw-sayaw habang inililiyad ang hinaharap niya. "Monster talaga itong si little Triton. Wanna see?"

"Bastos!"

"Medyo lang!"

Grr. Monster monster monster!

NAKASIMANGOT na iniswipe ko ang screen. Katatapos ko lang basahin ulit ang isa na namang profile. At katulad ng mga nauna, wala akong nagustuhan.

Goodness. Bakit ba ako nasadlak sa ganitong sitwasyon? Ano bang magagawa ko kung hindi tumatagal ang mga nagiging boyfriend ko? Kasalanan ko ba na lahat sila ay sadiyang mga duwag?

Nilingon ko ang kabilang bahagi ng office ko. Nandoon si Triton na napapaligiran ng bundok ng basura niya at nakasubsob sa table niya. May hawak din siya na tablet device at mukhang nagbabasa din ng mga profile.

Great. Pareho pa talaga kami ng kapalaran.

Napabuntong-hininga ako. I can't get married this way. This is so wrong. Kahit naman na puro palpak ang mga naging relasyon ko, gusto ko din naman magkaroon ng kung ano ang meron ang mga magulang ko.

I can't get married to someone I don't love.

Pareho nga siguro kami ni Triton. Hindi ako natatagalan ng mga nagiging boyfriend ko, habang siya naman ay hindi natatagalan ang mga nagiging girlfriend niya. I can do anything. I can manage a whole organization but I can't stay on a relationship.

Habang siya naman ay kaya niya kung gugustuhin niya, but he can't because he doesn't have the sense of responsibility.

Napatuwid ako sa kinauupuan ko ng bigla akong may maisip. Kunot ang noo na tumayo ako at nagpipindot sa glass wall. Napaangat ng tingin si Triton ng walang salisalitang pumasok ako sa office niya.

"Woah! For the first time in forever!"

"Tigilan mo ako Lawrence."

"Aba kailangan nating mag celebrate. Ito ang unang beses na pumasok ka sa office ko ng hindi kita pinoprovoke-"

Malakas na ipinalo ko ang kamay ko sa lamesa niya at direktang nakatingin sa mga mata niyang yumuko ako. Sumilay ang ngiti sa labi niya at sumandal siya sa swivel chair niya. "What do you need, Dawniella?"

"I need your help."

Animo himala ang ipiniresenta ko sa kaniya sa itsura niya ngayon. I rolled my eyes at him and continue. "And you need mine."

"I don't."

"Yes you do."

Nagsukatan kami ng tingin. Nang mukhang hindi niya na matagal ang titig ko ay ngumisi siya at ikinumpas niya ang kamay niya. "Let's hear it."

Kung hindi ko lang kailangan ang taong ito, baka wala na siyang buhay matagal na. But since we both need each other, might as well endure his attitude.

"You'll teach me how to date. How to have fun."

He laughed out loud. "Easy-"

"And I'll teach you how to manage this organization."

Nawala ang ngiti sa labi niya. "I can handle this place very well, Dawn."

Now it is my turn to smirk at him. "Taon ang binilang ng pagsasanay ko para hawakan ang organisasyon na ito. Sa loob ng mga taong iyon, wala kang ginawa kundi maghabol ng palda ng kung sino-sinong babae. We both know I am better on handling this job than you do."

Natahimik siya na animo nag-iisip. Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kaniya at bumaba ang tingin niya doon bago muling bumalik sa mukha ko ang tingin niya. "Deal, monster?"

A smile crept on his lips. "Deal...master." CHAPTER 3 ~ Fun ~

CHAPTER 3

DAWN'S POV

Isang malakas na sigaw ang gumambala sa mga guest na kumakain sa 'Craige' ng bigla ko na lang binatukan si Triton. Saglit na tumingin lang sa amin ang mga tao at pagkaraan ay binalik na nila ang mga atensyon nila nilang pinag-uusapan.

Sanay na sila sa kabaliwan ng mga tao dito sa BHO CAMP.

"What the hell Dawn? Muntik ng makipagface to face ang kagwapuhan ko sa isang mainit na soup."

"Nakakadagdag daw sa kagwapuhan iyan."

Napatigil siya at sunod-sunod na napakurap. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng may seryosong ekspresyon sa mukha. "Talaga?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at akmang babatukan ko siya ulit ng mabilis na inisod niya palayo sa akin ang kinauupuan niya na kanina ay ipinagdidikitan niya sa akin.

Kasalukuyan kaming nandito sa 'Craige' para mag dinner at para isagawa na din ang deal namin. Ayos na sana ang pag-uusap namin kung hindi ko lang biglang naramdaman kanina ang malikot na kamay ni Triton na nakapatong sa hita ko.

Monster talaga.

"Tigil-tigilan mo ako Lawrence at baka samain ka sa akin."

Ngumuso siya. "Lagi naman akong sinasama sa iyo."

"Buti alam mo!"

Nagdadabog na hiniwa ko ang steak na nasa plato ko. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang mahiwa sa gitna ang plato sa tindi ng pagkaskas ko doon ng steak knife. Kumunot ang noo ko at napatigil ako ng mapansin kong nananahimik si Triton. Nag-angat ako ng tingin para tignan kung anong nangyari sa kaniya.

Great. "Triton Lawrence!"

"Huh?" tumingin siya sa akin. "What?"

Itinaas ko ang steak knife na hawak ko. Napaatras siya sa upuan niya at itinas niya ang dalawa niyang kamay. Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin at nanggigigil na ibinaba ko ang steak knife.

Relax Dawniella. Relax. Hindi ang halimaw ng panty na iyan ang makakasira sa composure mo. Calm...down.

"Nag-uusap pa tayo hindi ba?"

Napakamot sa ulo niya si Triton at tumingin uli sa babaeng dumaan kanina. "Well you see...a healthy man like me needs-"

"Healthy food and exercise."

Kuminang ang mga mata ni Triton at dumukwang. Bumulong siya. "Sweetheart, can you see that babe's body? That is food and exercise for a man like me—Aray!"

Piningot ko lang naman po siya. Hinila ko ang tenga niya palapit sa akin. "Listen well, monster. I don't have plans on getting married to someone I don't get along with. What if he's a psycho? Worst, what if he's like you?!" sabi ko at pasalyang binitawan ko ang namumula niyang tenga.

Sinaklit ni Triton ang damit niya sa tapat ng kaniyang dibdib na para bang inaatake siya. "What's wrong with a hot, handsome, delectable me?"

"Everything!"

Ngumuso siya ulit at itinaas ang dalawang kamay papunta sa mukha niya. "Ang gwapo ko naman." bumaba ang mga kamay niya sa katawan niya. "Ang macho ko din." Nanlaki ang mga mata ko ng bumaba pa ang kamay niya. Bahagya niyang hinila ang pantalon niya at umaktong may sinisilip roon. "At ang laki ng-"

"TRITON LAWRENCE!"

"At ang laki ng paa ko."

Napatigil ako. "Anong kinalaman ng paa mo?"

Ngumisi siya at itinukod ang siko niya sa lamesa at nangalumbaba. "You know about the old saying? Big feet...big penis-"

"Triton!"

Tumayo ako at sinaklit ang kwelyo niya palapit sa akin. Magkatapat ang mga mukha namin na sininghalan ko siya. "Focus!"

"Woah. I'm so focusing."

Bumaba ang tingin ko sa tinitignan niya. Kasabay ng pag-iinit ng mukha ko ng mapagalaman ko na halos iduldol ko na ang dibdib ko sa mukha niya ay angpag-igkas ng kamay ko.

"Aray! May kamay na bakal ka talaga!" reklamo ni Triton habang hinihimas ang batok niya.

"Hindi lang kamay na bakal ang matitikman mo kapag hindi mo ako tinigilan. Pati kamay na kasing bigat ng mundo, ipangbabatok ko sa iyo."

"Grabe ka naman sa akin sweetheart. Hindi mo ba alam na kapag naalog ang ulo, mababawasan ako ng brain cells?"

"Meron ka ba non?"

"Alin? Ng ulo?" mapanuksong ngumiti siya. "Meron. Dalawa pa nga eh."

Mariing pumikit ako at pilit na kinalma ko ang sarili ko. Hindi worth it kapag nakulong ako dahil sa halimaw na ito. Kailangan kong kumalma.

Binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako na lumang clear book na kulay asul. Padabog na ibinaba ko iyon sa harapanni Triton.

"What is this?"

"Nandiyan ang mga basic nakailangan mo na malaman."

Binuklat niya iyon at tinignan ang mga pahina. "Basic? Ito ba iyong pinag-aralan mo noong college tayo?"

"No. Iyan ang pinag-aaralan ko noong first year highschool pa lang ako."

Nagkandahaba ang nguso ni Triton sa sinabi ko. "Eh bakit ito ang pag-aaralan ko? Hindi na ako high school!"

"Suppose to be dapat kong pag-aralan iyan ng mag college ako. Sadiyang advance lang talaga ako."

"Matalino ako!"

"Hindi ko sinabing hindi ka matalino."

Ngumiti si Triton at nag peace sign. Pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat. "Buti naman alam mo na matalino ako."

"Alam ko na matalino ka. Pero mas lalo kong alam na mas matalino ako sa iyo."

Napanganga siya pero hindi ko na siya pinansin. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at direktang tinignan ko siya sa mga mata. "Now, tell me something that can help me."

Bumuntong-hininga siya. "First, when a man touch you, hindi mo siya dapat batukan."

"At anong gusto mo? Magpaparty ako na minamanyak na ako?"

Kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti niya. "Of course not. Are you stupid?"

"What?!"

Napakurap siya at pagkatapos ay pinilig niya ang ulo niya. "What I'm saying is, you don't need to resort to violence. You can simply smile and take the man's hand away."

"Okay. What if he tries to kiss me?" natigilan siya. "What?"

"Well...then you should let him."

I crossed my arms. "Paano kung ayoko?"

"Then don't let him." akmang magsasalita ako pero inunahan na niya ako. "Not all men are pigs, Dawn. We know our limitation. Marunong naman kaming umintindi kapag ayaw ng babae."

"Fine." Saglit na nag-isip ako ng itatanong. "What if he want to have sex with me?"

"Definitely not!"

Kumunot ang noo ko. "Why not? Ginagawa niyo nga iyon ng mga girlfriends mo."

"You're different okay? You're not like them. I'm not saying they're easy or anything. But you kept yourself pure all these years. Hindi mo kailangan na bastabasta na lang bitiwan iyon. Give it to the man that will take you to a church and marry you."

"H-How did you know?"

"It's not that hard to guess that you're a virgin-"

Tinakpan ko ang bibig niya at nagpalingon-lingon ako. Nang matiyak kong walang nakarinig sa sinabi niya ay binitiwan ko siya. "Be quiet!"

"Anong dapat mong ikahiya?"

"I'm too old to be a virgin."

"You're not old. You're what? Twenty three? Twenty four?"

"But-"

"Dawn, hindi man batayan ang virginity para respetuhin ka ng isang lalaki, hindi ibig sabihin niyon ay hindi mahalaga iyon. Your virginity is your treasure that should only be given to that right man."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na sa isang babaero na katulad pa ni Triton manggagaling ang mga salitang iyon. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na seryoso sa buhay.

"O-Okay." I murmured.

Ngumiti si Triton at tumayo. "Get up."

"Saan tayo pupunta?"

Kumindat siya at hinila ako patayo. "You need some practical lesson."

INILIBOT ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang maliit na diner kami. Marami ng tao sa loob at karamihan ay mga kalalakihan na nag iinuman sa may mini bar. Sa isang panig ng lugar ay may maliit na dance floor, sa bandang mataas na platform naman ay may pool tables.

"What are we doing here?" I asked Triton.

"You want to learn to have fun right? Then we'll have fun."

Hinarap niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa. My 'mataray' instinct kick in. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinailing niya lang. "This won't do, master."

Pinameywangan ko siya. "What do you mean, monster?"

Imbis na sagutin ako ay dumako ang pagkagulat ko ay binuksan niya ang ay iniangat niya naman ang manggas beautiful, yes. But you look stiff

mga kamay niya sa blouse na suot ko. Sa tatlong butones niyon. Bago ko pa siya mabatukan ko hanggang nasa siko ko na iyon. "You look too."

Sa pagkabigla ko ay hinila niya ang tali ng buhok ko. Nakangiting sinuklay niya iyon gamit ng mga kamay niya. "There you go."

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako papunta ng mini bar. "One straight vodka and one vodkatini."

Akmang kikilos na ang bar tender pero pinigilan ko siya. Hinarap ko si Triton. "Do you think I can't drink a straight alcoholic beverage?" Inirapan ko siya at pagkatapos ay tumingin sa bartender. "Two straight vodka."

"Got it, Miss."

Nang dumating ang order namin ay inabot ko ang shot glass. Sumilay ang ngiti ni Triton at inabot din niya ang sa kaniya. "Cheers?" Triton asked.

"Cheers."

Inistraight ko iyon. Pinigilan ko na lumabas sa mukha ko ang nararamdaman ko sa pagkabigla ko sa init niyon. Tinignan ko si Triton na ngingisi-ngisi na para bang alam niya kung ano ang iniisip ko.

"Another?" he asked.

"Bring it on."

Nakadalawang shot pa kami bago niya ako inaya sa isang pool table. Inayos niya ang mga bola at pagkaraan ay pareho na kaming may hawak ng billiard stick. Nang ako na ang titira ay naramdaman ko siya sa likuran ko. Yumakap siya sa bewang ko. Automatic na kumilos ang kamay ko para patamaan siya ng billiard stick ngunit na pigilan niya iyon.

"When you're with another man, you can't hit him with a billiard stick. You'll just simply get away from him. Then smile."

Lumayo ako sa kaniya at binigyan ko siya ng masamang tingin. "I will look like as if I'm flirting."

"Better than him thinking that you're a frigid psycho woman."

Sinenyasan ni Triton ang bartender at lumapit ito sa amin dala ang dalawang shot. Wala ng pag aalinlangan na kinuha ko iyon at ininom. Nagkatinginan pa kami ni Triton habang iniinom iyon. Ngumiti lang siya.

"Let's dance, Dawn."

"I don't dance. Hindi ako nag-aral ng kahit na anong dance lesson-"

"You don't need to learn how. If a man ask you to dance, it won't be just a simple dance than can be learn on workshops. It will be about the touching of the skin, your nearness to his body, his sensual move as well as yours."

Hindi ko na magawang makatanggi ng hinila na niya ako papunta sa maliit na dance floor. May pinindot siya na kung ano sa screen sa harapan at pagkaraan ay pumailanlang ang kantang 'Sex On Fire' by Kings of Leon.

Napaangat ang tingin ko kay Triton ng maramdaman ko ang mga kamay niyang humahaplos sa braso ko. Nasa likuran ko siya habang isinasayaw niya ako sa saliw ng tugtugin. "Touching of the skin." he softly whispered.

Hinapit niya ako palapit sa kaniya. His right hand splayed on my tummy, pulling me closer to him, my back on his hard chest. "Your nearness to my body..."

Hinila niya ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa balikat niya. Bumalik ang mga kamay niya sa bewang ko at gumalaw siyang muli. I close my eyes and lean back on him, my head laying on his shoulder while I grind on him. I heard him whisper again. "My sensual move...as well as yours."

Napadilat ako ng iniikot niya ako kasabay ng paghila muli sa akin. Magkaharap na ngayon na magkadikit ang mga katawan namin. "You understand, Dawn?"

"Y-Yes."

"And the most important thing..."

"What?"

Ngumiti siya at napatili ako ng bigla na lang niya akong binuhat. Sinampa niya ako sa isang lamesa na malapit sa amin. "The most important thing is to have fun."

Kinuha niya ang dalawang shot sa lumapit na bartender at pagkatapos ay sumampa din sa lamesa na kinatutungtungan ko. Inilibot ko ang paningin ko. My eyes widened when I saw the other people on the diner cheering for us.

Inabot sa akin ni Triton ang shot glass. "Cheers?"

"Cheers."

Tinungga ko ang laman ng shot glass. Iyon ang huling bagay na naalala ko ng bigla na lamang akong nawalan ng malay.

TRITON'S POV

Mabilis na sinalo ko si Dawn ng bigla na lang siyang mawalan ng malay. Binuhat ko siya at ibinababa. Tinignan ko ang bartender. "Put our drinks on my tab."

"Got it Mr. Lawrence."

Inilabas ko na si Dawn ng diner. Mukhang hindi talaga siya sanay sa mga straight drinks. Hindi na iyon nakakapagtaka sa kaniya.

"You monster..."

I chuckled. "I got you."

"Are we...are we...we going home?"

"Yes, sweetheart."

Ipinasok ko siya sa loob ng passenger seat at pagkatapos ay hinila ko ang seatbelt para isuot sa kaniya. "But I don't want to go home!"

"It's late." sabi ko at ikinabit na ang seatbelt.

Umikot ako sa kabilang panig at sumakay na. Pinaandar ko na ang sasakyan. Panakanaka ay tinatapunan ko ng tingin si Dawn na pabiling-biling sa kinauupuan niya.

"Want to have fun!"

"We already did, swetheart." I softly said and focused on my driving.

"More!"

"Next time."

"More more more!"

Dawn will kill me kapag naalala niya ang mga ito bukas. Dawn will not change overnight. This is the alcohol talking. "Next time na lang, Dawn. Baka patayin na ako ng daddy mo kapag pinainom pa kita."

"Are you afraid of my daddy?"

"Well, yes."

"You're not afraid of me?"

Nilingon ko siya. Malamlam ang mga matang nakatigin siya sa akin. Animo hirap na hirap siyang idilat ang mga mata niya. "No, sweetheart."

"Why?" Ipinikit na niya ng tuluyan ang mga mata niya. "Everyone of them...everyone of them left me because their scared...of me." she whispered.

Hindi na ako sumagot ng makita kong nakatulog na siya. Nang makarating kami sa BHO CAMP ay diniretso ko iyon sa parking lot ng headquarters. When I cut off the engine, I looked back at Dawn.

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa natutulog niyang anyo. Marahang hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.

"Who could be afraid of an angel, Dawn?" CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~

A/N: Let's thank John Green, Starbucks and Greenwitch for curing my writer's block. Hooray! Anyway highway holiday, dati nakakapagsulat pa rin ako kahit na said na said na ang utak ko at matindi ang WB ko. Kakaiba lang ngayon dahil stress na stress na ako. I can't write like how I used to write before. Aribang ariba ako dati, sunod-sunod na chapters ang nagagawa ko. But after finishing a bunch of long novels, sana naman ay maintindihan niyo ako :) The ideas won't appear like I have a

magic wand and made it appear. Nafu-frustrate din ako sa sarili ko. Gusto ko din iyong katulad dati. But I'm just thankful that I able to write and finish a lot of stories, and now I have enough space in my brain to fill it with new ideas.

CHAPTER 4

DAWN'S POV

"Can I have your daughter for the rest of my life? Say yes, SAY YES! Cause I need to know! You say I'll never get your blessing till the day I die! Tough luck my friend but the answer is NO!"

I squeeze my eyes shut. My brain will probably explode and be a mass of splattered object because it hurts like a bitch! Dapat matuwa ako na unang sasabog ang utak ko. At least hindi na kailangang magdusa ng kaawa-awa kong tenga sa lintik na alarm clock na naririnig ko.

The voice won't just wake the dead. It will wake an entity that doesnt exist before to life!

"Why you gotta be so rude?! Don't you know I'm human too? Why you gotta be so rude? I'm gonna marry her anyway!"

"Oh please please, just stop! I'm dying—No! I'm gonna kill you! I'm gonna break you into pieces, you stupid alarm clock! Why do I even have an alarm clock? I dont have an alarm clock!"

Tumili ako at nakapikit pa rin ang mga mata na tinakpan ko ng unan ang mukha ko. I momentarily stop to think why my pillow smells different. It smell like soap mixed with something...manly.

"Erm, it's kinda upsetting that you want to break me...into pieces. Pero on the bright side, wala kang alarm clock dahil hindi ako alarm clock. Yey!"

My eyes snapped open and I reflexively throw the pillow I'm smoldering my face to on the direction of the voice. Napabangon ako at nanlalaki ang mga mata na tinignan ko ang taong nakatayo sa isang tabi ng kwarto na natatakpan ng mukha ng unan na ibinato ko. At...at..kwarto? This is definitely not my room!

Hindi ako ganito kakalat!

"Ouchie!"

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Kilala ko ang boses na iyon. I should have recognized it before. Dapat na rekognasa ko na kanina pa ang boses na maaring siyang maging dahilan para mamatay lahat ng existing living things sa mundo.

"Triton Lawrence!"

"Yes that's me!" ibinaba niya ang unan at nag pogi pose habang ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.

Nagbaba ako ng tingin sa damit na suot ko. I'm wearing a men's shirt and a boxer with teddy bear design. Pakiramdam ko ay natanggal lahat ng dugo ko sa katawan ko. No, no, no! This is a nightmare!

"I-I...I didn't slept with you right?"

"You certainly did."

Nalaglag ang panga ako sa sinabi niya. Goodness no! "T-That can't be. You're an enemy. I should not sleep with an enemy!"

"Why?" he innocently ask.

"Just because!"

Nagkakamot sa ulo na tinignan ako ni Triton. "Eh anong gagawin ko? Wala akong access sa kwarto mo. I'm not on your list. Sinubukan kitang tanungin pero 'more' ka lang ng 'more'. Mamaya isipin pa ng mga agents kung anong ginagawa natin kaya dinala na kita dito."

"It's not an excuse to sleep with me! I can't believe I lost my purity in just a blink of an eye! And I don't even remember how I lost it!"

Tinignan ko ng masama si Triton ng magtangka siya na lumapit sa akin. Napatigil naman siya at naguguluhang nagkamot na lang uli sa ulo.

"But Dawniella-"

"You don't have the right to speak my name!"

"I don't think you lost your...purity."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Don't take me for a fool! Kasing laki lang ba ng thumbtacks iyang junior mo at hindi nawala ang virginity ko-"

"Hey hey hey, master,stop there. My Triton The Great might get offended."

"Shut up!" tili ko.

Huminga ng malalim si Triton at itinaas ang dalawang kamay niya na para bang pulis ako at hinuhuli ko siya. "Listen-"

"No!"

"Dawn. To get your purity, I must first destroy the sharks on the way to the...err...Virgin Island using my s-sword."

Lalong nalukot ang mukha ko sa pinagsasasabi niya. I have a hang-over and my head hurts! Lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa sitwasyon namin. "Hindi kita maintindihan!"

Gamit ang dalawang kamay ay sword must 'enter' a fierce of foes, before I will land Napatingin ako sa eksaktong Aaah!"

itinuro niya ang harap ng pantalon niya. and a little bit painful battle to fight to..." iminuwestra niya naman ngayon ang tinuturo niya. My 'there'."The Island of

"This great the barricade direksyon ko. Oooh and

"Triton Lawrence!"

"And we didn't. Pinalitan lang kita ng damit at dahil iisa lang naman ang kwarto dito sa flat ko, syempre natulog na lang ako sa tabi mo. Alangan namang sa sofa? Me, the creator of the word awesome, will sleep on a small sofa? No way!"

Napatigil ako sa pag-iisip ng magandang paraan para patayin siya. "H-Hindi tayo nag-"

"Nope." nakangiting umiling si Triton at nag gwiyomi pose pa.

"Virgin pa rin ako?"

"Yup! But if you want I can help you take care of that."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Masyadong maganda ang mood ko dahil sa nalaman ko. Hindi ako napagsamantalahan ng manyak na ito. Hindi niya nakita ang mga pinagkakaingat-ingatan ko. Thank goodness.

"Hindi ako namanyak ng thumbtack mo?"

"Now you're insulting my greatness."

I beamed at him. Not caring that I hate him from head to toe. "That is so great!"

Sunod-sunod na napakurap siya na para bang namamaligno siya o ano. Nakatitig lang siya sa mukha ko na tinatamaan ng sinag ng araw. "W-Wow."

"I know right. I'm still a dignified citizen of the Earth. Hindi pa ako nahahawakan ng isang manyak at lalong hindi pa kabilang ang undies ko sa koleksyon mo."

Napakurap ulit si Triton na para bang bigla siyang nagising sa sinabi ko. He smiled sheepishly and scratch his head for the third time. "About that..."

"About what?"

Imbis na sagutin ako ay nakangising may kinuha siya na box na pamilyar na pamilyar sa akin. Binuksan niya iyon at may hinugot. Ipinakita niya sa akin iyon at halos mawalan ako ng ulirat. It's my undies! "It's clean, I washed it" panggagaya nito sa isang babae sa Eat Bulaga. "And it's mine BWA-HA-HA-HA!"

"HOW THE HELL?!"

"Sino pa ba ang magpapalit ng damit mo?"

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya. Ikinuyom ko ang mga kamay ko at nagbabaga ang mga mata na tinignan ko siya. "Triton!" pagkasabi niyon ay kaagad na tumayo ako at sinugod ko siya. "Akin yan!"

Sumimangot siya at inilayo sa akin ang undies. "Akin to!"

"Sayo pala ha?! Eto sayo!"

"SERIOUSLY Triton. Saan ka ba nagsususuot at ang laki ng pasa mo?" tanong ni Hermes at inabutan ng ice pack si Triton.

Nandito kami ngayon sa 'Craige'. Nang makaalis kasi ako ng kwarto ni Triton pagkatapos ko siyang suntukin ay hindi ko na siya nakita. Ngayon nalang pagpasok ko ng Craige para mag-almusal at natagpuan ko siyang may pasa sa kanang mata niya.

Kung hindi pa ako dadating hindi pa gagawa ng paraan. Tsk.

"May kinupkop ako na anghel kagabi. Pinatuloy sa aking kwarto, binihisan, pinatulog sa aking The Great na kama at pagkatapos ay sinuntok ako."

"May nanununtok ba na anghel?" tanong ni Hermes.

"Meron. Iyong kasama ko nga kagabi. Bingi mo pare ah!"

Tumawa si Hermes. Saglit na inalis ko ang nagbabaga kong mga mata kay Triton at tinignan ko siya. Hermes laugh as if he mean it. But we all know better. Na kahit nakakapagbiro siya at nasasakyan ang trip ng mga tao sa paligid niya, hindi iyon talaga ang totoong nararamdaman niya.

Nag-iwas ng tingin sa akin si Hermes na para bang alam niya ang iniisip ko at nginitian si Triton. "Baka naman may ginawa ka."

"Wala ah! Ang bait ko nga eh!"

"Bukod sa pagkupkop sa kaawa-awa mong anghel-"

"Hindi siya kawawa, pare. Monster- este, Master of Angels siya."

Tumawa ulit si Hermes. "Okay. Bukod sa pagkupkop sa master of angels mo, ano pa ba ang ginawa mo?"

"Kinantahan ko siya para magising siya."

Napangiwi ang binata. "That's not a really good idea."

Nagningning ang mga mata ni Triton at pinagsalikop niya ang mga kamay niya. "At kinuha ko ang undies niya. It was so sexy! It even have a cute little ribbon!"

"And that's definitely the worst idea you ever had in your life. Lalo na kung ang taong sinasabi mo ay ang siyang taong iniisip ko-"

Napatayo ako sa kinauupuan ko.Mabuti na lang at nandito kami sa kusina at walang ibang nakakarinig sa amin. "No! Mali ka ng iniisip! Hindi...hindi mo na dapat isipin!" natatarantang sabi ko kay Hermes.

His smile got wider. "Okay."

Hinila ko si Triton palabas ng kusina. I caught a glimpse of Hermes before we leave. Katulad ng inaasahan, nawala na ang ngiti na ipinapakita niya kanina sa amin.

Nang makalabas na kami ay pasalya na iniupo ko si Triton sa isang bakanteng silya. "Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino ang ginawa natin kagabi!"

Napatigil ako ng biglang nilingon ni Triton ang paligid. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang ginawa ko. Pero...maaga pa naman at wala pa ang ibang agents. Kung iyong iba naman ang makakarinig hindi naman siguro nila-

"Oooh, chismax ito!"

"Isang malaking chismax!"

Nilingon ko ang nagsalita. Napapikit ako ng makita ko ang kambal na si Enyo at Eris na nakangising nakatayo sa isang tabi. Sa likuran nila ay nandoon naman si Athena, Hera, Thunder, King at si Freezale.

Goodness. Kung si Freezale na lang sana o si Aiere at Fiere. O kaya si Phoenix at Snow. Phoenix won't say a thing at si Snow naman ay madaling i-bribe. Bigyan mo lang ng mangga iyon, hindi na iimik ang taong yon.

"Come to think of it. Nasa control room kami ni King kagabi at habang—"namula si Freezale. Tinignan niya ang asawa niyang pilyo na nakangiti at pagkatapos ay tumikhim siya at nagpatuloy. "As I was saying, may narinig kami sa isa sa monitor na paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'more'."

Bago pa maprocess ng mga ito ang sinabi ni Freezale ay sumingit na ako para iligaw ang atensyon nila. "Narinig lang? Ano bang ginagawa niyo at hindi niyo nakita?"

Lihim na napangisi ako ng ma-divert na ang atensyon ng mga ito kay Freezale na pulang-pula na. Tinaasan ko lang ng kilay si King na naiiling na nakatingin sa akin.

Sucess. Great as always self. Wait wait. Nahahawa na ako sa kayabangan ni Triton. Kapag hindi ko pinigilan baka nangongolekta na rin ako pagdating ng araw. What will you collect? BrieNo! Erase erase!

TInignan ko si Triton na nakanguso lang habang hawak ang ice pack. "Napingasan ang kagwapuhan ko."

"Kasalanan mo yan."

"Tinulungan na nga kita eh."

"May ulterior motive ka."

Imbis na itanggi ang inaakusa ko ay parang chibi anime na nag beautiful eyes siya at sumayaw-sayaw pa sa kinauupuan niya. "Well you know, my back ached for carrying you. Idagdag pa na ang sikip ng kama ko kasi katabi kita. The least I can do for myself was give myself a little joy." he whispered.

"Iisa lang ang kwarto mo sa flat mo hindi katulad ng mga kwarto namin. You have a gigantic room and a gigantic bed that can probably be sleep on by seven people!" pabulong na asik ko sa kaniya.

Nang mukhang wala na siyang masabi ay ipinadyak niya ang paa niya at nag flip ng buhok na para bang ang haba ng buhok niya. "Naman eh!" maarteng sabi niya.

"Tigilan mo ako Tritona at baka lunurin kita diyan."

Nag-angat ako ng tingin ng may mahinang tumapik sa balikat ko. Si Freezale. Umupo sila ni King sa bakanteng upuan sa lamesa na inookupa namin ni Triton. "Yes?"

"About the mission." Freezale said.

Saglit na kumunot ang noo ko. Mission? Hinalughog ko ang utak ko para isipin kung ano ang mission na sinasabi niya. Nang maalala ko ay tumango-tango ako.

Inilibot ko ang paningin ko. Wala pa namang mga guest. "Iyong kasama ka sa field?"

"Yes."

May mission kami ulit na may kinalaman sa Claw Organization. Knowing Claw, we can't risk not bringing an experiment department agent. Pumalpak na kami noon. That time when...when Storm took that mission.

"What about it?" I asked.

"King is being difficult about it."

Dumako ang tingin ko kay King. Hindi ko makuhang mainis sa kaniya lalo na at nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. He loves Freezale that much.

"Bakit ayaw mo na i-take niya ang mission na ito?" direktang tanong ko kay King.

"It's dangerous."

"Everything about us, everything we do is dangerous."

"This is different Dawn and you know it. We're talking about Claw. The one who almost killed me and the one who killed...her."

Pinigilan ko na bumalatay sa mukha ko ang sakit ng maalala ko si Storm. "I know that. But there is something you don't understand."

"What is it?"

"BHO CAMP girls is different from your average view of an ideal girl or woman. We don't need a man to protect us because we are their equal and they treated us like one. You see, every woman here have their own strength. Sky, with her gun, nothing can be missed. Snow's manipulative nature. Athena's force, Hera's speed, Chalamity's slyness, Nyx's can stay awake straight for days that not even one enemy can move without her knowing, Aiere's ability to blend with darkness as if she's just merely a shadow, Enyo and Eris'...are simply destructive. S-Storm was a queen of the knives. And Freezale? She can calculate your death before you even raise your weapon. She's a genius. Bihira siya magkamali ng kalkula at kung magkakamali man siya, nagagawan pa rin ng paraan. But to be honest, you're like her glitch."

"What do you mean?"

"Dahil ng matuto siya na makaramdam ng emosyon, nag bago siya. She made mistakes, errors on her calculations and lean more on her emotions. And it's not a bad thing-"

Kumuyom ang mga kamay ni King. "I'm putting her in danger!"

"No. You're keeping her alive. Keeping her human." Tinignan ko si Freezale na tahimik na nakikinig lang sa amin. "Emotions are far better leverage than just calculation. Kapag hindi mo nararamdaman kung para saan ang ginagawa mo, kung hindi ka matututong gustuhin at tanggapin kung bakit ginagawa mo ang ginagawa mo, you will finish a mission because it's a job. Not because it's the right thing to do."

Panandaliang natahimik si King. Tinignan ako ni Freezale at tinanguhan niya ako na para bang nagpapasalamat.

"You all might get hurt." King murmured.

"We all have scars from different missions. Hindi nga lang siguro kita dahil magaling ang experiment department team. But it's impossible to finish a mission without a bruise or a scratch, King."

Dumako ang paningin ko kay Triton. Kumibot ang labi ko at parang gusto ko siyang kagatin sa nakita ko. Wala na siya sa kinauupuan niya at nasa tapat na siya ng

glass wall at sumasayaw-sayaw habang sa labas ay mayroong guest na humahagikhik.

Manyak talaga.

"Dawn."

Nilingon ko si King. "Yes?"

"You said that every girl here have her own strength."

"Yes."

"Then what do you have? What are you?"

I smiled at him. Lalong lumawak ang ngiti ko ng mapaatras siya. Something flickered on Freezale's eyes but she doesn't show any emotion.

"I am the weapon."

"W-What do you mean?" tanong ni King.

"My great grandfather Organization. When it founded BHO. Nang mag Davids. Ipinasa naman ito. Ang pangalawa ay

was the one who created Davids' Agency, the old Black Heart was burned to the ground, my grandfather Poseidon Davids, retire siya, ipinasa niya ang tungkulin sa tatay ko, Warren sa akin ni papa dahil ako ang unang Davids sa generation na si Chlymate."

"I still don't understand."

"Kung hindi ko mapapatunayan na kaya kong hawakan ang BHO division, my father won't pass it down to me. Kahit na iyon ang tradisyon hindi nila ipapasa ang tungkuling pangalagaan ang BHO kung hindi ko naman ito magagampanan. Sinabi na ito sa akin ni Papa, bata pa lang ako. Hindi naman daw problema kung isa sa quadruplets o isa sa triplets ang mangangalaga ng BHO. After all, Mishiella Greene-Night and Ethan

Greene are my grandfather's half brother and sister."

Sinulyapan ni King si Freezale "You mean it can be anyone from your family."

"Yes. But grandmommy Mishy said that my father should give me a chance. Hindi ko sinayang ang pagkakataon na iyon. Pinatunayan ko ang sarili ko."

"By?"

"By being the weapon. I do love using guns and knives. But I don't really need one. I don't really know where I got all my strength but I won't question it since it's an advantage for me-"

Napatigil ako ng may maramdaman ako. Nilingon ko ang likuran ko at tinignan ko ng masama si Triton na nag peace sign lang sa akin. Seriously? Doing this in broad day light?

"I understand. Thanks, Dawn."

I gritted my teeth. Huminga ako ng malalim at pinaghiwalay ko ang mga kamay ko. Nakarinig ako ng mahinang mga 'uh oh' habang si King naman ay mukhang kinakabahan habang nakatingin sa akin.

"Then thank you for understanding." sabi ko at hinawi ko ang buhok ko na tumabing sa mukha ko.

"Shit! What the hell is that?" tanong ni King at tinuro ang kamay ko.

Hindi ko na siya sinagot at tumayo ako para harapin si Triton na umaatras na. Alam ko kung ano ang tinutukoy ni King. My hand with a broken handcuff. Apparently mukhang may pumasok na naman na kung ano sa utak ni Triton at bigla na lang akong pinosas.

"What do you think you're doing Monster?" I asked.

"Err...nothing?"

Itinaas ko ang kamay ko. "Mukha bang 'nothing' ito?"

Nakangiwing itinaas ni Triton ang dalawa niyang kamay. "Tinutulungan lang naman kita na mag explain kay King. You know?"

"No, I don't know." ngumiti ako. Iyong ngiti na hindi mo pagkakatiwalaan. "But I know something that will make you look better with that horrible black eye."

Nagningning ang mga mata ni Triton. "Talaga? Ano, ano? Dali sabihin mo sakin!"

"Another blackeye. Pantayin natin."

Pagkasabi niyon ay tumakbo ako papunta sa kaniya.

Damn this dimwit! CHAPTER 5 ~ A Leader ~

CHAPTER 5

DAWN'S POV

Napadilat ako ng biglang pumainlanlang sa kwarto ko ng tunog ng alarm. Umupo ako at may pinindot sa bed side table. Looks like Freezale got something.

Mabilis na sinuot ko ang roba ko at lumabas patungo sa control room. Naabutan ko doon si Freezale na tutok na tutok ang atensyon sa harapan ng monitor. Sa tabi niya ay mahimbing ang tulog ng asawa niya na si King.

"Freezale. Ilang beses ko ba sasabihin na hindi pwedeng magpuyat ang buntis?"

Imbis na lingunin ako ay nakatingin lang siya sa monitor. "May insomnia ang baby Irish namin. Anyway, someone set fire on Roqas' House."

"Which house?"

"Properties of the triplets and the main house."

Ang tinutukoy niya ay ang public properties ng mga BHO agents. To be exact, ang mga bahay ng triplets: Ice, Wynd at Wynter. At ang main na pag-aari naman ng mga magulang nila na si Katerina at PJ Roqas.

Ipinamana ng triplets sa mga anak nila ang bahay nila. Though minsan ay nandito sa BHO CAMP ang mga Second Generation Elites ay mas madalas na sila ngayon tumutuloy sa mga properties nila sa labas ng BHO CAMP dahil inaasikaso nila ang mga business nila na walang kaugnayan sa organization. Ang main house naman ay walang gumagamit dahil nasa isang isla na pag-aari ng grandfather ko na si Poseidon ang mga Original Elites.

"Oh."

Napakurap ako at tinignan ko si Freezale. "What is it?"

"Wala dito sa headquarters si Chly. Tumuloy siya kahapon sa bahay ni Tito Ice. Apparently nag day off si Tito Ice sa BHO CAMP Hospital at nandoon din sila ngayon ni Tita Summer."

Humila ako ng swivel chair at umupo ako sa tabi ni Freezale. Inabot ko ang telepono at kinontak ko si Tito Ice. Ilang ring lang ay sumagot na siya. "Roqas."

His tone was clipped. Not the cheerful tone Tito Ice always used. "Tito, okay lang po ba kayo?"

"Isusugod namin si Chlymate sa ospital. Alert the other agents."

"Awcknowledge."

Pinutol ko na ang linya. I know Chlymate would be fine. Doktor si Tito Ice. Kahit na mukhang hindi sila nagseseryoso nila Tito Wynd at Tita Autumn alam ko na hindi niya pababayaan ang sarili niyang anak. No doubt about it.

Sunod-sunod na tumipa ako sa keyboard. Binuksan ko ang alarm sa bawat kwarto dito sa headquarters. Saglit na tinignan ko si Freezale at nakita ko na pinadalan na niya ng mga mensahe ang bawat agents.

"Bomb. Maries and Ethan Greene, Mishiella and Dale Night, Hurricane and Reese Reynolds, Rain Night, Autumn Greene-Roqas'." Freezale said in a mechanical voice.

"Greene's and Greene-Roqas' bomb deactivated. Goodwork, agent Thunder, Snow and Phoenix."

Mukhang dumiretso na ang mga agents sa kaniya-kaniyang bahay ng pamilya nila ng mag-alarm kami ni Freezale tungkol sa nangyari kaila Chlymate. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na namatay ang threath alarm sa bahay ng mga nabanggit ni Freezale.

Bumukas ang pintuan ng control room at bahagya ko iyong nilingon. Sina Sky at Adonis. "Everything's fine. Go back to sleep Sky."

"I'm not a baby."

"Alam ko." Iniikot ko ang swivel chair paharap sa kaniya. "But you need to take a rest."

Malapit ng manganak si Sky. Kung hindi lang siguro premature na ipanganak si Ale, ang anak ni Storm, baka halos magkasunod lang sila.

"Puro na lang akong pahinga. I'll help. Kapag inantok ako eh di matutulog ako dito."

"You can't sleep here." said Freezale.

"Yeah, right. Kaya pala ang himbing ng tulog ng asawa mo."

Hindi na nakaimik si Freezale at hinayaan na si Sky. Kumuha ng swivel chair si Sky na nakanguso pa habang napapabuntong-hininga na tumabi sa kaniya ang asawa niya na si Adonis.

Hinarap ko na ulit ang monitor. Tinignan ko ang iba pang mga properties ng mga BHO agents pati na ang mga sa The Camp. Speaking of that, nasaan na kaya si Triton? He should be helping us.

Nagbukas ako ng isa pang monitor at may pinindot ako doon. Lumabas ang numero ni Triton sa screen.

Habang hinihintay ko siya na sumagot ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kanina. Mukhang ang mga properties lang na may kinalaman sa Greene, Night at Roqas ang target ngayong gabi na ito.

"No sign of threat for the other agents." pagbibigay alam ko.

Expected na namin na mangyayari ito. We just didn't expect that it would be this early. Dahil kasi sa ginagawa naming pagbulilyaso sa Claw Organization, inaasahan na namin na gaganti sila pabalik.

There's no way they'll attack the headquarters. So it's quite obvious that the public properties will be their target.

"Naapula na ang apoy sa bahay ng mga Roqas." sabi ni Freezale.

"Got it."

Tinignan ko ang monitor kung saan nandoon ang numero ni Triton. Hindi pa rin siya sumasagot.

Damn it! If that man got himself in trouble, I'm gonna kill him.

"This can't continue Dawn. And even if it will, we need to find a way to get that organization serious. Nakikipaglaro lang sila sa atin."

"I know, Sky."

"Hindi sila natatakot sa atin. They know how to play the game. Kahit na direkta pa nila tayong atakihin at magapi natin sila, hindi pa rin natin iyon pagkapanalo. Because the boss himself is not threatened. If this will continue, we will be the one who will get trapped."

Tama si Sky. Naglalaro lang ang Claw. Kahit na magpadala pa sila dito sa headquarters ng tauhan at mapigilan namin sila, hindi ibig sabihin niyon ay panalo na kami. Dahil pinapagalaw lang ng head ng organization na iyon ang mga tauhan nila at kami ang kalaro nila. At sa bawat laro, isa sa BHO CAMP ang nasasaktan. Hanggang sa kami ang mawawalan.

Ang rason kung bakit ginugulo namin ang mga plano ng Claw ay dahil gusto namin silang takutin. Pero imbis na iyon ang mangyari ay para bang naging laro na lang ito ng tennis.

"I know, Sky."

"Do you have a plan?"

"Yes."

Hindi ko na sinundan pa ang sinabi ko. We need to create a plan and to do that I need to talk to my father and Craige Lawrence.

"Hello sweetheart?"

Tumikhim ako. "Triton Lawrence."

"Yes sweetheart slash master?"

Kumunot ang noo ko ng may marinig ako na mga ingay. Lalong nagsalubong ang kilay ko ng may marinig ako na boses ng babae. "Nasaan ka? Nakita mo ba ang message?"

"Err...no?"

Napahilot ako sa sentido ko. "At least man lang nakita mo siguro ang alarm sa BHO CAMP bracelet?"

"Amm..."

"Triton Lawrence!"

"Nandito ako sa isang night club sa manila. Naiwan ko siguro diyan ang bracelet-"

"You're not suppose to take it off."

"Dawn sweetheart-"

"This is too much Triton. Ilang mga properties ang nalagay sa panganib ngayong gabi na ito. My cousin was even injured! This is your responsibility too. You know the reason why the agents were divided into two division but you're not helping even just for the sake of your own family!"

"Dawn..."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Everything is too much. I won't lose another person. I won't let it happen.

"Nawala sa amin si Storm. Sino ang pipiliin mo na mawala sa panig niyo?"

"What the hell, Dawn?!"

"Adonis, Athena, Hera, Hermes, Enyo, Eris, Erebus, Nyx, Ocean. Sino sa kanila ang gusto mong mawala? So you can feel the burden that you will carry once you lost someone because of your irresponsible actions."

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga kasama ko ngayon sa control room. I felt Sky touch my hand to calm me down but I just flinched away from her.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan Triton? Or maybe you don't care enough. While I was gritting my teeth to keep on working, trying with all my might to not let myself fall from misery, ikaw nagpapakasaya sa mga babae mo. While I was almost pinned to the ground with the weight of my sins, you're currently drinking yourself to death."

Sandaling katahimikan ang namayani bago muling nagsalita si Triton. "Her death was not your fault."

"It is! Nawala si Storm dahil sa akin. While I was sitting on my throne, my cousin was being tormented and violated. While I was sitting on this damn throne, I lost my cousin! If one of my comrades go home with a broken bone, a scratch on the face, a bullet wound, a bruise...it will be my fault. That is the weight a leader must carry."

Nanginginig ang kamay na pinutol ko ang linya. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ko ang sarili ko. I can't lose it. I need to clear my mind and finish this.

"Dawn..."

Nilingon ko si Sky na siyang nagsalita. "Take a rest."

"Tama si Triton, Dawn. Hindi mo kasalanan."

"Everything was my mistake. Hindi dapat kinuha ni Storm ang mission na iyon. Kung hindi dahil sa kapabayaan ko, hindi siya mawawala sa atin."

"Alam nating lahat na kulang pa ang impormasyon tungkol sa mission na iyon. Storm took the risk. H-Hindi ko alam kung ano ang problema ni Storm ng mga panahon na iyon. All I'm sure about is that she took the mission even though her head was not

in the game."

Tumayo ako at naglakad na papunta sa pintuan. "I'm gonna take a rest."

"Dawn please..."

"Take a rest too Sky."

No matter what they'll say, I know that nothing will change. My father taught me that. A leader must carry every sins.

And I will.

"DAWNIELLA , bebe girl! Bakit nandito ka lang? Tignan mo ang mga kasama mo oh nagrerelax. Do the same sweetie."

Nilingon ko si grandaddy Poseidon. Nandito kami sa isang resort kasama ang lahat ng Elites. Nagdesisyon kasi si grandaddy na mag relax na muna daw kami. "I'm fine here."

Bumuntong-hininga siya at napailing. "I don't know what should I do with you. Kahit noong maliit ka pa lang ay masyado ka ng seryoso."

"I have responsibilities."

"I know that child. After all, I was the one who brought BHO up from the ashes."

Nag-iwas ako ng tingin. Of course he's right. Walang makakatalo sa kaniya sa bagay na iyon. He's the best leader of BHO.

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. But don't let something like this you and stop you from having fun."

change

Tumawa ako ng pagak. "Have fun? Grandaddy, you know I can't do that. Hindi ako maaaring mawala sa pokus. I can't lose another member."

"Yes. You won't lose a member by what you are doing. But you will lose yourself and when that happens...everything will be ruin, more than you can imagine it will be."

"Grandad-"

"Wala na si Storm, Dawn. Hindi ko kayo pinipigilan sa ginagawa niyo dahil alam ko na tama ang ginagawa niyo. We need to stop that organization. But you must place on top of everything else, that you are doing this because it is the right thing to do. Not just because of avenging her death."

"This is all about her. It should be."

Umiling si grandaddy at ginulo ang buhok ko. "No. You need to do this because you need to end all the Claw's wrong doings. Pangalawa na lang ang pag ganti para kay Storm."

"Grandad..."

"Hindi niyo na siya maibabalik. So do this because it is right. She would want that."

Napatungo ako sa sinabi niya. Alam ko na tama siya. Hindi na namin maibabalik si Storm kahit na ano pang gawin namin. Kahit na magbayad pa ang may kasalanan...hindi na siya babalik. But if we would do this because we need to do it for the many...then we would prevent Claw from doing to anyone the same thing that they did to Storm.

Siguro iyon ang rason kung bakit kahit anong gawin namin ay pakiramdam ko ay hindi pa rin kami nananalo.

Dahil mali ang ipinaglalaban namin.

"You saw her right, Dawn? She was still recognizable. The experiment department even perform a DNA."

"I-I know."

Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni grandaddy at hinaplos ang mukha ko. "You're a strong person. Hindi kami nagkamali na ikaw ang gawing head ng BHO. We trust you."

And I shouldn't break that trust. Kailangan kong gawin lahat. Lahat ng makakaya kong gawin para sa BHO CAMP.

Tumayo na ako at tinanguhan naman ako ni grandaddy. Patakbong tinungo niya ang kinaroroonan ni grandmommy Bree habang ako naman ay naglakad papunta sa kinaroroonan ni Freezale.

Saglit na nagtama ang mga mata namin at simpleng tumango siya. "May kukunin lang ako sa kotse ko."

"Okay."

Kinuha ko ang car keys ko at naglakad na ako paalis. Nagtama pa ang mga mata namin ni Triton na mula ng gabing iyon ay hindi ko na nakausap. Hindi ko na sana siya papansinin ngunit napatigil ako ng magsalita siya.

"Saan ka pupunta?"

"Car."

"Samahan na kita-"

"No."

Tuloy-tuloy na naglakad na ako papunta sa parking lot ng resort. Binuksan ko ang pintuan at umuklo ako para kunin ang pakay ko. Ah, no. There's nothing here. What I really wanted is already standing behind me.

Unti-unting nag dilim ang paligid ko. But I know that I already surpassed...

...

...

the first step.

SUMIGID ang kirot sa likod ko kasabay ng tawanan na naririnig ko sa aking paligid. Untiunti ko na minulat ang mga mata ko.

"Gising na pala boss!"

Nilingon ko ang nagsalita. Isang lalaki na may hawak ng duguang latigo. I don't need to be a genius to know what that means. Malaking pruweba na ang sakit na nararamdaman ko.

Hinanap ko ang tinawag niyang 'boss'. Tumutok ang paningin ko sa mismong harapan ko at may nakita akong lalaki na nakaupo. Hindi ko siya makita mula sa kinatatayuan ko dahil madilim ang parte na iyon. But I know who he is.

Wyatt Claw.

"No fun. Dapat madami pa ang kinuha mo. Look at her, she's not even struggling like that Storm woman."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko na nakatali sa ulunan ko. Magkahugpong ang kamay ko habang mahigpit ang pagkakatali, higit na higit din iyon dahil sa isang hook sa ceiling ikinabit iyon. Hindi na ako magtataka na ilang tao na ang itinali dito.

I tried to move my feet but to no avail.

"Eh boss, bantay sarado ang kinaroroonan ng mga iyon. Buti na nga lang at tatangatanga ang isang ito at umalis ng mag-isa."

Matalim na tinignan ko ang lalaking may hawak ng latigo na siyang nagsalita. "I'll crush your head to prove who's the stupid one."

"Aba englishera pa ah! Tignan ko kung makasalita ka pa mamaya!"

Umalis siya sa harapan ko. I gritted my teeth when I felt the lash of the whip. I won't give them the chance to enjoy this. Wala silang maririnig na kahit na ano sa akin. I won't give them that satisfaction.

"Ikaw...ikaw ang gumawa niyon kay Storm..." I tried to keep my eyes open when another searing pain attacked me. "Y-You killed her."

"Ako nga ba? Hmm, maybe. Or maybe my brother? Or everyone around here. I'm sorry but she's not worth remembering."

"Damn you to hell!"

Kumilos ang lalaki sa kinauupuan niya at tumayo. Naglakad siya patungo sa akin hanggang kita ko na ang kabuuan niya. He look like a spanish aristocrat. I found myself staring at Storm's killer

"Wyatt Claw." I said as another blow from the whip lash at me.

"Glad to know that you know me. And just for clarification, dear. I can't be damn to hell. Even satan can't handle me."

Talong magkakasunod na paglatigo ang naramdaman ko. My knees buckled but I use my bound hands to support me.

"Tell me...tell me if it's you."

"What is it to you girl? Ako naman kung ako nga?"

Sinalubong ko ang tingin niya. Sa kabila ng panghihina ay umangat ang sulok ng labi ko. "So I can decide who to torture the most."

Tumawa ang lalaki at mas lalo pang lumapit sa akin. "That won't happen. Not even in your dreams."

"Are you sure about that?"

Imbis na sagutin ako ay pinadaanan niya ng hintuturo ang mukha ko. Tumigil iyon sa tapat ng labi ko. "Yes. It is me. I was the one who raped that woman and I am the one who killed her. Satisfied?"

"Very."

Something crossed his eyes as he look at me. Sinenyasan niya ang lalaki sa likuran ko at lumapit naman ito sa kaniya. Inagaw niya ang latigo sa lalaki at nakangising hinarap ako.

"Let's put some design on your pretty face."

Itinaas niya ang latigo ngunit bago niya iyon magamit sa akin ay nagsalita na ako. "Jenelyn Enoval, BHO CAMP headquarters kitchen staff. Newest, application accepted last tuesday, 8 o'clock in the morning. Twenty five years old and married to Harrison Enoval." tumutok ang atensyon ko sa kaninang lalaki na may hawak ng latigo na ngayon ay namumutla na. "Real name? Jolina Mendez. Married to Heath Mendez, a Claw Organization member. She's still alive but she won't be when I get out of here."

Wyatt Claw's lips turn into a thin line. "Who said that you'll get out of here?"

"Ford Lopez, Lincoln Johnson, Lito Nelson, Hilda Ramirez, Miguelito Rivera, Ana Ortiz, Danilo Gibson." I nodded at the direction of a man near the door. "Wyatt Claw's right man, Hawk Lawson."

Kaniya-kaniyang reaksyon ang mga nag mamay-ari ng mga pangalan na sinabi ko maliban kay Hawk na nanatiling walang emosyon. Ngunit nanatiling na kay Wyatt Claw ang paningin ko. I raise a brow at him when I saw him gripping the whip tightly.

"Hindi kami sigurado na dadating ka dahil wala kaming tiwala sa ginamit niyong espiya sa amin but I took the risk. Swerte ko lang talaga siguro at madaling hulaan ang utak mo. You gain confidence when you attacked our properties, but too much confidence can backfire on you. That's the lesson I learn because of your organization."

Mahigpit na hinawakan niya ang panga ko at matalim ang tingin ng tinitigan ako. "Sa tingin mo ba natalo mo na ako? Your organization is just a small fly that I will end with just a flick of my hand." pagkasabi niyon ay marahas na binitawan niya ang mukha ko.

"No. I don't think we're done playing this game. But now you should know that I'm

the winner of this round, Claw. It's about time you take us seriously."

"Not in this lifetime, dear."

Hindi inaalis ang tingin sa kaniya na ibinalik ko ang ngisi niya. "You don't think we have much of an advantage, do you? Listen, Claw. Alam mo man kung sino-sino ang mga miyembro namin pero wala kang alam sa mismong organisasyon namin. I know you are the head of this stupid organization, but do you even know who I am?"

"What do you mean?"

Hindi ako sumagot at nagbilang ako sa isip. I smiled in triumph when the door open and a man rushed inside. "Boss may mga dumating!"

Lumipad ang tingin ni Wyatt Claw sa akin. "You wench!"

With all the strenght left in me, hinila ko pababa ang kamay ko at ganon na lang

ang pag ngiti ko ng bumigay ang kinakabitan ng nakatali sa akin. I rolled over, ignoring the pain on my backside and pulled the knife on the nearest man's holster.

Kasabay ng pagputol ko sa tali sa mga kamay ko ay ang pagtayo ko at pag-igkas ng aking kamay na may hawak na patalim....at ang kasunod niyon ay ang pag sigaw ni Wyatt Claw.

"Looks like I put a design on your pretty face."

Nawala ang kalmadong itsura ni Wyatt Claw na ngayon ay may mahabang galos mula sa itaas ng kanang mata niya hanggang sa pisngi. Ngunit wala na siyang nagawa ng hinila siya ng kanang kamay niya na si Hawk at tinakbo paalis. Wala akong balak pigilan sila. I made myself clear to them.

This can't end here. Even if we killed him, if we don't know where his brother's location, magpapatuloy pa rin ang Claw Organization. We can't let that happen.

Yumuko ako at pinutol ko ang tali sa mga paa ko. Mabilis na kumilos ako ng makita ko na nagtatakbuhan na ang mga tauhan ng Claw. Iniharang ko ang paa ko sa dumaan na isang lalaki at mabilis na kinubabawan ko siya.

Heath Mendez.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I'll crush your head to prove who's the stupid one."

"M-Maawa ka...wag mo kong patayin. M-May...may...may pamilya pa ako."

"Naawa ka ba sa mga pamilyang nasira mo at sisirain mo?"

Hinila ko siya hanggang nasa tapat na kami ng isang malaking bintana. Kinuha ko ang baril na malapit sa akin at pinagpuputukan ko iyon. Hinila ko ang lalaki hanggang nakalabas na ang ulo niya sa bintana.

"H-Hindi mo na maibabalik ang babaeng iyon kahit patayin mo ako. Wala ng hustisya sa mundo. Tanging ang mga taong matatag na lang ang nabubuhay."

"You're wrong." I lean to him and whispered. "Those who are strong enough to bring justice are the one who will survive. Those who fight for something...not like your people who fights for nothing."

Pagkasabi niyon ay binitawan ko siya. Hindi ko na kailangan tignan pa ang nangyari dahil alam kong wala ng mabubuhay pa na mahuhulog sa kinaroroonan namin.

Nanghihina na napaupo ako sa sahig. Tama si grandaddy. Storm...but not for her alone.

We will do this for

"Dawn!"

Naramdaman ko na may mga braso na pumalibot sa akin. I don't need to open my eyes to know who he is.

"Oh God no...Dawn. I'm so sorry."

"M-Monster.."

Iniangat niya ako at binuhat. Napasinghap ako sa ginawa niya ng sumigid ang kirot sa kabuuan ko. I know he's trying to be gentle but it hurts too much. "I'm sorry, Dawn. I'm sorry."

"S-Shut...up."

"We'll take you to the hospital to take care of your wounds. P-Paano ka pa makikipagdate kapag may sugat ka na ganiyang kalaki?"

"S-Shut it, Lawrence."

Unti-unti akong pinapanawan ng ulirat sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. I don't even know if I'm dreaming...but I heard someone speak. No...for sure I am dreaming. Because there's no way that someone like Triton will say those words.

'If only I am good enough for you, then I will make you mine.'

CHAPTER 6 ~ Dinner ~

CHAPTER 6

DAWN'S POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang pag dampi ng malamig na bagay sa likod ko. Langit ang pakiramdam ko sa bagay na iyon dahil pakiramdam ko nag a-apoy ang likuran ko.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang naririnig kong nagtatalo. Kumunot ang noo ko ng makita ko si daddy at granddaddy na kasalukuyang mainit ang diskusyon. "H-Hey what's going on?"

Napatigil sila sa pagtatalo at napatingin sa akin. Kaagad na lumapit sa akin si

daddy habang kasunod niya si mommy na halata ang pag-aalala sa mukha. "Are you okay baby?" tanong ni daddy.

"I'm fine, dad."

"Hindi siya dapat nasa ganiyang estado kung hindi dahil sa inyo!" galit na sabi ni granddaddy Poseidon.

Bumuntong-hininga ako. Alam ko kung bakit nagagalit si granddaddy sa tatay ko. Kung hindi kasi dahil sa approval niya at ni Craige Lawrence, ang dating head ng CAMP division, hindi ko magagawa ang plano ko.

"Granddad, I'm okay. Planado ang lahat."

Bumaling sa akin ang matalim na tingin ni granddaddy. Malayo sa lagi niyang nakangiting mukha. "A plan is a preparation for victory. Not a preparation for your own death."

"Granddad."

"That was a stupid plan!"

"I know. But it worked."

"Dawniella Davids-"

Matapang na sinalubong ko ang tingin niya kahit na ang gusto ko na lang ay mag-iwas ng tingin. Granddaddy might be the sunshine of BHO but he's one heck of an agent. "You said you trust me. Everything was successful and I went home carrying that success."

"And scars."

Nagkibit-balikat ako. Pinigilan kong mapangiwi ng makaramdam ako ng kirot.

Sinubukan kong papormalin ang mukha ko ngunit alam kong hindi nakaligtas sa mga mata ni granddad iyon. "Scars can heal."

"Tama ang apo mo. May ginawa na naman noon pa ang experiment department para mawala ang kahit na anong bakas ng mga ganitong klaseng sugat." singit ni grandmommy Bree.

"Bree..."

"Calm down, Poseidon. They can handle this."

Nanghihina na napaupo si granddaddy sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakadapa. Bahagya akong napangiti ng hinaplos niya ang pisngi ko. "You'll give me a heart attack Dawniella."

"Akala ko ba hindi ka pa matanda granddad?"

Ngumisi siya. "Hindi pa nga. Bree my loves, my darling, my doki doki, my heroine,

my other half, my-

"Oo na. Halika na at umalis na tayo."

Hinila na niya si granddaddy ngunit bago sila tuluyang makaalis ay hinampas niya ang braso ni daddy na nanlalaki ang mga matang napasinghap. "Mommy!"

"Kapag napahamak ulit ang apo ko, ibibitin kita ng patiwarik at lulunurin kita. Tandaan mo yan Benjamin Warren Davids."

"Mom!"

"Hindi pa tayo tapos."

Pagkasabi ni grandmommy niyon ay tuluyan niya ng hinila paalis ang ngingisi-ngisi niyang asawa na binelatan pa si daddy.

"Goodness. Tatanda ako ng maaga sa mga magulang ko." nahahapong sabi ni daddy.

"Nag-aalala lang ang mga iyon dad."

Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Dawniella, oo at pinayagan kita pero hidi ibig sabihin niyon ay mauulit pa ang ganito."

"I know dad."

"That could have killed you."

Tumango ako. Bumuntong-hininga siya at bahagyang tinigna ang likod ko na ginagamot ng isang nurse ng BHO CAMP. Namutla siya at nag-iwas ng tingin. "We'll use the experiment department medicine for your scar."

"No."

Kumunot ang noo niya. "Dawn that's a big scar."

"I know, dad. But I don't want

to fix it."

Saglit na natahimik si daddy na para bang tinitimbang ang sinasabi ko. Tahimik lang sa tabi niya si mommy na nakatingin sa ginagawa ng nurse.

"Why?" he murmured.

"Atonement."

Pain crossed his face as he realize what I meant. "Dawn."

"This is an atonement for my sin and a reminder not to let it happen again. I won't erase my battle scars, dad."

Muli siyang napabuntong-hininga. Napangiti ako ng umuklo siya at binigyan ako ngmarahang halik sa pisngi. "Magpahinga ka na muna. May aayusin lang kami ng mommy mo at pagkatapos ay babalik kami dito-"

"I'll be fine here, dad. Magpahingi na kayo ni mommy. Bukas niyo na lang ako ulit puntahan." sabi ko at tahimik na tumango na lang si daddy.

Yumuko din si mommy at hinalikan ako. Ngunit imbis na sundan ang tatay ko ay huminto muna siya para bumulong sa akin. "I hate what they did to you but I'm very proud of you daughter. Mana ka talaga sa mommy. Mag-asawa ka na sunod niyan ha?"

"Mom!" nahihindik na apela ko sa tono na ginamit din ni daddy kanina kay grandmommy.

Tumatawang sinundan na ni mommy si daddy na naghihintay sa pintuan. Bumuntonghininga ako at napangiwi ng kahit na iyon ay nakakapagdulot din ng sakit sa sugat ko.

"Miss." tawag-pansin sa akin ng nurse.

"Hmm?"

"Nang pumasok ako dito bilang nurse sa ospital na ito, alam ko na na may kakaiba dahil masyadong malaki ang sweldo namin. Bukod pa doon ay may kontrata kami na pinirmahan na hindi namin maaring sabihin ang mga nangyayari sa lugar na ito. May ibinigay din sa amin na hikaw at maging sa mga lalaking nurse para malaman kapag nilabag namin ang usapan."

Hindi ko alam kung saan patungo ang pinag-uusapan namin pero alam ko ang tinutukoy niya. Binibigyan ng hikaw ang bawat tauhan dito sa BHO CAMP Hospital at maging sa mga empleyado sa properties na nandito sa loob ng BHO CAMP. Kahit ang kitchen staff sa headquarters. Dalawang hikaw sa mga babae at isa para sa lalake. It's a detector for us to know if they violate our rules.

"And?"

"Nang magtrabaho ako sa dating ospital na pinapasukan ko, may dalawang lalaki ako na ginamot na mas mababaw pa dito ang sugat. Pareho silang wala na sa mundong ito."

"Iba't iba ang pain tolerance ng mga tao." sabi ko.

"Alam ko iyon, Miss. Alam kong wala kaming karapatan na pakielamanan ang ginagawa ninyo pero kung alam namin ngmga kasamahan ko na may mali, matagal na kaming umalis. Pero nararamdaman naming wala at iyon ang paniniwalaan namin. Kung ano man ang dahilan at nagkaroon ka ng ganitong sugat, saludo ako sayo, Miss. At sana magtagumpay kayo sa kung anuman ang kailangan niyong gawin."

Bahagya kong nilingon ang babae at binigyan ko siya ng ngiti. Nakita kong natigilan siya. Hindi ko siya masisisi. Ilang beses na akong pumunta dito sa BHO CAMP Hospital pero ngayon lang ako namansin. "Thank you."

Tahimik na inayos niya ang likuran ko at pagkaraan ay nagpaalam na. I need to remind myself that people like her, are the reason why we became who we are now.

Sila ang pinoprotektahan namin.

Hindi magiging madali ang pagtalo sa Claw Orgaization, pero hindi kami titigil hanggat hindi nangyayari iyon.

"Dawn!"

Napatingin ako sa pintua at nakita ko roon si Triton na humahangos papasok ng kwarto. Kinunutan ko siya ng noo. "What?"

"Are you okay now? Wala na bang masakit sa iyo? Magaling ka na ba?"

"Anong akala mo sa akin imortal? Yes I'm okay, yes it freaking hurts, and obviously I am not yet cured."

"Ang sungit mo naman! Samantalang halos mabali ang likod ko para lang kargahin kita."

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "May sinabi ka ba sa akin ng binuhat mo ako? Parang may narinig akong sinabi mo."

"H-Ha? Anong sasabihin ko sa iyo eh nagmamadali akong ilabas ka sa lugar na iyon para dalin ka sa ospital?"

Kung sabagay tama siya. Baka nga panaginip ko lang iyon. Isa pa, malabong si Triton ang magsabi ng mga katagang iyon. "Fine."

"Anyway highway, matulog ka na at para mabilis kang gumaling. Tutulungan pa kita para maging dream girl type ka at hindi ka na takbuhan ng mga kadate mo. At siyempre kailangan ka pa ng BHO CAMP-"

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. Damn it! Ang dami ko pang naiwan na trabaho. I can't stay here.

Pilit na umupo ako. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat sa sakit na nararamdaman ko. But I need to finish my work load.

"Dawn ano bang ginagawa mo? Bumalik ka nga sa puwesto mo-"

"I have lots of work to do."

"No-"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "At sinong aasahan ko? Ikaw? I won't put my obligations to someone who doesn't care about this job."

I gritted my teeth and stand. Humawak ako sa cabinet sa gilid para suportahan ang katawan ko. Ipinilig ko ang ulo ko ng biglang manlabo ang paningin ko. Damn this wounds! I will whip that Wyatt Claw and make him jog around the whole BHO CAMP to make him feel this pain.

"Dawn..."

"Get out of my way, Triton. Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa iyo."

Ngunit imbis na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Hanggat halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Pumalibot ang braso niya sa balikat ko, iniiwasan ang sugatan kong likuran.

"I'm sorry, Dawn. I'll handle it...I promise."

"No...no..."

"I won't ruin what you work hard for. I won't disappoint you. I know that no one trusts me, not my parents...not even myself. I'm not asking for you to trust me. But I promise Dawn, I won't do anything to make you hurt yourself like this again."

Hindi ko na nagawag makapagsalita ng ibinalik niya ako sa pagkakapuwesto ko kanina. Umupo siya sa upuan sa gilid ng kama ko at marahang hinaplos ang buhok ko.

Hindi ko alam kung anong kailangan kong sabihin. Oo, mukha siyang seryoso...but I don't trust him. Sa dami ng ginawa niya para patunayan na wala siya ni katiting na pagiging responsable, masisisi ba ako?

But I want to trust him. Because the way he said those words, the way his eyes look at me...I can't help but give in to what he wants.

"Go away monster." I murmured.

"Sleep first."

"Hindi ako makakatulog kapag nandito ka."

"Bakit naman?"

Ginalaw ko ang ulo ko para alisin ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko ngunit binalik niya lang ulit iyon. I rolled my eyes at him. "Manyak ka kasi."

"There's no way I'll do perverted stuff to you now."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "At bakit? Dahil ang pangit ng mga marka sa likod ko?"

"Of course not, master. You'll be the most beautiful warrior princess. Hindi pa nga lang kita pwedeng manyakin sa ngayon dahil kailangan mo pa na magpagaling." paliwaag niya. Pagkaraan ay bigla siyang napangisi. "Uuuy aminin! Gusto mong magpamanyak sakin no?"

Akmang kikilos ako para pingutin siya ngunit pinigilan niya akong makagalaw. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya lang.

Hintayin niya lang talaga akong gumaling at siya ang lalatiguhin ko. Itatali ko pa siya sa gitna ng BHO CAMP para siguradong maraming audience.

"Tigilan mo nga akong monster ka."

"Aminin mo na kasi, Master. Talagang naaakit ka sa kamachohan ko."

Napapapikit na ang mga mata ko ngunit pilit na nagsalita pa rin ako. "Mas macho pa ang mga ex-boyfriend ko kesa sayo." bulong ko habang unti-unti na akong hinihila ng antok.

"Siguro nga mas lamang sila sa akin. Pero mga wala naman silang utak dahil pinakawalan ka nila."

"At...ikaw?"

"Nandito pa ako."

"Hmm..."

Hinayaan ko ng tuluyan akong tangayin ng antok. I do need some rest. I can't even make sense on what we are talking about. But I can still hear him faintly. So yet again, I don't know if I'm dreaming or not.

...

...

"Hindi ako mawawala sa iyo. Dito lang ako...hanggang pwede pa akong manatili sa tabi mo."

NAPAPANGITI ako habang nakatingin sa mga agents na nagkakagulo habang tinitignan ang pinakabagong-member ng BHO CAMP. Si Nero. Pati ang mga BHO CAMP boys ay nakikisingit para masulyapan ang bagong member. Lalo na ang mga Original Elites at Second Generation Elites na kulang na lang ay magbalyahan.

"Quiet!" sigaw ni Sky.

Natahimik naman ang mga bubuyog—este mga agents na nagkakagulo. Napailing na lang ako ng nakangusong i-abot ni Sky sa asawa niyang si Adonis si Nero, ang baby boy nila.

"Lalamugin niyo ang baby boy ko." nginitian ni Sky si Adonis. "Ibigay mo muna si Nero kay Dawn para naman makapagpractice si Lady Boss. Malapit na rin yan."

Pinaningkitan ko ng mga mata si Sky. "Yeah, right."

Lumapit sa akin si Adonis at maingat na inilagay sa mga braso ko si Nero. "Wait wait! Baka mahulog ko, ayoko!"

Nagulat ako ng may ibang mga kamay na umalalay sa akin sa pagkarga kay Nero. Nakangiting mukha ni Triton ang nakita ko. "Hindi mo siya mahuhulog, tignan mo o. Behave nga siya eh."

"Pero...baka madurog siya."

He chuckled. "Well that's possible, especially with the kind of strength you have. That's why you need to be very gentle." he murmured and hold my arms that are holding the baby.

Kinakabahang tinignan ko ang sanggol na hawak ko. It's been weeks when I was whipped by that completely deranged man Wyatt Claw. What happened to me made us all remember Storm. Weeks passed before the gloomy aura of the BHO CAMP disappeared and that is because of this baby.

"Why Nero, Sky?"I asked absentmindedly.

"Noong isang gabi kasi na nag candlelight dinner kami ni Adonis, Nero d'Avola ang wine na ininom namin. We both believe that Nero was conceived that night."

Nakangiting inugoy-ugoy ni Tita Hurricane ang panganay niyang apo na si Russia na mahimbing ang pagkakatulog sa mga braso niya. "Hindi talaga ako makapaniwalang ang mga chikiting na hinahabol namin noon ay may mga sarili ng chikiting ngayon."

It's good to see Tita Hurricane smile. At may kulay na rin ang mukha niya hindi katulad noong mga panahon na nawala sa amin si Storm. Ilang linggo din siyang nanatili noon sa ospital.

Napatingin ako kay Triton ng bigla siyang umalis at lumapit kay Den na nasa isang bahagi ng kwarto at karga-karga ang isang buwan niyang anak na si Raja. Pinanlakihan siya ng mga mata ni Den naparang sinasabing ingatan ang anak niya at pagkatapos ay inabot ang bata kay Triton.

Nangingiting tumakbo palapit sa akin si Triton at inakbayan ako. "Bagay ba?" tanong niya sa mga agents.

Pumiksi ako at bahagya akong napangiwi ng kumirot ang likuran ko. Though thanks to BHO CAMP medicine ay naghilom na iyon ay sumasakit pa rin siya kapag nabibigla ako

ng galaw.

"Tantanan mo nga ako Triton."

"Aba bakit? HIndi ba maganda na in the near future ay may hawak tayo na mga babies at-"

"Asa ka. Hindi kita papatulan."

"At nasa tabi natin ang mga asawa natin?" ngiting-ngiti na kinindatan niya ako. "Ikaw talaga. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ka talaga, master."

Pinaikot ko ang mga mata ko ng mapuno ang kwarto nila Sky ng tuksuhan. Hindi pa rin talaga nagbabago ang mga kasamahan ko. Hanggang ngayon ang lakas pa ring mangalaska. Lalo na ang monster na ito.

"Hintayin mo lang Triton Lawrence, bibigyan kita ng kaparehong marka na nasa likod

ko."

"O ayaw mo niyon? Para...perfect pair tayo?"

Inirapan ko siya at marahang ibinalik ko kay Adonis na nangingiti, ang anak niya. "Diyan na muna kayo. Magtatrabaho muna ako-"

Bago pa ako makakilos ay naharangan na ni Triton ang daraanan ko. "Hindi ka pa pwedeng magtrabaho."

"Magaling na ako, duh."

"Hindi pa. Kaya ko naman ng mag-isa."

Kinunutan ko siya ng noo. "May ginawa ka bang kapalpakan kaya pinipigilan mo akong pumunta sa office ko?"

"Wala ah!"

Tinitigan ko siyang mabuti. Mukha namang sinsero siya sa sinabi niya. "May nangyari ba kay Twinkle? Baka naman nilason mo si Twinkle!"

"Hindi kaya!"

"Hindi mo pinakain?"

Nahihintakutan na nangaligkig si Triton. "Hindi mo ba alam na halos mawalan ako ng ulirat para lang mapakain ang alaga mo?"

Hindi inaalis ang tingin sa kaniya na tinimbang ko ang sinabi niya. Kung wala naman palang problema eh bakit napapansin ko na mula kahapon pa ay pinipigilan niya akong pumunta sa office?

"Oo nga naman, Dawn. Maayos naman lahat ng trabaho na naiwan mo. Hindi nga kami makapaniwala at nagawa ni Triton na mag-isa ang mga iyon." sabi ni Tita Kate.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Triton. "Ano ngang problema?"

"W-Wala nga."

Lumapit ako sa kaniya hanggang magkalapit na halos ang mga mukha namin. Iniangat ko ang kamay ko at dinutdot ko ang ilong niya gamit ng hintuturo ko. "Kilala kita, monster. Anong ginawa mo?"

Nagkakamot sa batok na alanganing ngumiti si Triton. "Well you see, may date kasi ako kahapon."

Kumibot ang labi ko ngunit pinigilan kong sigawan siya. Like hello? Bakit ko naman kailangang magalit at sigawan siya? That's his business. "O tapos?"

"Naalala ko na hindi ko pa pala napapakain si Twinkle kaya bumalik ako sa office mo. Sa pagmamadali ko hindi ko na sinarado ang pintuan at dumiretso na ako sa aquarium niya at binigay ang pagkain niya."

"Tapos?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Err...pag pinapakain ko kasi siya, nakapikit ako."

"Just get to the point Lawrence!"

Lumayo ng bahagya sa akin si Triton na para bang natatakot siya sa magiging reaksyon ko. "Nabangga ko kasi iyong aquarium tapos nabasag tapos nag adventure ang alaga mo...at hanggang ngayon hindi ko pa siya nahahanap."

Natahimik ang buong paligid. Kahit ata paghinga ni Sky na nasa dulo ng kwarto ay rinig na rinig ko sa sobrang katahimikan.

Si granddaddy Poseidon ang unang bumasag ng katahimikan. "Y-You mean to say...may nakakawalang ahas ngayon sa BHO CAMP? Isang malaking ahas?"

"Amm...opo." kinakabahang sagot ni Triton.

Napapikit ako ng napuno ng sigawan ang kwarto. Sumandig pa si granddaddy Poseidon kay granddaddy Dale na animo masunuring alipin at pinaypayan si granddaddy Poseidon na umaktong hihimatayin.

Crazy crazy people.

"Dawn saan ka pupunta?! Kailangan nating mag ipon ng mga armas para tugisin ang anaconda!" sigaw ni granddaddy Poseidon.

Naiiling na tuluyan na akong lumabas ng kwarto. Hahanapin ko pa ang kaawa-awa kong alaga na inaapi ng mga baliw na tao dito.

Lumiko ako sa isang pasilyo kung saan matatagpuan ang storage room ng BHO CAMP. Binuksan ko ang pintuan ng storage room at akmang papasok na ako ng may narinig akong tumatawag sa akin.

"Sasama ako Dawn!"

Nilingon ko si Triton na humahangos na nilapitan ako. "Kaya mo bang hulihin si Twinkle?"

"O-Oo naman!"

Tumingin ako sa pipe na nasa itaas namin, katapat ng kinatatayuan ni Triton. "Oh."

"What?"

"There's my pet. Get it." sabi ko at tinuro ko ang sa itaas ni Triton.

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin habang animo na-freeze siya sa kinatatayuan niya at nakatitig lang sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako ng walang-malay na bumagsak sa sahig ang lalaki. Ang duwag talaga.

"Get down, Twinkle. Pag-iisipan ko pa kung dinner mo na ba iyang lalaking yan."

-_________-

CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~

CHAPTER 7

DAWN'S POV

Nangalumbaba ako habang tinatanaw ko ang ibaba mula sa kinaroroonan ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng Blue Magic sa Mall of Asia. Nakaupo lang ako sa tapat niyon kung saan tanaw ko ang Ice Skating Rink sa baba.

"Woo! Ang galing! Yeah!"

Napapikit ako ng mariin. Kanina ko pa pilit inaalis sa isip ko na kasama ko ang tukmol na monster na si Triton. Pero masyado talaga sigurong prominent slash repulsive slash with matching attention seeker attitude ang pagkatao niya kaya imposibleng hindi mo siya mapansin.

"Pwede ba umupo ka nga? Pinagtitinginan ka na ng mga tao. Nakakahiya."

Ngumiti siya sa akin at nag peace sign. "Naga-guwapuhan lang talaga sila sa akin."

"Sigurado ka? Baka iniisip na nila kung dadalin ka ba nila sa mental o hindi. Tignan mo nga iyang suot mo. Nasa Pinas pa ba ang utak mo o nasa north pole?"

Naka simpleng shirt at maong shorts lang siya. Okay na sana kung hindi lang siya naka scarf, bonet at gloves pa.

"Ikaw talaga Master Sweetie Dawn, ang galing mo talagang mag joke!" pagkasabi niyon ay tumawa pa siya.

"Hindi ako nagbibiro. Kulang na lang sa iyo boots."

Nanlaki ang mga mata niya. "Oo nga no? Sayang bahay!"

di ko dinala iyong boots ko sa

Napabuntong-hininga ako. Sana pala lumuhod at nagpatirapa na ako sa harapan nila daddy para lang hindi ako bigya ng day off ngayon. Pilit kasi nila akong pinaalis ng BHO CAMP dahil masyado na daw akong babad sa trabaho. Pagkatapos ng mahabang sermunan, napapayag na din nila ako.

Pero sa minalas-malas, nakorner ako ng taong to.

Alam niya daw kung saan matatagpuan ang isang candidate sa list ko at ang sa kaniya. Coincedentally magkatrabaho ang isang bachelor na nasa listahan ko ng pagpipilian ng mapapangasawa sa babae na nasa listahan naman ni Triton.

Ang nasabing mga tao ay nagtatrabaho bilang guro sa isang pribadong paaralan. Elementary teachers sila at dito sa MOA ang isa sa mga destinasyon nila sa fieldtrip nila.

Kaya kami nandito ngayon ni Triton sa taas kung saan tanaw na tanaw namin ang buong rink at tinitignan ang mga ito.

"Look at that curves! Wowowow!"

"Quiet."

Nakangiting nilingon ako ni Triton at nag beautiful eyes. "Selos ka?"

"Hindi. And stop batting your eyelashes. Wag mo akong sisihin kapag nalaglag iyang mga mata mo at gawing hockey puck ng mga tao sa baba."

"Ang gross mo talaga Dawn kahit kailan."

"Maarte ka lang."

"Babae lang ang maarte no."

Tinapunan ko siya ng tingin bago ibinalik ko ang atensyon ko sa rink. "Ay pasensya na. Hindi ka pala babae."

Narinig ko ang pagsinghap niya at ang kasunod niyon ay ang sunod-sunod niyang reklamo. Hindi ko na lang siya pinansin at itinutok ko nalang ang buong atensyon ko sa isang lalaki sa ibaba na inaalalayan ang mga estudyante niya.

Allen Sanders, thirty years old, Science elementary teacher, he's also a chinito and he's taller than me. He's kinda my type of guy.

Kasama niya ngayon ang co-teacher niya na siya namang babae na nasa listahan ni Triton. Kendall Miles. She's short but she has gorgeous curves. Diretsong-diretso din ang itim na itim niyang buhok.

I won't say that she is Triton's type since as far as I know, walang tipo ng babae iyang si Triton. Basta makurba ang katawan, magniningning na ang mga mata niya.

"You know Master Sweetie, I can really feel it when you're insulting me silently."

"Imahinasyon mo lang iyan."

"Sabagay...magaling ako diyan."

Kinunutan ko siya ng noo. "Saan?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at bahagyang gumiling na animo nang-aakit siya. "Sa pag-iimagine."

I rolled my eyes. Hindi na ata talaga dadating ang araw na hindi ako iinisin ng lalaking ito. Iyan ata ang inborn talent niya, ang galitin ako. Kahit na anong gawin ko na pagsusungit sa kaniya hindi pa rin niya ako tinitigilan. Bukod ata sa misyon niyang guluhin ang tahimik ko na buhay ay binigyan din siya ng abilidad na hindi makaramdam ng kahit na anong negative thoughts patungo sa kaniya.

Manhid in short.

"Tignan mo yung lalaki o! Kamukha niya si Trei Lawrence diba?"

"Oo nga no? Ang gwapo!"

Tinignan ko ang dalawang dalagita na naghahagikhikan sa isang tabi. Nakatingin sila kay Triton na ngayon ay kumekembot kembot kasabay ng kantang 'Shake Your Booty' na pinapatugtog ngayon. Nakatingin siya sa rink at pinagmamasdan ang 'candidate' niya.

Bago pa makalapit ang mga dalagita ay hinila ko na si Triton na nagulat sa biglang paghila ko sa kaniya.

"Sorry na Master Sweetie. Masyado ka na bang nagselos? Come to daddy, I'm gonna give you some love beybe!"

"Hep!" awat ko sa kaniya gamit ng kamay ko ng akmang ilalapit niya ang mukha niya sa akin. "Inilayo lang kita sa mga posible magpakalat kung sino ka. This is a bad idea, Lawrence. Wala akong balak madamay kapag dinumog ka ng mga tao."

This freaking actor slash mental patient. Masyado kasing mahal ang spotlight kaya parang wala lang kung gumala. Trei Lawrence. His screen name.

"Don't you worry Master Sweetie. I willl protect you!"

"Yeah, right. Kaya pala noong mag aya si granddaddy Poseidon sa Manila Ocean Park, ako ang nagtago sa iyo ng pinagkaguluhan ka."

Ngumuso siya. "Itinago mo ako sa isang balde na may lamang dead fishies na ipapakain sa big fishies!"

Inirapan ko lang siya. Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na ako palayo pero maagap na pinigilan niya ako."Bitawan mo ako o babaliin ko yang kamay mo."

"Skating tayo!"

Saglit na natigilan ako sa sinabi niya. Tumukhim ako at pinataray ko ang ekspresyon ko. "Wala akong oras sa ganiyan. Nakita na natin ang dapat nating makita, umuwi na tayo."

"Wait!" pigil niya sa akin ng aalis na sana ako. "Ayaw mo bang makita sila ng malapitan? Sige ka malay mo iyang si Allen mo, kasing liit pala ng boses ni Patutina ang boses."

"Ewan ko sayo."

"Halika na dali!"

"Ayoko. Pangbata lang ang mga iyan."

Imbis na sumagot pa ay halos kargahin na ako ni Triton at hinila papunta sa counter kung saan kukuha ng entrance pass para sa rink.

"Ayoko sabi!" mariing sabi ko kay Triton na nagbabayad na ngayon.

"Masaya to promise!"

I gritted my teeth in agitation. Damn this maniac! Hindi ako marunong mag skating. I hate skating. I'll just choose to jump from building to building than walk with those pointy blade. Argh!

Wala na akong nagawa ng suotan ako ni Triton ng bracelet na gawa sa papel. Ngingiti-ngiti na hinila na niya ako sa isang gilid kung saan may mga upuan at stand kung saan may mga helmet at skating shoes.

"I'll just watch from here. Ikaw na lang ang mag skate." sabi ko.

Kumunot ang noo ni Trito at tinitigan ako. Pagkaraan ay nanlaki ang mga mata niya at ngumiti. "Hindi ka marunong no?!"

"Shut up."

"Hindi marunong mag skating si Dawniella The Great! Woo!"

"Callate! Sus! Stai Zitto! Fermez-la Bouche!"

Tatawa-tawa lang si Triton habang sinisigawan ko siya ng 'Shut Up' sa iba't-ibang klase ng lengguahe.

With the kind of brain this man have, paniguradong gagamitin niya ang nalaman niya laban sa akin. Hindi na rin ako magtataka na malalaman na ito ng lahat ng agents.

Tumatawa pa rin na tinawid niya ang pagitan sa aming dalawa. "Come on, Master."

Sa pagkagulat ko ay bigla na lang niya akong hinawakan sa magkabilang bewang at iniangat. Nang muling lumapat sa sahig ang mga paa ko ay nasa pagitan na iyon ng mga foam na hinulma na korteng paa.

"What's this for?" masama ang tingin na tanong ko sa kaniya.

"To find the size of your skating shoes."

"Ayoko nga sabi!"

He chuckled. "You'll be fine. I promise."

Tinignan niya ang numero sa tapat ng inaapakan ko at pagkatapos ay nagtungo na siya sa isang stall at kinausap ang bantay roon. Nakasimangot na umupo ako sa isa sa mga upuan. Damn it! I don't want to freaking skate!

"Master!"

Napatingin ako sa ilang mga tao na nag su-suot ng mga skate nila. Nagtatakang nakatingin sila sa amin ni Triton. Malamang na we-weirduhan sa tawag niya sa akin.

"Here, wear this."

Ibinaba niya sa tapat ko ang pares ng skate shoes. Nagdadabog na sinuot ko iyon. It's wet! Panigurado akong ilang tao na ang gumamit nito. Mabuti na lang may suot akong medyas.

"Okay na?"

Matalim ang tingin na tinignan ko si Triton na nakatayo na at suot na ang sapatos niya. "Hindi ako okay."

Tumawa na naman siya. "Halika na dali!"

"Kabagan ka sana."

Lalo lang siyang napatawa sa sinabi ko. "Come on, get up."

"At paano ako tatayo? Wag mong sabihin na maglalakad ako na suot ito hanggang doon sa entrance ng rink?"

"Of course Master Sweetie."

"How do I suppose to walk with these?! Before I even step foot on that ice I'm hell sure I'm gonna crack my head open!"

"Hindi ka mababagok niyan. Look at me. Pwede pa akong magsyaw." pagkasabi iyon ay gumiling giling siya sa kinatatayuan niya.

"No way."

"Yes way." he said while smiling.

"No."

"Yes."

"No!"

"Yes!"

Napatili ako ng bigla niya akong binuhat at dinala sa tapat ng entrance ng rink. Nasa amin na ang atensyon ng lahat ng tao na nasa paligid namin. "Bitawan mo ako!"

"Kaya mo na ba? Hmm?"

Napasimangot ako lalo sa sinabi niya. Napahigpit ang hawak ko sa kaniya ng umapak na siya sa yelo. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan niya akong binaba.

"No!"

Nakangiting napailing na lang siya. "May hawakan naman oh. You won't fall."

"And if I do?"

"Then I'll catch you."

Napatigil ako at tuluyan na niya akong naibaba. Bago ko pa isipin ang sinabi niya ay napahawak ako sa gilid ng rink ng muntikan na akong madulas. Agad na tinapunan ko ng nagbabagang tingin si Triton na mahinang napatawa.

I hate this! I'm even worst than a baby dear trying to walk!

"Ayoko na!"

"Nandito na tayo eh. Saka tignan mo kitang-kita na natin sila." sabi niya at inginuso ang mga candidate namin.

"Gusto mo lang makita ng malapitan iyang babae mo."

"Ikaw din naman paniguradong gusto makita ng malapitan ang lalake mo."

"So?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"So ka din!"

Napanganga ako ng bigla na lang siyang mag skate paalis. "Come back here jerk!" Papatayin ko talaga ang lalaking to kapag nadulas ako at napahiya sa maraming tao.

Sinubukan ko na ikilos ang mga paa ko. Napakagat labi na lang ako ng muntik na akong mawalan ng balanse. Mas gugustuhin ko pa na tumawid sa alambre kesa ganito. I don't even know what's fun with this kind of stuff.

"Master!"

Naramdaman kong may kamay na pumalibot sa bewang ko habang ang isa niyang kamay ay humawak sa kanan kong braso. Malakas na siniko ko si Triton na siyang nag ma-may ari ng kamay dahilan para mapaungol siya. Pero hindi niya ako binitawan.

"I'm gonna make you pay for this."

"Sure! Mayaman kaya ako." nakangising sabi ni Triton.

Iilang beses na muntik akong madulas pero naagapan dahil nakaalalay sa akin si Triton. Magkalapit na magkalapit ang mga katawan nami habang umiikot kami sa buong rink. "There's my girl."

Nag-angat ako ng tingin para kastiguhin siya pero hindi siya sa akin nakatingin. Tinignan ko ang tinitignan niya at napasimangot ako ng makita ko na nasa direksyon ng candidate niya ang atensyon niya. "Hindi naman pala siya ganong kaganda kapag malapitan."

"Hey you, no insulting my girl."

"My girl, my girl ka diyan. Iyan na ba ang gusto mo? Eh di magpakasal na kayo."

Ngumisi si Triton. "Saka na. Siyempre kailangan muna naming kilalanin ang isa't-isa bago kami magpakasal."

Natigilan ako sa sinabi niya at tinitigan ko ang babae. Mukha naman siyang mabait. Nakikipaglaro siya kasama ang mga estudyante niyang mga bata. "So siya na nga? Hindi mo na titignan ang iba pa na nasa listahan?"

"Siyempre titignan! Pagkakataon ko na iyon no!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Manyak ka talaga!"

"Pano mo nasabi? Minanyak na ba kita?"

"Lot of times jerk."

Nag peace sign si Triton at napatili naman ako dahil binitiwan niya ako para gawin iyon. "You fool!"

"Sorry na po!"

Muli niya akong hinawakan at iginaya sa kung saan. Nasa malapit na kami ngayon ni Allen Sanders. "He looks more handsome up close."

"Mas gwapo pa ako diyan." bulong ni Triton.

"Asa ka."

"Totoo naman kaya. Wala ng gaguwapo pa sa akin maliban sa ama ko at sa tatay mo. Pero kung sa henerasyon natin, ako talaga ang epitome ng kaguwapuhan."

"Keep dreaming.

"Hindi pa ba? I've been dreamig for quite some time now."

Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tapat ng tenga ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiilang ako sa sitwasyon nami kaya agad na kumawala ako sa kaniya.

A wrong move from my part.

Napatili na lang ako ng tuluyan na akong madulas. Nanlalaki ang mga mata na hinila ako ni Triton ngunit maging siya ay nawala ng panimbang ng masipa ko ang paanan niya. Naramdaman ko na ipinalibot niya ang mga braso niya sa akin at ipinihit ang katawan niya habang ako ay napapikit na lang ng mariin. We're borth falling. And I'm hell sure we'll fall hard on this ice.

I expected to feel the hard cold floor..but I didn't expect the warmth that touched me.

My eyes snapped open and I met Triton's similar shocked eyes.

...

...

We kissed!

CHAPTER 8 ~ Real ~

CHAPTER 8

DAWN'S POV

Warm, soft, tender...sweet. Napatigil ako sa paglalakad at mariing napapikit. Goodness, I shouldn't be thinking of such thing in broad daylight. And especially not here.

Kasalanan ng Triton na iyon ito eh. Kung hindi niya ako inaya na mag skating at kung hindi niya ako hinarot harot doon hindi sana mangyayari ang malagim na pangyayaring iyon. Kung hindi lang talaga ako nahiya sa mga tao sa paligid ay ipinalo ko na sa kaniya ang skate shoes na basta ko na lang hinubad noon para layasan siya.

That Lawrence! Wala na talaga siyang dinala sa buhay ko kundi sakit ng ulo.

We freaking kissed! KISS! As in my wonderful lips touched his sinful lips. Malay ko ba kung saan niya pinagdidikit ang makasalanan niyang labi. If I know kung kanikaninong babae na nanggaling iyon.

Hell! That just means that I kissed a lot of women...indirectly.

"Argh!"

Napatigil ako sa pagsisimyento at napatingin sa paligid. I mentally slapped the

back of my head for forgetting. Nasa Winterwood University nga pala ako. Ang unibersidad kung saan ako nagtuturo.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko at pilit na inignora ko ang mga matang nakasunod sa akin.

"Ang taray talaga ni Ma'am Davids no?"

"Shh! Baka marinig ka."

Hindi ko na pinansin ang mga narinig ko. Sanay na ako sa mga ganiyang bulungan. Hindi ko naman binibigyang pansin dahil alam ko namang totoo. So why bother with them right?

Lumiko ako sa isang pasilyo. May klase ako ngayon sa Literature. Suppose to be Chemistry at Physics lang ang hawak ko. Pero dahil biglang nawala ang isang propesora ng unibersidad dahil nagtatago sa mga kinauutangan niyang kasamahan sa trabaho at pati na sa mga estudyante ay nawalan tuloy kami ng Literature professor.

Dahil wala namang problema sa credentials ko ay ako na ang kumuha at nagkataon namang may nag a-apply para sa Physics subject. I gladly gave it up since conflict sa schedule ko ang Physics class ko.

"Sweetheart!"

Muli na naman akong napatigil. No. It's impossible. Imposible na nandito ang monster na iyon. Imposible na boses niya ang narinig ko-

"Master Sweetheart!"

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Umikot ako kasabay ng pag-igkas ng kamao ko. Pero mukhang mabilis ang reflex action niya at nasalo agad ang kamao ko kasabay ng paghila niya sa akin palapit sa kaniya.

"Let go!" I hissed at him.

Ngumisi si Triton at bahagyang dumukwang para bumulong sa tenga ko. "Wag kang masyadong maingay Professor Davids, mamaya niyan bukod sa mataray mabansagan ka pang war freak."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kung nandito ka lang para manggulo umalis ka na lang."

Pinakawalan na niya ako ngunit nanatiling nakahawak siya sa pulsuhan ko. Sinubukan kong makakawala na ng tuluyan ngunit hindi niya ako binitawan.

"GURABE ka naman sweetheart. Kararating ko lang pinapaalis mo na ako kaagad."

"Incase hidi mo napapansin, nasa university tayo Lawrence. Hindi pasyalan ang lugar na ito kaya umalis ka na." Akmang tatalikod na ako ng may maalala ako. "At wag na wag kang makikipaglandian sa mga estudyante dito kung hindi ay ililibing kita ng buhay. Naiintidihan mo?"

"Yes, Ma'am!"

Parang boy scout na nakasaludo lang siya habang nakatingin ako sa kaniya. Tumangotango ako at pagkatapos ay nilagpasan ko na siya. Mahuhuli pa ako sa klase ko. Ayoko pa naman sa lahat ay ang mahuli sa klase.

"Ay sweetheart!"

Nakaasik na nilingon ko si Triton na tumatakbo na naman palapit sa akin. "ANO BA?!"

"Ang sungit mo naman!"

Nagpaligon-lingon ako. May ilang mga estudyate at mga professor na napatigil at ngayon ay pinapanood kami. Nang tignan ko sila ay nagsiiwas sila ng tingin at nagkaniya-kaniya ng hanap ng pagkakaabalahan.

"Sinabi ng nasa university tayo!"

"Eh ano naman? Wala namang masama na makita tayong magkasama. Nakakatampo ka na sweetheart ah!" animo lungkot na lungkot na sabi ni Triton.

Nanggigigil na pinag-igting ko ang mga ngipin ko. Calm down Dawniella. You can't kill him now. That's a bad example to show the children, okay? Calm down. "Bigyan mo ako ng limang dahilan na ikinaganda na makita tayong magkasama."

"Maganda ka." ngiting-ngiti na sabi ni Triton.

I rolled my eyes. "Alam ko na iyan."

"Gwapo ako."

"Hindi ko alam yan."

Ngumuso si Triton pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Gumaganda ka lalo kapag ngumingiti ka."

"Kailan pa ako ngumiti sayo?"

"Secret." kumindat siya. "And we're both amazing."

Pinalampas ko na lang ang sinabi niya at namewang ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Tumingala siya na waring iniisip ang panlima niyang dahilan. Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi na talaga titino ang taong ito.

Tinalikuran ko na siya. Baka pareho kaming abutin ng pasko bago pa niya maisip ang pan-

"Dawn, mahal kita."

Napabaling ako sa kaniya kasunod ng pagtitilian ng mga tao sa paligid namin. Pati na si Professor Luissa Marquez na nawala ang laging seryosong mukha at ngayon ay kulang na lang ay pasabugin ang lugar sa tindi ng sigaw niya. Ang mga estudyanteng babae naman sa paligid ay kaniya kaniya na ng komento.

"OMG! That's the actor Trey Lawrence right?!"

"Grabe kilig kilig na ito!"

"Ang gwapo ni Trey! Mas bagay kami!"

"Ambisyosa! Mas bagay sila ni Ma'am dahil maganda si Ma'am! Eh ikaw? Feeling lang!"

"Ang yabang mo naman! Basta hindi sila bagay! Si Trey ko masayahin, eh si Ma'am mataray! Kaya mas bagay kaming mga masasayahin!"

"Bagay ka diyan. Sila ang bagay tignan mo nga oh, hindi lang bagay na bagay. Taong tao, hayop na hayop, pagkain na pagkain, pangyayari na pagyayari, bahagi ng tao na bahagi ng tao. Pinoy Henyo na Pinoy Henyo! Kaya wag ka ng kumontra!"

"Quiet! Back to your rooms!" sigaw ko sa mga ito.

Nagsipulasan ang mga estudyante na naghahagikhikan habang ang mga professor ay nangingiting umalis na rin.

Matalim ang tingin na binalingan ko si Triton. "What the hell Triton?!

"Mahal kita...

...

...

kaya pwedeng pahingi ng load?"

Napapikit ako ng mariin. Sinasabi na nga ba. As if namang totoo ang sinasabi niya di ba? And it's not like I'm expecting it to be real. That's right. I don't effin care.

"Ano ba talagang kailangan mo Triton?"

Ngumisi si Triton. "May lakad tayo bukas ng maaga. File a leave."

Alam ko na ang tinutukoy niya. Kahit nakangiti siya nakikita ko ang tensyon sa kaniya. We have another mission.

"Claw?"

"Yes."

"Okay." tumango-tango ako. "Pero sana sa susunod wag ka ng pumunta dito. Pwede mo namang i-text sakin."

"Wala nga akong load."

"Yeah right. We don't need load Triton."

Nag peace sign siya. "Sabi ko nga. Anyway, kaya lang naman ako pumunta dito imbis na mag text ay dahil nagkataong malapit dito ang lugar kung saan kami nagkita ng ka-date ko."

"Okay."

"And can you believe it? She's on my candidate list!"

"Ahh."

Ngumuso siya muli. "Can you at least feign interest?"

"I'm late for my class."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na ako. And this time, kahit na ano pang sasabihin niya ay hindi na ako hihinto para balikan siya. I'm tired of waiting for him to say something real. Don't go back there, Dawniella.

"Hey Dawn?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "What?"

"I really do love you."

Pinaikot ko ang mga mata ko at itinaas ko ang kanan ko na kamay upang bigyan siya ng baliktad na kaway.

"Yeah right. I love you too. Whatever."

Hindi naman siya marunong magseryoso kaya iyon din ang ibabalik ko sa kaniya. Maybe by joking back at him, will make him stop pestering me.

TRITON'S POV

"Yeah right. I love you too. Whatever."

Nanatiling nakatanaw lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Right. This is what I need to do. To just keep looking at her. Dahil ano pa ba ang pwede ko na gawin?

Kung sana pwede kong sabihin na "Dawn, mahal kita. Walang halong biro...basta mahal kita.".

But I can't. I shouldn't.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot iyon habang naglalakad ako palabas ng uiversity. "Yeah?"

"Kahit kailan ang ganda mo talagang bumati pare."

"At kahit kailan para ka pa ring babae sa kadaldalan, Archer. Ano bang meron at napatawag ka?"

"Chix. Pumunta ka daw dito sa Pazo Bar sabi ni Fiere. Pero kung ayaw mo eh di mas mabuti. Akin na lang silang lahat."

"Alas-singko pa lang ah. Maaga pa."

Nag-iba ang boses sa kabilang-linya. Si Thunder. "Walang maaga sa mga pogi, dude."

"Oo na, oo na."

Pinutol ko na ang tawag at sumakay na ako sa sasakyan ko. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa tinutukoy nila na bar. Kahit bahagya pang maliwanag sa labas ay hindi iyon alintana ng bar dahil animo gabi na sa loob. Hindi ko na rin kinakailangang hanapin sila Thunder dahil agad ko silang nakita. Sino bang hindi? Napapalibutan sila ng mga babae. Kasama pa si Erebus, Fiere, Aiere, Nyx, Ocean, Blaze at Stone.

Binatukan ko si Ocean na kulang na lang dambahin ang isang babae na humahagikhik lang. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ano ba, dude. Wag mo ngang ipahiya ang abs ko sa mga babes na ito."

"Ewan ko sayo. Isumbong kita sa nanay mo eh. Ang tamad-tamad mong mag-aral pero ang sipag mo na mambabae."

"Ganiyan talaga ang talented. Ikaw din naman ah!"

Sinamaan ko ng tingin sila Thunder na mahinang tumawa. Naiiling na umupo ako sa isang bakanteng upuan. Napabuntong hininga ako ng biglang may kumandong sa akin na babae.

"I'm sorry, Miss. I'm just here to drink."

Animo wala lang na umalis sa kandungan ko ang babae at lumipat sa naghihitay na bisig ni Thunder na mayroon ng babae na nakaupo sa kandungan. Pinaghiwalay ni Thunder ang mga hita niya para maiupo sa kabila ang isa pang babae.

"Ang KJ mo pareng Triton." sabi ni Thunder.

"Oo nga, dude. Diba ikaw nga ang numero unong babaero sa BHO CAMP?" tanong ni Ocean.

"Tantanan mo ako bata at baka gawin kitang sahog sa specialty ni Tito Yale. Ikuha mo na lang ako ng maiinom. Dry vodka."

Binelatan ako ni Ocean pero sumunod naman. Sinenyasan ko si Fiere at agad naman siyang tumayo habang hila si Aiere.

"Nyx sumama ka na." nakapikit na sabi ni Erebus.

"Hindi pwede. Kailangan kitang bantayan dahil baka marape ka. Mapapagalitan ako ni Tito Hade at Tita Quin kapag bigla kang nagkaroon ng anak. Omg! Paano kung marami silang rumape sayo? Eh di marami ka ng panganay- oy san mo ko dadalin?!"

"Sa kusina ng bar. Puputulin ko ang dila mo." tinatamad na sagot ni Erebus at hinila paalis si Nyx.

Nang makaalis sila ay binalingan ako ni Thunder. "Ano na namang problema mo? Kailangan mo na naman ng panty?"

"I can't believe you will do that kind of thing bro. Just for a woman." Archer said with a roll of his eyes.

"Watch your mouth Archer."

Umakto si Archer na zinizipper ang bibig. Tinignan ko si Thunder. "Stop talking about my situation."

"Why? It's a funny story."

"Thunder." sabi ko sa may babalang tinig.

"Nakakatawa nama talaga ah.

...

...

You're head over heels with Dawn. You're in love with her but you're not doing anything about it."

"Shut up. You know why I can't tell her."

"Para kang tanga pare." naiiling na sabi ni Thunder.

"Hindi parang." bulong ni Stone...o ni Blaze.

"Tanga talaga." singit naman ng kapatid niya.

Binigyan ko ng matalim na tingin ang magkapatid. "Wag nga kayong makialam na dalawa. Makipag-usap na lang kayo sa mga imaginary friends niyo o kaya makipagtitigan kayo sa alikabok sa ceiling."

"Ang daldal mo." sabi ng isa sa kanila.

"Ewan ko sa inyo. Maghanap na lang kayo ng magiging girlfriend ninyo para may pagkaabalahan kayo bukod sa pakielaman ako."

"Sinong may sabing wala akong girlfriend?"

"Sino ka?" balik-tanong ko habang nakakunot ang noo.

The guy chuckled. If you think it's impossible for a person to 'chuckle' without really smiling, then you're wrong. This same face simblings can do it. "Blaze."

"Sigurado kang si Blaze ka?"

"Gusto mong makita ang birth certificate ko?"

"Tss. Whatever. So may girlfriend ka?"

"Bakit interesado ka sa akin?"

"Jeez!"

Tuluyan na siyang napangiti. Pero mapang-asar na ngiti naman. "Oo may girlfriend na ako."

"Play girlfriend? Or 'real' girlfriend?"

"Real. Enyo."

Napatili ang dalawang babae sa kandungan ni Thunder ng muntik na niyang maihulog ang mga iyon habang ako naman ay laglag ang pangang nakatingin kay Blaze. Si Stone na katabi niya ay tahimik lang.

"What the!" Thunder said with a shocked face.

"For real?" tanong ko naman. Ang tinutukoy niya na Enyo ay ang isa sa kambal na anak ni Tita Paige.

"For real."

Dumako ang tingin ko sa kapatid ni Blaze na si Stone. Kumurap pa ako para masigurong magkaiba sila. Magkamukhang-magkamukha talaga sila. Kung hindi lang babae si Sky at...at si Storm baka lalo kaming nahilo sa quadruplets. "At ikaw. Girlfriend mo naman si Eris?"

"Do I need to date her because she has the same face of the woman that my brother is dating?"

"Err...no."

"That's my answer."

Napasandal ako sa couch at napapikit. Damn. Ako na lang ba ang hindi pa umuusad ang buhay? Maybe I'm really stuck here.

"I know what you're thinking pare. But you are not stuck."

Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon si Thunder na siyang nagsalita. "And why not?"

"You have two choices. Tell Dawn that you love her. The second one is move on and find another girl."

"Like that's an option."

"Then you have option number one."

Napabuntong hininga ako. "Hindi pwede. Alam niyong ayaw sa akin ni Tito Warren. Naiintindihan ko siya. I'm not good enough for his daughter."

"Isang beses ko lang sasabihin sa iyo ito pare dahil allergy ako sa tinatakbo ng pag-uusap natin."

"What?"

"It's not easy for a man to let a woman hold his heart. That makes a man that can fall in love, good enough...because he's brave enough to face his weakest point."

I close my eyes again while silently wishing that what he said is enough.

Because I know it won't be. CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~

CHAPTER 9

DAWN'S POV

"Get away!"

Nakangusong umusog pakaliwa si Triton na kanina ay sinisiksik ako para tumingin sa bintana sa gilid ko.

"Sungit talaga."

Hindi ko na lang pinansin ang pabulong niyang sinabi at tumingin na lang ako sa bintana. Pilit na inalis ko na rin sa isip ko ang apat pa naming kasama. Ang dalawa kasi sa kanila ay kulang na lang sumigaw sa lakas ng boses.

"Ang tagal naman!"

"Oo nga eh! Ako na kaya ang magpaandar ng eroplano?"

"Tama ka diyan sis. Paniguradong madali lang ito dahil mas mahirap i-handle ang Superman- Aray!"

Lumingon sa akin ang isa sa kambal ni tita Paige at aangal sana ng makita niya ang ekspresyon ko. Nag peace sign na lang siya. "Tsuri tsuri Master Dawn."

"Oy! Akin lang si Master Dawn!"

"Weh? Sayo siya?"

Sumimangot si Triton. "Sino ka ba?"

"Enyo, bakit may angal ka?"

"Oo! Akin lang si Master Dawn kaya wag mo siyang tatawaging 'master'!"

Tumayo si Enyo sa kinatatayuan niya at namewang. "Bakit kayo na ba? Magpapakasal na ba kayo? Magkakaanak?"

Bago pa makasagot si Triton ay piningot ko na siya sa tenga at pagkatapos ay tinignan ko ng masama si Enyo. "Umupo ka o ihahagis kita sa labas."

Umupo naman siya ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita. "Ewan ko sa iyong dalawa. Papangit ako sa inyo! Blaze pinagbabantaan ako ni Dawn o."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ni Blaze sa usapan? At...sa kaniya? May hindi ba ako alam?

Napabuntong-hininga na lang ako. Kung bakit naman kasi ang mga ito pa ang na-assign para maging kasama ko. At kung bakit naman kasi kailangan pa naming sumakay sa isang pampublikong eroplano.

We ca easily use BHO CAMP's transportation vehicles. Kaya lang kailangan namin gawin ito dahil dito din sa eroplano na ito nakasakay ang mga tauhan ng Claw na sa kung anong kadahilanan ay patungo ngayon ng UAE.

May hinuha kami na pupuntahan nila ang isa pa nilang hideout. The source idicates that Wyatt Claw's brother might be the one handling the UAE hideout.

"Hmm." tanging sinabi ni Blaze.

"Blaze! Dapat awayin mo si Dawn para sakin!"

"She's the boss."

"Kahit na! Ako kaya ang girlfriend mo! You don't love me!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Enyo. That's a new one. Mukhang masyado na akong nalulunod sa trabaho kaya hindi ko na alam ang mga bagong pangyayari sa buhay ng mga agents.

"Enyo." si Blaze.

"What?"

"Who are you?"

"Enyo Wright. Why?"

"Who owns you?"

Saglit na natahimik si Enyo habang kami nila Stone, Eris at Triton ay nag iintay sa sasabihin niya. Tumingin akong muli sa bintana at kunway hindi nakikinig. But I heard it clearly when she whispered.

"You."

"Eris." tawag ko sa pansin ng kakambal ni Enyo.

Pareho silang nasa harapan namin ni Triton na siyang katabi ko. Sa unahan nila ay

nandoon si Stone at Blaze.

"What?"

"Are you-"

"Stone's girlfriend?"

Tumaas ang kilay ko. "Yes."

"Why do everyone expects me to be his girl? Dahil ba boyfriend ng kapatid ko ang kakambal niya? My sister and I may be twins pero hindi ibig sabihin niyon ay kailangang kambal din ang maging boyfriend namin."

"And?" I prompted.

"I don't have a boyfriend but I have a steady date. You know him. Archer Lucas Chase. As for Stone, he's dating someone too."

"Who?"

"Ask him."

Hindi na ako nagsalita at tahimik na nag intay na lang ako. Alam ko na hindi ko na kailangan pa siyang tanunging ngayong rinig naman niya ang pinag-uusapan namin. Stone and Blaze are one of the few agents na madaling kausap at hindi na kailangan pa ng maraming kung ano.

"Athena Lawrence."

"What?!" magkasabay na pasigaw na tanong namin ni Triton.

Tumikhim ako at pilit a pinapormal ang ekspresyon sa mukha ko habang si Triton naman ay nanlalaki ang mga mata na nakatingi sa direksyon ni Stone na hindi man lang lumingon sa amin.

This is...this is a major turn of events. I didn't really expect that. Athena's head over heels with Fiere Roqas.

"Y-You're dating my cousin?" asked Triton.

"Yeah."

"Why?"

"Are you really asking me that Lawrence?"

Sumeryoso ang anyo ni Triton na nakatingin pa rin sa direksyon ni Stone. "Are you playing with my cousin's heart?"

"I can never play with her heart."

"So you...like her?"

"Not because of that. It's because she doesn't even have a heart to give to be played."

Tinakpan ko ang bibig ni Triton ng mukhang sasagot pa siya. Umiling ako. "Stop. Naaagaw na natin ang atensyon ng iba pang pasahero."

Tumahimik na ang mga kasama namin hanggang sa nag take-off na ang eroplano. Hindi na muling kumibo si Triton na itinutok na lang ang atensyon sa maliit na personal TV screen sa harapan niya.

Nanatiling asa bintana ang tingin ko kahit wala na akong nakikita roon. Naalis lang doon ang paningin ko ng tumayo si Blaze at Stone. Tumingin sa akin si Blaze at tinanguhan ko siya.

Nasa first class ang apat sa mataas ang tungkulin na miyembro ng Claw. Ang lima pa ay nasa business class. Habang kami naman nila Triton ay sa economy class kumuha. Hindi kami maaaring kumuha ng upuan sa mismong cabin kung saan naroroon ang mga tauhan ng Claw. Too risky.

"LD activated. M attendant sleeping. Approaching first class."

"Copy." I murmured.

Sana lang ay walang makatagpo ng pinatulog nila Blaze na lalaking flight attendant. But for sure Blaze and Stone will fiish this fast before someone find them or before the attendats gain conciousess.

Kailangan nilang gawin ito dahil sila ang papalit sa mga attendant na nakatoka sa nasabing cabin. At dahil may bilang ng mga attendat hindi pwedeng basta basta na

lang silang magsuot ng uniform at mag blend sa mga ito. They need to take two person out.

"LD activated. M attendant sleeping. Approaching business class."

"Ackwnowledge."

Tumayo si Eris at Enyo. Natanaw ko si Eris na may kinausap na flight attendant na babae. Dion Najjar. Kaibigan siya ng kambal. Ang sabi ni Enyo noon, kahit daw na hindi alam ni Dion ang tungkol sa totoong trabaho nila ay alam ng babae na may kakaiba sa kanila. But she's wise enough not to ask.

Nawala na ang kambal sa paningin ko pero alam ko na sinusundan nila si Dion. Everything's planned. They'll go to the plane's galley to talk and do what the twins need to do.

"Sir, wine?"

"What wine is that?"

"White French, sir. Mersault 2006."

That's Blaze for sure. Blaze was planned to be designated on first class cabin. White French Mersault is a kind of wine that is only served on first class passengers. That would mean Stone is at the business class cabin.

It's easy to know where they're location without using any BHO CAMP device besides the listening device because of the cabin levels. Pinaka-una ang First Class, then Business Class, and Economy Class. At dahil sa mga cabin levels na ito ay madali ng malaman ang mga pagkakaiba nila. Mula sa mismong lugar hanggang sa mga beverage na isineserve sa kanila.

Business class choices can be Champagne, White Bordeaux, Port, White and Res Australian and White NZ. Kahit na ilan sa mga ito ay meron din sa first class at sa economy, iba ang mga titles ng mga nasabing inumin. Katulad ng Champagne. First class' Champagne is Cuvee Dom, Business class Moet and Chandon, and the same for the Economy class. The only difference of the Business class and the Economy is that Business class have more options than the other.

"Give me some Port."

"Yes, sir."

"Is that a Dow's Vintage?"

"I'm sorry, sir, but that is only served on first class. But we have Quinta do Noval LBV 2002."

May bahagyang static sa LD. The twins joined the line. Nilingon ko si Triton ngunit nakatutok lang ang mga mata sa screen sa harapan niya. But I know he's listening.

We're lucky to be able to bring the listening device. But we didn't risk to bring any more devices beside the LD, guns, and the new BHO CAMP invention, Fuse.

Oh, and a medicine created by the BHO CAMP's expi deparment.

Hindi pa kasi lahat nagagawang i-enhance ng experiment department. Hindi namin gustong i-risk ang mga device kahit na alam namin na magagawa naming ilusot sa xray ang mga ito. We can't risk our device to be nar the Claw's member dahil may paraan sila para madetect ang mga device namin. Isang bagay na wala pang nakakagawa. Kahit na ang B.E.N.D., ang pinaka-malaking organisasyon na nakasagupa ng BHO CAMP.

Malapit ng matapos ang enhancement ng Vision, a device that can see pass through anything. And it can do quite a few things besides that. Ihahabol na lang iyon ng isa pang agent. Hindi naman kami gaanong nagmamadali dahil hindi naman namin agad gagawin ang mission pagdating sa UAE.

Napakurap ako ng may babae na nagsalita sa LD.

"Altered to F FA."

"Same."

We're shortening the words. Baka may makarinig pa kasi sa kanila. What one of the twins said is that she managed to changed like a female flight attendant.

"Fuse in the system. Done."

"Same."

I exhaled a sigh of relief. Stone and Blaze are done. Just in time.

"Ang sarap pala ng buhay Boss no?"

Bahagya kong nilingon si Triton. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nakaupo lang tayo dito habang sila ang gumagawa ng trabaho."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at pabulong na nagsalita ako. "This is not what it is. Kahit na minsan ay walang ginagawa ang isang leader, it is because it needs to be that way. Because we need to sit and plan. What they're doing now is my plan."

He chuckled. "Ako lang pala ang walang ginagawa."

"Buti alam mo."

Tumahimik na siyang muli at pareho kaming nakinig sa mga nangyayari. Ang kambal na

si Eris at Enyo naman ang kinakailangang kumilos.

"Sir, are you okay?"

"I-I'm about to throw up..."

"Let me help you, sir."

Pareho lang ang nangyayari sa kambal na ang isa ay nasa first class habang ang isa ay nasa business. Rinig sa LD ang pagtulong nila sa miyembro ng Claw na biglang nagsuka. It's not because of the device 'Fuse' but a medicine from BHO CAMP. Inilagay iyon ni Blaze at Stone sa isa sa mga wine glass na ibinigay niya sa mga ito.

Isang baso lang ang nilagyan ng nasabing gamot pero...lahat ng miyembro ng Claw ay may 'Fuse' na ngayon sa sistema nila.

The reason for the medicine is for them to be sick and for the Twins to help them and get their finger prints and DNA. The reason for using the Fuse is different.

May ngiti sa labi na kinuha ko ang tablet ko sa shoulder bag ko. May pinindot ako doon at napangiti ako ng siyam na tracker ang lumabas sa screen. That's the purpose of the Fuse device. It's a new tracker.

Klase siya ng tracker kung saan pinapasok namin sa mismong tao ang tracker sa pamamagitan ng paglagay nito sa pagkain o inumin ng target. It will self distruct once we activate the code for it to be destroyed without harming the person's body.

Binalik ko na sa bag ko ang tablet at sumandal ako sa upuan. This is why I prefer field mission than experiment department. I rather move and put myself on the line than to sit and let the other agents to put theirselves at risk.

"They'll be back." Triton murmured.

"I know."

"Manood ka na lang ng movie."

Umayos ako ng upo at pinindot ang screen sa harapan ko. Pero imbis na bumukas ay walang nangyari doon. Kinuha ko ang control pero hindi din gumagana.

"It's not working."

Sinilip ni Triton ang screen ko. "Sira nga. Mag sound trip ka na lang."

"Wala akong dalang earphones."

"Eh di papahiramin kita."

"Walang music sa phone ko...o sa tablet."

Nakangiwing tinigan ako ni Triton. "Tao ka ba Dawn o alien? Parang gusto ko na maglupasay sa sobrang out dated mo."

"Sapak gusto mo?"

"Ayoko."

Napalunok ako. Why he's being like this? He should be playful and looking at me with those smiling eyes...not this intense stare. "Anong gusto mo, sipa?"

"Hindi. Halik mo lang okay na."

"Tigilan mo nga ako."

Ngumisi siya at inabot sa akin ang isang tenga ng ear phone. "O, baka sabihin mo hindi ako gentleman."

"Hindi naman talaga." sabi ko at isinalpak ko sa kaliwa ko na tenga ang earphone.

Imbis na magsalita pa ay nakangiting inilgay niya naman sa kanan niyang tenga ang isa pang kabila ng earphone.

"Anong kanta to?"

"Theme song natin." sagot ni Triton.

"Lawrence. I'm warning you."

Lumingon siya sa akin. "Warning me...that you'll punch me or something? Or you're warning me to dare play our theme song?"

"Wala tayong theme song."

"Are you sure about that? Sa pagkakatanda ko ikaw pa-"

"Triton!"

Napalingon sa amin ang apat naming kasama na nakabalik na pala. Hindi ko alam kung bakit pero puno ng pagtataka ang mukha ni Blaze at Stone habang nakatingin kay Triton. They're listening...and confuse on something.

"Lower your voice Master Sweetie Dawn." bulong ni Triton.

"Then stop irritating me."

"Wala naman akong ginagawa ah."

"You're reminding me of something we both agreed to never remember again."

Ibinaling ko ang mga mata ko sa screen sa harapan ko kahit wala namang makikita roon. Ikinuyom ko ang mga kamay ko ng marinig ko ang kanta. It's not the theme song he's talking about. Ako'y Sayo by Side A ang tumutugtog. Pero dahil sa sinasabi niyon ay may bagay akong naaalala. Isang bagay na hindi ko na dapat pa na ungkatin uli.

"Dawn."

"What?" I whispered harshly.

"Paano kung sabihin ko sayo na

...

...

mahal pa rin kita?"

Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ko. "I'm the kind of person that won't laugh at the same joke, watch the same movie after watching it a few weeks back, and a person who will fall on a trap that caught me before."

"Paano nga?"

Lumingon ako sa kaniya. "Hindi na kita paniniwalaan ulit."

"Hindi mo na ako tatanggapin..ulit?" tanong niya muli.

"No."

"Because I'm not good enough?"

"No. Because I deserve more."

Bumuka ang bibig niya para magsalita ulit ngunit bahagya akong dumikit sa kaniya para bumulong.

"Seven years passed, Triton. I'm not that stupid girl anymore that keeps on waiting for you to say something real...even after you broke her heart."

"Dawn-"

"Napag-usapan na natin ito."

"I was just asking-"

"That Dawn and Triton...they never existed."

TRITON'S POV

"What the-"

Napatigil ako ng makita ko kung sino ang humila sa akin. Blaze at Stone. Pipila na sana kami dahil nandito na kami ngayon sa airport ng Dubai.

"Bitawan niyo ako." sabi ko sabay piksi.

"Explain." sabi ng isa sa kanila.

"Explain what?"

"Your conversation with Dawn."

Pinapormal ko ang ekspresyon ko. "You're baiting me. Nakapatay ang listening device-"

"Ni Dawn. Hindi ang sayo. Same with the Twins. Theirs were turn off but ours was still open that time."

Lihim na napamura ako sa sinabi ni Blaze...o ni Stone. Huminga ako ng malalim at sinalubong ko ang tingin nila. "No one should know about this."

"Akala ko ba hindi mo masabi sa kaniya na mahal mo siya?"

I sighed. There's no way out of this. "Hindi ko pa nasasabi na totoong mahal ko siya."

"What do you mean?"

"Seven years ago, Dawn's my girlfriend. I said those words to her...that I love her."

"And?" one of them prompted.

"I attended a party and got drunk. I woke up with another girl with me and Dawn founds out. But I swear man, nothing happened. I know for sure that nothing happened."

"And?"

"I broke her heart."

"And?"

"Jeez, man!" Nilingon ko si Dawn na kasama ang kambal bago ko muling hinarap si Blaze at Stone. "Kinausap ako ni Tito Warren. After that...I made Dawn believed that I was never serious with our relationship."

"You're stupid."

Tinalikuran ko na sila at naglakad na ako papunta sa kinaroroonan ni Dawn. Wala silang masasabi na hindi ko alam. I know that I'm stupid, a coward, an asshole. I know.

'I deserve more.'

I know. CHAPTER 10 ~ Try ~

Ang mga karakter at pangyayari ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa mga pangyayari, lugar, pangalan at tao ay hindi sinasadiya.

CHAPTER 10

DAWN'S POV

"So...ano iyong kanina?"

Napatigil ako sa ginagawa ko na pag-aayos ng gamit ko ng marinig ko na magsalita ang isa sa kambal na Enyo at Eris. Nandito na kami ngayon sa isang villa na ni-rent namin. We landed a few hours ago. Ang iniintay na lang namin ay mag gabi para maisagawa na namin ang mga kailangan gawin.

"What do you mean?" I said, feigning ignorance.

"Iyong pinagbubulungan niyo ni Triton kanina."

"Are you, you know. Together?" singit ng kakambal nito.

"Of course not." I answered. Hinarap ko ang suitcase ko at binuksan iyon. Hinawakan ko ang upper part ng suitcase at inilapat ko ang kanan ko na kamay roon.

"Then what was that?"

Umilaw ang nilapatan ko ng aking kamay. Iniangat ko ang kamay ko kasabay ng pagbukas ng hidden compartment ng suitcase. "Why are you interrogating me?" pagkasabi niyon ay humarap ako sa kambal.

"Wala lang. Curious lang kami."

"You should know the answer to your question. I'm not sure why you're even asking."

Sabay na pinaikot nila ang mga mata nila. Isa sa kanila ang nagsalita. "Kaya nga kami nagtatanong ay dahil hindi namin alam. Duh!"

Pinigilan ko na mapakunot noo. Ang akala ko ay narinig nila kami. Stone and Blaze was acting strange a while ago. I know for sure that they heard us...but it looks like the twins didn't. How is that even possible when they were sitting closer to us than Stone and Blaze?

"Fine. We were talking about...about our candidates."

"Ahh. Iyon lang naman pala."

"Psh. Wala naman pa lang bago na chismis."

Nakanguso na tumalikod na sila at naglakad paalis. I sighed in relief. They won't pester me about the candidates. Dahil matagal na iyong nalaman ng mga agents dahil sa mga magulang namin na ikinalat na ata sa lahat ng mga magulang ng Third Generation agents.

But how come they didn't heard what Triton and I were talking about?

Tumingin ako sa suitcase sa harapan iko at huminga ng malalim. I looked at the guns on my hidden compartment that even the airport's x-ray can't detect. Barilin ko kaya si Triton ng matahimik na ang buhay ko?

"Master Sweetie Dawn- Err...is this a bad time?" alanganing tanong ni Triton ng makita ang baril ko na ngayon ay nakatutok na sa kaniya.

"It will be if you don't step out of my room."

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay niya na parang sumusuko at dahan-dahan na umatras hanggang nasa labas na siya ng pintuan ng kwarto ko. "Pwede na ba ito?"

"Pwede na." sabi ko. "Anong kailangan mo?"

"Ikaw?"

"Triton!"

Ngumisi siya. "Itatanong ko lang kung kailan tayo magsisimula? Because we're ready and you're not." binuntutan niya iyon ng mapang-asar na halakhak.

"We will be ready when I am ready."

Napatigil siya sa pagtawa. May kung anong dumaan sa mga mata niya bago iyon tuluyang naglaho at napalitan ng masaya niyang mga mata. "Okay!"

Akmang tatalikod na si Triton pero pinigilan ko siya. "Lawrence!"

"Yes, Master?"

"Paano nalaman ni Blaze at Stone?"

Naningkit ang mga mata ko ng mapangiwi siya at mapakamot sa ulo niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahilan para mapahinto siya sa akmang pag-atras. "How?!"

"Err...nakabukas ang LD?" alanganin niyang sabi.

"Nino?"

"Mine- Wait! Bago ka magalit talagang hindi ko sinadiya iyon! I totally forgot."

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. Damn it. When I opened my eyes again I saw Triton looking worriedly at me. "Make sure this won't spread."

"I prom-"

"Stop. Don't promise anything. Just do it."

Isinarado ko na ang pintuan. Lumapit ako sa kama at pabagsak na humiga ako roon. Ipinikit ko ang mga mata ko.

I need to focus on one thing.

I need to focus on this life time. When Dawn lives the life of Dawn, and Triton lives his. Not Dawn and Triton.

...

...

Not together.

SABAY na dumapa kami ni Stone ng may owner type jeep na dumaan. Automatic na na-adapt ng CBS o Chameleon Black Suit na suot namin ang mga damo kung saan kami dumikit. Though even without the CBS, we won't be seen. Masyadong mataas ang mga talahib dito.

Hermes was the one who delivered the Vision, the CBS and Natapos na kasi ang enhancement sa mga ito. They added a para maiwasan ito na madetect. Triple sa kung ano pa ang software na mayroon kami noon. Hindi niya magawang dalin daw ang mga iyon sa testing.

Mahirap na kung kailan nasa gitna kami ng mission ay saka iyon. Kaya ang mga proven pa lang ang dinala namin.

another new experiment. protective software on it meron na protective ang iba dahil dumadaan pa

mag malfunction ang mga

"What the hell! Lookouts?!" I murmured harshly.

"Sorry. I got delayed."

Isa sa Twin Wright ang sumagot. Nakatoka kasi sila na umakyat sa isang tower hindi kalayuan mula sa kinaroroonan namin ngayon. Sa iba namang lokasyon ng lugar na ito naroroon si Blaze at Triton.

"Two more vehicles. Stay where you are."

"Tri and Blaze side be ready. Dadaan sila diyan."

Sa kanila muli nanggaling iyon. Sinunod namin sila ni Stone at nanatili sa puwesto namin.

Nandito kami sa Wild Life. Isa siyang malaking wild life like habittat na binuo ng isang mayamang arabo. Hindi biro ang ginastos nila para magawa ang Wild Life dahil hindi ganoong kadali i-mentain ang mga halaman rito sa UAE. Lalo na ang mga puno. Makikita rin rito ang iba't-ibang klase ng mga wild animals. Like lions, tigers and leopards.

Sa umaga ay sakay ng mga sasakyan na ginagamit para sa lion viewing ay ipinapasyal nila dito ang mga tao. Ngunit may mga araw na hindi sila bukas at nakaset iyon sa website nila kung saan makikita ang schedule para sa lion viewing.

"Move."

Tumayo ako ng marinig ko ang boses ng isa sa kambal. Patakbo na tinungo ko ang barbed fence at huminto ng malapit na ako roon. Kumuha ako ng maliit na piraso ng talahib at hinagis ko sa fence.

Not electric.

Halos sabay na umakyat kami ni Stone sa fence. Hindi madaling gawin iyon dahil sa taas ng nasabing fence.

"Here let me help you up."

"No thanks." I said to Stone who extended a hand to me. Tinuloy ko ang pag-akyat ko.

Stone may be taller than me but my strength is no doubt better than him. Or anyone. Hindi sa pagmamayabang pero wala pang umuubra sa kanila sa akin sa training.

I heard him chuckled when I gave one final pull of my body and balanced myself on the edge of the fence. "What?"

"I just thought that whoever that someone on you're list that you'll choose, he'll be doom."

"Ewan ko sayo. Bumaba ka na lang kaya."

"Fine." he said and readied himself to climb down.

Ngunit bago pa niya iyon magawa ay hinila ko na siya pabalik sa dati niyang puwesto. Muntik pa itong mahulog dahil sa bigla ko na paghila.

"What the hell?!"

I rolled my eyes at him. "Triton, Blaze, don't climb down."

"Copy."

"Acknowledge."

Hinarap ko si Stone. "Do you ever stopped and tried to understand all those trainings we had? Hindi ka pwede na basta-basta kumilos."

Kumuha ako ng talahib na inipit ko sa belt ko kanina at inihagis ko iyon sa harapan namin. I raised my eyebrows when a red light appeared just inch downwards from where we were balancing ourselves and lasered the piece of grass I threw.

"Shit." I murmured.

"Right. Shit."

"Team B. Laser alarm. Offensive."

Nag response sila sa sinabi ko ngunit hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at sa halip ay mabilis na gumana ang isip ko kung paano kami makakatalon palagpas sa laser na nasa ilalim namin.

Iisa lang ang laser na iyon. Mukhang alam ng kung sino man na naglagay nito na once bumaba ang umaakyat ay antimanong mapipigilan iyon. O mas tamang sabihin na mapapatay.

"What are you doing?"

Hindi ko na siya pinansin at bumaba ako ulit sa pinanggalingan namin. Tumakbo ako pakaliwa hanggang nakita ko ang pinakameeting point ng fence. Kung saan itinali ang mga barbed wire sa isang stainless pipe para makagawa ng fence.

"Dawn?"

"Quiet." I said to Stone.

Kinuha ko ang matalas na patalim mula sa knife holster na nakakabit sa hita ko at ginamit ko iyon para putulin ang fence. Nang magtagumpay ako ay tumakbo naman ako sa kanan at nilagpasan ko ang nagtatakang si Stone na nakatingin sa akin mula sa itaas. Muli kong pinutol ang mga wire na nakakabit sa pipe.

"Don't move Stone. Not an inch."

Tinignan ko kinakabitan naman ng mga matitigas at makapal na wire sa ibaba. Nakapaikot ang mga iyon sa parisukat na bakal na may lapad na animo four inch na screen ng isang touch screen phone.

"Okay, here's the thing Stone. I want you to run to your left side as fast as you can. When you're down on the other side I want you to grab the pipe fast and pull it up. Or else I'll die."

"No, Dawn!"

Hindi kay Stone nanggaling ang boses na iyon kundi kay Triton. The LD of course. "Shut up Lawrence."

"You can just jump over the laser."

"And break our bones? No thanks. It's too high."

"But we-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Ano ang sumalo sa inyo ng tumalon kayo?"

"We...didn't. May puno na nakaharang sa fence at iyon ang ginamit namin para makababa sa kabila."

"That's the answer. We don't have a tree here so shut up."

Tinignan ko si Stone. We're cousins after all. He won't let me die. "You got it?"

"Yes."

Pumuwesto ako sa mismong baba ni Stone; the middle. "One." inilapat ko ang mga kamay ko sa wire at mahigpit na hinawakan ko iyon. "Two." I look up at Stone but he's not looking at me. He's readying himself. "Three!" kinabig ko ang fence pakaliwa.

I saw it clearly when the fence was lasered just an inch below Stone who's currently running fast as he can on the pipe. Mabilis na bumitaw ako sa fence at doble ang pwerse na umakyat ako. I barely able to grabbed the pipe when I felt it move upwards...then down again.

I felt a searing pain on my left leg. No doubt, I was cut and hopefully just a flesh were taken out and not my entire leg.

"You okay?"

Nag angat ako ng tingin. "I'm fine. Just a scratch."

"A big scratch."

Umuklo siya at tinignan ang sugat ko. May inilabas siya na panyo mula sa bulsa ng suit niya at itinali niya iyon sa binti ko na nasugatan. He's right. It is big.

"Dawn? Damn it Dawn!" narinig ko na sigaw ni Triton sa LD.

"Shut up!" I hissed. "Do you want to alert everyone to your location?"

"But-"

"I'm fine!" Tinignan ko si Stone. "I'm fine okay? Stop worrying."

Pinagpatuloy ni Stone ang ginagawa niya. "I'm not worried. Kumpara sa mga tinamo nating mga sugat noon, maliit lang ito. But remember where we are. You can't be injured at this time. No one should."

"What-"

Napatigil ako sa sasabihin ko ng may marinig ako na ingay. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung anong tunog iyon.

"Hyenas?" I asked him.

"Definitely." tumingin si Stone sa likuran ko. "Oh look how cute. It's even spotted!" he said sarcastically.

Hyenas are all dangerous. Marami na din ang nakapagsabi na mas delikado ang spotted kaysa sa stripped hyenas. But whatever it is, striped or spotted. It is still dangerous.

"I don't want to kill a Hyena. They're almost endangered."

Stone shrugged. "It's them or us."

Tumayo ako at humarap sa direksyon na tinitignan ni Stone kanina. Mahinang napamura ako ng makita ko ang limang Hyena na palapit na sa amin ngayon. Sa tabi ko ay humugot ng baril si Stone.

Okay. I can't kill this animals. Una, wala silang ginagawa sa akin. Or to be exact wala pa silang ginagawa sa akin. Pangalawa, it's their nature to prey on humans like it's human's nature to eat animals.

Huminga ako ng malalim at humakbang palapit sa mga ito. "Stop! Sit!"

Sa pagkagulat ko ay sumunod sila sa sinabi ko. I know they're similar to dogs pero mas lamang ang similarities nila sa pusa. Still...they are an intelligent creature. "Move Stone. Umatras ka ng dahan-dahan."

"Another vehicle approaching, Dawn. Just one this time." sabi ng isa sa kambal.

Naramdaman ko na kumilos na si Stone sa tabi ko. Alam kong alam na niya kung anong gagawin. Thanks heavens for the vehicle.

Nanatiling nakatingin ako sa mga hyenas habang umaatras ako. Sinundan nila ng tingin ang paggalaw ko at dahan-dahan na humakbang sila palapit sa akin habang ako naman ay panay ang atras. They keep their heads down and avoided my eyes. That's a good sign...they're not ready to attack yet.

Sa hayop, sa mga mata mo makikita ang paggalang nila. They won't look at you straight into the eyes. Hindi sila titingin kapag alam nila na mas alpha ka kaysa sa kanila. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ng pasensya ng mga hyena na ito.

Naramdaman ko na hinawakan ako ni Stone sa bewang at kasabay niyon ay ang pag-angat namin.

...

...

We're on the vehicle.

"Nice." I commented.

Hindi nagsalita si Stone at hinila na lamang ako paakyat hanggang nasa bubong na kami ng closed vehicle na kinaroroonan namin. Pareho kaming dumapa at dahil sa CBS ay na-adapt namin ang kulay ng bubong ng sasakyan.

Nahahapo na sumandig ako sa bubong. I admit, that was scary.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas. Naramdaman ko na lang na bahagya akong siniko ni Stone. Napakurap ako at doon ko napagtanto na saglit ako na napaidlip. Mabigat din ang pakiramdam ko.

Narinig ko ang pagbukas ng magkabilang pintuan ng sasakyan. Nag uusap ang dalawang lalaki na lumabas mula roon.

"Nandiyan ba si boss Warner?"

"Syempre. Sa dami ng ibinaba dito na mga droga kahapon imposible na ipagkatiwala lang nila sa atin basta-basta."

"Eh si Abram?"

"Ano namang magagawa ng arabo na iyon eh si boss naman talaga ang may-ari ng lugar na ito? Takot niya lang at baka dispatyahin siya ni boss."

"Sabagay- Uy! May dugo sa bubong."

Tumingin ako sa ibabang bahagi ng bubong. Napakagat labi ako ng makita ko ang dugo roon na nagmula sa sugatan ko na binti.

My body tensed when the man step back towards the vehicle.

"Pabayaan mo na yan baka mapagalitan pa tayo kapag nahuli tayo. Malamang may sugatan na leon o kung ano man na umakyat kanina sa bubong natin."

"Kung sabagay. Mamaya ko na lang siguro lilinisin iyan."

"Tara na. Hinihintay na tayo sa conference room."

Nakahinga ako ng maluwag ng maglakad na sila paalis. Bumaba na si Stone ngunit nanatiling nakadikit siya sa sasakyan para hindi madeactivate ang CBS dahil paniguradong may security camera dito. Tahimik na sumunod ako sa kaniya.

"Activate 'Defense Inferno'." I murmured.

"Got it." answered one of the Twins.

Narinig ko na sinabi din ni Stone ang command ko at pati na rin sina Blaze at Stone sa kabila ng LD.

Hinugot ko ang Strike Gun mula sa holster nito. Strike gun can pierce pass through any kind of barricade. Walls, bulletproof glass, metals. Dumaan narin ito sa enhancement. May ikinabit ako roon na silencer at katulad sa isang camera ay inikot ko ang dulo niyon. May mga numero doon na ang ibig sabihin ay ang layo at impact na gusto namin.

Hininaan ko lang iyon. Just enough to destroy the security camera.

Mabilis ang naging pagkilos namin ni Stone at sa segundo ng paghiwalay namin sa sasakyan at mawala ang bisa ng CBS ay kaagad kaming nagpaputok sa direksyon ng visible na security camera.

"You handle the camera, Stone. I'll take care of the Inferno."

Ibinalik ko ang baril sa holster at may kinuha naman ako sa backpack na suot ko. A spray canister.

Tumakbo ako sa direksyon na tinungo ng dalawang lalaki kanina. Sa likuran ko ay nakasunod si Stone na pinapaputukan ang mga security cameras. Kaagad na pinagana ko ang mga spray ng may makita ako na mga crate na nagkalat sa paligid.

"Hoy! Sino kayo-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaki na humarang sa akin at malakas na ipinalo ko sa kaniya ang canister. Walang malay na bumagsak siya sa sahig.

I continued to run. Mabilis na inakyat ko ang patong patong na mga crate na may kataasan. Walang hinto na nagtuloy-tuloy ako habang iniispray ko sa paligid ang hawak ko. Nang makita ko na malapit na ako sa dulo ay may hinigit ako sa sinturon ko at inihagis ko iyon sa kung saan. Kasabay niyon ay tumalon ako.

Nagkagulo ang mga lalaking nakaupo sa malaking parisukat na lamesa. Ang iba sa kanila ay tumatakbo sa direksyon ng walang duda ay si Stone. Ang iba naman sa kanila ay nakatingin sa akin.

Bahagya akong napasinghap ng makababa ako. Pilit na inignora ko ang sakit na nararamdaman ko sa binti ko.

"Sino ka?!"

May pinindot ako na buton sa sinturon ko, at lumikha ng tunog ang kanina kong hinagis, ng bumalik iyon sa sinturon ko. It's like the rapel cord but this is more convenient.

"Sinabi ng sino ka-"

Sa isang mabilis na galaw ay pinatama ko ang kamao ko sa mukha ng lalaking nagtatanong. I grabbed him by the nape ang pulled another gun. Nakasuksok iyon sa

compartment ng backpack ko. It is made for it.

Mabilis na nagpaputok ako sa lalaki at sa katabi nito. They went down but they're not dead. I used the Mist.

Binitawan ko ang baril ng marinig ko ang pagkasa ng isa pang baril. Inilipat ko sa kanan kong kamay ang pagkakahawak ko sa lalaki at gamit ang kaliwa ay humugot ako ng patalim. Kasabay ng pagbitaw ko sa lalaking ginagamit ko na shield ay ang paglipad ng patalim na hawak ko sa direksyon ng isa pang lalaki.

Without wasting any seconds I propelled myself on the huge rectangular table and kick the nearest man to me. In a fast twist, I spin my body with my legs stretched hitting two men in the process. Inabot ko naman ang isa pa at inipit ko ang ulo niya gamit ng mga braso ko. He went down with the others.

Nang makita ko na iisang tao na lang ang may malay ay pa-indian sit na umupo ako sa gitna ng table at humarap sa kaniya. Pilit na inignora ko ang sakit na nararamdaman ko sa dumudugo ko pa rin na sugat.

"Warner Claw, what a pleasure."

"Who the hell are you?"

"You know what, I hate that question. Alam mo kung bakit? Dahil alam niyo na naman ang kasagutan pero nagtatanong pa rin kayo. Sa tingin mo bakit ko pinatulog ang mga kasama mo? Para makipagkuwentuhan sayo?"

"You bitch-"

"I've been called worse. Now if you don't want to anger me further, drop your gun and come with me."

Ngumisi siya ng nakakaloko. "Sino ka sa tingin mo para utusan ako? Hindi mo ba ako nakikilala sa apelido ko? I'm a Claw!"

I rolled my eyes at him. "Mas malala ka pa pala kesa sa kapatid mo. Hindi ka lang kriminal, baliw ka pa. Who cares if you're a Claw? Then I'll be 'fangs' to shut you up."

"Fuck you!"

"Right back at you." I smiled at him sweetly. "Drop your gun. Ikaw ang kailangan namin na kunin. Pero kung hindi ka sasama ng maayos mapipilitan akong mas guluhin pa ang sitwasyon."

"You won't get away with this! Marami kaming mga tauhan at hindi na kayo makakalabas pa!"

"They are all seized...or dead."

"That is not-"

Pinutol ko na ang sasabihin niya. May kinuha ako na lighter sa bulsa ko at pinagana iyon. Inihagis ko iyon sa direksyon ng crate at sa isang kisap mata ay

...

...

napuno ng apoy ang buong paligid.

Lahat ng dinaanan ko, lahat ng tinamaan ng spray na hawak ko. Lahat ay nag aapoy na ngayon. Inferno. That's the name of the device.

Iyon din ang rason kung bakit may 'Defense Inferno' kami. Dahil kung wala iyon ay kasama ang gagamit ng spray na masusunog.

"No, no, no, no!"

"I told you."

Galit na tumingin siya sa akin at kinalabit ang gatilyo. Mabilis naman akong nakaiwas ngunit halos mawalan ako ng malay ng maidantay ko ang sugatan ko na binti. My eyes clouded with pain.

Just shoot him Dawn. One last move. Shoot him.

How ironic. I got lashed by a whipped before but I'm not as pityful as I look now.

"Hah! Nasugatan ka ng laser? You're dead meat girl! You're dead! You don't know what is that laser capable off. It's not for a simple offensive security purpose. We're not merciful because we're Claw! You're dead!"

I gritted my teeth but I can't move. Damn it! I need to move! But my body won't work. I can't feel my bones. I can't feel anything but pain.

"Let me do you a favor by killing you. Hmm?"

No.

I won't end this way.

I heard a loud thump but I can't focus on it. My head is in jumble. All I know is that I can't die. Not now...not yet.

But...why not?

Ano pa ba ang ipinaglalaban ko? I can rest this way. I don't need to worry about anything. I don't need to pretend every single day.

"Dawn!"

I slowly opened my eyes.

Triton.

"Dawn...damn! Let me help you up."

The reason I need to be like this.

"Sabihin mo sa akin kung saan masakit. May iba pa bang nasugatan sa iyo?"

The reason I need to pretend.

"Here, I got you. Everything's okay. We've done it. Hawak na ni Stone si Warner. You've done really great Dawn."

The reason I wanted to forget.

"No, no! Don't close your eyes! Look at me Dawn!"

But I am not able to. Because I cant...because a part of me still won't.

"I-I'm tired..."

"You can rest later. Just tell me what happened Dawn. Para malaman ko kung ano ang kailangan kong gawin."

"I can...rest...now."

Sa kabila ng nanlalabong paningin ay nakita ko si Triton na sunod-sunod na umiling. "No. Later, Dawn. Later."

"S-Stupid...m-mon...m-monster."

"Okay. Just don't sleep."

"L-Let me...be."

"I still love you."

Malinaw ko na narinig ang sinabi niya. Pero ayoko. Ayokong paniwalaan. Ayoko na. We can't do this anymore.

"Live. Please live. Then after this let's try again, Dawn. Just for a day...be mine."

I can't Triton.

"I was holding on to you all this time. That's the reason I stayed close to you. Just to see you, just to talk to you...that might be a small part to hold on to, but it was enough."

Stop...

"Pero hindi na ngayon. Isipin mo na lang na bayad iyon dahil niligtas kita ngayon. Wala ng libre sa mundong ito diba, Master? So live and pay me back."

I shouldn't bring that Dawn back again. I should not.

"Just give me that chance and after that...I'll leave you alone. I won't bother you anymore. I just want to be with you like before."

H-He'll go away if I agree on this. I'll be free.

"Dawn, don't close your eyes!"

He'll leave me. I should be happy right?"

"You can't give up. Not today, not ever. You still need to pay!"

He'll...leave. No more drunkface Triton, playboy Triton...no more mediocre coworker Trition. No teasing. There will be no 'This life time Triton' or 'Past Triton'.

Just me.

But why...

...

...

Why don't I feel happy?

"I still love you! You heard me right?! I love you! I still fucking do!"

You know the answer, Dawn. You always did.

"Open your eyes...please."

You know.

"Be with me, Dawn."

I can't Triton. I might be too late to realize but...

...

...

I was holding on to. And that small part still don't want to let go.

CHAPTER 11 ~ Finaliento ~

A/N: Thanks for waiting :)

Finaliento = fictional. Gawa-gawa ko lang iyan :) You'll know why ^__^v

PS: Thank you Kenneth Corbilla for the song <3 Feeling ko mauulit ko siya ulit gamitin sa story na ito sa iba pang mga chapters *o* Thankies!

CHAPTER 11

TRITON'S POV

"No."

Dalawang letrang salita ngunit nakapagdulot ng sakit sa akin. Pero alam kong kasalan ko. Masyado ko na siyang nasaktan.

Mabilis na isinakay ko si Dawn ng may tumigil na sasakyan sa harapan namin. Eris and Enyo. Dala nila ang sasakyan na ginamit namin kanina nang magtungo kami rito sa hideout ng Claw.

"I-I won't take no for an answer Master Dawn. For now magpagaling ka muna."

Hindi na niya nagawang makasagot ng bigla siyang suminghap na para bang kinakapos siya ng hininga.

"Hold on Dawn!"

Hindi ko alam kung naririnig niya pa ako. Bakas ang hirap sa mukha niya habang hinahabol ang hininga niya. Kasalanan ng Claw ito. Lahat ng nangyayari sa amin ay kasalanan nila. Ang dami ng pinagdaanan ni Dawn dahil sa kanila.

Kung kaya ko lang...kung kaya ko lang na ilayo siya ng tuluyan sa gulong ito.

"K-Ki...K-Kill me."

"No!"

"P...Please..."

Napuno ng ingay ang sasakyan. Puro mura ang isinisigaw ni Enyo at Eris kay Warner na nasa pinakalikod ng sasakyan kasama sina Stone at Blaze na kasalukuyang kausap ang agent na may dala ng private plane ng BHOCAMP dito sa UAE.

"Please..."

"You can't die. And even if you do, I'll move heaven, earth and hell just to bring you back."

"Tri...p-please-"

Hindi na nagawang tapusin ni Dawn ang sasabihin niya ng yumuko ako at ilapat ang mga labi ko sa kaniya. I forced my breath into her as much as I can. Paulit-ulit ko iyong ginawa ngunit hindi iyon sapat para matulungan si Dawn.

She slowly opened her eyes and screamed. I can feel my heart tearing as she cries for help...and the feeling of fear as I look into her eyes. Light brown ang kulay ng mga mata ni Dawn, ngunit ngayon ay lalong pumupusyaw ang kulay niyon na para bang nawawalan ng kulay ang mga mata niya.

"Dawn..."

"We're here! Get her out!" sigaw ng isa sa kambal na Wright.

Mabilis na inilabas ko si Dawn habang sa labas ay nandoon na ang isa kaila Blaze at Stone at inaalalayan ako. Nagmamadaling itinakbo namin si Dawn patungo sa private plane ng BHOCAMP. Ang Superman.

Sa baba ng pintuan ay nandoon ang magiging pilot namin na si Thunder. "I've been here for ages- What the!"

"No time to talk, hurry up!"

Mabilis pa sa alas-kwatro na tumakbo si Thunder pabalik sa loob ng private plane habang nakasunod kami sa kaniya. Nang makapasok kami ay kaagad na kumilos ang isa sa Wright at nirecline pababa ang isang upuan. Inihiga ko doon si Dawn at inactivate ko ang mga seatbelt niya habang may naghila na ng oxygen para ikabit iyon kay Dawn.

"Get ready Tri." sabi ni Thunder na nasa harapan na.

Mabilis na umupo ako at inactivate ang mga seatbelt. Hinawakan ko ang kamay ni Dawn at kasabay niyon ay naramdaman ko ang mabilis na pag-andar ng sinasakyan namin.

"How long will it take Thunder?" I asked.

"Two hours."

"Shit!"

"Pwede ko pang pabilisin. But we dont usually do that kapag malayo ang destinasyon. Something might go wrong."

Hindi na ako nakasagot ng muling sumigaw si Dawn. Halo-halo na ang sinasabi niya at halos hindi na marinig dahil sa mga sigaw niya. But I able to catch some of her words. Pain, paralyze, burning.

"Fuck this!" sigaw ni Thunder kasabay ng biglaang pagbilis ng sinasakyan namin.

It will normall took us eight hours. From UAE to Philippines and vise versa. Pero iyon ay kung normal flight ang pagdadaanan namin katulad ng ginawa namin papunta. But the invention of BHOCAMP, the Superman, is different. A two hour flight can be minutes, an eight hour flight can be for just two hours.

But I dont know if Dawn can make it through that two hours.

"Thunder..." I heard the warning on one of the Reynold's voice as Thunder puhed the aircraft at its limit.

Hindi ko inaalis ang probably hunt me for na babae na nakilala niya ay hindi pa rin

tingin ko kay Dawn sa buong durasyon ng byahe. This will life...seeing her like this. Si Dawn ang isa sa pinakamatapang ko. Kahit siguro tanggalin pa ang titulo ng pagiging agent iyon makakabawas sa lakas ng personalidad niya.

I don't want to see her like this. Not just because I don't want to see a strong woman crumple this way...but because I hate to see the woman I love hurt this way.

"Can't reach the BHOCAMP's heliport!"

Humigpit ang pagkakahawak ko kay Dawn ng biglang umalog ang sinasakyan namin. I saw Thunder trying to bring the plane up but we're going down.

"Thunder!" sigaw ng kambal na Enyo at Eris.

"Shut up, shut up! I got this!"

Isang malakas na galabog ang namayani sa paligid ng sumadsad kami sa lupa. Ilang beses na muntik na tumaob ang sinasakyan namin ngunit sa kung paanong paraan ay nagawa ni Thunder na idiretso ang pagbagsak namin.

Nang maramdaman ko na tuluyan na kaming huminto ay mabilis na kumilos ako at inalis ko ang seatbelts ko pati na ang kay Dawn.

"I'll alert the agents. Ilang milya na lang ang kinaroroonan natin mula sa headquarters." sabi ni Thunder.

"We can't wait here." tumingin ako sa isa sa Reynolds at tumango naman siya. Bahagya akong nag squat at binuhat niya naman si Dawn at inilagay sa likuran ko."

"Be careful with her leg."

I nodded at him. Tumakbo na ako palabas ng eroplano. Inabot ko ang relo na suot ko at may pinindot ako roon. Lumabas sa screen niyon ang direksyon papunta sa headquarters.

Tinahak ko ang direksyon na tinuro sa relos na suot ko. Pilit na iniiwasan ko na madaan sa lubak ngunit naririnig ko pa rin ang pagsinghap ni Dawn sa likuran ko.

"Hold on for awhile, sweetie. We're almost there."

"T-Tired..."

"I know, I know. But you can do this. Si Master Dawn ka diba? So you can survive this. I'm still the irresponsible Triton Lawrence, you can't just leave BHOCAMP to me. Gusto mo ba na gumuho lahat ng pinaghirapan ng mga pamilya natin?"

"Hurts...too much..."

I bit my lower lip, hard enough that I can almost taste my blood. "You can do this. You're brave...my brave girl."

Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang tinatakbo ko ngunit nakakaramdam na ako ng panghihina. I muttered a curse and look at my arm. A bullet wound. I don't know how long I can still ignore it.

Narinig ko ang sigaw ni Dawn ng muntik na kaming mahulog pareho. Mabilis na idinantay ko ang isa kong kamay sa katawan ng puno para suportahan ang sarili ko.

"T-Tri..."

"I'm okay. Hang on."

Sinimulan ko ulit ang pagtakbo ko at pilit na iniignora ang panlalabo ng paningin ko. We're close...she'll be safe then.

"Just...just a little more." I said to Dawn.

"Tri...something's w-wrong with you..."

"No. I'm fine sweeheart. Let me do the worrying. Just hang on to me."

All I do was fail her. I won't do that now.

"Triton!"

I sighed in relief when I saw Tita Autumn and Tita Wynd running towards us. Sa likod nila ay may nakatigil na ambulansiya na may tatak ng BHOCAMP.

Akmang kukunin ni Tito Wynd si Dawn sa akin ngunit hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa kaniya. "I got her, Tito."

Dahan-dahan na inikot ko si Dawn hanggang karga ko na siya sa mga braso ko. It didn't help that my injury ache with the weight but I just dont care.

Ipinasok ko siya sa ambulansiya at pagkaraan ay umaandar na kami. Mabilis ang naging pagkilos ng mag-asawang Roqas habang binibigyan ng first aid si Dawn.

"Her eyes..."

"I know Wynd, I know. This is bad."

I gritted my teeth when Dawn suddenly made a gurgling noise. Tita Autumn position Dawn at the same time she suddenly threw up blood.

"Eyes dilating, color's turning grayish. Vomiting blood, asphysia..."

"Paralysis." I said with a murmur. "She said it hurts, feels like burning but she can't feel the lower part of her body."

"Report." tita said with a clipped voice.

"Laser. Warner Claw said something about poison. I don't know how it can be possible Tita and we don't have any idea what poison this is-"

"She's showing symptoms of different kind of poisons. Aconite, Botulinum Toxin, Belladonna-"

"But...those should kill her instantly right?"

Dumilim ang mukha ni Tita Autumn. "If I'm right- No. I know I'm right. Ang Claw lang ang tanging walang kaluluwa na makakaisip gamitin ang bagay na ito upang sadiyang makasakit."

"What do you mean tita?"

Si Tito Wynd na ang sumagot. "This can be the only work of the newest poison discovered somewhere at the europe's forest. Finaliento. Spanish, Final and Aliento. It means final breath."

Dumako ang tingin ko kay Dawn. Kung bago lang ang lason na ito...ibig bang sabihin nito ay walang pang gamot na nagagawa para lunasan ito?

Will I lose her? Will I lose her completely?

"We can do something about this Triton. Ilang buwan ng pinag-aaralan ng experiment department ng BHO at CAMP division ang tungkol sa bagay na ito. Pinag-aaralan ito ng experiment department dahil sa mga natatanggap na misyon tungkol sa mga nagaganap na pagpatay gamit ang lason na ito. We can do something to help her...but there will be some damage."

Napatingin ako sa labas ng huminto ang sinasakyan namin. Nauna ng bumaba si Tita Autumn at Tito Wynd. Sumunod ako sa kanila at ng akmang ibababa ng isang nurse si Dawn ay pinigilan ko siya. "I'll carry her."

"Sir-"

Hindi ko na siya pinansin at ako na mismo ang nagbaba kay Dawn. Mabilis na pumasok ako sa BHOCAMP Hospital at ibinaba ko siya sa wheeled stretcher na tulak tulak ng isang nurse.

"Trei?"

Nilingon ko ang pamilyar na boses. Bihira ang tumatawag sa screen name ko na 'Trei'. "I don't have time for this right now, Delta."

"What happened?! You're injured!"

Napatingin sa akin si Tita Autumn at bumaba iyon sa braso ko. "Dawn will be okay, Triton. Let someone take care of your wound."

Hindi ako nagsalita at itinulak ko na ang stretcher papunta sa emergency room. Nakasunod pa rin sa amin si Delta.

"Let the doctors do their job, Trei. You're injured too! Natulungan mo na siya, that's enough."

"You don't understand-"

"I do understand. I know you more than anyone. That's why I'm telling you this, Trei, leave that woman."

Hinawakan ni Tita Autumn ang kamay ko at marahang inalis sa pagkakahawak sa stretcher. Tinanguhan niya ako at tuluyan ng itinulak ang kinalalagyan ni Dawn papasok ng emergency room.

"Trei-"

"Shut up."

Imbis na lumayo ay hinila ako ni Delta patungo sa isa pang pinto. Napatingin sa amin ang mga nurse na may kaniya-kaniyang ginagamot. "Fix him."

Nagmamadaling sumunod naman ang mga nurse at naghanda na ng mga gagamitin para lapatan ng lunas ang sugat ko.

"Who do you think you are?"

Malamig ang tingin na tinignan niya ako. "Delta Villanueva."

"What are you doing here? Akala ko ba ayaw mo na pumunta rito. Ito ang unang pagkakataon na pumunta ka rito sa BHOCAMP and that should stay that way." Inis na sabi ko.

"You left ten contracts waiting. Hindi ka tumatawag, nagtetext o sumagot man lang sa mga email ko. I'm your manager."

"Alam ko. Binabayaran pa rin naman kita diba?"

Tumalim ang tingin niya. "I don't want to get paid without doing anything."

"Delta-"

"Kilala ko ang babaing iyon. Stay away from her."

Akmang tatayo ako para iwan siya ngunit humigpit ang pagkakahawak sa akin ng nurse na gumagamot na ngayon sa sugat ko. Napabuntong hininga na lang ako. "I don't want this conversation right now."

"Don't be stupid Trei."

"I'm just...helping her out."

Tinitigan niya ako na parang inaalam kung totoo ang sinasabi ko. "Fine. Siguraduhin mo na nagsasabi ka ng totoo. That woman will just ruin you."

"Delta."

"Stay away from her."

DAWN'S POV

Pilit na iminulat ko ang mga mata ko. Ngunit kahit iyon ay parang hirap na hirap ako na gawin. Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay napasigaw ako at muli ko iyong pinikit.

Narinig ko ang mga hakbang na humahangos palapit sa akin.

Triton?

He was the one keeping me alive all those time. Posible na siya ang kasama ko ngayon. He...he won't leave me. He's a pest that way...even if I kept on showing him how much I hate him, hindi pa rin siya nawawala sa tabi ko.

"Dawn?"

Tita Autumn? But... "It hurts...tita, my eyes."

"Wait, iha. Keep it close."

Nakarinig ako ng mga kaluskos. Pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman ko na nasa tabi ko na siya ulit. "Am I going blind?"

"No, Dawn. You can open them now."

Dahan-dahang binuksan ko muli ang mga mata ko. But they doesn't hurt this time. "AAnong problema sa akin tita? The poison-"

"Was taken care of."

"But my eyes?"

"They're quite sensitive with sunlight. Iyon ang damage na iniwan sa iyo ng lason na natamo mo. They need a few more...months to heal."

May kinuha siya sa bed side table. Hindi niya iyon inabot sa akin dahil marahil alam niyang nanghihina pa ako. Itinapat niya na lang iyon sa akin para makita ko.

A mirror.

I gasp in horror as I look into my eyes. My light brown eyes...turned to gray. Light gray. Too light. My pupils were also dilated.

"Tita..."

"It's still pretty, Dawn. It won't bother you after it healed. But for now, iwasan mo na muna ang paglabas sa umaga. It can get infected and well..."

"I'll be blind."

"Yes. But that won't happen. We will make sure of that."

I should be thankful. Swerte pa ako at ito lang ang nakuha ko. Mabuti at buhay pa ako ngayon. What I've been through was something I dont want to to experienced again. I should just be thankful that all I got from that experience is a pretty light gray eyes. I'll get used to them.

"And something else Dawn."

"Yes tita?"

"Freezale gave birth."

Nanlaki ang mga mata ko. "Really? Is it a boy?"

"Yes. Baby Irish."

Hinintay ko siyang dugtungan ang sinabi niya ngunit nakatingin lang siya sa akin na parang may hinihintay. Then it dawned on me.

"T-Tita...how long I was...unconcious?"

"Seven months."

Woah. That was long. Siguradong nag-aalala na ang parents ko at ang mga kaibigan ko. Siguradong nag-aalala na 'siya'. After all, I can still remember him telling me about the payment for saving me that time at Claw's hideout.

"Tita."

"Yes?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ako sigurado kung dapat ko ba siyang tanungin. But I need to know where he is. "Si Triton po?"

Natigilan si Tita Autumn at nanatiling nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga siya. "Don't look for him anymore."

Kumunot ang noo ko. "Nawawala po ba siya?"

Umiling siya at malungkot na ngumiti. Nang tumayo siya ay nagtatakang tinignan ko siya. "Kailangan ko ng mag rounds. Babalikan na lang kita mamaya. Papapuntahin ko na rin dito si Wynd para dalhin ang gamot mo."

Naiwan akong nagtataka sa kinilos ni Tita. May problema ba kay Triton? Kung sabagay lagi namang problema ang dala ng taong iyon.

But you still have feelings for him, darling.

Shut up, brain.

Umayos ako ng upo at lumingon ako sa bedside table ko. Akmang aabutin ko ang bote ng mineral water ng may mapansin ako na sobre sa ilalim niyon. Kinuha ko iyon.

Elegante ang pagkakasulat ng pangalan ko sa labas ng envelope. Nagtataka na kinuha ko ang nasa loob niyon at binasa.

...

...

...

Soon to be Mr and Mrs Lawrence!

A dinner party created to celebrate the engagement of

Triton Lawrence and Delta Villanueva. CHAPTER 12 ~ Trust ~

CHAPTER 12

DAWN'S POV

Lumikha ng maingay na tunog ang kubyertos na hawak ko nang pabagsak ko na ibinaba iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung bakit naman kasi ayaw ako payagan ng parents ko na bumalik sa trabaho o lumabas man lang.

I feel fine. Well except my eyes. Dahil sa mga mata ko pinalitan tuloy ang mga kurtina ko para hindi pumasok ang sinag ng araw. Dinaig ko pa si Dracula sa sobrang dilim ng kwarto ko.

Huminga ako ng malalim at muling dinampot ang kubyertos ngunit napadako na naman ang paningin ko sa isang sobre na nasa isang maliit na lamesa di kalayuan mula sa akin.

The wedding invitation.

I know I should never trust that man. Mabuti sana kung hindi na lang niya ginising ang mga bagay na matagal ko ng itinatago. It's better before when I can't feel anything for him. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon...malalaman ko na ganito?

Pero sino nga ba ako para maghabol? Wala ngang nakakaalam sa namagitan sa amin.

'I still love you'

Kumalansing na naman ang mga kubyertos ng muli ko iyong bitawan. Padabog na kinuha ko ang plato at buong itinapon ko iyon sa basurahan.

"Damn it Dawniella."

I know why it's bothering me. This is the same reason why I was hell bent on forgetting what we had. Dahil gugulo lang ang lahat. Dahil magugulo na naman ang tahimik ko na buhay. Because even though I still have feelings for him...it doesn't mean that I trust him.

I don't trust him with my heart. I don't trust him not to break it again.

"Seven months. I was asleep for seven months and that man...that impossible man is engaged?!"

At hindi man lang niya ako binisita. Nakalabas na ako at lahat mula sa ospital hindi ko man lang nakita ang mukha ng walang kwentang tao na iyon.

"I'm such a fool!" nahagip ng paningin ko ang repleksyon ko sa salamin na nakasabit sa dingding. "Fool!"

Sa panggigigil ko ay nahagip ng kamay ko ang isang pigurin na malapit sa akin at basta ko na lang iyon itinapon sa kung saan. Nang marinig ko ang malakas na tunog na nilikha nang pagkabasag niyon ay pilit na pinakalma ko ang sarili ko. Mamaya niyan ay wala ng matira sa mga gamit ko.

Pipihit na sana ako papunta sa kwarto ko ng bigla na lang bumukas ang pintuan. Nagtatakang tumingin ako roon ngunit napalitan iyon ng paniningkit ng mga mata nang makita ko kung sino ang naroroon.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Nagtaas ng mga kamay si Triton na para bang tinututukan ko siya ng baril. "O, chill ka lang diyan sweetheart."

"DO. NOT. CALL. ME. SWEETHEART!"

"Err, are you okay?" tanong niya at nagkamot sa batok. "Bakit ba mainit ang ulo mo? Akala ko pa naman matutuwa ka na makita ako-"

"Seeing you is the last thing I want to do!"

Ngumuso siya at humalukipkip. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Hindi mo ba alam kung gaano ako katagal naghintay para marinig ang boses mo at makita ka na gising na?"

I really can't believe this guy. Ang akala ba niya maloloko niya ako? "As if inintay mo talaga ako!"

"Stop shouting at me! At oo inintay kita! Nang matagal!" sigaw na rin niya.

"Hindi ako naniniwala sayo!"

"Eh di huwag kang maniwala!"

Ikinuyom ko ang mga kamay ko sa labis na inis sa kaniya. "Layas! Wag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan!"

Nanlaki ang mga mata niya at itinaas niyang muli ang dalawa niyang mga kamay. "Joke lang Master Dawn. Hindi ka naman mabiro. Pero promise hinintay talaga kita na magising. Umaalis lang ako kapag halos mahimatay na ang mga nurse mo sa amoy ko dahil hindi pa ako naliligo."

"Layas!"

"Halos nagkasakit na rin ako sa bato dahil hindi na ako nag c-cr para sa iyo. Mukha na rin akong adik dahil namumula ang mga mata ko sa kakatitig ng walang kurap sayo, namamaos ang boses sa pagkausap sa iyo dahil sabi ni Tita Autumn at Tito Wynd makakatulong daw iyon para magising ka."

I gritted my teeth. "Leave!"

"Teka nga." sabi ni Triton at namewang pa. "Kanina ko pa napapansin ah. Bakit ba pinapalayas mo ako? May tagalog na may english pa. Naglilihi ka ba?"

Kung mahaba lang ang mga kuko ko baka puro kalmot na ang mukha ni Triton. O kaya kung may hawak lang ako na baril baka kanina ko pa pinasabog ang bungo niya.

How can this man be so dense?

"Oh no. Are you really pregnant?" He said with shock on his face.

"Duh. Why, did you rape me when I was asleep?"

Natigilan siya. Kinagat niya ang ibabang labi niya habang may malalim na iniisip. "O-Of course not."

Ako naman ang gulat na gulat habang nakatingin sa kaniya. "You buckled! May ginawa kang kasalanan, sigurado ako! Anong ginawa mo sa akin?!"

"I didn't rape you!"

"May ginawa ka!"

...

...

"Hinalikan lang kita! Nakakabuntis ba iyon?!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Napamaang ako sa kaniya na ngayon ay pulang-pula na ang mukha. Para siyang ibinabad sa tomato sauce.

"You..."

He rolled his eyes. "I was desperate okay? I want to see you open your eyes and speak to me. Naiinip na ako sa kakaintay na magising ka."

Pagak na tumawa ako. "Kaya pala. Kaya pala hindi ka na nag-intay."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong niya.

"Diba ikakasal ka na? Congratulations nga pala. Sana naman ngayon magtino ka na para hindi ka nakakagulo sa ibang tao."

"Dawn-"

"Ano nga ba iyong sinabi mo sa akin seven months ago? That you still love me? Hanep ka talagang magmahal Lawrence. Hindi ka pa rin nagbabago. Kayang-kaya mo pa rin na saktan ang taong pinag-alayan mo ng mga salitang iyon."

"It's not what you think, Dawn."

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako palapit sa kinalalagyan ng invitation at pagkatapos ay bumalik ako sa harapan ni Triton. I shoved the envelope at him.

"Best wishes."

Pagkasabi niyon ay itinulak ko siya palabas. Hindi na niya nagawang makapagsalita nang pinagsarhan ko siya ng pintuan. Para makasigurado na hindi na siya makakapasok ay kaagad na pinalitan ko ang security code ko.

I secured my door so no one can enter again without my permission. Away from anyone...especially from him. And hopefully

...

...

my heart can do the same.

TINANGUHAN ko ang mga agents na napapadaan sa lamesa na inookupa ko. Nandito ako sa Craige. Hindi man nila sabihin pero alam kong nag-alala sila sa akin ng lubos. Kahit naman kasi mataray ako at hindi masyadong sumasama sa kanila ay hindi ibig sabihin niyon ay hindi kami pamilya.

As their leader, I must protect them. I can't let something like that happen again. Mula bata pa ako itinuro na sa akin ni Daddy kung ano ang mga dapat ko na gawin. Kung ano ang mga posible ko na kaharapin.

BHOCAMP lang dapat ang intindihin ko. I shouldn't waste my time on trivial matters.

Mabuti na lang at mula nang magkita kami ni Triton, tatlong araw na ang nakararaan, ay hindi ko na muling nakita ang anino niya.

Napakurap ako ng umupo sa harapan ko si Sky. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero nginisihan niya lang ako. As always, hindi na naman nasindak sa akin.

"How are you couz?" she asked.

"Fine."

"Wow ha. Ang haba ng explanation mo ah."

Nagkibit ako ng balikat na ikinatawa niya lang. Hindi ko mapigilan na hindi siya titigan. Sky always looks happy. Kahit noong mga panahon na nasa ibang bansa pa siya. But now that she and Adonis are together...makikita mo sa mukha niya hindi

lamang ang kasiyahan kundi maging ang kakuntentohan.

"And how's your heart?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Yeah right. Hindi mo na maitatago sa akin o sa amin ang nangyari. Triton confessed to you on that mission. And after seven months of sleeping you woke up with the news that he's getting married."

"Sky."

Imbis na tumigil ay lalo lang siya na nagpatuloy. "Noong natutulog ka pa, halos hindi siya magkandaugaga sa pag-aalaga sa iyo. Tinalo niya pa ang parents mo sa pagbabantay sa iyo. Kulang na lang tumira siya sa ospital kaya kinumbinsi siya nila Tita Autumn na umuwi na muna. But after that, the news came up and suddenly he's getting married."

Tumikhim ako para tanggalin ang tila kung ano na bumara sa lalamunan ko. "Hindi mo na kailangang ikuwento sa akin ang kung ano man na nangyari. Wala akong pakielam sa kahit na ano na tungkol sa kaniya."

"Galit kaming lahat sa kaniya. Kahit na ang mga original elites. Lalo na ng malaman namin mula kaila Stone na inamin niya sa iyong mahal ka niya. But that changed three days ago when we learn about the truth."

"Stop it Sky."

"Pero mas mabuti siguro kung siya ang magpapaliwanag."

Hinanda ko na ang sarili ko ng tumayo si Sky at umalis. Ngunit hindi si Triton ang sumunod na umupo sa harapan ko. Pamilyar siya sa akin dahil ilang beses ko na rin siyang nakita sa labas ng BHOCAMP.

...

...

Delta Villanueva.

"Anong kailangan mo?" diretsa ko na tanong.

Ngumiti lang siya sa inasta ko. Her attitude reminds me of myself. Ngumingiti kahit na halatang peke iyon. "Don't get me wrong Miss Davids. I don't want to be here pero napag-utusan ako ni Trei na pumunta rito at kausapin ka."

"Hindi ko gustong marinig ang kahit na anong sasabihin mo-"

...

...

"Hindi totoo ang engagement."

Napatigil ako sa akmang pagtayo sa narinig ko na sinabi niya. Lumipad ang tingin ko sa kaniya at tumaas naman ang sulok ng labi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Masyadong mahaba ang nangyari pero papaikliin ko na lang. Lumabas sa lugar na ito si Trei para kausapin ako tungkol sa mga contract niya. Kilala mo naman siguro ako."

"His manager."

Ngumiti lang siya ulit. I have the urge to wipe down her smug smile but I force myself to calm down.

"Yes. Anyway, nang matapos na kaming mag-usap hindi ko alam na hindi pala siya bumalik dito. Pumunta siya sa isang bar at nagpakalasing. And unfortunately, he

found himself in Pamela Morales' claws. A social climber daughter of a politician that wants to become an actress. Sounds familiar?"

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko iba ang tinutukoy niya. Na para bang tinutukoy niya ng magpakalasing si Triton seven years ago at nahuli ko siyang may kasama na ibang babae.

"I have no time for this kaya kung ako sa iyo ay bibilisan ko na." pormal na sabi ko.

"Pamela Morales called a journalist. Nang mga panahon na iyon ay tumawag ako kay Thunder Roqas para alamin kung nakauwi na si Trei dahil hindi siya sumasagot sa tawag ko. Napag-alaman ko na hindi pa siya umuwi. Nagduda na ako kaya hinanap ko ang mga posible niyang puntahan at natagpuan ko siya na kasama si Pamela. I got there on time at tinakot ko si Pamela na magsasampa ako ng kaso at umalis siya. But the journalist arrived and he caught Triton passing out on me. Pero hindi iyon ang nilalaman ng litrato na kuha niya, dahil sa litrato ay animo inaatake ako ni Trei."

Huminto si Delta na para bang hinihintay ang sasabihin ko. Walang emosyon na sinalubong ko ang tingin niya. "Go on."

"Maraming record si Triton tungkol sa pangbabae. Nang kumalat ang balita, ilang mga feminist group ang nagsilabasan. Ayon sa kanila maaring tinatakot lang ako ni Trei nang magbigay ako sa media nang sagot ko sa issue. We can't let the issue ruin him

so we came up with a plan. An engagement."

Nanatiling tahimik ako. Nakatingin lamang sa akin si Delta habang nakangiti pa rin ng nakakaloko.

Now I know the truth...that everything is just for a show. I don't know what I should feel. I don't know if I should be happy and entertain the thought of having him back.

"None of this matter right?"

Napatingin ako sa babae. "What?"

"Kahit ano pa ang sabihin ko hindi magiging madali sa iyo na tanggapin si Triton ulit. Tama ako diba?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. How...? "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Kilala ko si Triton. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kaniya. Alam ko na ikaw ang babaeng dahilan kung bakit patuloy siyang nasasaktan ng hindi mo nalalaman."

"You don't know everything-"

"Seven years ago you had a relationship with him. Nahuli mo siyang may kasamang babae. Pero may hindi ka pa alam." ngumiti siya. "A tiny tidbit."

"Let's end this discussion-"

"Hindi naman totoong nangbabae si Triton. He was just drunked like what happened with Pamela. Pero nakialam ang ama mo at pinalayo siya sa iyo."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. She...she dont need to tell me. She dont need to tell me about any of this.

"All those years si Trei ang naghihirap ng lubos. Bakit? Dahil pinaniwala ka niya na hindi ka niya mahal. Pinaniwala ka niya na walang ibig sabihin ang lahat ng mayroon kayo para saktan ka at tuluyan ka ng lumayo sa kaniya."

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ko ng boses. "Stop!"

"Triton never thought of himself enough for anything, for anyone...especially you. His cousin should manage this place pero adopted ang pinsan niya na iyon, Adonis Lawrence. Triton is the first child that have the Lawrence's blood. He never thought that he's right for having this place but he got no choice. That's how easy your father ruined his self respect when he said those words that made him leave you."

Nawala ang ngiti sa mga labi ng babae ng hinampas ko ang lamesa at sa isang iglap ay ilang dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa kaniya. "Shut up."

Saglit lang ang pagkabigla ng babae at ngumiti siya ulit. "But you knew all along...right?"

Napadiretso ako ng upo sa sinabi niya. Hindi iyon nawala sa pansin niya at lalong lumawak ang ngiti niya.

"Alam mo na hindi totoo lahat ng masasakit na salita na sinabi sa iyo ni Trei pero hinayaan mo siyang hiwalayan ka."

"Everything we had wasn't real." I said to her.

"Are you stupid? Kasasabi ko lang diba? Hindi totoo ang mga masasakit-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "You don't know anything."

"I know a lot of things. Hindi ko pa ba napapatunayan?"

Iniligpit ko ang mga gamit ko at ipinasok ang laptop sa lalagyan nito. Muli kong

tinignan si Delta Villanueva at nagsalita.

"How can what we had before be real when he can easily drop me like that? He gave up on me. Seven years ago, I was that girl waiting for him to say something real...to stop all the lies he uttered to hurt me. Inintay ko na sabihin niyang mahal niya ako pero mas pinili niyang saktan ako. Oo, narinig ko ang pinag-usapan nila ni Daddy. But that doesn't change anything."

"You-"

"I still have feelings for him. I'm still holding on. But that doesn't mean I want to be with him again. Because I can't trust him."

Tumayo ako at naglakad ng paalis. Nasa labas na ako ng marinig kong muli ang boses ng babae. "You won't accept him again?"

Humarap ako sa kaniya. "I don't want to decide anything. I don't even know what I should feel. Matagal kong itinago ang nararamdaman ko to the point na halos nakalimutan ko na ito. Part of me says that I should accept him...to try again. But a big part of myself don't want to."

"Don't."

"Don't what?"

Matapang na sinalubong niya ang tingin ko. "Don't accept him back. You're not right for him Dawniella Davids."

"And who is?"

...

...

"Me."

CHAPTER 13 ~ Love ~

CHAPTER 13

DAWN'S POV

Nanatiling nakatingin lamang ako kay Delta. Kilala ko si Delta bilang manager ni Triton na may professionalism. She even refused to go here at BHOCAMP dahil alam niya na family business ito ni Triton.

Pero mukhang hindi niya rin pala kayang magpakapropesyonal ng matagal.

"Goodluck with that then."

Akmang tatalikod na ako ngunit nagsalita siyang muli na kaagad ko namang pinutol.

"Dawniella-"

"Miss Davids, for you." Ngumiti ako sa kaniya. "It's not everyday that I get bombared by things about my past and especially about that man. But now I got my bearings, let me ask you a question Miss Villanueva. What made you think you can talk to me the way you talked to me back then?"

Naguguluhang tinignan niya ako na mukhang nagtataka sa pagbabago ng tono ko. "WWhat-"

"You cannot talk to me what to do and what to smile. "Unfortunately, got a lot of things to

like I'm a person you're managing. And you cannot tell me don't. As far as I know, you're nothing to me." I widened my the same for the man in question. Now if you'll excuse me, I do than talk about trivial things."

"You're not good enough for him."

"Because you are?" I faked a laugh. "Wag mo akong patawanin Miss Villanueva. Naguguluhan man ako sa ngayon pero iisa lang ang alam ko."

"W-What is it?"

"If I'm not good enough for him then no one will."

"You're not that perfect!" she said with gritted teeth.

"Alam ko. At hindi ka rin perpekto."

"Hindi kayo tama para sa isa't-isa-"

"Let me tell you this, Miss. Triton may someday find a person he will be with. It may not be me. But he will always remember that he had me, something close to perfection." I smiled at her. "And I am hell sure about it."

Naglakad na ako palayo at hindi ko na inintay pa na makapagsalita siya.

I give it to that woman. Siguro ay nahawaan siya ng kayabangan ni Triton. Too bad for her dahil alam na alam ko kung paano soplahin ang kauri ng lalaking iyon.

It must be hard for her to handle a thick headed man like Triton. Pero wala akong panahon na makisimpatiya sa kaniya. Kung tutuusin dapat sakin siya makisimpatiya dahil hindi lang ang Triton na iyon ang hawak ko.

Try handling all the agents and we'll see if you can keep yourself sane enough to get by.

Dumiretso ako sa headquarters ng BHOCAMP. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa gusali ay may bigla ng sumulpot sa harapan ko.

"Sweetheart!"

"Triton."

"Galit ka pa rin sakin?"

"I'm always angry at you."

Nilagpasan ko na siya at pumasok na ako sa loob. May ilang mga agents ang nasa loob at may kaniya-kaniyang ginagawa. Nang makita nila ako at mamataan nila si Triton na nakasunod sa akin ay mabilis pa sa alas kwatro na umalis sila.

Wise.

"Nakausap ka na ba ni Delta-"

"I don't want to hear her name, Lawrence. I've got enough of that woman for today."

"Dawn, she's just helping me."

Kunot na kunot ang noo na hinarap ko siya. Bumuntong-hininga siya at nag tangka na hawakan ako ngunit lumayo lang ako bago niya ako maabot. "Dawn..."

"Ano ba ang gusto mo na sabihin niya sa akin?"

"Well. just you know...our situation."

"And?"

Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. "Nothing else. Bakit may iba pa ba siyang sinabi sa iyo?"

That stupid woman. Pasalamat na lang siya at mas matalino ako sa kaniya. Hindi ako iyong klase ng tao na basta na lang sinasabi lahat ng maaaring sabihin. A wise person must always think first of what will come out of his mouth before speaking out.

"Wala."

"Dawn, I swear wala kaming relasyon. She's just my manager."

"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin."

Ngumiti siya. "That's good! Akala ko pa naman magiging problema natin ang kinasasadlakan ko na sitwasyon."

"Natin?" Umiling ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na walang tayo?"

Bumagsak ang mga balikat niya sa sinabi ko. "But..."

"It's better for us not to be together Triton."

Hinaklit niya ang braso ko ng magtangka ako na talikuran siya. Sa panggigilalas ko ay hinila niya ako palapit sa kaniya.

"Wala akong pakielam kung ano ang mas nakakabuti. Wala akong pakielam kahit na buong mundo pa ang tumutol sa atin. I love you, Dawn. Simulan mo na iyong tanggapin dahil hindi ako titigil para ipaintindi sa iyo na hindi na kita hahayaan na makawala pa."

"Let go of me."

"Mahal kita kahit na ayaw mo na akong tanggapin. Mahal kita kahit itinatanggi mo sa sarili mo na hindi mo pa rin ako nakakalimutan. Mahal kita kahit na alam ko na hindi magiging madali lahat para sa atin. Mahal na mahal kita."

Pumiksi ako at kaagad na tinalukuran ko siya.

"I wish I can say the same Triton."

NAPAPITLAG ako ng bigla na lang may kung anong tumama sa lamesa ko. Kumurap ako at tinignan ko si Sky na napapailing na lang na siyang humapas sa lamesa.

I cleared my throath. "I'm listening."

"You are so not listening, Dawn."

"I am."

"Whatever." nilingon niya si Adonis at ginalaw galaw niya ang kanan niyang kamay na waring pinapaalis ang lalaki. Ngumiti lang si Adonis at itinulak na palabas ang stroller ni baby Nero habang nakasabit sa kaniya si Russia gamit ang baby carrier.

"Gusto kong maawa sa asawa mo." sabi ko kay Sky.

"We're not talking about us. Actually pinag-uusapan natin ang lower mission na kukunin ko. Pero nagbago na ang isip ko." pagkasabi niyon ay umupo sa harapan ko si Sky. "Anong problema Dawn?"

"Wala akong problema."

"Liar."

"Butt out-"

"Narinig ko ang pinag-usapan niyo ni Delta. Kinabitan ko ng mic ang lamesa kung saan kayo nag-usap ng babae na iyon."

Mariing napapikit ako. Kung bakit naman kasi naturalesa ng mga agents ang makielam sa buhay ng may buhay.

"I don't care about that." I said.

"Yeah, right." She rolled her eyes. "Hindi ba dapat at natutuwa ka na hindi naman pala totoo ang pangbababae ni Triton noon?"

Bumuntong hininga ako at sinalubong ko ang tingin niya. "At ano? Matuwa na basta na lang niya akong binitawan?"

"From the looks of it mukhang hindi gusto ni Tito Warren si Triton."

"Mula noong bata pa lang ako lagi akong nawawalan ng mga kaibigan, ng mga manliligaw...dahil basta na lang nila akong binibitawan. Hindi nila gusto ang ugali ko, natatakot sila sa mga magulang ko, sa mga pinsan ko. Walang kahit na sino ang pinaglaban ako."

"Hindi ka ba nagagalit kay Tito, Dawn?"

Ngumiti ako at umiling. "Over protective man ang ama ko pero alam ko na kahit kailan hindi niya sasadiyain na maging malungkot ako."

"Tito left Triton no choice."

"There's always a choice, Sky! He should have fought for me!"

"And you should have too."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakaunawang ngumiti si Sky at inabot niya ang kamay ko. "Dawn, hindi lang dapat si Triton ang ipinaglaban ang relasyon ninyo. Dapat pinaglaban mo rin siya."

"I don't know what you're saying but you're not making any sense."

"Alam mo na kaya siya lumayo sa iyo dahil iyon ang sinabi ni Tito. Hindi dahil sa pinagtaksilan ka niya o kung ano. Pinili niyang saktan ka para lumayo ka sa kaniya. Lahat ng iyon alam mo."

"Let's end this discussion. I've got lots to do."

"Lahat alam mo pero hinayaan mo siyang makalayo sa iyo. Mahal mo siya pero hindi mo din siya pinaglaban. Pareho lang kayo. Pareho lang kayo na naduwag na ipaglaban ang isa't-isa."

"Sinasabi mo ba na ako ang may kasalanan?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Sinasabi ko na walang may kasalanan. It was meant to happen but it doesn't mean that you should let it go this far. Mistakes are not meant to stop you from loving. Kapag nagmahal ka...magmamahal ka. Walang tama, walang mali."

Unti-unting nawala ang pilit na binuo ko na maskara. Naramdaman ko na lang na sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko.

"I'm not ready for this, Sky. Sinubukan ko na makalimot. I dated a lot this past years. Nasanay na ako at hindi ako nasasaktan sa mga break ups ko. But it's different with Triton. It will break me, Sky. He can break me and I'm scared."

Tumayo si Sky at lumapit sa akin. Sa gulat ko ay bigla na lang niya akong niyakap.

"It's okay couz. Everything will be alright. I'm sure that you'll keep fighting this. Kahit na ano pang sabihin ko hindi niyon mababago ang desisyon mo."

Hindi ko magawang makasagot at nanatili lamang akong nakakulong sa mga bisig niya.

"But one thing is for sure, Dawn. Love doesn't give up easily. Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal. And when you find it...no matter how many times fate will try to bring you two apart, you will still have each other in the end."

PILIT na iniignora ko ang malakas na pwersa na tingin sa akin at nagkonsentra na lang ako sa pagtuturo. Pero mukhang ang mga estudyante ko naman ang hindi mapakali sa kani-kanilang mga kinauupuan.

"Eyes on me class or I'll fail you all on my subject."

Mabilis pa sa kisap ng mata na natuon lahat ng atensyon sa akin ng mga estudyante ko. Para din silang may stiff neck dahil hindi na nila ginagalaw ang mga leeg nila.

Binigyan ko ng matalim na tingin si Triton na nakapalumbaba lang sa pinakalikod ng classroom at nakangiti sa akin.

Goodness gracious.

"Give me one popular classic literature." I scanned the room. "Gema."

"Romeo and Juliet, Ma'am."

I tried not to roll my eyes. Totoo namang sikat and Romeo and Juliet. Pero masyado ng nagiging common ito dahil sa paulit-ulit na paggamit sa nasabing storya. But who can blame these students? The tragedy of the story made it more rememberable.

"Yes, of course. Romeo and Juliet, a tragic love story." Tumayo ako at lumakad sa harapan ng class room. "Why do you think they need to die at the end? Bakit hindi na lang may dumating na tulong at nabuhay sila?"

Tinanguhan ko ang isang estudyante ko na babae. Kianna Mercedes. "Because it made it real, Ma'am."

"So you mean death made a love story real? Does that mean that all love stories should end in death?" Tinuro ko ang isa pa na nagtaas ng kamay. "Yes, George?"

"Walang forever, Ma'am. Minsan sparks lang talaga tapos kapag namatay ang sparks, boom! Wala ng forever."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at kakamot-kamot sa batok na bumalik siya sa pagkakaupo niya. Isa siya sa mga pasaway ko na estudyante kaya sanay na rin ako.

"Answers, anyone? Iyong walang kahit na anong tungkol sa sparks, forever at kung ano ano pang pinauso ninyo."

"Ma'am." aniya ng isa at nagtaas ng kamay.

"Yes, Ginger?"

"They were fated to die."

"That may be true. And with this, do you think they finally have their peace? That somewhere out there that they're together?"

A dreamy look crossed her face. "Yes, Ma'am."

Napailing ako. Tumingin ako sa isa pang panig ng classroom at itinuro ko ang isa ko pa na lalaking estudyante. "Steve."

"They died and it might be because of fate, Ma'am, but I don't think that meant that they are together somewhere. Death, no matter what we say, is an end. Till death do us part. Death parts us from love, feelings, people. Maybe they died because they are not meant to be. Because their fates are not to be with each other and by fighting fate, they end up how they did. Ang tadhana na mismo ang naghiwalay sa kanila sa pamamagitan ng kamatayan."

Tumango tango ako. That impressed me. Bihira magsalita si Steve sa klase pero may laman ang mga sinasabi niya.

"And may I ask you, Steve, what is the sign for you to know if you're fated or not?"

Bahagyang napangiwi ang estudyante at bahagya akong ngumiti at iminuwestra ko na umupo na siya. Kahit ako siguro ay hindi ko masasagot ang tanong na iyon.

"Okay, class. That was a really good discussion. For now sagutan na muna ninyo-"

"Err...Ma'am? May sasagot daw po sa tanong ninyo."

Nag-angat ako ng tingin kay Ginger. Nag-angat siya ng kamay at tumuro sa pinakalikod ng room kung saan nandoon si Triton at nakataas ang kamay.

I can't ignore him here. Oo at sit in lang siya pero hindi ibig sabihin ay pwede ko siyang basta na lang ignorahin lalo na sa harapan ng mga estudyante ko. Sigurado din ako na kilala siya ng mga ito dahil hindi iilang beses na parang kinukuryente ang mga babae ko na estudyante kapag napapatingin kay Triton.

"Y-Yes, Mr. Lawrence?"

Ngumiti siya at tumayo. "You'll know when you are meant for each other when you just stop caring whether you are right for each other and just start loving that person. When you keep on living because you don't want to stop loving her."

Tumikhim ako. "Okay, that's good-"

"You found your true love when you're willing to fight fate and death just to love her. Na kahit na hindi lang kayo star-crossed kundi maging asteroid-crossed, planet-crossed, universe-crossed ay hindi mo pa rin kayang huminto na mahalin siya."

"Mr. Triton." pagkuha ni Steve sa atensyon ni Triton.

"Yes?"

"Ganiyan mo ba kamahal ang fiancee mo na si Delta Villanueva?"

Nag-iwas ako ng tingin kay Triton at kinuha ko ang pambura ng whiteboard. Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula akong magbura.

"You all adore your professor kahit na mataray siya diba?" tanong ni Triton.

Maraming pagsang-ayon akong narinig mula sa klase ko. Pero hindi pa rin ako lumingon sa kanila.

"Let me tell you a secret guys but you must keep it between us o ibabasak kayo ng Ma'am ninyo. Okay Steve?"

"Okay."

"Lahat ng sinabi ko...gagawin ko iyon para sa taong mahal ko. I'm having an issue right now but I'm sorting it out. But if there's something that is true right now. Iyon ay wala akong ibang babaeng mamahalin kung hindi si Dawniella Davids."

Nanlaki ang mga mata ko at pabigla na humarap ako sa kanila. Ngunit hindi ko nagawang magpakawala ng kahit na isang salita dahil nakalapit na sa akin si Triton, at sa harapan ng buong klase,

...

...

ay hinalikan niya ako. CHAPTER 14 ~ This Time ~

CHAPTER 14

DAWN'S POV

Halos kaladkarin ko si Triton palabas ng classroom kung saan kasalukuyang nagkakagulo ang buong klase ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanila sa ginawa ni Triton na iyon.

"Dawn-"

"Shut up!"

Pinagpatuloy ko lang ang paghila sa kaniya at napatiim bagang na lamang ako ng maramdaman ko na kumilos siya hanggang sa siya na ngayon ang may hawak sa akin. Wala na akong nagawa ng hapitin niya ako palapit sa kaniya.

"What's wrong?"

"Jeez, Triton! Are you really asking me that?"

He looked at me seriously. "Yes. I am asking you that. Anong masama sa ginawa ko?"

"You kissed me in front of my students! Hindi lang iyon. Ano sa tingin mo ang magiging tingin nila sa akin? Everyone knows that you're marrying someone and it's not me!"

"You're be able you. At alam ko

wrong, Dawn. Ano ang iniisip nila? They're thinking that I'm a lucky guy to to fall in love with someone like you. Someone as beautiful and pure like kung ako ang tatanungin mo, wala akong pakielam sa iniisip ng iba. Basta mahal kita."

"Ako merong pakielam! Goodness, Tri!"

Sinubukan ko na kumawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya ako binitawan at lalo lamang humigpit ang pagkakapit niya sa akin. "Let go, Triton."

"No. Not until you tell me that you love me." seryosong pahayag niya.

"I don't."

"I don't believe you."

Pagak na tumawa ako. "Anong gusto mo magsinungaling ako? Hindi kita mahal, Triton. Hindi na ako ulit magpapakatanga sa iyo."

Lie. I'm already being stupid. I fell for him again without me even realizing it. Kung sana narealize ko kaagad...sana napigilan ko pa. Sana nakagawa pa ako ng paraan. Loving him hurts too much. I don't want to be with him and in the end he'll just give me up.

I don't want to see how someone I love stop fighting for me again.

"Wala namang bayad kung aaminin mo ang nararamdaman mo. Pero kung meron man at ayaw mo na gumastos, sige mayaman naman ako. Kahit sa iyo na lahat, sabihin mo lang na mahal mo rin ako."

"I'm not in love with you."

"Convince me more. I might believe your lie, Dawniella."

Galit na nag-angat ako ng tingin. Isang malaking pagkakamali sapagkat nang magtama ang mga mata namin ay para bang nalunod ako sa mga emosyon na ipinapakita ng mga mata niya.

"I-I don't."

Marahang hinaplos niya ang pisngi ko kasunod ng pagsilay ng malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. "I can't stay away from you anymore. I should not have even try. Dahil kahit noon pa man alam ko na wala na akong ibang mamahalin."

"Stop."

"I won't let go again. Hinding hindi na kita sasaktan, I promise you that, Dawn."

Marahas na hinila ko ang kamay ko at sa pagkakataon na ito ay hinayaan niya akong makakawala. "I believed that before. Sinabi mo sa akin noon na hindi mo ako sasaktan pero anong ginawa mo?" I bit down my lower lip to prevent the tears that want to fall. But I didn't succeeded. "Hindi mo alam kung gaanong kasakit. Hindi mo alam kung gaano kahirap na gumising bawat araw na alam kong makikita kita kahit iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari. You don't know how much I want to run away from you. You don't know how hard it was to pretend each day. You don't know how many times you killed me. You don't know anything."

' Hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa mga mata niya. Sakit na alam ko na makikita rin sa akin.

"Dawn..."

"Trust is harder to rebuild than love. And I won't embrace love...not until I can be able to trust you again."

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Pagkaraan ay humakbang siya palapit sa akin at sa pagkagulat ko ay pumalibot ang mga braso niya sa beywang ko habang ang kaniyang mukha ay sumubsob sa aking leeg.

"I'm so sorry Dawn. For leaving you, for hurting you, for not having the power to stay away."

Pagkasabi niyon ay lumayo siya sa akin at walang sali-salitang naglakad palayo. Nanatiling nakasunod ang tingin ko sa kaniya hanggang tuluyan na siyang nawala.

IBINABA ko ang head cap na suot ko upang mas lalo pang matakpan ang mukha ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kahon ng pabango sa harapan ko. Magkakapareho lang iyon ng sukat ngunit dalawang klase ang kulay niyon. Ang tatlo na row sa unahan ay kulay itim habang ang apat na row sa likod ay kulay pula.

Nandito ako ngayon sa isang sikat na perfumery sa bansa. Ang 'Puff Fragrance'. Ngunit bukod sa pagiging bilihan nito ng mga pabango, may isang itinatago ang Puff

Fragrance. Iyon ay isa ang may ari nito sa mga tao na konektado sa BHO CAMP.

Puff Fragrance's owner is one of the few people that provides missions for BHO CAMP. Kalimitan kasi sa mga missions direkta na sa amin. Ang mga dumadaan sa katulad ng Puff ay ang mga taong kailangan ng tulong ngunit hindi alam kung saan mahahanap iyon. Puff finds that kind of people.

"Hey sweetheart."

Nag-angat ako ng tingin at napabuntong hininga ng makita ko kung sino ang nagsalita. "Anong ginagawa mo dito, Triton?" pabulong na sabi ko.

Dalawang araw na mula ng huli ko siyang makita. Hindi din siya pumupunta sa office dahil hindi siya lumalabas ng kwarto niya. Kahit si Delta na nakailang balik sa BHO CAMP ay hindi niya sinipot.

"I thought of something." he said.

"You can hold that thought. May ginagawa ako."

"Oh. Nasa Puff nga pala tayo. You're getting us missio-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at naramdaman ko na gumuhit sa palad ko ang ngiti niya. I jerk my hand away when I felt him nipped my palm gently.

"Are you crazy?!" I hissed.

"Sorry na po."

Inirapan ko siya at ibinaling ang atensyon sa mga kahon ng pabango sa harapan ko. Yes. I'm getting missions here.

May labing-anim na kahon sa bawat row sa pitong row. Katulad ng sabi ko kanina, ang

tatlo na row sa unahan ay kulay itim habang ang apat na row sa likuran ay kulay pula. Black symbolizes BHO while red is for CAMP.

I counted up to the fifteenth box at the third row. O is the fifteenth in alphabet. BHO. Laging sa huli makikita ang mission. Kinuha ko ang kahon at inilagay sa maliit na basket na hawak ko. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang pang labing anim na kahon sa pang pitong row. Sixteenth is equavalent to P. CAMP. Naglalaman ang dalawang kahon ng papel na may nakasulat na mga code para makuha namin ang files ng susunod na mission. For the fifteenth box at the third row, it's for BHO division. For the sixteenth box at the seventh row, it's for CAMP division.

P

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

M 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

A

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

C 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

O

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

H 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

B 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

Naglakad ako papunta sa cashier at nginitian ko ang babae sa likuran niyon. Ilang beses na rin kaming nagkikita.

"Favorite niyo talaga ang mga pabango na ito Ma'am no?"

"Yes."

"Ewan ko nga ba kay Sir kung bakit ang daming bumili nito. Eh hindi naman ho nabibili. Bukod sa mahal ay masyado daw matapang ang amoy."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at hindi na nagkomento pa. Nang matapos siyang ipunch iyon ay inabot na niya sa akin ang paper bag laman ang mga pabango. Dumako ang tingin niya sa likuran ko at nakangiting binalingan niya ako.

"Ang gwapo naman ng boyfriend niyo. Parang may kamukha pa pong artista."

"Hindi ko-"

Napapitlag ako ng bigla na lang akong akbayan ni Triton. "Bagay ba kami, Miss? Ilang beses ko ngang sinasabi dito na sagutin na ako eh. Kaso hanggang ngayon basted pa rin ako."

Parang inaasinan na bulate sa kilig ang cashier habang pinagmamasdan kami. "Naku Ma'am sagutin niyo na! Bagay na bagay kayo promise!"

Pilit na ngumiti na lamang ako at hinila ko na palabas si Triton. Kinaladkad ko siya hanggang makarating kami sa malayo sa Puff Fragrance at matalim ang tingin na hinarap ko siya.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

His eyes twinkled as he looked at me. "May naisip nga kasi ako kaya hinanap kita."

"Wala akong panahon-"

"Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo."

Laglag ang panga na napatitig ako sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? Did he just...he...me? What the hell!

"A-Ano?"

"Liligawan kita ulit."

Mariing pumikit ako at bumilang hanggang sampu. Kailangan kong kumalma. Una kailangan kong kalmahin ang nagwawala kong killer cells bago ko mapagdesisyunan na ibigti siya. Pangalawa kailangan kong pakalmahin ang utak ko na nagkarumble rumble

na ang iniisip. At higit sa lahat kailangan ko na pakalmahin ang puso ko...na gusto na namang umasa.

Stay calm, Dawn. Calm.

Yes. Calm.

"ARE YOU INSANE?!" Goodbye calm.

Tumingin sa langit si Triton at kunway nag-isip bago nakangiting binalik niya sa akin ang tingin niya. "Well not really. If you'll ask me if I'm crazy for you, then yes."

"You're engaged!"

"I'm not!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang siyang hinampas sa braso na ikinatalon niya. "Sinisigawan mo ba ako?!"

"Hindi!"

"Sinisigawan mo ako!"

Ngumuso siya. "Hindi na po, sweetheart."

Goodness. We're even sounding like the Original and Seond Elite agents. Ipinilig ko ang ulo ko at humugot ng malalim na hininga.

"Triton, mag-isip ka nga. Buong mundo ang alam ay ikakasal ka na. Kay Delta. Hindi ko gustong madamay sa gulo na maaaring mangyari kapag nalaman nila ang tungkol sa akin."

"I know that."

"Iyon naman pala eh. Kaya layuan mo na ako please? Gusto ko lang na matahimik ako."

Humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko. Inulit niya iyon ngunit umatras lang ako ulit. He smiled then he pulled me towards him. Hindi ko na nagawang makakilos ng inalis niya ang baseball cap ko at itinapon sa kung saan pati na ang eyeglasses ko. Kaasunod niyon ay ganoon din ang ginawa niya sa suot niyang cap at glasses.

"Alam ko na madadamay ka sa gulo. Alam ko na maaaring makarinig ka ng hindi magaganda. Pero hindi ko sila hahayaan na maabot ka."

"Triton-"

"I won't hide the woman I love to the world. I won't pretend to love somebody else when you're the one that I love. Screw the media! Nothing matters more than you."

"Paano si Delta?"

Kumunot ang noo niya. "What about her? She's working for me."

"Are you that dumb Triton?"

Napatili ako ng bigla na lang niya akong binuhat at isinampa sa isang kotse. Kasunod niyon ay umakyat din siya sa hood niyon.

"Triton what are you doing? Baka makita tayo ng may ari nitong kotse-"

"I AM TREI LAWRENCE!"

Hindi na niya kinakailangan pang ulitin ang sinabi niya dahil nakuha na agad niya ang atensyon ng mga dumadaan. Lalo na ang mga kadalagahan na mukhang galing sa malapit na university rito.

"I'm Trei to the world but I will only be Triton to this woman! To this woman that I love! The only woman that I will ever love!"

"Triton tama na. Ano ka ba ang dami ng nakatingin sa atin-"

"At wala akong ibang dadalin sa simbahan at sa tapat ng Diyos kundi ang babaeng kasama ko ngayon!"

Nagtilian ang mga tao na nakatingin sa amin. Ang iba ay mukhang naaaliw ngunit marami ang naguguluhan. Isa sa mga kolehiyala ang nagtaas ng kamay at nagsalita. "Pero paano po ang fiancee niyo na si Delta Villanueva?"

Tumingin si Triton sa nagsalita. "Mas paniwalaan niyo ako kesa sa media. I dont care if this will end my career. That night that they said I was attacking Delta, I was drunk. Oo marami ng nailathala na kabulastugan ko. I messed up again ang again. I messed up too much that my manager, Delta, would even go to the extent of pretending to be my fiancee just to cover my fucking mess. But I cant lie to you all and I certainly can't lie to myself. This woman in my arms is the only woman I want to spend my life with."

"Mas bagay kayo ni Delta!"

"Paano na ang DELTON love team namin?!"

"In love sa iyo si Delta!"

"Who is that woman anyway?! DELTON FOREVER!"

Napayuko ako sa mga narinig ko. Alam ko na na mangyayari ito. I read the news. Alam ko na maraming sumusuporta kay Delta para kay Triton. Maraming nakakakilala kay Delta dahil manager siya ni Triton.

Pumatok sa masa ang pagiging manager ni Delta ni Triton. Everyone loves the fairytale like story. Sino nga bang hindi?

"You!" galit na sigaw ni Triton sa babaeng nagsalita. "You marry her! Delta is my manager and she is dear to me. But no one can tell me who to love!"

"Delta! Delta! Delta!"

"Kami dapat ang magalit sa iyo Trei! Hindi ka sisikat kung hindi dahil sa amin!"

Madilim na ang anyo ni Triton habang hinahanap ang mga nagsalita. Nang hindi niya makita ang mga ito ay nagtagis ang mga bagang niya at nagsalita. "Nakilala ako dahil nagpakahirap ako, nagpuyat, naglaan ng oras. I do know how important my supporters are. But you did not made me. I made myself. At kung kapalit niyon ay huhulmahin niyo ako sa kung ano ang gusto niyong makita then screw you all!"

Napaigik ako ng maramdaman ko na may kumurot sa binti ko. Hindi na ako nagtangkang hanapin kung sino pa. I just want to get out of here.

"Umalis na tayo, Triton." bulong ko sa binata.

"No!"

"Triton please..."

Puno ng galit ang mga mata niya ng bumaling siya sa akin. Ngunit alam ko na hindi para sa akin ang galit na iyon. "They don't understand, Dawn!"

"They won't. And you can't force them."

"They can't do this! Damn it, I love you!"

Mabilis na umiwas ako ng may mamataan ako ngunit tumama pa rin sa akin ang maliit na bato na nanggaling sa kung saan. Hinawakan ko si Triton sa braso ng magtangka siyang bumaba para sugudin ang isang kolehiyala na ngayon ay sindak na umtras sa nakitang galit sa mukha ni Triton.

"Fuck-"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Triton at marahas na hinarap ko siya sa akin. And like what he did before in front of my class, for all the world to see, this time...

...

...

I kissed him. CHAPTER 15 ~ His ~

CHAPTER 15

DAWN'S POV

Nagtama ang mga mata namin ni Triton ng maghiwalay ang mga labi namin. Parang naging mahinang ugong na lang ang mga tilian ng mga fans na kinikilig at ang mga galit na sigaw ng mga fans niya na hindi matanggap ang nangyari.

"Tri-"

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko ng kung mula saan ay may nagpaputok sa amin. Mabilis na hinila ako ni Triton at ibinaba ng sasakyan kasabay ng pagpulasan ng mga tao na kanina lang ay pinanonood kami. Ipinasok ko ang paperbag na hawak ko sa loob ng knapsack ko.

"Let's get out of here!" sigaw ni Triton.

Hindi madali na makalagpas sa mga taong natataranta na magtago kung saan-saan habang naririnig ko pa rin ang ilang mga putok ng baril. Pinapanalangin ko na lang na wala sanang matamaan.

"Car!" I shouted at him.

"Too late!"

Lumiko kami sa isang eskinita. Alam ko na sinusundan kami ng kung sino man na muntik na kaming mapatay kanina. Habang patuloy sa pagtakbo ay may pinindot ako sa bracelet na suot ko. We need back up.

"Left, Triton!"

"No, right!"

"Left!"

"Right!"

Huminto ako at dahil nakahawak siya sa akin ay wala siyang nagawa kundi huminto rin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at itinapat ko sa kaniya ang nakakuyom ko na kamao. "Dalian mo! Ayokong umuwi na puro butas ang katawan ko, Lawrence."

Mabilis na nag bato-bato pick kami. Inirapan ko siya at ako na ang humawak sa kaniya ng ako ang nanalo. Kumaliwa kami.

Habang tumatakbo ay may kinakabit na rin ako na plug sa tenga ko. May pinindot ako sa phone ko at diniinan ko iyon. Alam ko na ididirekta niyon ang tawag kay Freezale.

Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya iyon. "Freezale-"

"Yes, I know. Bad news, walang malapit na agents sa inyo. Isa pang bad news, mali ang dinaanan niyo. You should have turn right."

Nilingon ko si Triton na hindi naman nakatingin sa akin. Shit! "Wala ka na bang iba pang balita Freezale?"

"Meron. Isa pang bad news. Hindi kayo pwedeng umatras dahil nakasunod sila sa inyo. Wala na din kayong ibang dadaanan kundi ang tinatahak niyo."

"Isa pa."

"Bad news ulit. Hindi matao sa dulo. Bihira ang dumadaang sasakyan."

I gritted my teeth in frustration. "Wala bang good news?!"

"No comment."

Shit, shit shit! Nilingon ko ulit si Triton. Seryosong-seryoso ang ekspresyon sa mukha niya. At hindi na lang ako ngayon ang nakahawak sa kaniya dahil parehong magkasalikop na ang aming mga kamay. "Do you have a gun with you?"

Tumingin siya sa akin. "Of course."

"You have one and I have one. Not enough." Hinawakan ko ang plug ko ng muntik na iyong mahulog. "Freezale, who's after us?"

"Claw. They're searching for Wyatt Claw's brother."

Of course. Ano pa nga ba ang maaaring maging dahilan? Inasahan na dapat namin ito. Imposible na hayaan ni Wyatt ang kapatid niya na si Warner sa mga kamay namin. Kung bakit naman kasi sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa.

Napayuko ako ng makaramdam ako ng pananakit ng mga mata. Hindi pa ganoon kagaling ang mga mata ko. Triton took my glasses off awhile ago.

"Dawn?" nag-aalalang tanong ni Triton.

"Keep running!"

Bahagya na akong nakakaramdam ng pagkahingal ng matunton na namin ang dulo ng daan. Mahinang napamura ako ng makita ko na wala ngang sasakyan na makikita roon. Kung meron man na dumadaan dito hindi siguro ganoon kadami.

"We should have turn right."

Binigyan ko ng matalim na tingin si Triton ngunit kaagad din akong nagbawi ng tingin ng masilaw ako. Bakit ba kapag minamalas ako sunod-sunod talaga?

"Shut up. I'm thinking."

Alanganing ngumiti si Triton. "Err...you have a few seconds to think." itinuro niya ang dinaanan namin. "Dahil mukhang parating na sila."

Wala kaming ibang magagawa kundi lumaban. We're out numbered, I know. Pero ito lang ang nag-iisang choice namin.

"We fight-"

Napatigil ako sa sasabihin ko ng may marinig ako na ugong ng sasakyan. Nilingon ko ang pinaggalinan ng tunog. An ambulance. "Parahin mo dali!"

"Hindi yan jeep!"

Binatukan ko si Triton at nauna na akong tumakbo palapit sa ambulansiya. Naramdaman ko na may pumigil sa braso ko at pagkatapos ay umabante si Triton at humarang sa

daraanan ng ambulansiya.

Nanglaki ang mga mata ko. Mukhang walang pasahero ang ambulansiya dahil hindi tumutunog ang serena niyon ngunit mabilis ang takbo nito.

"Idiot! Wala akong sinabing magpakamatay ka!"

Nilingon ako ni Triton at nag pogi pose bago niya iniunat sa harapan niya ang mga kamay niya na para bang may lalabas doon na kapangyarihan. Do he plan on stopping the ambulance using his bare hands? Dahil kahit ako hindi ko kayang gawin iyon.

Napasapo ako sa noo ko habang hinihintay ang kahindik hindik na mangyayari kay Triton kapag dinaanan siya ng ambulansiya na tiyak na magiging dahilan para magmukha siyang tomato puree sa gitna ng daan.

"Dawn let's go!"

Napakurap ako. Huminto nga ang ambulansiya. A few inches away from Triton. Ipinilig ko ang ulo ko at patakbong lumapit ako sa binata kasabay ng pagbukas ng isa sa bintana ng ambulansiya.

"Ah, sir, pasensya na pero hindi po kami-"

Binunot ni Triton ang baril niya at itinutok sa lalaki. "Buksan mo ang pintuan sa likod."

"S-Sir..."

"Isang bala ka lang."

Kung hindi lang kami nasa ganitong sitwasyon ay baka tinawanan ko na siya. Ginaya niya pa kasi ang tono ni FPJ sa mga katagang iyon.

"M-Manuel buksan mo ang pintuan."

Tinanguhan ko si Triton at nauna na ako sa likuran. Binunot ko ang baril ko at itinutok ko sa tinawag na Manuel ng lalaki sa harapan. Nahihintakutan na umatras siya. Nanatiling itinutok ko sa kaniya ang baril hanggang sa makapasok si Triton.

Sabay pa kaming napayuko ni Triton ng makarinig kami ng putok ng baril. Mabilis na isinarado ko ang pinto. "Drive!"

Walang inaksaya na panahon ang driver at pinaandar niya iyon. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isa sa mga lalaki na may tinawagan.

This is not good.

Paniguradong masusundan kami. Malaki din ang posibilidad na madamay ang tao na kasama namin ngayon sa ambulansiya.

"Freezale. Update."

dalawang

"Tell the driver to turn right at the end of the road."

Sinabi ko ang sinabi ni Freezale at umangal ang driver sa sinabi ko. "Eh ma'am sobrang traffic ho roon. Mas mapapabilis tayo sa kabila."

Sinalubong ko ang mga mata ng lalaki sa rearview mirror. "Sundin mo ako o ang buhay nating lahat ang bibilis."

Bumalik ako sa pagkakayuko ko ng tumango siya. Masyado kasing nagtagal ang mga mata ko na walang proteksyon sa araw. Hindi ako nag-angat ng tingin kahit pa naramdaman ko si Triton na kumilos. Pagkaraan ay hindi na masyadong suamsakit ang mga mata ko.

Nag-angat ako ng tingin at bahagya akong nginitian ni Triton. Sinarado niya ang mga blinds ng ambulansiya.

"T-Thanks."

Tumango siya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Bahagya ko pa iyong hinila, reflex action. Matagal na panahon din na lagi kong iniiwasan ang mapalapit sa kaniya.

"That kiss..."

"Let's not talk about it here, Triton."

Umiling siya. "Paano kung itanggi mo ang nangyari? Paano kung bumalik ka na naman sa pag-iwas mo sa akin? I'm not asking you to tell me that you love me. Not yet. Ayokong mapilitan ka lang na sabihin ang mga katagang iyon. But I want an asurrance."

"Triton-"

Pagak na tumawa siya. "I'm scared. God, I am scared of you. Hindi ko na alam kung

ilan pang pagtanggi mo sa nararamdaman mo ang kakayanin ko."

"Tri-"

"Alam ko na masyadong mabilis. Alam ko na maaaring malagay sa alanganin ang pangalan mo dahil kanina. Alam ko na maaaring maraming bumatikos sa iyo. But I don't want to hide you from them. I don't want to keep wasting time on pretending when I can spend it on loving you."

"Triton please-"

"Hindi ka nila masasaktan habang nabubuhay ako. Kung kinakailangan ko na takpan ang mga mata mo para hindi makita ang galit nila, takpan ang mga tenga mo para hindi mo marinig ang mga panghuhusga nila, iharang ang sarili ko para takpan ka sa lahat ng pananakit, gagawin ko."

"Tri-"

"Lahat kaya kong gawin wag ka lang mawala sa akin."

Marahas na binawi ko ang kamay ko ngunit imbis na lumayo ay mabilis na lumapit ako sa kaniya. I straddled him and looked straight to his eyes. "Ang daldal mo talaga."

"Dawn-"

"Ilang beses mo na akong pinutol hindi mo man lang pinakinggan muna ang sasabihin ko."

"But-"

Hinarang ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Shh! Listen, Triton. I'll give you assurance. Back then, I kissed you. Bakit sa tingin mo ginawa ko iyon? Para patahimikin ka lang? Dahil kung iyon lang pala ang problema eh di sana sinapak na lang kita at ng matahimik ka."

Pinandilatan ko si Manuel na titig na titig sa amin na para bang nanonood siya ng dramarama sa hapon. Kaagad na nag-iwas siya ng tingin at ako naman ay ibinalik na ang tingin kay Triton.

"Pag-uusapan natin ito pagbalik. But you should know that I won't kiss you like that if I don't feel anything for you."

Laglag ang panga na tinignan niya ako. Napapailing na bumalik na ako sa kinauupuan ko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. What? Sa nakakailang eh.

"Ah..."

Nag-angat ako ng tingin sa driver. "What?"

"May sumusunod po sa atin."

"Okay."

"At traffic po."

Sumilip ako sa labas. Traffic nga. Malakas ang kutob ko na bababain kami ng Claw kung hindi kami makakaalis agad sa traffic na ito.

"Freezale."

"You're close. Kailangan niyong huminto sa tapat ng isang building na may markang GH8. Naghihintay doon sina Athena at Hera."

"Copy."

"You need to get away from there fast. Nahack ko na ang CCTV diyan at kasalukuyang

bumaba ng sasakyan ang ilan sa mga tauhan ng Claw."

"Got it."

Umusog ako hanggang nasa likuran na ako ng driver. "Alam mo ba kung saan ang building na may tatak na GH8?"

"Opo. ma'am."

"Dalin mo kami roon. Ngayon na." utos ko.

"E-Eh ma'am traffic nga ho-"

Napabuntong-hininga ako. Mukhang kailangan ko talagang gamitin ang katarayan ko. "Anong pangalan mo?"

"Justin po."

Tumango-tango ako na para bang interesadong interesado ko. "Justin, saan tayo sa tingin mo nakasakay ngayon? Sa bangkang papel?"

"Hindi...hindi po ma'am."

"Okay. Ngayon, buksan mo ang serena."

Napakamot sa ulo niya si Justin na para bang hindi na alam ang gagawin niya. Hindi ko siya masisisi. Biglaan nga naman ang mga pangyayari. "Ma'am hindi ko kasi pwedeng buksan ang serena kung walang emergency."

"Gusto mo ng emergency? Madali lang yan. Babarilin kita para may emergency tayo at ng mabuksan mo na ang serena."

Wala ng nagawa ang driver kundi patunugin na ang ambulansiya. Katulad ng inaasahan ay nagbigay daan ang mga iba pang mga sasakyan para makadaan kami. Thank goodness.

Ilang sandali ang lumipas ay nakarating kami sa building na sinasabi ni Freezale. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ako ng ilang libo roon. Inabot ko iyon kay Manuel na nanlalaki ang mga mata at pagkatapos ay bumaba na kami ni Triton.

Hindi naman mahirap mahanap ang kinaroroonan nila Athena. Nakabukas kasi ang hood ng sasakyan na gamit nila at kasalukuyan silang nag mi-mini party habang malakas ang tunog na nanggagaling sa stereo.

Tumakbo kami palapit roon ni Triton. Bubuksan ko sana ang pintuan ngunit naramdaman ko na lang na umangat ako at ipinasok ako sa loob ni Triton. Pagkatapos niyon ay sumampa siya.

Naniningkit ang mga mata na tinignan ko siya. "Hindi ako manika."

"Of course you're not a doll. You're my angel."

Namula ako sa sinabi niya. Mabuti na lang ay naisipan ni Athena na sumingit sa usapan. "Okay!" malakas ang boses na sabi niya. "Umalis na tayo wohooo! Go Hera!"

"Roger!"

Napahawak ako sa upuan ng sumibad paalis ang kotse. Panalangin ko na lang na sana makarating kami ng buo sa BHOCAMP.

"Kuya Triton!" sigaw ni Hera.

"O?"

"Alam mo bago ako pumunta rito, kinukumbinsi ko si Papa na ibili ako ng bagong Iphone. Kaya lang umilaw ang bracelet ko dahil medyo malapit kami sa kinaroroonan ninyo."

"O tapos?" tanong ni Triton.

"Hindi ko tuloy nakumbinsi si Papa na ibili ako ng bagong phone kasi panira kayo ng moment. Ibili mo ako ha? Yung Iphone 6. Bukas, okay?"

"What?!"

Tinignan ako ni Hera sa rearview mirror. "Ang kuripot naman ng soon to be boyfriend mo ate Dawn. Parang ayaw pa akong ibili eh mayaman naman siya-"

"Hindi!" pigil ni Triton sa sasabihin nito. "Ako kuripot? Never! Ibili ko pa kayo pareho ni Athena ng Iphone 6 pagkauwing-pagkauwi natin."

Lumingon sa amin si Athena at tumingin kay Triton. "Talaga?"

"Oo naman! Galante ako no."

"Ayoko ng Iphone eh. Gusto ko lollipop. Isang drum ha? Thank you!"

Napakamot ako sa pisngi ko sa tinatakbo ng usapan. Sumandal na lang ako sa kinauupuan ko at pumikit. Matutulog na lang ako at sumasakit na naman ang mga mata ko.

Narinig ko na nagsalita si Triton. "I-angat mo ang hood, Hera."

"Bakit? Don't you want to see the colors of the wind?"

"Hangin na Iphone ang ipapakita ko sa iyo kapag hindi mo itinaas ang hood. Sumasakit ang mga mata ni Dawn."

"Roger!"

Napadilat ako ng maramdaman ko na sumarado ang hood. Lumingon ako kay Triton para lang mapaatras nang makita ko na ang lapit ng mukha niya sa akin habang nakasandal din siya sa upuan. Lihim na napamura ako ng tumama ang ulo ko kung saan sa bigla kong pag-atras.

"Tsk, ayan kasi."

Pinaningkitan ko ng mga mata si Triton. "Nang-aasar ka?"

Imbis na sumagot ay hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang sa nakasubsob na ang mukha ko sa dibdib niya. Pilit na nagpumiglas ako. "Sila Hera-"

"Don't care."

"Triton!"

He nuzzled my neck and pulled me closer. As if we're not close enough that we can almost switch souls.

"Triton..."

"Mine."

Hindi ko na nagawang tumutol. Because I can't deny it anymore. Not when my heart feels like it's shouting its response.

...

...

I am his. CHAPTER 16 ~ Roar ~

A/N: Thank you kay ate Jera for the song :) Salamat din sa mga nag comment ng songs sa post ko kanina sa group sa facebook <3

Click the external link for the link of the group >>>

CHAPTER 16

DAWN'S POV

"Ang weird niyo."

Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Sky. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero wala akong balak aminin iyon.

Kasalukuyan kami ngayong nasa malawak na field sa likuran ng BHOCAMP Headquarters at kumakain kasama lahat ng mga agents. Mula newbies at junior. Tama lang naman na ilibre namin sila nila Triton dahil sa dami ng mga trabaho na tinapos namin, wala ni isa sa kanila ang nagreklamo. Kahit na karamihan sa kanila ay wala ng mga tulog.

Wala pa kaming lead kung nasaan na si Wyatt Claw pero nakakuha kami ng mga impormasyon ukol sa mga transaction nila mula sa mga nahuli naming tauhan ng Claw. Nang sunduin kasi kami ni Triton nina Hera at Athena kahapon ay may mga agents na inutusan si Freezale at nagawa nila na kornerin ang ilan sa mga miyembro at ngayon nga ay nasa infinity room na sila katulad ni Warner Claw.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Sky."

"Something's weird, I'm sure of it." sabi ng babae habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Triton na ngumiti lang.

"Gutom lang yan." kumuha ako ng inihaw na hotdog at inabot ko iyon sa kaniya. "O,

baka nawawalan ka na ng nutrisyon."

"You're not lying to me?" tanong niya at inabot ang stick.

Direktang tinignan ko siya sa mga mata. She can't read my mind. She can't read my mind. "N...No."

Napapalakpak siya at ngiting-ngiti na tinignan kami ni Triton. "You're definitely lying! Hindi mo ako maloloko dahil mas sinungaling ako sa'yo. I can't believe this! Nagkulay rainbow na ang mga uwak, tumulin na ang mga pagong, nag evolve na bilang tao ang mga unggoy, bumaligtad na ang mundo!"

"Quiet!" I hissed.

Tinignan ko sila Daddy na kasama sa isang mahabang lamesa ang buong Second Generation Elites pati na ang ilan sa mga retired agent. Wala ang mga Original Elites dahil mga nagbabakasyon. Mukhang hindi naman nila napansin ang komosyon sa puwesto namin.

Tinignan ko ng masama si Sky. "I'm gonna burn your mouth if you don't shut up."

Imbis na magalit sa sinabi ko ay humagikhik lang siya. Tinalo niya pa ang nanalo sa lotto habang ang asawa naman niya ay napapangiti na lang at nag-alis ng tingin sa amin at nagpanggap na nasa iba ang atensyon at hindi kami naririnig kahit na rinig na rinig naman niya ang pinag-uusapan.

Swerte ko na lang at busy sa mga usapan nila ang ibang mga agents.

"You know, Dawn, hindi na ako nagulat na ikaw ang susunod sa yapak ni Freezale. Parang inuuna tayo na mga walang balak mag commit. Me, the playgirl. Freezale, the cold robot. And you, the men squasher machine."

"Sky..." may babala sa tinig na sabi ko.

"Wala ba kayong balak ipaalam sa iba?"

"Wala."

Napapikit ako ng maisip ko ang pagkakamali sa sinabi ko. Para ko naring inamin na may 'something' nga sa amin ni Triton. Well...there is something going on.

Napatili si Sky ng pagkalakas-lakas. Naagaw na niya ang atensyon ng mga Second Generation Elites dahilan para panlakihan ko siya ng mga mata. Pilit na inayos naman niya ang sarili niya habang parang sasabog na siya sa sobrang pagkapula ng mukha niya.

She leaned forward on the table. "I'm so so so glad!"

"I can see that." I said with a roll of my eyes.

Tumingin ako sa mga agents na bumalik na ang mga atensyon sa usapan nila. Maliban kay Freezale na nasa kabilang dulo ng kinaroroonan namin. Umangat ang sulok ng labi niya na para bang sinasabi na alam niya ang pinag-uusapan namin.

That is not possible-

Napatingin ako sa ilalim ng upuan ng may gumalaw. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang maliit na bunny robot na tumatalon palayo sa paanan ko...at papunta kay Freezale.

Hindi ko na kailangan pang mag-isip pa ng kung ano-ano dahil ng muling magtama ang mga mata namin ni Freezale ay para na rin niyang kinompirma na ginamit niya ang bunny na iyon para marinig kami.

Goodness!

Matalim ang tingin na nilingon ko si Triton na relax na nakasandal lang sa kinauupuan niya. "Wala ka bang balak gawin diyan, monster?"

"Wala po, master sweetheart."

Tinapik ko siya sa braso at mahinang nagsalita ako upang masigurado na siya lang ang makakarinig at hindi si Sky na ngiting ngiti na nakatingin sa amin. "Hindi nila pwedeng malaman!"

He smiled his sexy smile. "Bakit, tayo na ba?"

"Triton!"

"Though I kissed you and you kissed me, hindi mo pa rin ako sinasagot."

"Bakit nanliligaw ka na ba?!" asik ko sa kaniya.

"Bakit, gusto mo?" yumuko siya hanggang sa nasa tapat na ng tenga ko ang mga labi niya. "Magaling akong manligaw."

Mabilis na lumayo ako ngunit naramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa na pinigilan ako. Tinignan ko siya ng masama pero nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. I felt his hand tracing patterns on my hand.

"I told you I'll court you and I will."

"Hindi magiging madali ang lahat, aam mo iyan. And what about our candidates for marriage? Wala tayo sa listahan natin. Ibig sabihin lang niyon hindi tayo gusto ng mga magulang natin para sa isa't-isa-"

"I don't care."

"But I do!"

Sa pagkagulat ko ay tumayo si Triton, at dahil hawak niya ang kamay ko ay wala akong choice kundi tumayo na rin. Natahimik ang mga agents pati na ang mga second gen. elites na ngayon ay nakatingin na sa amin. Nakita ko pa si Daddy na bumaba ang tingin sa kamay ni Triton na nakahawak sa akin.

"May trabaho lang kaming pag-uusapan ni Dawn. Excuse me."

Pagkasabi niyon ni Triton ay hinila na niya ako papasok sa loob ng headquarters building. Isinarado niya ang pinto at humarang siya roon.

"Triton-"

"Wala akong pakielam kung hindi ka gusto ng mga magulang ko para sa akin. At wala na din akong pakielam kung hindi ako gusto ng mga magulang mo."

Hindi ko na miss ang 'na' sa sinabi niya pero nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya habang naghihintay nang sasabihin niya.

"In the end of the day, it's not them who will choose. Tayo iyon, Dawn. And I already chose you to be my woman."

"Importante ang gusto nila."

"Mas importante tayo."

Napabuntong-hininga ako. "Triton..."

"Their approval is indeed important but I'm not gonna let them ruin what we have, sweetheart." he gently played with my hair. "I cannot say what will happen in the future. But I will not let go of something good just because I'm afraid to take a risk."

Hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang sa magkalapat na ang mga katawan namin. Marahang hinaplos niya ang pisngi ko habang titig na titig sa mga mata ko.

"So beautiful..."

"Tri..."

Iniangat niya ang kamay ko at inilagay iyon sa tapat ng puso niya. "Nararamdaman mo ba? My heart is not shouting for you. It's roaring, sweetie."

Hindi ko na napigilan ang mapangiti na ikinagulat naman niya. "Roar?"

"Roar!"

Napailing ako. "You're crazy."

"I roar you." he whispered.

'I cannot say what will happen in the future. But I will not let go of something good just because I'm afraid to take a risk.' Risk. The number one requirement in love.

But I can't answer him. Not yet.

So instead of answering,

...

...

I kissed him.

Not the deep, scorching hot kiss. Just a touch...like a whisper. Nang umatras ako at tumingin sa mga mata niya ay wala akong ibang nakita kundi satisfaction.

"You'll tell me you love me, soon." he said.

"No roar for you. Not yet."

Nakangiting tumango siya. "Okay."

"Okay."

"But I roar you. Remember that."

I rolled my eyes at him. "Roar ka ng roar diyan. Monster ka talaga."

"Monster pala ha."

Napatili ako nang hilahin niya ako at bigla na lang akong pinagkikiliti. Just below at the back of my neck, the center of my spine, a bit low region of my hips. Alam niya kung saan ang mga kiliti ko.

"Stop Triton!"

"So damn beautiful."

Hinihingal na napasandig ako sa kaniya habang nakangiting nakatingin lang siya sa akin. His eyes is twinkling from emotions. At nangunguna doon ang kasiyahan. "I'll get you for that, Lawrence."

Ngumisi siya. "Sorry, Dawn, pero wala akong kiliti."

Well, he's right about that. "Si Twinkle na lang ang ipangkikiliti ko sa'yo." ako naman ang napangisi ng bigla siyang mamutla.

"N-No thanks."

Napapailing na tinignan ko siya. Sinubukan kong lumayo pero pumalibot lang ang mga braso niya sa bewang ko. "Alam mo Triton hindi ko talaga alam ba't takot na takot ka kay Twinkle. She's just a cute pet."

"Snakes are not cute."

"They are!"

"They aren't."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Cute sila, period. They're unique."

"Unique? Maybe. Nag-aalaga ng snake? Definitely unique, no, they're crazy."

Pinalo ko siya sa balikat. "Hindi ako baliw!"

His sexy smile curved his lips again. "I know. You're just beautiful."

Pinigilan ko na mapangiti. Trust Triton to say something like that kahit wala namang koneksyon sa usapan. "Ikaw ang baliw."

"Nope. Just roaring you."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba talaga ang ibig sabihin niyang roar roar mo?"

"Well, it was just a word I used to say that my heart is just not shouting for you, but roaring. Pero ngayon..." dumukwang siya hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi namin. "Ibig sabihin na niyon ay mahal kita. Just roaring you...just loving you."

"Ang arte mo." sabi ko.

To my surprise, he touched his lips to mine. Like what I did awhile ago. "Mahal ka naman."

Sabay na napapitlag kami ng gumalaw ang pintuan. Hindi iyon tuluyang bumukas dahil nakaharang doon si Triton.

"Triton? Open the door, bakit ka ba nakaharang diyan?"

Si Daddy!

Mabilis na lumayo ako kay Triton at umupo ako sa upuan na malapit sa isang center island. Kasabay niyon ay lumayo si Triton dahilan para tuluyan nang bumukas ang pintuan. Nakakunot ang noo na pumasok si Daddy Warren. Naglipat ang tingin niya sa amin ni Triton.

"Anong ginagawa niyo?"

Kaagad na sumagot ako. "Nag-uusap lang kami tungkol sa trabaho, Dad."

Lumapit si Daddy sa refrigerator at may kinuha roon. Dumako ang tingin ko kay Triton na tahimik lang. Binalik ko ang tingin ko kay Daddy nang marinig ko na sumarado ang pintuan ng ref.

"Nag-uusap ng tungkol sa trabaho o sa iba pa?" tanong niya habang hawak ang ilang can ng beer.

"Dad, ano pa ba ang iba namin pang pag-uusapan bukod sa trabaho?"

"I don't know. You tell me."

Pakiramdam ko nanlalamig ako habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. I'm good at stare downs but not with my dad.

"W-Wala, Dad. We're just talking about work, nothing else."

May kung anong dumaan sa mga mata ni Daddy. Parang disappointment. But I can't be right. Bakit naman siya madidisappoint?

"Bakit kailangan niyo pang umalis doon? It's not like we'll hear something we haven't heard before." dad said.

Tumikhim si Triton. He looked at me and I stared pointedly at him. Hindi gusto ni

Daddy si Triton para sa akin. He wouldn't chased Triton away before if he do. Wala akong balak na magtalo pa sila ngayon. "Baka lang ho kasi hindi kayo sumang-ayon sa mga balak namin ni Dawn."

I gritted my teeth at the double meaning. Goodness, Triton.

Nanatiling nasa akin lang ang mga mata ni Daddy. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumingin siya kay Triton.

"Kahit hindi pa namin magustuhan ang mga plano niyo, kung marunong kayo na ipaglaban ang mga desisyon ninyo, sa tingin niyo ba hindi namin maiintindihan?"

Napaatda si Triton sa sinabi ni Daddy. "Sir-"

May kung ano na naman akong nakita sa mga mata ni Daddy pero kaagad din na nawala iyon. "Son, I managed BHO longer than Dawn did. Craige managed The Camp longer than you. Wala kayong masasabi na ikabibigla pa namin." pagkasabi niyon ay lumapit siya kay Triton at tinapik ang binata sa balikat bago tuluyan nang lumabas.

Saglit na katahimikan ang namayani sa amin ni Triton. Pagkaraan ay bumuntong hininga siya at sinarado ang pinto at pagkatapos ay lumapit sa akin. Sumandal siya sa center island at tumingin sa akin.

"We need to tell them, Dawn."

"Not yet."

"Dawn-"

Huminga ako ng malalim. "Kapag sinabi ko na sa iyo ang mga salitang gusto mo na marinig...we will tell them."

Nanatiling nakatingin siya sa akin. Processing what I said. After awhile he sighed and reached for my hand. "Okay."

Nakatingin lang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa puwestong iyon. But somehow...I feel contented. Right here, where there are just the two of us.

"Are you scared to tell them?" he whispered.

"Are you?" I asked back at him. "To...my parents?"

"Yeah."

Saglit na nagulat ako sa sinabi niya. Walang pag-aalinlangan niya iyong sinabi na para bang wala na siyang pakielam kung anong iisipin ko roon. "Why?"

He looked directly to my eyes. "Because they mean a lot to you. I don't want you to be hurt if they don't accept me."

Tumikhim ako para tanggalin ang animo bara sa lalamunan ko. "Bakit naman ako masasaktan?"

"Because you love them..." he whispered. "And you love me. I don't want you to choose and break your heart."

Change the subject Dawn. Change it. "Mayabang ka talaga."

Ngumiti siya at dinala ang kamay ko na hawak niya sa mga labi niya upang halikan iyon. "Yeah."

Well done, Dawniella. "Proud ka pa diyan."

He looked at me behind his lashes. Umayos na siya ng tayo at inilapit niya ang mukha niya sa akin. "You love me." he gently touched his lips to mine again. "Roar."

Bago pa ako makahuma ay lumayo na siya at kinindatan ako. Pagkatapos ay lumabas na siya at iniwan ako roon. Crazy guy.

Roar.

CHAPTER 17 ~ TLT ~

CHAPTER 17

DAWN'S POV

Hindi ko alam kung bakit pero tumatakbo kami ni Triton. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nahihintakutan na panaka-naka ay lumilingon sa pinanggalingan namin. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari alam kong may humahabol sa amin na nakakatakot na bagay.

"T-Triton..."

"Maaabutan na niya tayo!"

"Ano ba ang humahabol sa atin?"

Tumigil siya sa pagtakbo at tinakpan ang bibig ko. "Hindi mo ba naririnig? Hinahabol niya tayo!"

"S-Sino?"

"Nakakatakot na halimaw-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may bigla kaming narinig na kaluskos. Animo itinulos si Triton sa kinatatayuan niya at namumutlang lumingon sa pinanggalingan ng tunog. Kinakabahang lumingon rin ako roon.

Napanganga ako sa nakita ko. "What the-"

"Aaahhhh!"

Nakasimangot na tinignan ko si Triton. "Ano ka ba naman Tri? Pusa lang iyan!" itinuro ko pa ang kulay orange na matabang pusa na nakatingin lang sa amin.

Sunod-sunod na umiling siya. "Hindi mo ba naiintindihan? Siya ang pinakanakakatakot na halimaw sa buong mundo."

"What? You're crazy-"

Ako naman ang natigilan ng may marinig ako na ingay at kasunod ay malalaking yabag. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang puso ko ng biglang sumulpot ang isang malaking leon. "ROAAAAAR!"

"Tumakbo na tayo Triton!"

Nakangiti na na binalingan niya ako. "Hindi. Iyan ang kaibigan natin! At sabi niya, 'I Love You' daw."

"ROAAAAAAAAR" malakas na umangol ang leon at tumakbo papunta sa amin. Ang mga matatalas na ngipin ay kumikintab, ang mga kuko ay nakahanda na upang salakayin kami. Ngunit bago pa siya tuluyang makarating sa amin ay huminto ito at lumikha ng ingay. "You're gonna hear me ROOAAAAAR! Oh oh oh oh oh oh!"

Hinihingal na napamulat ako at wala sa loob na hinablot ko ang cellphone ko at pinindot ko iyon. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng boses mula sa kabilang linya. "Good morning, Master-"

"TRITON LAWRENCE!"

Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. "Err...yes, sweetie?"

"Bakit iba ang ring tone ng cellphone ko?!"

"Hindi mo ba nagustuhan? Ang cute nga eh! Bagay sa ating dalawa!"

Napasapo ako sa noo ko. Kung hindi lang talaga...nakuuu! Kung naging leon lang ako baka matagal ng guraguranit si Triton sa akin. "Triton, listen to me. You don't hack my phone, you don't change my ring tone, and you don't touch my phone ever! Get me?"

"Is that a bad thing?"

"Yes!"

"Oh. Okay!"

Huminga ako ng malalalim. Calm down, Dawniella. Tandaan mo na ang kausap mo ay ang taong may attention span ng squirell, utak ng six year old, at ang taong pinili ng pesteng puso mo na hindi ata alam ang matino sa baliw.

Hingang malalim, Dawn. Come on, come on. "Ano bang kailangan mo? It's..." I looked at the clock on my bedside table. oclock in the morning. "Still early. Gusto mo bang barilin kita?"

Six

"Nang pagmamahal? Sure!"

"Triton, wala ng ibang classification ang 'barilin' maliban sa bubutasan ko ang katawan mo gamit ng humahagibis na bala."

"Sweetheart naman."

Goodness. "Anong kailangan mo?"

"Ikaw."

"Triton!"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Okay, okay. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Anyway, I'm right at your door. May dala akong breakfast."

Hindi na ako nagsalita at pinatay ko na ang phone. Tumayo na ako at sinuot ang silk robe ko at pagkatapos ay tinungo ko ang pintuan. Pagbukas ko niyon ay bumungad sa akin si Triton na may dala-dalang paper bag.

"Good morning!"

"Morning." I murmured.

Hinayaan ko na na siya ang magsarado ng pintuan at naglakad na ako papunta sa kusina ko. Hindi katulad sa kwarto ng ibang mga agents ay mayroong partition ang kusina ko at ang living room. Nang makapasok roon ay hinila ko ang wooden window niyon para mabuksan, kasabay ng pag upo ni Triton sa isa sa mga high stool ko.

"I really love your space." Triton said as he looked around.

Imbis na sagutin siya ay pinameywangan ko na lang siya. Nangingiti na pinatong niya ang paper bag sa marble counter at kiunuha ko naman iyon. "You cooked?"

"Nope. Nagluto si Mama ng breakfast kaya sinabi ko na rin sa kaniya na damihan niya."

"Hindi ba sila nakahalata?"

"I don't think so. For all they know I'm just lazing around my room."

Kung sabagay. Kapag tinatamaan kasi ng katamaran si Triton ay tumatambay na lang siya sa kwarto niya at umuoorder na lang ng pagkain.

Iniayos ko na ang dala niyang sandwiches sa isang pinggan. Tinapunan ko ng tingin

si Triton at napailing ako ng makita ko siyang halos dumapa sa marble counter at nakastretch ang mga kamay para maabot ako. "Para kang timang."

"Come here."

"Ayoko."

Umayos siya ng upo at nagalumbaba habang nakatingin pa rin sa akin. "If you don't come here, I'm gonna get you there."

Itinuro ko ang pintuan ng kusina. "I can lock the door."

"I can jump over the counter's window."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Triton, magbebreakfast tayo diba? Pwede bang magtino ka muna at ng maihain ko muna ang mga ito?"

"I forgot something so come here."

"Triton."

"Sweetie, come here."

Umiling ako at binigyan siya ng masamang tingin. Wala pa sa wisyo ang utak ko dahil kagigising ko lang at higit sa lahat binulabog niya ako kaya wala akong balak na makipag-asaran sa kaniya ngayon. My day is already taking a bad path.

"Sweetie, I'm not gonna ask again."

Nameywang ako muli. "Inuutusan mo ba ako? Sa pagkakaalam ko, ako ang boss dito."

Ngumiti siya na animo naaamuse sa akin. "Pareho lang tayo na boss."

"I got the upper hand."

"Like I've said, pareho lang tayo na boss."

Alam kong lukot na lukot na ang mukha ko ngayon sa sobrang inis. Ano bang nakain ng taong ito at nakikipagtalo sa akin? "I always win, Tri."

"I do too."

Calm down, Dawniella. Paano ako kakalma?! I was sleeping and now I'm not and I'm hungry and this man is irritating me! You're losing it. Deep breaths. Fine. Fine. ARGH! "Ako lagi ang nanalo sa pagitan nating dalawa! ALWAYS ME! Got it?!"

Nangingiti pa rin na pinagmamasdan ako ni Triton. "That's because I roar you and I let you win. Always."

The arrogant ass! "Then what are you doing now dimwit?! You're irritating the hell out of me! Natutulog lang ako tapos bigla mo ng sinira ang araw ko! Jerk!"

Imbis na magsalita, sa gulat ko, ay dumukwang siya at hinawakan ang magkabila ko na bewang. He lifted me and I found my ass sitting on the counter while his lips were against mine. It's not just the touch of the lips, but something searing and intense.

Nang pakawalan niya ang mga labi ko ay nakangiting sinalubong ni Triton ang mga mata ko. Nanatiling nakatingin lang din ako sa kaniya, hindi makapagsalita sa bilis ng pangyayari.

"There, sweetie. That's not so bad right?"

"M-Monster."

Lumawak lalo ang pagkakangiti niya sa sinabi ko. "Because I already got my morning kiss, now we eat."

Sinimangutan ko siya. "Bahala kang mag-isa mo diyan-"

Pinigilan niya ako ng akmang bababa na ako sa counter. Nakangiting dumukwang lang siya at kinuha ang plato na pinaglagyan ko ng mga sandwich at inilagay niya iyon sa tabi ko. Kumuha siya ng isang slice niyon at kumagat.

"Yum."

I stared at him open open mouthed as he close his eyes in satisfaction. Tinalo pa niya si Sarah Geronimo sa commercial ng Jollibee sa papikit-pikit niya ngayon na arte. "Adik ka."

Nagdilat siya ng mga mata. His lips curved his sexy smile and then he teasingly

licked his lips. "Best thing I've ever eaten. For now."

My jaw dropped as I watch his eyes turning liquid. I don't need to be a genius to understand what he meant. "K-Kumain ka na lang."

"Sure." kumuha siya ulit at kumagat. Ngumiti siya at pagkatapos ay inumang niya sa akin ang kalahati niyon. "Here."

"Ayoko nga. Kinagatan mo na yan eh."

"Sweetheart, we kissed. With tongues, I must say."

Pakiramdam ko ay lalagnatin na ako sa sobrang pag-iinit ng mukha ko sa sinabi niya. Padarag na kinuha ko sa kaniya ang sandwich at isinubo ko iyon. Nang magawa ko na iyong lunukin ay binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Happy?"

"Nearly."

Ilang beses pa na naulit iyon hanggang sa ako na ang kusang kumukuha ng sandwich ko. Pero bago ko pa maubos ang hawak ko ay kinakagatan niya din iyon. We end up sharing every piece of the sandwich.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Now. Happy?"

Tumayo siya at kinintalan ng halik ang tungki ng ilong ko. "My sweetheart is cute."

"I am not."

"Roar."

Argh! Whatever.

NAG-ANGAT ako ng tingin mula sa chinecheckan ko na mga papel ng bigla na lamang may nagkukumahog na mga yabag ako na narinig. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang dalawa ko na estudyante na si George at Steve na animo hinahabol ng sampung hyena sa pagmamadali.

"You two! You're late. Tapos na kaming mag test and I don't have plans on giving a special one."

"Ma'am hindi na iyon importante!" natatarantang sabi ni Steve.

Lalong nangunot ang noo ko. Isa si Steve sa mga matataas ang grado sa klase ko. To be exact pangatlo siya sa highest. "What do you mean? Gusto mo bang ipaguidance kita-"

Pinutol ni George ang sasabihin ko at ipinakita niya sa akin ang tablet na dala niya habang si Steve naman ay habol habol pa ang hininga niya. "Look at this Ma'am."

Tinignan ko ang tinutukoy niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang group sa Facebook na ang pangalan ay 'DELTON'. Iniscroll down ko iyon at nagulat ako sa mga nakita ko. Puro post ng mga fans ni Triton na binabatikos ang relasyon namin. May ilan pa doon na posts na mayroong larawan. Hindi kita ang mukha ko dahil sa anggulo at sa sinag ng araw pero kitang-kita doon si Triton.

Bitch, slut, whore, mang-aagaw, gold digger, social climber. Ilan lang iyan sa mga salita na ipinantukoy nila sa akin. And to make it worst, nasa limang libo na ang miyembro ng nasabing grupo.

"Wag kayong mag-alala Ma'am, na counter attack na namin ang group nila." sabi ni Steve at ipinakita naman sa akin ang tablet device niya. "Ang TLT. True Love ni Trei group. Alam kasi namin Ma'am na hindi mo gugustuhin na ipost namin ang pangalan mo kaya gumawa na lang kami ng paraan. Kami lang ng Literature class ang nakakaalam na ikaw talaga, Ma'am, ang tinutukoy namin."

"Steve, hindi niyo naman kailangang gawin ito. Hayaan niyo na lang-"

"Hindi pwede na wala kaming gawin Ma'am. Binabastos ka nila gayong hindi ka naman po nila kilala. Ni hindi nga nila alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa inyo ni Trei." putol niya sa sasabihin ko.

"Hindi niyo din naman alam kung ano ba talaga ang nangyayari."

"Ma'am." tawag ni George sa atensyon ko. "Alam ko po na bitter ako dahil kabebreak lang namin ng behbeh ko. Pero iyong mga sinabi sa inyo ni Trei Lawrence noong pumunta siya dito, hindi iyon sasabihin ng isang tao kung hindi naman talaga totoo."

"George."

"Kami pong mga lalaki, oo, mapaglaro. Pero kapag para sa totoo na naming mahal, gagawin namin ang lahat. Kahit na magmukha na kaming bakla sa mga sinasabi namin at ginagawa, wala kaming pakielam."

Hinawakan ko ang kamay ng binatilyo. "George, malapit na ang exams ninyo sa ibang subject. Wag ako ang intindihin ninyo."

Imbis na magsalita ay siniko niya si Steve. Binitawan ko ang kamay ni George at tumingin ako kay Steve. "Steve?"

"Ma'am gusto talaga namin para sa inyo si Trei."

"Leave that to us. We can handle it. For now study and-"

"Bihira po ang taong gagawin ang lahat sa kabila ng mga consequence na maaaring mangyari sa hinaharap. Kaya sana po ipaglaban niyo din siya. Kasi sa nakikita namin Ma'am, kahit hanggang patayan ilalaban ka niya."

May pinindot siya sa tablet niya at ilang sandali ay lumipas, nag play ang isang video. Base na rin sa petsa at oras ay mukhang kaninang alas onse lamang ng umaga ang pagkuha sa video. Saglit na nanglaki ang mga mata ko ng lumabas roon ang mukha ni Triton habang pinagkukumpulan ng reporters.

Sa pagkakaalam ko nga ay umalis siya kaninang umaga ng matapos kaming mag-almusal. Mukhang nacorner siya ng mga reporters.

"Totoo ho ba na basta niyo na lang idinispatsa si Delta Villanueva pagkatapos niyong makakita ng bagong babae?"

"Buntis ba ang babae sa picture kaya hindi na matutuloy ang kasal ninyo ng fiancee mo na si Delta?"

"Ayon sa source may nagpaputok daw sa inyo ng mga oras na sinabi mo ang tungkol sa babaeng ito. Utos daw ito ni Delta dahil hindi niya matanggap ang paghihiwalay ninyo?"

"Bayarang babae ho ba ang kasama ninyo? Public stunt ho ba ito dahil sa wala pa kayong proyekto na lumalabas ngayon?"

Nakita ko na pinigilan ng isa sa mga humaharang sa mga reporters si Triton nang balingan niya ang huling nagtanong. Madilim ang anyo niya at mukhang handa na siyang suntukin ang kung sino mang reporter iyon.

I saw him trying to calm down himself then he finally speak.

"Magkakaroon ako ng public announcement at doon ko sasagutin lahat ng mga katanungan ninyo. But remember this, I don't care where channel you are from, but if I hear you speak about my woman again that way, I'm gonna burn your asses."

"Ang career ninyo-"

"I don't care about anything else besides making sure my woman is safe from you all."

Napapikit ako ng mariin. This might end really badly. For his career...and for mine. Sooner or later malalaman din nila na ako ang babae na kasama ni Triton that time. Masyadong mabilis ang pang-amoy ng media para hindi nila malaman iyon agad.

I'm risking BHOCAMP because of this.

Kaya naging dahilan ito nang pagtatalo ni Tito Craige at Tito Marveige noon. The agents being a reporter is one thing, being a part of a band is another thing, but being an actor is far out of the league.

Kapag reporter ka, hindi bubuligligin ng mamamayan ang pagkatao mo, kapag nasa banda ka...nakapokus sila sa musika, babaeng nalilink sa iyo, pero hindi sa buong buhay mo. Pero kapag artista ka, lahat ng mga mata nakasunod sa iyo.

That's a big risk for the organization.

It's a bigger risk for both our careers.

"Ma'am."

Tumingin ako kay Steve pero hindi ko nakuhang makapagsalita. Sa hindi malamang kadahilan ay parang nahihinuha nila ang iniisip ko. Or a part of it.

"Ma'am maaaring dahil dito hindi ka na namin maging professor. Pero maiintindihan po namin. Kahit po na natatakot kami sa iyo, wala pong duda na malaki po ang naitulong ninyo sa aming mga estudyante mo. Kahit ang ibang section at ibang courses sinasabi din iyon. Dahil kahit na anong hina namin sa subject na hawak mo po ay hindi mo kami hinahayaan na basta na lang bumagsak."

"Steve..."

"Ma'am, maaapektuhan po ang career ninyo bilang propesor dahil dito. Maaapektuhan din po si Trei. Pero sa nakikita namin, mukhang kahit iyon ay itinaya niya na para po sa iyo. Kaya po sana wag kayong manghinayang dahil dito."

"Steve-"

"You won't give up something he's not willing to give up for you."

'Lahat alam mo pero hinayaan mo siyang makalayo sa iyo. Mahal mo siya pero hindi mo din siya ipinaglaban. Pareho lang kayo. Pareho lang kayo na naduwag na ipaglaban ang isa't isa.'

That was Sky's words.

Na pareho kaming naduwag ni Triton noon. Na kaya nawala samin ang isa't-isa dahil hindi kami natutong lumaban.

But Triton's fighting for me now. He's giving all he got, risking everything.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang mga papel. Nakita ko na dismayadong tinignan ako ni George at Steve pero hindi ko sila pinansin. Pero imbis na checkan ang papel ay tinatakan ko lahat iyon. Kumuha pa ako ng dalawang papel at tinatakan ko din iyon.

"Good job, class. Lahat kayo ay naka-one hundred sa exams."

Napangiti ako ng mag high five si George at Steve habang ang iba naman ay nagsisigawan at may iba pa na nagtatatalon. Tumayo ako at isinukbit ko ang bag ko. Pero bago ako tuluyang makalabas ay tinapik ko sa balikat ang dalawang binatilyo.

"Thank you."

Tuluyan na akong lumabas ng silid. Hindi ko na sila nilingon kahit na nararamdaman ko na nakasunod sila sa akin. Tuloy-tuloy ako sa labasan ng university. Hindi pa nakakarating roon ay may naririnig na ako na mga ingay.

That's why when I opened the door, I already expected what I'm gonna see.

Reporters.

Narinig ko ang sigaw ni George at Steve kasabay ng pagsuot ng isa sa kanila sa akin

ng bullcap. Inilibot ko ang paningin ko at di kalayuan ay namataan ko si Triton na lumalabas sa sasakyan niya at patakbong tinungo kami.

I declare that this is really my bad bad day. Why? Because I saw another car stopped in front of the university and I know who will gonna come out off it.

...

...

My parents.

"Ma'am sa iba na tayo dumaan."

Nilingon ko si George at ngumiti. Tinanggal ko ang bullcap at inabot ko iyon sa kaniya. "Hindi na kailangan."

Bago pa niya ako mapigilan ay naglakad na ako at sinalubong ko ang mga reporters. Pero hindi sila ang pakay ko kundi ang lalaking ngayon ay kulang na lang ay hawiin ang mga tao para makarating sa akin.

The look on his face as he kept on running towards me...the way his eyes never leave mine. Na kahit sa kabila ng dami ng tao...ako lang ang nakikita niya.

My Triton Lawrence.

"Dawn..."

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Nandoon ang takot, ang pangamba. Pero nasa mga mata niya din ang determinasyon.

"Dawn, I'm sorry."

I didn't speak, instead I close the distance between us...

...

...

and kiss him.

Kaagad na kumawala siya at hinapit niya ako palapit sa kaniya. Pinoprotektahan ako sa mga reporters na patuloy sa pagtatanong at paggigitgit sa amin. "We need to get out of here, Dawn."

"Tri, I trust you."

"Dawn-"

"I...roar you."

CHAPTER 18 ~ Ready ~

CHAPTER 18

DAWN'S POV

Animo napako sa kinatatayuan na laglag ang panga na nakatingin sa akin si Triton. Ngumiti ako at akmang hahaplusin ko ang mukha niya ng maramdaman ko na lamang na may humila sa akin. Automatiko na umangat ang kamay ko at kumapit ako sa kamay ni Triton dahilan para mahila rin siya.

"Explain this to me Dawniella!"

Shit, shit, shit! I totally forgot that my parents are here!

"Dad, I can explain-"

"No! You listen to me, Dawniella."

Kumunot ang noo ko. I really shouldn't rile my father more but I can't help it. "You said I should explain that's why I'm gonna explain Dad!"

"She got you there, loves." my mother murmured.

Imbis na pansinin ni Daddy ang sinabi ni Mommy ay nanataling nasa akin ang atensyon niya. "You will get in the car, we will go home, and then you will break it off whatever it is that's going on between you and that boy."

"Dad, his name is Triton and he's not a boy, okay?"

"Dawniella!"

Naramdaman ko ang braso ni Triton na pumalibot sa balikat ko na lalong ikinadilim ng anyo ni Daddy. "Dawn, let's get you out of here."

"No, Triton. We need to tell my father that-"

"I know. Pero hindi dito. The media will feast on us, sweetie."

Muntik pa akong matumba ng bigla na lang akong hinila ni Daddy at kasabay niyon ay ang bahagyang paghila sa akin ni Triton. Naniningkit ang mga mata ni Daddy na tinignan ang binata. "Let go Lawrence. And you Dawniella, get in the car."

"No, Dad. I'm going with him."

"Get in the car."

"No, Dad."

My father's eyes hardened more. "Car!"

"Jezz, Dad, no!"

Bago pa makapagsalita ulit si Daddy ay naunahan na siya ni Mommy. Wala akong mabasa na kahit na ano sa mga mata ng ina ko. No anger...nothing. And that made it worst. Dahil sa lahat ng tao na nakilala ko, si Mommy ang hindi nawalan ng emosyon...compassion, para sa lahat ng bagay. "Get in the car, Dawn."

"Mom-"

"Don't make me repeat it again or I'll haul your ass inside the car."

Pinatigas ko ang sarili ko at pilit na inalis ko sa mukha ko ang emosyon na maaaring bumalatay roon. Sophia Carina Cole Davids, is my mother. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kapag nagalit siya. Not that she ever did something to me. Dahil kahit kailan hindi ko sila binigyan ng alalahanin ni Daddy.

Not until now.

I love my parents, I really do. But I'm not gonna stop fighting for my man. Ilang taon na iyon ang ginawa ko. I have no plans on doing it again.

"Dawn..."

Nilingon ko si Triton at sinalubong ko ang tingin niya. "I'm not going with them."

"You should."

Pakiramdam ko, isang sampal ang sinabi niya sa akin. Am I wrong with this? Am I wrong on letting him in again? Mauulit na naman ba ang nangyari noon? That he stopped pinning for me...that we stopped pinning for each other.

"No, sweetie. Don't get your head in a mess." he whispered. "I'm not gonna let you go. Not again. But they are still your parents and I don't want you to end up in this crossroads where you need to choose between me and them. So we need to make it right, sweetheart. We need to convince them to accept us being together."

Nanatiling nakatingin lamang ako sa kaniya. Ilang sandali ang lumipas at tumango ako. "Okay."

Triton gave my hand a gentle squeeze then he pulled me with him. Towards my parents' car. He opened the door of the backseat and help me get in. Dumukwang siya at binigyan ng magaang halik ang mga labi ko. "Later, sweetie."

"Later."

Sinundan magulang Daddy ay Mommy at

ko siya ng tingin nang sinarado na niya ang pintuan at lumapit siya sa mga ko. Ngunit imbis na kausapin siya ay tinalikuran siya ni Mommy habang si galit na iniangat ang kamay at dinuro si Triton bago siya sumunod kay pumasok ng sasakyan.

My eyes didn't linger away from the window even when my father started the car. Bago pa kami tuluyang makaalis ay nakita ko ang pagbuka ng mga labi ni Triton. Mouthing a word. "Later."

I nodded at him and gave him a tiny smile.

TAHIMIK na nakaupo kami ni Triton habang ang mga magulang namin ay palakad-lakad sa harapan namin. Ang mga magulang lang namin ang Second Generation Elite Agents na narito pero ilan sa mga kabatch namin ang tahimik na nasa isang panig ng conference room na kinaroroonan namin.

"I can't believe you two!" Tita Kate shrieked.

"Ano, hindi ba kayo magpapaliwanag? Ginawa niyo ang mga bagay na ito and the least you can do is explain to us!" Triton's father said with a raise voice.

"Dad-"

Bago pa matapos ni Triton ang sasabihin niya ay naunahan na siya ng tatay niya. "You dare talk back to me, Triton Lawrence?!"

Goodness. Please remind me that when I get old and have a child with the same situation that we're having now, that I should not react this way. If I do, just shoot me.

"Excuse me-"

"What?!" sabay-sabay na sigaw na tanong ni Daddy, Mommy, Tito Marveige at Tita Kate.

Malamig ang tingin at walang emosyon na tinignan sila ni Freezale na siyang nagsalita. "With all due respect, maaari ho ba na payagan ninyo muna silang magsalita? We don't even know what will they gonna say."

"But-"

Freezale cut off my father. "A conversation is between two people and more, Tito. Please let them speak."

Nag-iwas ng tingin si Daddy kay Freezale. Kung sabagay bihira naman ang nakakatagal sa nagyeyelong tingin ng pinsan ko. Ang asawa niya nga lang ata ang nakakatagal sa kaniya kapag ganiyan na ang ikinikilos niya.

Dumako sa akin ang tingin ni Freezale, and to my surprise, it immidiately warms.

"Speak."

Tumango ako at pagkatapos ay sinalubong ko ang tingin ni Daddy. "Triton and I are together."

"The hell you are!"

"We had a relationship before, so the right thing to say is we're back together 'again', Dad."

Naging mabilis ang pangyayari. Malalaking hakbang na tinungo ni Daddy si Triton habang ang ama naman nito ay humarang sa kaniya. "Warren, I know this situation is not something we both want, but he's my son."

I tried not to wince at what Tito Marveige said. Amanos. Hindi gusto ni Daddy si Triton at hindi din ako gusto ni Tito.

Bumalik ang tingin sa akin ni Daddy. "This...this...I never expected from you."

Kinuyom ko ang mga kamay ko. I never wanted to disappoint him. I love my, dad. But this is my life. I should have realize it sooner. I should have realize a lot of things sooner.

"Hindi ko alam kung anong akala niyo sa akin, Dad. Pero tao ako. Lahat ginawa ko para sa inyo, kaya sana kahit ito man lang ibigay ninyo sa akin."

"I don't want him for you!"

"But I do want him, Dad. I...I love him."

Marahas na umiling ang ama ko habang puno ng galit na nakatingin sa akin. "You don't. This is just a flare. Mawawala din ang kung ano man ang sa tingin mo ang nararamdaman mo. He's not right for you."

"And who is? Iyong mga nasa listahan na ibinigay ninyo sa akin?"

"Oo-"

"Payag kayo na ibigay ako sa isang tao na nakilala ko sa isang listahan kesa sa taong nakilala ko na buong buhay ko?"

"Dawniella!"

"How can you be so stupid, Dad?"

Umangat ang kamay niya ngunit bago pa dumapo ang palad niya sa akin ay mabilis na nasalo iyon ni Triton. "Tito, please."

May kung anong dumaan sa mga mata ni Daddy ngunit kaagad din iyong nawala at napalitan ng galit. "What can you give her, huh? Isang taong katulad mo na laro lang ang alam sa buhay, anong maibibigay mo sa anak ko? Dawn was not a crier when

she was a baby but when she did, I am the one who was there. Ako ang nasa tabi niya kapag nalulungkot siya, kapag may problema siya. Ikaw? Anong ibinigay mo sa kaniya maliban sa sakit ng ulo?"

"Tito..."

"All I ever wanted for my daughter is to be with someone strong enough to keep her. A girl like my angel don't need bricks to lean on, she needs a metal wall. That is not something that you could give her. You disappointed me, boy, in a lot of ways you will never understand."

"I love her."

Natahimik ang paligid sa sinabi ni Triton. Tanging ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko habang nakatingin ang lalaking mahal ko sa isa pang lalaking mahal ko mula ng unang nagbukas ang mga mata ko sa mundo.

"A flare." my Dad whispered.

"I would never let go of her again, Tito. Not this time. Ginawa ko na iyon at nasaktan lang kami pareho. I don't want her to choose, that will hurt her. So please, Tito, don't do this to her."

"You did this to her!"

"Wala akong ibang ginawa kundi mahalin siya. It may not be strong enough before, but I am certain that it is now. Iisa lang ang naging pagkakamali ko at iyon ay naging mahina ako noon. I buried myself and now I'm breathing air."

Sinaklot ni Daddy ang kwelyo ni Triton at matiim na tinignan ito sa mga mata. "You. Are. Not. Right. For. Her!"

"I respect you, Tito. That would never change. I know how you love her, how you treasure her. But you don't need to let that go. Hindi mo kailangan na bitawan ang pagiging tatay dahil lang mayroon pang isang tao na nagmamahal sa kaniya. It just means that there's so much love to give her."

Pasalya na binitiwan ni Daddy si Triton at humarap sa akin. "You will never see him again, Dawniella. Do you understand me?"

"No."

"Dawniella!"

Ikinuyom ko ang mga kamay ko upang pigilin ang nagbabadiya ko na mga luha ngunit bumalong din iyon. Umiling ako at pagkatapos ay nagsalita. "No, Dad."

"Dawn-"

"I'm sorry. I'm sorry that this is a disappointment for you. God knows how much I tried to never do that. But I can't let him go. Dahil nakikita ko sa kaniya, Dad. Nakikita ko sa kaniya ang isang bagay na nakikita ko kapag tinitignan mo si Mommy. I don't want to lose that. Please don't make me lose that."

Tumingin ako kay mommy ngunit wala pa rin akong nababasang emosyon sa mga mata niya. "Mom, I know deep inside that you understand me. Please do understand. I know that I am strong but I cannot handle this. Ayokong mawala kayo sa akin."

Ilang sandaling katahimikan ang muling namayani. Ngunit ng magsalita ang ina ko ay parang dinurog ang puso ko sa narinig.

"Then let go of him." she whispered.

"Mom..."

"It's him or us, baby."

Sunod sunod na umiling ako habang patuloy na dumadaloy ang luha mula sa mga pisngi ko. Do they hate him so much? Why can't they understand?

Bakit sa lahat pa ng tao sila pa ang ganito? For all people, why are they the one who's not taking my back?

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Triton. His are full of fear. Fear from losing me...fear for hurting me. Dahil alam ko na alam niya na kahit na anong piliin ko, masasaktan pa rin ako.

That's why he don't want me to have this crossroads. He wanted to protect me from it. But it's inevitable. We both know that.

Puno ng sakit ang mga mata na humarap ako kaila Mommy. This will hurt all of us, but I need to do this. And I hope that someday...that they will understand.

"This is on you, Dad...and Mom. This hurt, it's all on you. I love you but you're hurting me. Maaaring magkamali ako, maaaring sa huli ay tama kayo. But I will never regret what I will do. Knowing that I did it because I refused to give up to be able to find the love I saw all my life in the both of you."

Pagkasabi niyon ay hinila ko si Triton paalis. Nagtangka si Daddy na harangan kami pero mabilis na kumilos si Freezale at pinigilan sila. Nakasunod sa amin si Sky, Adonis, Stone, at Blaze. Hinarangan nila ang pintuan na nilabasan namin at nakangiting tinignan nila kami.

"Go! We'll hold them here!" Sky shouted.

Tumango ako at tumakbo na kami paalis ni Triton. Huminto lang kami ng makarating kami sa palapag na kinaroroonan ng mga kwarto namin. "Pack, Tri."

"Dawn...are you sure?"

"Yes, I am."

Hinaklit niya ako palapit sa kaniya at binigyan ako ng magaang halik sa tuktok ng ulo ko. "I'm sorry that you have to do this, Dawn. Pinapangako ko-"

"Don't. Promises are made to be broken."

"Not for us, sweetie. Not again."

"It will be okay, Tri." I whispered.

"I will do whatever it takes for you to have them again. Kahit ano basta wag lang ang mawala ka sa'kin."

I nodded and tried to smile at him. "Okay." I murmured. "Pack, Tri. I'll see you later."

"I roar you."

Tumingkayad ako at binigyan ko siya ng magaang halik sa labi. "Roar."

Pagkasabi niyon ay tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.Pagkapasok roon ay dumiretso ako kaagad sa kwarto ko at hinila ko ang maleta sa ilalim ng kama. Hindi na ako nag-abalang ayusin pa ang mga damit at basta ko na lang inihagis ang mga iyon sa maleta. I also put in cash, devices, and guns.

Napapitlag ako ng may marinig ako na kalabog dahilan para mabilis na isarado ko ang bag. Tumakbo ako palabas ng kwarto at muntik pa kaming magkabanggan ni Athena. "Goodness, Athena!"

"No time for your fancy cutie words." Sa pagkagulat ko ay bigla siyang tumili at pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay at hinila. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang handle ng maleta. "They're coming here!"

"Who?!"

"The other Second Gen. Elites! I know that they're not that young pero!"

"I know. Let go of me and run!"

Binitiwan niya ako at sabay kaming tumakbo. Naabutan pa namin si Triton na palabas na ng kwarto niya dala ang isang maleta na mas maliit lang ng kaunti sa akin. Hindi

na ako nagsalita pa ng kung ano at basta ko na lang siya hinila.

"What's happening?" he asked.

"Second Gen."

Dumiretso kami sa parking ng headquarters. Naabutan namin roon si Hera na nakatayo malapit sa isang sports car. Triton's car. Nakabukas na ang trunk niyon maging ang pintuan sa passenger seat at driver seat.

Shee shouted at us when she saw us running towards her. "Hurry! Get in, leave the bags!"

Binitawan ko ang maleta kasabay niyon ay may inihagis sa akin si Athena at ganoon din ang ginawa niya kay Triton. Phones. "It's a safe one. They can't track you with that."

"How-"

Pinutol ni Athena ang sasabihin ko. "Ginawa namin ni Hera. Just a little experiment. Now go!"

Pumasok ako sa sasakyan at ganoon din ang ginawa ni Triton. Nakita ko na magkatulong na ipinasok ni Athena at Hera ang mga maleta namin. Pagkatapos ay tumakbo sila sa nakabukas ko pa rin na pintuan.

I stopped Hera when she tried to close the door. "Si Twinkle."

"We got her." Hera said.

"Takot kayo sa kaniya."

"We'll be alright." sabi naman ni Athena. Natigilan siya at tumingin sa pinanggalingan namin na pintuan. "OMG! They're here! Go, go, go!"

Natatarantang isinarado ni Hera ang pintuan. Dumukwang siya sa nakabukas na bintana. "Take the underground passage!"

"It's still under construction. The lights...we can't go there."

"Naka-locked down ang control room. Nandoon si Hermes. Kahit na walang ilaw sa baba siya na ang bahalang mag guide sa inyo."

Tumango ako at hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin ako kay Athena. "Thank you guys."

"GO!" sabay na sigaw nila.

Pinaharurot na paalis ni Triton ang sasakyan. Diniretso niya iyon sa daan sa underground passage at katulad ng inaasahan ay walang makita roon. Pitch black. Kahit ang ilaw ng sasakyan ay hindi nakatulong.

Pinindot ko ang isang buton ng sasakyan. "Dawn."

Hermes. "Can you do this?"

"Will never take the job of guiding you guys if I can't."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang sila ni Triton na mag-usap. It wasn't easy. And I can't say that it's not scary.

Maraming passage ang underground passage ng BHO CAMP. Hindi din iisang lugar lamang ang dulo ng mga iyon. Dahil nga sa matagal ng hindi naaayos ang passage ay minabuti namin na ipaayos ito. At ang isa sa problema ng passage ay ang ilaw.

At hindi pa natatapos ang problema na iyon ngayon.

"Stop."

Tinigil ni Triton ang sasakyan. Ilang sandali lang ay may liwanag kaming nakita. Looks like nasa dulo na kami ng isang passage.

"Goodluck guys." Hermes said then he's out.

Muling pinaandar ni Triton ang sasakyan at umangat kami mula sa underground passage. Nang makarating sa taas ay nilingon ako ni Triton. "We'll be back, Dawn."

"Okay." I said in a whisper.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Ready?"

"Ready."

CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~

CHAPTER 19

DAWN'S POV

Naramdaman ko na lumundo ang kama ngunit nanatili lamang ako na nakabalot sa comforter at nakasubsob ang mukha sa unan. Wala pa akong balak gumising dahil pagod na pagod ako sa mga naganap kagabi. Wala kasing kapaguran si Triton.

"Dawn, sweetie."

"No."

"Master, wake up. Nagluto pa naman ako ng breakfast."

I groaned and rolled on my back. Hindi ko na kailangan takpan ang mga mata ko dahil hindi naman pumapasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto. Must be the curtains. "Anong breakfast?"

"Tocino, hotdog, and egg with my super duper special fried rice, for my super duper special girl."

"Baka naman sunog iyan. Kung sunog iyan ikaw na lang ang kaumain at bibili na lang ako ng barbecue."

"Sweetheart naman. Masarap ito no."

Tinatamad na iniangat ko ang katawan ko at sumandal ako sa headboard. Tinignan ko ang mga pagkain na nakalagay pa sa bed tray. "Hmm. Hindi nga sunog."

"Sabi sa iyo eh!"

"But I don't want to eat. I'm tired."

Napapailing na kinuha ni Triton ang kutsara at tinidor at pagkatapos ay sumandok ng pagkain. Iniumang niya iyon sa tapat ng bibig ko. Napaangat ang isang gilid ng labi ko sa ginawa niya at pagkatapos ay isinubo ko na ang ibinibigay niya.

"You're lazy in the morning." sabi ni Triton habang siya naman ang sumusubo.

"Ikaw naman ang may kasalanan. Pinagod mo ako."

"Hindi naman nakakapagod iyon ah."

"Yeah right."

Iyon na ata ang pinakamaingay at pinakamagulong lugar na napuntahan ko. Time Zone. Maghapon kaming naglaro doon ni Triton kahapon at inabot na nga kami ng gabi. Ayaw kasing tumigil ni Triton hanggang hindi namin nakukuha ang giant snake U Pillow na isa sa mga prizes.

In the end, nakuha naman namin at iyon nga ang nandito sa higaan namin.

Oo. Higaan namin.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na condo unit sa Maynila. Hindi na kami nag abala na kumuha pa ng malaki dahil hindi naman namin lalagyan ng maraming gamit. We're still on the run dahil sigurado ako na hindi tumitigil si daddy kakahanap sa amin kahit na tatlong araw na ang lumipas mula ng umalis kami sa BHO CAMP.

Triton and I shares a bed...but other than sleeping and cuddling, wala na kaming ibang ginagawa. Okay fine! There's some make out moments but that's it.

"Open."

Sinunod ko si Triton at binuksan ko ang bibig ko. Nginuya ko ang pagkain na ibinigay niya habang nakatingin lang ako sa kaniya.

"What?" he asked as I keep on looking at him.

"Nothing."

"Dawn..."

"I'm still half asleep. Gusto lang kita tignan, masama ba?"

Nangingiting umiling siya at sinubuan ako uli na tinanggap ko naman. "Masungit ka pa rin talaga."

"Hindi na mababago iyon, Triton. Kaya kahit one hundred years na tayong magkasama, makakatikim ka pa rin ng kasungitan ko."

"I like that."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Like what? Na sinusungitan kita? Mentally masochist ka ba?"

Napabunghalit ng tawa si Triton sa sinabi ko. Tinignan ko siya ng masama at pilit na kinalma naman niya ang sarili niya. "Ang ibig kong sabihin, sweetheart, ay gusto ko ang sinabi mo na one hundred years tayong magsasama."

Sigurado ako na kasing pula na ng mansanas ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "EEwan ko sa'yo. As if naman makakatagal ako ng one hundred years sa sobrang kunsumisyon sa iyo."

"Uy, hindi ah. Behave na nga ako eh."

Napatigil ako ng may dumaan sa isip ko. I guess, hindi ko din talaga mapipigilang isipin at dadating pa rin ang panahon na mapag-uusapan namin.

"Tri."

"Hmm?"

"Those women you've been with..."

Natigilan siya sa sinabi ko. Pagkaraan ay bumuntong-hininga siya. "You need to know something, Dawn."

Shit. Looks like I dug my own grave. Hindi niya alam na alam ko na pinalayo siya sa akin noon ni Daddy. Hindi niya alam na narinig ko sila. Delta found it out but I guess she never said anything to him.

But like the other inevitable things in our lives...hindi namin matatakasan ito.

Hindi ko matatakasan.

"I never been with them, Dawn."

"I saw the women."

"Pero hindi mo sila nakita na kasama ako at si Thunder o sila Archer. I'm not a virgin, Dawn, but I never had anyone.

...

...

My last was with Zara Wayne eight years ago."

Napanganga ako sa sinabi niya. Eigth years ago? Ibig sabihin ay hindi pa kami...hindi pa naging kami ng mga panahong iyon.

"Triton you can't possibly think that I will believe-"

"Not lying, sweetie. Walang kahit na anong nangyari sa amin ng mga babaeng nakita mo na kasama ko. I did kiss some of them when you're near but I didn't slept with them. At the end of the night, when I know you're not looking, I sent them to Thunder or Archer. Dahil simula pa lang alam na nila ang tungkol sa ginagawa ko."

"W-Were you...were you trying to make me jealous?"

"No. I was trying to push you away. And I succeeded, Dawn."

Dahil kay Daddy. Dahil hindi siya gusto para sa akin ni Daddy. "Triton, I understand-"

"No you don't. Dawn, seven years ago, kinausap ako ng daddy mo-"

"Triton, please. I understand."

Imbis na tumigil ay nagpatuloy siya. "Walang nangyari sa amin ng babaeng nakita mo na kasama ko ng mga panahong iyon. I tried to explain it to you but your father talked to me. And his words crushed me because I know it's true. You deserve more."

"Tri-"

"Tanga kasi ako. Mas pinili ko na saktan ka kaysa ang kausapin ka. Mas pinili ko na tanggapin ang sinabi ng tatay mo imbis na gamitin iyon para baguhin ang sarili ko. To become a better man for you."

Mabilis akong kumilos at itinulak ko siya dahilan para mapahiga siya sa malaking kama. Kinubabawan ko siya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Triton, I know."

"W-What?"

"Hindi ko alam ang tungkol sa mga babae na nakita kong kasama mo sa mga taon na lumipas, but I did know about that woman seven years ago. Alam ko na kinausap ka ni Daddy dahil narinig ko lahat ng pinag-usapan ninyo."

Pain crossed his eyes. "Then why? Why did you let me let you go?"

"Dahil katulad mo, nagpakatanga rin ako. Dahil katulad mo mas pinili ko na saktan ang sarili ko...na masaktan ka. Dahil katulad mo, akala ko iyon ang tama."

Nanatiling nakatingin siya sa mga mata ko. I know my eyes mirrored his pain. Hindi ko alam kung tama na sinabi ko o mas lalo kaming gugulo. But I don't want him to hear it from someone else.

Ayoko na ng may itinatago. Dahil alam ko na ang bagay na iyon ang makakasira sa amin.

Nakakatakot umamin. Nakakatakot dahil alam mo na maaari kang masaktan at makasakit. Dahil maaaring magbago ang mga bagay. But there's nothing in this life worth fighting for that you won't feel a hint of fear of losing.

"Tri, naiintindihan ko kung magagalit ka. All this time sinisisi mo ang sarili mo kahit na ang totoo ay dapat ipinaglaban rin kita. But I was not pushing you away because of anger. I was pushing you away because I was afraid."

"Dawn..."

"Kaya hindi kita kaagad matanggap nang sabihin mo na gusto mo akong bumalik sa iyo. I'm sorry, Tri. I really am."

"I didn't fought for you."

"I'm sorry."

"You didn't fought for me too."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at marahang tumango. Hell, I'm scared. I don't want to lose him this early. No, scratch that, I don't want to lose him again. Ever. "II'm sorry."

"We're both young then, Dawn. We're both stupid." he murmured. "But this is us now...fighting."

"Tri..."

"There's nothing to forgive. Mabuti na rin siguro na nangyari ang mga nangyari. Dahil kasi sa mga iyon, natutunan natin na wag na muling pakawalan ang isa't-isa."

Sa sinabi niya ay basta ko na lang siyang hinalikan. Naramdaman ko ang pagkagulat niya ngunit ilang sandali lang ay pumalibot na ang mga braso niya sa bewang ko. He respond to my kisses, giving back the same intensity.

Just being with him, it feels complete. I feel contented.

"Dawn..." he breathed.

"Don't stop."

"We need to."

Napatigil ako sa akmang paghalik sa kaniya ulit sa sinabi niya. Kunot noong tinignan ko siya. "Why?"

Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko. Then he gently tucked locks of hair behind my ear. "Because if we wouldn't stop now, I won't be able to find courage to stop later on."

"So?"

"So..." he said with a smile. "We can't."

"Why?"

"Because we can't sweetie."

"Why?" I pressed.

"Dawn, I won't take you. Not until I've got your parents blessings. Not until you're married to me."

Animo hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. This man...who would have thought he'll be like this? As sweet as this?

"That might take some time." I whispered.

"I waited for years, it's not bad to wait more."

"You really want to wait for them?" tumikhim ako para tanggalin ang bikig sa lalamunan ko. "You know, Tri, we can get married. I chose you. Kahit ngayon na mismo kung gugustuhin mo, pakakasalan kita."

Lie. I want my parents to accept us...to be in our wedding. But if he will want it, then I'll give it to him. Kahit na wala ang mga magulang ko. Mali, oo. Mahirap, oo. Pero ito ang pinili ko. And I know my parents will come around.

Dahil alam ko maaalala nila lahat ng mga bagay na ginawa nila para lamang hindi sila magkahiwalay noon. Then they will understand why I'm doing this.

"We'll wait for them, sweetheart. We'll wait until it's right."

"Tri..."

"I respect them. It doesn't mean you don't Dawn, but I know you're like them. Matigas, palaban at tumatayo sa sariling desisyon. But as your man, I want to be able to give you all the things you love. And that includes them."

"W-We'll wait then."

Ngumiti siya at kinintalan ako ng halik sa mga labi. "We'll wait."

I trust You, God. Whatever happens. And thank You. For giving someone like Triton to me.

NAPATALON ako ng pumasok sa pocket sa side ni Triton ang puck na kanina pa pabalik-balik sa kaniya at sa akin. We're playing air hockey. And we're both wearing shades and bull caps para kahit paano ay hindi kami mapansin ng mga taong baka kilala si Triton.

Kasalukuyan kami ngayong nasa isang bowling arena. Pero imbis na mag bowling ay naglalaro kami ng Air Hockey. You know...the game where you need to hit the puck and smush it into the opponent's pocket. Pero syempre kailangan mo ding protektahan ang side mo dahil baka siya ang makashoot niyon sa pocket mo.

"Yes!" I shouted.

Triton chuckled and put another token. "Matatalo din kita."

"Yeah right. Itataya ko pa sa iyo si Twinkle, ako pa rin ang mananalo."

Nagsimula na naman kaming maglaro. Alam ko na ako ulit ang mananalo. Isa ito sa mga laro na hindi magagawang ipanalo ni Triton kapag ako ang kalaban. Why? Hmm. Think about it. Me wearing a lose blouse with a deep neckline and bending over the Air Hockey table? Instant success!

"I win!" I shouted. "Again!"

Ilang mga nanonood sa amin ang nag cheer. Nginitian ko sila at hindi ko na sila pinansin ng bigla na lamang silang matulala habang nakatingin sa akin. I don't know what's their problem. Kanina ko pa iyon napapansin. Kung kailan pa naman maganda ang mood ko at trip ko ang ngumiti.

"Do me a favor, sweetheart."

Nilingon ko si Triton. "Hmm?"

"Never smile on a busy road or you might be the reason of a couple of accidents."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Bolero."

Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay inakbayan ako. "Not lying, sweetie. Anyway, mag bowling na lang tayo dahil hindi ako mananalo sa larong ito."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mapangiti. Mukhang narealize na niya kung ano ang ginagawa ko. "Fine. Matatalo pa rin kita."

"Not this time, master."

"I always win, monster."

"Not this time."

Inirapan ko siya at pagkatapos ay inunahan ko na siya na maghanap ng area naman. Kunot ang noo na lumingon ako ng mapansin ko na wala siya sa tabi ko. Napataas ang kilay ko ng patakbong lumapit siya sa akin.

"Saan ka galing? Nambabae ka no?"

Napahalakhak siya sa sinabi ko ngunit pinigilan ko na mapangiti at pinanatili ko ang mataray ko na ekspresyon. "Ano? Nambabae ka!"

"That would be possible if that woman's name is Dawn too, have a dazzling smile like you have and if she have your hot and cold temperament."

I full out smile with this. "Bolero."

Imbis na sagutin ako ay pinaupo niya ako sa isang bench na malapit at sa pagkagulat ko ay tinanggal ang suot kong sapatos. "Hey!"

Hindi siya umimik at ngumiti lang, pagkatapos ay isinuot niya sa akin ang pares ng pink na medyas na hawak niya. Nang matapos ay tumayo siya at iginalaw-galaw ang mga kilay niya. "Ano sa tingin mo?"

"Kailangan pa ba nito?" nangingiting tanong ko.

"Yup!"

"Bakit pink?" inginuso ko ang ibang naglalaro. "Sila nga puro black eh."

"Hindi kasi sila kasing 'great' natin. Tayo kasi kaya nating talunin ang pinakamagaling na bowling master sa mundo." pagmamayabang niya habang nakaliyad pa

ang dibdib. "Kaya tenen!"

Napatawa ako ng makita ko ang inilabas niya. Kulay asul naman na medyas pero hindi katulad sa akin na plain, ang sa kaniya ay may mga sheep pa na natutulog roon. "Ang weirdo mo talaga, Lawrence."

"Mahal mo naman."

"Well..."

Umangat ang isang kilay niya. "Well?"

Kunwa'y nag-isip ako. "Hindi naman masyado."

Humakbang siya palapit sa akin ng may nang-aasar na ngiti sa labi habang ang mga mata ay nagbabanta ng kalokohan na gagawin niya. "Talaga?"

"Yup." I answered.

"Talagang talaga?"

"Ahuh."

"Talagang talagang talaga?"

"Ahu- hmmm..."

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang sinakop ang mga labi ko. Pabulong na nagsalita ako nang maghiwalay na ang mga labi naman. "I stand corrected."

His eyes twinkled with mischief. "Good."

"Kiss me again."

"Great."

And it is. Totally great! CHAPTER 20 ~ Dawn ~

A/N: HE'S MY SECRET AGENT FAKE HUSBAND (Wynd and Autumn) Available na po sa mga Precious Pages bookstores (Matagal-tagal pa sa ibang bookstores) for P129. Click na lang ang external link para makita ang pinakamalapit sa inyo na branch :) Thank you!

CHAPTER 20

DAWN'S POV

"Dawn?"

Napakurap ako mula sa pagtitig sa laptop ko at nilingon ko si Triton. Mukhang kagagaling niya lang sa gym na isa sa mga facilities ng condominium na kinaroroonan namin.

"Yes?"

"Baka gusto mo ng kumain? Magdamag ka nang nakatitig diyan."

Kinusot ko ang mga mata ko. Oo nga pala. Apat na oras lang ang tulog ko at maaga akong gumising para maglaro sa laptop. Yes. The workaholic Dawniella Davids is addicted on playing games on her laptop. Paano ba naman ngayon ko lang naranasan na walang ginagawang trabaho. Hindi ko din naman alam kung anong gagawin ko kaya ang

laptop ko ang napagdeskitahan ko.

"Get dress, Master. Kakain tayo sa labas."

"Kakain na naman? Kakakain lang kaya natin ng lunch." sabi ko sa kaniya. "Matakaw ka talaga."

May amusement sa mukha na lumapit siya sa akin. Bahagya siyang dumukwang dahilan para mapaatras naman ako sa kinauupuan ko. "That's hours ago, sweetheart. Malapit ng mag-ala sais."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tumingin ako sa wall clock. Goodness! Those games were sucking me. "Fine. I'll get dress."

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kwarto namin. Akmang aakyabayan ako ni Triton ngunit kaagad na nakaiwas ako sa kaniya. Pinandilatan ko siya at nagsalita. "You're sweaty!"

Ngumisi siya at kinindatan ako. "Dadating ang panahon, Dawn, na maapreciate mo ang kakisigan ko sa ganitong estado."

"Not in a million years. Sweaty is sweaty." sabi ko habang lukot ang ilong na nakatingin sa kaniya.

Natatawang pinadaanan niya ng hintuturo ang ilong ko at pagkatapos ay dumukwang siya at binigyan iyon ng magaang halik. "Cute."

Naiiling na sinundan ko siya ng tingin nang tumuloy na siya sa loob ng kwarto. Such a tease. In born na ata kay Triton iyon. Bawat gawin niya kasi akala mo nang-aakit kahit hindi naman. May ngiti sa labi na sumunod na ako sa kaniya.

Pagkapasok sa kwarto ay wala Nagmamadaling lumapit na ako Mamaya ay maabutan pa ako ni nirentahan namin na condo ay

na siya roon ngunit maririnig ang lagaslas ng tubig. sa pinaglagyan ko ng damit at mabilis rin na nagbihis. Triton. Bukod sa iisa lang ang kwarto rito sa iisa lang din ang bathroom nito.

Ilang sandali lang ay lumabas si Triton mula sa bathroom habang ako naman ay patapos na sa pag-aaply ng make-up. Nginitian niya ako at kinindatan at hindi ko napigilan na mamula nang makita ko na tanging maong pants lang ang suot niya. It

ride low and I can see the v of his waist.

"What are you looking at sweetie?"

Kaagad na nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ko sa maliit na salamin na hawak ko ang mga mata ko. "W-Wala."

"You're looking at my beautiful body."

"Guni-guni mo lang iyon. Uminom ka muna ng tubig at baka nadedehydrate ka na."

Naramdaman ko na lumundo ang kama pero pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko na paglalagay ng lipstick. Napatigil lang ako ng maramdaman ko ang mukha ni Triton na sumubsob sa leeg ko at pinaghahalikan ako.

"Tri!" Natatawang umiwas ako sa kaniya. "Alis! Mamaya ikaw pa ang malagyan ko nito."

He pouted then batted his eyeslashes at me. Inilapit ko sa nakanguso niyang mga labi ang lipstick habang hinihintay ko ang gagawin niya. His eyes twinkled with naughtiness then he grabbed the lipstick and threw it somewhere.

"Hey!"

He winked at me. "I have a better idea, sweetie."

Sa pagkabigla ko ay bigla na lang niya akong hinila at hinalikan. Hindi iyon nagtagal at sadiyang pinagdikit niya lang ang mga labi naman. Nang maghiwalay kami ay napatawa ako sa itsura niya. Kumapit sa kaniya ang lipstick na inaply ko sa labi ko.

"Mukhang kang tanga." sabi ko na natatawa pa rin.

"Di bale ng magmukhang tanga. Kung para sa'yo naman."

Naiiling na umabot ako ng tissue at pinunasan ko ang mga labi niya. "Baliw ka talaga. Kung ano-ano ang naiisip mong gawin."

"You might get bored of me. Isa pa mag-iisang buwan na tayo rito. Kaya dapat makaisip ako ng mga bagong pakulo."

A smile crept on my lips. "Is that even possible?"

"Na makaisip ako ng mga bagong pakulo? Of course it's possible! I'm Triton The Great!"

"No. What I meant is, is it even possible for me to be bored with you?"

Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. Not his sexy smile, not his teasing smile, not the smug smile...just pure happy.

"You really roar me, huh?"

Pinigilan ko ang ngiting nais na naman sumilay sa mga labi ko. "Well..."

"Well?"

"Well, duh? Obviously."

May kung anong dumaan sa mga mata niya. Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Titig na titig siya sa mga mata ko at hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.

"Tri..."

"Are you really sure of me, Dawn?"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Pag-uusapan na naman ba natin ito Triton? Yes, I'm sure. I wouldn't be here if I'm not."

"Masyadong mabilis ang nangyari. It's been what? A few weeks after you accept that you love me?"

"Bago ko pa sabihin sa iyo, matagal ko ng alam. Hindi lang kita pinagkatiwalaan agad. Admitting that you're in love is easier than giving out your trust, Tri."

"At nang aminin mo iyon at pagkatapos mong ibigay ang tiwala mo sa akin, natagpuan na lang natin ang mga sarili natin na nagtatanan."

Napabuntong-hininga ako. Hindi lang namin ngayon napag-usapan ang bagay na ito. Triton have issues. At unang-una doon ang insecurity niya dahil pakiramdam niya hindi siya karapat-dapat para sa akin.

"Lumaki ako na kinakalkula lahat ng bagay, Triton. Automatic na ginagawa iyon ng utak ko. Hindi ako sasama sa iyo kung hindi ako sigurado. Kahit pa na tutukan mo ako ng baril hindi ako sasama sa iyo kung hindi ko gusto." ikinulong ko ang magkabila niyang pisngi sa mga kamay ko. "I'm sure. I'm sure of you."

Hindi siya nagsalita ngunit nanatiling nakatingin siya sa mga mata ko. Animo inaarok niya ang katotohanan sa sinabi ko. I look straight into his eyes. I'm not afraid of whatever he's gonna see in my eyes. Dahil wala namang kailangan na itago.

The issue with my parents do bother me but it doesn't affect my decision. I'm tired of running away. Ang tanging makakapagpalayo lang sa akin kay Triton ay kung siya mismo ang gagawa ng paraan para maghiwalay kami.

Iyon lang.

"Are you gonna feed me or what?"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. May kung ano akong nakita sa mga iyon na hindi ko mawari. It's like he's

thinking deep about something.

Lumipas ang ilang sandali ay tumayo na siya at inalalayan akong makatayo. Inayos ko muna ang sarili ko at pagkatapos ay kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na kami ng kwarto ni Triton. Kinuha rin namin ang bullcap at shades namin. Mahirap na at baka may makakilala pa sa amin.

Kaya nga kapag lumalabas kami ay pumupunta kami sa mga lugar na wala masyadong tao o mga lugar kung saan hindi namin kaagad makukuha ang atensyon ng mga tao dahil may ginagawa din sila, like the bowling area.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ng makalabas na kami ng unit.

"Mall of Asia."

"Oh. Okay."

Naglakad na kami papunta sa elevator. Kunot noong tinignan ko si Triton ng tahimik lang siya sa tabi ko at mukhang may iniisip. Napabuntong hininga ako at inabot ko ang kamay niya na ikinatingin niya sa akin.

"Nakakabaliw ang pag-iisip masyado. Kapag nabaliw ka, hihiwalayan kita."

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Napasimangot ako ng makita ko na hindi pa rin naaalis sa mga mata niya ang kakaibang bagay na nakarehistro roon. "Bahala ka nga diyan." nakasimangot na wika ko at nauna na ako sa may elevator.

Nang makarating roon ay pinagpipindot ko ang buton at hindi ko tinigilan iyon sa inis ko. Umiinit ang ulo ko kay Triton. Kung kailan naman kasi magkasama na kami at saka kung ano-ano pa ang iniisip.

Hindi na ba kami mawawalan ng alalahanin?

"Err...miss? Sasakay po ba kayo o mag ta-tap tap revolution po kayo sa buton ng elevator?"

Napaangat ako ng tingin at napakagat ako sa labi ko nang makita ko na nakabukas na pala ang pintuan ng elevator at naroon na si Triton. Nakayuko siya ngunit halatang tumatawa siya dahil sa pagyugyog ng balikat niya.

Pinaseryoso ko ang mukha ko at taas noong pumasok ako sa elevator. Apat na tao lang ang laman niyon. Ang elevator operator na nangingiti, ang dalawang dalagita na humahagikhik, and Triton who's flat out laughing.

Binigyan ko ng matalim na tingin si Triton ng sumarado na ang pintuan ng elevator. Umangat ang kamay ko para hampasin siya sa balikat ngunit nahuli niya ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kaniya.

Ikinulong niya ako sa bisig niya habang nakapatong ang ulo niya sa akin. "You're really cute, sweetie."

"Tumahimik ka, Monster."

"You're the cutest person on Earth."

"And you're the most annoying person on Earth."

Dumukwang siya hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tapat ng tenga ko. Nagtangka ako na umalis ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

"And you're the only person that have my heart on this planet." Triton murmured.

My heart instantly warmed with his words. "Ewan ko sa'yo."

"Roar."

"Ewan."

"Roar."

"Bahala ka sa buhay m-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagkagat sa tenga ko. "I roar you, Dawniella Davids."

"R-Roar you too, crazy monster."

Naramdaman ko na kumilos siya at pagkaraan ay nagsalita. "We're stopping at this floor."

May pinindot ang operator at huminto ang elevator sa fifth floor. Takang tinignan ko si Triton. "Bakit dito tayo hihinto?"

"We'll take the stairs."

"Why?"

"Because I'm tempted to haul you back in our room and kiss you mad."

Nangingiting sumunod ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko at iginaya na ako palabas ng elevator. "Just kissing?"

Bumaba ang tingin niya sa akin, fire crossed his eyes and I nearly combust with the intensity of his stare. Better not push it, Dawn. Looks like he's holding on a thin thread.

KATATAPOS lang namin na kumain ni Triton sa Cabalen. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta sa seaside part ng Mall Of Asia. Dahan-dahan lang kami dahil pareho kaming nabusog sa buffet na kinainan namin.

"Parang sasabog na ako."

Nakangiting inakbayan ako ni Triton. "Sa pagmamahal?"

"Asa. Sa busog."

He chuckled. "Kakaiba talaga ang sense of humor mo Dawn. Minsan cannot be reach."

I rolled my eyes at him. Siya nga itong ang cheesy. Malapit ko na talagang dalin si Triton sa mental. Tinalo pa ako sa paiba-iba niyang mood.

Naagaw ang atensyon ko ng dalawang banyaga. Ang lakas ba naman ng mga boses eh. Mukhang Amerikano ang isa habang kasama naman niya ay mukhang Koreano. Base sa usapan nila ay naghahanap sila ng makakainan.

"Where do you want to eat?" tanong ng Amerikano.

"I'm not sure. Let's just choose familiar. Wendy's, Burger King, any."

Mag-iiwas na sana ako ng tingin ngunit sa pagkagulat ko ay lumapit sa kanila si Triton na may pailing-iling pa na nalalaman. "Tri, anong ginagawa mo?"

Hindi niya ako pinansin at hinarap niya ang dalawang banyaga na nagtatakang nakatingin kay Triton.

Tinuro ni Triton ang Koreano. "No, no, no! You! Vote Wisely! Philippines? Jollibee only. Lots to choose. Palabok, chicken, burger, burger steak, happy birthday. Lots!"

Kumunot ang noo ng Koreano. "Birthday? What birthday?"

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Yah know?" napakamot sa ulo niya si Triton. "Anak ng! Basta mag Jollibee ka di ka magsisisi. Gets? Psh. Halika na nga Dawn, nakakabrainbleed ang mga alien dito."

Nagpapaumanhin na tinignan ko ang Amerikano na sa tingin ko ay naiintindihan ang sinasabi ni Triton dahil halata ang pinipigil niyang tawa. Tanging ang Koreano lang na kasama niya ang mukhang binigyan ng equation sa Math.

"Baliw ka talaga!" asik ko kay Triton ng makalayo na kami. Kasalukuyan na kami ngayong patawid papunta sa may sea-side.

"Inaamin kong baliw ako."

"Good-"

"Baliw na baliw sa iyo! Owowo!"

Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at huminto ako sa paglalakad. Huminto din siya at kakamot-kamot sa ulo na tinignan ako. "Ano bang nangyayari sa iyo, Triton? Kaninang kumakain tayo parang sinosolba mo ang sagot sa global warming. Ngayon naman para kang sinasapian."

"Dawn..."

"Ay ewan!"

Nilagpasan ko siya at tumawid na ako. Dire-diretso ako hanggang sa marating ko ang sea-side. Kaunti lang ang mga tao roon dahil ang iba ay kasalukuyang sumasakay ng rides na nandito rin sa parte na ito ng MOA.

"Dawn, sorry na."

Hindi ko siya pinansin at umakyat ako sa may kataasang sea wall. Tumayo ako roon at tumingin ako sa langit. Napapikit ako ng humangin ng malakas. Masarap pa lang pumunta rito kapag gabi na.

"Dawn..."

Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Napabuntong-hininga ako ng makita ko na seryoso na ang ekspresyon niya. "Oo na."

Sumilay ang ngiti sa labi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Naglakad kami habang nasa taas pa rin ako ng sea wall habang siya naman ay nasa baba.

"Mukha tayong ewan." sabi ko.

"I don't care about them. Do you?"

"Nope."

"Good. Come here, Dawn."

Nagbaba ako ulit ng tingin sa kaniya. Nakastretch ang kamay niya sa direksyon ko. Umupo ako sa sea wall at kaagad naman niyang hinawakan ang magkabila kong bewang at ibinaba ako.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko.

"Nope."

Naglakad kami papunta sa lugar kung saan kami nag park. Dito kasi kami sa likod nag park kanina dahil mas malapit dito ang gusto niyang kaininan namin. Nang makarating kami roon ay inalalayan niya akong makapasok sa loob at ilang sandali lang ay umalis na kami sa lugar na iyon.

"Saan tayo pupunta ngayon?"

Bahagya niya akong nilingon. "Let's just ride for awhile."

Tumango ako at sumandal sa upuan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagmamaneho siya. He seems bothered by something.

Is it about us?

My parents?

O baka nagkakaroon na siya ng second doubt?

Puro tanong ang umiikot sa utak ko ng unti-unti akong ginumon ng antok. And I let it pulled me, hoping that when I woke up...everything will be answered.

"DAWN, wake up."

Nagmulat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang marahang paghalik sa labi ko. Mukha ni Triton ang una kong nakita. "Tri?"

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa kotse pa rin kami. At base sa nakikita ko sa labas ay wala kami sa tapat ng condominium. Nasa Manila Bay kami. But that's not what caught my attention.

...

...

Mag-uumaga na.

Dawn...

Nagtatakang nilingon ko si Triton ngunit nakatingin lang siya sa harapan namin kung saan kita namin ang dagat habang ang langit ay unti-unti nang lumiliwanag.

"What's happening, Tri?"

"Dawn..."

Sa hindi malamang kadahilanan ay kinakabahan ako sa sasabihin niya. I almost don't want to ask. But I know something's bothering him. "Y-Yes?"

"Dawn, let's break-up."

Pakiramdam ko ay sinaklot ang puso ko sa sinabi niya. Bumuka ang mga labi ko para magsalita ngunit walang lumabas roon na kahit na ano.

"I don't want you to be my girlfriend anymore."

I bit down my lower lip, his words slicing my heart open. "Why, Tri? Ang dami na nating pinagdaanan. Ngayon ka pa ba susuko?"

"I'm not giving up, Dawn. I'm just making things right."

Tears fell from my eyes as I look at him. Pero nanatiling sa harapan lang siya nakatingin. But I can see the serious look on his face. Look at me, please. Look at me...

"How can this be right? How can something hurt and be right?"

Humugot siya ng malalim na hininga at pagkatapos ay nilingon ako. Hindi ko maintindihan ang nababasa ko sa mga mata niya...wala akong maintindihan.

"I want you to stop being my girlfriend."

"Tri...no..."

...

...

"So you can start to be my wife."

Natigil sa pagpapakamatay ang puso ko at pakiramdam ko ay may imaginary surgeon na bigla na lang tinahi ang hiwa-hiwa kong puso at nilagyan iyon ng magic ointment. Good as new.

"What..."

A smile curved his lips and his eyes turn to liquid. "Marry me, Dawn. Be my wife."

"But I thought...you said you'll wait for my parents-"

"I know that you know that I respect them. I will do my best to have their trust because I know that you want them in our lives. Pero kung hindi man nila ako tatanggapin, I won't let go of you. I would still marry you whatever their decision might be. I'm just hoping that everything would turn the right way because I don't want you to hurt. But if worse comes to worst, I'll marry you, give you a family, and do whatever it takes to complete you and make you happy with every second I got. I'll die trying my best to fill the space they will leave and I'll die before the hurt they will cause mark you."

Surprise crossed his face when I remove the seat-belt and launched myself to him. Naramdaman ko na pumalibot ang mga braso niya sa akin habang ako naman ay isinubsob ang mukha sa leeg niya.

"I love you, Tri. I hope my parents stop acting like brats and let me be with you."

"They love you, Dawn. They just want what's best for you."

"You're exactly that." I bit his neck gently when he tried to complain. "And don't tell me otherwise."

He chuckled. "Can I have your answer now?"

Nag-angat ako ng mukha at nginitian ko siya. "Of course, I'll marry you, Monster."

Sumilay ang kasiyahan sa mukha niya...and relief. Mukhang ito ang dahilan kung bakit parang may kakaiba sa kaniya. He's nervous...and something else.

"Anong drama ang ginawa mo?" tanong ko.

He grinned. "I'm an actor, sweetie. I've been wrecking my brain on how I'll propose. Dapat pagdating ko sa gym, sasabihin ko na iyon sa iyo. Then I tried to tell you when we're fooling around on our bed, then when we had dinner, then at the sea wall...and now."

"During dawn."

"Yes."

Tumingin ako sa labas ng bintana at pagkatapos ay nakangiting binalingan ko si Triton. "It's perfect, Tri. Means a lot to me."

He gently caress my cheek. "A dawn is always the beginning of the day. While you are the beginning of my everything."

Lord, thank You. For all the things You taught me. For giving Triton to me. And if it's not too much, please, I don't want to lose my parents. Please make them see sense. Make them see how Triton will love me as much as they love me.

"I love you, Tri."

And he answered by giving me a kiss full of love. CHAPTER 21 ~ Home ~

CHAPTER 21

DAWN'S POV

"Ma'am!"

Pinigilan kong mapangiti ng makita ko si Steve at George na patakbong lumapit sa amin ni Triton. Kasalukuyan kaming nakaparada sa Manila Bay at nakaupo sa hood ng kotse niya. Hinihintay namin ang sunset.

Nilingon ako ni Triton. "Sila talaga ang loyal fans mo no?"

Nagkibit-balikat ako at iniangat ko ang kamay ko para kawayan ang dalawa. "Natin."

Hinihingal na huminto sina Steve at George na may dala-dalang box. Maingat na nilapag nila iyon sa sahig bago nakangiting umayos sila ng tayo at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Triton. Pagkaraan ay huminto ang mga mata nila sa kamay ko kung saan naroon ang singsing na binigay ni Triton.

Isang linggo na rin ang lumipas mula ng magpropose si Triton. Isang linggo na rin na pilit na sinasanay ko ang sarili ko sa singsing pero kapag nakikita ko ito ay pakiramdam ko bumabalik ako sa unang araw na ibinigay ito sa akin ni Triton.

"Woah!" gulat na sabi ni George at nagtakip pa ng mga mata na para bang nasisilaw siya. Si Steve naman ay laglag ang pangang nakatingin lang sa kamay ko.

"Thanks, boys." sabi ko na nakatingin sa mga box na naglalaman ng mga gamit ko sa university. "Nang minsan kasi na dumaan kami sa university ay nakita namin ni Tri na marami pa ring reporters."

Tumango-tango si Steve. "Inaabangan po kayo. Nagtatanong din sila sa mga estudyante para alamin kung sino ang mga naging estudyante mo po."

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Hindi ko din masisisi ang mga reporters. Trabaho nila iyon. Pero hindi ko maiwasan na mainis sa kanila. Hindi na kasi sila nakuntento sa amin at pati pa mga estudyante ko ay nadadamay.

Nagtaas ng tamay si Steve at umiling na wari bang nabasa ang nasa isip ko. "Wag po kayong mag-alala Ma'am, wala lang po sa amin. Lalo na sa iba na feel na feel pa ang mainterview sila."

"Hindi na tama ang ginagawa nila."

"Okay lang po. Ang mahalaga Ma'am eh okay na po kayo ngayon. Imbitado ba kami sa kasal Ma'am?"

Napailing na lang ako at hindi ko na napigilang mapangiti. Kakaiba talaga ang mga kabataan ngayon. Minsan parang ang sarap bumalik sa edad nila na tanging pag-aaral lang ang mabigat na problema. "Fine."

"Yes!" sigaw ni George at nakipag high-five kay Steve.

"Pero matatagalan pa. Masyado pang maraming problema ngayon." sabi ko sa kanila.

Nakangiting sumaludo sila at sunod-sunod na tumango. Nilingon ko si Triton at nakita kong ngiting-ngiti siya sa dalawa kong estudyante. Kung sabagay nakakatuwa naman kasi sila. Suportadong suportado kami. Buti pa sila.

Binuksan ko ang bag ko at may inilabas ako roon na papel. Inabot ko iyon kay Steve. "Pakibigay na lang sa dean. Formalities kahit na alam kong napagdesisyunan na nilang tanggalin ako."

"Aabangan na ba namin si dean sa labas ng university Ma'am? Sabihin niyo lang Ma'am at iwawala namin siya sa gubat." sabi ni George na nag pose pa para lumabas ang kunwa'y muscles niya.

"Ikaw talaga. Mag-aral ka na lang at saka mo na isipin ang pananambang kay dean."

"Eh love life Ma'am pwede?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kapag nabalitaan kong bumagsak ka, ikaw ang iwawala ko sa gubat."

Natatawang nag peace sign siya ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya ng may kotseng biglang pumarada sa likuran na pinaradahan nila ni Steve. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni Triton ng mamataan namin ang dalawang bumaba na lalaki na may dalang camera.

"Ma'am umalis na kayo rito!" sigaw ni Steve at nagmamadaling kinuha nila ni George ang mga box.

Tumalon si Triton sa ibaba at hinawakan ako sa magkabilang bewang bago ako ibinaba. Binuksan niya ang passenger side at kaagad naman na pumasok ako roon. Sa backseat ay nailagay na ng dalawa kong estudyante ang mga box at pagkatapos ay sinarado na nila ang pintuan.

Kumaway sila mula sa labas at pagkatapos ay patakbong tinungo na nila ang sasakyan na gamit nila.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Triton. Nag-aalalang nilingon niya ako. "You okay?"

"Tri, they didn't even get to me. Stop worrying."

Madilim ang mukha na pinaandar niya ang sasakyan. Huminga ako ng malalim ar mariin na pinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa upuan. We can't go on like this. Alam kong alam iyon ni Triton.

"I'm sorry."

Nagmulat ako ng mga mata at nilingon siya. "It's okay, Tri. Alam naman nating pareho na isa ito sa magiging problema natin diba?"

"I know."

"Do you regret it?"

Tumingin sa rearview mirror si Triton at pagkatapos ay inihinto niya sa tabi ang sasakyan bago ako nilingon. "Regret what?"

"Look, Tri...everything's crumbling down. Your career, the fame...everything."

"Dawn, I can't say that the fame wasn't great. Because it was. But losing my woman over it? Not worth it."

Nagtangka ako na mag-iwas ng tingin but I was stopped when he gently turned my head back to look at him. Nagtama ang mga mata namin at wala akong nakita roon na pagsisisi. Sa kabila ng nangyayari, nananatiling kasiyahan lamang ang nakabalatay roon.

"Nothing will be worth it enough to make me give you up."

"Okay..." I whispered.

"At hindi lang ako ang nagsakripisyo. Nawala din sayo ang trabaho mo. Oo at maaari mo pa iyong maibalik sa kalaunan but for me? I don't think I want to get my career back."

"Tri-"

"I loved the fame, meeting new people and being the center of attention. But I don't need it now because I have you, Dawn. I don't need the spotlight. I just need to be the only one when it comes to your heart."

"You are."

"Then I couldn't ask for more, sweetie."

Iniangat niya ang kamay ko na may suot na singsing at pagkatapos ay binigyan niya iyon ng magaang halik. Kinindatan niya ako at pagkaraan ay pinaandar na ang sasakyan.

Hindi ko akalain na dadating kami sa ganitong pagkakataon. Dahil noon, tinanggap ko na ang mga nangyari sa pagitan namin at tinanggap ko ng kailangan ko itong kalimutan. Because loving him will only cause complications.

At nangyari nga. Pero katulad ni Triton, hindi ko magawang magsisi. Dahil pakiramdam ko, sa loob ng ilang taon ko rito sa mundo, ay ngayon lang ako tunay na nabuhay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"I made a reservation. Mag di-dinner tayo."

"Saan?"

Saglit na lumingon siya sa akin at ngumiti. "Blue Blossom. It's a new restaurant. Nakita ko kanina sa internet at maganda naman ang mga feedback."

Kaya naman pala pinagbihis niya ako ng formal dress kanina. Akala ko nga ay trip niya lang dahil sa Manila Bay niya naman ako dinala. Hindi din naman siya nagreact ng sinabi ko na pupuntahan kami nina Steve at George.

"Ang dami mo talagang pakulo." sabi ko sa kaniya.

"Basta para sayo."

Pigil ang ngiti na tumingin ako sa bintana. Kahit kailan talaga hindi nauubusan si Triton ng matatamis na salita. Sana nga lang ay hindi siya maubusan. Ang mga lalaki pa naman, minsan sa una lang ganiyan. Pagtumagal at naubusan ng tamis, maghahanap ng candy sa iba.

"Dawn, I know what you're thinking."

Tumaas ang kilay ko. "Mind reader ka na ngayon?"

"Sa'yo lang."

I rolled my eyes. "Whatever you say."

"Dawn, listen."

Nilingon ko siya, ang likod ko ay nakasandal sa pintuan ng kotse. "Keep your eyes on the road and talk."

Sumilay ang ngiti sa labi niya at pagkatapos ay nagsalita. "Hindi lang basta sugar cane ang mga salita ko. Oo, matamis pero nauubos."

"Eh ano ka?"

"Malawak na lupain."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anon daw? "Anong malawak na lupain? May natikman ka na ba na matamis na lupa?" sinimangutan ko siya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Tigil-tigilan mo ako Lawrence at baka hindi kita matantiya."

"Malawak na lupain na pwedeng pagtaniman ng maraming sugar cane. Kaya hindi mauubos

ang matatamis na salita ko, okay? Mamamatay tayo pareho sa diabetese bago maexpired ang matatamis na salita, matatamis na halik, at matatamis kong mga surpresa. Lalo na ang matamis na halik ko. The best!"

Hindi ko na napigilang mapatawa sa sinabi niya. "Hindi ka lang mayabang."

"I know right. Gwapo din."

"Hindi." sabi ko na may ngiti sa labi.

"Malaki ang katawan."

"Hindi."

"Malaki ang hinaharap-"

Naputol ang sasabihin niya nang mapasinghap ako. "Kadiri ka Triton! Ang bastos mo! Korny lang ang sasabihin ko pati iyang...iyang...iyang junior mo sinasali mo sa usapan!"

Napalingon sa akin si Triton na nanlalaki ang mga mata at pagkaraan ay ibinalik niya sa daan ang mga mata habang humahagalpak ng tawa. "Hindi ko akalain na green minded ka din pala, sweetie. Hinaharap, future. Ikaw, ha? Pinagnanasaan mo kami ni junior Triton."

Naramdaman ko ang kaagad na pamumula ng mukha ko sa sinabi niya. "W-Whatever."

"Aminin mo na. Pinagnanasaan mo ako no?"

"Yeah, right."

"Just say it, sweetie. I won't mind." he said with a naughty smile as he park the car in front of a restaurant.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at hinintay ko siyang humarap sa akin. Nang maayos niya na ang pagkapark namin ay ngiting-ngiti na hinarap niya ako. Bubuka na sana ang mga labi niya para magsalita pero inunahan ko na siya. Dumukwang ako hanggang sa halos isang dangkal na lang ang layo ng mga katawan at mukha namin.

"D-Dawn..."

"Paaano nga ba kung pinagnanasaan kita? Anong gagawin mo, hmm?"

"Amm...Dawn..."

I trailed my forefinger on his cheek, down to his neck. A triumphant smile crept on my lips when I saw his adam apple move. "I'm so...hungry." I murmured and look at his eyes as I bit my lip seductively.

"Dawn..."

"So...so...hungry."

"W-We can't...we need to get married first..."

Lumayo ako sa kaniya na ikinakurap ng mga mata niya na animo nagising siya mula sa isang panaginip. "Kakain lang ako kailangan ikasal muna? Sinong nagpauso niyan? Food and Drug Organization?"

Bago pa siya makasagot ay lumabas na ako ng sasakyan. I giggled and I almost stop myself because Dawniella Davids never giggles. Almost...but didn't.

Because it feels so damn good.

NAGTAMA ang mga mata namin ni Triton nang sandaling magdikit ang mga kamay namin ng sabay naming inabot ang mga wine glass namin. Kaagad na binawi ko ang kamay ko at uminom, kinukubli ang ngiti na gustong sumilay mula sa aking mga labi.

"Very naughty, sweetheart." he murmured.

Ibinaba ko ang wine glass at inosenteng tinignan ko siya. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."

Nakangiting napapailing siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Ganoon din ang ginawa ko at sa buong durasyon ay pigil ang ngiti ko dahil ilang beses na nagtatama ang mga mata namin.

"Kawawa talaga ako sa'yo, Dawn."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?"

"Hindi mo lang alam kung gaanong pagtitimpi ang ginagawa ko pero inaasar mo pa ako." nakasimangot na sabi niya.

"Katulad ng sabi ko..." iniangat ko ang paa ko sa ilalim ng lamesa at sinadiya kong padaanan ang binti niya. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."

A laugh escaped my lips when Triton let out a manly growl. Napapailing na kinuha ko ang kubyertos at nagsimula na ulit akong kumain. Mahirap ng asarin si Triton pa lalo. He looks like he'll ravish me if I don't stop teasing him.

Nagtatanong na tinignan ko si Triton ng mawala ang tingin niya na animo gagawin akong hapunan at napalitan iyon ng kung ano pa. "What?"

"Nothing."

"Tri."

He smiled and shake his head. "Just can't help thinking how lucky I am."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya ngunit nanataling nasa kaniya ang tingin ko. Dahil pareho kami ng nararamdaman. I feel lucky too.

Ganoon siguro kapag nagmamahal ka. Kahit na hindi madali ang lahat, kahit na may mga hadlang, pakiramdam mo ikaw pa rin ang jackpot winner.

Napatingin ako sa mini stage ng restaurant na ito ng makita ko ang isang lalaki sa harapan ng microphone habang tumutugtog naman ang kasama niya sa piano. Pamilyar sa akin ang kanta. L-O-V-E ni Nat King Cole.

"Hmm, I like that song." inilahad sa akin ni Triton ang kamay niya. "Let's dance, sweetie."

L is for the way you look at me

O is for the only one I see

V is very, very extraordinary

E is even more than anyone that you adore

"Hindi ka ba natatakot sa magiging reaksyon nila?" tanong ko sa kaniya ng alalayan niya ako sa gitna. Ang tinutukoy ko ay ang mga taong ilang beses ng napatingin sa gawi namin mula ng makarating kami rito sa Blue Blossom. Tiyak naman na nakilala nila kami.

"Nope."

"And why is that?"

"Hindi sila gagawa ng gulo sa lugar na ganito. Besides, I won't let them get to you."

And love is all that I can give to you

Love is more than just a game for two

Two in love can make it

Take my heart but please don't break it

Love was made for me and you

Hinapit niya ako palapit sa kaniya habang magkasalikop ang mga kamay namin. Idinuyan niya ang mga katawan namin at tuluyan na akong napangiti ng makita ko ang nagniningning niyang mga mata.

"Happy?" I asked.

"Are you?"

I smiled at him and nodded. "Yes."

"Then I am too, sweetie."

L is for the way you look at me

O is for the only one I see

V is very, very extraordinary

E is even more than anyone that you adore

"Dawn..."

"Yes?" I whispered right at his ear.

"Let's go home."

Nag-angat ako ng tingin. Nang magtama ang mga mata namin ay natiyak kong hindi ang condo unit na tinutuluyan namin ang tinutukoy niya. Dahil saan pa ba ang 'home' kung hindi sa BHO CAMP lang naman?

"Tri..."

"Alam kong kahit na hindi tayo gusto ng mga magulang natin para sa isa't-isa, na nag-aalala sila. Lalo na sa iyo."

"Paghihiwalayin lang nila tayo."

Umiling siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko. "I won't let them."

"Hindi mo ba naiintindihan? Iyon ang gagawin nila, Triton, kapag bumalik tayo. Nakita mo naman kung gaano sila nagalit noon diba?"

"One last try, sweetie."

"Tri..."

"I know you miss them."

Napatungo ako sa sinabi niya. I do miss them. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko at pagkatapos ay iniangat niya ang mukha ko. He gently plant a kiss on my lips and murmured. "Let's go home."

Nag-iwan na ng bayad si Triton at ilang sandali lang ay lumabas na kami ng establishimento na iyon. Habang patungo sa pinaradahan namin ay kinuha ni Triton ang phone niya mula sa bulsa niya.

"Tatawagan ko si Freezale."

Tumango ako. "Loudspeaker."

Sinunod niya naman ang sinabi ko at ilang sandaling paghihintay lang ay narinig namin ang malamig na boses ni Freezale. "Hello?"

"Freeze." Triton said.

"Uuwi na ba kayo?"

"Yes."

"Good luck."

Napanganga kaming dalawa ni Triton ng pinatay na ni Freezale ang linya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Triton ngunit bago pa may makapagsalita sa amin ay bigla na lang may tumakip sa mga mata ko.

"What the hell!" Triton cussed. I felt him reached for my hands and he gripped on it tight.

Nagpumiglas ako ngunit nakaramdam ako ng pagkaantok. At ang huli kong naalala...

....

...

ay ang unti-unting pagbitaw sa akin ni Triton. CHAPTER 22 ~ Crazy ~

CHAPTER 22

DAWN'S POV

"Dawn..."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang sumalubong sa akin ay ang nagaalalang mukha ni Triton. Bakit siya nag-aalala? May nangyari ba?

"Tri...w-what's wrong?"

"May masakit ba sa iyo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Wala naman akong

nararamdaman na kakaiba. Pakiramdam ko nga ay natulog lang ako ng mahimbing. "Hindi kita maintindihan."

"Look around you." He whispered.

Sinunod ko ang sinabi niya. Kumilos ako upang umayos ng upo ngunit sa gulat ko ay hindi ko maigalaw ang katawan ko. Bumaba ang mga mata ko at nakita ko na nakatali ako sa upuan. Hindi iyon mahigpit ngunit halatang praktisado ang nagtali dahil imposible na makakawala ako dito.

That's a new one. Kahit ano nakakaya kong makagawa ng paraan para makaalis. But this kind of binding...it's different.

Inilibot ko ang paningin ko. Walang kahit na anong gamit ang abandonadong lugar na kinaroroonan namin maliban sa iisang ilaw na nakasabit mula sa ding-ding. Katulad ko ay nakatali din si Triton sa isang upuan na katabi ng sa akin.

"What the freaking hell is this?"

Saglit na tumingin si Triton sa pintuan bago niya ibinalik sa akin ang atensyon niya. "Kagigising ko lang din nang magising ka. Hindi ko alam kung nasaan tayo at kung sino ang dumakip sa atin. Wala ka bang naaalala?"

Umiling ako. "Naaalala ko lang na tumawag tayo kay Freezale, pagkatapos ay may kumuha sa atin."

"Claw?"

"Probably." Tinignan ko muli ang pagkakatali sa akin. "Kailangan nating makaalis dito. We don't know who we're dealing with."

Pinakiramdaman ko ang tali sa katawan ko. nasadlak ako sa ganitong sitwasyon sa mga pagkakatali nito. Pero dahil sa estilo ng ang gumawa ay hindi ko malaman kung paano

Hindi katulad ng ilang mga pagkakataon na past missions ko ay hindi mahigpit ang nagtali na para bang bata na naglalaro ko kakalagin ito.

Tinalo ko pa ang magtatanggal ng sobrang buhol na mga cord.

Napatingin ako kay Triton ng sinubukan niyang ikilos ang upuan niya palapit sa akin. Ngunit dahil nakatali din ang mga paa niya ay tumumba ang upuan niya. Mabuti na lang at nasalo siya ng kinauupuan ko kaya ngayon ay patagilid na nakasandig siya sa akin.

"Shit!" he cussed in agitation.

"Focus."

I move and lean on him. I ignored him when his body bucked with surprise as I bit the rope around his shoulder. Gamit ang mga ngipin ay pilit na hinila ko iyon ngunit wala pa ring nangyari. "This is hopeless."

"No, no. We can't stay here. Kapag sinaktan ka nila-"

"They can hurt you too."

Kailangan naming makaalis dito. Hindi ko makakaya kapag may ginawa sila kay Triton sa harapan ko, at alam ko na ganoon din si Triton sa akin. Malaki ang posibilidad na ang Claw ang may pakana nito. Sino pa ba ang may lakas ng loob para kunin ang dalawang boss ng BHO CAMP?

Our iba nga can

enemies have something in common. They all want to stay out of our ways. Pero ang Claw. They are fighting us head on. Kaya hindi na nakapagtataka kung sila ang may gawa nito. Unless there's someone else who doesn't fear us and what we do if we retaliate.

"Tri, move closer."

Naramdaman ko na pilit na pinagalaw niya ang kinauupuan niya habang ako naman ay inililibot ang paningin. There's no security cameras...

Kumilos ako at inabot ko ang kamay ni Triton. Kinapa ko ang kinaroroonan ng bracelet niya. BHOCAMP bracelet. It will send a signal to the headquarters. Sigurado ako na kikilos sila kaagad kapag nakita nila iyon.

Now all we can do is wait...no matter how pathetic that may be. Bakit ba sa amin

nangyayari ito? Hindi na natapos ang mga problema namin. Basta may pagkakataon kami ni Triton maging masaya, bigla na lang namin natatagpuan ang mga sarili namin na may kinahaharap na problema.

"We'll be fine, Dawn."

"I want to believe that."

"I'll make sure you're fine."

I want to believe that too. Gusto kong maniwala na makakaalis kami ni Triton dito. That we can get out and go back to our little happy bubble.

Nanigas ko sa kinauupuan ko at ganiyon din si Triton ng bigla na lang namatay ang nag-iisang ilaw. Narinig namin ang pagbukas ng pinto kasunod ng tahimik na mga kaluskos. Pilit na inaninag ko ang pinaggagalingan ng mga galaw ngunit wala akong makita.

But I can hear their footsteps.

It's hard to distinguish them because of the way they move. Like a graceful cat. But because of the training I had, I can still hear them. Barely.

They are all over...surrounding us.

Bago ko pa magawang makapagsalita ay napaigik ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagbagsak ng kinauupuan ko at kasabay niyon ay ang pagdagan sa akin ng kinauupuan ni Triton. The pain instantly fly off my mind when I realized what he's doing.

He's sheilding me.

"Tri, move." I frantically whispered.

"No."

"Move!"

"There's no way in hell I'll let them get to you."

Pumasag ako upang maialis ko siya sa ibabaw ko ngunit hindi siya matinag. He's weight is crushing me but most of importantly, we cannot stay like this. This is a vulnerable position for us. Much more vulnerable and pathetic than being tied to a chair.

"Dito na magtatapos ang maliligaya niyong sandali."

Hindi ko alam kung anong gagawin nila. Hindi ko alam kung paano kami makakatakas. All I know is we cannot stay like this. Hindi pwedeng wala kaming gawin. "Tri, move!"

"No!"

"Dito na matatapos ang maliligaya niyong sandali

...

...

dahil sasali na kami! WOOO YEAH!"

Mariin akong napapikit ng bumadha ang nakakasilaw na liwanag kasabay ng ingay na pumainlang sa paligid namin. I didn't have the time to digest everything when Triton's weight suddenly been lifted off me.

Minulat ko ang mga mata ko at saglit na sinanay ko muna ang mga iyon bago ko nilingon si Triton na mukhang naparalyze na sa kinauupuan niya. Tinignan ko ang tinitignan niya at nalaglag ang panga ko sa gulat.

What the...what the... "What the fucking hell is this?!"

"Don't curse, baby. Hindi bagay iyan sa kadyosahan mo."

Pakiramdam ko ay mahuhulog na ang mga mata ko sa pagkakatingin sa nagsalita. Pakiramdam ko ay may bumara sa daluyan ng utak ko at hindi ko magawang maproseso ang mga naririnig at nakikita ko.

Walang Claw na gusto kaming saktan, wala. Ang tanging nasa harapan ko ay mga taong hindi ko alam kung paano at kung bakit naririto.

"Hello? Anybody home? Are you there, baby?"

Animo nagsilbi iyong pompyang sa natutulog kong utak. Humugot ako ng hininga at sa buong makakaya ko ay tumili ako ng pagkalakas-lakas. Hindi ko iyon tinigilan at sumasagap lang ako ng hangin kapag kinakapos na ako.

"Sophia, patigilin mo na ang anak mo at baka maging pipe na yan mamaya."

"Yes, mommy."

"Oo nga, Sophie. Ang gwapo ko pa naman."

"May masabi ka lang, Poseidon, ah? Hindi mo moment ito kaya tumahimik ka na lang diyan sa isang tabi."

"Dahling, mahal, bebe, sweetheart, cupcake, tart, sweetcakes-"

"Shh!"

Tumigil na ako sa pagsigaw at humugot ako ng malalim na hininga at pagkatapos ay muli kong inikot ang paningin ko sa paligid.

Tahimik na nasa dulo lang ng abandonadong lugar ang mga Third Gen. Elite Agents habang ang mga Second Gen. naman ay kasalukuyang may hawak na mga camera at kinukuhanan kami ni Triton na nasa state of shock pa rin.

Sa harapan ko ay tahimik na nakahalukipkip ang daddy ko habang nakangiti naman sa tabi niya si mommy. Sa likuran nila ay nandoon si grandaddy Poseidon na kasalukuyang sinisiksik at kinakalabit-kalabit si grandmommy Bree na tinabig lang siya na para bang nagbubugaw ng langaw.

"What the hell is the meaning of this?!" sigaw ko.

"Mouth, Dawniella."

My eyes landed on my father who spoke. "Seriously, Dad, back off. Umalis na kami di ba? Hindi pa rin ba kayo kuntento sa ginawa ninyo sa amin?"

"Dawn, let's just hear them out."

Nilingon ko si Triton at galit na umiling ako. "They will just drive as away from each other. Tignan mo nga ang ginawa nila. They kidnapped us!"

"Anak-"

Hindi naituloy ni mommy ang sasabihin niya ng biglang magsalita si tito Ice at tito Wynd na nasa isang tabi at parehong nakahawak sa mga baba nila. "Kidnapped? Parang hindi bagay no, Wynd?"

"Oo nga, Ice, eh. Kidnapped pa rin ba kahit hindi na bata ang kinuha? Hindi adultnapped? Bakit may napped? Dahil ba pinatulog sila?"

"Pero hindi naman lahat ng kinikidnapped tulog di ba? So bakit may napped? Sinong baliw ang nagpauso niyon? Bakit hindi na lang kidget, adultget, alienget.? O, di ba?"

"Too many questions my dear, brother. Sino ka? Sino ako? Sino sila?" napatingin si tito Wynd sa gawi ni mommy na kasalukuyang pinapatay sila sa tingin ay napangiwi siya. "Bakit ba ang ingay ko?"

Binalik sa akin ni mommy ang atensyon niya. "Ginamit namin sa inyo ni Triton ang bagong experiment department invention. Para mawalan kayo ng malay. It's a kind of substance that won't give you a splitting headache when you wake up-"

"I don't care about that, mom. What. Are. We. Doing. Here?!"

Bumuntong-hininga si mommy at sumusukong nilingon si daddy na tahimik pa rin. Kinalabit siya ni mommy at pagkatapos ay tinuro niya kami. Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan sa kanila bago tumingin sa amin ang ama ko.

"Hindi kami tutol sa inyo ni Triton."

Pagak na tumawa ako. "Hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan iyan, dad. Sa pagkakaalam ko kayo at hindi imahinasyon ko lang ang nakausap namin ni Triton ng halos gibain niyo na ang mundo apra lang paghiwalayin kami."

"Dawniella."

"I'm so tired of this, dad. I am happy now. 'Wag niyo na sanang guluhin ang kung anong meron kami ngayon dahil masaya na kami."

"And don't you think we want you to be happy too?"

"By taking him, away from me? I don't think so." ginalaw ko ang katawan ko na nakatali pa rin. "Pakawalan niyo na lang kami. Nananahimik na kami. Don't make me hate you, dad. I'm trying to understand, I'm trying to stop myself on hating you. Just please...let us go."

Umuklo si daddy sa harapan ko upang titigan ako sa mga mata. Nag-iwas ako ng tingin ngunit hinawakan niya lang ang baba ko at ibinaling pabalik sa kaniya. "Listen-"

"No." I said with finality.

"Bakit sa tingin mo nakatali kayong dalawa ngayon? It's because you two need to listen."

"No."

Hindi niya binitiwan ang pagkakahawak sa akin at nanatiling nakatingin siya sa mga mata ko. Two pair of eyes different from each other...but the same in some way, both held identical intensity. "You're my daughter, Dawniella. You're a miracle in my and you mother's life. Marami na kaming pinagdaanan, marami ng humadlang sa amin. It was almost impossible for us to be together. Dumating ka sa buhay namin ng hindi inaasahan. We even thought we would lose you. But you're a fighter. At dahil sa iyo mas lalo kaming tumatag ni Sophie."

"W-Why are you telling me these?"

"Wala akong ibang hinangad kundi ang makahanap ka ng taong hindi ka iiwan. Na kapag

hindi na namin kaya na gabayan ka, kapag hindi na kami kasing lakas katulad ng dati para protektahan ka ay mayroon pa rin na handang ipaglaban ka."

"Dad..."

"Seven years ago, I found out about your relationship with him. I won't deny that I'm protective of you, because I am. So I gave him a test and he failed."

Seven years ago. Nang una kaming magkaroon ng relasyon ni Triton. And my father...he's saying...he's saying that everything were all a test?

"Hindi mo alam kung gaano ko ipinagdasal na sana ay hindi ka niya bitawan. But he did. He let you go. And if he's not strong enough to fight for you, do you really think I would want him for you?"

Umayos na ng tayo si daddy habang si mommy ay nakangiting nakatingin sa akin at nagsalita, "But he do like him. Your father want him for you. Sa loob ng mga taon na lumipas, naghintay kami ng daddy mo at ngmga magulang ni Triton sa pagkakataon na kikilos siya para bumalik ka sa kaniya. But all he did was played around. Until finally, he stopped and made a move."

"A-At sinubukan niyo siya ulit? Kami?" bulong ko.

"Maiintindihan namin kung hindi niyo kami mapapatawad. Ako, si Sophie, si Marveige, si Kate, nang mga kasamahan ninyo." dumako ang tingin ko kaila Freezale sa sinabi ni daddy. Nag-iwas lang sila ng tingin. "But please understand, that all we did was for you both. So you can stopped cricling each other. Na matuto kayo na lumaban at hindi bitawan ang isa't-isa."

Lumapit si daddy kay Triton at naglaban siya ng isang patalim. Nahigit ko ang hininga ko ngunit tahimik na kinalagan niya lang si Triton.

"Tito..."

"It was all for you both."

"I'll take care of her. I promise."

Ilang sandali ang lumipas na nagtama lang ang mga mata nila. Pagkaraan ay tumalikod na si daddy at naglakad palabas. Sumunod sa kaniya si mommy at ang iba pang mga agents hanggang sa ang mga Third Gen. na lang ang matira. Tahimik na pinagmasdan nila kami.

"I can't believe you." I finally said.

"Para sa inyo din ang ginawa namin."

Matalim ang tingin ang ibinigay ko kay Freezale na siyang nagsalita. "Hindi niyo kailangan gawin lahat ng ginawa niyo. Hindi kayo dapat ginawa ang gusto nila daddy. Hindi niyo kami dapat minadali. Sa tingin niyo ba hindi namin maiisip iyon ni Triton? Sa tingin niyo ba hindi namin maaayos ang mga nararamdaman namin? Sa tingin niyo ba talaga ay ganon kaming katanga?"

"Oo."

"Lady." saway kay Freezale ng asawa niya na si King ngunit hindi siya nagpaawat.

"Oo ganon kayo katanga. At ganon katanga si Sky, si Adonis, si King...ako. We're all stupid not to recognize real love at the sight of it. Alam mo kung bakit? Dahil ang una nating ginagawa ay ang itanggi ang nararamdaman natin at tumakbo palayo."

"Hindi mo naiintindihan."

Pagak na tumawa siya at umiling. "Hindi nga ba? You wasted seven damn years denying your feelings that even you convinced yourself that you don't feel anything. And you." she said looking at Triton. "You wasted years on playing around. Pareho kayo. Pareho kayong nag-aksaya ng oras at patuloy na nag aaksaya. Iyon ang nakita ko. Ang nakita naming lahat sa inyo. One moment, you'll be in love with each other. Another moment you'll be letting go. But now you know. Alam niyo na kung anong pakiramdam kapag pilit na pinaglayo kayo. Alam niyo na kung gaano kaimportante ang isa't-isa."

Hindi ko na nagawang makapagsalita ng tumalikod na siya at naglakad palabas. Sumunod sa kaniya ang mga agent at naiwan kami ni Triton na tahimik lang sa tabi ko. Nahahapong sumandal ako sa upuan at pumikit.

"They're crazy." I murmured.

"They love us."

"Crazy." CHAPTER 23 ~ Perfect ~

A/N: Hi guys! I-a-announce ko lang kahit malayo pa, may BOOK SIGNING po ang inyong abang dyosa sa SM Dasmarinas, March 21 (Saturday), 2pm. Sana makapunta kayo para naman makabonding niyo kami ng iba pang mga #BHOCAMPER :) See you! Kung pupunta kayo you can message me here in Wattpad or you can message me sa account ko sa facebook (MsButterfly Lib) though hindi na po ako maka-aacept ng friend requests dahil full na siya. For more updates regarding book signings and release of books, like the LIB page on facebook (LIBOfficial).

PS: Ang link naman ng BHO CAMP group ay nasa external link :) The official group has 6k+ members. Baka kasi mapunta po kayo sa ibang group ng BHOCAMP:) Salamat ng marami at sana ay mameet ko kayo sa book signing :) Harthart!

CHAPTER 23

DAWN'S POV

"You're still annoyed."

Walang emosyon na tinignan ko lang si Sky na napapailing na ibinaba sa harapan namin ni Triton ang pagkain na inorder namin at pagkatapos niyon ay walang salitang umalis na siya.

Mag ta-tatlong araw na kasi mula ng makabalik kami rito. Mag tatatlong araw na rin na hindi ko sila pinapansin.

Tahimik na kinuha ko ang kutsara't tinidor habang pilit na iniignora ang mabigat na tingin sa akin ni Triton. Ilang beses na niya kasi akong kinausap tungkol sa mga pamilya at katrabaho namin. Pero hindi naman ako katulad niya. Kung siya ay natanggap na niya ang ginawa nila sa amin pwes ako hindi.

I just don't understand why they go through all the trouble of doing all that. Sa tingin ba nila ay hindi ko kaya ang sarili ko? I handled them all with ease. Kahit sakit ng ulo ang hatid nila hindi ako kinakitaan man lang ng pagsuko. But when it comes to me? They didn't even trust me one bit.

"They do trust you."

Nakataas ang kilay na nilingon ko si Triton. "Are you a mind reader now?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni Triton. "No, but I know you." he looked at the agents pointedly then to me. "At kilala rin nila tayo."

"Bakit ba hindi ka nagagalit sa kanila? Pareho nila tayong pinahirapan, Tri."

"Because they want the best for us. Especially our parents."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Hindi rason iyon para gawin nila ang ginawa nila."

Akmang tatayo na ako para umalis sana ngunit napigilan ako ni Triton sa braso. Hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinatingin ako sa kaniya. Napabuntonghininga na lamang ako at sinalubong ang mga mata niyang nakangiti pa rin.

"Tri, let me go."

"I'll let you go."

Pakiramdam ko ay may bumundol na kaba sa dibdib ko sa sinabi niya. Sa paraan niya nang pagkakasabi niyon ay alam ko na iba ang tinutukoy niya sa mga salitang iyon. "W-What?"

"If something hit us and they didn't did that, I won't be able to hold on. At alam ko na ganon ka rin. It may be because of a petty argument, jealousy o kahit na ano pang maisip mo na problema. Dadating ang panahon na may susubok sa atin at magagawa na naman nating pakawalan ang isa't-isa."

"You're not making any sense. Of course I won't let go of you. Marunong akong madala Triton."

"Pipiliin mo ba ako o ang kapakanan ng lahat ng mga agents? Nang pamilya mo?"

Napaatda ako sa sinabi niya. Sinubukan kong makakawala sa pagkakahawak niya sa akin ngunit nanatiling hawak niya ako at hindi hinihiwalay ang tingin sa akin.

This is ridiculous. Masyado ng magulo ang utak ko ngayon at hindi ko gusto na pati kami ni Triton ay mag-away dahil dito. My family is still my family. I'll come around but for now I will stay annoyed at them. Or as long as I want to.

"Let go."

"Sagutin mo muna ako, Dawn."

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Maybe you're tired or something. Just rest for now, Tri. Wala ako sa mood na makipagtalo sa iyo."

"The media won't let go that easily. Hahalukayin nila lahat ng kaya nilang halungkatin. Matagal ng natago ang mga impormasyon sa akin. I was careful because of the industry I'm working. But we're different, Dawn. Nakatago man lahat ng tungkol sa iyo pero hindi ibig sabihin non ay maitatago mo lahat. O natin pareho. It will put the other agents at risk. At kapag nangyari iyon ay pakakawalan mo ako...o pakakawalan kita."

"Tri-"

"It can happen now as we speak. But I won't let go and you won't." he leaned closer to me and pointed at the agents. "And it's because of them."

I gritted my teeth in agitation. "Stop."

Marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "Masyado ka ng nasanay na pangalagaan ang ibang tao dahilan para hindi mo kaagad matanggap na gusto ka din nilang alagaan."

"They betrayed me." I whispered.

"Because they love us."

"My parents-"

"Wanted us to be strong for each other."

"The agents-"

"They were scared for us."

Muling kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Natatakot? Para saan? "Stop talking in riddles. Anong kailangan nilang ikatakot, Tri? Magugunaw ba ang mundo kapag may nangyari sa relasyon natin at naghiwalay tayo ulit? We managed before when we broke up, anong ipinagkaiba kung mauulit iyon ngayon?"

"They were scared for the time we are wasting and the time that we will waste, sweetie."

"What-"

Ibinaling niya ang ulo ko sa direksyon kung saan kasalukuyang katabi ni Sky ang mga kapatid niya na si Blaze at Stone habang nakaakbay naman sa babae ang asawa niya na si Adonis. Nagtatawanan sila ngunit pakiramdam ko ay may kung anong kumurot sa puso ko habang nakatingin sa kanila.

"Ano sa tingin mo ang nawala sa kanila?" bulong ni Triton sa tapat ng tenga ko.

As I looked at them, I finally understand. Our parents did what they did because they are our parents. Gusto nilang makasiguro na matatag kami para sa isa'tisa...because they want to make sure that we won't get hurt. Like every parents want for their child. While my co-agents did what they did, because they don't want me to experience the feeling of losing someone I love. Losing someone in just a blink of an eye. And forever...forever I'll regret that I held back.

"Sa trabaho natin, Dawn, sa isang kisap ng mga mata pwedeng mawala ang isa sa atin. Pwede akong mawala sa iyo."

"Don't..." nahihirapang pigil ko sa kaniya ngunit nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Pwede kang mawala sa akin. Sa hindi inaasahang oras, sa hindi inaasahang pagkakataon. Ganoon nawala sa atin si Storm, Dawn. At hindi imposibleng mangyari iyon ulit dahil ito ang buhay natin." Marahang hinaplos niya ulit ang pisngi ko at ngumiti. "Kaya hindi ko magawang magalit sa kanila. Dahil wala silang ginusto kung hindi ang magiging matatag tayong dalawa."

Dahan-dahang tumango ako habang kagat ko ang ibabang labi ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Triton at umayos na ng upo.

"Bati na tayo ate Dawn?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Hera ang nagtanong at katabi naman niya si Athena na nakapeace sign. "Hindi kita kapatid."

Ngumuso si Hera habang si Athena naman ang nagsalita. "Bati na tayo?"

"Hindi."

Ngumisi si Athena na para bang alam kung ano talaga ang nasa isip ko. Inabutan niya ako ng lollipop na tinignan ko lang. Pinaikot niya ang mga mata niya at pabagsak na ibinaba iyon sa lamesa. "Peace offering."

"Lollipop?"

Namewang siya at mataray na tinignan ako. "Malaking sakripisyo sa akin na bigyan ka ng lollipop. Hindi mo ba alam na kaya kong ipagpalit ang diamonds sa lollipop?"

"Hindi."

"Aaaaah! Maloloka ako! Kaya ayong nakikipag-usap sa inyo ni ate Freezale eh. Nakukulta ang utak ko mhaygholay!"

Naagaw ng malakas na boses ni Athena ang atensyon ng mga customers at ng mga agents. Nagtama ang mga mata namin ni Sky at napailing na lang ako ng sumilay ang ngiti sa labi niya. She knows they're forgiven.

"Tsaraaan!"

Napakurap ako ng mawala sa harapan ko si Athena at Hera dahil tinabig sila ni Ocean na kasunod si Hermes na may dalang tray na may takip. Paniguradong cake ang laman niyon dahil may icing pa sa damit si Ocean. Isa pa, iyan talaga ang binibigay nila sa mga agents na nakaaway nila o ano. Peace offering.

Tahimik lang si Hermes habang si Ocean ay kumekembot kembot naman at gumigilinggiling na parang nag ma-magic show.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Hulaan mo."

"Ayoko-"

Pinutol ni Triton ang sasabihin ko na mukhang game na game sa pakulo ni Ocean na giling pa rin ng giling. Anak nga ni Tito Yale. Gigolo din eh. "Tao ba 'to?"

"Hindi." sagot ni Ocean na nag peace sign pa.

"Hayop?"

"Hayop na hayup sa hindi!"

"Bagay?" tanong uli ni Triton.

"Nope!"

"Parte ng katawan ng tao?"

"Hindi-"

Magkasalubong ang kilay na sumingit ako sa usapan nila. "Kapag hindi niyo tinapos ang usapan na ito, puputulin ko ang pwedeng putulin sa inyo at ilalagay ko sa tray na iyan."

Napangiwi si Hermes sa sinabi ko habang si Ocean at Triton naman ay sabay na tinakpan ang tapat ng zipper nila. Pinaikot ko ang mga mata ko. Typical men. Syempre iyon ang unang iisipin. Ano pa nga ba?

"Karagatan tumabi ka nga diyan at baka madulas ako at maihampas ko sa iyo ang tray na 'to." sabi ni Hermes kay Ocean na nakasimangot na tumabi naman.

"Ganiyan ka na Kuya Hermes. Isusumbong kita kay Papa!"

"Eh di magsumbong ka. Isusumbong ko din kung paanong muntik mo nang masunog ang paborito niyang oven dahil natulog ka sa ibabaw ng kitchen table dahil sa katamaran mo."

Kakamot-kamot na ngumisi si Ocean at pinagpag ang imaginary na dumi sa chef uniform ni Hermes. "Hindi ka naman mabiro, kuya Hermes. Ang gwapo mo pa naman ngayon."

"Hindi kita type."

Sinaklot ni Ocean ang dibdib niya. "Ouch! Pinagnanasaan pa naman kita-"

"Anong pinagnanasaan ang naririnig ko saiyo Ocean Anderson?"

Parang hinigop ng magic vaccum ang dugo ni Ocean sa narinig na nagsalita. Walang iba kundi ang nanay niya na si tita Eika na kasalukuyang nakapamewang habang nakatingin sa unico hijo niya. "M-Ma!"

"Uwi!"

"Ma, naman. Sorry na po."

"Uwi."

"Ma, sige ka baka awayin ka ni Papa na pinapagalitan mo ako-"

Naniningkit ang mga mga na humakbang palapit si tita Eika sa anak niya. "Ang papa mo? Ayon kasalukuyan kong pinaglalaba ng sangkaterbang damit ninyo pareho. Anong akala ninyo sa akin labandera? Samantalang kayong dalawa ang para bang mga modelo na minu-minuto ata kung magpalit ng damit. Hala, uwi!"

"Binata na ako Ma! Hindi mo na ako pwedeng apihin!" nagmamaktol na reklamo ni Ocean.

"Anong akala mo sa ama mo, fetus? Uuwi ka o ibabanned kita sa pakikipagdate sa loob ng limang taon? Pili!"

"Ma!"

"Pili-"

"Uuwi na po! Sorry na po!" kakamot-kamot na ngumisi si Ocean sa amin at kumaway. "Batsi na ako mga pipol! Baka ma-high blood na ang mama kong maganda!"

Tumakbo na palabas ng 'Craige' ang pinakabatang miyembro ng BHOCAMP. Iniwasan niya pa ang kamay ng nanay niya na kukurutin siya sana. Nakangiting bumaling sa amin si tita Eika. "Pasensya na. Minsan talaga kailangan mong ganiyanin si Ocean bago

magtino. Mana sa tatay eh. To think na magbebente pa lang ang batang iyon. Paanho pa kaya kapag binatang binata na siya?"

"I understand tita." sagot ko sa kaniya.

Saglit na tinignan niya ako bago nakangiting tumalikod na. "Mukhang kailangan ko ng puntahan sila Warren. Ilang araw ng hindi pinalalabas ni Sophie ng kwarto ang ama mo na iyon dahil gusto kang puntahan."

"Tita..."

Bahagya niya akong nilingon at pagkatapos ay kumindat. "You're a daddy's girl aren't you? At kahit hindi pa, walang magulang na gugustuhing matagal na magalit sa kaniya ang anak niya."

Hindi ko na nagawa pang makapagsalita ng tuloy-tuloy na lumabas na siya ng restaurant. Napabuntong hininga na lamang ako at mariing nakapikit na sumandal sa kinauupuan ko.

"Talk to your father, Dawn." Triton whispered.

"Later."

"Promise?"

I opened my eyes and looked at him. "Promise."

HUMINGA ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan sa kwarto ng parents ko. Ngunit hindi pa ako nagtatagal sa pagkatok ay pabalibag na bumukas ang pintuan at may mga kamay na humila sa akin. Kaagad na umangat ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay ni Triton na kasama ko dahilan para masama siya na mahila.

"What-"

Hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang dalawang pares ng mga braso na yumakap sa akin...at kay Triton.

My parents. My crazy...wonderful parents.

Naalala ko tuloy noong walong taon pa lang ako. Lahat kaming magkababata ay nabigyan ng task na bumuo ng isang maliit na bahay. Project para sa school. Pero dahil competitive ang mga parents namin ay nagkaniya-kaniya na ng bigay ng ideas ang mga parents nila Sky at ng iba pa para maging mas maganda ang sa kanila.

Pero ako hindi ako nagpatulong kaila Daddy. Dahil alam kong kaya kong tapusin ng maayos ang pinagagawa. I nearly finished it. But then I saw the other's work. Kahit na mas maayos ang sa akin pakiramdam ko mas maganda ang sa kanila. And I realized why.

"Dawn? O, bakit hindi mo pa tapos ang project mo?" tanong sa akin ni Daddy na kapapasok lang ng kwarto namin.

"Matatapos ko na po sana pero tumigil muna po ako."

"Why?"

"Because it will be more beautiful if Daddy will help me finish it."

Saglit na natahimik si Daddy bago niya ako tinulungan na ayusin ang maliit na bahay na ginagawa ko. Nang matapos iyon ay pakiramdam ko wala ng tatalo pa sa gawa namin. Para sa akin iyon ang pinakamaganda.

"You know, Dawn, you're a great child. Independent pa. Kahit ata ano basta gustuhin mo makakaya mong gawin." sabi ni Daddy at nakangiting tinignan ang maliit na bahay sa harapan namin. "Sigurado ako na kahit wala ang tulong ko, matatapos mo ito."

"But it will be different."

Nakangiti pa ring binalingan niya ako. "Different?"

Gamit ang hintuturo ko ay bahagya kong itinulak ang bahay. Imbis na bumagsak iyon ay nanatili iyong nakatayo. "If Daddy didn't help me, this little house won't be strong enough. Because Daddy help me, everything became perfect."

Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko na. Siguro dahil sa matagal na rin mula nang mangyari iyon. Siguro din dahil sa tumanda na ako.

Pero ganoon siguro talaga. Kahit na gaano na tayong katanda, kahit na marami na tayong naranasan, kahit akala natin kaya na natin ang lahat...iba pa rin kapag ginabayan tayo ng mga magulang natin.

"Hindi na ako makahinga."

Natatawang kumalas si Mommy at Daddy sa sinabi ko. Pinigilan kong mapangiti pero hindi ko rin nagawa at kusa na iyong kumurba sa mga labi ko.

Tinapik ni Mommy ang pisngi ko ng mahina. "My beautiful baby." saglit na nakatingin lang siya sa mukha ko bago siya kumindat at hinawakan sa kamay si Triton na mukhang nagulat. "Sa kusina muna kami."

Nilingon ako ni Triton pero hindi na niya nagawang makaangal ng tuluyan na siyang mahila ni mommy paalis. Naiwan kami ni Daddy na ngayon ay tahimik lang sa harapan ko.

"Dawniella..."

"It's okay."

"I'm sorry, baby." he whispered.

Ngumiti ako at ako na ang kusang lumapit sa kaniya. Yumapos ako sa bewang niya at isinandig ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Everything's perfect now, Daddy."

CHAPTER 24 ~ Attack ~

A/N: REPOSTED UPDATE: I reposted this chapter dahil isang malaking mali na impormasyon ang naisulat ko last time. Matagal ng lumabas si baby Irish ni Freezale. Pasensya na at talagang pinilit ko na lang kagabi na gawin ang update dahil super pagod na ako.

But please do read dahil may bago akong surprise :)

CHAPTER 24

DAWN'S POV

Pinaningkitan ko ng mga mata si Triton na nagpapacute na sinalubong naman ang tingin ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa 'Craige' restaurant habang sa lamesa na inookupa namin ay nakapatong ang ilang magazines at ang nakabukas ko na laptop.

"Be serious, Tri."

"I am. Anong magagawa ko kung wala naman talaga akong alam sa mga ganiyan?"

"You just need to pick for goodness' sake!"

Nakangiti pa rin na inabot niya ang isang magazine at ipinakita sa akin. "How 'bout this one? It's...cute?"

Pakiramdam ko ay mapupunit na ang mga mata ko sa paniningkit. "Seriously? Gusto mo ng peacock themed wedding?"

Napapakamot sa ulo na ibinaba niya ang magazine at dumampot ng isa pa. "Okay, that's a bad idea. Hmm...eto na lang?"

"Gusto mong ibigti kita?"

Ang hawak naman niya ay isang magazine na nag cover ng secret agent themed wedding. Napapailing na hinablot ko sa kaniya iyon at padabog na ibinaba ko.

"Ayoko na-"

Sa isang iglap ay nakalipat na si Triton at ngayon ay nakatabi sa akin. "Dawn, sweetheart. 'Wag ka namang ganiyan."

"Bakit? Ano bang sinabi ko?"

"Sabi mo, ayaw mo ng ituloy ang kasal!"

"Wala akong sinabi na hindi ko gusto na ituloy ang kasal. I'm just giving up on asking you about the wedding since it looks like all you want to do is show up in the wedding and not do anything."

Bumalik ang ngiti sa mga labi niya at napatango-tango siya. "Tama, tama. Pero syempre kailangan ko ding mag I Do."

"Bakit ayaw mo?"

"Hindi ah! Excited na nga ako eh."

"Ehem, ehem. Excuse me lang sa love birds diyan. Pwede bang makiagaw muna ang kagwapuhan ko ng kaunting spotlight?"

Hindi ko pinansin ang nagsalita sa mikropono at nanatiling na kay Triton lang ang atensyon ko. "Sumasakit ang ulo ko sa'yo. Hindi kaya tumanda ako ng maaga kapag pinakasalan kita?"

"Hindi ah. Gaganda ka pa nga dahil bibigyan kita ng madaming pagmamahal."

"So hindi pala ako maganda ngayon?"

Nag peace sign siya. "Ang ibig kong sabihin ay lalong gaganda."

"Bolero."

Iniangat ni Triton ang isa kong kamay at nakangiting hinalikan niya iyon. "Kahit

dalin pa natin sa korte walang maniniwalang bola lang kapag sinabing maganda ka."

"Hello world? Pansinin niyo po ako! HELLOOOO!"

Napatingin kami ni Triton sa stage at kaagad namang namula ang mukha ko. Nakangising nakatingin sa amin si King at ganoon din ang mga iba pang agents at mga guests. Pilit na pinaseryoso ko ang anyo ko at tumikhim. "What?"

"Hi there!" sabi ni King at kumaway pa.

"What do you want? Say it now before I decide to shoot you."

Lalong lumawak ang ngisi ni King sa pagtataray ko. "Well, we kinda need your time...and everyone's time. You see, we're gonna sing. Together with my bandmates, Thunder, Archer, Rushmore and Comet-" nawala ang ngiti ni King at pagkatapos ay malungkot na tumawa. Kung mayroon mang matatawag na ganoon. "Maybe Comet's gonna play up there." patuloy nito at tumuro sa itaas.

Nilingon ko si Freezale na nasa kabilang linya. Natigilan siya sa ginagawa niyang pagtipa sa laptop niya pero hindi niya inalis ang tingin roon upang tignan ang asawa niya na nasa stage.

Ang ilang mga guests at agents ay mukhang nagulat din. Hindi ko sila masisisi. Bihira na magsama-sama ang Royalty band members mula ng pumanaw si Comet, ang drummer ng banda.

"Anyway, back to the topic. Katulad ng alam ng marami, nawalan kami ng drummer. For now since we don't have an official drummer, Comet's sister will play with us for this special day. Come up here, Harmony."

Umakyat sa stage si Harmony. The last time I saw her ay sa libing ni Comet. Mukhang marami ng nagbago sa kaniya. She's smiling, yes, pero alam ko na may nakatago sa likod niyon. That's what losing someone will do to you. It will take a piece of yourself that you might not ever get back.

"Wala pa kaming official drummer dahil hinihintay pa namin si Harmony na makatapos. She's almost eighteen pero wala kaming balak na gawin siyang kabilang sa banda hanggat hindi namin nakikita ang diploma niya." sabi ni King na ginulo ang buhok ni Harmony na kaagad na lumayo sa lalaki.

"Whatever."

"Diploma first."

Pinaikot ni Harmony ang mga mata niya at nangingiting pumunta na sa pwesto ng drums habang si King naman ay humarap na sa amin ulit.

"Ngayon ay-"

"Ang daming daldal, pare. Tinalo mo pa ang sinehan sa dami ng commercial." reklamo ni Thunder na nakapamewang pa.

"Shut up. Moment ko 'to." tumingin si King sa gawi ng asawa niya. "Nandito kami para ibahagi sa inyo ang bago naming kanta na ang pamagat ay, Invariable. Para ito sa anniversary namin ng asawa ko na si Freezale King."

"Iba ata ang babaeng ka-anniversary mo. It's not our anniversary today." sabi ni Freezale na pinagpatuloy na ang pagtipa sa keyboard ng laptop.

"Hindi nga ngayon ang wedding anniversary natin. Ang anibersaryo na tinutukoy ko ay nang unang beses tayo na magkakilala. On that elevator where I almost snatched your panties-"

Napatakip ako sa tenga ko nang bigla na lamang ini-strum ni Thunder ang electric guitar na hawak niya. Nakasimangot na binalingan niya si King. "Wala akong balak marinig ang mga ginawa at ginagawa niyo ng kapatid ko. Yuck!"

"Arte mo. Parang wala ka ding kakaibang ginagawa sa mga kadate mo."

"Bakit kinukuwento ko ba sa'yo? Bahala ka nga diyan, bro. May date pa ako kaya bilisan mo." pagkasabi niyon ay sinimulan na ni Thunder na magpatugtog na sinundan naman ng iba pang band members.

"Freezale, this is for you, lady!"

Nangalumbaba ako habang tinitignan sila. Mukhang kahit na alam na nila ang ginagawa nila ay hindi sila ganoong ka-at ease. Hindi din iilang beses na nililingon nila ang pwesto ni Harmony na seryoso na ngayon sa ginagawa niya.

They're still missing him. Of course, they would.

"After winter there be spring, after the rain there comes the sun. Sadness will end up in fun...and X comes first before Y."

Maganda ang boses ni King. Given na iyon dahil hindi sila sisikat kung hindi sila magaling. But despite their uneasiness because of losing Comet, sa tingin ko ay mas gumanda pa ang pagkakakanta niya. Iyon siguro ang nagagawa kapag masaya ka na sa buhay mo. Na kumpleto ka na.

Dahil kapag nagmamahal ka...lahat ng bagay gumaganda.

"And the thing that will remain, is the only thing with a happy chain. The only thing that is invariable...the only thing invariable..is us."

Naramdaman ko ang paghawak ni Triton sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at lumambot ang ekspresyon ko sa nakita ko na pagsuyo sa mga mata niya. Yes...definitely. Love will really change a person.

It will change the way you feel, the way you act, the way you see things.

"Bliss can turn to sorrow, a stone into marshmallow. Love will comes first then change to hate, but I can just love you...that is fate. Because the thing that forever will remain is the only happy chain. The only thing that is invariable...the only thing invariable is us."

Nakangiting sinenyasan ni King ang mga kabanda niya na itigil ang tugtog at pagkatapos ay humarap sa amin. "Looks like you all just need to wait for the release of this song. My wife's getting emotional. Alam niyo na, a few months ago ay nagkaroon kami ng baby Irish at isang napaka-emosyonal na araw talaga ito para sa amin. Thank you for listening everyone!"

Pagkasabi niya niyon ay tumalon siya pababa ng mini stage at nilapitan si Freezale na ngayon ay nakayukyok na sa lamesa.

"Hey, lady. Let me help you up-"

"Don't touch me."

"W-Why? Are you angry with me?"

Salglit na tinitigan ko si Freezale. Hindi ako sigurado sa iniisip ko dahil alam ko na hindi ganoon kadaling mangyari iyon sa kaso nilang mag-asawa but just to be sure... "Tri, I want you to do something for me."

"Anything, What do you want?"

"Buy me a pregnancy test."

"What?!" Nanlalaki ang mga mata na bumaba ang tingin niya sa tiyan ko bago muling tumingin sa akin. "H-Have...have we- No that's impossible we still haven't...I don't remember-"

"It's not for me, silly."

Umaliwalas ang mukha ni Triton sa sinabi ko. Akmang titingin si Triton kay Freezale ngunit hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Don't look at them. Just buy the kit."

Nakangiting binigyan ako ni Triton ng magaang halik sa labi bago lumabas ng Craige. Tumayo naman ako at nilapitan ko si King na ngayon ay namumutla ng nakatingin sa asawa niya.

"Freezale." I called her.

"Go away."

"Does King know?"

"I was about to tell him when he suddenly dragged me here." narinig ko na humugot siya ng hininga na para bang pinipigilan niya iyon. "Pwede bang pakialis ang kung ano man iyong matapang na amoy na naaamoy ko."

Inilibot ko ang paningin ko. Nakita ko si Hermes na kasalukuyang kausap ang isang guest na lalaki na tumango sa sinabi ni Hermes at llumabas ng Craige. Kasama pa ng lalaki si Athena at Hera na kunwa'y mga pulis at nakahawak pa sa natatawa na lang na lalaki.

"A-Anong nangyayari?"

Bumaling ako kay King nang magsalita siya. "I need to ask you something."

"Is Freezale alright?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Gaano ka-imposible na magkaroon kayo ulit ng anak ni Freezale?"

"Hindi imposible pero matagal bago kami makabuo. Dawn, what's happening?"

"Isn't it obvious? Freezale might be pregnant."

My head snapped towards King when his steps staggered when he heard what I said. Kaagad na hinawakan ko siya sa kwelyo at inayos ko ang pagkakatayo niya. "Get a hold of yourself."

"I think I need a human holder."

"Kapag hindi ka umayos sisiguraduhin ko na hindi mo makikita si Freezale ng isang buwan."

"You can't do that!"

"I can do anything I want." Muli kong tinignan si Freezale na nakayukyok pa rin sa lamesa. "Freezale."

"Ano?"

"End your husband's misery, Baka bigla na lang bumulagta ang taong 'to. Are you or are you not pregnant?"

Nag-angat siya ng mukha at tumingin sa asawa niya bago sinagot ang tanong ko. "I am."

Sa isang iglap ay napuno ng hiwayan ang paligid. Nakalapit na rin ang bandmates ni King at kasalukuyang tinatapik ang balikat ng naestatwa na lalaki. This must be a shock for him. Dahil hindi madali ang pagkakaron ng anak para kay King because of his LSC condition.

"Sweetie, I'm back!"

Lahat kami ay napatingin kay Triton na kapapasok lang na kasalukuyang may daladalang paper bag habang iwinawagayway ang isang pregnancy kit. Lumapit siya sa amin at ibinuhos ang laman ng paper bag sa lamesa.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang bibilin kaya sinabihan ko na lang ang nasa BHO CAMP Hospital na bigyan ako ng tig-dadalawa ng lahat ng klase. Just to be sure, right? So here it is!" proud na sabi ni Triton.

"Oh." napapakamot sa pisngi na pinagmasdan ko ang mga pregnancy kit. "Sa tingin ko hindi na natin kailangan. Buntis si Freezale."

"What?!" tumingin si Triton kay Freezale at pagkatapos ay kay King. "Wow! Congratulations!" nakangiting tumingin siya sa akin. "So what will I do with this?"

"Ibalik na lang sa ospital."

"Bawal mag refund ang mga..." napatingin si Triton sa mga guests at alanganing ngumiti. " You know. Pauso ni tita Autumn para lalo daw silang yumaman."

"Fine. Itapon mo na lang."

"Sayang naman."

Pinaikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya. "Eh di gamitin mo."

Sinuyod niya ng tingin ang mga pregnancy test. "Pwede ba?"

"May matres ka ba?"

Bago pa siya makasagot sa pambabara ko ay nakangusong inalalayan na ni King ang asawa niya patayo. Tumingin siya sa amin at nagsalita. "Makaalis na nga. Mang-aagaw kayo ng spotlight! Ihetyu!"

Sinundan ko na lang sila ng tingin ng tuluyan na silang lumabas. If I know kung ano-ano lang ang kababalaghan na gagawin ng mga iyan para magcelebrate sa panibagong baby nila.

I'm happy for them. Kahit na noong una ay duda pa rin ako kay King, ay sa kalaunan ay nalaman ko rin kung gaano kamahal ni King si Freezale. May mga bagay lang talaga na kinakailangang mangyari sa kanilang dalawa. Kinailangan lang siguro nila na matuto sa sarili nilang paraan.

Alam ko kung gaano nasaktan ni King si Freezale. Nandoon ako. Nandoon kaming lahat. Wala kaming magawa kundi manood na lang habang si Freezale ay nahihirapan. Because we can't do anything to stop the pain...not when Freezale's holding on to that feeling.

Nandoon kami ng mawala ang first baby ni Freezale, nandoon kami ng tuluyan ng nagising si King at sinuyo siya, at nandoon kami ng magpakasal sila at nagsimulang bumuo ng pamilya.

"Are you okay, sweetie?"

I looked at Triton who's worriedly looking at me. "Yes. Tri..."

"Hmm?"

"I want the wedding before sunrise."

I felt his warm breath on my neck when he gently kissed it. "And?"

"Motif will be marigold. And the flowers...gusto ko marigold din."

"What's the inspiration for this? Akala ko ba nahihirapan ka na mag-isip ng theme para sa wedding natin?"

"Freezale helped me." Nakangiting nilingon ko siya. "I want the wedding before sunrise...before Dawn, dahil di ba sabi mo, it means a new beginnning?"

"Dawn."

"Yes?"

With his eyes twinkling with happiness, and his lips curved into a smile, he leaned towards me and murmured.

"Perfect."

NAPABAHING ako dahilan para matawa na naman si Triton na kasalukuyan kong kasama rito sa office niya. May hawak ako na pamunas habang siya naman ay may hawak na walis.

"This place will kill me."

"Grabe ka naman, sweetie. Ang tawag sa ganitong kwarto, rockstar themed room."

Napapailing na binato ko siya nang nadampot ko na bote ng mineral water. "Ang sabihin mo, makalat ka lang talaga. May rockstar ka pang nalalaman diyan."

"Di bale ng makalat at madumi ang paligid ko. Basta pagdating sa'yo ay malinis na malinis ang hangarin ko."

"Walang koneksyon."

Napapakamot sa ulo na pinagpatuloy niya ang pagwawalis niya. "Wala ka talagang awa pagdating sa akin Dawn. Lagi mo na lang akong binabara."

"At least bara lang. Buti nga hindi kita binusted."

Napatigil siya na kunwa'y nag-iisip. "Kung sabagay may point ka diyan."

Muli kaming natahimik at kaniya-kaniya na sa paglilinis ng office niya na mukhang tinirhan ng isang daan na aso na hindi pa trained dahil sa sobrang kalat ng paligid. Hindi na nakakapagtakang ang tagal niyang makatapos ng trabaho. Ganito ba naman kasi kakalat.

Yumukod ako at kinuha ko gamit ng cleaning tong na hawak ko ang mga wrapper at inilagay ko iyon sa sako na malapit sa akin.

"Dawn, pahiram ako niyan."

Nilingon ko si Triton at inihagis ko sa kaniya ang cleaning tong ng makita kong iyon ang tinuturo niya. Nasalo naman niya iyon at nag flying kiss pa sa akin.

Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Pinunasan ko muna ang mga cabinet at ng matapos ay ang lamesa naman niya ang binalingan ko.

Napakunot ang noo ko ng may mapansin ako sa ilalim ng lamesa niya. At dahil wala akong balak na basta na lang humawak sa mga unknown particle dito sa lungga ni Triton ay inabot ko ang ruler sa lamesa at ginamit ko na pangsungkit sa nakita ko.

Iniangat ko iyon dahilan para mapasinghap ako sa nakita ko.

Panty!

How is this even possible? Halos lagi kaming magkasama. Ang mga koleksyon niya ng panty na binibili lang naman pala ng mga nagiging flings ni Thunder at ibinibigay kay Triton dahil na rin sa utos niya ay matagal na niyang naitapon.

Kuyom ang kamay habang ang isa ay hawak ang ruler na may nakasabit na panty na nilapitan ko si Triton na kasalukuyang pasayaw-sayaw pa habang nagwawalis. Sinakyan niya pa ang walis habang kumekembot-kembot na parang macho dance at nakapikit ang mga matang kumakanta.

"Triton Lawrence."

"Yes, sweetie- Aray! Sweetie, bakit?!" tanong ni Triton na hinihimas ang noo niya kung saan ko ipinalo ang ruler.

"Anong bakit bakit ka diyan?! Ano 'to? Sinong agent ang ipinasok mo dito sa office na hindi ko nalalaman? Junior agent? Newbie? Sagot!"

"Sandali lang, master. Kalma ka lang. Ganito kasi iyon-"

"Break na tayo!"

Akmang tatalikuran ko na siya ng mabilis na hinawakan niya ako sa braso. Sa pagkagulat ko ay binuhat niya ako at inihiga sa desk niya. Narinig ko ang pagbagsakan ng kung ano-ano ngunit napako na ang mga mata ko kay Triton na titig na titig din sa akin.

"A-Anong ginagawa mo?"

"Discovering a new way to stop you from walking out."

"Let me go."

"Never."

Iniangat niya ang mga kamay ko at hinawakan niya iyon gamit ang isang kamay sa itaas ng ulo ko. Alam ko na kayang-kaya ko na kumawala sa kaniya, heck, I can even break a pair of handcuffs. But when it comes to this guy, I just can't help but be weak. That's what his prescence do to me. Pakiramdam ko kapag tinitignan niya ako ng ganito ay bigla na lamang nagbabakasyon ang mga buto ko.

"Kasama ang underwear na iyan sa mga koleksyon na pinabili ko kay Thunder para ipananggalang sa iyo."

"Kailan pa naging shield ang mga panty?"

"I already explained it to you, sweetie. It's a way to protect myself...and you. Dahil wala pa akong lakas ng loob noon na magtapat sa iyo. Na bawiin ka ulit. So I made myself looked like as a womanizer so you can see that I already moved on, kahit na ang totoo ay wala akong kayang ibang mahalin kundi ikaw."

"I hate it." I murmured.

"I know."

"I hate to see it. I hate to remember it."

"I know. I'm sorry, sweetheart."

Walang salitang marahan ako na tumango. Sumilay ang ngiti sa labi ni Triton at yumuko siya hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi namin. "Make out

and make love."

"Akala ko ba pagkatapos na ng kasal na'tin saka yang make love na 'yan?"

"Kaya make-out muna. Saka na kita sisingilin sa make love."

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa pilyo niyang ngiti. Oh, whatever. "Fine. Just so you know, sisingilin din kita. At kapag nakalimutan mo, may interest."

"Now you're talking."

"Ano, dadaldal ka na lang ba diyan o kikilos ka na?"

"Ma'am, yes, ma'am! Attack!"

CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~

A/N: Maraming salamat sa pumunta kahapon sa book signing sa SM Dasma! Sana mameet ko din ang iba sa next book signing sa March 28. (MOA, 2pm, Precious Pages.) See you! <3

CHAPTER 25

DAWN'S POV

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang mainit na bagay na dumagan sa akin. Okay lang sana kung hindi halos mawalan na ako ng hininga sa bigat niyon. But no, I don't need to think that hard para lang malaman kung ano ang pumipisa sa akin ngayon dahil pamilyar na ako sa pakiramdam na ito.

Hindi naman ito ang unang beses na tumabi siya sa akin.

"Triton."

No response. Nagpatuloy lang siya sa mahimbing na pagtulog kasabay ng mas lalong paghigpit ng yakap sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako at mahinang siniko ko siya. "Triton Lawrence!" I hissed at him.

"Hmm?"

"You're crushing me."

Mahinang umungol siya. "Crush? Hindi kita crush, mahal kita."

"Nabibingi ka na, Tri. Will you just get off me?"

"Don't wanna." he said disgruntedly. "Let me sleep, sweetie. I'm too tired."

Naiintindihan ko na pagod siya pero katulad niya ay gusto ko ding ipagpatuloy ang tulog ko. Pareho lang kaming pagod. Bukod pa doon ay hindi ko alam kung paanong nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon.

"TRITON LAWRENCE GET OFF ME!"

Kasabay ng sigaw ko na iyon ay bigla ko na lamang siyang itinulak. At dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko ay dire-diretso siya na gumulong papunta sa sahig.

"Sweetie naman!"

"Get out! Kapag nalaman ni Daddy na nandito ka paniguradong ipapako ka niyon sa gitna ng BHO CAMP."

Nakasimangot na bumangon siya mula sa sahig at ipinatong niya ang isang siko niya sa kama para mangalumbaba. "Hindi pa ba niya alam? Nagtanan tayo di ba?"

"He probably knows but I'm certain he don't want it rub on his face."

Kakamot-kamot na tumayo siya. "Sabi ko nga, aalis na nga po."

"Good. Now get out."

"Pwedeng pakiss muna?"

Pinigilan ko na paikutin ang mga mata ko. Hindi talaga pwedeng wala siyang ihihirit na sabihin. "Kailangan pa ba?"

"Oo naman. Kumbaga sa kotse, ang halik mo ang gasolina. Paano ko sisimulan ang isang buong araw kung wala ang halik mo na bubuo sa araw ko?"

"So kung matagal tayong hindi magkikita, maghahanap ka na ng gasolina sa iba?"

"Syempre hindi. Anong akala mo sa akin cheap? Basta-basta na lang nagpapagasolina sa iba? Aba hindi pwede yan, sweetheart. Only the best for the best."

Ipinilig ko ang ulo ko. Pakiramdam ko kung saan-saan na nakkarating ang usapan namin. "Umalis ka na nga at nahihilo akong kausap ka."

"Pakiss na muna kasi."

"Fine-"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nakalapit na siya sa akin kaagad. Sa pagkabigla ko ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na halos ilang distansiya na lang ang layo sa kaniya dahil ngayon ay nakakubabaw na siya sa akin.

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Akala ko ba halik lang?"

"Halik nga lang. Pero siyempre ang special mo na halik ay kailangan din ng special position."

"Triton, just shut up and kiss me."

"Roger!"

Aktong bababa na ang mga labi niya patungo sa akin ng marinig ko ang door bell ng kwarto na tinutuluyan ko rito sa BHO CAMP headquarters. Nagkatinginan kami ni Triton ng ilang sandali lang ang lumipas ay narinig namin ang pagbukas ng pinto.

"Who's that?" I whispered.

"Probably Freezale?" he whispered back.

Sa pagkakatanda ko ay wala naman kaming usapan ni Freezale na may kailangan kaming pag-usapan ng ganitong kaaga. And normally, Freezale will not talk to me here but instead, at the control room. Pero wala namang ibang nakakaalam ng security code maliban kay Triton, kay Freezale

...

...

at sa parents ko.

"Get out of here, Tri."

"What-"

"Dawniella? Are you awake baby?"

Mabilis na tumakbo ako patungo sa pinto ng marinig ko ang boses ni mommy. Humarang ako doon at nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si Tri. "Get out!"

"You're blocking the door!"

"Window!"

"What?!"

"Now!" I whispered loudly.

Nagkukumahog na binuksan niya ang bintana at lumabas roon. Nang makita kong kumilos na siya at nawala na sa tapat ng bintana ko ay binuksan ko na ang pintuan.

"Mom?"

Unang pumasok si daddy na kaagad na inilibot ang mga mata sa kwarto ko. Bumaba ang tingin niya sa kama ko bago lumipad ang tingin niya sa akin. "May kasama ka ba dito kanina?"

"W-Wala, dad."

"Bakit magulo ang kama?"

"I was restless. Hindi ako mapakali dahil ang dami pang trabaho na kailangang ayusin."

Lying will never be good kahit na may bahid man ng katotohanan ang sabihin mo. But I don't want to agitate my parents ngayong kailan lang kami nag-ayos. Hindi naman ibig sabihin na moderno na ang panahon ngayon ay magiging okay na agad sa kanila na kasama ko si Triton matulog.

At malaki ang posibilidad na kahit na sino ay hindi maniniwala na tulog lang talaga ang ginagawa namin ni Triton.

"Your windows are open." he pointed out.

"I want some fresh air."

"Nang nakabukas pa rin ang aircon mo?"

"I was about to turn it off when I heard you came in with mom."

"Baka naman-"

Napatigil si daddy sa sasabihin ng bigla na lamang pumito si mommy ng malakas. Nakapamewang na tinignan niya kami ni daddy. "Baka gusto niyo na sa Interrogation Room na ituloy iyan tutal ay hindi na maubos-ubos ang palitan ninyo?"

"Loves." saway ni daddy sa kaniya.

"Nabuo natin si Dawn bago pa lang tayo ikasal. Idagdag pa na magkapatid ang tingin sa atin ng mga tao. Your daughter is smart, Warren, alam niya ang ginagawa niya."

"I'm not doing anything, mom."

Mataman na tinignan niya ako bago nakangiting tumango-tango. "Right."

"I'm not."

Ngumiti lang siya dahilan para mapabuntong-hininga ako. She didn't buy it and I don't think my father did. Ano pa nga ba ang maitatago ko sa kanila? Lahat ata ng kilos ko basang basa na nila.

"Anyway, nagpunta lang kami rito para sabihin na baka ilang linggo na hindi kami makakabalik dito ng daddy mo. Pupunta kami sa Paris."

"Paris? For what?" Sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi ni mommy kasabay ng pamumula ng mukha ni daddy. In an instant, my curiosity fled away to the other planet. "Nevermind."

Ilang sandali pa na nag-usap kami habang hinahabilin nila ang mga kailangan kong gawin habang wala sila. Nang matapos ay nagpaalam na sila at lumabas habang ako naman ay nag-intay muna ng ilang minuto bago ako lumabas ng kwarto.

Balak ko na sanang kumatok sa pintuan ng kwarto ni Thunder ng bumukas ang pintuan sa kabilang bahagi ng kwarto ko kung saan si Snow ang nag ma-may ari. Sa pagkagulat ko ay si Phoenix ang iniluwa ng pintuan.

"What the heck are you doing there?" I asked.

"Bago mo ako tanungin, puntahan mo na muna ang asawa mo."

"Wala akong asawa."

"Okay."

Napakamot ako sa pisngi ko ng nanatiling nakatitig lang siya sa akin at mukhang wala ng balak na magsalita. I rolled my eyes and entered the room.

I scanned the room but stopped when I saw Triton at the center of the living room. Nakadapa siya habang sa ibabaw niya ay naroon si Snow na kasalukuyan siyang pinupukpok ng mango shape na unan.

"Aray! Dawn, help me!"

Humugot ako ng malalim na hininga. "Snow, wake up and stop hitting him."

Ganiyan talaga si Snow kapag bagong gising, wala sa wisyo. Masama ding gisingin ng biglaan si Snow dahil ibang Snow ang bumabati sa mga agents na nagkamaling nagtangka na gisingin siya.

Si Phoenix lang naman ang kayang rumihistro sa utak niya kapag ganitong nasa alapaap pa ang kaluluwa niya. Kahit ang mga magulang niya na sina tita Wynter at tito Rain ay nakasanayan na ang kakaibang mood ni Snow kapag naalimpungatan.

And speaking of... "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Snow sa ganitong kaaga?"

Bumuka ang bibig ni Phoenix para sumagot pero naunahan siya ni Snow na mukhang gising na talaga at ngayon ay tinigilan na ang pagpalo kay Triton. "Hindi siya pumunta ng maaga dito."

Kumunot ang noo ko. Hindi pa ata tuluyang gising ang taong 'to. "But he's here."

"He slept here."

"WHAT?!" magkasabay na sigaw namin ni Triton.

Nagtatakang tinignan kami ni Snow bago ngumuso. "Anong masama roon? Kayo din naman ah, magkasama kagabi. Tinulungan pa nga namin si kuya Triton na hanapin si ate Freezale kasi nakalimutan niya ang pssword mo."

"Magkaiba iyon! Hindi dapat dito natutulog si Phoenix!"

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Do I need to spell it out?! Hindi magandang magkasama ang lalaki at babae sa iisang kwarto dahil baka may iba silang gawin!"

"Ahh." tumatango-tango na sabi niya. "Marami nga kaming ginawa ni Nix nix kagabi. Napagod nga ako eh. Nakakangalay pala 'yung ganon no?"

Pakiramdam ko ay nagsisimula na akong mag hyperventilate sa sinabi niya. Si Triton na nasa sahig pa rin ay nakanganga na ngayon na nakatingin kay Snow.

"W-What?" I whispered.

"Iba't-ibang posisyon pa ang ginawa namin. Ang daming itinuro sa akin ni Nix nix kasi wala naman akong alam sa ganoon. Sa dami naming ginawa ang sakit-"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtili. Napaigtad siya sa gulat at nagtatakang tinignan ako habang para na akong malalagutan ng hininga sa pagtili. Nang tumigil ako ay madilim ang mukha na nilingon ko si Phoenix.

I know that Snow's older than me in age but I'm older than her in many ways. And it includes this.

"What did you do to her?!" I shouted at Phoenix.

"Hindi lang kayo nagkakaintindihan ni Snow-"

"Malinaw na malinaw ang narinig ko!"

Napapakamot sa ulo na nagpaliwanag si Phoenix. "I was teaching her how to dance, Dawn. Ginaya namin iyong binili niya na ballroom dancing CD."

Nakangusong tumingin si Snow sa lalaki. "Iyon nga ang ipinapaliwanag ko kay, Dawn,

Nix Nix. Paulit-ulit ka naman eh!"

Phoenix tapped Snow's head lightly. "Right, sorry."

Snow just beamed at him. Pagkaraan ay inabot ni Snow ang isang malaking crystal bowl. "Candies?"

Lumapit ako kay Triton at hinila ko siya patayo bago ko sinagot si Snow. "No thanks. At nilalanggam na iyan."

"OMG! Nix nix inaagawan ako ng langgam ng mango candies!"

Hinila ko na paalis si Triton bago pa maisipan ni Snow na isali kami sa pakikipaglaban nila sa mga kawawang langgam.

Nang makalabas kami ay sumandal si Triton sa pintuan at nakangiting binalingan ako. "Your family's weird."

"Parang matino ang sa'yo."

"Then we're perfect don't you think?"

I smiled and rolled my eyes. "Whatever."

"MUKHANG natanggap na nila tayo." pagbibigay alam sa akin ni Triton habang nakaupo kami sa isa sa mga bench sa palibot ng BHO CAMP. Sa kandungan niya ay naroon ang laptop kung saan naka-log in siya sa Facebook.

"Hindi lahat."

"Naturally."

Binaba ko ang binabasa ko na libro at sumilip ako sa tinitignan niya. Napangiti na lang ako ng kumilos ang braso niya at ipinaloob ako sa mga iyon. "Tsansing ka na naman."

"Bawal ba?"

"Paano kung oo?"

"Eh di hahanap ako ng paraan para maging pwede." sagot niya.

"Ewan." binalik ko ang atensyon sa mga nasa screen. Sa isang fan group iyon ni Triton. Mukhang karamihan sa haters namin dati ay tanggap na kami ngayon. Pero may mangilanngilan na maka-Delta at Triton pa rin. "Ano na nga pala ang nangyari kay Delta?"

"Ano namang kailangan na mangyari sa kaniya?"

"Let me rephrase it. Ano na ang nangyari sa manager mo na in love sa iyo?"

"She's not in love with me."

"Bulag ka."

"Dawn..."

Nilingon ko siya at tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na nga ang nangyari sa kaniya? Bakit hindi siya umaaligid aligid sa iyo ngayon?"

Bumuntong-hininga si Triton. "She's convincing everyone that we're through."

"I don't believe it."

"Dawn, she's a good woman. Hindi siya threat sa atin okay? Manager ko lang siya at alam niya iyon."

"Babae ako, Tri, kaya alam ko. Sa dami ng sinabi sa akin Delta noon, hindi iyon ang mga salita na sasabihin ng isang manager lang. She's in love with you."

"Dawn-"

"I don't want you working with her."

Selfish man pakinggan pero iyon ang gusto ko. Wala akong balak na siya pa ang maging dahilan para mag-away kami ni Triton. I'm not comfortable with her around him. I will never be comfortable with the thought of her with him.

"Okay."

Napatigil ako sa sinabi niya. Bahagya akong lumayo at tinitigan kon siya sa mga mata. "Anong ibig mong sabihin na 'okay'?"

"Okay, I won't work with her."

"Are you sure?"

He smiled and planted a kiss on my nose. "If you're uncomfortable with her then I won't work with her."

"That simple?"

"Yes."

Nagdududang tinignan ko siya. "Hindi mo lang sinasabi iyan para gumaan ang loob ko? Talagang hindi ka na magtatrabaho kasama si Delta?"

"You're my first priority, sweetie. You'll always comes first before anyone."

"How sweet."

Napalingon kami ni Triton sa narinig naming nagsalita. A voice that makes my hand itch to destroy something.

...

...

Delta Villanueva.

CHAPTER 26 ~ Mine ~

A/N: Thanks so much sa mga BHOCAMPER na pumunta noong March 28 sa MOA :) Sa uulitin <3

CHAPTER 26

DAWN'S POV

Katulad nang huli ko siyang makausap, akala mo ay pag-aari pa rin ni Delta ang lahat ng nasa paligid niya sa asta niya. O kung mas tamang sabihin na tinuturing niya na pag-aari niya ang taong katabi ko.

Oo aaminin ko, sobrang slow ko pagdating sa nararamdaman ko. That's because I'm too busy handling everything and too preoccupied on forcing myself to forget what Triton and I had before. Pero hindi na ngayon.

Kaya kung ano man ang binabalak niya, hindi ko mapapayagan iyon.

"Delta, what are you doing here?"

Dumako ang tingin ni Delta kay Triton na siyang nagsalita. "Searching for you. Alam mo ba kung gaanong kalaking gulo ang iniwan mo sa akin dahil mas inuna mo pa ang mga bagay na hindi naman importante?"

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko ng gumawi sandali ang tingin niya sa akin sa huli niyang sinabi.

"Alam mo din ba kung anong sari-saring issue ang lumabas dahil sa ginawa mo na pagkausap sa mga fans mo?"

"Dahil hindi na tama ang ginagawa nila."

"Artista ka, Trei. You know not to never act that way. Alam mo kung ano ang kapalit ng kasikatan mo."

Triton brushed his hair up and stand up. "I don't want it anymore. Fame. Because what the people wants me to give up is not something I can let go of."

"Kaya basta mo na lang bibitawan? Paano ang mga nagmamahal sa'yo? Paano ako?"

Napatingin ako kay Triton sa sinabi ni Delta. I heard the double meaning...but as expected, Triton doesn't realize it. "Madaling makalimot ang mga tao. They'll soon forget me. And you...you need to go back to your parents, Delta. Matagal ka na raw hindi umuuwi sa inyo sabi ni Tito."

Kumuyom ang mga kamay ng babae. "This is about you, Trei! Kilala kita. Hindi ka makakatagal na hindi sa iyo nakatapat ang spotlight. You'll crave the fame, Trei and I'm sure about it."

"I respect you, Delts and I hate to say this. But really, you don't know a fuck about me. Matagal na kitang kilala pero Trei pa rin ang tawag mo sa akin. I'm Triton Lawrence. You may know what food I love, what clothes I want to wear, but that doesn't say much about me."

"Triton, focus! You're losing too much because of that woman-"

"Fame is just a way to distract myself to reach out for something as beautiful as this woman beside me."

"Trei-"

"But my head is out of my ass now. I'm done restraining myself. And by some miracle, she's done running away too. Wala na akong gusto na hilingin pa. Because fame will lack comparison to the happiness I'm feeling now."

"Hindi kita kilala?" tinuro ako ni Delta. "I knew about her! You told me about her!"

"Yeah? And that made you know everything about me?"

Akmang magsasalita pa si Delta ngunit may kung sino na tumawag kay Triton. Bahagyang tinanaw ko ang tumawag sa kaniya at napag-alaman ko na si Hermes iyon. Hermes looked at me for a second before he gave Triton a head tilt to call him.

Nag-aalalang tinignan ako ni Triton. I nodded at him and smiled. "I'll be fine."

"That's not what I'm worried about."

I bit the inside of my cheek to stop myself from laughing. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Na natatakot siya sa kung ano ang magawa ko kay Delta. "She'll be fine." I whispered. "Go."

Bantulot na umalis siya. Hindi iilang beses na lumingon siya sa kinaroroonan namin bago siya tuluyang sumunod kay Hermes.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay nawala na ang ngiti sa labi ko. I looked down at the phone I'm holding and delete the message I sent to Hermes at pagkatapos ay ipinasok ko iyon sa bulsa ko bago ako tumayo.

"Binabawi ko na ang sinabi ko noon." pahayag ko.

"What?"

"I said you're nothing to me as well as Triton. You're still nothing in my eyes, but Triton matters and he's mine." Puno ng galit na tinignan niya ako pero nagpatuloy ako. "I don't share, Miss Villanueva. Kaya kung ako sa'yo ititigil ko na ang ginagawa mo."

"Tinatakot mo ba ako?"

I chuckled darkly. "Why, are you already scared? Hindi pa nga ako nagsisimula, natatakot ka na."

Tumalim ang mga mata niya. "You're not right for him-"

"At ikaw ang nararapat para sa kaniya? Nasabi mo na iyan sa akin noon pero pareho pa din ang sasabihin sa'yo. If I'm not good for him then no one will."

"You're ruining him!"

"Am I?" lumapit ako sa kaniya hanggang halos wala ng distansiya sa pagitan naman. Bahagya akong dumukwang at bumulong sa kaniya. "Ako ba ang kaibigan ni Pamela Morales na kumumbinsi sa kaniya na umarte sa bar na iyon? Ako ba ang may kaibigan na journalist na siyang magcocover ng magaganap na pag-arte sa lugar na iyon para idiin si Triton? Hindi ba't ikaw lahat iyon? So...who's really ruining him?"

Napangiti ako ng mapasinghap siya. Umatras siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. "P-Paano..."

"Paano ko nalaman lahat ng ginawa mo? Kung paano na si Pamela at ang journalist na

siyang dapat na mambablack mail kay Triton ay mga kaibigan mo pala at inutusan mo para gawin ang mga ginawa nila dahil planado mo na lahat. Pati na ang pagtawag mo kay Thunder para hanapin si Triton. I have to give it to you, matalino ka. Halatang pinaghandaan mo ang lahat para lang mapilitan si Triton na maengage sa'yo."

Walang salita ang lumabas sa bibig niya habang nakatingin sa akin. Animo nawala din lahat ang dugo niya dahil sa sobrang putla niya.

"Matalino nga ba ang dapat itawag sa iyo o...desperada?"

"Paano?!"

I chuckled again. She really looks scared. "Matalino ka pero hindi kasing talino ko. Maayos mo na naiplano lahat maliban sa isang bagay. Masyado ka kasing excited. It's a good thing that I'm on leave right now and I able to focus on you without Triton knowing." ngumiti ako ng makita ko ang kaguluhan sa mga mata niya. "Hindi ba't wala naman sinabi sa iyo si Thunder na kahit na ano maliban sa hindi pa umuuwi noon si Triton? Then you said to me the last time we talked that you searched for him at any possible place that he will go to. But that bar have CCTV cameras, Miss Villanueva. And at the same time Triton went to that bar...kitang-kita na nandoon ka na at nakaparada na ang kotse mo sa bar."

"You...you..."

"Pamela Morales and your journalist friend had already given their statement. 'Wag ka na munang magbubukas ng TV. Dahil kapag naayos na ang lahat, mararamdaman mo ang ipinaranas mo sa akin."

Bakas pa rin ang galit na pilit na sinalubong niya ang mga mata ko. "N-Nagmahal lang ako."

"At ako hindi?"

"Pinakawalan mo siya!"

"Dahil pinakawalan niya ako. But love is love, Miss Villanueva. It will always find a way, kahit na gaano pa karaming hadlang ang iharang sa amin."

"Nagmahal lang ako. Wala tayong pinagkaiba." bulong niya.

"Malaki ang pagkakaiba natin, Delta. Mahal ko siya at mahal niya ako. Mahal mo siya...at hindi ka niya mahal."

"Susukuan mo din siya, at babalik rin sa akin. Ako pa rin ang makakasama niya at hindi ikaw."

Iniangat ko ang kamay ko at ipinakita ko sa kaniya iyon. Ang sing-sing sa daliri ko lang ata ang hudyat dahil nawala ang tapang sa mukha ni Delta at kasabay niyon ay ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya.

Babae siya at naiintindihan ko ang nararamdaman niya. But no matter how you love someone, no matter how you want to be with him...you should always love right. Hindi iyong may natatapakan ka na na ibang tao.

What she did was wrong and she need to learn her lesson. She need to understand that fighting for love is different to forcing love.

"Wala na akong planong sumuko. Hindi ko na siya pakakawalan. I know that you love

him...that you care for him. Alam ko na gusto mo na mahanap niya ang tamang babae para sa kaniya. But it's not you or me who will be able to tell who's right for him. It will be his decision...and he chose me."

Sandaling nakatingin lamang siya sa akin at pagkatapos ay mabilis na tuymakbo siya paalis ng hindi lumilingon. Nahahapong napaupo ako sa bench.

"Dawn..."

Nag-angat ako ng tingin. Triton's looking at me with sadness in his eyes. "I'm sorry that I have to do that." I whispered.

"Naiintindihan ko."

"Alam ko na may pinagsamahan kayo."

Umupo siya sa tabi ko at marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa

mukha ko. "She tried to take you away from me."

"I'm sorry that you have to see-"

"Dawn." he whispered.

"Yes?"

"Shut up and kiss me."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko. My hands went up to the collar of his shirt and I tugged hard. "Copy that."

NAPAPANGITI na lang ako kapag napapadako ang tingin ko kay Triton. Kausap ko ang wedding planner namin na si Rose na napapatingin din kay Triton na ngayon ay may hawak na isang plato na puno ng iba't-ibang slice ng cake.

"Pasensya na ha? Hindi kasi kayang i-process ng sistema niya ang mga pinag-uusapan natin kaya iyang mga free taste na cake ninyo ang pinag-iinteresan."

"Okay lang ma'am. Tutal ay kahit hindi naman po kayo sa amin magpapagawa ng wedding cake ay babayaran niyo pa rin kami ng amount para sa cake."

Si Hermes at Ocean kasi ang nagpresinta na gagawa ng wedding cake namin. Pati si Tito Yale, ang ama ni Ocean ay tutulong rin. At dahil ang wedding gown naman na susuotin ko ay si Mommy at Grandmie Bree ang magpapagawa ay baka lumuha na ng pako ang wedding planner namin dahil halos wala na kaming ipinagawa sa kanila.

So like what the other agents did, babayaran pa rin namin ang minimum amount para sa isang cake at gown na pinoprovide nila.

"Sweetie." Bumuka ang bibig ko para sagutin ang pagtawag ni Triton ngunit natigil iyon ng isubo niya sa akin ang isang piraso ng cake. "Taste good, right?"

"Ahuh." I said while chewing the cake. Tumingin ako kay Rose at nagsalita, "This is really good-"

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na lamang na magkalapat na ang mga labi namin ni Triton. His tongue traced the curve of my lips in an agonizing slow movement before he pulled away and smiled at me. "It taste even better on you."

Napakamot na lang ako sa pisngi ko ng sunod-sunod na napairit ang mga empleyado ni Rose pati na ang babae habang nakatingin sa amin ni Triton.

"Tri."

"Magkakasala ang mga soon to be groom na mga iyon kapag hindi kita hinalikan." bulong niya sa tapat ng tenga ko.

Tinignan ko ang tinuturo niya. May ilan nga sa mga groom na kasama ang mga soon to be bride nila na may kaniya-kaniya din kausap na planner na ngayon ay nakatingin sa amin.

"Seloso."

"Masama?"

Pinigilan kong mapangiti. "Hindi naman. Ako din selosa. May reklamo ka?"

"Wala." nakangiting sabi niya. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nagningning ang mga mata niya sa kapilyuhan. "Pakiss nga, Misis."

Natatawang itinulak ko na siya palayo. "Ang kapal mo, hindi pa kita asawa. Tsupi! Marami pa kaming pag-uusapan ni Rose."

"Rose, alagaan mo si Dawn ha? Baka kagitin iyan ng mga lamok-"

"Maaga pa." putol ko sa kaniya.

"Baka kagatin siya ng mga langaw, sige ka, ipapakulong kita. 'Wag mo din siyang hayaan magutom ha? Kasi hindi siya pwedeng pumayat dahil mahal na mahal ko ang bawat-"

Namewang ako at binigyan siya ng masamang tingin. "Sinasabi mo bang mataba ako?"

Nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng ngiwi. "Hindi ah. Ayaw lang kita talagang pumayat."

"Eh di mataba talaga ako!"

"Hindi!" sunod-sunod na umiling siya. "Baka kasi mabawasan ang...ang..." tinaasan ko siya ng kilay. "Ang kasexyhan mo."

Inirapan ko siya. "Umalis ka na nga at baka maisama pa kita sa mixture ng cake."

"Sweetie naman."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papunta sa isang panig ng lugar kung saan naroroon ang iba't-ibang klase ng mga bulaklak.

"Sweetie, I love you!"

"Heh!"

CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~

CHAPTER 27

DAWN'S POV

Magkasalubong ang kilay na pinagmasdan ko si Athena at Hera na ngayon ay nasa harapan ko. Kukurap-kurap pa sila na animo nagpapakainosente ng todo. Kung hindi ko pa sila kilala siguro ay naniwala na ako.

"Pakiulit nga ulit kung bakit nandito kayong dalawa sa ganitong oras ng gabi?"

"Ate naman eh!" reklamo ni Athena. Kanina ko pa kasi sa kanila pinapaulit-ulit kung bakit sila nandito. Natutulog na ako kanina nang magising ako dahil sa pambubulahaw na sila.

"Hindi kita kapatid."

Nakangusong naglabas ng lollipop si Athena at isinubo iyon. "May hinanda kami na bachelorette party para sa iyo. Kaya magbihis ka na ate Dawn dahil nandoon na ang iba pang mga babaeng agents. Baka magwala na si ate Freezale kapag hindi ka pa dumating roon."

"For goodness sake it's eleven in the evening!"

"Alangan namang umaga ang gawin namin na bachelorette party ate!" na sabi ni Hera.

nakanguso na rin

"Pwede namang umaga talaga. At saka isa pa, hindi pa naman bukas ang kasal ko."

"Kailangan talaga bago ang kasal at saka gawin ang party? Hindi naman ah! Besides ate, bukas kailangan mong maagang magpahinga dahil madaling araw ang kasal ninyo ni kuya Triton. Hindi ko nga alam kung bakit iyon pa ang napili niyo. Paniguradong maga pa ang mukha ko niyon."

"I know right! Kailangan ko ng matinding pampering bukas." segunda ni Athena.

Naiiling na iniwan ko na lang sila sa sala at nagtungo ako sa kwarto para magbihis. Wala naman akong magagawa dahil hindi nila ako titigilan kung hindi ako sasama sa kanila. Kung bakit naman kasi kailangan pa ng bachelorette party.

Nang makapasok sa kwarto ay kinuha ko ang phone ko at kaagad na dinial ko ang number ni Triton. Hindi naman nagtagal at sinagot niya iyon, "Dawn?"

"Hindi ka pwedeng pumunta ngayon dito."

"What? Why?"

"May bachelorette party daw ako. Panigurado na papunta na rin diyan ang mga boys para hatakin ka kung saan."

Katulad kasi ng mga nagdaang gabi ay pumaparito si Triton kapag tulog na ang mundo. He especially wants to be with me tonight since bukas ay hindi na kami pwede magkita dahil sa tradisyon.

"Can we just skip it?"

"Kaya mong kumbinsihin ang mga taong iyon?"

Natahimik siya sa kabilang linya. Alam namin pareho kung gaano katigas ang ulo ng mga agents. Alam namin dahil wala kaming pinagkaiba sa kanila.

"Tri."

"I miss you."

"We've been away for just three hours."

"Miss kita eh! May reklamo?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Isa pang makulit ang isang 'to. "Sabi ko nga wala. Anyway, I'm gonna put down the phone. Baka gibain ni Athena at Hera ang flat ko kapag hindi pa ako magsimulang mag-ayos."

"Are you not gonna tell me to stay away or not to stare at the women those guys will surely hire?"

A smile crept to my lips. "No. Because I wouldn't stop staring if the girls will hire men to entertain us."

"W-What?!"

"Bye!"

"Hey, Dawn! Don't you dare put down-"

Nakangising pinutol ko ang tawag. Paniguradong hindi siya mapapakali buong magdamag. Tignan ko lang makapagpokus pa siya sa mga babae na kukunin ng mga BHOCAMP boys. As for me...it's not like things like that entertains me.

Panigurado na katulad sa bachelorette party ni Sky ay wala na naman akong gagawin kundi ang magbasa sa tablet device ko.

Nagshower lang ako saglit at pagkatapos ay sinuot ko na lang basta ang unang dress na nakita ko sa closet ko. I applied my make up and when I'm done, I went to the living room. Natagpuan ko doon sila Athena na kasalukuyang magkayakap at namumutlang nakatingin sa isang panig ng kwarto.

Sinundan ko ang tingin nila at napabuntong-hininga ako ng makita ko si Twinkle na nanahimik sa isang tabi. Lumapit ako sa kaniya at binuhat ko para ilagay pabalik sa aquarium niya. "Lumabas ka na naman. Alam mo naman na allergy sa iyo ang mga tao dito."

Dalawa ang aquarium ni Twinkle. Kadalasan ay nasa office siya pero ngayon ay nilipat ko siya dito sa kwarto dahil puro paper works lang naman ang tinatrabaho ko at dito ako naglalagi.

"Bibigyan kita ng isang dosena na pure bred dogs ate Dawn, basta ipaampon mo na lang si Twinkle sa iba." namumutla pa rin na sabi ni Hera.

"Sige."

Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga?"

"Oo. Basta ikaw o si Athena ang aampon sa kaniya tatanggapin ko ang isang dosenang aso na inaalok mo-"

"Nevermind." magkasabay nilang wika.

Napapalatak na pinamewangan ko sila. "Aalis ba tayo o uupo na lang kayo diyan? Dalian niyo. Diamonds ang bawat oras ko."

"Ma'am, Yes, Ma'am!"

"Sugod!"

NAPAANGAT ako ng tingin mula sa binabasa ko ng bigla na lamang may humablot sa tablet device ko. Handa na sana akong i-karate chop ang magnanakaw ng makita ko na si Sky lang pala iyon.

"Akin na yan."

Imbis na sundin ako ay inilagay niya lang iyon sa bag niya. "Bachelorette party mo ngayon kaya dapat nandito ang presensya mo at hindi naglalakbay sa kung ano mang romance novel na binabasa mo."

"I was reading a mystery book not a romance."

"Whatever!" tinuro niya ang stage. "Doon ka dapat nag po-pokus."

Imbis na tignan ang stage kung saan may nagsasayaw na mga macho dancer ay kinuha ko na lang ang cocktail drink ko mula sa lamesa. "Aanhin ko 'yan? I don't really see the point why bachelorette and stag parties need half naked people to dance for them."

"Dahil namamaalam ka na sa pagiging single mo." paliwanag niya.

"Bakit kailangan kong mamaalam? I'm not sad to bid goodbye to my singlehood days."

Napapakamot sa batok na nagsalita siya, "Sumasakit ang ulo ko sa'yo, Dawn. Akala ko ako na ang pinakamahirap kausap sa atin, hindi pala. Mag enjoy ka na lang. Hindi naman basta-basta ang club na ito. Alam mo ba kung magkano ang membership dito? Look at the other girls, they're enjoying themselves."

Tinignan ko ang sinasabi ni Sky na 'nag e-enjoy' daw. Si Enyo, Eris, Athena, Hera, Nyx at Chalamity ang sa tingin ko na tinutukoy niya. Dahil sila lang ang halos makisayaw sa mga macho dancer sa stage sa sobrang kahyperan nila. And they are all hammered.

Si Den ay kasalukuyang tutok na tutok din ang mga mata sa macho dancer. Hindi dahil natutuwa siya kundi dahil kinokompara niya ang mga iyon sa tinuturing niya na pinakamacho na lalaki. Walang iba kundi ang asawa niya na si Rushmore.

Si Aiere ay nangingiti lang habang nanonood at kung hindi nakatutok ang mga mata niya sa stage ay sa phone niya naman siya nakatingin kung saan paniguradong katext niya ang kuya niya na si Fiere.

Si Freezale ay tahimik na sumisimsim sa apple juice na iniinom niya habang walang kahit na anong bahid ng interes sa mga mata na nakatingin sa stage. I don't even know if she's seeing the dancers or her mind is wandering off somewhere.

Ang pinakamalala sa lahat ay si Snow, who's currently curled at the corner of the bar couch...sleeping. Maaga siyang nabored dahil tinangay ng BHOCAMP boys ang bestfriend niya na si Phoenix. Idagdag pa na siya ang unang nalasing sa aming lahat. Gawin ba namang juice ang Frozen Mango cocktail kanina.

"Mukhang nag e-enjoy nga sila."

Sky rolled her eyes at my sarcastic tone. "Makiride ka na lang, okay? Baka sabunutan ka pa ng mga babae dito dahil hindi mo maaprecciate ang mga machogwapitos na rumarampa sa harapan mo."

"That's a moot point since 80% of the people here are gays."

"May problema ka ba sa amin sisterette?!"

Nilingon ko ang nagsalita mula sa kabilang table. A gay man is currently standing with his hand on his hips. Tinalo niya pa ang kolorete ko sa mukha sa dami ng nakalagay sa kaniya. But in all fairness, he looks like a she. "No, I don't have a problem with you. I'm just making a statement. You have a problem with that?"

"Well...of coursi notie!"

Kumunot ang noo ko. "What?"

Pilit ang ngiti na hinawakan ako sa braso ni Sky at bumulong, "Stop it. Baka mapaaway pa tayo dito."

Imbis na sundin siya ay tumayo ako ng makita ko na lumapit sa amin ang bakla na naglue na ata ang kamay sa bewang dahil nandoon pa rin iyon. Huminto siya sa tapat ng table namin at tinuro ako.

"Hinahamon kita sa isang 26 hell shots game!"

"There's no such thing as 26 hell shots. It's 13 hell shots." I said with my brow raised.

Lumapit na rin sa amin ang iba pa niyang mga kasamahan at nagkaniya-kaniya na ng hamon sa mga BHOCAMP girls hanggang sa isa na lang ang walang kalaban. Lumapit iyon kay Freezale na malamig na tinignan lang ang bakla.

"Buntis ako."

"Ay bonggacious! Imbey! Sino ang kalaban ni aketch niyan?!"

Walang salita na hinila ni Freezale ang kwelyo ni Snow at inupo niya ang natutulog na babae. "Wake up."

Umungol lang si Snow at bumalik sa pagkakatulog. Niyugyog siya ni Freezale hanggang sa tuluyan na siyang magising. Matalim ang mga mata ni Snow ng magmulat siya ng mga mata. "Why are you trying to wake me up?! I WANT TO SLEEP!"

Binitawan siya ni Freezale at tinuro ang bakla na bigla atang kinabahan. "Siya ang gumising sa'yo."

Snow's murderous eyes turned to the gay man. "What do you need?!"

"H-Hinahamon kita sa isang 26 hell shots game!" panggagaya niya sa dialogue nang naghamon sa akin kanina.

"Deal. You're gonna pay for waking me up."

Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ng kumekembot-kembot na iwinagayway niya ang dalawa niyang kamay. "Eyes to me, eyes to me!"

"Hindi kita papatulan." sabi ko.

"Aba lalong hindi kita papatulan! Yow nat may tayp! "

Napabuntong-hininga ako. "Ano bang kailangan mo? Pwede ba na bumalik na lang kayo ng mga kasamaham mo sa table ninyo?"

Umiling-iling siya. "Too late ka na dear kasi nagsisimula na sila. Para di ka maout of planet, kailangan mo akong kalabanin."

Nilingon ko ang mga kasama ko. True to the gay person's words, kasalukuyan ng umuoorder ng drinks ang mga BHOCAMP girls at ang mga beki opponent nila.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa kausap ko. "Fine. But you are so gonna lose."

"I WOULD like to deshishate thish shong to my newest friend! Leshing thish together friend! Come to mama!"

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Muntik pa akong sumubsob kung hindi lang ako naagapan ng tatawa-tawang si Sky. Naglakad ako papunta sa stage na wala ng macho dancer na hindi ko alam kung saan nagsipunta.

Halos gumapang na ako para makaakyat ako sa stage. Pakiramdam ko kasi ay sa akin umiikot ang buong solar system.

Nang makarating roon ay inagaw ko ang microphone kay Romie o sa totoong pangalan ay Romeo Magtigbak. " Haw der you agaw my mic!" reklamo niya.

" Shabi mo leshing together!"

"Oo nga! Julalay, another mic phlease !"

Lumapit sa amin ang isang empleyadong lalaki ng club at inabot sa kaniya ang isa pang microphone. Nang masigurado na ni Romie na hindi na dudulas sa paniguradong nanlalambot niya na kamay ang mic ay nilingon niya ang empleyado. "Hit it beybe !"

Pumainlang sa paligid ang isang pamilyar na tugtog na narinig ko na sa kung saan. Kumekembot-kembot na inakbayan ako ni Romie dahilan para mapakembot na rin ako.

Sa baba ng stage ay gising na gising ang BHOCAMP girls na kabonding ang mga kaibigan ni Romie. Si Snow at si Minnie na siyang kalaban niya kanina sa 26 hell shots game ay kasalukuyang nakatayo at sumasayaw-sayaw. Ang iba pa ay kaniya-kaniya na din ng version nila sa pagsasayaw na hindi nakikipag face to face sa sahig dahil sa hilo.

Apektado na talaga kami ng mga inom namin. Marami na kasi kaming nainom bago pa kami nakipaglaban ng 26 hell shots kung saan nag tie kami ni Romie.

"I made it through the wilderness! Shamhaw I made it through! Didn't know how losh I wash until I found yah! " pagkanta ni Romie. "Comon girl!

Shing! "

"I WASH BEAT INCOMPLETE! I'd been had, I wash shad and blue but you made me feel! Yeah you made me feel, SHAYNY AND NEW!"

Pinagdikit pa namin ang mga ulo namin at sabay na nag 'Hey hey hey' at pagkatapos ay kinanta ang chorus.

"Like a virgin! Touch for the very fershtime ! Like a virgin...when your heart beats, nhesh to mineee!"

"Woo! Go, Dawn! Itayo mo ang bandera ng mga kababaihan!" sigaw ni Sky.

"Uy! Isali mo naman kami sa pangarap mo ulap!"

"Woo! Go, Dawn! Itayo mo ang bandera ng mga kababaihan at beki!"

"Yeah!"

" Ghana give you all my love boy! My fear is fading fash ! Been saving it all for you cosh only love can last!" kanta ni Romie habang gumigiling-giling.

I threw a hand in the air, waving it with my body. "You're sho fine and you're mine! I'll be yours till the end of time, cosh you made me feel! Yeah you made me feel...I've got nothing to hide!"

Nagkatinginan kami ni Romie. We threw our head back and sing the chorus. "Hey hey hey! Like a virgin! Touch for the very fershtime ! Like a virgin...when your heart beats, nhesh to mineee!"

Nagbitaw kami ni Romie at nagkaniya-kaniya ng pose. Binend niya ng kaunti patalikod ang katawan niya habang nakataas ang isang kamay niya at ang isa naman ay nasa bewang niya. Hindi naman ako nagpatalo at tumuwad ako, one hand on my knee while the other is stretched upwards, my lips pouting.

"Please tell me I'm not seeing what I think I'm seeing."

"Brother, I really hope I can tell you that what we are seeing is an illusion. I think my brain's burning."

Napatigil ako sa pagkanta ng marinig ko ang pamilyar na mga boses. Nagbaba ako ng tingin sa stage at nanlaki ang mga mata ko ng makita roon ang magkapatid na Blaze at Stone na siyang mga nagsalita at ang lahat ng BHOCAMP boys. With the exception of Triton.

Fiere raised the tablet device he's holding and then he face the screen towards me. Napadiretso ako ng wala sa oras ng makita ko roon ang mukha ni Triton na nakanganga at nanlalaki ang mga mata.

"Well...ermm...hi sweetie. Sinabihan ko ang mga lalaki na sunduin kayo. Hindi naman ako pwedeng sumama dahil madaling araw na. It's the day before our wedding so we're following tradition. You look beautiful by the way."

"Ay! Iyan ba si fafa mo Dawniela?! Ang wafu! Leshgo! Magrepeat perfomance tayo para makita ni wafu fafa mo ang aabangan niya sa honeymoon ninyo! I-Madonna ang muchogwapito woohoo!"

Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod pa. Because thankfully, the 26 hell shots kicked in and knocked me unconcious.

CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~

A/N: Salamat sa mga BHOCAMPERS na nag suggest ng kanta para sa TriDawn. Iyon nga lang talagang hindi ako mapakali dahil wala akong maisip. Thankfully, while I was browsing the songs you all suggested at Youtube may nakita ako na recommended ni Youtube at tinanggap ng baliw kong braincells. So thank you guys!

CHAPTER 28

DAWN'S POV

Napamulat ako ng mga mata ng maramdaman ko na may dumagan sa akin. Nilingon ko ang katabi ko at napailing na lamang ako. Kung hindi ko lang pinsan si Sky baka kanina ko pa siya pinagulong palabas ng bahay.

"Wake up, Sky. Ang bigat mo."

Umungol siya at inalis ang braso at binti niya sa akin. "Sexy ako."

"May dalawa ka ng anak."

"Dahil nga sexy ako."

Nakakunot ang noo na umupo ako at pagkatapos ay tinignan ko siya. "Anong kinalaman niyon sa pagiging sexy mo?"

"Hindi ako magkakaroon ng dalawang anak kung hindi dahil sa adik si Adonis sa kasexyhan ko. That man will turn part cave man with just a wink from me."

Hindi ko na sana papansinin ang kayabangan niya kung hindi lang ako may narinig na pagtawa mula sa kung saan. Napangiwi ako ng makita ko na nakatayo sa pintuan si Adonis na may dala-dalang mga paper bag.

"That's my husband." Sky murmured with her eyes still closed.

"At paano mo naman nalaman?" tanong ko.

"Because I can turn part cave woman with just his laugh."

Napatawa na lamang ako ng magmulat ng mga mata si Sky at patakbong nilapitan ang asawa niya. Adonis' who's very familiar with his wife's behavior gently put down the paper bags and catch his sleepy wife. "Hey there, Miss."

"Pakiss nga Stranger."

"Copy that."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Basta talaga magkasama ang dalawang iyan ay wala silang pakialam sa paligid nila. Tumayo na lamang ako mula sa pagkakaupo sa kutson at hindi na pinansin ang dalawa na parang mga teen-ager na uhaw sa isa't-isa.

I looked around me (Except for the PDA couple) and grimace at the view. Imbis kasi na matulog sa mga kwarto rito sa vacation house sa Laguna ay dito kami sa malaking living room natulog ng mga BHOCAMP girls. Sa kabilang vacation house naman ay nandoon ang mga lalaki. Hindi daw kami pwedeng magkita ni Triton.

Si Freezale ay tulog na tulog na nakahiga sa malaking sofa. May nilagay siya na kung anong device sa gilid ng sofa na nagsisilbing harang niya sa iba. Panigurado na isa iyan sa mga personal experiment niya. Sanay kasi iyan sa mga sleepover kapag

natripan ng mga kapatid niya na sina Snow at Thunder kaya para hindi siya kulitin ay gumawa siya ng ganiyan.

Sa baba ng sofa ay naroon ang iba pang natutulog na mga agents. Pinagtabi-tabi lang namin ang mga matresses at doon kami natulog.

Athena's currently sleeping like a corpse. Diretsong-diretso ang katawan niya, may nakalagay na sleep mask sa mga mata niya, at may subo-subo siya na lollipop. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay malunok niya ang stick niyon o maging permanente na siyang pasyente ng dentista.

Si Hera naman ay katabi ni Athena. Siya lang sa amin ang naiiba ang bed sheet na gamit dahil may dala-dala talaga siya na sarili. May mga lace pa iyon na para bang ginawa para sa prinsesa. At sa lahat ng nandito siya lang ata ang may poise pa rin sa pagkakatulog.

The others are currently curled with each other. May iba pa na halos magpatongpatong na. Sa gitna nila ay nandoon si Snow na para namang walang pakielam sa mundo at tulog na tulog pa rin kahit halos pisatin na siya ng mga katabi niya.

"Nagdala ako ng mga kape."

Nilingon ko si Adonis. Tinaasan ko siya ng kilay ng mamula siya lalo na ng bumaba ang tingin ko sa mga labi niya na bahagya ng namamaga. "Gising na sila sa kabila?"

"Iyong iba. Kasalukuyan silang ginigising ni Triton. Siya ata ang nauna sa ating lahat na magising. Excited eh."

Tinanaw ko ang wall clock. Alas diyes na ng gabi. Paniguradong parating na rin si tita Chrissy, ang tatay ni Rushmore. Yes, tatay. Siya din ang official beauty stylist ng BHOCAMP.

"Tawagin mo si Phoenix para gisingin si Snow." sabi ko kay Adonis.

Bago pa siya makasagot ay bumukas muli ang pinto at pumasok si Phoenix. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni Snow at sinimulan na niyang alisin ang mga 'balakid' na nakaharang sa babae.

Ilang sandali lang ay aantok antok na nakaupo na ang mga babaeng agents kasama ni Snow na ngayon ay nakasubsob pa ang mukha sa leeg ni Phoenix na nakaupo sa kutson.

"Sa lahat naman kasi ng oras na gusto mo iyong madaling araw pa talaga. Buti napapayag niyo ang Pari sa gusto ninyo." sabi ni Sky habang umiinom kami ng kape.

"Si Daddy ang kumausap. Fortunately kakilala ng Pari na kadalasang nagkakasal sa mga BHOCAMP agent ang Pari dito sa Laguna."

Napagdesisyunan kasi namin ni Triton na dito sa Laguna magpakasal. Noong una kasi na maging kami ay may isang simbahan dito na pinuntahan namin. Nang nag-iisip kami ng simbahan na pagkakasalan ay naisuggest ko iyon sa kaniya at pumayag naman siya.

"Hello world! It's time to get married woohoo!"

Napangiwi si Den ng pumasok ang father in law alintana ang lamig sa labas dahil nakasuot pa hapit na hapit sa katawan niya. Sa likod niya niya, na kasalukuyang dala-dala ang ilang mga mga gamit ni tita Chrissy.

niya na si tita Chrissy na hindi ata talaga siya ng micro mini dress na ay nandoon si Dylan, ang boyfriend bags na paniguradong pinaglalagyan ng

Pumalakpak ang binabae. "Line up girls! Line up!"

Sumunod naman kami sa sinabi niya at humilera kami ng isang linya. Si Phoenix at Adonis ay tahimik na tumalilis ng alis. Mahirap na nga naman at baka madamay pa sila.

Nagpalakad-lakad sa hanggang paa. "What pero parang hinamon hangover aw! Except

harapan namin si tita Chrissy na sinusuri kami mula ulo happen to your beutiful faces my dears? Maganda pa rin kayo niyo ang mga tambay sa kanto para mag-inuman. Naghuhumiyaw ang kay Freezale with her shining bright eyes."

Tumaas ang sulok ng labi ni Freezale. Talagang kikinang pa rin ang mga mata niya hindi katulad sa amin dahil siya lang naman ang hindi nakipag-inuman sa mga newly beki friends namin kaninang madaling araw.

"Okay powkay-"

"Pauso ka na naman Mama-Papa. Ang pangit pa ng pauso mo." putol ni Den rito.

"Supladita ka talagang bata ka! Kung hindi mo lang ako binigyan ng cutie apo baka pinasagasaan na kita."

"Yeah right. You love me."

Inismaran siya ni tita Chrissy. Nangingiti na lang ako sa kanilang dalawa. Imposible na hindi sila magtalo kapag nagkikita sila pero kapag may nang-api sa isa sa kanila akala mo ay mga gerilya kung lumaban.

"Anyway, ilan ang bathrooms dito?"

"Eight." I answered. Bawat kwarto kasi rito ay may sariling bathroom. Sa laki ng pamilya namin hindi talaga pwedeng kokonti lang ang kwarto o ang bathroom.

"Okay. Magsabay ang mga magkakapatid at ang mga willing magsabay para mabilis nating maayos ang mga make-up ninyo."

"Sabay tayo ate Freezale!" pumapalakpak na sabi ni Snow.

"Ayoko."

Ngumuso ang babae. "Eh!"

"No."

"Sige na nga. Doon na lang ako sa kabilang bahay maliligo. I'm sure Phoenix will let me-"

Lahat kami ay napasigaw ng 'NO' bago pa matapos ni Snow ang sasabihin niya. Nagtatakang tinignan niya kami. "-bath first. What?"

Hindi kami nakasagot. Siguradong iisa lang ang inakala naming sasabihin niya. Na sasabay na lang siya kay Phoenix.

Hinawakan siya sa braso ni Freezale at hinila. "Halika na."

"Sabay na tayo?! Yehey! Ikaw talaga ang pinakamabait, pinakamaganda, pinakaloving, pinakakagenious na kapatid sa buong mundo!"

"Quiet."

"Okay!"

Nagkaniya-kaniya na kami ng pili ng kwarto. Dumiretso ako sa master's bedroom dahil nandoon na rin naman ang mga gamit ko.

Kalahating oras din ako nagtagal roon bago ako natapos. Pinatungan ko lang ang undies ko ng puting roba at dumiretso na ako sa living room kung saan nandoon na

rin ang iba pang mga agents na sinisimulan ng ayusan ng mga empleyado ni tita Chrissy. Mayroon kasi siyang beauty salon.

"Okay! Akin ang beautiful bride!" nakangiting sabi ni tita Chrissy at hinila ako sa isang upuan. "Sino nga pala ang Maid Of Honor mo?"

Napatingin ako kay Sky na nakaupo malapit sa akin. Malungkot na ngumiti siya at nag iwas ng tingin ng maagsalita ako, "Wala po."

"Ay! Why naman? Ang gaganda ng mga friendships mo pero wala kang napili?"

"Meron sana pero wala na ho siya eh."

Napatigil si tita Chrissy sa sinabi ko. Saglit na napatingin siya kay Sky bago nakakaunawang tumango at pinagpatuloy ang ginagawa niya. "Storm ang pangalan niya di ba?"

"Yes." I answered in a whisper.

Hindi na muling nagsalita si tita Chrissy at inayusan na lamang ako. Ilang oras ang lumipas at lahat kami ay naayusan na ng buhok at nalagyan na ng make-up. Nang inabot ni tita Chrissy sa akin ang isang salamin at makita ko ang repleksyon ko ay doon ko naramdaman ang isang estrangherong pakiramdam sa akin.

Labis na kaba.

"Oh, God."

"Scary isn't it?"

I looked at Sky who sit beside me. "Yes."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Ganoon talaga. Kasi ito na iyon eh. Pagkatapos nang lahat-lahat, nakarating na rin kayo dito. What you feel is the

realization that you will start another life."

"Minsan naipagkakamali natin sa takot." Napatingin ako kay Freezale na siyang nagsalita. "Akala natin natatakot tayo dahil marami ang tiyak na magbabago. But in truth what we feel is just one of the face of happiness."

"Stop!" sigaw ni tita Chrissy. "Masisira ang make up ninyo. Halika na at tulungan na natin itong si gandang Dawniella na magbihis."

Natatawang tumayo na ako at dumiretso kami sa master's bedroom. Lumapit ako sa isang parte ng kwarto kung saan nakatayo ang isang dressmaker form na natatakpan ng puting tela. Hinila ko iyon at tumambad ang isang wedding gown.

The gown looks simple yet beautiful. Hapit iyon maliban sa bandang waist. The gown is long but the trail is longer. At katulad sa gown ay mapapansin din sa trail ang kumikinang na yellow rhinestones na nakakabit sa dulo ng mga iyon.

"Wow." tita Chrissy breathed.

Salamat sa grandmother ko at sa mommy ko ay nabuo nila ang gown na hirap na hirap akong ipaliwanag sa kanila. Mahirap kasing idescribe ang bagay na iniimagine lang. But my mother knows me well. That's why the gown looks like as if it's been carved out of my brain.

It's perfect.

Tinulungan na ako nila tita Chrissy na maisuot ang gown. Kung ako lang mag-isa paniguradong aabutin ako nang siyam-siyam ay hindi pa rin ako matatapos.

"Dawn."

Kasalukuyang itinataas ni tita Chrissy ang zipper ng gown ng sumungaw ang ulo ni Hera mula sa pintuan. "Yes?"

"Bumyahe na sila kuya Triton papunta sa simbahan."

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Got it."

"And your mom and dad are on their way here. Nag ha-hyperventilate na ang mommy mo kaya kung ako sa'yo kalimutan mo na ang kaba mo dahil mukhang si tita Sophie ang nangangailangan ng pampakalma."

I rolled my eyes. "Got it."

Umupo ako sa upuan at pagkatapos ay kinabit na ni tita Chrissy ang veil. Lumabas siya sa saglit at naiwan kami ni Sky at Freezale.

"Here, Dawn."

Tinignan ko ang inabot ni Sky. Tatlong pin iyon na may disensyo ng mga bulaklak. Dalawang kulay gold at isang kulay asul.

"Those gold ones are the something borrowed and the blue one is your something blue."

Kinuha sa akin ni Freezale ang mga iyon at inilagay sa twist na nasa likod na bahagi ng buhok ko. I muttered a thanks at the same time that the door opens. Pumasok si tita Chrissy na ngayon ay kasama na ang mga magulang ko.

At tama si Hera. Mukhang malapit na ngang mag hyperventilate si mommy. Titig na titig siya sa akin na para bang ngayon niya lang ako nakita sa buong buhay niya.

"Mom-"

Itinaas niya ang kamay niya at pagkatapos ay umiiling na lumabas. Nagtatakang tinignan ko si Daddy na napangiti na lang na sinundan ng tingin si mommy.

"Anong nangyari kay Mommy, Dad?"

"Your mother's just feeling sentimental." tumingin siya sa relo niya. "Let's go. Baka ang magiging asawa mo naman ang mag hyperventilate kapag hindi pa tayo bumyahe. Balita sa akin nila Adonis ay kinakailangan pa nilang magkakatulong na dalin si Triton sa sasakyan dahil gusto ka daw makita."

"This is just a wedding."

He smiled, his eyes crinkling in the process. "It's your wedding." he said as if it that explains everything.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo. "Let's go, Daddy."

MARIIN akong napapikit. Nang muli akong magmulat ng mga mata ay humarap na ako kay Mommy na nasa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakatayong tatlo nila Daddy sa tapat ng nakasaradong pinto ng simbahan. We're just waiting for the cue. Nagsisimula na kasing pumasok ang mga abay.

"Mom."

"Give me a minute."

"Mula pa kanina sa vacation house umiiyak ka na. That was an hour ago, Mom. Baka matanggal na ang make-up mo."

"Water proof 'to."

Nilingon ko si Daddy na nangingiti na lang na nakatingin sa amin. Mukhang wala siyang plano na kalmahin si Mommy. "Mom, you need to relax."

"You relax!"

"I am relax!"

"You can't be relax!" she shouted. Sunod-sunod ang pag-iling na tinignan niya si Daddy. "This is wrong, Warren. She can't relax! This must be wrong! We need to stop the wedding-"

"Mom!"

"Dapat kinakabahan ka na. Dapat halos hindi ka na makahinga sa kaba dahil naiisip mo ang nangyayari sa loob, ang mapapangasawa mo, ang lahat-lahat. Dapat kabahan ka!"

"Paano ako kakabahan Mom? You sucked all the worries in me."

Mom glared at Daddy when he suddenly chuckled. "Hindi 'to nakakatawa, Benjamin Warren Davids! Paano kung mali pala ng mapapangasawa si Dawn? Matagal ang annulment dito sa Pilipinas!"

"Loves."

"Don't loves loves me!" Bumaling ang tingin niya sa akin. "Anak, saka ka na magpakasal kay Triton-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at bigla ko na lang siyang niyakap. I felt her arms went weak as I hugged her tightly. "Calm down, Mom."

"Y-you're my baby."

"I know."

"Loving a person is different from loving your child, Dawn. Loving you was different. Akala ko wala ng hihigit sa pagmamahal ko sa ama mo. Pero ng dumating ka sa buhay namin doon ko napatunayan na mali ako. When you first cried, I remember all the pain I went through. When you first talked, I remember all the hurtful words that were said to me. When you first fall, I remember all the times that I crumbled to the ground. When you first fall in love, I remember the pain that love

can bring. Bakit puro hindi magagandang ala-ala ang naaalala ko? Iyon ay dahil sa kabila ng lahat ng iyon, dumating ka sa buhay ko. Becuse you are the reminder that everything is worth it. That even though there's a lot of bad things in life...God gave me the best gift that can erase all those hurtful things."

Humiwalay ako sa kaniya at ngumiti sa kabila ng luha na naglalandas sa mga mata ko. "Are you scared that you'll lose me, Mom? Hindi ako mawawala. I will always be your daughter. I will always be Sophia Carina Davids' daughter."

"Isali niyo naman ako."

Nginitian ko si Daddy na nangingiti din. "Wala namang magbabago, Dad, di ba? Madadagdagan lang tayo. Bubuo din ako ng pamilya at ipaparamdam sa kanila na mahal ko sila katulad ng ipinaramdam niyo sa akin buong buhay ko." pinahid ko ang luha ko. "Tama na ito. Baka hindi na nila tayo makilala sa loob sa kakaiyak natin."

Humarap ako ulit sa pintuan habang sa isang braso ko ay nakaangkala kay Mommy. Dad moved closer to us and to my surprise, he leaned down and kissed the top of my head. "So damn proud of you."

Hindi ko na nagawa pang sagutin siya ng bumukas na ang pintuan. Kasabay niyon ay tumugtog ang Only You Can Love Me This Way ni Keith Urban.

Sumalubong sa amin ang amoy ng sari-saring dilaw at kahel na mga bulaklak. Sa kabila na madaling araw pa lang ay nabigyan ng liwanag at buhay ng mga bulaklak ang paligid ng simbahan.

Well I know there's a reason

And I know there's a rhyme

We were meant to be together

That's why ...

We can roll with the punches

We can stroll hand in hand

And when I say it's forever

You understand ...

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Triton. I was afraid to look at him. I don't want to see fear or confusion. Ayoko na makita na baka nagbabagong isip na siya. Na

hindi siya sigurado sa gagawin namin.

But there's nothing in his eyes but happiness. Katulad ng nararamdaman ko.

That you're always in my heart,

You're always on my mind

But when it all becomes too much,

You're never far behind

And there's no one that comes close to you

Could ever take your place

Cause only you can love me this way

All those years that passed, pilit kong pinaniwala ang sarili ko na hindi ako nasasaktan, na nakalimutan ko na kung ano ang namagitan sa amin.

Nakasanayan ko na pagtakpan ang nararamdaman ko. I forced myself to believed that Triton is not a fixture in my life. That he is just someone that is irraplaceable. I forced myself to believe that I don't need him.

I could have turned a different corner

I could have gone another place

Then I'd of never had this feeling

That I feel today, yeah..

Napahinto kami ng tumayo mula sa kinauupuan niya si grandaddy Poseidon. Lumapit siya sa amin at nakangiting itinaas ang isang bagay. It's a necklace.

"I bought this just the day after your Dad was born. I saw this on a jewelry shop and I know that I just need to buy it. I need to give it to the most beautiful woman I have ever seen. I need to give it to Bree. But Bree and I were going through rough times that time kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na ibigay ito sa kaniya. The funny thing is I forgot about this. Ni hindi ko na alam kung saan ko naitago. But two nights ago, for some reason, I found it again." nakangiting isinuot niya iyon sa leeg ko. He touched the pendant of the necklace and looked at me in the eyes. "Bree said I should give it to you and I agreed. I love your grandmommy, I love your mother and I love your tita Summer. But now I think it's right to give this to the most beautiful woman I have ever seen in my life, and that's you, Dawniella."

"Granddad..."

He smiled and kissed the top of my head like Daddy did then he went back to grandmommy who smiled and winked at me.

Kinuha ni Daddy ang kamay ko at iginaya niya ako na maglakad. He squeezed my hand and I looked up at him and smiled despite my tears.

And you're always in my heart,

Always on my mind

When it all becomes too much,

You're never far behind

And there's no one that comes close to you

Could ever take your place

Cause only you can love me this way

Huminto kami ng makarating kami sa tapat ni Triton at ng katabi niya na si Hermes, his best man.

Inilapat ni Daddy ang kamay ko sa kamay ni Triton. Tinapik niya ang balikat ng lalaki. "I trust you with my daughter."

"Thank you, Tito."

"Dad."

Ngumiti si Triton at tumango. "Thank you...Dad."

Iniwan na kami nila Mommy habang si Triton ay mahigpit na hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa tapat ng Pari. Sa pagkagulat ko ay iniangat ni Triton ang kamay ko na hawak niya at hinalikan iyon.

"Tri..."

He shake his head and smiled. Nag-angat siya ng tingin sa Pari na ngayon ay nakangiting nakatingin na sa amin.

We listened to the Priest's sermon, our hands not letting go from each other. Triton's grasp is tight as if he's afraid that I would run away and leave him. But that is impossible. Because all I intend to do is hold on...as long as I can...as long as he's still here holding on.

"Triton Lawrence do you accept Dawniella Davids to be your wife, to live together as friend and mate? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep her beside you as long as you both shall live?"

"I do, father." he turned to me and smiled. "Without any trace of doubt. I do and forever will."

"Dawniella Davids do you accept Triton Lawrence to be your husband, to live together as friend and mate? Will you love him as a person, respect him as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep him beside you as long as you both shall live?"

"I do, father." huminga ako ng malalim at tumingkayad ako para halikan sa pisngi si Triton. "Without any trace of doubt. I do and forever will."

Muling nagsalita ang Pari at pinagpatong ang kamay namin ni Triton. Pinagharap niya kami at binigyan ng senyales na maaari na kaming magsimula sa aming mga vow.

Sandaling katahimikan ang namayani ng walang nagsalita sa amin ni Triton. Tinaasan ko siya ng kilay. "You want me to go first?"

"No."

"Did you memorized your lines? Nakalimutan mo?"

"No and no."

"Then what-"

"Sweetheart."

Nakakunoot noong sumagot ako, "What?"

"Shut up."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sa lahat naman ng artista si Triton na ata

ang pinakanerbyoso sa lahat.

Huminga siya ng malalim at nagsimula, "Dawniella Lawrence-"

"Are you talking now?"

"Dawn." he said in a warning. "Kapag hindi ka tumahimik hahalikan kita."

"Okay."

"Okay you'll stop or okay I can kiss you."

"Ikaw ang bahala-"

"HELLO?! Magpapakasal po ba kayo o magkukuwentuhan. Baka ubos na ang memory ng video camera namin hindi pa rin kayo tapos po ano po?"

Binigyan ko ng matalim na tingin si Den na siyang sumingit. "Den."

"What?"

Nagkatinginan kami ni Triton at sabay na nagsalita. "Shut up."

Pinaikot lang ni Den ang mga mata niya at sinenyasan kami na magpatuloy nila. Muli akong humarap kay Triton. Nawala na ang kaba sa ekspresyon niya.

"Dawniella Davids, ang pinakamaganda, matalino, matapang, witty, affectionate person that I met. Pero karamihan sa mga iyon ay hindi nakikita ng iba. Dahil isa lang ang nakikita nila,The snob Dawniella. The armor Dawniella. But I can see you differently. Because whenever I look at you, I can only see light. I can only see how pure you are.

I was different. I was a jerk who was full of insecurities and fears. Mga rason kung bakit nagawa kitang saktan...na nagawa kitang bitawan. Ang nasa isip ko noon, may mas na karapat dapat sa iyo at hindi magiging ako iyon. Because all my life I thought of myself as a person who don't deserves what he have. My position, my job and most especially...you.

You are the greatest thing that nababago ang mga bagay na hindi everything feels so right. Pero that the day will come that you you deserve more.

happened to me. Makasama ka lang pakiramdam ko ay maganda sa paligid ko. When I'm with you pinakawalan kita. Dahil duwag ako. I was afraid will see that you don't deserve to be with me. That

My fears ruined us.

When God gave me another chance, the fear didn't go away. But living years of seeing you but not being with you, standing beside you but not having the power to reach you, I know that I cannot continue living my pretend life. A life where I pretend that you don't matter anymore.

The things that I accomplished serves no purpose. The fame, the money...they lack purpose because when I come home there was nothing. Empty. And if trading all that gives me you then I surrender it all without second thoughts. Dahil alam ko na ang klase ng buhay na wala ka. Now I will wake up every morning knowing that what I have beside me is everything. Now as the dawn breaks each day I'll know that I can look forward at the wonderful beginning of everyday.

And In the name of God, I vow to take you as my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."

He slid the ring in my finger...and when he looked at me, I almost melted at his liquid warm eyes that says a lot of things.

I can't help but think that if we didn't messed up before...siguro matagal na naming naranasan ito. Sa panahon na ito sana may sarili na kaming pamilya. But this is what God gave us. Ibinigay Niya ito dahil alam Niya na ito ang nakakabuti para sa amin.

We learned a lot...we learned not to let go. We learned to treasure what we have. We learned that what we have is worth waiting for.

"Triton Lawrence, isang malaking sakit ng ulo, an irresponsible co-worker, and the person who broke my heart. Years ago you shattered my heart into pieces by letting go...by giving up on me. Pero tama si Sky. Hindi lang ikaw ang may kasalanan dahil bumitaw din ako. Dahil pareho tayong naging mahina.

Pinilit ko na kalimutan ang mg ipinaramdam mo sa akin. Pinilit ko na kalimutan ka. I succeeded. In my mind, what we had is something that existed in another wold. But the memories and the feelings are not gone like I thought it were. Nakasanayan ko lang na magpanggap dahilan para hindi ko na makilala pati ang sarili kong nararamdaman.

I had relationships after you. Hindi kami nagtatagal...iniiwan din nila ako. Pero hindi ko magawang masaktan dahil para sa akin duwag sila. Hindi nila kayang panghawakan ang isang babae na kayang tumayo sa sarili niyang paa. Pero mali pala ako. Hindi nila kasalanan ang lahat. It's not their fault that we were never right in the first place. That we can never be right because I won't be able to love them ever. Dahil sa kabila ng lahat ay ikaw pa rin ang minamahal ko.

Right now, you're still the Triton Lawrence that gives me a terrible headache. But you're also the Triton Lawrence who'll put himself in front of a bullet to save me, the person who mend my heart...and the only man that I want to spend the rest of my life with.

And if waking up each day means that you will be beside me then I can say that all the waiting, the pain, and the heartaches are all worth it.

And In the name of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."

I slid the ring in his finger. I looked up at him but before I can say anything, he pulled my hand and crushed me in his arms. The looked in his eyes didn't just melt me but also wipe my bones into nothing.

"Tri..."

"I'm going to kiss you now, sweetie."

Pinigilan ko ang mukha niya ng magtangka siya ng halikan ako. "Hindi pa pwede! Hindi pa tapos si Father."

"Sweetie."

"You can't!"

Habang pinipigilan pa rin ang mukha ni Triton ay nilingon ko ang pari. Ngumiti lang siya at naiiling na nagsalita, "Now that Triton Lawrence and the newly Dawniella Lawrence have given themselves to each other by the promises they have exchanged, I pronounce them to be husband and wife, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Triton Lawrence, you may now kiss the bride."

Ibinalik ko ang tingin ko kay Triton. Tumaas ang kilay niya. "Now are you gonna let me kiss you, sweetheart?"

I rolled my eyes. "Oh, fine-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumaba na ang mga labi niya at hinalikan ako. Kasabay niyon ay napuno ng liwanag ang lugar nang sumikat na ang araw mula sa labas. It was not a quick peck of the lips but a hot, mind blowing, panty combusting...kiss.

I guess, the A1s are now done clashing with each other.

Right?

Triton pulled back and smiled naughtily at me. "Clashing of the lips...and later, clashing of our private-"

I swear I tried to restrain myself. Pero may sarili atang buhay ang kamay ko at bigla ko na lang siyang binatukan na halos nagpalipad sa kaniya kung saan at muntik pang maging dahilan para matumba ako. Mabuti na lang at nahawakan niya ako sa kamay at nahila ako kasabay ng pagbawi niya ng balanse.

"Sweetie!" Triton exclaimed in shock.

"Heh!"

No helping then. Still and forever will be...

...

...

Clash Of The Private A1.

CHAPTER 29 ~ Work Hard ~

A/N: Dahil sa mga booksigning ay nameet ko ang ilang mga BHOCAMPERS at napag-alam ko na may iba sa kanila na super bata pa :3 Kaya warning lang po, read at your own risk. Sinubukan ko talaga na patinuin ang BS ko para hindi masyadong 'hard' basahin para sa mga underage. Nevertheless, thank you so much you all for the support <3

CHAPTER 29

DAWN'S POV

Napatawa ako ng makalabas kami ng simbahan at sinabuyan kami ng bigas at mga bulaklak. Nakita ko pa si Ocean na kasalukuyang nanghihilakbot na nakatingin sa mga bigas na para bang karumal-dumal ang ginawa ng mga agents at bisita.

"Sayang ang bigas! Ang daming bata na nagugutom!" sigaw niya.

"Anak." tawag

"Po?"

dito ni tito Yale.

"Huwag kang mag-alala at mag fe-feeding program tayo."

Ngumuso si Ocean at pagkaraan ay tumango. Naiiling na lang ako. Kaniya-kaniya talaga ng kaweirduhan ang mga agents. Pero tama naman siya. Sayang ang bigas. But anyway, may mga tradisyon talaga ang Pinoy na mahirap ng baliin.

Lumakad na kami papunta sa wedding car at papasok na sana kami ng lumapit sa amin ang driver. "Ano po iyon?"

"Eh Ma'am kanina po may lalaking lumapit at binigay sa akin ito. Ibigay ko raw ho sa inyo pag labas ninyo."

Kunot noo na inabot ko ang sobre. "Sinabi ho ba kung ano ang pangalan niya?"

"Hindi po Ma'am eh. Bigla na lang po umalis nang maiabot sa akin 'yan."

Tinignan ko ang sobreng puti. Wala namang nakasulat na kahit ano roon. Nilingon ko si Triton na ngayon ay nakasimangot na ng todo. "What?"

"Baka naman bigay iyan ng isa sa mga ex mo."

Nagkibit ako ng balikat. "Baka nga. Siguro gusto lang tayong i-congratulate." humarap ako kaila Mommy na nakalapit na sa amin. "Mom, pwedeng pakitago po muna nito? I'll just read it after the wedding."

Kinuha niya iyon sa akin at ngumiti. Ilang sandali lang ay sumakay na kami sa sasakyan ni Triton at bumyahe na kami papunta sa isang resort dito sa Laguna kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin.

Sumandal ako habang nakatingin sa labas ng bintana. I just can't believe that it's done. Hindi ako makapaniwala na mula sa araw na ito ay ibang apelido na ang gagamitin ko. That I'm officially Mrs. Lawrence.

"Sweetheart."

Nagtatanong na tinignan ko siya. Nakangiting umiling siya at hinapit ako palapit sa kaniya. A small smile curved my lips as I settled in his arms. I felt him kissed the top of my head.

"Dawn."

"Hmm?"

"Thank you."

Lumawak ang pagkakangiti ko. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung ano ang ibig sabihin niya roon. Dahil naiintindihan ko.

"Tri..."

"Yes?"

I looked up and give him a light kiss on the lips then I whispered, "Thank you."

"IT'S TIME to party!"

Napasapo ako sa noo ko ng mamatan ko si Ocean na ngayon ay panay ang sayaw. Napapangiwi din na nakatingin sa kaniya ang mga agents maliban sa ama niya na mukhang proud pa sa pinaggagagawa ng anak niya.

Kararating lang namin sa venue ni Triton. Hindi na nakakapagtakang nauna sila dahil paniguradong pinaharurot nila ang mga sasakyan nila. Hindi katulad sa sinakyan namin ni Triton na tama lang ang andar.

We're in no hurry. Pakiramdam ko kasi ay para bang tumigil ang oras sa araw na ito. I don't want to rush like I normally do.

"Ocean anak, kapag hindi ka tumigil ipapakasal kita sa unang babae na sa tingin ko ay babagay sa iyo."

Nafreeze ang binata sa ginagawang pagbe-belly dance at mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo papunta sa kung saan. Panigurado ako na kung saan nandoon ang mga pagkain ay doon siya pupunta kaya hindi na namin kailangan pa siyang hagilapin kung saan mang bundok.

"Halika na at pumasok na tayo sa gazebo. Umaambon na." sabi sa akin ni triton at inalalayan ako papasok sa loob ng gazebo.

It's an open gazebo. Malayo pa rito ang mga pool. Ang parte na tinayuan ng gazebo ay malapit sa garden. Kaya nga ito ang pinili namin ni Triton dahil sakto sa thema namin na puro bulaklak. With the looks of it I think I need to give the wedding planner a big tip since it's really perfect.

Nang makarating sa loob ay pumuwesto kami ni Triton sa pinakaunahan kung saan may

dalawang upuan na nakahanda. Imbis na umupo sa tabi ko ay tumayo sa likod ko si Triton at hinawakan ang buhok ko. "What are you doing?"

"Undoing your veil. Mukhang kanina ka pa nahihirapan."

Hinayaan ko na siya dahil totoo naman na nahihirapan na ako sa veil. Pakiramdam ko kasi ay hinihila ang buhok ko. Idagdag pa na bukod sa haba niyon ay marami rin na nakakabit na mga rhinestones roon.

Lumapit sa amin si Mommy at kinuha iyon bago umupo si Triton sa tabi ko. Nagsalita na ang MC at sinimulan na ang proceedings.

Isa-isang nagsalita ang mga magulang namin ni Triton which again made me cry. Mukhang mababago na ang tingin sa akin ng mga agents bago pa lang matapos ang reception na ito dahil masyado na akong nagiging emosyonal.

But I don't think they mind. After all, weddings can do that to people.

"Okay everyone! It's time for the bride to throw the bouquet-"

Bago pa matapos ng MC ang sasabihin niya ay lumapit sa kaniya ang nanay ni Triton at may ibinulong. Nasabi ko na kasi sa kanila na hindi ko ibibigay kahit kanino ang bouquet ko. I'm gonna put it in Storm's grave.

"Hindi pala itatapon ng ating beautiful bride ang kaniyang bouquet. Let's move on to the garter-"

"I'm not throwing it." Triton said, cutting his words.

Napakamot na lamang sa ulo niya ang MC ng umuklo si Triton at inalis ang garter ko. He winked at me bago siya tumayo at lumapit kay Hermes na napapailing dahil sa obvious naman na gagawin ni Triton.

Triton clap Hermes' shoulder before he gave him the garter and went back. Nginitian ko lang siya. "Pasaway ka talaga."

"Ikaw din naman." sabi niya.

Ipinagpatuloy namin ang programa. Nang sabihin ng MC na tumayo kami para sa first dance ay sa pagkagulat namin lahat ay biglang bumuhos ang ulan. Tumayo kami ni Triton at napatingin sa labas ng gazebo.

"I think Storm's congratulating us." I whispered.

"Then let's thank her."

"What-"

Napatili ako sa pagkagulat ng bigla akong kargahin ni Triton at tumakbo palabas ng gazebo. Nakaawang ang mga labi na tinignan ko siya ng ibaba niya ako. He just looked at me with his eyes crinkling with naughtiness. "Triton! I'm all wet!"

"Ayaw mo niyon? Para ready ka na mamaya."

Natatawang hinampas ko siya sa balikat. "You're crazy!"

He leaned forward and stopped when our lips were just inches away. "We don't do normal, sweetie. What we have is beyond crazy that it's fucking beautiful."

After he said those words, he finally claimed my lips. Without any inhibition I answered his kiss as we swayed to the song Paperweight playing from the gazebo.

Been up all night

Staring at you

Wondering what's on your mind

I've been this way

With so many before

But this feels like the first time

"My make-up's running right?"

"A little."

You want the sunrise

To go back to bed

I want to make you laugh

Napatawa ako. "Talo ang water proof make-up sa klase ng ulan na ito. Binabagyo na ata tayo."

"Okay. Maybe it's running a lot than a little." he said with a smile. "But your grandfather's right you know?"

"Right about what?"

"The first time I opened my eyes, my mother's the most beautiful woman. But the first time I opened my heart, you became the most beautiful woman I have ever seen."

I'm glad of the rain since it covered my tears or my co-agents will really think of me as a wuss. "Hindi kaya magtampo na niyan si tita Kate?"

"I don't think so. Because I'm sure that she agrees with me."

Nilingon ko ang kinaroroonan ng mga magulang namin at napangiti ako ng makita ko si tita Kate na ngayon ay kayakap si Mommy at naluluhang nakatingin sa amin.

Mess up my bed with me

Kick off the covers

I'm waiting

Every word you say I think

I should write down

I don't want to forget

Come daylight

Patuloy akong isinayaw ni Triton. We're both wet, my make up is running, but for me...nothing can replace the beauty of this moment.

As he twirled me around, I caught the look of my father smiling at me and I smiled back and mouthed...

"Perfect."

"AHHH! Goodness!" I shouted as I pulled Triton's head away from me. Binigyan ko siya ng matalim na tingin ng ngumisi siya. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Ops ops. Hindi mo ako pwedeng tarayan. I just gave you an awesome orgasm."

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Triton was in no hurry to go straight to making love. He took his time...really took his time.

"Can you just come up here? Like right now?"

He smiled naughtily. "Copy that."

Pero imbis na sundin ako kaagad ay nag detour pa siya sa iba't-ibang parte ng katawan ko. In the end I found myself writhing beneath him as he continued his 'exploration'.

Nang mabawi ko na ulit ang hininga ko ay nagsalita ako, "Baka gusto mong gumawa na rin ng mapa? Parang dadaigin mo pa ang expedition ni Magellan sa ginagawa mo ah."

"Are you complaining, sweetie?"

I was about to say yes when he shoved a finger inside me. My words were immedietly drowned as my body bucked as if it have a mind of its own. I threw my head back when he moved...creating a pattern of movements.

It was a never ending pleasure. I swear that I died at that moment. Especially when he took my rigid peak in his mouth...sucking it gently.

"Tri..."

I can feel my body convulsing as I climaxed again. But he didn't stopped. He continued pleasuring me as if I'm a goddess that need to worshipped. He made love to my body in ways that I never thought possible.

Even with the cool air that the airconditioning were giving, we were still drenched with sweat. Nothing can stop us. We were both intoxicated with the burning passion inside us.

Our eyes met briefly as he centered himself between my thighs. "Are you ready?"

"Tri."

"Hmm?"

"I'm gonna kill you if you don't do what you have to do-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng unti-unti niyang pinasok ang kaibuturan ko. I felt a sharp twinge when he was fully inside me. He didn't moved for a moment...letting me adjust to his size.

"Dawn..."

Iniangat ko ang isa kong kamay at marahan kong hinaplos ang mukha niya. Perfect. "I love you."

He burried his face on my neck and whispered, "I love you too."

My lips parted when he suddenly moved. It was slow...gentle...sensual...it was not something I ever felt before.

His hips keep on moving, until I found the courage to moved with him...meeting each thrust. I wrapped my arms around his shoulder as we drink from the wine of lust...and unmistakably, of love.

I arched my back in delight when his movements went faster. To my surprise he suddenly sat up, pulling me at the edge of the bed, his arms at my calves...then at the next moment, he's inside me again. He rammed his thick manhood inside me, instantly finding a rhythm.

I can feel the building of a familiar pleasure inside me with his hurried movements. I clasp the sheet around me and screamed when I finally reached the edge. In a few seconds, I heard Triton growled my name as he climaxed...filling me with his warmth.

Napatili ako ng bumagsak siya sa paanan ng kama. At dahil sa nakahawak siya sa akin ay nahila niya ako dahilan para mapadausdos din ako pababa.

He made an 'oof' sound when I landed heavily on top of him. Hindi ko magawang makakilos at nanatili lang akong nasa ibabaw niya. My back at his front.

"Wow." I whispered and looked up at him.

Nagtama ang mga mata namin. I saw his eyes glinted with happiness as he dipped his head down and planted a kiss on my lips. "Right. Wow."

Napuno ng katahimikan ang kwarto namin rito sa resort. Ang tanging maririnig lang ay ang malalim namin na paghinga. Nang makabawi-bawi ako ay umikot ako hanggang sa nakadapa na ako sa ibabaw niya. His eyes were closed but there's a happy and contented smile on his lips.

"Tri..."

"Hmm?"

"Are you tired?"

Nagmulat siya ng mga mata. "A little."

"How little? A little like you need to rest or a little you can still...you know..."

Sandaling nakatingin lang siya sa akin bago sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "You know what sweetie?"

"What?"

"Hindi na pala ako pagod."

Well...

That's great.

Hinintay ko siyang kumilos pero nanatili pa rin kami sa puwesto namin. Hinaplos niya ang mukha ko at nagsalita, "I have a question."

"Shoot."

"Do you want children?" I smiled and nodded at him. "How many?"

"Five. I want a big family."

"Woah." a mischevious smile curved his lips. "Looks like we need to work with that really fast. Hmm?"

"Oo. Kaya kung ako sa'yo magtrabaho ka na. Now. Chop chop!"

And he did work...hard...and fast.

I assure you dears.

EPILOGUE

EPILOGUE

CHAPTER 30

DAWN'S POV

Pigil ang ngiti na nilingon ko ang kabilang office. Nandito ako ngayon sa office ko at kasalukuyang nagtatrabaho pero naagaw ang atensyon ko sa ginagawa ni Triton sa office niya. Kasalukuyan kasi siyang nakasimangot habang nililinis ang office niya ng mag-isa.

Hindi iilang beses na tinapunan niya ako ng tingin sa glass wall na para bang humihingi ng saklolo. Pero wala akong balak na tulungan siya.

Una, marami din akong trabaho. Pangalawa, siya ang may kasalanan dahil wala siyang ginawa kundi ipunin ang kalat sa office niya. Though malaki ang pinagbago niya dahil maayos na siyang nagtatrabaho ngayon ay hindi pa rin nawala sa kaniya ang pagiging makalat sa office. Pangatlo, hindi niya makukuha ang surprise ko sa kaniya kapag hindi niya tinapos ang paglilinis ng mag-isa.

I looked at the pile at my desk. Mas marami pa iyon kanina. Kailangan ko lang naman na basahin ang mga iyon at aprubahan ang mga dapat aprubahan, i-una ang mga kailangan na kaagad tapusin na mission at ihuli ang hindi pa naman nasa red alert.

"Sweetheart."

Tumingin ako sa glass wall ng magsalita si Triton mula sa intercom. "What?" I asked with no emotions. Kahit na ang gusto ko ay humagalpak ng tawa. Meron pa kasi siyang suot na gwantes, apron at bandana.

"Hindi ba talaga pwedeng advance ang surprise?"

"Hindi. Go back to work. Chop chop!"

Biglang may nag-iba sa mga mata niya. Namula ang mukha ko dahil pamilyar sa akin ang tingin na iyon. I always used the words 'chop chop' when...you know...

Kaya paniguradong iba ang naiisip niya.

"Work."

"Ma'am, Yes, Ma'am!"

Nangingiting ibinalik ko na sa trabaho sa harapan ko ang atensyon ko. Pilit na pinigilan ko ang sarili ko na mapatingin sa gawi ng office ni Triton dahil natutuwa talaga ako sa itsura niya.

It's been two months since our wedding, pero pakiramdam ko sa araw-araw ay para bang panibago lagi ang sinisimulan namin. Marami kaming natututunan at natutuklasan sa isa't-isa na kahit noong mga panahon na nagtanan kami ay hindi ko pa nalaman.

Katulad kapag madaling araw ay bigla na lang gumigising si Triton at parang daga na naghahalughog sa kusina, o kapag umaga ay bigla na lang siyang nakakatulog sa walang tubig na bathtub, na super kalat niya sa bahay.

Dahil doon ay nagkaroon kami ng arrangement na alternate kami na maglilinis sa kwarto namin.

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang security alarm ng office ko. Lumabas sa built in screen sa desk ko ang identity profile ni Hermes. Ilang sandali lang ay pinunch in na niya ang code. After he did, I pressed my own security code to let him in.

Sa pagkakatanda ko ay wala naman naka-assign na mission sa kaniya ngayon. But if he wants one then I think I can arrange something for him.

"Dawn." sabi ni Hermes bilang bati ng makapasok siya sa loob.

Tinanguhan ko siya. "You want a mission?"

Umiling siya. "Nah. I just want to ask you something." sabi niya at umupo sa upuan

sa harapan ko.

"If it's about Ale, I'm working on it."

Wala pang ibang nakakaalam pero humingi ng tulong sa akin si Hermes para tignan ang DNA ni Ale. Noong una nagulat talaga ako. Alam naman kasi ng lahat na para silang aso't pusa ni Storm noon.

He explained everything to me and I decided to help him. Hindi niya pa lang pinapaalam sa iba kaya confidential pa ang tungkol dito.

"No. Not about him."

Kumunot ang noo ko. "Then about what?"

Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng emosyon. I can't help but think about the Hermes before we lost Storm. Hindi kami ganoong kaclose pero kakilala ko na siya mula nang mga bata pa lang kami. Nakakapanibago na makita siya na ganito. Walang buhay.

"Nasa iyo pa ba ang regalo sa iyo ni Storm? I was thinking about it last night and I thought to ask you if I can see it. Kung pwede."

Lalong lumalim ang gitla sa noo ko. "Regalo?"

"She put it here before she died. Mga panahon kung saan inatake ng mga tauhan ng Claw sila King."

Naguguluhang umiling ako. "Wala akong nakita na kahit na ano dito. Matagal na akong naglinis dito pero wala naman akong nakita."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. I don't know why he's searching for it...maybe he missed Storm that much. Na gusto niyang makita kahit isang patunay na nag e-exist ang babae.

Bukod kay Ale ay wala ng naiwan na may kaugnayan kay Storm. She cleared her room before she left. Like Sky said...it was as if she never existed.

Tanging sa larawan na lang at kay Ale namin naaalala si Storm. But any trace of her was just...gone.

"Can I search for it?"

I just nodded at him when I can't suddenly find my voice. Lumapit siya sa mga cabinet sa likuran ko at nagsimula ng maghanap.

"SWEETIE!"

Napatalon ako mula sa kinauupuan ko. Masama ang tingin na binalingan ko ang office ni Triton at pinindot ko rin ang intercom. "What?!"

"I'm done!" Triton said, happily clapping his hands together.

Pinaikot ko ang mga mata ko ng inilapat niya ang mga kamay niya sa glass wall at nagpapaawa na tinignan ako. "Fine. Pumunta ka na rito bago pa magbago ang isip ko."

Mabilis pa sa alas kwatro na pinunch in niya ang security code para makapasok sa office ko. Hindi na rin niya ako inintay na kumilos dahil may pinindot na naman siya. Looks like nahack na naman ni Triton ang personal password ko.

"What's the surprise? What's the surprise?!"

"Sit." I said pointing at the chair.

Ngiting ngiti na sumunod siya at kinawayan lang si Hermes na nasa may likuran ko. "Hi! Tuloy mo lang iyang ginagawa mo. Busy kami."

I pressed my lips together to stop myself from laughing. Pilit na pinapaseryoso ang ekspresyon na may kinuha ako sa gilid ng desk ko na nakabalot sa tissue. Inabot ko iyon kay Triton na napalitan ang excitement sa mukha ng pagkalito.

"Pinaglinis mo ako ng office ko mag-isa...para sa isang tissue?" he asked with a shock expression.

"Look at it, silly."

Nagtataka pa rin na inalis niya ang tissue. Nanlalaki ang mga mata na napatitig siya doon. Ilang sandali ang lumipas ay nasa ganoon pa rin siyang tagpo na para bang nafreeze na siya roon.

"Amm...I think I should go. This can turn badly. Especially for me if the rumors are true-"

Hindi na natapos ni Hermes ang sasabihin niya ng sa isang kisap mata ay nasa tapat niya na si Triton

...

...

at magkalapat ang kanilang mga labi.

Saglit lang iyon na nagtagal dahil bigla na lang nawalan ng malay si Triton. Mabuti na lang at nasalo siya kaagad ni Hermes. Mukha tuloy si Hermes na isang prinsipe na sinalo ang damsel in distress na prinsesa.

"Well, congrats." Hermes murmured.

Naiiling na lumapit ako sa kanila at kinuha ko ang pregnancy test na naihulog ni Triton. Inilagay ko iyon sa desk bago ko hinarap uli ang binata na mukhang tinatangka na na bitawan ang asawa ko. "Pakilagay na lang sa sofa."

Bumuntong-hininga siya at sumunod. Kinaladkad niya ang wala pa ring malay na si Triton patungo sa sofa at ibinagsak ang lalaki roon.

I cleared my throat when he's eyes came back to me. "Nakita mo na ba ang hinahanap mo?"

"Yeah. It was hidden at the back of your books in that shelf." he answered and pointed at my now disorganized bookshelves.

Tinginan ko ang malaking envelope na nabitawan niya marahil ng halikan siya ni Triton. Binuksan ko iyon at kinuha ang nasa loob na folder. I opened it and my eyes widened when I saw the title.

Storm Reynolds' Novelette.

"What...the fuck..."

I scanned some of the pages. Napaupo ako ng makita ang ilan sa mga entry doon. It was her story. Everything that happened to her. It was full of pain...hatred... "God." sinarado ko ang folder at umiiling na ibinigay ko iyon kay Hermes. "I-I can't..."

"Ibabalik ko sa iyo ito."

"No-"

"You need to read it."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil alam kong tama siya. Alam ko na kailangan kong malaman ang nangyari kay Storm. May rason kung bakit sa akin niya iniwan ito. I need to read it.

Kumilos ako para sumubsob sa desk ko at itago sa kaniya ang mga luha ko, nang matabig ko ang talaksan ng mga papel at folder sa harapan ko. Yumuko ako para pulutin iyon ng may makita akong puting sobre.

"Nakalimutan ko na ito." bulong ko.Ito ang ibinigay sa akin ng driver noong kasal namin.

Binuksan ko ang sobre at kinuha ko ang papel sa loob niyon. My eyes immidiately stopped at the top of the page.

"Dawn?"

Nag-angat ako ng tingin. Nasa akin ang atensyon ni Hermes pati na ni Triton na nahimasmasan na at ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. "Who is it?" Triton asked worriedly.

...

...

"Waine Claw."

Ilang sandaling katahimikan ang pumalibot sa amin bago sila nagkaniya-kaniya ng mura ni Hermes. Lumapit sa akin si Triton para kunin ang sulat pero inilayo ko iyon sa kaniya. "Give that to me, Dawn."

"He was there...at our wedding."

"Dawn, give the letter to me."

"He's an another Claw. Akala ko si Wyatt at Warner lang. Now we know the third brother. Why he wrote a letter to us I don't know but-"

"Give the fucking letter to me!"

Umiling ako at binuklat ko iyon. Muling napamura si Triton. I know he's scared that someone might threatening me. O kung baka ako ang susunod na target ng Claw. But whatever it is I need to find it out.

I read the letter word by word...my eyes widening as I proccessed its content. Naramdaman ko ang paninigas ni Triton sa tabi ko na nakikibasa rin. Nanginginig ang mga kamay na nagtaas ako ng tingin kay Hermes na naghihintay na nakatingin sa amin. "Triton and I need to talk privately."

Tahimik na tumango siya at lumabas na ng office dala-dala ang iniwan ni Storm na folder ng hindi na lumilingon pa.

Nang makasigurado ako na wala na siya ay hinarap ko si Triton. "Tri...I can't believe this. This must be some kind of sick joke...this is impossible."

"Kailangan nating alamin, Dawn."

"W-What if it's just a prank. I-I...I..."

Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinalikan iyon. "I'll be here. I promise. Whatever it is, nandito lang ako."

I looked back at the letter. Sulat na naglalaman na magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan namin...sa lahat ng akala namin ay alam namin...

I'm Waine Claw. And with just that surname alam kong alam niyo na kung sino ako. Maaari niyong paniwalaan at maaari ring hindi, ang mga nilalaman nito. Ginagawa ko ito para sa ikatatahimik ng aking ina. She told me to give you this when she's gone.

Claw's hunting us down. They will kill us. The reason? Tumakas kami sa poder ng Claw at isinama namin si Storm Reynolds. Nang bumalik siya sa inyo ay nagtago kami ng Mama ko. Pero alam namin...dadating ang panahon na mahahanap nila kami.

We went out of our hiding nang malaman namin ang tungkol sa kundisyon ni Storm. She was pregnant. We tried to tracked her at the place she was staying at...but of course, my brothers found her first.

You need to know something. Wyatt is very like my father. Wala siyang balak pakawalan si Storm katulad na hindi pinakawalan ng ama ko ang Mama ko. Wyatt was ready before he attacked Storm. We should have realized it...kung bakit hindi kami kaagad hinanap ni Wyatt. He readied a fake corpse that looks like her and with a fake DNA. You and I both know that that is not impossible. Before that explosion, nagawa niyang maialis si Storm at ipalit ang hawak na bangkay.

We managed to saved her. We hid her somewhere safe.

Storm Reynolds is not dead.

The explosion and the trauma of the occurence did a number on her. Naaalala niya ang ibang mga bagay na nangyari...pero hindi lahat. Now she have a fake identity, a fake family...a fake life.

If you want to communicate with me then do it before it's too late. I can't risk to put it all in here. Find me fast. Nagawa nilang patayin si Mama...magagawa din nila iyon sa akin...kay Storm. Burn this after you read it. Do not copy it in any form. Sa mga oras na ito, hindi mo na alam kung sino ang kakampi at ang hindi.

And by the way. Storm Reynolds' new name is

...

...

Serenity Hunt.

_____________________________________________________________________________

A/N: Una sa lahat ay gusto kong pasalamatan ang mga nagtiyaga sa pag-iintay sa mga update ko at sa mga taong patuloy ang suporta sa BHOCAMP. Hindi ko ito matatapos kung wala kayo. Thank you for riding the super long roller coaster journey with me.

I-ready na ang mga puso dahil hindi pa tapos ang roller coaster ride.

Now about Storm. Kung mapapansin ng mga nagmemessage sa akin tungkol kay Storm ay bihirang bihira ko na sagutin ang iba. Lagi ko ding sinasabi na story ni Hermes at hindi story nila Hermes at Storm. Because of course, I cannot spoil you of the upcoming events.

Lahat ay planado. Hindi ko naman talaga balak na itago si Storm ng napakatagal. Malalaman at malalaman niyo rin kapag nakarating kayo rito sa Epilogue. That's why it's important to never skip a book of BHOCAMP dahil mahihirapan ang iba na intindihin ang ibang mga kaganapan.

Ang rason naman kung bakit 3.5 ang libro ni Storm na The Lost Affiliate? It's because it's kind of the backstory of The Retribution. The start of everything when it comes to Storm and Hermes.

Sino ang ama ni Ale? Wait for the DNA test.

Good things come to those who wait ika nga.

Thank you again for everything! Keep riding <3

Love,

MsButterfly.

PS: BAWAL ANG SPOILER (Lalo na sa message box ko sa profile ko.)

More Documents from "apple"

123456789.docx
April 2020 17
Plate.docx
April 2020 12
History Ww.docx
May 2020 4
Xserveg5 Diy Pci Fanduct
August 2019 26