Vince, Veronica't Victoria: Kwento Ng Kamalian At Trahedya Ng Pamilya Garcia

  • Uploaded by: Angelo Verina
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Vince, Veronica't Victoria: Kwento Ng Kamalian At Trahedya Ng Pamilya Garcia as PDF for free.

More details

  • Words: 1,554
  • Pages: 5
“Vince, Veronica’t Victoria: Kwento ng Kamalian at Trahedya ng Pamilya Garcia” Ni Angelo Veriña Mga Tauhan: Daryl Co bilang si Victoria Garcia Patricia Canciano bilang si Veronica Garcia Angelo Veriña bilang si Vince Garcia Romiel Uy bilang si Antonio Garcia Nifil Najera bilang si Georgia Garcia Paulo Fernandez bilang si Rico Abueva/Bryan Dela Cruz Anita Araneta bilang si Inday Lucy Inna Reyes bilang si Sara Daiz Trica Francisco bilang si Gia Perez Mula sa panunulat at direksyon ni Angelo Veriña __________________________________ Bakasyon ng 2007, may malagim na nangyari sa 68 Aguirre St. Sunbay Subdivision, Quezon City. Umiikot ang pangyayari sa pamilya Garcia. Nasa kanila na ang lahat, kayamanan at kapangyarihan. Mayroon silang tatlong anak, tatlong mga regalo ng Diyos sa mag-asawang nagpakahirap upang makuha ang lahat nang ito. Ngunit sapat na ba ang lahat ng mayroon sila upang sila’y lumigaya? Maaring sa mag-asawa, oo, ngunit sa isa sa kanilang mga anak ni minsa’y hindi nakuha maging masaya, kaya nga bang ipagpalit ang pamilya niya para sa salapi at yaman? Narito ang isang istorya ng makabuluhang pag-iisip sa mundong ginagalawan nina Vince, Veronica at Victoria Garcia. Ating silipin, panoorin, at unawain. EKSENA SA HAPAG-KAINAN… Antonio: Inday, tawagin mo na sila sa taas. Sabihin mo kakain na. Inday Lucy: Opo, sir. Rico: Nakahanda na po ang tiket niyo sa makalawa papuntang Bali, sir. Nakuha ko na ito kaninang umaga. Antonio: Mabuti naman, Rico. Sige, mag-impake ka na rin bukas at maaga tayo aalis. Rico: Opo. (Uupo na sa mesa ang mag-asawang Antonio at Georgia). (Kakatok sa kwarto si Inday). Inday: Vince, Ria, Nica, nakahain na ang pagkain. Magkakapatid: Coming!

(Mag-uusap-usap habang bumababa ng hagdanan, pagka-upo sa mesa, magdadasal, kakain). Veronica: Dad, aalis nga po pala ako tomorrow, ha. May lakad kami nila Gia at Sara. Antonio: At anong oras ka na naman makaka-uwi niyan? Alauna? Alasdos? Veronica: No, naman, dad. Siguro, nandito na ako before midnight. (Ngingiti.) Antonio: Hay nako, Veronica, kada alis mo nalang ay… (Sasabat si Georgia) Georgia: Antonio, pabayaan mo na si Veronica, maaga naman daw siya uuwi di’ba? Wala pa namang pasok, e. Antonio: Eh ano pa nga ba ang magagawa ko? Veronica: Thanks, ma! Vince: Si ate, gagala na naman, mangboboy-haunting. Hahaha! Veronica: Ha—Ha—Ha. Nakakatawa, Vince. Vince: Totoo naman e, hindi ba? Veronica: Ano ka ba? Parti ang pupuntahan naming, hindi bar! Victoria: Ano ba kayo?! Tumahimik na kayong dalawa at kumain nalang tayo. Vince at Veronica: Opo, ate. EKSENA SA KWARTO NI VICTORIA: Bryan: O, kamusta ka naman, dito sa impyernong bahay niyo? Victoria: Bryan, ano ka ba? Hindi naman ito impyerno. Okay lang ako. Bryan: Ah. Teka, may ibibigay ako sa’yo. Victoria: Ano ‘yan? Bryan: Kaibigan natin ‘yan. Victoria: Anong kaibigan?! E baril ‘yan e. Bryan: Alam kong baril, yan! Teka-teka, kaya ko binigay sa’yo yan, para pag may gustong manakit sa’yo o talagang galit na galit ka na at di mo na mapigilan ang sarili mo, diretsuhin mo na kaagad. Kaya dapat lagi kang handa. Victoria: Legal ka bang humawak nito? Bryan: Tsk! ‘Wag mo nang tanungin. Itago mo nalang, okay? Halika na. EKSENA SA SALA… Sara at Gia: Veronica! Halika na! Mahuhuli na tayo sa parti! Veronica: Mom, dad, aalis na ako! Georgia: Agahan mo ang pag-uwi, ah! Mag-iingat ka! (Pagkasarado ng pinto, ilang sigundo pa.)

Antonio: Wala na talaga akong magagawa, Georgia. Napaayos ko na ang testimonya natin. Nahati-hati ko na ito para sa ating mga anak at kay Rico. Georgia: Bakit hindi mo naman sa’kin sinabi na ginawa mo nap ala iyan. At si Rico? Ngunit bakit natin siya pamamanahan? Hindi natin siya kaano-ano! Antonio: ‘Wag ka namang magsalita ng ganyan, dalawampu’t walong taon ding nanilbihan sa serbisyo si Rico sa’kin, sa ating lahat. Kaya nararapat lang sa kanya ang ginawa ko. Gerogia: Oo na, sige na. Ilang porsyento ang pagkakahati-hati mo? Antonio: 35% kay Vince, 40% naman kay Veronica, 15% kay Rico at 10% naman kay Victoria. Victoria: Bakit ganoon nalang kaliit ang porsyento nang sa’kin, dad? (Lalabas.) Georgia: Victoria, anong ginagawa mo diyan? Victoria: ‘Wag niyong ibalik at ibahin ang tanong ko. Bakit ganoon lang ang kaya niyong ibigay at ipamana sa akin?! Anak niyo rin naman ako, diba?! Anak niyo itong babaeng nasa harapan niyo! Mas malaki pa ang ibinigay niyo sa mahirap at mabahong Rico na ‘yan! Antonio: (Sasampalin si Vicotria). Victoria! Tumigil ka na! Georgia: Antonio, sa tingin ko’y oras na para malaman niya ang katotohonan tungkol sa pagkatao niya. Victoria: Anong katotohonan?! Naguguluhan na ako! Georgia: Makinig ka, anak… Victoria: Ahhhh! Hindi ko na kaya ito! (Huhugutin bigla ang kanyang baril sa bulsa at babarilin ang dalawa.) SA KWARTO NI VINCE… Vince: Putok iyon ng baril ah! Ano kayang nangyayari sa baba! (Tatawagan si Rico) Tito Rico, may narinig po akong putok ng baril sa baba, malakas! Puntahan niyo po kami dito! (Pagbaba ni Vince ay maabutan na nakahandusay na ang kanyang mga magulang, hawak ni Victoria ang baril). Vince: Ma, Pa! Ate! Anong ginawa mo! Ma, Pa! Victoria: Hindi ko sinasadya, hindi ko sainasadya, Vince! Maniwala ka! Vince: ‘Wag kang lalapit sa’kin, ate! Lumayo ka! Ma, Pa! Victoria: Maniwala ka sabi e, ayaw mong maniwala, sige, magsamasama kayo! (Babarilin din, mabibigla.) Ano ‘tong nagawa ko! (Iiyak ng iiyak). SA LABAS NG BAHAY… Veronica: Wow, grabe ang saya ng gabing ‘to. (Makikita si Rico, tumatakbo.) Tito Rico?! Anong ginagawa niyo dito? Gabi na po ah! Rico: Tumawag sa’kin si Vince, may putok daw ng baril siyang narinig.

Veronica: Po?! (Tatawag ng pulis sa cellphone.) Halika na, bilisan na natin, baka kung ano na pong nangyayari sa bahay (Papasok ang dalawa sa loob ng bahay, maabutan na nakahandusay ang dalawang matanda at si Vince.) Rico at Veronica: Victoria! Veronica: Anong ginawa mo?! Rico: Victoria, magsalita ka! Anong ginawa mo sa kanila?! Victoria! Victoria: Hindi ko sinasadya, ate, hindi ko sinasadya! Veronica: Pano mong nasasabing hindi mo sinasadya, tatlo silang binaril mo, sabay-sabay pa, ate! Ano bang nangyari. Rico: Huminahon ka, Veronica. Victoria, bakit mo ito ginawa? Bakit? Victoria: (Maalala ang paghahati-hati ng mana.) Teka-teka, bakit ka ba nangenge-alam. Kaano-ano ka ba naming, ha! Masyado kang pakialamero! Sino ka ba talaga?! Bakit lagi ka nalang binibida ni Daddy? Pati mana ko mula sa kanila, lumiit, dahil sa’yo! Sino ka ba talaga? Rico: (Lalapitan si Victoria.) Victoria, ako ang… (Biglang babarilin nang nakapikit ni Victoria si Rico.) Veronica: Ate! ‘Wag! Ate! Siya ang tunay mong ama! Ate! Victoria: Ano?! (Mapapalingon kay Veronica, manlalaki ang mga mata.) Rico: Ma—hal na ma—hal kit—a, an—ak ko. Pa—a—lam. Victoria: I—i—i—tay! Itay! (Hahagulgol si Victoria.) Victoria: Panong nangyari ‘yon? Veronica: Sanggol ka pa lang nang iwan ka ni Tito Rico kay mommy at daddy dahil hindi niya kayang tustusan ang pangangailangan mo noon simula nang mamatay ang tunay mong ina. Pinili nalang niya na Makita kang inaalagaan nang ibang tao kaysa sa pag-aalagang hindi niya kahit minsan magagawa. Lumapit siya kay daddy, ibinigay ka at nagpasyang magtrabaho upang masubaybayan ka hanggang sa paglaki mo, ate. At dahil dun, napagpasyahan na rin ni daddy na pamanahan siya ng mas malaki upang pag nabuhay na kayo ng sa inyong sariling paa, may pangtustos na siya para sa’yo. Victoria: Alam mo itong lahat, Veronica? Niloko mo ako, niyo akong lahat all these years? Veronica: Pinakiusapan ako ni daddy na ‘wag na muna sabihin sa’yo dahil sila ni mommy ang gagawa noon. Ngunit wala na sila, ate. Kinuha mo na sila! Wala kang itinira sa’kin! Pati kapatid ko, pinatay mo! Anong klase kang tao, ate?! Anong klase?! Victoria: Hindi ko naman alam. Veronica: Wala kang kwenta! Lahat ibinigay sa’yo! Binihisan ka nila daddy, pinakaain, inalagaan, bingyan ng sapat na karangyaan, ngunit ito ang igaganti mo sa’kanila?!

(Dadating ang mga otoridad.) Veronica: Siya po. Siya ang may kagagawan sa lahat ng ito. (Nakaposas na si Victoria.) Victoria: Patawarin mo ako, Veronica. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Veronica: Kahit isang milyong beses ka pang humingi ng tawad, hindi na kita kaya pang patawarin sa nagawa mo. Kalimutan mo na ring magkapatid tayo. Dahil wala akong kapatid na kriminal, walangwala. Sige po, dalhin niyo na siya. Victoria: Veronica! Veronica! ‘Wag mong gawin sa’kin ‘to, Veronica! Inday Lucy: ‘Wag kang mag-alala, ma’am Veronica, nandito pa rin ako, hindi kita iiwanan. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Alam mo namang ganyan din ang nangyari sa’kin ng masawi sa aksidente si Grace, ang aking anak. Magpakatatag ka, andito lang ako, hindi kita iiwan. Veronica: Salamat, Aling Lucy, salamat. (Yayakapin.) Sampung taon na ang lumipas, sampung masasayang taon para kay Veronica, sampung malulungkot na taon kay Victoria. Muling nakabangon si Victoria, nakapagpatayo ng bagong kumpanya kasama ang bagong head nitong si Aling Lucy, ang tumayong pangalawang ina niya, at nagkaroon na rin ng dalawang anak kay Gino. Naging masaya ang pagbangong ito ni Veronica, pinalakas niya ang kanyang loob na magsimula ulit kasama ang bago niyang pamilya. Si Victoria naman ay wala nang nagawa kundi ang magtiis sa loob ng kulungan. Makulong sa loob ng madilim na pagsisisi at pagaakalang buhay pa ang ala-ala ng nakaraan. Ngayong nakuha na niya ang inaatim niyang yaman, bakit hindi niya makuha maging masaya? Sana’y napulutan niyo ng aral ang kwento ng pamilya Garcia at sana’y lagi niyong tatandaan na ang pamilya ay isang sapat na kayaman na upang maging masaya at maligaya kasama nila, ang tunay na nangmamahal sa’yo at tanging tumatanggap sa mga kamalian mo.

Related Documents


More Documents from ""