Nolimetangere-final.docx

  • Uploaded by: Baby Koala
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Nolimetangere-final.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 4,091
  • Pages: 14
Noli me tangere Intro Scene 1 Ang Salu-Salo Scene 2 Erehe at Pilibustero Scene 3 Pagsusuyuan sa Asotea Scene 4 Araw ng mga Patay Scene 5 Ang Dalawang Sakristan Scene 6 Ang Paghihirap ni Sisa Scene 7 Ang Pangingisda Scene 8 Ang Pananghalian Scene 9 Si Donya Consolacion at Sisa Scene 10 Ang Dalawang Donya Scene 11 Ang mga Balak Scene 12 Ang Pagdakip kay Ibarra Scene 13 Tugisan sa Lawa Scene 14 Ang Paliwanag ng pari INTRO *magsisimula yung music. lahat ay naka tableau, maliban kay Rizal na naglalakad at hawak-hawak ang Noli Me Tangere na libro* RIZAL: *sasabihin yung mga lines niya* SCENE 1: Isang Salu-salo PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang? LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo? PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago. DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo! NARRATOR: Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa. CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali. DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma’y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra? CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Señor Tinyente. TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa’y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama.

CRISOSTOMO: Maraming salamat po. UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan! NARRATOR: Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina. VICTORINA: Wala ka bang mga mata? TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok. NARRATOR: Sa hapagkaianan. LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano’ng pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo? CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito. DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan. CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa’y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas! TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara. IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin. NARRATOR Nakaalis na nga si Ibarra. PADRE DAMASO: *haharap sa mga audience* Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa! End of Scene. SCENE 2: Erehe at Pilibustero NARRATOR: Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya’y naglalakad. IBARRA: Hay, pitong taon akong nawala at wala man lang masyadong nagbago dito! Nakakalungkot. NARRATOR: Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat. IBARRA: *magugulat at mapapalilingon* ! TINYENTE: Binata, naging kaibigan ako ng iyong ama. IBARRA: Mukhang kilala niyo nga aking ama. Pwede ko bang itanong kung paano siya namatay? TINYENTE: Hindi mo alam? Alam mo naman siguro kung saan siya namatay.

IBARRA: Hindi ko din po alam. TINYENTE: Wala man lang bang nagsabi sa iyo na namatay siya sa bilangguan? IBARRA: Sinong namatay sa bilangguan? TINYENTE: Ang iyong ama! IBARRA: *sobrang magugulat* ! Ano?! Anong sinasabi niyo?! Inaasar niyo ba ako? *hihinahon* Nagkakamali po siguro kayo. Kilala niyo ba ama ko? *hahawakan ang braso ni Tinyente* TINYENTE: Hindi ba sabi mo kanina’y ikaw ang anak ni Don Rafael Ibarra? IBARRA: Ba... Bakit siya namatay sa bilangguan? TINYENTE: Kahit marangal ang iyong ama, nagkaroon din siya ng mga kaaway. Merong isang artilyero na humabol sa mga batang nang-aasar sa kanya. Kamalasan, nakialam ang iyong ama. Maya-maya’y namatay ang artilyero dahil sa apoplexy. Napagbigtangan ang iyong ama. Dahil sa kanyang mga kaaway, hindi siya nakalaya. At sa kasamaang palad, sa bilangguan na siya namatay. IBARRA: *hihingal, makakaramdam ng sobrang galit* Bakit ngayon ko lang ito nalaman? TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay. Nakikiramay ako. IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko... *iiwanan si Tinyente* End of Scene. SCENE 3: Pagsusuyuan sa Asotea MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya? NARRATOR: Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at hinanap niya si Maria Clara. CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya. TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho. CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara? TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali. *uupo si Ibarra sa upuan*

NARRATOR: Si Kapitan Tiyago ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara. TIYA ISABEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito. MARIA CLARA: Pasok po kayo, Tiya. TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya? MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya. NARRATOR: Lumabas si Maria Clara. CRISOSTOMO: *lalapit kay Maria at hahalikan ang kamay niya* Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara. MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo. CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang? MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo? CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan. MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako. CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria. MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo. CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako’y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko. MARIA CLARA: Sandali. NARRATOR: Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo. MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang. CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko. NARRATOR: Lumakad na si Ibarra. MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. End of Scene. SCENE 4: Araw ng mga Patay NARRATOR: May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo. LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya? LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanong, maghukay ka na lang diyan. LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay! NARRATOR: Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay.

CRISOSTOMO: Nasaan ba? ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito. CRISOSTOMO: Dito ba? ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko. NARRATOR: Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong. ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito? LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon. ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon? LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura. CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?! LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik. CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?! LALAKI 2: ‘Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog. CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! NARRATOR: Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito. CRISOSTOMO: Ano’ng ginawa mo sa aking ama? SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa— CRISOSTOMO: Ano’ng wala? SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa’yo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso. NARRATOR: Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo. End of Scene. SCENE 5: Ang Dalawang Sakristan NARRATOR: Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin. BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin. NARRATOR: Naupo silang dalawa sa may sulok. CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya? BASILIO: Dalawang piso, bakit ba? CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko. BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan. CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman ‘to ng Inay...natatakot ako. BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan ng--

NARRATOR: Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor. SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo! CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw. SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa! NARRATOR: Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid. BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po— NARRATOR: Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan. CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako! BASILIO: Crispin… NARRATOR: Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana. End of Scene. SCENE 6: Ang Pagkabaliw ni Sisa NARRATOR: Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan. UTUSAN: Para saan ang mga ‘yan ale? SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito? SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak. SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko. KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! NARRATOR: Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil. GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw? SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko. GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin! SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin. GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!

SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo. GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila. SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong ikulong… GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo! NARRATOR: Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa. ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! NARRATOR: Agad nilang pinakawalan si Sisa. GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha! NARRATOR: Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay. SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? NARRATOR: May nakita siyang damit na duguan. SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo! NARRATOR: At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa. End of Scene. SCENE 7: Ang Pangingisda NARRATOR: Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra? MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong “kami” ni Ibarra? KAIBIGAN 2: Hindi ba’t kararating lamang niya? MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda… MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy… MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo. IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko? MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo… NARRATOR: Sa palaisdaan…

ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta? MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba? ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon. MARIA CLARA: Ano iyon? ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po. MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala. IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon? ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko— Isang buwaya!!! MARIA CLARA: May buwaya! ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan! MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya! IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya. MARIA CLARA: Ibarra! MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila. TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila! ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo. End of Scene. SCENE 8: Ang Pananghalian NARRATOR: Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra. IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan? MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko. NARRATOR: Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura. DAMASO: *titingin sa audience* Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta! *titingin sa kainian* MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko. IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan. DAMASO: *titingin sa audience* Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan…*titingin sa ulit sa kainan* IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa! DAMASO: *titingin muli sa audience* ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at-IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama! DONYA VICTORINA: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo. IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito.

Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos? MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si Padre Damaso. IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba talagang dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan! NARRATOR: Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara. End of Scene. SCENE 9: Si Donya Consolacion at Sisa NARRATOR: Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil. CONSOLACION: Mga guardia civil! GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora? CONSOLACION: Sino iyang kumakanta? GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw. CONSOLACION: Dalhin n’yo siya rito. GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora. NARRATOR: Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa. GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora. CONSOLACION: Pakantahin n’yo siya. GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na! NARRATOR: At umawit naman si Sisa. SISA: *kumanta* CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis. GUARDIA CIVIL: Opo, Señora. CONSOLACION: Hoy Baliw! SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw! CONSOLACION: Sumayaw ka! SISA: Sumayaw? CONSOLACION: Gayahin mo ako. SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw! CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw! SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw! CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw! SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!

NARRATOR: Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo. CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw! SISA: Aray! ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?! CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan! ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano? SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha! ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. End of Scene. SCENE 10: Ang Dalawang Donya NARRATOR: Naglalakad si Donya Victorina sa kalsada nang makita niya si Donya Consolacion sa taas ng kanilang bahay. CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman ‘yan! Ang pangit naman ng dumadaan! VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?! CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko ‘yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! NARRATOR: Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes. CONSOLACION: Ano’ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo? VICTORINA: Hindi kita uurungan! Namagitan si Alperes sa kanilang labanan. ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata! VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam! ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae— ALPERES: Tayo na Consolacion, wala tayong mapapala sa mga iyan. Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago. End of Scene. Scene 11: Mga Balak NARRATOR: Nagkaroon ng malubhang sakit si Maria matapos ang misa na pinangunahan ni Padre Salvi. Umuwi kaagad sila sa bahay ni Kapitan Tiyago.

*nakaupo at tulala si Maria Clara* TIYA ISABEL: *ilalagay niya yung kamay niya kay Maria* Naku po! Ang taas na ng lagnat mo iha. *haharap kay Kapitan Tiyago* hanapin na kaya natin yung asawa ni Donya Victorina? MARIA: Wala pa po bang ibinibigay na liham si Crisostomo sa’kin? TIYA ISABEL: Wala pa akong natatanggap, iha. ‘Wag ka mag-alala, pupunta at pupunta rin siya rito. *humarap muli kay Kapitan Tiyago* KAPITAN TIYAGO: Sino? Si Don Tiburcio? TIYA ISABEL: Oo, siya nga iyon. — NARRATOR: Matapos mabigyan ng gamot si Maria Clara, napag-alaman ito ni Padre Damaso kaya agad-agad siyang pumunta sa tahanan nila Kapitan Tiyago. *papunta si Padre Damaso at siya ay mapapaluhod kay Maria* PADRE DAMASO: Anak, magpalakas ka, ha? Alam kong kaya mong labanan ang sakit na nararamdaman mo. *biglang lalaki ang mga mata ni Maria Clara sa kaniyang narinig at magbubulong-bulungan yung mga tao sa paligid nilang dalawa* *biglang mapapaalis si Padre Damaso sa upuan ni Maria at sinundan naman ito ni Donya Victorina.* DONYA VICTORINA: Padre Damaso, *magmamano* may liham na ipinaparating po sa inyo. PADRE DAMASO: At sino naman ang nagsulat ‘non? *kukunin yung liham at babasahin pero mukhang hindi naiintindihan ang sulat* DONYA VICTORINA: Si Alfonso Linares po, ang— PADRE DAMASO: Ah...! Ang inaanak ng bayaw ko na si Carlicos! Bakit at ano ba ang kailangan niya? DONYA VICTORINA: Naghahanap po kase siya ng mapapangasawa, eh, gumawa na ng liham para raw makahanap siya dito ng babae kung mayron. PADRE DAMASO: Isang babae? bubulong sa sarili ng: “isang babae” ng paulit-ulit hanggang pumunta siya sa loob ng kwarto ni Maria *susundan naman ito ni Donya Victorina at lalabas sa tinataguan si Padre Salvi sa kanyang narinig.* End of Scene.

SCENE 12: Ang Pagdakip kay Ibarra NARRATOR: Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. ELIAS: Tao po! Tao po! IBARRA: Elias! ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito. IBARRA: Ano’ng ibig mong sabihin? ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito. IBARRA: Ngunit sino ang…? ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor. IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin? ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan. IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. NARRATOR: Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto. IBARRA: Sino ‘yan? SARHENTO: Kami’y mga alagad ng batas! IBARRA: Bakit po— SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! NARRATOR: Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay. End of Scene. SCENE 13: Tugisan sa Lawa NARRATOR: Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating. MARIA CLARA: Crisostomo…? IBARRA: Mahal ko... *niyakap* tinulungan ako ni Elias na makatakas. MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko. IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa’yo...sa lugar na ito... MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong… IBARRA: Nalaman kong ano? MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...

IBARRA: Paano— MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo. IBARRA: Paalam, Maria Clara...*niyakap at umalis* NARRATOR: Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo. ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. NARRATOR: Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil. ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila. IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila— ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. NARRATOR: Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. End of Scene. SCENE 14: Ang Paliwanag ng Pari NARRATOR: Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo. MARIA CLARA: Hindi!!! *sisirain yung papel* Hindi ito maaari...mahal ko... DAMASO: Ano’ng nangyari sa’yo, anak ko? MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo? DAMASO: Ano’ng ibig mong sabihin— MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko... DAMASO: Ngunit— MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako magpapakasal sa kanya. DAMASO: Ngunit— MARIA CLARA: Kung itutuloy n’yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako! DAMASO: Patawarin mo ako, iha. *luluhod* Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay mo. Patawad, anak ko. MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako. *tatayo* DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.

NARRATOR: Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama. DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan? End of Scene.

CASTS Jose Rizal - Daniel Carbonel Crisostomo Ibarra - Daniel Nanca Maria Clara - Keisha Masangya Elias - Aaron Baligod Padre Damaso - Jestoni Humalatag Padre Salvi - William Dolojo Kapitan Tiyago - Martin Yenko Donya Victorina - Lhemarie Tambo Tinyente Guevarra - Judah Estrellas Donya Consolacion - Ella Calica Sisa - Arianne Valderrama Basilio – Matthew Miro Crispin – Thomas Brecio

More Documents from "Baby Koala"