Pangngalan.docx

  • Uploaded by: Nilo Bert Banganan
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pangngalan.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,799
  • Pages: 7
Pangngalan  ay mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lugar, kalagayan o pangyayari.

TAO

LUGAR

BAGAY

HAYOP

PANGYAYARI

Mga Uri ng Pangngalan Pangngalang Pantangi  ito ay sadya, tiyak o tanging tawag sa tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari. Halimbawa:Pilipino,Sierra Madre,Juan,Perlas ng Silangan Pangngalang Pambalana  ito ay karaniwan o balanang tawag sa tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari. Halimbawa:dayuhan bansakaisipanlakas Uri ng Pangngalang Pambalana Basal ang basal ay nasa isip, diwa, o damdamin.Halimbawa: panaginipkuru-kuro kaligayahankaunlaran Tahas ang mga bagay na nakikita o nahahawakan.Halimbawa: papellapisaklat pahayagan Lansak ang lansak ay nagsasaad ng kaisahan sa karamihan o kabuuan.Halimbawa:HukboLangkayLuponBigkis Mga Halimbawa ng Pangngalan Tao  Si Bernadette ay umuwi ng madaling araw kaya napagalitan siya.  Umalis ng maaga si Jaime para makarami siya ng benta.  Ibinili ni Tonyo ng bulaklak si Aling Linda.  Sina Louie at Dailyn ay pumunta ng parke.  Ayaw ni Carlos na kumain ng pinya kaya ibinigay niya ito kay Sander Bagay  Ang gunting ay nawawala kaya hindi pa nasisimulan ang mga gawain.  Ang mga mesa ay inilipat ng mga mag-aaral sa kabilang kwarto.  Ang tubig sa tabo ay natapon ni Miguel.  Ang plato ay aksidenteng nabitawan ni Damian.



Ang telepono ay nabagsakan ng malaking kahoy. Pook  Sa Akademya ng Sta. Juanina nag-aaral ang magkapatid na Trina at Daisy Jane.  Sa ospital dumiretso ang mag-ama.  Sa probinsya ng Sto. Rosario umuuwi ang pamilya Paeng.  Sa parke pumunta ang magkapatid noong kaarawan ni RJ.  Sa Mababang Paaralan ng Miguel Jaime nag-elementarya sina Vin at Rexel. 

Pangyayari  Ang Araw ng mga Puso ay ipinagdiwang noong isang araw.  Sa Pasko na raw uuwi mula Amerika si John Lloyd.  Sa kanyang kaarawan ay isinurpresa siya ni Leiane.  Ang Bagong Taon ay malayo pa kaya marami pang pwedeng mangyari. Pang-uri Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[kailangan ng sanggunian] Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay. Uri ng pang-uri May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:  



Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.  Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-. Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.  Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.  Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.  Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.

Mga halimbawa: 1) malaki 2) matangkad 3) mabilis 4) mabait

5) maliit 6) masipag 7) maaalahanin 8) maayos 9) tahimik 10) maingay Panghalip  Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit". Mga uri ng panghalip  Ayon sa Tagalog Lang, mayroong apat na uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng panghalip ang panghalip na panao, panghalip na pananong, panghalip na panaklaw, at panghalip na pamatlig. Panghalip na panao  Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his). Panghalip na pananong  Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun. Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what), ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin. Panghalip na panaklaw  Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang sumusunod: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, "saanman", at "ilan"

Panghalip na pamatlig  Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton. Halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga salitang ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at naroon.

Pandiwa  Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles. Mga halimbawa (naka-italiko):     

Pumunta ako sa tindahan. Binili ko ang tinapay. Kumain ako ng tinapay kaninang umaga. Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan. Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin.

ASPEKTO NG PANDIWA 1. Perpektibo o Naganap Mga Halimbawa: Nagluto Nagtanong Nagsimba Nagtanim Naghugas Nagbiro Naglinis Nagsulat 2 Imperpektibo o Pangkasalukuyan Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nangyayari. Pormula: Nag + Unang Pantig + Salitang Ugat Mga Halimbawa: naglalaba, naglilinis, nagtatanim, nagbabasa,naghuhugas, nagsusulat 3. Kontemplatibo o magaganap ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o naisasagawa. Ito ay gagawin pa lamang. Pormula: Mag + Unang Pantig + Salitang Ugat Mga Halimbawa: Maglalaba,Maglilinis,Magaaral, Magtatanim,Magsisimba,Magbabasa,Maghuhugas ,Magsusulat

Pang-abay  Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa pang-uri at kapwa pang-abay Mga Uri ng Pang-abay Pamanahon Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng arawaraw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."[2] Ito ay ang pinakamadali na pang-abay. Panlunan Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamaganak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan. Pamaraan Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit", "Mahusay bumigkas ng tula ang batang si Boy".

Pangatnig Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap. Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa wakas" at "upang"). Pang-angkop Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan. Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa nito sa pangungusap ay; "Nasira ang tulay nakawayan.", "May maraming dahong luntian dito.", "Malayang nakakalipad ang Ibon."

Pang-ukol Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa itong morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o pagbabago sa parirala. Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa. Sa balarilang Filipino o Tagalog, ang katawagang pang-ukol at iba pang bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.[3] Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit mas malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna bago ang kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos ng complement.

Bahagi ng Liham 1. Pamuhatan • Nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at ng petsa kung kailan ito isinulat. #123 Brgy. Puting Tubig, Gapan City, Nueva Ecija Enero 14, 2005 lugar petsa 2. Bating Panimula • Nagsasaad ng pangalan ng sinulatan. • Nagtatapos ito sa kuwit. Halimbawa: Mahal kong kaibigan, Mahal kong kapatid, Mahal kong Ben, Mahal kong Almira, 3. Katawan ng Liham • Dito nakasaad ang nilalaman o nais ipabatid ng sumulat. • Dito ipinahahayag ang tunay na dahilan ng pagsulat. Halimbawa: Sana masaya ka ngayong kaarawan mo. Saka ko na lang po kayo bibigyan ng regalo sa pagdalaw ko dyan. Sana maging masaya ang party kung may party kayo. Maligayang kaarawan po. 4. Bating Pangwakas • Kakikitaan ng relasyon ng taong sumulat sa sinulatan. • Ang huling bati ng sumulat. • Ito ay nagtatapos sa kuwit. Halimbawa: Ang iyong kaibigan, Ang iyong kapatid, Nagmamahal, 5. Lagda • Nagsasaad ng pangalan ng sumulat. • Kung ang ating sinulatan ay isang kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na lamang ang ating ilagda. Halimbawa: Carlo Magdalena

More Documents from "Nilo Bert Banganan"