Mapeh5q2week6.pptx

  • Uploaded by: ivy quirog
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mapeh5q2week6.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 934
  • Pages: 26
YUNIT 2: Araling Bilang 6: MELODIYA

Aralin 6: Melodiya

PANIMULA Ang tinataglay na pinakamataas na tono at pinakamababang tono ng isang awit o tugtugin ay binibigyang pansin upang malaman ang lawak ng tono na ginamit.

Gawin Natin Aawitin ang mga sumusunod na nota. Kung ang kamay ng guro ay nakabukas,aawitin ang nota ng mahaba at kapag ang kamay ng guro ay nakasara aawitin ang nota ng maikli. ma me mi mo mu ma me mi mo mu ma me mi mo mu

Gawain 2: Tonal Pagsanayan ang tono ng mga so-fa syllable. Gamitin ang mga Kodaly Hand Sign upang makita ang agwat o pagitan ng mga tunog. ( do – re ) ( do – la )

( do – mi ) ( do – so )

( do – fa ) ( do – do’ )

Balik-aral Ibigay ang interval ng mga sumusunod na nota.

Tandaan Ang pinakamataas at pinakamababang tono sa awit ay makikilala sa pamamagitan ng range ng pagitan ng tono

Repleksiyon Ano ang kahalagahan ng range ng tono sa pagpapahayag ng damdamin ng isang awitin?

Suriin ang mga note at tukuyin ang range ng pinakamataas at pinakamababang note. Isulat din kung malawak o maikli ang range ng pagitan ng bawat note.

YUNIT 2: Pagpipinta Araling Bilang 6: Kaibuturan sa Larawang Ipininta

ALAMIN Nagagawa ng mga pintor na maging malapit o malayo ang mga bagay sa kaniyang likhang sining sa pamamagitan ng espasyo. Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isang pintor, ang anyong mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng hugis ng mga bagay na kaniyang iginuhit. Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay naipakikita sa pamamagitan ng paglalagay ng foreground, middle ground, at background. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasang malalaki at pinakamalapit sa tumitingin. Ang bagay naman na sa background ay nasa likod at kadalasan na maliit. Ang middleground namay ay may katamtaman ang laki ng mga bagay na nasa pagitan ng foreground at background.

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Background (tanawing likdo)

Middle ground (tanawing gitna)

Foreground (tanawing harap)

GAWIN Pagguhit at Pagpinta ng larawan. Kagamitan: lapis, papel, water container, water color at brush 1.Pumili ng larawan mula sa makasaysayang lugar sa ating bansa. 2.Iguhit sa pamamagitan ng lapis.Isaalang alang sa pagguhit ang gamit ng foreground, middle ground at background. 3.Unahing iguhit ang hugit –tagpuan (horizon) at mga bagay na pinakamalaki at nasa harapan (foreground). 4.Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan. 5.Isawsaw ang brush sa water color at ipang-kulay. 6.Patuyuin 7.LInisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

TANDAAN Naikikita sa pagguhit at pagpinta ng makasaysayang tanawin sa ating bansa ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng paggamit ng foreground, middle ground at background.

SURIIN Magkaroon ng eksibit sa loob ng silid-aralan. Ipaskil ang iyong likhang sining. Panuto: Suriin ang mga likhang sining ng kamag-aral. 1. Anong ang makikita sa sa tanawin harap (foreground) sa likhang sining ng iyong kamag-aral? 2. Mayroon din ba siyang ginamit sa bahaging tanawing gitna (middle ground)? 3. Tukuyin ang tanawing likod (background) na ginamit sa bawat larawan.

ARALIN 6: Agawang Panyo

Ano ang ginagawa ng mga bata? Nagagawa mo na rin ba ito? Upang magawa ang mga ito, anong kakayahang pisikal ang kailangan mong sanayin? Ang layunin ng araling ito ay higit pang malinang ang mga gawaing nakapagpapaunlad ng kalusugang pisikal upang magkaroon ng sapat na liksi at bilis.

Ang bilis (speed) at liksi (agility) bilang mga kasanayan kaugnay ng mga sangkap ng fitness ay bibigyang pansin upang lubos na maunawaan ang kahalagahan nito sa paglalaro at paggawa ng mga pang araw-araw na Gawain

Simulan Natin Sa nakaraang aralin, natutuhan ninyo ang iba’t ibang pagsubok sa health-related at skill-related na mga sangkap ng fitness. Sa araling ito, mararanasan ninyo muli ang mga gawaing pisikal na magpapaunlad sa bilis (speed) at liksi (agility).

Gawain: Pagbalik-tanaw

Lagyan ng tsek ang kolum kung ang nabanggit ay madalas mong ginagawa. OO 1. Naranasan mo na bang maglaro ng habulan at pagtakbo ng paekis-ekis?

2. Ikaw ba’y nakipaglaro na sa iyong mga kapatid at magulang?

3. Madalas ka bang maglaro ng luksong lubid, patintero at tumbang preso?

4. Nasisiyahan ka ba habang nakikipaglaro sa iyong mga kaibigan?

5. Nakatutulong ba sa paglinang ng physical fitness ang paglalaro?

HINDI

Ang mga larong relay na may kasamang pagdampot ng bagay ay ilan sa mga larong nagpapaunlad ng kasanayan sa bilis at liksi. Naranasan mo na bang maagawan ng isang bagay? Ano ang unang naging reaksyon mo? Ano ang ginawa mo?

Sa araling ito, isasagawa ninyo ang larong may kaugnayan sa pag-agaw o pagdampot ng isang bagay. Masusubok sa larong ito ang inyong bilis at liksi sa pagdampot o pagagaw ng isang bagay.

Pamamaraan: 1. Bumuo ng dalawang grupo na may lima o higit pang kasapi. 2. Bigyan ng bilang ang bawat manlalaro ng bawat pangkat at pumila ayon sa pagkakasunod- sunod ng bilang. 3. Pumila nang magkaharap ang magkabilang panig na magkatapat ang bawat bilang na iniatas. 4. Ang guro ang hahawak ng panyo at tatawag sa numero. 5. Sa hudyat ng guro, tatakbo sa gitna ang manlalaro, lalapit sa hinahawakang panyo at dadamputin o aagawin ang panyo at babalik sa puwesto. 6. Siguraduhing hindi mataya ng kalaban upang makapuntos ang grupo.

Sa paglahok sa mga larong may agawan ng mga bagay, dapat maging maliksi at mabilis ang iyong mga paa at kamay. Kailangan ding masanay ang iyong katawan sa wastong paninimbang habang nagbabago-bago ang direksiyon at bilis ng pagkilos.

THANK YOU ! GARY V. VIDAL LANTIC E/S CARMONA

More Documents from "ivy quirog"

Ippd2017.docx
June 2020 3
Mapeh5q2week6.pptx
June 2020 4
Geography Quiz.docx
June 2020 3
Math 7 Activity 2.docx
June 2020 12
May 2020 27