ILANG MUNGKAHING PARAAN NG PAGIGING MATAGUMPAY NA MANANALUMPATI O TAGAPANAYAM
1. MAGBIGAY NG TALUMPATI O PANAYAM NA ANGKOP SA TAGAPAKINIG • Kung ikaw ay napili o naanyayahang bumigkas ng talumpati sa isang pagtitipon, una mong dapat alamin ay sino ang iyong mga tagapakinig.
2. ANG PAKSA NG TALUMPATI O PANAYAM AY DAPAT IANGKOP SA OKASYON • Sa pagbibigay ng talumpati, mangyari pa dapat alamin kung ano okasyong pag-uukulan mo ng talumpati.
3. ANG PAKSA AT PARAAN NG TALUMPATI AY NABABATAY SA LAYUNIN O TUNGKULIN NG PAGBIBIGAY NG TALUMPATI. • Mauuri natin ang talumpati ayon sa layunin o tunguhin gaya ng sumusunod: a. Nagtuturo at nagbibigay kabatiran Ang ganitong uri ng talumpati o panayam ay tumatalakay, nagpapaliwanag; naglalarawan ng pangyayari o kaisipan, dili kaya’y tinuturuan ang tagapakinig ng paraan ng pagsasagawa ng isang bagay o gawain.
3. ANG PAKSA AT PARAAN NG TALUMPATI AY NABABATAY SA LAYUNIN O TUNGKULIN NG PAGBIBIGAY NG TALUMPATI. b. Talumpating may layuning humimok, gumanyak at kumumbinsi ng mga tagapakinig. Ang ganitong uri ng talumpati ay naglalayong baguhin ang paniniwala; ganyakin ang tagapakinig na gumawang aksiyon hinggil sa paksang tinatalakay.
3. ANG PAKSA AT PARAAN NG TALUMPATI AY NABABATAY SA LAYUNIN O TUNGKULIN NG PAGBIBIGAY NG TALUMPATI. k. Talumpating naglalayong magbigay aliw, kasiyahan at kaluguran sa tagapakinig. Ang ganitong mga panayam o talumpati ay malimit na naririnig sa mga pagsasalu-salo, palatuntunan matapos ang hapunan/tanghalian, panimula ng isang tagapagpakilala sa isang palatuntunan, talumpati ng isang magbubukas ng pulong, kumperensya, o seminar.
d. Talumpating may layuning ang dating paniniwala, ang dati nang ginagawa ay mapasidhi pa at mapag-ibayo ang sigla.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!