MAKROEKONOMIKS
PAMAHALAAN
EKONOMIYA
MANGGAGAWA
NEGOSYANTE
Ano ang kaugnayan ng pamahalaan, manggagawa at negosyante sa ating ekonomiya? Ang tatlo bang nabanggit ay may pagkakaugnay sa isa’t isa? Paano?
PRODUKSYON – pagsasamasama ng mga salik upang gamitin sa paglikha ng produkto at serbisyo na makatutugon sa pangangailangan ng tao.
LUPA – hindi mapapalitang yaman ng bansa MANGGAGAWA o LAKAS-PAGGAWA – nagtataglay ng lakas at talino KAPITAL – materyal na gawang-tao ENTREPRENYUR – Kapitan ng Industriya (nagtataglay ng lakas ng
loob, talino, kakayahan at pamumuhunan para sa isang negosyo)
ESPESYAL NA PUHUNAN – ginagamit sa isang tanging layunin at gawain PIRMIHAN o MATAGALANG PUHUNAN – magagamit sa mahabang panahon at paulit-ulit INIIKOT na PUHUNAN – maaaring gamitin ng isang ulit lamang
MALAYANG
PUHUNAN – ginagamit sa pagbuo pa ng ibang produkto. PAIKOT na DALOY ng PRODUKTO at SERBISYO – payak na paglalarawan ng ekonomiya ng bansa (2 sectors – sambahayan, kompanya)
Pagkuwenta o pagsukat ng GNP – mababatid ang kabuuang produksyon ng ekonomiya PARAAN ng PAGSUKAT ng GNP: 1. Factor Income Approach – may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing kita ang bawat salik ng produksyon. Ito ay ang mga sumusunod:
a. upa o renta sa lupa b. sahod ng manggagawa c. interes sa kapitalista d. tubo sa entrprenyur * kapag pinagsama nakukuha ang pambansang kita o national income * Ang pag-alam ng national income ay mahalagang sangkap sa pagtukoy ng GNP.
Kabayarang o kita ng mga empleyado at Manggagawa (KEM) * benepisyo * komisyon *allowances (COLA, PERA, Clothing & Transportation Allowances) *non-monetary benefits
*sahod o bayad na naaayon sa kontrata ng manggagawa at suweldo ng mga empleyado na tinatanggap sa takdang araw ay kabilang sa kompensasyon ng empleyado at manggagawa Kita ng Entreprenyur at ng mga Ari-arian (KEA) – kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o suweldo. Ito ang kita ng isang entreprenyur bilang salik ng produksyon.
Dito rin nabibilang ang mga dibidendo na kabayaran sa ariarian. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) – Anumang kita na tinatanggap ng isang kompanya at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo. Kita ng Pamahalaan (KP) – Lahat ng kita na tinatanggap ng pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng mga kosporasyon na pag-aari ng gobyerno, at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan
NI = KEM + KEA + KK + KP
Upang masukat ang GNP, dapat na isama ang ilang gastos sa paglikha ng produkto at serbisyo tulad ng: 1. CCA – Capital Consumption Allowances o iyong tinatawag na depresasyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina at gusali kung ang mga ito ay untiunting nasisira at naluluma.
2. IBT – Indirect Business Taxes. Di-tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidi na ibinibigay ng pamahalaan. Sa kabuuan, ang GNP ay masusukat sa pamamagitan ng NI + IBT + CCA = GNP kung ang NI ay 197 milyong piso, IBT = 5 M piso at CCA = 12 M piso, ang GNP ay nagkakahalaga ng 214 milyong piso.
2. FINAL EXPENDITURE APPROACH Ang mga sektor ng ekonomiya tulad ng sambahayan, pamahalaan, kompanya at panlabas (dayuhan) may kani-kanilang pinagkakagastusan na mahalaga sa pagtantya ng GNP ng bansa. 1. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad ng mga empleyado ng pamahalaan tulad ng manggagamot, nars, guro, clerk, senador, konggresista
mga hukom at hanggang sa may pinakamataas na katungkulan sa gobyerno; paggastos sa mga imprastraktura tulad ng tulay, kalsada, gusali at iba pa; ang gastos sa bawat paglalakbay ng pangulo ng bansa at marami pang iba ay kabilang sa gastusin ng gobyerno. 2. Gastusin ng Personal na Sektor (P) Ito ang mga pinagkakagastusan ng
sambahayan mula sa pagkain, damit, tirahan, hanggang sa mga luho ng katawan tulad ng alahas, appliances at marami pang iba. 3. Gastusin ng Kompanya (K) – Ang pagkonsumo ng mgg negosyante sa mga fixed capital tulad ng makinarya, gusali at mga kagamitang pang-opisina, mga istak o change in stocks, mga imbentaryo at mga binibiling lupa at bahay bilang earning assets ay kabilang dito.
4. Gastusin sa Panlabas na Sektor o Export (X) – Dito nakapaloob ang pagluluwas o export ng mga produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o Import ng mga produkto mula sa ibang bansa. Upang malaman ang gastusin sa panlabas na sektor, ibinabawas ang gastos sa export at gastos sa import, positibo kapag mas malaki ang export kaysa sa import at negatibo kapag mas malaki ang import kaysa sa export.
5. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – Ito ang nagpapakita ng diperensya ng kita ng Pilipino sa ibang bansa bilang salik ng produksyon at ng kita ng mga dayuhang salik ng produksyon dito sa loob ng bansa. Positibo pag mas malaki ang kinita ng mga Pilipino sa ibang bansa ngunit negatibo pag mas malaki ang kita ng mga dayuhan.
6. Statistical Discrepancy (SD) – Ito ay ang pagkakaroon ng labis o kulang sa pagsukat ng GNP. Ang nasabing kakulangan o kalabisan ay hindi malaman kung saan dapat isama kaya ito ay nagsisilbing discrepancy sa pagkuwenta. Kapag ang lahat ng nasabing gastos ng bawat sektor ay pinagsama-sama makukuha ang GNP.
GNP = G + P + K + (X - M) + NFIFA + SD halimbawa: P = 120 m piso G = 30 M K = 59 M M = 20 M X = 27 M NFIFA = -5 M SD = 3 M gnp = 214 M
3. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH Tinatawag din itong Value Added Approach kung saan kinukuwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa. Ang anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga
produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa loob ng bansa o GDP. Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang alamin ang GDP at saka idagdag ang net factor income from abroad. Kapag tinantya ang dagdag na halaga ng salik na ginamit ng mga sektor ay nakukuha ang tinatawag na Gross Domestic Product at kapag isinama ang NFIFA ay makukuha ang Gross National Product.
ito ay nagpapakita ng relasyon ng pagkonsumo sa kita * Sa isang payak na ekonomiya ang pagkonsumo ng sambahayan ay depende sa tinatanggap na kita. * Kapag malaki ang kita, malaki rin ang gastos sa pagkonsumo… kapag maliit ang kita, maliit din ang ginagastos sa konsumo
pagbabago ng populasyon laki ng pamilya edad panlasa hanapbuhay
PERSONAL INCOME – kabuuang kita na tinatanggap ng tao at disposable personal income o kita na handang gastusin o ikonsumo ng mga produkto at serbisyo.
pagbabago ng pagkonsumo sa bawat pagbabago ng kita * habang maliit ang kita ng tao ay maliit din ang magiging pagbabago sa kanyang pagkonsumo. * kapag ang disposable personal income ay tumaas, ang kabuuang pagkonsumo ay tataas din ngunit mas mababa kaysa pagtaas ng kita
tumutukoy sa relasyon ng pagkonsumo ng tao sa bawat porsyento ng kabuuang kita. ito ang nagpapaliwanag kung gaano ang ilalaan sa pagkonsumo ng sambahayan sa bawat kita na tatanggapin nito.
relasyon ng pag-iimpok sa kita na tinatanggap ng sambahayan. Batay sa paikot na daloy ng produkto at serbisyo, ang sambahayan ay nagiimpok ng ilang bahagi ng kanilang kita. Kapag ginamit ang pormula na Kita (Y) – Pagkonsumo (C) ay makukuha ang pag-iimpok (S)
Net domestic savings – pagsasama-sama ng talong sektor, sambahayan, kompanya, at ang pamahalaan. * Pag-iimpok – anumang kita na hindi ginastos. Lahat ng sektor ay nagkakaroon ng pag-iimpok ng kita, sambahayan, kompanya at ang pamahalaan ay nagtatabi rin ng ilang bahagi ng kanilang kita.
http://lbreport.com/news/oct03/strike3.htm
pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang mga suliranin na nagbunsod sa pagkakaroon ng mataas na presyo
1. Demand Pull – nagaganap kapag ang pagnanais ng mga sektor na makabili ng produkto at serbisyo ay mas marami kaysa sa kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis ang aggregate demand kaysa sa aggregate supply.
Kabuuang dami ng gastusin ng konsyumer, kompanya, at pamahalaan
Aggregate demand =
Dami ng produkto na gagawin at ipamamahagi ng mga mangangalakal
Aggregate supply
Demand pull inflation
Ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi na nasa sirkulasyon o money supply ang isang dahilan kung bakit nagagawa ng bawat sektor na pataasin ang kanilang demand. Ang pagkakaroon ng mataas na kita o labis na salapi ang nagbibigay-daan na kumunsumo ng maraming produkto at serbisyo ang tao.
Bunga nito ang demand ang siyang humihila sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Habang patuloy tayong bumibili ng maraming produkto dahil sobra ang ating salapi, ang presyo ng mga ito ay patuloy na tumataas. Kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin, yon dahil sa pagtaas ng demand ng mga tao ng pagkonsumo.
2. Cost Push – ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang mga sahod ng mga manggagawa, pagbili ng mga hilaw na materyales at makinarya at paghahangad ng malaking tubo ang mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kapag ang bawat salik ng produksyon ay nagtaas ng kanilang kabayaran.
“ Ang mga UNYON ang nagdudulot ng IMPLASYON”. “ Ang IMPLASYON ang dahilan ng paglitaw ng mga unyon”.
3. Structural Inflation – ang pinagmumulan ng implasyon ay ang kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na maiayon ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng ng kabuuang demand ng ekonomiya, pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang kita ng bansa at tunggalian ng mga wage-earners at profit earners.
IMPLASYON
mga gastos sa militar
Monopolyo/ kartel
import dependent
export orientation
malaking utang panlabas
Mataas na presyo Mataas na pasahod
Maraming negosyo Maraming manggagawa
Mga mangungutang Mga speculators Mga taong hindi tiyak ang kita
Mga
taong may tiyak na kita Nagpapautang Nag-iimpok