Mga Batas Tungkol sa Wikang Pambansa : 1935 - sa Saligang Batas ng Pilipinas nagtadhana tungkol sa wikang pambansa. . . ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. 1940 (Abril 12) - Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan sa mataas na paaralan at mga paaralang Normal. 1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon blg. 12. Ito ay tungkol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Napapaloob sa panahong saklaw nito ang pagdiriwang sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2). 1955 (Setyembre 23) - Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon blg. 186 na nagsusog sa Proklamasyon blg. 12 ng 1954 na inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika taun-taon sa ika 13 - 19 ng Agosto. 1959 (Agosto 13) - Ipinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang siyang gagamitin na wikang pambansa. 1975 (Oktubre 30) - Ipinabatid sa pamamagitan ng Memorandum Pangka- gawaran blg. 187, s. 1975 na nilagdaan ni Juan L. manuel ang tungkol sa pagkakalimbag ng aklat na Mga Katawagan sa Edukasyon ng Bilinggwal na inaasahang makakatulong sa pagpapalaganap ng Edukasyong bilinggwal. 1987 (Artikulo 14, seksyon 6 - 7 ng Saligang Batas) - Nagpapatupad ng Wikang Filipino. Kasalukuyang Saligang Batas (1987) Ito ang kasalukuyang namamayaning saligang batas na nalikha nang naupo si Corazon Aquino bilang pangulo noong 1986. Binuo niya ang isang komisyon upang ibalangkas ang bagong saligang sa aming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito." 1899 (Unang Republika) [baguhin] Sinundan ng pagkahayag ng pagiging malaya mula sa Espanya ng Rebolusyunaryong Pamahalaan, isang kongreso ang nagpulong sa Malolos, Bulacan noong 1899 upang ibalangkas sa Saligang Batas ng bansang Cuba. Ito ay binuo nila Isabelo Artacho at Felix Ferrer Ito ang unang republikang saligang batas sa Asya. Sinasabi sa dokumento na eksklusibong malaya ang mga tao. Inilahad ang mga pangunahing karapatang sibil, pagkakahiwalay ng estado at simbahan, at ang pagtawag para sa pagbuo ng isang Kapulungan ng mga Kinatawan na gaganap bilang isang katawan ng mga gagawa ng batas. Tinatawag din nito ang pagbuo ng isang Presidensyal na uri ng pamahalaan na ihahalal ng mayorya ng Kapulungan ang pangulo para maglingkod sa termino na apat na taon. Ang sabi sa Panimula: "Nosotros los Representantes del Pueblo Filipino, convocados legítimamente para establecer la justicia, proveer a la defensa común, promover el bien general y asegurar los beneficios de la libertad, implorando el auxilió del Soberano Legislador del Universo para alcanzar estos fines, hemos votado, decretado y sancionado la siguiente:" (Kami, ang mga Kinatawan ng mga Pilipino, nagpulong ayon sa batas upang itatagag ang katarungan, magbigay ng karaniwang pagtatanggol, itaguyod ang pangkalahatang kabutihan, at tiyakin ang mga kapakinabangan ng kalayaan, sumasamo sa tulong ng Malayang Tagapagpagawa ng Batas ng Sansinukob para matamo ang mga ganitong mithiin, binoto, iniutos, at pinasiyahan ang mga sumusunod.) 1935 Saligang Batas (Ang Komonwelt at ang Ikatlong Republika) [baguhin] Isinulat ang 1935 Saligang Batas noong 1934, at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946) at ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972). Itinadhana ang orihinal na 1935 Saligang Batas para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng parehong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino. Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsyon. Marahil ang pinakakontrobersyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang 1935 Saligang Batas. 1943 Saligang Batas (Ikalawang Republikang inayunan ng mga Hapon) [baguhin]
Pinagtibay ang 1943 Saligang Batas noong Ikalawang Republika (1943-1945) sa panahon ng pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo dahil tinitingala siya ng mga Hapon sa pagpuna niya sa paraan ng pamamalakad ng Estados Unidos sa Pilipinas at dahil may titulo siya sa Tokyo International University. Nagbigay ng matibay na tagapagpaganap ang 1943 Saligang Batas. Binubuo ito ng mga tagapagbatas sa Pambasang Kapulungan at iyon lamang mga di sang-ayon sa Estados Unidos ang kinukunsidera para ihalal, bagaman karamihan hinihirang ang mga tagapagbatas sa halip na inihalal. Naging instrumento ng mga Hapon ang 1943 Saligang Batas upang gawing lehitimo ang pagsakop nila sa pamamagitan ng papet na pamahalaang Pilipinas. Ang 1973 Saligang-batas (Panahong ng Batas Militar at Bagong Republika) [baguhin] Ipinakilala ang 1973 Saligang-batas bilang parlamentong-uri ng pamahalaan. Ipinagkaloob ang kapangyarihan ng tagapagbatas sa isang Pambansang Kapulungan na hinahalal ang mga kasapi sa anim na taong termino. Inihalal ang Pangulo bilang masagisag na pinuno ng estado mula sa mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan at maaaring mahalal ng ilang ulit. Kapag nahalal, hindi na kasapi ang Pangulo sa Pambansang Kapulungan. Sa panahon ng termino, hindi pinapahihintulang maging kasapi ng isang partidong pulitikal o maupo sa puwesto ng ibang tanggapan. Nasa Punong Ministro ang kapangyarihan ng tagapagpaganap na inihalal ng mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan. Ang Punong Ministro ang pinuno ng pamahalaan at Punong Tagapag-utos ng hukbong sandatahan. Binago ng ikatlong ulit ang saligang batas na ito. Pagbabago noong 1981 [baguhin] Noong 1981, itinatag muli ang parliamentong anyo ng pamahalaang kasama ang diretsong pagboto ng mga tao sa pangulo. Pagbabago noong 1986 [baguhin] Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 3, pinalayaw na 1986 Malayang Saligang Batas, ang pinakamalayong naabot na kumpol ng pagbabago sa 1973 Saligang Batas na halos isang Saligang Batas na sa kabuuan. Bagaman, malalaking kumpol ng mga pagbabago ito sa katotohanan, na inalis ang mga ilang probisyon mula sa saligang batas. Ipinagkaloob ang Pangulo ng ilang kapangyarihan na tanggalin ang ilang mga opisyal sa puwesto, isaayos ang pamahalaan at magpatawag ng kapulungan para sa magbalangkas ng bagong saligang batas. Pagkatapos ng Unang Rebolusyon sa EDSA na nagtanggal sa Pangulong Ferdinand E. Marcos sa puwesto, ipinahayag ng bagong Pangulo, Corazon Aquino, ang Proklamasyon Blg. 3 at ang pagpapatibay sa probisyunal na saligang-batas na naging 1987 Saligang-batas.