“Huwag mong tangisan ang kamatayan ng isang Pilipino sa dibdib ng niyebe” Ni:Domingo G. Landicho
Tanong: 1. 2. 3. 4. 5.
Pagkilatis o pagdama sa katangian ng tauhan. Pagbibigay ng sariling kuro-kuro o opinyon. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan. pagbibigay pa ng iba pang pamagat na akma sa kwento o talata.
PALIWANAG/KASAGUTAN:
1.TAUHAN: Ismael- Ang ama na ang nais lamang gawin ay para sa kabutihan ng kanyang anak. Carolina- ang mapagmahal na ina at asawa. Marlo- ang kaisa-isang anak nina Ismael at Carolina. Sandra- Isang banyaga; kasintahan ni Marlo 2. Ang opinyon ko sa kwento ay naging napakabuting ama ni ismael sa kanyang anak. Para sakin, hindi naging mali ang pagpapalaki ng mag-asawa sa kanilang anak na si marlo sapagkat inisip lamang nila ang magiging kinabukasan nito at ng kanilang pamilya. Tama lang ang naging pasya ni ismael na habang hindi pa huli ang lahat ay makakilala o mamulat si marlo sa tunay niyang pinanggalingan o pinagmulan ang pagiging isang tunay na Pilipino.Ngunit sa kabila ng
lahat pinanindigan parin ni marlo ang kinalakihan ang pagiging isang banyaga.
kultura
ng
kanyang
3. Ang maaring solusyon o kalutasan lamang nito ay ang pag-uwi nila sa sariling bansa o pilipinas at talikuran lahat ng kaugaliang banyaga na kanilang kinalakihan o nakasanayan bagkus magsimula muli sa simple at tahimik na pamumuhay sa sariling bansa dito sa pilipinas at sundin ang kulturang Pilipino.
4. Ang pagka Pilipino ay nasususkat at naipapakita sa kilos o ginagawa,mga paniniwala at ipinaglalaban.Tayo ay may kani-kaniyang lahi tayo ay nabibilang sa lahing pilipinona kinakailangan nating sundin at kilalanin ang ating sariling kultura.Ang pagiging maka banyaga ay hindi nararapat sapagkat tayo ay hindi nabibilang sa kanilang lahi.Ano pa man ang ating kinalakihan,kinagisnan at nakasanayan hindi parin nararapat na talikuran ang pagiging isang Pilipino sapagkat ito ang ating lahi na kailan man ay hindi na mabubura at mababago.
5. “Dugong Pilipino,kilos banyaga” Ang pamagat na ito ay nangangahulugan ng pagkabanyga ng isang tunay na Pilipino, tayo nga ay isang Pilipino ngunit an ating ugali at kilos ay banyaga sapagkat marahil ito ang ating kinamulatan at kinalakihan.
(1) PROYEKTO SA SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN
BELLEZA,JAEL G. COLLADO BS PHARMACY SCHEDULE: TTH 7:00am-9:30am
MRS.