PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com
Mga Apat na Kailangan ng Tagumpay Isinalin1 at Isina-ayos: Abu Khalid Al Madzhar ibn Abdul Fattah
ت34+5 67 و3*(%!ور ا$9 67 /3: و! <ذ#$%&'(!*) و+ '(! و#,-.! / ,-.0ان ا / اJ) ا0 اJ أن,A9) وأ0 دي3 @? هGHIB 67 ) و0 GI7 ?@ / ا#,AB 67 3*03->ا )0<5 و ر#,M> ا,-.7 أن,A9) و أ0 KB$9 J #,Lو , : 37أ G و آ،3AO3P,.7 <ر7Q ا$َ 9 و،,-.7 ي,ي ه,A0 ا$+S و،/ب ا3' آVB,.0 ا$+S نW@ .ر3*0 اZ@ X0?Y G و آ،X0?Y X>,: G و آ،X>,: XP,.7 Katunayan ang lahat ng papuri ay sa Allah lamang, purihin natin Siya, hingin ang Kanyang tulong at ang Kanyang kapatawaran. Tayo ay nagpapatikupkop sa Allah laban sa kasamaan ng ating sarili at sa kasamaang naidudulot ng ating mga gawa. Ang sinumang napatnubayan ni Allah walang makapag liligaw sa kanya, ang sinumang pinabayaan ni Allah na maligaw, walang makakapag gagabay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban ang Allah lamang, ang Nag Iisa, ang Natatangi, ang walang katambal. Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay ang Kanyang alipin at sugo. Katotohanan, ang pinaka mainam na salita ay ang aklat ni Allah, ang pinaka mahusay na patnubay ay ang patnubay ni Muhammad (saw), ang pinaka masamang bagay ay ang pagbabago ng relihiyon, ang lahat ng pag babago na ito ay bid’ah, ang lahat ng bid’ah ay pagkaligaw, ang lahat ng pagkaligaw ay patungo sa impyerno. Kung minsan tayo ay nagkakamali katulad ng pagkakamali ng mga taong nauna sa atin. Akala natin na ang Islam ay ang instant na kaligtasan at pagwawasto ng lahat ng ating mga kamalian. Dahil dito, ating binabanggit ang ash hadu anlaa ilaaha illallah wa ash hadu anna Muhammad rasoolullah at ating iniisip na nandito na nga ang ating tagumpay. Ngunit binigyan tayo ng Allah ng mas maraming pagsubok kaysa dito. Ito ay hindi isang samahan na sinasalian lamang. Ito ay daan. Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa Allah, at ito ang pinakamababa sa lahat ng baitang. Kailangan natin na sumuko sa Allah at ang pagsukong ito ay habang buhay. Kailangan nating malaman ang mga detalye ng mga bagay bagay na inutos sa atin ng Allah upang ito ay ating magampanan. Pagkatapos nito (pagkatapos ng Islam), tayo ay dapat umangat sa susunod na baitang, at ito ay ang baitang ng Emaan. Ang Emaan ay mas mataas na katayuan na may katiyakan sa pananampalatayang Islam at mas kakaunting 1
Hango sa Khutba ni Salim Morgan: http://www.java-man.com/index.html
1
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com pagdududa sa Allah. At kapag naabot na nating ang kalagayan na Emaan, mayroon pang isang baitang, at ito ay ang Ihsaan. Ang Ihsaan ay ang katayuan na kung saan na wala nang nananatiling pagdududa sa Allah. Ang nasa katayuan na ito ay siya na sumasamba sa Allah na tila baga’y nakikita niya ang Allah sa kanyang harapan, at totoo nga na hindi niya makikita ang Allah sa buhay na ito, subalit siya ay tiyak na siya ay nakikita ng Allah. At insha Allah, ang sinumang umabot sa baitang ng Ihsaan, sa kabilang buhay, ay yaong magiging mga nufoos al mutmainnah, mga mapayapang kaluluwa, na kung saan sinabi ng Allah sooratul Fajr:
﴾ ﻴ ﹰﺔﺿ ﺮ ﻣ ﻴ ﹰﺔﺿ ﺍﻚ ﺭ ﺑﺭ ﻰ ﹺﺇﻟﹶﻰﺭ ﹺﺟﻌ ﺍ- ﻨ ﹸﺔﺌﻤ ﻤ ﹾﻄ ﺲ ﺍﹾﻟ ﻨ ﹾﻔﺎ ﺍﻟﺘﻬﻳ﴿ﻳﹶﺄ ﴾ ﻰﻨﺘﺟ ﻰﺧﻠ ﺩ ﺍﻯ ﴾ ﴿ﻭﺎﺩﻋﺒ ﻰﻰ ﻓﺧﻠ ﺩ ﴿ﻓﹶﺎ “O (Ikaw na) mapayapang kaluluwa, Magbalik ka sa iyong Panginoon, nalulugod at kinalulugdan. Halika, pumasok ka sal ipon ng Aking mararangal na alipin, At pumasok ka sa Aking Paraiso.” 89: 27-30 Mayroong apat na kailangan ng tagumpay at pagwagi, mga apat na kailangan na dapat gampanan ng bawat Muslim. Ang apat na ito ay magkakasama, hindi sapat na iisa lamang ang gampanan. Huwag nating isipin na kapag nagampanan na natin ang isa ay nagtagumpay na tayo. Ang apat na ito ay mahalaga sa pag tanggap ng ating mga gawa. Ang una ay ang magsalita ng katotohanan lamang. Ang pang una ay ang pagtuwid ng lahat patungkol sa dila at ang pinakatuwid na masasabi ng dila ay ang Ash hadu an la ilaha illallah wa ash hadu anna Muhammadar Rasoolullah.. Subalit ang dila ay dapat matuwid sa lahat ng bagay. Sinabi ng Propeta rH5) و+H> / اsHt, ”Ang sinuman ang makapag garantiya sa akin ng kung anuman ang nasa pagitan ng kanyang panga at ang nasa pagitan ng kanyang mga hita, aking siyang pinanangakuan ng paraiso”. At nagulat ang isa sa mga Sahaba, isa sa mga kasamahan ng Propeta rH5) و+H> / اsHt at siya ay nagsabi na tayo ba ay matatapon sa impyerno (sa dagat dagatang apoy) nang dahil lamang sa ating mga salita? Tugon ng Propeta rH5) و+H> / اsHt sa kanya, ”Sa Tingin niyo ba mayroon pang ibang dahilan kung bakit matatapon sa impyerno ang mga taong nauna sa inyo kung hindi dahil sa kung ano ang inani ng kanilang mga dila.” Kaya’t ang una nating dapat gawin ay dapat nating ituwid ang ating pananalita. Tayo ay dapat mangusap lamang ng pawang katotohanan. Sinabi ni Allah sa Sooratul Ahzaab: 2
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com
ﻢ ﺢ ﹶﻟ ﹸﻜ ﻠﺼ ﻳ - ﻳﺪﹰﺍﺳﺪ ﻮ ﹰﻻ ﻭﻗﹸﻮﻟﹸﻮﹾﺍ ﹶﻗ ﻪ ﺗﻘﹸﻮﹾﺍ ﺍﻟﱠﻠﻮﹾﺍ ﺍﻣﻨ ﻦ ﺀَﺍ ﻳﺎ ﺍﱠﻟﺬﻳﻬ﴿ﻳﹶﺄ ﺯ ﺪ ﻓﹶﺎ ﻪ ﹶﻓ ﹶﻘ ﻮﹶﻟﺭﺳ ﻭ ﻪ ﻄ ﹺﻊ ﺍﻟﱠﻠ ﻳ ﻦﻭﻣ ﻢ ﹸﻜﻮﺑﻢ ﹸﺫﻧ ﺮ ﹶﻟ ﹸﻜ ﻔ ﻐ ﻳﻭ ﻢ ـﹶﻠ ﹸﻜﻋﻤ ﹶﺃ ﴾ ﻴﻤﹰﺎﻋﻈ ﺯﹰﺍﹶﻓﻮ O kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo si Allah at mangusap kayo ng mga salita na may karampatang katarungan2 (katotohanan). Sa gayon, kanyang babaguhin para sa inyo ang inyong mga gawa at patatawarin (Niya) ang inyong mga kasalanan. At sinumang sumunod kay Allah at sa Kanyang sugo ay katiyakang nakapagtamo ng tagumpay. (33:70)
:ﺍﻟﺒﺨﺎﺭﻱ
ﺖ ﻤ ﺼ ﻴﻟ ﻭ ﺍ ﹶﺃﻴﺮﺧ ﻴ ﹸﻘ ﹾﻞﺧ ﹺﺮ ﹶﻓ ﹾﻠ ﻮ ﹺﻡ ﺍﻵ ﻴﺍﹾﻟﻪ ﻭ ﻦ ﺑﹺﺎﻟﱠﻠ ﻣ ﺆ ﻳ ﻦ ﻛﹶﺎ ﹶﻥ ﻣ Ang sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw, dapat siyang magsalita lamang ng kabutihan at kung hindi, siya ay tumahimik na lamang. Kaya’t mga kapatid mahigpit na ipinagbabawal sa Islam ang pagsisinungaling at kung ano pang mga salita na labag sa Islam. Sinabi ng Propeta rH5) و+H> / اsHt,
:ﺍﻟﺒﺨﺎﺭﻱ ﺪ ﺒﻌ ﻭﹺﺇ ﱠﻥ ﺍﹾﻟ ﺕ ﺎﺭﺟ ﺩ ﺎﻪ ﹺﺑﻬ ﻪ ﺍﻟﱠﻠ ﻌ ﺮﹶﻓ ﻳ ﺎﻻﺎ ﺑﻲ ﹶﻟﻬﻳ ﹾﻠﻘ ﻪ ﻻ ﻥ ﺍﻟﱠﻠ ﺍﺿﻮ ﻦ ﹺﺭ ﻣ ﺔ ﻤ ﻠﻢ ﺑﹺﺎﹾﻟ ﹶﻜ ﺘ ﹶﻜﱠﻠﻴ ﹶﻟﺒﺪﻌ ﹺﺇ ﱠﻥ ﺍﹾﻟ ﻢ ﻨﻬ ﺟ ﻲﺎ ﻓﻬﻮﹺﻱ ﹺﺑﻬ ﻳ ﺎﻻﺎ ﺑﻲ ﹶﻟﻬﻳ ﹾﻠﻘ ﻪ ﻻ ﻂ ﺍﻟﱠﻠ ﺨ ﺳ ﻦ ﻣ ﺔ ﻤ ﻠﻢ ﺑﹺﺎﹾﻟ ﹶﻜ ﺘ ﹶﻜﱠﻠﻴﹶﻟ May isang alipin ng Allah (o isang Muslim) na nagsalita ng bagay na walang halaga sa kanya at ito ay nagustuhan ng Allah, at dahil dito, siya ay inangat ng Allah. At mayroon namang isang alipin ng Allah, na 2
(speak (always) the truth.) meaning, to speak in a straightforward manner, with no crookedness or distortion. He promises them that if they do that, He will reward them by making their deeds righteous, i.e., enabling them to do righteous deeds, and He will forgive them their past sins. With regard to whatever sins they may commit in the future, He will inspire them to repent from them. (Tafseer Ibn Kathir)
3
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com nagsalita ng isang bagay na walang halaga sa kanya, na naging sanhi ng pagkagalit ng Allah, at ito ay naging sanhi ng kanyang pagkatapon sa impyerno. Kaya’t dahil dito, tayo ay maging maingat sa bawat salita na lumalabas sa ating mga bibig. Kaya ang una nating kailangan upang tayo ay magtumpay ay dapat magsalita na pawang kabutihan lamang. Ang pangalawang pangangailangan sa ating tagumpay ay ipagtugma natin ang ating mga salita sa ating gawa. Dapat umaayon ang ating gawa sa ating salita. Sinabi ng Allah sa Qur’ran, sa Sooratus Saff:
﴾ ﻌﻠﹸﻮ ﹶﻥ ﺗ ﹾﻔ ﺎ ﹶﻻﺗﻘﹸﻮﻟﹸﻮ ﹶﻥ ﻣ ﻢ ﻟ ﻮﹾﺍﻣﻨ ﻦ ﺀَﺍ ﻳﺎ ﺍﱠﻟﺬﻳﻬ﴿ﻳﹶﺄ ﴾ ﻌﻠﹸﻮ ﹶﻥ ﺗ ﹾﻔ ﺎ ﹶﻻﺗﻘﹸﻮﻟﹸﻮﹾﺍ ﻣ ﻪ ﺃﹶﻥ ﺪ ﺍﻟﱠﻠ ﻨﻣﻘﹾﺘﹰﺎ ﻋ ﺮ ﺒ﴿ ﹶﻛ ”O kayong nananampalataya! Bakit kayo nag sasalita (ng mga bagay) na hindi ninyo tinutupad? Tunay ngang kinapopootan ng Allah na kayo ay nagsasalita (ng mga bagay) na hindi ninyo tinutupad” As Saff 61:2-3 Ang unang pangangailangan na binanggit natin kanina ay iwasto natin ang ating pananalita. Mula sa ating pagbanggit ng Ash hadu an Lailaha illallah wa Ash hadu anna Muhammadar Rasoolullah. Ating sinasabi na sasambahin nating lamang si Allah at susundin ang Kanyang mga kautusan. At ang pagsamba at pagsunod na ito ay ayon sa pamamaraan ng Kanyang sugo na si Muhamad rH5) و+H> / اsHt . At sinabi natin na hindi lang iyon ang dapat nating iwasto, pati na ang mga maliliit na bagay na ating sinasabi, mga salitang namumutawi mula sa ating bibig at dapat kasali sa tinatawag na Khair – kabutihan. Ang pangalawang pangangailan ay pagtugmain natin ang ating salita at ang ating gawa. Pagkatapos nating gawin iyon, hindi parin garantiya ang ating Tagumpay. Kahit na puro kabutihan ang ating sinasabi at tayo ay gumagawa ng mabuti, sinasabi nating tayo ay mga Muslim, nagdarasal ng limang beses sa isang araw, ating inilalayo ang ating mga sarili sa lahat ng mga Haram na bagay na alam natin at ating ginagawa ang mga ng wajib, mga obligasyon nating sa islam, hindi pa rin ito sapat. Mayroon pa tayong dalawang hakbang na tatahakin. Ang Pangatlong hakbang ay dapat nating siguraduhin na ang ating hangarin ay malinis at dalisay, na ito ay para lamang sa pagkalugod ng Allah sa atin. Hindi tayo gumagawa ng mga bagay upang gumanda ang ating reputasyon o di kaya’y upang 4
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com makita ng mga tao, o kahit na ano pang mga dahilan, bagkus ito ay dapat para sa pagkalugod ng Allah. Ang hakbang na ito ay pinaka mapanganib at pinaka nakatago. Ang isang tao maaring malinlang na siya ay gumagawa ng mga gawain ng mga Muslim ngunit pabaya siya sa kadalisayan ng kanyang mga layunin. Sa katotohanan, ang mga Muslim ay nahati sa tatlo tungkol sa isyu na ito. Ang dalawa ay nasa magkabilang dulo at ang isang grupo ay nasa gitna. Sa isang dulo, may mga Muslim na nag-iisip na ang Islam ay ang mga batas lamang, ang pagsa-Salah, ang pag-aayuno etc. Subalit, kanilang napabayaan ang kanilang mga puso at kadalisayan ng kanilang mga layunin. Kaya’t sila ay naging Muslim, mga Muslim sa anyo lamang. Sila ay ating makikita na mga tunay na Muslim subalit ang kanilang pagka-muslim ay mababaw at ito ay hindi matatagpuan sa kanilang mga puso. Sila ay sumasama lamang sa nakararami, o di kaya’y sila lamang ay naging mga Muslim dahil sila ay pinanganak mula sa Muslim na pamilya. Sa kabilang dulo naman, ay yaong mga sumagot lamang sa unang pangkat, at kanilang sinasabi na hindi namin kailangan ang mababaw na Islam, kailangan namin ang Islam sa kaibuturan ng aming puso at damdamin. Subalit sila nama’y tumungo sa kabilang dulo at sila ay naging mga mang-mang at pabaya sa kung ano ang kanilang tungkulin sa Islam. Sila ay lantad na nagsasabi, kahit na hindi ako manamit katulad ng papaano manamit ang isang Muslim o kahit na hindi ko makumpleto ang aking Salah, o kahit na ako ay nakakagawa ng Riba, ng Interest sa banko, subalit totoo na mahal ko ang Allah. Ang aking hijab ay nasa puso. Ang aking pagkamuslim ay nasa puso. Subalit ang magtatagumpay lamang ay ang nasa gitna, na hindi pabaya sa kanyang puso at layunin at hindi rin pabaya sa mga tungkulin nila sa Islam. May dahilan kung bakit inutos ng Allah ang Kanyang mga kautusan. Kailangan nating sundin ang mga utos ng Allah sa lahat ng detalye nito. Dapat ay para tayong gutom at uhaw na malaman kung ano pa ba ang mga ipinag-uutos ng Allah na hindi pa natin nagagampanan. Kailangan natin malaman kung ano ang mga patakaran ng Islam sa pagsamba, sa pakikipagkapwa, sa pamilya at sa mga bagay na mahalaga sa buhay natin. At the same time, kailangan din nating pag ingatan ang ating intensyon at ang kalagayan ng ating puso. At upang ipaalam sa atin ang kahalagan ng kadalisayan ng ating intensyon, sinabi ng Allah sa Qur’an, sa sooratul Hajj, sa panahon ng Hajj at sa araw ng Eid, na kung kailan tayo ay nagkakatay ng kambing:
﴾ﻨ ﹸﻜﻢﻯ ﻣﺘ ﹾﻘﻮﻪ ﺍﻟ ﺎﹸﻟﻳﻨ ﻦﻭﻟﹶـﻜ ﺎﺅﻫ ﺂﺩﻣ ﻭ ﹶﻻ ﺎﻣﻬ ﺤﻮ ﻪ ﹸﻟ ﺎ ﹶﻝ ﺍﻟﱠﻠﻳﻨ ﴿ﻟﹶﻦ Hindi ang kanilang laman o dugo ang nakakarating kay Allah, datapuwa’t ang inyong pananampalataya ang nakakarating sa Kanya. 22:37 Sa tingin ba natin ang mga laman at dugo ng ating kinakatay ay nakakarating kay Allah? Ang nakakarating kay Allah ay ang ating Taqwa, ang ating pagkahabag kay Allah, kung ano ang nasa ating puso, ang kadalisayan nito ay ang nakakarating kay Allah.
5
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com Subalit hindi pa rin tayo tapos mga kapatid. Kahit na iwasto na nating ang ating pananalita, at tayo ay tumutupad sa ating pangako, at ating nililinisan ang ating puso mula sa mga maruruming layunin at hangarin, hindi parin tayo tapos. Ang lahat ng iyon ay dapat naayon sa Sharee’ah ng Allah, ang Qur’an at Sunnah, sa lahat ng bagay na ating ginagawa. Sa Al Arba’een ni Imam An Nawawee,
): 4 3-0 3 MO #<ن ه<اB s'L rآ,L أ67B J Hindi kayo mabibilang na tunay na mananampalataya hangga’t ang inyong pagnanasa at kagustuhan ay susunod sa kung ano ang aking dinala (Ang Qur’an at Sunnah)3.
ﻣ ﹺﺮ ﻰ ﺍ ﱞﻻﻭﻟ ﻭﹸﺃ ﻮ ﹶﻝﺮﺳ ﻮﹾﺍ ﺍﻟﻴﻌﻭﹶﺃﻃ ﻪ ﻮﹾﺍ ﺍﻟﱠﻠﻴﻌﻮﹾﺍ ﹶﺃﻃﻣﻨ ﻦ ﺀَﺍ ﻳﺎ ﺍﱠﻟﺬﻳﻬـﹶﺄ﴿ﻳ ﻢ ﺘﻮ ﹺﻝ ﺇﹺﻥ ﻛﹸﻨﺮﺳ ﺍﻟﻪ ﻭ ﻩ ﹺﺇﻟﹶﻰ ﺍﻟﱠﻠ ﻭﺮﺩ ٍﺀ ﹶﻓﺷﻰ ﻰﻢ ﻓ ﺘﻋ ﺯ ﺎﺗﻨ ﻢ ﹶﻓﺈﹺﻥ ﻨ ﹸﻜﻣ ﴾ﻼ ﺗ ﹾﺄﻭﹺﻳ ﹰ ﻦ ﺴ ﺣ ﻭﹶﺃ ﺮ ﻴﺧ ﻚ ﻟﺧ ﹺﺮ ﺫ ﻮ ﹺﻡ ﺍ ﱞﻻ ﻴﺍﹾﻟﻪ ﻭ ﻮ ﹶﻥ ﺑﹺﺎﻟﱠﻠﻣﻨ ﺆ ﺗ O Kayong nagsisisampalataya! Sundin ninyo si Allah at sundin ang Sugo at sila (na mga Muslim) sa inyong lipon na may kapamahalaan. At kung kayo ay may pagkakahidwa hidwa sa anumang bagay sa pagitan ninyo, isangguni ninyo ito kay Allah at sa Kanyang Sugo, kung kayo at nananampalataya kay Allah at sa Huling Araw. Ito ang pinakamabuting paraan at may pinakamainam na kalalabasan. (4:59)
Binanggit ng Allah ang pagsunod sa Kanya at pagsunod sa Kanyang Sugo at sa mga may autoridad sa atin. Sa madaling sabi, tayo ay dapat sumunod sa mga kautusan na napapaloob sa Qur’an at Sunnah. Sa madaling sabi, tayo ay dapat sumunod sa mga kautusan napapaloob sa Sharee’ah, sa batas ng Allah. At ang pagsunod na ito ay ay pag-ganap sa pang-apat na pangangailangan sa ating tagumpay. Tayo ay dapat umaayon sa Shareeah ng Allah. Subalit maaring may mga bagay na hindi masyadong maliwanag sa atin o mahirap nating intindihin, kahit na nandyan ang Qur’an at Sunnah. Sa ganitong pagkakataon,
3
Ang Hadeet na ito ay Da’eef ayon kay Shaykh Naasiruddeen al Albaani. Subalit maaring gamitin ang da’eef na hadeeth sa pag papalakas ng Imaan. Basta hindi ito ginagamit sa isyu ng Haram at Halal at ang kahulugan o mensahe ng hadeeth ay naayon sa mga isyu na napatunayan na ng Qur’an at Sunnah, ito ay maaring gamitin ayon sa opinion ni Al Haafidh Ibn Hajr al Asqalaani.
6
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com tayo ay sumangguni sa kasabihan ng Propeta rH5) و+H> / اsHt, siya na nagsabi sa Sahih al Bukhari:
rA! / اsHt, mga nakakita sa kanya, naniwala sa kanya at namatay habang sila ay naniniwala. Ang mga tabi’een ay ang mga sumunod sa mga Sahabah, at ang mga atba’-at tabi’een ay yaong mga sumunod sa mga tabi’een. Tatlong salinlahi, tatlong henerasyon na pinuri ng Propeta rH5) و+H> / اsHt. Pagkatapos ng pang-huling mensahe ng Allah, ang Qur’an at kasama na ang Sunnah, ang pinakamainam na pinag mumulan ng batas islamiko ay ang pang-unawa, pamamaraan at paniniwala ng mga salinlahing ito na pinuri ng Propeta )+H> / اsHt rH5و. Ang tatlong henerasyon na ito, ang mga Sahabah, mga Tabi’een at mga atba’ at tabi’een ay ang the best na henerasyon ng kailanmang namuhay at naglakad sa ibabaw ng mundo. Sila ay may pinaka wastong pang unawa sa Islam, at sila din ang may pinaka wastong pag sasabuhay ng Islam. At kapag sila ay nag kasundo sa isang isyu, ito ay nagiging pinag mumulan ng batas islamiko na tinatawag sa wikang arabik na Ijma. At ikumpara natin ito sa ibang relihiyon katulad ng Kristiyanismo na kahit sino sino na lamang ang maaring mag bigay ng kanyang interpretasyon ng bibliya. Kaya’t ang lumalabas ay dumadami ang sekta nila, kanya kanyang interpretasyon ng bibliya. Subalit sa Islam, kung mayroon tayong di maintindihan sa Qur’an at sa Hadeeth, tayo ay sumangguni sa mga pang unawa at pagsasabuhay ng mga Sahabah, mga kasamahan ng Propeta rH5) و+H> / اsHt at mga sumunod sa kanilang yapak.
r+L<اب رO / إن ا#و$%&'53@ ،r0 وZ0 /ا$%&'5 ها وأZ0<
أ
<ل *************************************************** /<ل ا5 رsH> (?م0?ة وا0 واا/,-.0ا Isa sa mga naunang scholar ng pangawalawang henerasyon ng mga Muslim, mula sa tabi’een ay si al Hasan al Basri, isang waaidh, isang preacher na nagpapatulo ng luha sa bawat mata sa tuwing siya ay magsasalita at mangaral. At pagkatapos niyang mangaral sa mga tao, at siya ay nakauwi na sa kanyang bahay, kalimitan siya ay umiiyak at nanginginig sa takot, siya ay natatakot na ang kanyang salita ay hindi
7
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com naayon sa kanyang mga gawa. Si al Hasan al Basri, nag papa alala sa atin patungkol sa apat na pangangailangan ng tagumpay. Sinabi niya:
G-> وX+!
<ل وGMB J و،G- : J إX+!
<ل وGMB J و،X+*: J
<ل إGMB J ،/وا .X*(0 اX@<ا-: Jإ Sumusumpa ako sa Allah, na hindi matatanggap ang salita kung mali ang layunin, at hindi matatanggap ang salita at malinis na layunin kung ito ay hindi tinutupad at ginagawa, at ang salita, layunin, at gawa ay hindi matatanggap hangga’t ito ay hindi umaayon sa Sunnah. Si Fudayl ibn Iyaad ay nag salita din ng katulad ng binanggit natin: Sinabi niya tungkol sa sinabi ng Allah sa Sooratul Mulk:
?-> 6(L أrB أr<آHM+0 ة3+.0<ت وا-0 اHS ى0ا Siya, na gumawa ng kamatayan at buhay, upang kayo ay susubukan kung sino sa inyo ang may pinakamabuting gawa. Ang pinakamabuting gawa, ayon kay Fudayl ibn Iyaad ay:
):
303S 6B r0 و3:<اt ن3 و اذا آ،GMB r0 3:<اt 6B r0 و303S ن3 إذا آG- 0إن ا <اب إذا0 وا،G > و/ ن3 إذا آ030 ا.3:<اt و303S <نB s'L GMB r0 .X*(0 اsH> ن3آ Katotohanan ang isang gawain, kahit na malinis ang intensyon dito subalit hindi ito wasto ito ay hindi matatanggap. At kapag ito naman ay wasto subalit hindi malinis ang intensyon dito ay hindi din ito matatanggap. Dapat ito ay may malinis na intensyon at wasto upang ito ay matatanggap. Ang malinis na intensyon ay kapag ito ay para sa Allah, at ang wastong gawaing ay kapag ito ay naayon sa Sunnah.
،3<اهO 3*5<%! > اrAH0ا O Allah bigyan mo po ang aming mga sarili, ang aming kaluluwa ng Taqwa, ang pagka habag sa iyo. Ang pagsunod sa lahat ng iyong kagustuhan, at paglayo sa lahat ng iyong pinagbabawal.
8
PINOY ISLAM http://pinoyislam.googlepages.com
،3ه3 زآ67 $+S ! أ،3Aو زآ At Inyo pong linisan at Ikaw po ang pinaka mahusay na makakapaglinis nito.
?3: G3M0 ا3! و أر،)>3MO ا3*
وارز3L .0 ا3! أرrAH0 ا.ز3هJ<7 و3A+0أ! و .$*-0ء وا3.%0 ا6> sA*O ?ة0 إن ا،?ة0 اr
وأ.):3*' ا3*
وارز
9