Tuberkulosis

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Tuberkulosis as PDF for free.

More details

  • Words: 554
  • Pages: 3
Tuberkulosis (TB) Ang TB ay isang karamdamang dulot ng mga mikrobyo na tinatawag na bakterya na kadalasang umaapekto sa mga baga. Maaari kayong mahawaan ng TB kapag nalanghap ninyo ang mga mikrobyo. Mas manganganib kayong magkaroon ng TB kung mayroon kayong mahinang sistema ng kabal sa katawan (immune system). Ang sistemang ito ay maaaring manghina dahil sa dimasustansiyang pagkain, karamdaman, mga gamot, o ibang mga sanhi. Mga Palatandaan Ang mga taong may TB ay maaaring mayroong ilan o lahat ng mga palatandaang ito: • Ubo • Lagnat • Pagbaba ng timbang • Pag-ubo ng dugo • Pakiramdam na nanghihina at pagod • Sakit sa dibdib Pagsusuri Gagawin ang pagsusuri sa balat upang tingnan kung kayo ay nahawaan. Ang ibig sabihin ng positibong pagsusuri ay nahawaan kayo ng mikrobyo. Gagawa ang inyong doktor ng x-ray ng dibdib at pagsusuri sa plema (sputum) upang tingnan kung mayroon kayong TB. Susuriin din ang balat ng mga miyembro ng inyong pamilya at iba pang kasamahan ninyo sa bahay. Ang ibig sabihin ng negatibong pagsusuri ay hindi kayo nahawaan. Maaaring walang reaksyon ang pagsusuri sa balat kung mahina ang inyong sistema ng kabal sa katawan. Maaaring suriin kayo ng inyong doktor para sa TB kung negatibo ang pagsusuri sa inyong balat, ngunit mayroon pa rin kayong mga palatandaan. Ang Inyong Pangangalaga • •

• •

Kung positibo ang pagsusuri sa inyong balat o mayroon kayong TB, maguumpisa kayong uminom ng gamot. Inumin ang inyong mga gamot ayon sa ibinilin. Inumin ang inyong mga gamot sa parehong oras bawat araw at huwag tigilan ang pag-inom sa mga ito. Maaaring kailanganin ninyong inumin ang inyong mga gamot sa loob ng 6-24 na buwan. Kung hindi ninyo iinumin ang inyong mga gamot, maaaring bumalik ang inyong TB at mas mahirap itong gamutin. Maaari rin ninyong mahawaan ang ibang tao kung hindi ninyo iinumin ang lahat ng inyong mga gamot. Huwag iinom ng alak habang umiinom ng mga gamot na ito dahil ang alak ay maaaring magdulot ng mga problema sa atay. Maaaring maging kulay dalandan ang inyong ihi at ibang likido sa katawan dahil sa isa sa mga gamot na ginagamit upang gamutin ang TB.

Kung malala kayo at kailangang dalhin sa ospital: • Maaaring ihiwalay kayo sa ibang pasyente. Pipigilan nitong mahawaan ng TB ang ibang tao. • Ihihiwalay kayo hanggang nakainom na kayo ng mga gamot sa TB ng 2-3 linggo o hanggang wala nang mikrobyo ang inyong plema (sputum). • Ang sinumang papasok sa inyong silid ay gagamit ng takip sa ilong at bibig (mask). • Isasara ang pintuan sa inyong silid.



Kakailanganin ninyong takpan ang inyong ilong at bibig kapag nasa labas kayo ng inyong silid.

Kung mayroon kayong positibong pagsusuri sa balat o may TB: • Takpan ang inyong bibig kapag umuubo kayo, bumabahin o tumatawa. Pagkatapos, hugasan ang inyong mga kamay. • Hugasan ang inyong mga kamay bago kumain. • Kumain ng 3 beses at uminom ng 6-8 na basong likido bawat araw. • Pumunta sa lahat ng pakikipagtipan sa doktor. Tawagan agad ang inyong doktor kung kayo ay: • May lumalalang ubo. • Umuubo ng dugo. • Nahihirapang huminga. • Nababawasan ang timbang kahit pa kumakain kayo ng masustansiyang pagkain. • May lagnat o nagpapawis sa gabi. • May kulay kayumangging ihi o kulay abo na dumi. • Naninilaw ang balat o mga mata.

Related Documents

Tuberkulosis
May 2020 20
Tuberkulosis
May 2020 21
Tuberkulosis Paru
June 2020 37
Cdk 099 Tuberkulosis
November 2019 17