Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng hindi maayos na patakaran ukol sa pulitika. Maraming pulitiko na namumuno sa ating bansa na hindi karapatdapat sa kanilang posisyon. Isa sa sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng matinding suliranin sa korapsyong. Ito ay isang paglabag sa itinatakda ng ating batas na nangangailangan ng isang moral at tama na solusyon upang malutas. Karaniwan na sa ating pamahalaan ang pagkakaroon ng mga namumunong ang tanging hangad lamang ay yumaman sa pamamagitan ng paggamit ng yaman ng iba, ito ang pinakamabigat na suliranin ng ating bansa. Ang makasariling pag-iimbot sa kaban ng bayan na hindi isinasaalang-alang ang kinabukasan ng ibang mamamayan ng bansa. Kung saan ang mas naapektuhan ay ang mga mahihirap. Sa ating bansa ang may kapangyarihan ay nang-aabuso at nagtatamasa ng mgabagay na dapat ay hini nila taglay. Kung ganitong uri ng sistema ang patuloy na makikita ng kabataan anong gagawin nila? Sigaradong bawat kabataan ay mgtatanim ng galit para sa sistema.