Panahong Hellenic (800- 338 B.C.E)
Ang kabihasnang Greek ang una sa napatanyag na kabihasnang klasikal. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo at barley Liko-liko ang baybaying- dagat ng Greece at marami itong magagandang daungan. Mangingisda at mangangalakal sa karagatan ang mga Greek. Umangkat ang Greece ng butil-pagkain mula sa Egypt at Italy; prutas mula sa Phoenicia at Sicily; tanso mula sa Cyprus; glassware mula sa Egypt; dye mula sa Phoenecia; at ivory mula sa Africa.
Hellenes- tawag ng Greek sa kanilang sarili Hellas- tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece
Ang hudyat ng simula ng pamamayagpag ng Greece ay ang unang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal sa kanilang diyos na si ZEUS. Ang paligsahan ng laro ay tinayang unang naganap noong 776 B.C.E sa OLYMPIA at ipinagpatuloy tuwing apat na taon sa loob ng 1170 taon. Mga lalaki ang pawing manlalaro at hubad bilang pagpupugay o selebrasyon ng kagandahan ng katawan ng tao. Ang sinaunang Olympics ng mga Greek ang nagsilbing inspirasyon sa makabagong OLYMPIC GAMES na nagsimula noong 1896.
Polis- tawag sa mga unang pamayanan sa Greece -
Lungsod- estado o city state Malaya at may sariling pamahalaan at ang pamumuhay ng mga tao rito ay naka sentro sa isang lungsod.