CHAPTER 1 Masakit para sa kanya ang mawalan ng isang kaibigan na tulad ni Anica. Si Anica ay kababata ni Jasper. Grade school hanggang high school ay nagkasama sila sa isang paaralan. Sila ang madalas na mag partner sa lahat ng PROM na idinaraos sa kanilang paaralan. At ngayon ay college na sila ay pumuntang ibang bansa si Anica upang dun mag-aral. Sa airport “hoy, bestfriend wag mong kalimutang sumulat at tumawag saken huh at saka magiingat ka dun, balita maraming gwapo dun wag ka masyado magpadami ng boyfriend” tugon ni Jasper kay Anica “eto naman, opo manong tatawagan po kita kahit araw-araw pa diba alam mo naman I hate writing so much. Alam mo naman kung gaano katamad itong bestfriend mo. at isa pa pag-aaral pakay ko sa states hindi boyfriend hunting.:” sabay biro ni Anica sa kaibigan. “oh sige Bessie mauna na ako baka iiwan pa kami ng eroplanong sasakyan naming” pahabol ni Anica sa kaibigan at sabay siyan yumakap ditto.